<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, November 25, 2007

Rufa Mae Quinto malungkot sa pag-alis ni Billy

Aminado si Rufa Mae Quinto na dahil sa kabisihan niya sa trabaho ay wala na siyang panahon sa lovelife.

"Yes naman! I’m very proud of it. Six months na (akong walang boyfriend), pero okey lang. May ka-text naman, may ka-email, pila-pila…

"So, if I have time, nakaka-text back naman ako sa kanila. Parang dalaga! Ha! Ha! Ha!" tawa ng sexy comedienne nang matsika namin siya sa presscon ng pelikula nila ni Ai Ai de las Alas na Pasukob (na ipalalabas na sa Nobyembre 28).

Sinu-sino ba ang mga nagpapakyut sa kanya?

"Marami, may showbiz, may hindi. May singer, may artista, may taga-States, taga-Hong Kong, taga-Quezon City, may taga-Europe pa!

"Pero text and calls lang. ‘Yun na lang muna ang kaligayahan ko. Okey na ‘yon! Busy naman ako, at saka marami namang ginagawang project.

"Ito muna ang priority ko ngayon, tutal nasa States pa naman. Charing! Joke, joke, joke!" masayang bulalas ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne).

Kahit hindi niya banggitin ang name ay obvious na si Billy Crawford ang tinutukoy niyang hindi pa bumabalik mula sa Amerika.

May balitang magtatagal sa States si Billy at malamang next year na ito makauwi ng ‘Pinas.

"I’ll be there soon. Marami akong shows sa ibang bansa," sey ni P-chi.

So, magkikita sila roon ni Billy?

"Why not, di ba? We’ll see. Hindi ko pa lang siya tine-text kung pwede kaming magkita roon. Ha! Ha! Ha!"

Siguradong bongga ‘yon pag nagkita sila sa Tate ni Billy…

"Sana, di ba? Nothing is impossible. But right now, marami naman sila. Pero nakakalungkot mang isipin, palaging sa Amerika ang punta.

"Baka ito lang muna ang plano sa akin ng Diyos, ang mag-textmate-textmate na lang muna. Tingnan n’yo ang track record, laging nasa Amerika," natatawang dayalog niya pa.

Nu’ng mag-break sila ni Rudy Hatfield ay bumalik ito ng Amerika. Ang na-link sa kanya for a while na si Duncan Ramos ay nasa Amerika na rin. Maging ang dati niyang naging nobyo na si Dingdong Avanzado ay nag-migrate na rin sa Amerika.

Tapos ngayon, si Billy.

Ano bang sinasabi sa kanya ni Billy sa mga text nito? Nag-a-‘I love you’ ba ito sa kanya?

"Ay nako, siya po ang tanungin n’yo. Ha! Ha! Ha!" pa-girl na iwas ni P-chi.

Pero halatang nalungkot siya nu’ng umalis ng bansa si Billy…

"Well, of course, naging close kami nu’ng tao, so nu’ng umalis siya, parang ‘Ay, umalis na?’ Napaganu’n ka nang konti.

"Pero ngayon, positive ako, kasi maganda ang nangyayari sa kanya roon, eh! At hindi niya ako kinakalimutan. Hindi ko rin siya kinakalimutan. In fairness! Ha! Ha! Ha!"

Gusto raw sana niyang mag-Amerika sa Disyembre, pero kung hindi matutuloy ay may concert tour siya sa US sa Pebrero at Mayo 2008.

Sure ba siyang walang manunugod sa kanya at walang tatawag sa kanya sa phone at maninita sa kanya about Billy?

"Ay, hindi ko hahayaan na may gumanu’n gano’n sa akin! At ayoko pong makisukob sa isyu nila (Dennis Trillo at Carlene Aguilar)…"

So, ayaw niyang makisukob sa pag-ibig ng isang lalake?

"Right now po, ayoko talaga. At sinabi ko na sa sarili ko ‘yan before. Kasi before, muntik na! Ha! Ha! Ha!

"Gusto ko, solong-solo ko. At huwag silang mag-alala, solong-solo rin nila ako kung sinumang darating. But this year, wala muna. Maybe next year!" nakangiting sambit ni Rufa Mae. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites