<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 28, 2007

Katrina tinalbugan ni Iwa Moto sa FHM

EXCITED ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto habang nagkukuwento sa amin tungkol sa katatapos niyang photo shoot para sa FHM Singapore. Ginawa raw ang pictorial ni Iwa dito sa ‘Pinas nitong nagdaang linggo lang.

Kuntento naman daw ang dating “pasaway” na aktres sa kinalabasan ng kanyang photo shoot sa naturang men’s magazine. Mismong ang editor-in-chief daw ng FHM Singapore ang nangasiwa sa pictorial kaya tuwang-tuwa raw siya lalo na sa magandang tratong ibinigay daw sa kanya ng staff. Although, sabi ni Iwa, karamihan sa nakasama niya sa pictorial ay mga Pinoy na dati na raw niyang nakatrabaho.

Sa kuwento pa ni Iwa, ilalabas daw ang naturang pictorial sa January 2008 sa Singapore. Nanghihina-yang lang daw siya dahil hindi ito mababasa o ma-kikita ng mga fans niya sa ‘Pinas pero she’s hoping na magkaroon siya ng kopya at maipakita at maipagmalaki niya raw ito sa kanyang mga kaibigan.

Feeling honored daw ang dalaga sa pagkakapili sa kanya ng FHM Singapore.

“Sobrang honored ako. Imagine sa dinami-raming puwedeng pagpilian at kunin, ako ‘yung napili nila. May Katrina Halili, di ba? So it’s really an honor. Kumbaga, go na pero depende pa rin. “Tiningnan ko muna ‘yung peg, eh. As of now, hindi ko pa kasi kayang mag-pose nang sobrang daring and sexy. Kaya nu’ng makita ko ‘yung peg, nagandahan ako,” lahad pa ng aktres ng Zaido: Pulis Pangkalawakan at Nuts Entertainment ng GMA Network.

Naging cover girl na rin siya ng FHM Philippines pero naiiba raw ang FHM Singapore sa pagha-handle ng pictorial.

“Basta iba sila. Kasi mas tame sila. Parang may restrictions yata ang government nila pagdating sa mga pagkukuha ng pictures na ilalabas nila for public consumptions. Kaya hayun, simple lang ang mga kuha.

“May isa kaming kinunan na naka-two piece ako pero nakasuot ako ng jacket. May isang naka-lingerie ako, naka-panty lang pero may leggings naman ako. Mga ganu’n, sobrang tame lang ng mga shoot.

“Na-shocked nga ako, sabi ko, okay lang kayo, ito lang talaga ipapasuot ninyo sa akin? Pero ang ganda ng mga kuha. Kaya happy ako,” lahad pa ni Iwa.

Kahit daw siya nagpapa-sexy, may mga limitasyon pa rin daw siya pagdating sa pagpu-pose katulad ng ginawa niya sa FHM Singapore.

“Sa akin kasi as of now, nagpapa-sexy ako pero at the same time gusto ko ‘yung kaya ko pa lang. Sexy lang pero hindi ‘yung bulgar na.

“’Yung sexy poses naman puwedeng expression ng mukha, the way you project. Although, I can do two-piece na. Like ‘yung calendar ko, naka-2-piece na ako. Baka lumalabas na ‘yung this week or a week after this week.

“Ayoko nu’ng masyadong bukaka. Ayoko ‘yung makikita ‘yung singit ko. Cleavage? Puwedeng ilabas pero depende pa rin. Hanggang pagpapakita lang ng cleavage.

“At masasabi kong maganda siya pero hindi siya bastos. Tipong ayokong makarinig na, ‘Ang bastos naman ng picture niya!” say pa ng dalaga. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites