<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 23, 2007

Rufa Mae Quinto dedma kay Dennis Trillo

AYAW nang pag-usapan pa ni Rufa Mae Quinto ang isyu na diumano’y nakikisawsaw siya sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon nina Cristine Reyes, Carlene Aguilar at ang natsismis din sa kanya noon na si Dennis Trillo.

Sa presscon ng Pasukob, dedma na siyang pag-usapan ang tungkol kay Dennis. “Naku, ayoko nang pag-usapan ‘yan. Iba na lang. Ayoko nang masabihang nakikisawsaw,” pahayag agad ni Rufa Mae.

Ayaw na ring mag-elaborate pa ni Rufa Mae tungkol sa naging relasyon nila noon ni Dennis.

“Matagal na ‘yon, eh. Pag-usapan na lang natin ang pelikula ko. Ha-ha-ha!” pag-iwas pa niya.

Walang lovelife ngayon si Rufa Mae. Pero hindi raw naman siya malungkot.

“Marami naman akong friends. Masaya naman ako pag kasama ko sila. Tsaka parang ayoko muna ulit magkaroon ng commitment. Nakakapagod, eh,” pahayag pa niya.

Dedma rin si Rufa Mae sa isyung may relasyon sila ni Billy Crawford.

“Friends lang kami talaga. Kahit pa tanungin n’yo siya. Kung nakikita man kami ng mga tao na lumalabas, group date ‘yon. Marami kaming kasama,” depensa pa niya.

Samantala, umaasa si Rufa Mae na magiging box-office hit din ang Pasukob pagkatapos maging blockbuster ng Apat Dapat, Dapat Apat. Malaking factor nga naman na kasama niya this time ang comedy concert queen na si Ai Ai delas Alas. Plus the fact na si Direk Wenn Deramas din na wala pang flop na pelikula ang direktor nila.

Well, let’s see kung matatalbugan ng Pasukob ng OctoArts Films ang Apat Dapat kapag ipinalabas na ito sa Nov. 28.

Kasama nga rin pala sa Pasukob sina Antonio Aquitania, DJ Durano, Allan K, Rhap Salazar, Paul Salas, Joshua Cadelina and with the special participation of Eugene Domingo na according to Direk Wenn ay kanyang lucky charm, Debra Liz, Chokoleit, John Lapus at mga PBB housemate na sina Nel, Bodie at Robert.

Napuno ni Ai Ai ang Araneta sa kanyang latest concert kaya marami ang nag-i-expect na papatok din sa takilya ang movie nila ni Rufa Mae.

Well, sana nga!
[source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites