<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, December 25, 2007

Showbiz Central "Don’t Lie To Me" Segment

Naaliw ako sa Showbiz Central noong Linggo dahil isinalang sa Don’t Lie To Me Segment ang mga artista na nag-promote ng kanilang mga pelikula na kasali sa film festival na opisyal na magsisimula ngayon.

Walang palakasan dahil binunot ni John Lapus mula sa box na hawak niya ang mga pangalan ng mga artista na mauupo sa Don’t Lie To Me.

Unang nabunot ang pangalan ni Francine Prieto. Truth ang resulta ng lie detector machine nang sumagot si Francine ng “No” sa tanong kung nilili­gawan o boyfriend ba niya si Philip Cu-Unjieng.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi binanggit ni John ang pangalan ni Philip na palaging nakikita na dumadalaw sa mga taping at shooting ni Francine.

Knowing Philip, hindi ito magagalit kung binanggit ang kanyang name dahil ang sey nga ni Francine, good friends lamang sila.

* * *

“Lie” ang resulta ng lie detector machine sa “No” answer ni Paolo Contis nang tanungin ito ni John kung galit siya kay Bullet Jalosjos na diumano’y da­hi­lan ng paghihiwalay nila noon ni Nancy Castiglione.

In fairness kay Paolo, tama ang sagot nito na hindi siya puwedeng magalit kay Bullet dahil hindi sila magkaibigan.

At saka history na si Nancy sa buhay ni Paolo na matagal nang naka-move on kaya walang dahilan para mag-emote-emote pa siya.

Dalawa na ang nagiging girlfriend ni Paolo mula nang maghiwalay sila ni Nancy, si Bubbles Paraiso at si Isabel Oli.

Naghiwalay na noon sina Paolo at Isabel pero nag­kabalikan sila. Baka nga si Isabel na ang maging Mrs. Contis dahil sa lahat ng mga naging ex ni Paolo, siya ang binalikan.

* * *

O ayan ha, malinaw ang sinabi ni Jolo Revilla sa Central Jury ng Showbiz Central, hindi na siya umaasa na magkakabalikan sila ni Grace Adriano.

May iba nang girlfriend si Jolo at unfair naman sa kanyang dyowa kung sasabihin niya na hoping siya na magkabalikan sila ni Grace.

Aligaga si Jolo at ang kanyang kapatid na si Bryan sa pagpo-promote ng Resiklo, ang pelikula na pinagbibidahan ng kanilang tatay na si Bong Revilla na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

Kasama ang magkapatid sa cast ng Resiklo na Rated A ng Cinema Evaluation Board na ang ibig sabihin, maganda ang pelikula.

Rated A rin ang Katas ng Saudi kaya patas na sina Bong at Jinggoy na Rated A rin ng CEB ang kanyang filmfest entry na Katas ng Saudi.

Napanood ko na ang Katas ng Saudi pero nata­tawa pa rin ako kapag napapanood ko sa TV ang trailer ng pelikula.

I swear sa readers ng PSN, bonggang-bongga ang Katas ng Saudi. Hindi kayo magsisisi kapag pinanonood ninyo ang pelikula. Ibang-ibang Jinggoy ang inyong mapapanood. So, ano pa ang hinihintay ninyo, watch na kayo ng Katas ng Saudi, Resiklo at ng iba pang pelikula na kasali sa MMFF. Sino pa ba ang tatangkilik sa sariling atin kung hindi tayo-tayo rin!

Merry Christmas uli! [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites