<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 20, 2007

Rufa Mae, nahihiya kay Dennis Trillo

Ang pagkakaalam namin, sa Enero 1 showing pa ang Desperadas pero baka sa Disyembre 25 na raw ito dahil hindi pa natatapos ang Bahay Kubo ng Regal, kaya baka pagpalitin na lang, ayon kay Mother Lily.

Pagdating namin sa Valencia office ng Regal noong Linggo, paalis na si Iza Calzado dahil hahabol pa raw ito sa Star Awards.

Nahuli ng dating si Marian Rivera dahil siya ang opening number ng Star Awards.

Mukhang okay sila nina Ruffa Gutierrez lalo na si Rufa Mae Quinto, pero hindi niya kinaya sa patalbugan ng damit at accessories sina Ruffa at Rufa Mae.

Hindi na ipinagtataka ni Marian na maintriga sila ni Rufa Mae dahil nakasanayan na raw niyang naiintriga siya sa co-stars niya kaya hindi na lang daw nila ito pinapansin.

Mas kampante sa isa’t isa sina Ruffa at Rufa Mae kaya nakakaaliw na magtabi sila sa interview ng Startalk na kunwari ini-interview ni Ruffa (ng The Buzz) si Rufa Mae (ng Showbiz Central).

Napag-usapan ang tungkol kay Dennis Trillo at nilinaw ni Rufa Mae na umiiwas na siyang ma-in love sa taong may sabit.

Naungkat kasi ang tungkol sa kanila noon ni Dennis dahil may karanasan din daw ito ng pangugumprota ni Carlene Aguilar.

Hindi na dinetalye iyun ni Rufa Mae dahil ayaw na raw niyang makisawsaw sa isyu nina Dennis, Carlene at Cristine Reyes.

Nakahihiya raw kay Dennis at Cristine na bugbog na bugbog na sa intriga.

Matagal na raw ang sa kanila ni Carlene kaya ayaw na raw niyang ibalik pa iyun.

Dagdag pa ni Rufa Mae, kapag alam niyang may sabit na ang lalaking nali-link sa kanya, iiwas na siya at ayaw niyang matalakan ng asawa o kung sino man ang nakarelasyon ng lalaki.

"Nangyari na ba iyan sa ‘yo before?" tanong ni Ruffa kay Rufa Mae.

Hindi na ito nasagot ni Rufa Mae dahil pareho na silang nagtawanan na obvious ang dahilan.

Ang dinig namin, pati si Angel Locsin na na-link din noon kay Dennis ay tinawagan din noon ni Carlene para kumpirmahin kung totoo ang isyu sa kanila.

Kaya mukhang matapang at may pagkagerera si Carlene para lang maipaglaban ang relasyon nila ni Dennis.

Pagkatapos magsalita ni Carlene sa The Buzz, si Dennis na lang ang dapat na magsalita para malinaw na ang lahat.

Ang dinig namin, nahihirapan si Dennis na sabihin ang lahat ng katotohanan dahil ayaw niyang masaktan si Carlene na ina ng kanyang anak.

Pero ayon sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo, pag-uusapan nila ni Dennis kung magsasalita na ba ito. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites