<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 31, 2007

Partnership nina Richard at Marian ‘di na dapat pahulaan

‘Katuwa ang GMA Films at late na ang promo na pinahuhulaan ang leading lady ni Richard Gutierrez sa Valentine’s movie na A Very Special Love. Pinapipili pa nila ang sasali sa contest kung sino kina Iza Calzado, Nadine Samonte, Ehra Madrigal, Maxene Magalona, Jewel Mische at Marian Rivera ang kapareha ng actor.

Susme, eh, sinasabi na nina Richard at Marian sa kanilang mga interview na sila ang magka-pareha sa movie na co-produce ng GMA Films at Regal Entertainment at showing sa February 13, 2006. Noon pa rin ibinalita ni Direk Mark Reyes na ang dalawa ang bida sa dinidirek niyang pelikula, so, wala ng suspense.

In fairness, first few days pa lang ng shooting, kinakitaan na agad ng chemisty sina Richard at Marian. Marami na nga ang naghihintay na mapanood sila sa pelikula na romance at feel good movie. Knowing direk Mark, pipili ito ng mga songs na babagay sa kanyang mga bida at sa mood ng pelikula.

Kung sina Richard at Marian nga ang magsasama sa Captain Barbell Meets Darna, aba’y magandang pre-publicity ang movie nilang A Very Special Love. Late 2008 pa raw gagawin ang pagkikita nina Captain Barbell at Darna, dahil may isa pang project ang actor at si Marian nama’y, tatapusin pa ang Marimar.

Samantala, happy si Marian sa good review sa kanya sa Desperadas. Hindi siya nagpahuli sa acting kina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza na in fairness, mas nauna at mas marami nang nagawang pelikula kesa sa kanya. Showing na bukas ang movie sa direksyon ni Joel Lamangan at graded B ng CEB.

Sa mga nag-aabang ng Marimar, this Monday, mag-i-effort si Angelika (Katrina Halili) na kilalaning kapatid ni Marimar at matutulog siya sa gate ng bahay nito. Ipapakulong siya ni Marimar sa kalaunan.

May nagpadala ng gift kay Marimar na ang laman ay patay na ibon at death threat, pero hindi sure si Sergio (Dingdong Dantes) kung gawa ‘yun ni Angelika o ni Rodolfo Santajinez (Marvin Agustin) na tumakas sa kulungan. Muling magkikita sina Marimar at Padre Porres (Buboy Garovillo). [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites