<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, December 25, 2007

Manny Pacquiao: Mga pangarap na natupad

BATA pa lang ay inasam na niyang maging sikat na boksingero. Natupad ito. Nakilala siya sa buong mundo bilang isang world boxing champion. Napataob niya ang lahat na mga nakalaban niya sa ibabaw ng ring. kaya naman very proud ang mga kababayang Pinoy sa galing at talino niya sa pagboboksing.

Inasam din niya noon na magkaroon ng magandang bahay. Natupad ito at hindi lang basta bahay ang naitayo niya, mansion pa. Fantasy rin ni Manny noon ang magagarang sasakyan, nagkaroon siya. Nakapag-aalaga na rin siya ng mamahaling mga manok na pansabong na isa sa mga pangarap niya noon.

“Nang dahil sa pagbuboksing ay natupad lahat ang mga inasam ko sa buhay. Ang pag-awit ay naging pangarap ko rin. Nangyari naman ito at naging recording artist pa ako. Ngayon, heto ako sa pangarap kong pag-aartista. Nakapagprodyus ako ng movie, ang Anak ng Kumander ng MP Promotions, Inc. Pero, hindi ko ito matutupad kung ibang movie outfit ang hahawak sa akin. Walang magsusugal sa akin para tustusan ang maambisyong pelikula na ako ang bida."

“Kaya ako na mismo ang nagsugal para maging bida ako sa pelikulang Anak ng Kumander na dinirek ni Jose ‘Kaka’Balagtas. Mambisyong pelikula ito. Hindi ko inalintana ang mahigit 30 milyong piso na nagastos ko sa pelikulang ito makagawa lang ako ng maipagmamalaki kong movie."

“Ayoko namang tipirin ang sarili kong movie lalo’t ako ang bida. Ang pag-aartista kasi ay pangalawang pangarap ko, una ang pagboboksing. Sana ay magtuluy-tuloy ako sa field na ito,” wika ni Manny Pacquiao nang makausap namin sa press preview ng Anak ng Kumander. “Sana ay magtagumpay ako rito. Hindi lang sa pansarili kong ambisyon. Gusto ko ring matulungan ang mga taong maliliit sa movie industry na matagal na walang hanapbuhay dahil sa krisis sa pelikula. Napakaluwag sa dibdib ko na makatulong sa kapwa, masayang-masaya ako!”

Ayon kay Manny, noon daw nagsu-shooting sila ng Anak ng Kumander sa Nueva Ecija, hindi niya inisip na isa siyang international boxer. Kapag kasama raw niya ang kanyang co-stars, maging ang maliliit na involved sa produksyon, pantay-pantay lang daw sila sa lahat ng bagay. Kung ano raw ang kinakain niya, ganundin ang maliliit na mga artista at production people.

Tuwing iniinterbyu namin si Manny, laging may pasasalamat siya sa mga big boss ng GMA-7 sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozun, Wilma Galvante at iba pang executives ng nangungunang TV station sa bansa.

“Magmula nang maging Kapuso ako, sa simula’t mula pa ay matindi na ang suporta nila sa akin, lalo na si Atty.Gozun na talagang all-out ang support sa career ko bilang boxer, artista at TV host,” wika pa ni Manny.

Full support din ang GMA-7 sa presscon at press preview ng Anak ng Kumander. Kamakailan lang ay nagpa-presscon din ang Kapuso network para sa TV show na Pinoy Records na si Manny ang main host.

So, ano pa ba ang mahihiling ngayon ng Pambansang Kamao? Lahat ng pinangarap niya ay nagkaroon na ng katuparan. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites