<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, December 25, 2007

Rufa Mae Quinto, di nakabili ng gift for Erik Santos

Kahit break na, magbibigayan pa rin ng Christmas gifts sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos, pero nang ma-interview namin sa presscon ng Desperadas, hindi pa nakakabili ng regalo ang sexy comedienne sa dating nobyo.

Magkakasama rin sila sa Christmas party ng kanilang common friend, pero sabi ni Rufa Mae, wala nang balikang mangyayari sa kanila. Wala raw nag-i-effort sa kanilang magkaroon ng part two ang kanilang relasyon.

“Hayaan na ngang ‘di kami magkabalikan. Stress out din naman kami sa relationship namin. Parehas kaming sumabog sa sunud-sunod na isyu. Mabuting friends na lang kami.”

Mapapalampas ni Rufa Mae ang Pasko at Bagong Taon na wala siyang boyfriend, pero sana raw pagdating ng Valentine’s Day, may karelasyon na siya. Hindi lang nito masabi kung ang nababalitang manliligaw na architect ang papalit kay Erik sa puso niya’t nakikipagkaibigan pa lang daw ito.

Samantala, makikita si Rufa Mae mamaya kasama sina Ruffa Gutierrez, Marian Rivera, at Iza Calzado, mamaya sa Metro Manila Film Festival parade. Kumpleto ang mga bida ng Desperadas at ibang members ng cast. Rated PG 13 o Parental Guidance ng MTRCB ang movie at mapapa­nood ng 13 years old, bas­ta may kasamang adult. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites