<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, December 26, 2007

Manny Pacquiao ayaw nang mag-produce uli ng pelikula

HINDI sinipot ni Manny Pacquiao ang parade of stars ng Metro Manila Film Festival. Ayon sa source namin, nasa Boracay daw ito for a prior commitment at hindi nakakuha ng flight pabalik ng Maynila. Ang leading man ni Pacman na si Ara Mina ang sumakay sa float kasama ng iba pang stars ng pelikula.

Pero mukhang may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi sumipot si Manny sa parade. May source kaming nakausap na medyo depressed daw lately si Manny. Ang dahilan, disappointed daw ito sa kinalabasan ng pelikula.

Ipinagmamalaki ni Manny na almost P30 million ang worth ng Anak ng Kumander, pero hindi raw ito nakita ng boksingero sa production value ng pelikula. Hindi rin ganu’n ka-explosive ang action scenes ng movie.

In fact, hindi na tinapos ni Manny ang premiere ng movie sa Megamall last week. Hindi pa nga nangangalahati ang movie ay umalis na siya.

May nakarating ding kuwento sa amin na sa halos P30 million na inilabas ni Manny para sa pelikulang prinodyus niya ay P20 million pa lang ang nao-audit. Nawawala raw ang halos P10 million kaya kinailangan pa ni Manny na kumuha ng auditor na mag-o-audit kung saan napunta ang inilabas niyang pera.

Teka, kanino kaya napunta ang remaining P10 million na ‘yon? Hindi kaya sa staff mismo ni Manny?

Sa sobrang laki ng budget ng pelikula, kataka-taka ring wala kaming nakikitang billboard ng pelikula. Buti ang Banal, kahit papaano, visible ang kanilang billboards, huh!

Saan kaya talaga napunta ang ibang pera na nakalaan sa Anak Ng Kumander? Nakakakaloka kung hindi ‘yon mati-trace, di ba?

Dahil sa nangyayari, isang source din ang nagkuwento sa amin na nawalan na nang gana si Manny na mag-produce ulit ng pelikula.

“Eh, panao naman siya gaganahan kung niloloko siya ng sarili niyang mga tao. Ang masakit pa, pinagkakatiwalaan niya ang mga ‘yon, pero niloloko siya. Palibhasa, mabait si Manny at hindi umaangal kaya sinasamantala siya. Kawawang Manny. Mali siya ng mga taong nakuha sa production niya. Ang ganda pa naman ng intensyon niya, ang makatulong sa showbiz industry, pero feeling ko, first and last na niyang pagpu-produce yung Anak Ng Kumander,” wika pa ng source naming.

May nabalitaan din kami na may ilang tao pang nag-work sa production ang hindi bayad. Isa na rito ay ang editor ng movie. Hindi namin alam kung may ganito ring experience si Ara sa produksyon ni Manny. Pero sana naman ay wala.

Anyway, may isa pa kaming napansin tungkol sa Anak ng Kumander. Bakit kaya hindi inilabas ng MP Promotions ang mga pictorial nina Manny at Ara. May humaharang kaya rito?

Hay naku, kawawa talaga si Pacman. Dahil sa sobra niyang kabaitan, niloloko na siya. Ang masama pa, sa kanya nagri-reflect ang ginagawa ng ilan sa kanyang mga tauhan at ng mga malalapit sa kanya.

Bago namin makalimutan, kasama rin nga pala sa Anak Ng Kumander sina Roi Vinzon, Valerie Concepcion, Long Mejia, Efren Reyes Jr., Lara Morena at marami pang iba. Ang pelikula ay idinirek ni Jose Kaka Balagtas at palabas na sa Jan. 1, 2008. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites