<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, December 28, 2007

Ervic Vijandre, secret boy ni Marian Rivera?

MALIIT lang talaga ang mundo ng showbiz. At maging ang mundo ng modeling ay kadikit talaga nito kaya halos walang lihim na hindi nabubulgar dito.

Hindi pa kami nakaka-avail ng copy ng January 2008 ng Yes! magazine, pero sabi'y dito naikuwento ni Marian Rivera ang tungkol sa kanyang lovelife, particular na ang non-showbiz guy named Ervic Vijandre, isang professional model, pero naging basketball pla-yer din sa isang sikat na university.

Since hindi pa namin nababasa ang article ni Joanne Maglipon, di namin sure kung inamin ba ni Marian na sila pa ba, naghiwalay na ba, or nagkabalikan sila ni Ervic?

Basta't na-identify na nga ang namesung ni Ervic sa said showbiz mag, bilang non-showbiz guy na romantically linked to Marian, ewan lang kung hanggang ngayon.

Kaya namin nasabing maliit ang showbiz at modeling industries, eh, knows n’yo bang several years ago (around 2000 yata 'yun o 2001) eh, "namataan" na namin itong si Ervic?

At that time ay chubby pa siya, pero guwapo na ang mokong. Andun at sumusuporta lang sa kanyang GF (or nililigawan pa lang yata) na si Marian nga na nagpa-screen para sa isang modeling contest na ginanap sa Trade Hall ng SM Megamall.

Super bagets pa noon ang teener na girl. At aa-kalain ba natin na after some years, eh, siyang sisi-kat na Marimar ng GMA -7 at siyang ibini-build -up to be its next queen?

MARAMING taon ang lumipas at muling nagkasalubong ang landas namin ni Ervic Vijandre, ang lalaking non-showbiz na minahal (o hanggang ngayo'y minamahal?) ni Marian Rivera.

Mga buwan ng Agosto yata 'yun nitong 2007 sa Makati. Siya pa ang buma-ti sa amin ng, "Tito Mell!" na pagka-sight namin kay Ervic (na isang 6-footer ), eh, gulat na gulat kami sa ipinayat nito't gumanda ang body, huh!

Go-see that day for Inno Sotto gala fashion show -- at isa nga siya sa outstanding male models that day -- and nag-flashback sa min nu'ng ilang taong nakita namin siyang tabatsoy pa.

After that, nagka-textmate kami in a while nu'ng na-laman naming freelance model si-ya. Pero, nu'ng nag-text siya after a month na kaka-sign-up lang niya sa isang modeling agency, we didn't text him na.

Napapunta namin siya in one go-see for an event sa ABS-CBN na nangailangan ng models.

Ang latest, sa pag-uwi nga raw ni Marian sa kanilang hometown sa Cavite nitong Christmas Day ay maugong ang tsismis na dumalaw ulit sa kanya si Ervic at nangatuwiran si Marian na ‘di niya ma-pi-pigilan kung sino man ang taong gustong dumalaw sa kanilang bahay dahil Pasko naman.

"Pero 'wag na lang po nating pag-usapan (si Ervic)... Basta, masaya po ako now," pakiusap ni Marian sa isang interview, saying na ibalato na lang daw sa kanya ang kanyang lovelife to keep it private.

Well, search the picture or photo of Ervic Vijandre online, at kayo na ang mag-husga kung bagay sila ni Marian.[source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites