<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 27, 2007

Iza Calzado sa pelikulang Batanes

Dalawa ang love scenes ni Iza Calzado sa pelikulang Batanes. Ang isa ay sa gumaganap na asawa niyang Ivatan na si Joem Bascon at ang isa ay sa mangingisdang Taiwanese na napadpad sa isla ng Batanes ni Ken Chu (ng F4).

"Parang ‘yung dalawang leading men ko sa movie, kabado pareho sa love scene namin. Actually, kay Joem, I felt na kailangang alalayan ko siya sa eksena.

"Kay Ken, ang kaba ko roon eh, ‘Shucks! Kailangang magkonek talaga kami!’ At kinakabahan din ako, kasi first love scene niya yata ‘yon. So, baka mamaya, habulin ako ng fans niya at awayin ako! Trabaho lang po! Ha! Ha! Ha!

"Okey naman ‘yung parehong love scene. ‘Yung kay Joem, mas gentle. Dapat kasi, very innocent dahil taga-Batanes siya. Si Ken, married na. Pareho na silang may karanasan nu’ng karakter kong si Pam, kaya iba rin ‘yung love scene namin.

"Ang hirap i-describe, eh! Mas maganda kung panoorin n’yo na lang," nakangiting bulalas ni Iza.

Hindi pa nakikipag-love scene si Ken sa TV at maging sa dalawang pelikulang nagawa niya (The Tokyo Trial, Sky of Love) kaya ang gusto raw ng manager nito ay mukha lang ni Ken ang iku-close-up ng kamera at walang katawan na ipakikita.

Nagpaliwanag si Direk Adolf Alix na walang love scene na puro mukha lang. Nadaan sa pakiusap ang manager kaya ang ending ay pumayag si Ken na magpakita ng hubad niyang likuran sa pelikula.

Nasarapan daw si Ken… hindi sa love scene nila ni Iza kundi sa Chocnut na paboritong ipamigay ni Iza sa set nila. Madali raw kasing magpabili roon ng nasabing tsokolate kaya madalas magpabili si Iza para ipamigay sa lahat.

Nu’ng bumalik ng Taiwan si Ken ay pinabaunan ni Iza ang buong entourage nito ng Chocnut. At pagbalik dito ni Ken para sa additional shooting days nila sa Batangas ay ang dami nitong pasalubong na mga Taiwanese goodies para sa cast and crew.

"Sa akin, puro pagkain ang binigay niya. Like what Ken said, we both love to eat. Sabi niya sa akin, I make him look good daw, kasi ang takaw ko.

"Kung anu-ano ang pinagkakakain ko. Buti na lang, mas malakas pa rin siyang kumain kesa sa akin!" natatawang sey ni Iza. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites