<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 30, 2007

Iwa Moto replaces Cristine Reyes

SI Iwa Moto na nga ba ang papalit kay Cristine Reyes sa role na tinanggihan ng huli sa Joaquin Bordado ni Robin Padilla? As it is, the StarStruck 3 First Princess is ‘in’ for the role, pero tila ayaw pang pag-usapan ito ni Iwa dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang GMA Artist Center (GMA-AC, headed by Ida Ynares) tungkol sa bagay na ito.

Hindi pa raw ito ang ta-mang panahon para pag-usapan kung sa kanya nga ipagkakaloob ng GMA ang role na inayawan ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Although, may konting hint na raw siya dahil may nagsabi na raw sa kanya.

“Kasali raw po ako,” ani Iwa nang makausap na-min. “Pero hindi ko pa alam eh. Wala pa pong definite. Ayoko pang magbigay ng statement na kasali na talaga ako. Gusto ko manggaling sa kanila. Mahirap na, di ba? Pero ‘yun din ang alam ko. ‘Yun din ‘yung sinabi sa akin na kasali nga raw ako.

Pero sabi ni Iwa, saka-ling i-offer sa kanya ang role ay hinding-hindi raw niya tatanggihan ito.

“Tatanggapin ko,” mabilis na sagot ng aktres. “Trabaho ‘yun eh. Medyo offbeat ‘yung role ko. Ang alam ko, medyo bitch ‘yung role na gagampanan ko. May pagka-pokpok ‘yung papel. Na parang nagtatrabaho sa club. Na hindi ata kayang gawin ni Cristine, eh, alam mo naman ‘yan si Cristine.

“Kahit nagpapa-sexy pero tame pa rin siya. Actually, hindi ko pa alam talaga ‘yung role. Pero siyempre, sana makasali. Sino ba ang aayaw sa trabaho, di ba? Basta, work, tanggap lang nang tanggap. At saka Robin Padilla ‘yan.

Sa ngayon, kuntento na raw si Iwa sa takbo ng kanyang showbiz career. Naglalagare siya sa dala-wang show sa GMA, ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, with Dennis Trillo, Aljur Ab-renica at Marky Cielo, at Nuts Entertainment ka-sama niya sa gag show sina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs. [source of news]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites