<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 27, 2007

Manny Pacquiao pinagbawalang umatend sa MMFF parade

MARAMI ang nadismaya sa nakaraang parade of stars ng MMFF noong nakaraang Lunes lalo na ang masa na nakapila sa daraanan ng parade para makita nila ang kanilang idolo na si Manny Pacquiao .

Ngunit bigo sila dahil hindi nakarating si Manny sa naturang parade at ang balita nga ay nasa Boracay ito at kasama ang kanyang pamilya pati na ang trainor nito na si Freddie Roach.

Kitang-kita namin ang panghihinayang ng mga tao dahil wala nga si Pacman at tumayong substitute nito ay ang may hawig sa kanya na si Manny Paksiw. Ang sabi pa nga nung ilang hindi nakakakilala kay Manny, “Ay ang pangit pala ni Pacman.” Hindi kasi nila alam na hindi ang totoong Pambansang Kamao ang nakatayo sa float.

Labis na kalungkutan din ang aming nakita sa mukha ni Direk Kaka Balagtas dahil na rin sa di pagdating ng kanyang bida at producer ng kanyang pelikulang Anak ng Kumander. Nabuhayan lang ito ng loob ng may magparating sa kanya na darating si Ara Mina, ang leading lady ni Manny sa pelikula at sasama ito sa parada.

Sumama rin ang ilang cast ng pelikula tulad nina Lara Morena, Efren Reyes, Danny Labra, Jess Sanchez,Roldan Aquino, Cris Aguilar at ang D’Pards. Andun din ang maraming stuntmen na kasali sa pelikula bilang pagbibigay suporta sa pelikula ni Pacquiao.

Dahil sa dami ng sumamang stuntmen, ang iba ay naglakad na lang at hitsura ng mga rebeldeng sundalo sa Manila Peninsula siege.

Sabi nga ng ilang kasamahan namin sa panulat, sana raw binigyang importansya ni Manny ang naturang parade para makukuha ng suporta sa mga tao na magka interes na panoorin ang kanyang pelikula.

Pero sinayang niya ito. Kung ano man daw ang dahilan nito sa hindi pagdalo, sana raw ay isinantabi muna ng boksi-ngero.

Andun din ang ilang staff ng MP Promotions na hindi malaman ang gagawin dahil nga wala si Manny. Pero kapansin-pansin na ang isang staff ni Manny na si Estella ay sarap na sarap lang sa pagkakaupo sa loob ng coaster.

Ang isa pang napansin namin, bakit halos wala kaming makitang promotional materials tulad ng billboards at trailer ng movie sa TV. Bukod ta-nging sa GMA-7 lang ito mayroon, napakadalang pang ipalabas.

Sa tingin namin, kung hindi hinawakan ng Siyete ang promo ng pelikula, posibleng nakapaglagay pa ng trailer ang MP Promotions sa ABS-CBN.

Apektado tuloy ang promo ng pelikula. Mabuti na lang at nandiriyan ang ilang entertainment writers na mula sa simula ay nakasuporta at nagbibi-gay na ng write ups para sa movie ngunit dinedma lang ng Kapuso ng magpatawag ng presscon para sa pelikula.

Dahil nga sa kapalpakan ng ilang tao, ang nabubuntunan ng sisi ay si Manny. Kawawa tuloy siya.

From a very reliable source, napag-alaman namin kung ano ang tunay na dahilan nang hindi pag-attend ni Manny sa parada nung Lunes. Hindi raw ito pinayagan ng asawang si Jinkee na sumakay sa float.

Eh, bakit naman kaya? Dahil ba nando’n si Ara? [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites