<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, November 19, 2007

Dennis Trillo, di napanindigan si Cristine — Ara Mina

MAG-GIVE in kaya sa pressure ang aktor na si Dennis Trillo ngayong nagsalita na ang dalawa sa tatlong babaing sangkot sa mainit na kontrobersyang kinapapalooban niya?

Pareho nang nagpa-interview kahapon sina Ara Mina, nakatatandang kapatid ni Cristine, at Carlene Aguilar, ina naman ng panganay ni Dennis na si Calix Andreas, sa Showbiz Central at The Buzz, respectively.

Dahil nga first time nagsalita mula nang pumutok ang “bulong” at panunugod issue sa pagitan nila ni Cristine, naging revealing ang panayam ni Carlene sa The Buzz, dahil inamin niyang choice nila ni Dennis ang pagtatagong ginawa niya sa Amerika para protektahan ang career ng actor.

Wala rin daw sa plano ang naging pagbubuntis niya.

Inamin din ni Carlene limang taon ang naging relasyon nila mula 2002, na bigla lamang lumabo at pinipilit sanang ayusin nang umentra si Cristine.

Nalulungkot daw si Carlene dahil hindi niya akalaing ang isang bagay o usaping dapat sana’y sa kanilang tatlo lang nina Dennis at Cristine ay sumabog at pinagpistahan pa ng media.

Ang reaksyon niya sa ginawang paglalabas ni Cristine ng mga diumano’y masasamang text message niya ay “sana, ilabas na nila ang lahat-lahat.”

In fairness daw to Dennis, nag-apologize naman ito sa kanya at sa kanyang pamilya matapos ang “engkuwentro” nila ni Cristine at ang pagsasampa nito ng kasong grave slander at oral defamation laban sa kanya.

Okay na raw sa kanya ’yon, although minsan, feeling niya’y wala ngang nagtatanggol sa kanya.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung mahal pa niya si Dennis at kung handa pa siyang ipaglaban ito, sagot ni Carlene, “Enough na and he knows that.”

Ginawa na raw niya ang lahat para protektahan ang career ni Dennis. Ngayon, ginawa rin niya ang mga ginawa niya para ipaglaban ang karapatan ni Calix na magkaroon ng isang buong pamilya.

Kaya, pakiusap niya kay Dennis, mahalin ang anak nila at maging good example sa bata.

As for Ara, sinabi nitong naiintindihan niya ang isang inang tulad ni Carlene. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paraang ginamit nito sa pakikiharap kay Cristine.

Nilinaw din niya na binigyan ni Cristine ng time sina Dennis at Carlene na ayusin ang kung anumang dapat nilang ayusin, dahil nagkakausap naman daw ang dalawang babae nu’ng nasa Tate pa ang beauty queen.

Kulang na lang aminin ni Ara na mag-boyfriend na nga sina Dennis at Cristine nang sabihin sa pagkakaalam niya’y nagkakaunawaan na ang dalawa. [source of news]

Labels:

1 Comments:

Blogger anabelle said...

tigilan nyo na si dennis ...okey kahit anong gawin nyo papabol parin sya

8:56 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites