<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 30, 2007

Resiklo movie

Ang pelikulang Resiklo ay binubuo ng mga artista ng GMA 7 at ABS-CBN 2.

Sinadya ito ng mga producers para mag-bonding ang mga artista ng magkabilang network at para makapag-promote sila sa dalawang higanteng network.

Hindi pa yata alam ng Imus Production na sa GMA 7 na lalabas si Michelle Madrigal under her new manager na si Annabelle Rama.

Gaya ng naipangako ni Senador Bong Revilla, kapag kumikita ang mga pelikulang pinoprodyus nila ay makakapagprodyus muli sila para makatulong sa mga maliliit na production crew.

May mga intriga na ikinukumpara si Senador Bong sa kaibigang Senador Jinggoy sa galing sa pag-arte.

Sagot ni Senador Bong, tanggap niya ang sinabi ni Senador Jinggoy na mas magaling itong umarte kesa sa kanya.

Hindi na naghahangad si Senador Bong na makakuha ng acting award kundi makatulong lang sa industriya, kumita ang pelikula at makapagbigay aliw sa mga manonood lalo na ang mga mga bata dahil para sa mga bata ang tema ng pelikulang Resiklo.

***

Nagandahan kami sa trailer ng Resiklo at halatang pinagkagastusan ito.

May pagka-futuristic ang pelikula. Siguradong kikita ito at gaya ng dati ay makakalaban nito sa top grosser ang Enteng Kabisote 4 ni Vic Sotto, Sakal, Sakali, Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at ang Shake Rattle & Roll 9.

Hindi nito makukumpitensiya ang pelikulang Katas Ng Saudi nina Senador Jinggoy at Lorna Tolentino na pang-OFW ang tema.

***

Nakuha pang umapir sa preskon ng Resiklo si Dingdong Dantes kahit abala siya sa pagte-taping ng Marimar.

Dahil malakas din ang Marimar sa Amerika ay sila ni Marian Rivera ang ipapadala ng GMA Pinoy TV sa Las Vegas, Nevada sa first week of December. Isang linggo silang mananatili roon.

Sa pelikulang Resiklo ay maganda ang role ni Dingdong. Buti at nakakuha siya ng schedule sa napaka-hectic na taping ng Marimar.

Bukod dito ay hindi nakaliligtaan ni Dingdong ang kanyang negosyo with Karylle.

Okay raw ang takbo ng kanilang business. Once a week ay dinadalaw niya ito at nakikihalubilo siya sa mga customer. May pagka-hands on ang kanyang approach sa negosyo nila.

May nagtatanong kung bakit naka-box sa poster ng Resiklo ang pangalan ni Dingdong. Ayon sa isang insider ay hindi nagustuhan ng manager ni Dingdong ang maliit na pagkakalagay ng pangalan ng actor sa poster.

Komo na-print na ang poster ay nilagyan na lang nila ng box ang pangalan ni Dingdong, na umokay naman sa manager.

Kay Dingdong ay ok lang ‘yun pero syempre, kailangang sunurin ang pakiusap ng manager na prinoproteksyunan lang ang
alaga.

Inayunan ni Senador Bong ang request ng manager at deserving daw ‘yun for Dingdong na matagal na sa business na ito. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites