<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 21, 2007

Pagkatsugi sa Dos, halos ikamatay ni Mel

Naintriga kasi ang mga ito sa sinambit na, “Serbisyong totoo lang at wala kaming kinikilingan” habang tinatanggap ang karangalan.

Inisip ng mga reporter na may pinatatamaan si Mel dahil halos magkakatabi lang sila ng upuan ng executives ng Dos, isa na rito si Charo Santos-Concio, na pinagkalooban naman ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

“No!” tili ni Mel. “Sinabi ko ’yun bilang pasasalamat sa GMA-7 na nagbigay sa akin ng pagkakataon matapos akong mawala sa Dos.

“Gusto ko kasing ipaabot sa Siyete ang taos-puso kong pasasalamat sa pagkanlong nila sa akin. Kayo talaga.

“Kayong mga nagsusulat sa tabloid o broadsheet, dapat nating mahalin ang ating trabaho. Magsulat ng totoo lamang at hindi ’yung gumagawa ng istoryang hindi naman totoo,” say pa ni Mel.

Sa pakikipagtsikahan namin sa kanya, naungkat ang tunay na damdamin niya nu’ng tanggalin sa ABS-CBN.

Nakalimutan na ba niya ito o hanggang ngayo’y masama pa rin ang loob niya?

“Aaminin kong nasaktan ako. Mahirap kalimutan ang nangyari sa akin. Nagkasakit ako. Inatake sa puso. Muntik ko na siyang ikamatay,” pagtatapat ni Mel.

“Nandito (sabay turo sa dibdib) pa rin ’yun. Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA-7. Kung hindi nila ako binigyan ng pagkakataon, wala na ako sa harap n’yo ngayon, at sa mga taong naniniwala pa rin sa akin.”

* * *
KAY Mel pa rin… gusto lang po naming klaruhin ang lumabas na item dito sa Hot Shots na Mel, tanggap ang pagkatsugi ng MKM.

Hindi po masaya si Mel na matsutsugi na ang drama anthology na napapanood every Thursday sa GMA-7.

Ang punto lang ng associate producer niyang si Jojo Aleta, kung totoong mawawala na ang MKM, ’di sila masasaktan dahil may napatunayan na sila sa loob ng limang taong pamamayagpag sa television.

Ang MKM lang ang nakapagpatumba sa walang tumatalong show ni Charo na Maalaala Mo Kaya.

Ikalawa, wala na silang dapat patunayan pa dahil naabot na nila ang gustong ma-achieve. At ikatlo, marami pa silang nakalinyang istorya para sa MKM, na aabot hanggang December. [source of news]

Labels:

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

parang recall ko mayabang pa nilang pinangangalandakan ang pamamaalam nila n jay sonza sa abs-cbn. pansin ko nga non, c mel masayang-masay pero c jay sonza, hindi. sumikat kc ang kanilang tambalang mel & jay bcoz of abs-cbn. at pagkakaalam ko, me policy non na inilabas na bawal clang magkaroon ng ads sa tv kc nga media personalities cla. naging pasaway kc yang c mel tiangco. d sya sumunod sa company policy. pero balitang nanalo sya sa kaso nya regarding her issue; siguro yon ang pinaghirap ng kalooban nya. pero may makikilala bang mel tiangco kung di sya binigyan ng break ng tv patrol? move on ms. tiangco, move on!

10:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

mas maganda ang mga stories featured sa maalala mo kaya kaysa sa magpakailanman. nakakaantig ng puso yung mga istorya sa una kahit na noon pa mang wala ang magpakailanman. di ba ngat ang dami ng hinakot na awards ng show ni ms. charo locally & foreign? so condolence sa pagkakatsugi sa show ni ms. mel. you simply can't have the best of both worlds ika nga.

10:59 AM  
Anonymous Anonymous said...

yo, wer are my comments? ako na nga lang nagko-comment, di pa lumalabas. what's wrong with them? i was not being impolite. i spoke the truth as far as i know it coz i happen to be ms. mel tiangco's former fan. i got hurt also when her show is no longer in abs-cbn. but being a kapamilya, i decided to move on too. i accepted that fact that she sought relief from the other network. good for her & the rest who left. good too for those left behind. they cant be all in one roof.

12:03 PM  
Blogger anabelle said...

kay mel parin kami .....salamat sa GMA7 mabait talaga ang station na ito...

8:54 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites