<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 27, 2007

Mark Herras nagalit kay Chuck Allie

Aminado si Mark Herras na hindi pa sila nagkaayos ni Chuck Allie, Starstruck Avenger na tumigil sa pag-artista.

Hindi raw totoong siya ang dahilan kaya tumigil sa pag-artista si Chuck.

Ang pag-aaral ang dahilan kaya tumigil ito. Gustong pagbigyan ni Chuck ang hiling ng ama na makapagtapos ng pag-aaral.

Mabigat ang dahilan ng away nila. Nilinaw ni Mark na hindi babae ang kanilang pinag-awayan.

Hanggang ngayon ay hindi pa matanggap ni Mark ang ibinibintang sa kanya ni Chuck.

Sa opening ng Flawless Forever sa SM Muntinlupa nu’ng Linggo, naikuwento sa akin ni Mark kung ano ang ikinagalit niya kay Chuck. Hindi ko siya masisisi na magalit sa huli.

Pero tingin ni Mark, maaayos din iyun sakaling magkita sila uli at mag-sorry at bawiin nito ang mga sinabi laban sa kanya.

Sa December 1 ay aalis si Mark patungong Japan kasama si Jennylyn Mercado.

Sandali lang daw sila roon para mag-show. Natutuwa raw sila dahil ang loveteam pa rin daw nila ni Jennylyn ang hinahanap ng mga fans.

Tanggap ni Mark na hindi pangmatagalan ang loveteam nila ni Jennylyn kundi matatapos din ito, lalo na’t hindi na gagawin ni Jennylyn ang Joaquin Bordado.

Sakaling mabuwag na ang kanilang loveteam, maaring bahagi na raw ito ng pag-mature ng kanilang career.

Si Jennylyn ay umaasang magkaroon pa rin sila ng project ni Mark dahil marami pa rin daw sa fans nila ang umaasang magkakasama sila uli.

Kasama si Mark sa MMFF 2007 entry na Bahay Kubo, at may b-day concert siyang B.A.D. (Bump And Dance) sa Disyembre 14 sa Music Museum. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites