<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 31, 2007

Rhian Ramos kaaway naman ni Alessandra De Rossi

MAY nakabangga na naman si Rhian Ramos, si Alessandra de Rossi.

Nagtimpi talaga si Alex sa nangyari sa kanila ni Rhian sa L.U.V. Pow na dinaan niya na lang sa pagbato ng kanyang sariling cell phone three times at pag-iyak pag-alis ni Rhian. May series of commercials si Alex so umiiwas siya sa controversy. Diumano kasi, dahil sa isang pagkakamali during take, tinawag ni Rhian si Alex na unprofessional.

In her nine years in the business, nagkamali na rin si Alex sa mga eksena niya with big stars like Ms. Lorna Tolentino or may nagkamali na rin siyang kaeksenang baguhan but never siyang ipinahiya or siya mismo ang nagpahiya sa kaeksena niya because of one mistake.

Na pronounced kasi ni Alex ang character name ni Rhian na ‘Umi’ instead of ‘Yumi’ although its spelled as Umi.

“Why can’t you be professional? I’m working my ass off here,” bulyaw ni Rhian kay Alex. Source.

Labels:


Continue Reading...

Inamin na ni Polo Ravales?

Inaamin ni Polo Ravales na nagkakilala sila ni Zara Lopez (isa sa Viva Hotbabes) two years ago sa Embassy bar sa The Fort.

Kasama pa raw niya si Ara Mina nu’ng time na ‘yon, pero hindi pa sila mag-on at nagdi-date-date pa lang sila ni Ara.

Ani Polo, ilang linggo bago lumabas ‘yung isyu sa kanila kamakailan ni Zara ay nakita niya ito na may mga kagrupong lalake sa Embassy.

Lumapit ito sa kanya at nagpapiktyur. After a few days ay lumabas daw ang nasabing picture sa isang showbiz column at may kasama nang kuwento tungkol sa one night stand umano nila sa parking lot.

Sabi-sabi, nagpa-BJ si Polo kay Zara.

Sey ni Polo, ayaw na niyang pahabain pa ang isyung ‘yon kaya bahala nang mag-isip ang mga tao ng gusto nilang isipin.

"Maraming tao ang nakakakilala sa akin at kayang idepensa ang pagkatao ko.

"Sa tagal ko sa showbiz, ngayon lang ako naintriga ng gano’n. Sa tingin ko, may respeto naman ang mga tao sa akin," ani Polo, na kaagaw ni Richard Gutierrez kay Rhian Ramos sa Lupin.

Idinagdag pa ni Polo na hindi siya basta-basta pumapatol sa babae at inaalam niya muna ang pagkatao nito.

Hindi na raw niya tinangkang kausapin si Zara tungkol sa isyu, na pakiramdam niya ay nagamit siya.

Posible aniyang gusto lang siyang sirain ng sinumang nagpalabas ng tsismis na ito.

Aminado si Polo na nagpupunta siya ng Embassy pero kadalasan daw ay kapag may event lang na naiimbitahan siya.

May time din na gumigimik siya roon pero para mag-enjoy lang daw with friends at hindi para mamikap ng babae.

Kahit break na sila ni Ara ay apektado ito sa isyu kaya nag-sorry raw sa text si Polo na nadamay ito sa intriga.

Siniguro niya rin kay Ara na never niya itong niloko nu’ng sila pa at nang ma-meet niya umano si Zara ay hindi pa sila mag-MU ni Ara.

"Mahirap magsalita kung magkakabalikan pa kami ni Ara. Basta ang mahalaga, magkaibigan kaming dalawa at hindi kami magkaaway.

"Hindi naman siya nagalit sa akin, pinagsabihan niya lang ako na mag-ingat sa mga taong nakakasa-lamuha ko," sey ni Polo.

Hindi rin daw totoong iniwasan siya ni Ara kaya wala ito sa press launch ng Lupin. Nasa taping ito ng Bubble Gang sa Boracay kaya hindi nakarating sa Lupin launch. Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 30, 2007

Starlet na kaagaw ni Ara kay Polo

ISANG nagngangalang Sarah Lopez pala ng all-female group na Sexy Sassies ang naka-one-night-stand sa loob ng kotse ni Polo Ravales. Hindi ito itinanggi ni Sarah nang makapanayam namin kamakailan, tuwang-tuwa pa nga itong nagkuwento ng kanyang nakakikilig na karanasan kay Polo.

Napakainit at napakalikot daw sa aparatus ni Polo, ayon kay Sarah. Pero, maginoo naman daw ito at hindi siya pinilit. Talaga lang daw gusto rin niyang makaniig ang aktor.

Kung anu-ano pa ang ipinagtapat ni Sarah. Sad to say, hindi po puwedeng ilathala.Ang masasabi lang namin, marahil ay ito ang naging dahilan ng pakikipag-pagbreak ng aktres na si Ara Mina sa aktor.

Marahil pa rin, ito ang matinding dahilan kaya isang araw ay narinig naming mistulang praning na nagsisigaw ng ”ayoko na!” itong si Ara. Source.

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez, delikadong eksena sa Lupin

Kinakabahan si Annabelle Rama sa tuwing pumupunta ang anak niyang si Richard Gutierrez sa taping ng Lupin.

Madalas kasi na mga delikadong eksena ang kinukunan sa set.

"Eh alam mo naman si Richard, inililihim niya sa akin ang mga delikadong eksena niya. Ni ayaw niyang magpa-double, kaya kinakabahan ako.

"Panay tuloy ang simba ko para maging safe palagi siya sa action scenes niya.

"Pati ‘yung pagbitin niya sa helicopter, eh, inilihim niya sa akin. Alam kasi niyang nagwo-worry ako sa mga ganoong eksena niya.

"Alam ni Richard na kapag alam ko na delikado ang eksena niya, eh, pipilitin kong magpa-double siya. Eh, ayaw niyang magpa-double, kaya naglilihim na lang siya sa akin.

"Alam mo naman ang anak kong ‘yan, ayaw na ayaw niyang nate-tense ako," sabi ni Bisaya.

Noong launching ng Lupin (na magsisimula nang mapanood sa GMA 7 simula sa Abril 9) ay very proud si Bisaya sa mga napanood na eksena ng kanyang anak sa bagong action series ng Siyete.

Napapapalakpak si Bisaya sa mga delikadong eksena ni Richard sa Lupin.

"Kapag tapos na kasing gawin ni Richard ‘yung mga delikadong eksena niya at pinanonood ko na, hindi na ako nate-tense. Natutuwa na ako, lalo na at maganda ang dating.

"Napapahanga ako sa anak ko," sabi pa ni Bisaya.

Isang entertainment writer ang lumapit kay Bisaya sa launching ng Lupin at binati siya dahil ang galing-galing daw ni Richard.

"Salamat, ‘Dong. Kung alam ko na karamihan sa mga anak ko eh sisikat, dapat hindi lang pala anim ang naging anak ko. Dapat pala, ginawa ko na lang silang sampu," sey ni Bisaya, sabay tawa. Source.

Labels:


Continue Reading...

Joey de Leon at Vic Sotto, gusto ring magsilbi

Sa presscon na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde kamakalawa ng gabi para kay dating senador Tito Sotto ay may dayalog si Joey de Leon na kapag ibinoto si Tito sa darating na eleksyon ay makakaasa ang lahat na sila naman ni Vic Sotto ang tatakbo sa 2010 elections.

"Kasi, hindi naman habang buhay eh, magtataktak kami ni Vic. Gusto rin naming magsilbi," pahayag ni Joey.

Nakausap namin si Vic pagkatapos ng open forum at inusisa namin siya kung seryoso ba si Joey sa sinabi nito tungkol sa political plans nila.

Sagot ni Bossing, "Jokingly, it’s true. Hindi natin masasabi. Sa ngayon, wala pang plano. But I was asked to, and I contemplated on it…

"Kung may magagawa ako, bakit hindi? Kung makatutulong ako, bakit hindi? Kung hindi naman at pangalan lang, eh hindi ko papasukin."

So, posibleng mangyari ang sinabi ni Joey na papasukin din nila ang mundo ng pulitika?

"Yeah, anything is possible!"

Anong posisyon ang tatakbuhin niya kung sakali?

"President! Basta, vice president ko si Joey. Nakapangako na sa akin si Pareng Joey!" nakangiting sagot sa amin ni Bossing. Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 29, 2007

Aljur Abrenica ang sisikat sa StarStruck batch

MARAMI na ang nagsabi sa amin, naniniwala sila na sa bagong batch ng StarStruck ang talagang mukhang artista at muk-hang sisikat talaga ay si Aljur Abrenica, pero noon pa man sinabi nila baka hindi siya manalo.

Para raw kasing may unwritten rule na ang mananalo diyang lalaki ang pangalan ay nagsisimula sa letter M.

Tingnan mo nga naman ang mga nanalo, sina Mark Herras, Mike Tan, Marky Cielo, at ngayon nga, ang nabigyan ng demerits na si Mart Escudero dahil sa ginawang pagkuha ng litrato ng isang staff habang nasa CR, ang siya pang nanalo.

Text votes ang talagang nagpanalo sa kanya.

Pero pinanood namin ang finals nila at naniniwala nga kami na kung may sisikat man diyan, ‘yun ay si Aljur Abrenica. Source.

Labels:


Continue Reading...

Boobs ni Jewel Misch parang boobs ni Maui

Inaayos na ang kontrata sa GMA 7 ng anim na survivors ng Starstruck 4 at iha-handle sila ng Artists Center.

Ilang araw pa lang ang pagkapanalo nina Aljur Abrenica, Jewel Misch, Kris Bernal at Mart Escudero sa Starstruck 4, may mga narinig na akong kanegahan sa ilan sa winners.

Ayon sa ilang nakakausap ko na malapit sa mga ito, okay si Aljur at mabait ito pero may pagkamahadera raw ang ilang kapamilya nito.

Si Mart ay na-late na raw agad nang halos isang oras sa isang guesting niya.

Mas marami akong narinig na kuwento tungkol sa Ultimate Sweetheart na si Jewel Misch.

Sobrang pasaway raw ang batang ito. Hanggang sa huling araw sa Starstruck 4 ay consistent pa rin daw sa pagiging pasaway si Jewel. Kulang-kulang daw ang dalang requirements nito.

Napakabata pa ni Jewel, napagdudahan nang nagparetoke.

Ang unang obserbasyon nila sa batang ito, parang retokado ang boobs nito. Naikumpara ito sa boobs ni Maui Taylor na hindi gumagalaw at steady sa pagkatayo.

Kahit sumasayaw si Jewel, parang hindi raw natitinag ang dibdib niya.

Ang isa pang mukhang niretoke ay ang ilong ni Jewel. Parang inayos ang bandang baba nito.

Maganda ang hugis ng puwet ni Jewel at may balakang dahil lagi raw itong may pads sa puwet.

"Kadera Queen" ang tawag kay Jewel dahil hindi raw nawawala ang kadera na suot nito.

Sa Startalk sa Sabado ay guests ang survivors at avengers ng Starstruck 4, dahil ibibigay sa winners ang mga napanalunan nila pati ang ilang premyo sa finalists. Source.

Labels:


Continue Reading...

Georgina Wilson, nabubulol

Naalala namin na bago pa sinimulan ang Lupin ay gusto ng Siyete na kunin ang real-life girlfriend ni Richard na si Georgina Wilson para gumanap sa karakter ng true love at babaeng pinakasalan ni Lupin na si Angeli Villavicer.

Hindi natuloy si Georgina sa nasabing role at napunta ito sa 2007 Bb. Pilipinas 1st runner-up at Best in Swimsuit na si Abigail Lesley Cruz, kaya kinantiyawan namin si Richard na malamang siya ang umayaw na tanggapin ito ng kanyang pretty girlfriend.

"Gusto talaga niya. Hindi ako ang may ayaw. Pero kasi, kayong lahat eh, pinipilit n’yo siya nu’ng time na ‘yon (sa birthday party ni Tito Eddie Gutierrez) so, parang wala siyang choice. Ang lagay namang sabihin niyang, ‘Ayoko!’ Siyempre, nakiki-ride on din siya na, ‘Okay, okay…’

"O sige, eto ang totoo… she really thought about it, okay? At siya ‘yung gusto sana talaga ng production people. Pero dapat sinabihan siya a long time ago pa.

"Eh hindi niya naayos ‘yung schedule niya sa school. Umalis na siya pabalik ng Australia, magti-taping pa lang kami.

"She was open to it, pero habang pinag-uusapan namin… lalo na nu’ng ipabasa ko sa kanya ‘yung script, ang haba ng mga linya na Tagalog! So, tawa kami nang tawa! Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to?’ Ha! Ha! Ha!" natatawang tsika ni Richard.

So, hindi siya ang kumontra sa nasabing ideya?

"Honestly, hindi ko kinontra. I was just being realistic, na nag-aaral siya at ‘yun ang priority niya. At sabi niya rin sa akin, she’s not really an actress.

"Eh, ‘yung mga eksena namin, intense drama. At ‘yung Tagalog lines, nabubulol siya. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, bago natin gawin ang eksena, magtatawanan tayo!’ Biruin mo, magda-dramahan kaming dalawa? Tatawa kaming dalawa for sure! Ha! Ha! Ha!"

Pumasok din ba sa isip niya ‘yon na bongga sana kung natuloy si Georgina sa Lupin?

"Oo, maganda talaga ‘yung idea na ‘yon. Pero sana lang, na-plan earlier. Sana, nasabihan siya earlier para nasabi niya sa family niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa parents niya na she’s not going back to Australia, ‘di ba?

"So ‘yun ang nangyari. Sayang, ‘no? He! He! He! Nanghinayang din ako, pero personally… at sa kanya na rin, ayaw niya talagang mag-showbiz. Baka gumulo lang kasi ‘yung buhay namin ‘pag pumasok siya sa showbiz, eh!

"Alam niya ‘yon. Alam niya rin kung gaano ka-draining ‘yung trabaho ko and I don’t think she wants to be involved.

"Okey na ‘yung private life niya. She’s doing good in school, modelling… ako na lang ang sasabak sa giyera. Huwag na siya! Ha! Ha! Ha!" tawa pa ni Richard. Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 28, 2007

Jolina Magdangal, mukhang batang busog kapag nabuntis

Itinanggi ni Jolina Magdangal na nagpakasal na sila nang palihim ng kanyang nobyong si Atty. Bebong Muñoz.

"Ay nako, hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yang balitang ‘yan, eh! Tapos, may tsika rin na babalik daw kami ni Bebong ng Camiguin dahil if ever daw magpapakasal kami, doon ko raw gusto!

"Saan naman nanggaling ‘yon? Kelan ko sinabi ‘yon?!" natatawang bulalas ni Jolina nang makatsikahan namin sila ni Bebong over merienda kahapon sa Serye resto sa Quezon Memorial Circle sa QC.

Nilinaw ni Jolens na hindi pa sila nagpapakasal nang civil ng kanyang nobyo dahil gusto nilang paghandaan ito nang husto at sa simbahan nila nais makasal.

Magkaiba ang dream wedding ng mag-sweetheart. Si Bebong ay gustong sa Europe magpakasal kung siya ang masusunod, pero aminado itong malabo ‘yon dahil dito gusto ni Jolina para makapiling ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Ayaw mainitan ni Jolens ang mga dadalo sa kasal niya kaya hindi niya type ang garden wedding. Gusto niyang makasama ang fans niya sa kanyang wedding day o kung hindi man ay magpapa-party na lang sila ni Bebong para sa mga ito.

6 years and 2 months na silang magkarelasyon ni Bebong (Enero ang kanilang anniversary). 33 y/o si Bebong at magtu-29 y/o na si Jolens sa Nobyembre 6. Aniya, kundi later this year ay early next year ang kasal nila.

"Huwag nang sobrang tagal kasi, it’s time!" dayalog sa amin ng happy and in love na dalaga.

***

Napi-picture na ni Jolina ang sarili niya bilang isang maybahay.

Keri na raw niya ang maliliit na bagay tulad ng pag-aayos ng bahay at pagba-budget.

Sa malalaking responsibilidad bilang asawa ay medyo nireredi na rin niya ang kanyang sarili.

May bahay ang pamilya ni Bebong sa Caloocan at sa Quezon City at meron din itong apartment sa Greenhills pero gusto nilang dalawa na magpundar ng sarili nilang bahay kung saan sila bubuo ng pamilya.

"Iyung ibang mga tao, bata pa rin ang tingin nila sa akin hanggang ngayon. Kaya ‘yung iba, nagugulat na, ‘Ha? Magpapakasal ka na??’

"Parang feeling nila, nagmamadali ako! Hindi po ako nagmamadali. Late na nga po yata ako, eh! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

***

Mas mauuna silang lumagay sa tahimik kesa sa magsyotang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil bukod sa mas matagal na ang relasyon nila ni Bebong ay mas settled na sila.

"Ako, ang feeling ko, nakakatuwa sila (Juday at Ryan) kasi, palagi silang magkasama. Kami ni Bebong, nagkaroon kami ng challenge at risk noon dahil sa 6 years namin, siguro almost 4 ½ o mga 5 years kaming magkalayo (dahil nag-aral at nagtrabaho si Bebong sa Amerika).

"Feeling ko, kanya-kanyang blessings ang ibinibigay ni God. Kami, mas matagal na, pero nagkalayo kami nang ilang taon. Sila, sandali pa lang pero palagi silang magkasama. Magkaibang sitwasyon pero parehong happy!

"Kaya kami ni Juday, kapag magkakuwentuhan kami, tawa lang kami nang tawa! At saka ‘yung double date namin (nu’ng Disyembre 2006), hindi namin ginawa ‘yon dahil alam naming magkakaroon kami ng movie ni Juday (horror flick na Ouija sa GMA Films).

"Wala pa ‘yung offer na ‘yon, nag-double date na kami. So, sabi ko nga, parang ang ganda naman ng nangyayari sa personal naming buhay, na masaya siya tapos, maayos pa ‘yung career namin, di ba?

"Ang sarap ng feeling! Kaya minsan, nare-reminisce mo ‘yung noong araw na pinag-aaway pa kami ni Juday, di ba? Tapos eto ngayon, ang mga pinag-uusapan na natin eh, malapit na kaming mag-asawa at maging nanay! Ha! Ha! Ha!

"Sabi ko nga, ‘Uy, mareh! ‘Yung mga family natin, palaging magba-barbecue, ha? Ikaw ang magluluto, ako ang mag-e-entertain sa mga bata!" nakangiting pakli ni Jolens.

Ilang tsikiting ba ang gusto niya?

"Gusto ni Bebong, tatlong anak. Ako, kung ilan ang kakayanin ng aking maliit na lalagyan! Ha! Ha! Ha!

"Dyusko, pag nagbuntis siguro ako, mukha lang akong batang busog! At saka magsusuot pa rin ako ng sando kahit malaki na ang tiyan ko! Bakit ba?!

"Maghu-host pa rin ako at talagang ipakikita ko pa ‘yung malaking tiyan ko! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Jolina. Source.

Labels:


Continue Reading...

Starstruck final judgment, hindi nito napuno ang venue

Tumugma ang hula namin kung sino ang apat na winners sa batch 4 ng Starstruck The Next Level na nag-final judgment nung Linggo sa Marikina Sports Complex.

Sina Mart Escudero at Kris Bernal ang tinanghal na Ultimate Loveteam, si Aljur Abrenica ang Ultimate Hunk at si Jewel Misch ang Ultimate Sweetheart.

May nag-text tuloy sa amin na baka may leakage na nakarating sa amin.

Sa anim na survivor, ang daling piliin para sa mga titulong ito ng Starstruck 4. Halatang-halata mo na kung sino ang malakas sa fans at sa council.

Medyo nagduda na lang kami nung bandang huli dahil ang lakas na ng dating ni Prince Stefan at nagkaroon pa ng demerits si Mart dahil kinunan nito sa cellphone ang pag-ihi ng isang staff ng Starstruck.

Maganda ang inihanda ng Starstruck 4 sa kanilang final judgment, kaya lang, hindi ito kasinlakas ng mga nakaraang Starstruck.

Nung nakaraang taon ay napuno ang Marikina Sports Complex kahit apat lang ang naglaban.

Ngayong anim ang survivors, hindi nito napuno ang venue at in-occupy na lang ang oval sa loob. Hindi halos nangalahati ang mga taong nakaupo sa bleachers.

Ilang beses pang nagpaalala ang floor director sa audience na pumalakpak nang malakas dahil hindi sila ganun kainit sa Survivor 6.

Maganda ang palabas lalo na ang opening number na sinalihan ng mga taga-Starstruck mula batch 1 hanggang 3 at avengers ng batch 4.

Hinati-hati sila base sa kanilang talent at kung anong image sila pina-package.

Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras pa rin ang sobrang lakas ng dating. Lutang na lutang ang dalawa at sila pa rin ang tinitilian ng fans.

Malakas din ang dating ni Yasmien Kurdi dahil sa Bakekang siguro. Bigay na bigay si Yasmien sa pagkanta at pagsayaw kahit may katabaan pa rin siya.

Sa grupo ng sexy babes, angat na angat si Katrina Halili at ibang-iba na ang dating niya.

Sa hunks ay tinalbugan ni Dion Ignacio si Tyrone Perez kahit nagbida na ito sa Twilight Dancers. Ang sexy sumayaw ni Dion at tamang-tama na itong isali sa isang sexy movie.

Kahit alanganin pa rin ito sa sagot ni Dion kung handa na ba siyang magpa-sexy, tingin namin ay hinog na hinog na siya para isabak sa paseksihan. Visit the source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 27, 2007

Mart Escudero, Kris Bernal wagi sa 'Starstruck 4'

WIN sina Mart Escudero and Kris Bernal as Ultimate Pair sa Starstruck The Next Level.

Continuous ang tradition ng letter ‘M’ for the guy winner of the first artista-search show as Mart follows Mark Herras, Mike Tan and Marky Cielo as this year’s top male pair survivor.

Kris broke the tradition naman of letters J and R for the female winner. We’re happy to note na hindi naka apekto ang demerit ni Mart na ipinataw sa kanya for a naughty mistake.

Win din sina Aljur Abrenica as the first Ultimate Hunk and Jewel Mische as the first Ultimate Sweetheart. Tinotoo ni Prince Stefan ang kanyang pangalan as the First Prince at si comeback girl na si Rich Asuncion naman ang First Princess.

Mart also became the first wild card to win the top spot when he replaced Paulo Avelino sa Danger Eight.

Masayang-masaya kami for Popoy Caritativo. He-he-he! Source.

Labels:


Continue Reading...

Bubble Gang sa Boracay

Naisama kami ni Marivin Arayata (VP for Entertainment ng GMA 7) sa taping ng Bubble Gang sa Boracay. Kasabay namin sa eroplano sina Ara Mina, Diana Subiri, Maureen Larrazabal, Pauleen Luna, Francine Prieto, Paolo Contis, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at ang ilang production crew ng programa.

Nauna sa morning flight ang iba pang may kinalaman sa production.

Kahapon sumunod sina Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto at iba pang cast pagkatapos nila sa SOP sa Marikina City.

Asian Spirit ang eroplano namin patungong Caticlan. Medyo malikot ang eroplano lalo na sa pag-take-off at paglanding.

Panay ang sigaw ng mga batang pasahero tuwing lumilikot o nagkakaroon ng air pocket ang eroplano.

Ang mommy ni Pauleen Luna ay nagtitili habang pababa ang eropano. Sobra pala sa nerbiyos ang mommy ni Pauleen kahit matagal na itong sumasakay sa eroplano. Bale first time ni Pauleen at ng mommy niya sa Boracay. Excited si Pauleen dahil makakapag-jetski na naman siya. Mahilig pala siya sa jetski at may sariling jetski sila na naka-dock sa Subic.

Matagal na raw siyang hindi nakakapag-jetski at wala siyang pakialam kahit P6,000 ang renta nito sa isang oras.

As usual, pinagkakaguluhan ang mga artista habang kinukunan ang mga eksena sa beach at sa iba’t ibang lugar dito sa Bora.

Maayos ang tinutuluyan naming La Carmela. Madalas naming marinig ang lugar na ito sa iba’t ibang artista na nagpupunta sa Boracay. Please visit source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 26, 2007

Starstruck winners

Ultimate Loveteam - Mart Escudero and Kris Bernal
Ultimate Hunk - Aljur Abrenica
Ultimate Sweetheart - Jewel Mische

1st Prince - Prince Stefan
1st Princess - Rich Asuncion

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili, may bukol sa lalamunan

Kinumpirma ni Katrina Halili na may malubha siyang sakit sa lalamunan.

Isang linggo na itong ginagamot at pinaiinom ng antibiotic ng kanyang doctor.

Tinawagan namin si Kat sa cellphone at eto ang kanyang naging pahayag tungkol sa pangamba ng iba na baka cancer na ang sakit niya.

“January pa po ay grabe na ang ubo’t sipon ko. Tapos kadalasan ay paos ako. Dalawang beses na akong nawalan ng boses last year. Una noong Majika workshop, at pangalawa nu’ng guesting ko sa Fantastic Kids.

“Last January, grumabe ang ubo’t sipon ko. Talagang nagasgas ’yung throat ko, kaya hinihingal akong magsalita at hirap huminga.

“May infection daw ang throat ko, sabi ng doktor, kaya may tumubong bukol. Sabi pa niya, baka overworked lang ako. ’Di na ako puwedeng magsalita nang malakas at bawal na bawal sumigaw.

“Dalawang Linggo na rin akong parang laging may trangkaso Kaya payo ni Doc, ituloy lang ang antibiotic for another week. Pagkatapos nu’n, ’pag wala pa ring improvement, iba-biopsy na ang bukol para makita kung infection lang ba o cancerous siya,” patuloy ni Katrina.

Kahit may dinaramdam, tuloy pa rin siya sa pagte-taping ng Lupin ni Richard Gutierrez.

“Iwas na lang akong magsalita nang magsalita kung hindi rin lang naman kailangan,” sabi pa ni Katrina. Source.

Labels:


Continue Reading...

Ending ng Bakekang

Ayaw idetalye ni Sunshine Dizon ang ending ng Bakekang para ‘di ma-preempt ang viewers, basta maganda ang ending at perfect mix ng tuwa at lungkot. Ayaw din nitong magbigay ng clue kung sino ang mamamatay at ikakasal sa major characters ng teledrama.

Natatawa ang actress ‘pag tinutuksong ang haba ng hair ni Bakekang dahil pinag-aagawan ng dalawang guwapong lalake: sina Christoph (Jay Manalo) at Herman (Victor Neri) at sasaya ang kinikilig na viewers sa magiging pagtatapos ng kanilang love triangle.

Ano ang napatunayan niya sa Bakekang?

"I hope I became a better person and actress at very wonderful experience for me na sa akin ibinigay ang project. Not everyone is given the chance to portray a 40 year old woman at may dalawa pang anak, eh 23 years old lang ako. Sana, hindi ko sila na-disappoint."

Pinasasalamatan ni Sunshine ang co-stars niya, staff, utility, writers, GMA-7, directors Gil Tejada and Khryss Adalia, direk Carlo Caparas at Donna Villa na dumating sa special show na ibinigay nila sa viewers ng teledrama na sumubaybay sa seven months nila sa ere. Nasa audience rin sina Annette Gozon-Abrogar and husband, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata at iba pang taga-Ch. 7.

"We can’t ask for more. God is good to us. Maganda ang rating namin mula nang mag-umpisa ang show hanggang ngayong matatapos na," pasasalamat nito.

Umiwas din si Sunshine na pag-usapan ang Impostora, pero nalaman naming sa April 11 na ang story conference nila at kundi April 15 ay Apr. 16 ang first day taping. Reunion nila ito ni direk Maryo J. delos Reyes at Iza Calzado na una niyang nakasama sa Kung Mawawala Ka at Encantadia/Etheria. Nasa cast din daw si Alfred Vargas at marami pang iba. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 25, 2007

Jolina Magdangal, buntis?

MAY tsikang buntis na si Jolina Magdangal kaya gustong magpakasal sa BF na si Bebong Munoz.

Sa Camiguin pa raw gaganapin ang kasal dahil ’yun ang matagal nang pangarap ng singer-actress.

Kaklaruhin ni Jolina ang isyung ito mamaya sa S-Files.

Live ring mapapanood sa show ang mga kaganapan sa Marikina Sports Complex, kung saan idaraos ang StarStruck judgment night.

Pag-uusapan din nina Pia Guanio, Joey Marquez at Paolo Bediones ang diumano’y pakikipagplastikan ng EB Babes sa Sex Bomb Girls, ang relasyong Jennylyn Mercado at Patrick Garcia at ang pagkaka-link ni Angel Aquino kay Boybits Victoria.

May guesting ang cast ng Lupin ni Richard Gutierrez at sasagutin din ng show kung kanino mapupunta si Sunshine Dizon sa papatapos nang Bakekang.Source.

Labels:


Continue Reading...

ennylyn Mercado at Ryza Cenon, deadma?

Sabay na nag-guest sina Jennylyn Mercado at Ryza Cenon sa taping ng All Star K nu’ng Miyerkules.

‘Hired K!Llers’ sina Jennylyn at Patrick Garcia at isa sa contestants si Ryza.

Pinagbati nina Allan K at Jaya sina Jennylyn at Ryza pero halatang hindi sincere ang pag-‘hi’ nila sa isa’t isa.

Parang inaasahan na ni Ryza na ibabagsak siya ni Jennylyn pero hindi siya natanggal agad dahil mataas ang score niya kay Patrick.

Consistent daw na mababa ang score na ibinigay ni Jennylyn kay Ryza kaya hindi na ito umabot sa face-off.

Pagkatanggal kay Ryza, kaagad na umalis ito.

Syanga pala, hindi na pala tuloy si Jennylyn sa My Kuya’s Wedding ni Ryan Agoncillo dahil hindi sila magkatugma ng schedule.

Si Pauleen Luna ang binabalak ng Regal na ipalit kay Jennylyn. Source

Labels:


Continue Reading...

EB Babes, cover ng FHM sa Abril

Natutuwa ang fans ng EB Babes dahil ang nasabing girl dance group ng Eat Bulaga ang cover ng FHM sa Abril.

Mala-Pussycat Dolls ang concept ng pictorial na ginawa sa Embassy at Cuisine bars sa The Fort.

Sexy pero hindi malaswa ang mga kuha sa kanila ng fashion fotog na si Jay Tablante.

Puring-puri ng mga taga-FHM ang mga miyembro ng EB Babes dahil bukod sa mga bagets at fresh ang dating ng sampung girls, halos lahat daw ay maganda at malakas ang sex appeal.

Ipinakita sa amin ang isang spread pictorial nila at base sa nakita namin, ang pinaka-pretty sa sampu ay sina Lian, Mergene, Angel at Mae. Si Joyce ang pinakamakinis.

Nai-cover din noon ng FHM ang Sexbomb nu’ng kasikatan nila, pero apat lang sa Sexbomb girls ang nasa cover at ‘yung iba ay sa inside pages lang may picture.

Sa kaso ng EB Babes, naka-gatefold ang FHM cover kaya apat na girls lang ang nakapronta pero kapag binuksan ito ay silang sampu ang covergirls ng nasabing men’s mag.

Malakas ang March issue ng FHM na si Angelica Panganiban ang cover at umaasa silang hahataw rin ang sales nito sa Abril.

***

Napanood namin kamakailan ang EB Babes sa isang dance concert sa Zirkoh-Greenhills kasama ang iba’t ibang dancers. Nagulat kami dahil ang lakas ng hiyawan sa kanila ng audience.

Naaliw kami sa mga lalake sa crowd, lalo na sa mga bagets boys, dahil titig na titig sila at para bang natutulala kapag gumigiling na ang EB Babes sa stage.

In fairness ay magandang pagmasdan ang sampung girls lalo na ‘pag tinamaan na sila ng ilaw sa entablado.

Parang ang kikinis nilang lahat at ang seseksi sa suot nilang maiiksi at hapit na hapit na maong shorts.

Klik na klik sa boys ‘yung mga pa-cute at pa-girl nilang dance moves, lalo na nu’ng humataw sila ng nakaiindak na Itaktak Mo ni Joey de Leon.

Pagdating sa kantahan ay nakalalamang si EB Babe Belle na ang husay bumirit. Paborito naming binabanatan niya ang Stand Up For Love ng Destiny’s Child.

Napansin namin na si EB Babe Lian ang pinakamabenta sa fans dahil ang daming boys na lumalapit sa kanya para magpapiktyur.

Siya ‘yung natsismis noon kay Janno Gibbs at nali-link ngayon kay Mark Herras.

Sa isang interview ay nabanggit ni Lian na parang mag-MU na raw sila ni Mark. Pero nu’ng tanungin si Mark about Lian, ang sagot nito ay sobrang busy raw siya at walang panahong mag-girlfriend.

Hindi namin sure kung sino sa grupo ang syota ni Yexel Sebastian na ex-boyfriend nina Rochelle Pangilinan at Iwa Moto.

May nakakita kamakailan sa ilang EB Babes na sakay ng kotse ni Yexel at mukhang isa sa kanila ang nobya nito ngayon. Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 24, 2007

Walang tsugihan sa ‘Eat Bulaga’

MATAGAL nang ipinagpipilitan ng ilang quarters na may mangyayaring tsugihan sa Eat Bulaga at pati ang pangalan ni Ciara Sotto ay nadaramay sa isyu.

Ayon sa sitsit, si Ciara raw ang unang tsutsugihin sa roster ng EB hosts.

Sad to say, mali ang mga bali-balita. Ayon sa isang source, walang tsugihang mangyayari, bagkus ay magkakaroon ng ilang pagbabagong lalo pang magpapalakas sa numero unong noontime show ng bansa.

Abangan na lang daw ang mga pagbabagong ito at sa mga mahilig mag-imbento ng tsismis, better luck next time. Source.

Labels:


Continue Reading...

Lupin Taping

Ngayong araw na ito ang balik sa Maynila ng grupo ng Lupin na nag-taping ng tatlong araw sa Baguio City.

Nag-a-advance taping ang mga taga-Lupin dahil malapit na ang Holy Week at ngayong Abril na kasi magsisimulang ipalabas ang kanilang series.

Bale ang Lupin ang papalit sa Bakekang.

Kahit delikado ang kanyang stunts sa Lupin, masaya pa rin si Richard Gutierrez sa bago niyang show sa GMA 7.

Gustung-gusto niya ang kanyang role sa series na ito.

"Hindi ako naka-costume dito sa Lupin, kaya medyo iba ito," pahayag ni Richard.

Mas madugo at mas delikado ang taping ng Lupin kahit hindi ito tele-fantasya.

Mas maaksyon ang Lupin kumpara sa mga telefantasya na nagawa na ni Richard sa Siyete.

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 23, 2007

Mark Herras mag-outing sa Calamba, Laguna sa Semana Santa

Nalalapit na naman ang Semana Santa kaya paspasan ang mga taping para sa ilang araw na bakasyon.

Sa ganitong pagkakataon nakapagbabakasyon nang matagal-tagal lalo ang maraming artista.

Balak ni Mark Herras at ng mga kagrupo niya sa Starstruck na mag-outing sa Pansol sa Calamba, Laguna kung saan maraming hot spring resorts.

Si Mark ang isa sa mga kabataang artista natin na punung-puno ang schedules sa dami ng trabaho at wala na nang time para mag-good time.

Nadatnan namin si Mark Herras na bumabawi ng tulog habang hinihintay ang kanyang mga eksenang kukunan sa Princess Charming. Galing kasi siya sa taping ng Bubble Gang kung saan isa madalas siyang mag-guest.

Abala rin si Mark sa Fantastikman, isang bagong programa ng GMA 7 kung saan siya ang bida.

Bida rin si Mark sa isang digital movie at katambal niya si Michelle Madrigal. Kaya nasisiguro namin na pagmumulan na naman ng intriga ang dalawa. source.

Labels:


Continue Reading...

Bebong Muñoz and Jolina Magdangal updates

Nag-decide na si Bebong Muñoz na umuwi rito sa Pilipinas at tumakbo bilang konsehal sa Caloocan City kaya naghahanda na rin si Jolina Magdangal na tumulong sa kampanya. Di ba, member ng Asistio clan si Bebong?

Sa Marso 29 ang deadline ng filing ng Certificate of Candidacy ng local officials. Kaya ito rin ang simula ng 45-day campaign nila.

By that time, matatapos na nila ang pelikulang Ouija ng GMA Films. Last time nang nakausap namin si Direk Topel Lee, five days na lang ang kailangan niya for principal photography ng pelikulang ito nina Judy Ann Santos at Jolina. Kaya makatutulong na si Jolina sa full-blown campaign.

Tinanggihan ni Jolina ang offer ng Regal to play Ryan Agoncillo’s fiancée (wife-to-be) sa My Kuya’s Wedding. Si Jennylyn Mercado ang pumalit.

April kasi ang simula ng siyuting ng pelikula na si Topel din ang director. LINK

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 22, 2007

Sinenovelang Sinasamba Kita

Kinumpirma ni Direk Joel Lamangan nang makausap namin sa presscon ni Migz Zubiri, na nagkaroon ng changes sa cast ng Sinenovelang Sinasamba Kita ng GMA-7.

Napalitan ang role ni JC de Vera, na supposedly ay gagampanan ang role na Phillip Salvador sa movie version.

Sa halip ay si Carlo Aquino na ang gaganap sa nasabing papel.

Kung bakit napalitan si JC ay hindi na dinetalye pa ni Direk Joel, although may nakapagsabi sa amin ng tunay na dahilan, pero nangako kaming hindi na isusulat ’yon.

Anyway, ayon pa kay Direk ay hindi mawawala si JC at bibigyan ng ibang role.

As for Carlo, wala raw existing contract ang young actor sa ABS-CBN kaya libre siyang tanggapin ang offer ng GMA-7. Freelancer daw ito, kaya puwedeng maglagare sa dalawang istasyon.

Ang Sinenovela ng GMA-7 ang pantapat sa Sineserye ng ABS-CBN, na nagsisimula na ngayon via Palimos ng Pag-ibig nina Kristine Hermosa, Diether Ocampo at Rica Peralejo. LINK.

Labels:


Continue Reading...

Kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, mabenta

Mabenta sa mga commercial ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Kung anu-ano nang commercial ang nagawa ng kambal kasama ang kanilang ina.

Ito ay kinumpirma ni Carmina nang makausap namin siya sa taping ng Princess Charming kamakailan.

May bago silang lalabas na commercial at may gagawin pa. Bata pa ang kambal ay marami na silang savings.

Kung minsan ay sinusumpong ang anak na lalaki ni Carmina kapag naiinip na sa set, kabalig-taran ang anak na babae na buhay na buhay at gustong umarte sa harap ng camera.

Minsan, ang anak na babae ni Carmina ang nagtuturo sa kapatid kung papaano aarte, na sinusunod ng huli. Link.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 21, 2007

Pauleen Luna makipaghalikan kay Mura

TOTOO palang pumayag si Pauleen Luna na makipaghalikan kay Mura sa episode ng Magpakailanman ngayong Huwebes ng gabi.

Pumunta kami sa set ng MKM sa Bago Bantay, Quezon City, at naipagtapat ni Pauleen na nagkaroon sila ng kissing scene ni Mura.

Aniya: “Wala akong pinipili pagdating sa halikan sa pelikula o sa TV. Hindi ako marunong mag-discriminate ng artista. Basta kailangan sa script, ginagawa ko. Wedding day namin ang eksena at kailangan kaming mag-lips-to-lips sa harap ng pari.”

Nasabi pa ni Pauleen na pamangkin lang ang turing niya kay Mura. Sobrang liit kasi ng actor kahit 31-year- old na siya ngayon.

Mapapanood na ang nakatutuwang love story ng isang midget at isang normal na babae na biniyayaan ng dalawang anak bukas ng gabi sa Magpakailanman ng GMA-7. VISIT the LINK

Labels:


Continue Reading...

Zarah Lopez galit kay Polo Ravales

Galit na galit ang Viva Hotbabe na si Zarah Lopez kay Polo Ravales dahil sa sinabi ni Polo na ginagamit lang siya ni Zarah para mapag-usapan.

Ang haba ng itinext sa akin ni Zarah kung saan dinetalye niya ang nangyari sa kanila ni Polo noong Oktubre 26, 2005 na nasundan ng pagkikita nila ng mga sumunod na araw.

Finorward ko kay Polo ang text ni Zarah kamakalawa at kaagad na tumawag ang aktor.

Naiinis si Polo sa mga nangyari dahil napagalitan na siya ng mommy niya.

"Ayaw na nga niya akong palabasin, kasi, nagagalit na siya sa mga naririnig niya," himutok ng aktor.

Ayaw nang sagutin ni Polo ang text na iyon ni Zarah. "Baka mamaya, kung ano na naman ang sabihin niya kapag sinagot ko ‘yan," pahayag ni Polo.

Tumawag sa akin si Ara Mina kahapon dahil narinig niya ang interview kay Zarah sa radio program ni Ogie Diaz.

Napag-usapan sa interbyung iyon ang halos kabuuan ng text sa akin ni Zarah.

Napabuntung-hininga na lang si Ara dahil may mga nalaman siya na lalong ikinasama ng loob niya kay Polo.

Wala na rin naman daw sila at wala na siyang dapat ipagsintir pero may mga nadiskubre siyang ngayon lamang niya nalamang ginawa ni Polo noong may relasyon pa sila.

Nagkita na raw sila ni Polo nu’ng Linggo pero civil lang sila sa isa’t isa.

Biniro pa raw ni Ara ang dating boyfriend kay Zarah, pero hanggang doon lang at wala na silang napag-usapan.

Pagkatapos ng may mga nalaman si Ara kay Polo, mukhang malabo na silang magkabalikan.

Kahit friends lang, mahirap na rin yata.

Ayaw nang magsalita ni Ara, pero nahahalata naming nasaktan siya sa mga ginawa ni Polo. Visit this link.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 20, 2007

Paolo Bediones, loveless

Sayang at walang babaeng mapaghahandugan si Paolo Bediones ng kanyang napakaraming tagumpay, hindi lamang sa kanyang showbiz career kundi maging sa kanyang mga business endeavours.

Sa gulang na 33, isa nang chairman ang magaling at grasyosongTV host ng I/Tech. Ph Solutions, isang negosyo na nagtuturo kung paano mapag-alab ang entrepreneurial drive ng mga Pilipino, hindi lamang para mapaunlad ang kanilang sarili kundi makatulong din sa ekonomiya ng bansa. Dahilan sa kanyang pagsisikap sa larangang ito ay ginantimpalaan siya ng Go Negosyo at itinuring na One of the Most Pro mising Entrepreneurs in the country.

Bilang pasasalamat sa maganda niyang kapalaran, maghahanap siya ng mga educational institutions na nangangailangan ng mga libro. Bahagi ito ng kanyang advocacy program na One Shelf of Books na may layunin ding mapatatag ang reading habit ng mga kabataan.

Hahanap din si Paolo ng mga taong karapat-dapat na matulungan sa negosyo, mga taong gustong magkaro’n ng sarili nilang negosyo pero natatakot dahil wala silang malaking kapital. Pipili siya ng mga karapat-dapat para pagkalooban ng natatanging pagkakataon na maging franchisee ng Ink All You Can na may market value na P800,000.

Namigay na siya ng isang franchise nung gabi ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang myembro ng media. At para masustina ang kanyang programa, magtatatag siya ng isang foundation sa tulong ng kanyang kumpanyang I/Tech.Ph partner na si Ms. Adela Purto. LINK

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, binakulaw ni Rudy Hatfield

Nag-emote si Rufa Mae Quinto sa taping ng Bubble Gang noong nakaraang linggo dahil nakatanggap siya ng kung anu-anong email mula sa dating boyfriend na si Rudy Hatfield.

Muntik na raw pauwiin na lang si Rufa Mae dahil mukhang apektado na ang taping ng Bubble Gang.

Humahagulgol daw si Rufa Mae nang nabasa ang mga ipinadalang email sa kanya ng basketbolista.

Ang nakarating na kuwento, madalas na nag-aaway daw ngayon si Rudy at ang kasalukuyang girlfriend nito dahil kay Rufa Mae.

Nung minsang nag-promote daw si Rufa Mae sa PBA nung may laro si Rudy, nandun din ang girlfriend ng huli.

Nairita raw ito nag kinakantiyawan si Rudy kaugnay kay Rufa Mae.

Magmula nun ay nag-email daw itong Rudy kay Rufa Mae na may pananakot pa na maglalabas daw ito ng mga kuwentong ikagugulantang ng lahat laban sa dating girlfriend.

Iyan ang isa sa mga iniyakan nang husto ni Rufa Mae dahil bakit gagawin pa raw ito ni Rudy sa kanya.

"Kung nag-aaway sila ng girlfriend niya, wala na akong kinalaman du’n. Huwag na nila akong idamay," himutok ng seksing komedyana.

Nabalitang ikakasal na si Rudy at ang girlfriend niya. Iyun nga lang, madalas daw ang away nila.

"Eh di magpakasal sila! Huwag na nila akong guluhin at mag-email ng kung anu-ano," patuloy ni Rufa Mae.

"Ang problema niya (Rudy), ang laki-laki niyang tao, ako ang ginugulo niya. Huwag na niya akong bakulawin, bakulaw siya!" patuloy na litanya ni Rufa Mae na halatang gigil na gigil na sa dating boyfriend.

Kung hindi pa matatapos ang gulo ng dalawa, ewan ko na lang kung saan hahantong ito.

Kinakausap na yata ni Rufa Mae ang kanyang abugado. Visit this link for more.

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 19, 2007

Carlene Aguilar pregnant

CALL it sin of omission. In the case of Dennis Trillo, people were wondering why he missed to mention the name of former girlfriend, beauty queen Carlene Aguilar, during his self-titled album launch under IndiMusic at Virgin Cafe.

He named so many people who inspired him in making this album, except for Carlene, who was reportedly pregnant courtesy of Dennis.

In fact, he looked reluctant to comment on the rumor. He said he hasn’t been in touch with Carlene for a long while. He even suggested that we ask Carlene about it instead.

Meanwhile, Dennis is simply too busy with his promotional tour, introducing the MTV of the album. He shuttles between tapings for “Super Twins” and rehearsing with his band, Mom’s Cake.

As to the rumor about Carlene, as far as he is concerned, he is not guilty.
Source

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo, nagpakatanga sa pag-ibig

Aminado si Dennis Trillo na hindi panghabambuhay ang showbiz kaya bukod sa nabili niyang bahay at kotse ay naisipan niyang mag-invest sa isang negosyo.

Kasosyo niya sa kanyang first business venture na Barrakz (sa Morato Ave., QC) sina Allan K, Alfred Vargas, Katrina Halili, Diana Zubiri at limang iba pa.

Ani Dennis, mala-Pier One ito na pwedeng tambayan ng magbabarkada hanggang 6:00 AM. Nasa finishing stage na ang construction ng Barrakz at nakatakda na itong magbukas pagkatapos ng Semana Santa sa Abril.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala si Dennis na isa na siyang full-fledged singer at recording artist.

Minsan daw ay kinikilabutan siya dahil hindi niya naisip na isang araw ay magiging singer siya.

Ini-release na ng indiMusic label nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang self-titled debut CD ni Dennis na kung pagsasama-samahin ay mga tatlong buwan niyang binuno bago natapos.

May isang kanta rito si Dennis na may pamagat na Tanga (kinompows ni Viktoria) at ayon kay Dennis, minsan ay tanga siya pagdating sa pag-ibig.

"Maraming tao ang nakalilimot sa sarili at hindi na iniisip ang ginagawa nila ‘pag umiibig. Ganu’n ang nature ng tao ‘pag nainlab, nagiging tanga.

"Minsan, tanga rin ako pagdating doon. Normal lang naman ‘yun, eh! Kasi, madalas nakalilimot ka talaga at minsan, hindi mo na alam na kagaguhan na ‘yung ginagawa mo o hindi mo naiisip ‘yung kalalabasan ng mga action mo, mapasaya mo lang ‘yung babaeng mahal mo!" sey ni Dennis.

Huli raw siyang naging tanga sa pag-ibig nu’ng high school siya na kahit may ibang boypren na ‘yung girl ay patay na patay pa rin siya dahil sobrang mahal niya. Source

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 18, 2007

Paradise of Stars soon to unveil

NAGKUWENTO si Kuya Germs.

Ang magiging kaibahan pala ng project niyang Paradise of Stars doon sa Walk of Fame, diyan sa Paradise ang attraction ay lifesize images ng mga star. May mga rebulto sila kagaya noong sa wax museum sa Hollywood. Makakapag-pose doon ang fans at makapagpapakuha ng souvenir photos.

Talagang balak na i-duplicate ni Kuya Germs ang lahat ng attraction sa Hollywood dito sa Pilipinas para ang mga artistang Pilipino ay mabigyan din ng ganoong parangal at pagpapahalaga.

Gastos niya lahat iyan, pero okey lang sa kay Kuya Germs basta mabigyang-parangal niya ang mga kapwa-artista na minamahal niya nang sobra.

Eh, ganoon din ba naman ang pagmamahal ng mga artistang ito sa kanya? Please visit this link.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales at Viva Hotbabes Zarah Lopez

Nasaktan si Ara Mina nang ibinalita ko sa kanya ang isyung meron na raw ipinalit si Polo Ravales sa kanya.

Natsitsismis si Polo sa miyembro ng Viva Hotbabes na si Zarah Lopez.

Namataang magkasama sina Polo at Zarah noong Miyerkules sa Embassy ba.

Ang sabi ni Zarah, doon lang sila nagkita pero sila na ang nagkasama.

Matagal nang magkakilala sina Polo at Zarah. Inamin ni Zarah na nagkatikiman sila noon ni Polo sa loob ng kotse ng aktor.

Hindi pa raw girlfriend ni Polo noon si Ara kaya wala raw problema.

Ipinakilala pa raw siya ni Polo sa Mommy nito.

Noong nagsimula nang manligaw si Polo kay Ara, hindi na raw siya tinatawagan ni Polo at hindi raw siya binabati kapag nagkakasalubong sila na kasama si Ara.

Bumalik ngayon ang isyu kina Polo at Zarah dahil nakita silang magkasama.

Ayaw naman sabihin ni Zarah na siya ang ipinalit kay Ara.

Kinunan namin ng reaksyon si Ara, at nagulat siya dahil wala raw sinasabi sa kanya si Polo.

"Kaya pala nananahimik siya ngayon," sambit ni Ara.

Dati raw ay madalas pa silang nagkakausap o nagti-text pero ngayon ay parang dedma na raw ang dating boyfriend. Kung meron na raw nahanap na kapalit si Polo, sana raw ay kinausap muna siya dahil iyon daw ang napagkasunduan nila, na magpaalaman kung gusto na nilang magkaroon ng panibagong relasyon.

"Kung totoo iyon, siyempre, masasaktan ako, dahil mahal ko pa rin naman iyon," pahayag ni Ara.

Wala raw siyang masasabi tungkol kay Zarah dahil hindi sila magkakilala. Please visit this source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 17, 2007

StarStruck's final judgment nears

StarStruck's final judgment nears

FOLLOWING its heart-stopping double eliminations last Sunday wherein the StarStruck Survivor 6 were named, StarStruck The Next Level gears up for the final leg of competition leading to the much-anticipated StarStruck Final Judgment, which will be held in Marikina Sports Park on March 25.

On top of giving their best in the upcoming artista tests leading to the finals, the Survivor 6 will also be going on an all-out campaign to earn votes from fans and supporters. The competition is now on its peak as all six Survivors vie for a spot in the elite Ultimate 4, the four winners holding the coveted titles of StarStruck Ultimate Sweetheart, StarStruck Ultimate Hunk, and the pair of StarStruck Ultimate Loveteam. All four winners will be on equal footing and will each win one million cash, a two-milion peso exclusive GMA management contract, and an attractive range of additional prizes.

The StarStruck Survivor 6 are completing StarStruck The Next Level’s nationwide invasion, visiting the key cities of Davao, Cebu, and Iloilo this week.

Hosted by Dingdong Dantes and Jolina Magdangal with Raymond Gutierrez, StarStruck The Next Level airs the touching homecoming moments of the Survivor 6 and their nationwide tour in its March 12-16 episodes.

StarStruck The Next Level air weeksnights after Jumong and Sundays after Mga Kuwento Ni Lola Basyang on GMA. Tickets for the Starstruck Final Judgment on March 25 will be given out for free. The show at Marikina Sports Park will start at 7 p.m., with the delayed telecast airing at 9:30 p.m. in GMA’s SNBO timeslot. Link is here.

Labels:


Continue Reading...

Dahil sa Imbestigador

Isa rin sa mga scoop ng Startalk bukas ay ang nahuli ng Imbestigador na kung saan may isang bading na producer kuno na nagpapa-audition ng mga baguhang aktor at male models para raw sa isang pelikulang ipalalabas sa ibang bansa.

Sa audition na ito ay hinuhubaran ang talent at pinagma-masturbate sa harap ng kamera.

Meron pang ilang nag-audition na hinada nito at kung anu-anong kababuyan ang ipinagawa.

Nakarating ito sa Imbestigador at sa tulong ng baguhang sexy actor na si Harold Montano ay natunton nila ang bading sa bahay nito sa Project 4, Quezon City.

Isa raw itong si Harold sa tinawagan nitong bading para i-audition.

Hindi raw pumayag si Harold nang pinaghubad na siya. Nagduda si Harold dahil silang dalawa lang daw ang nasa kuwarto.

Dahil hindi nagtagumpay itong bading sa gusto niyang ipagawa kay Harold, humingi na lang daw ito ng tulong na maka-contact ng iba pang male models, lalo na ang mga nailathala sa ibang sexy at gay magazines.

Nakunan ng spy camera ang ginagawa ng bading sa ibang nagpapa-audition.

Nagsagawa ng entrapment ang NBI sa tulong ni Harold at ng Imbestigador.

Nahuli itong bading na nagngangalang KIRBY LAO na gumagamit din ng pangalang ALEX NAVARRO at NEIL NAVARRO.

Ani Harold, alam niyang matagal na itong ginagawa ng iba pang bading na gustong makapagsamantala sa mga lalaki. Sana raw ay matuto ang ibang aspiring actors at models na mag-ingat sa mga taong kumakausap sa kanila at nag-aalok ng mga projects pero may ibang kapalit.

Syanga pala, kasama si Harold sa digital feature na Pantasya kung saan nakipag-threesome siya kina Mark Dionisio at Kiko Montenegro. Link is here.

Labels:


Continue Reading...

Ultimate Hunk: Aljur Abrenica?

Rickey's prediction for StarStruck Nationwide Invasion:

Ultimate Hunk: Aljur Abrenica
Ultimate Sweetheart: Jewel Mische
Ultimate Loveteam: Mart Escudero and Kris Bernal

Watch StarStruck Mall Tour in CEBU:

Labels:


Continue Reading...

Kris Bernal and Mart Escudero ballroom dancing

StarStruck: The Next Level video. Kris Bernal and Mart Escudero dancing.

Source: http://pinoy.rickey.org

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 16, 2007

Kuya Germs gumawa na ng mabuti, pinagtampuhan pa

Gusto naming ituloy ang kuwento tungkol doon sa inauguration ng Paradise of Stars sa Mowelfund Plaza. Kung kailan matatapos na ang programa at saka umakyat sa stage si Eddie Garcia at kumanta. Ang lakas ng palakpakan ng mga tao pagkatapos. Sumunod namang hinilingan nilang kumanta ay si Lilia Dizon, na nakadalawang kanta pa dahil walang tigil ang mga tao sa kasisigaw ng "more".

Nagkuwento nga tuloy si Kuya Germs kung papaanong noong araw ay pinilahan ng mga tao ang Clover Theater nang‑ kumanta roon si Lilia Dizon. Talaga raw ang pila, hindi matapus-tapos kahit na tatlong show na ang ginagawa nila araw-araw.

Pagkatapos noon, kumanta naman si Bella Flores. Naturally in the end, nahilingan din nilang kumanta ang master showman mismo, si Kuya Germs. Kaya nga noong malapit nang matapos ang programa, lalong nagkasiyahan ang mga taong naroroon.

Nakakatuwa ang mga ganyang gathering sa showbusiness. Kahit nga sinasabi nilang ang pelikula ay lugmok na, kahit pa sinasabi nilang namamatay na ang entertainment industry sa ating bansa, basta ganyang nagkikita-kita ang mga artista, parang nabubuhayan ng loob ang lahat ng mga nakakapanood sa kanila.
* * *
Pero ito ang tsismis. Alam ba ninyong sa kabila ng lahat ng ginagawa ni Kuya Germs para parangalan ang mga kapwa niya artista, mayroon pang masama ang loob dahil hindi raw sila nailalagay sa Walk of Fame? Mayroon namang nagsasabi na bakit daw yong ibang nasa Walk of Fame na, nasa Paradise of Stars pa?

Nang sabihin ni Kuya Germs na inuunti-unti niya dahil malaking gastos din naman at hindi niya kaya nang sabay-sabay, alam ba ninyong may nagsalita pa na kaya naman daw nilang bayaran iyon. Grabe hindi ba? Visit the link.

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia sa Magpakailanman

Isang madramang papel ang ginagampanan ni Jean Garcia sa Magpakailanman ni Mel Tiangco mamayang gabi sa GMA 7.

Episode #220 ang kuwento ni Mina Idao na pinamagatang ‘Pilat ng Kahapon.’

Nagsimula ang kalbaryo ni Mina nang ni-rape siya ng kapatid ng boyfriend. Pinakasalan siya ng kanyang rapist, si Michael.

Nagdurusa si Mina bilang neglected wife kaya hindi nagtagal ang pagsasama nila. Naghiwalay sila ni Michael.

Sa kanilang barangay may nagkagusto sa kanya, si Jersey, isang binatang may sayad. Hindi niya masyadong pinapansin ito.

Minsan sa tinding pagseselos, tinaga-taga siya nito.

Si Ian de Leon ang gumanap na Michael at si Victor Neri ang gumanap na si Jersey.

Kasama si Jean Garcia sa cast sina Melissa Mendez, Sheena Halili at Benj Pascia. LINK

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 15, 2007

Ogie, pakakasal muli?

May aaminin kaya si Ogie Alcasid sa kanyang show na One Night Only ngayong gabi sa Metro Bar, West, QC? Mapaaga kaya ang announcement niya instead na sa June?

"May mga preparations pa kasi akong ginaÿgawa tungkol diyan. Hinÿtayin n’yo na lang bukas. Tingnan natin. Depende sa feng-shui," bulalas niya.

Pero ang idiniin ni Ogie, it doesn’t concern anyone kundi but him. Ano ang kanyang iaÿÿanunsyo na mangyayari sa Hunyo? Paka_kasal kaya siya ulit?

"Hindi pa talaga puwede dahil wala pa naman akong ina-announce na hiwalay na ako sa asaCwa. Huwag na nating pag-usapan si Michelle (Van Eimeren) kasi hindi naman siya artista, eh. I want to give her the respect. At this point, Michelle is very happy with whatever is going on and so am I.

"I know na sinusundan din ng tao ang tungkol sa buhay ko and you want to hear the truth. And we owe the public the truth. Kaya ngae, hintayin n’yo na lang ang iaannounce ko para naman medCyo preparado kayo," deklara pa rin niya.

May statement si Ogie na nagsisilbing inspiras—yon niya si Regine sa mga pinagdadaanan niya ngayon. Very special daw sa kanya si Regine peroÀ hindi raw special in a romantic way. Basta’t abangan na lang sa June kung ano ang announcement at aamuinin ni Ogie.

Sana makumbinse ng audience si Ogie na magsalita ngayong gabi dahil One Night Only lang ‘yun. KaIsama niya sa show sa Metro Bar, West, QC sina Ara Mina, Lovi Poe, Arnell Ignacio, Take Five ng SOP/GMA 7, Metafour Band, First Five Band. Front act si Lyn Reyes with surprise guests.
Ang Pilipino STAR Ngayon 03/15/2007

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo napikon

Loveless pa rin si Dennis Trillo. Tsika sa amin ng binata sa press launch ng kanyang self-titled debut album under indiMusic kamakalawa nang gabi sa Virgin Café, Tomas Morato, QC, nauubos ang oras niya sa pagbi-videogames at pagtambay mag-isa sa kanyang condo dahil wala siyang girlfriend.

Minsan ay nag-iimbita siya ng mga kaibigan sa kanyang bachelor pad, pero ine-enjoy niya raw ngayon ang buhay-single dahil masarap maging binata.

Ayon kay Dennis, hindi pa sila nagkakausap ng kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar kaya hindi niya diretsong ma-deny o makumpirma kung totoong buntis ito.

Kamakailan ay napabalitang buntis umano ang 2005 Binibining Pilipinas-World na si Carlene at si Dennis ang itinuturong ama.

Itinanggi na ito noon ni Dennis sa kanyang mga interbyu pero ang sagot niya sa amin ngayon ay hindi niya raw sigurado.

"Hindi ko alam. Hindi ko sure," ani Dennis.

So, pwedeng buntis nga si Carlene?

"Hindi ko alam… ayoko lang magsalita."

Pero hindi niya dini-discount ‘yung possibility na puwedeng preggy si Carlene?

"Posible siguro... hindi ko alam, eh! Wala talaga akong alam," sagot niya pa.

Hindi ba siya nag-attempt na kausapin si Carlene tungkol dito?

"Hindi, eh! Ayoko kasing... kasi unang-una, nu’ng unang lumabas ‘yan, tinawanan ko lang talaga, eh! Ayoko nang i-confirm o ano kasi, kilala ko naman ‘yung tao and alam ko ‘yung mga pwede niyang gawin at alam ko ‘yung mga hindi niya pwedeng gawin…"

So, posible pa ring buntis si Carlene?

"Hindi ko alam. Ayoko na lang magsalita. Huwag na lang nating pilitin, ‘di ba?" bulalas ni Dennis, na tila naiirita na sa pangungulit namin.

Kung sakaling buntis si Carlene, paninindigan ba niya ito?

"Kung ako ‘yung ama! Pero kung hindi, bakit naman, ‘di ba? Huwag na nating pag-usapan ‘yan, wala namang koneksyon ‘yan sa pagri-release ko ng album, eh!" halatang pikon nang dayalog ni Dennis, pero hindi pa rin namin siya tinantanan.

Hindi man lang ba niya tinawagan si Carlene para alamin kung ano ang totoo tungkol sa buntis issue?

"Hindi ko pa siya nakakausap talaga. Ganu’n lang kasimple ‘yun!" maiksing sagot niya.

Wala ba siyang balak kausapin si Carlene?

"Hindi, kasi… hindi naman kami, eh! Wala naman kaming... hindi naman kami official na ano, ‘di ba? Magkaibigan kami, pero hindi kami!

"Matagal na kaming hindi nag-uusap. Huling usap ko sa kanya, nu’ng February pa, nu’ng Valentine’s Day!" mariing hirit niya.

Kahit sa text lang, hindi niya nagawang tanungin kung totoong buntis si Carlene?

"Hindi, eh! Kasi, mas maganda siguro kung ano...

"Ayoko naman ‘yung ako ang magsasabi. Hindi ko naman alam, eh, ‘di ba? Bakit hindi siya ‘yung interbyuhin n’yo, ‘di ba? Hindi ko talaga alam!" iritadong sagot ni Dennis, na medyo tumataas na ang boses.

So, wala siyang dine-deny o kinu-confirm sa totoong kalagayan ngayon ni Carlene?

"Wala. Kasi, hindi ko alam! Ganu’n lang kasimple ‘yun!" maigting na bulalas ni Dennis, na kitang-kita sa mukha na naiinis na siya sa mga tanong tungkol kay Carlene.
Please visit the link.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 14, 2007

Press ang album launch ni Dennis Trillo, palpak

Poor Dennis Trillo! Kung kailan siya nerbyos na nerbyos dahil may press launch ang kanyang self-titled debut album, from Indi Music sa Virgin Cafe Morato ay saka naman nagkapalpak-palpak ang programming ng mahalagang event sa kanyang career. First time yun na magkaro’n ng isang album launch na may kasabay na show. Tuloy maraming myembro ng media ang umalis na lamang at hindi nahintay ang pagkanta niya. Ako rin I was about to leave nang umakyat siya finally ng stage para mag-render ng three songs. Pero, pagkatapos nito ay nag-disappear na naman siya to give way to another rock band.

Ang tagal-tagal inabot ang presentation na kung di lamang siguro dahil kay Dennis, sa napaka-charming niyang manager na si Popoy Carotativo at sa isa pang may-ari ng Indi Music na napaka-grasyosa rin na si Leo Dominguez ay baka walang nagtyagang tapusin ang buong presentasyon. Ang masaya pa, hindi mo ma-interview si Dennis tuwing may break sa kanyang pagkanta. Di ko alam kung may natira pang media na nakapaghintay para siya makausap tungkol sa kanyang album.

At saka asan kaya ang top men ng Indi Music na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid? Dapat andun sila to support their first recording artist.

In fairness, maganda ang album, napagkamalan ko pang imported nang dumating ako ng Virgin Cafe at pinatutugtog ito.

It contains 12 tracks ("All Out Of Love", carrier song, "Lumilipad", "Her Smile", "Mangarap Lang", "All That I Know", "Magtatagpong Muli", "Love Is All That Matters", "Tanga", "Sayaw" at marami pang iba.

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 03/14/2007

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 13, 2007

Ina ng StarStruck Stef Prescott, hinimatay!

Emotional ang pagpili ng Final 6 ng StarStruck 4 The Next Level dahil umiyak si Stef Prescott at balita namin, hinimatay ang ina. Si Paulo Avelino nama’y very cool sa pagkaka-eliminate at alam sigurong tatakbo pa rin ang career, magsipag lang siya.

Nang ma-interview namin ang Danger 8 before Sunday, na-vote-out ng anim sa kanila sina Jewel Mische at Paulo at pati si Stef, ang dalawa ang inakalang maaalis. Sa binata lang siya tumama dahil pumasok ang una at mahigpit na makakaribal ni Kris Bernal sa mga title na Ultimate Sweetheart at Ultimate Loveteam dahil pareho sila ng talent.

Ninerbyos at nalungkot si Jewel para kay Paulo dahil ito ang closest to her sa boys. Wala na raw siyang mapagsasabihan ng mga problema “but we’ll keep in touch for sure,” sabi nito.

Nagulat si Kris nang tawaging kasama siya sa Final 6. Nagbunga raw ang pangangampanya niya pati sa Trinity University. Ang pag-i-excel sa acting ang edge niya kina Jewel at Rich Asuncion at ipanlalaban sa Final Judgment sa March 25 sa Marikina Sports Park.

Pinaka-kampante sa girls si Rich dahil naranasan nang ma-eliminate. Pure heart at pagiging palaban ang edge niya kahit local girl siya kumpara sa dalawa.

Si Prince Stefan ang bet niyang Ultimate Hunk dahil bagay daw sa best friend at roommate niya ang nasabing title.

Kahapon nag-start ang second leg ng nationwide invasion ng Final 6 at pumunta sila sa SM Davao. Sunod dito’y SM Cebu at SM Iloilo. LINK

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo ninerbyos dahil baka okrayin ng press?

Kagabi ang media launch ng debut album ni Dennis Trillo under Indi Music nina Regine Velasquez, Leo Dominguez at Ogie Alcasid. Nauna na ang TV launch ng album sa SOP last Sunday at kinanta nito ang carrier single ng album na "All Out of Love," ang duet nila ni Regine na "Magtatagpong Muli" na komposisyon ni Lisa Diy at "Lumilipad" ni Hannah Leah Aracena.

Sin ger na singer ang dating ng binata habang kinakanta ang ilang songs sa kanyang 11-track album. Hindi halatang ilang araw na itong ninenerbyos bilang anticipation sa launching sa harap ng mga suplada at mapang-okray na press people.

Remake at original songs ang nakapaloob sa album kabilang pa ang "Love Is All That Matters," "Her Smile," "Para Sa ‘Yo Lamang" ni Ogie Alcasid, "Sayaw Sa Hangin," "Tanga," "Kung," "All That I Know" at "Mangarap Lang."

Bukod sa album, nagpapa-excite din kay Dennis ang consistent high rating ng Super Twins. Kahit may mga kumontra sa pagtanggap niya sa role ni Eliseo dahil support lang daw nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. At least, ibang Dennis ang napapanood dito. LINK

Labels:


Continue Reading...

Mart Escudero, Rich Asuncion survive StarStruck

Talaga sigurong na katakdang mapabilang sa Top 6 Survivors ng StarStruck The Next Level sina Mart Escudero at Rich Asuncion. Natanggal na sila nung una pero dahilan sa wild card ay naibalik sila at swerteng napasama sa Top 6 na kung saan manggagaling ang Ultimate 4 na kukuha ng mga titulong Ultimate Sweetheart, Ultimate Hunk at Ultimate Loveteam na lahat ay mananalo ng tig-P1M, P2M exclusive GMA management contract at iba pang mahahalagang regalo.

Ang anim ay nagsimula ng kanilang nationwide tour kahapon (Marso 12 at magtatapos ng Marso14). Bibisita sila sa key cities ng Davao, Cebu at Iloilo bago sila bumalik ng Maynila para maghanda sa Final Judgement sa March 25 na gaganapin sa Marikina Sports Park, 7NG.

Ang apat pang kasama sa Top 6 ay sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Prince Stefan at Jewel Mische. LINK

Labels:


Continue Reading...

Gretchen, nag-enjoy sa duet nila ni Ogie

Nag-duet lang ng Bakit Ngayon Ka Lang? sina Ogie Alcasid at Gretchen Barretto sa show namin sa Zirkoh Timog noong Sabado ay kumalat na kaagad ang tsismis na nakapagdududa ang kanilang closeness.

Obvious daw kasi sa lyrics ng kinanta nila na may affection sila sa isa’t isa.

Pero sabi ni Gretchen, hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang closeness nila ni Ogie at kaya ang kantang ‘yon ang kinanta nila sa show namin ay dahil late siyang dumating doon.

"Saturday ‘yung show pero 1:20 AM na ako nakarating, kaya Sunday na ‘yon. ‘Yun lang ang reason kung bakit ang kantang ‘yon ang kinanta namin ni Ogie.

"Ewan ko nga ba kung bakit kami nali-link," sabi ni Gretchen.

Samantala, nagpapasalamat si Gretchen sa lovey-dovey niyang si Tonyboy Cojuangco dahil sa pagiging maunawain nito sa kanya.

Dahil nag-enjoy si Gretchen sa special participation niya sa show namin sa Zirkoh Timog, type niya na ipagprodyus namin siya ng sarili niyang show.

Umoo naman kami kaagad. Pangako nga namin sa magandang aktres, ipagpoprodyus namin siya ng ganoong show sa Abril.

Eh si Gretchen kasi, kahit sosyal ang image niya, type din niya paminsan-minsan ang mga ganoong klase ng show. Type talaga niyang kumanta. LINK

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 12, 2007

Wendell Ramos speaks about his children

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin si Wendell Ramos tungkol sa kanyang mga anak.

Matatandaang dati ay tila hindi kumportable ang aktor na pag-usapan ito at ni wala ngang nakaaalam kung ilan ba ang kanyang tsikiting.

Sa grand presscon ng Happy Hearts recently, walang pag-aalinlangan na itong inamin ng aktor.

Doon nga lang namin nalamang tatlo na pala ang kanyang anak sa magkakaibang babae.

Ang panganay niya ay si Wendell Saviour, 10 years old at kasalukuyang nasa Amerika kasama ang ina nito. Ang pangalawa ay si Dedell Saviour, seven years old at siyang nasa kanya ever since.

Ang pangatlo naman ay four months old pa lang, si Tanya, anak niya sa current girlfriend.

Sa ina ng pangalawang anak ni Wendell nagpakasal ang actor, pero annulled na sila ngayon.

Since then, hindi pa siya nagpapakasal muli at baka ngayon pa lang sa non-showbiz GF at ina ng bagong baby.

Wala naman daw problema sa mga ina ng kanyang mga anak dahil magkakasundo ang mga ito.

Bukod dito, sustentado raw niya ang mga bata, kahit na ang panganay na nasa Amerika.

Sa Happy Hearts, pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, ginagampanan ni Wendell ang papel na ka-live-in ni Rustom Padilla.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, showing na ang pelikula sa March 14. LINk

Labels:


Continue Reading...

Alessandra de Rossi, tinambakan ng show ng GMA 7

Hindi lang pala dala wang regular shows ang ibinigay ng GMA-7 kay Alessandra de Rossi kapalit nang hindi nito pagtanggap ng offer sa ABS-CBN. Bukod sa LUV Pow, papasok na rin ang actress sa Super Twins and a week from now ang kanyang taping. Inaabangan na nga ang pagkikita nila ni Jennylyn Mercado na isa sa mga bida ng serye.

Si Alex din ang bida sa April episode ng Magic Kamison, pero dahil ‘di pa rin siya nagti-taping, hindi namin alam kung sino ang kanyang makakasama.

Kinukuha ng Ch. 2 si Alex para sa Pedro Penduko at Hiram Na Mukha bilang kontrabida ni Heart Evangelista, pero ‘di siya pinayagan ng Ch. 7. LINK

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 11, 2007

Joy Cancio's Panacea Records

Lumalaki ang business ni Joy Cancio dahil bukod sa Focus E na producer ng Daisy Siete, nagtayo na rin siya ng Panacea Records at ang una niyang artist ay si Rochelle Pangilinan. Yes, may solo album na rin ang dalaga, entitled "Rokaholic," pero ‘di pa rin ito aalis sa Sexbomb. Bukas nga, sa pagbabalik nila sa Eat Bulaga, ang dalaga pa rin ang mangunguna sa grupo.

Ang 11-track album ay ire-release sa April at kinanta ni Rochelle ang two songs nito sa Nominees Night ng 4th Golden Screen Awards kasama ang rapper na si Glock 9. Maraming singers sa Sexbomb at tiyak din na may susunod kay Rochelle na magkakaroon ng solo album.

Samantala, inaabangan na ang pagbabalik ng Sexbomb sa Eat Bulaga bukas. Monday at Wednesday ang labas nila for a three month stint sa Taktak Mo o Tatakbo portion. Kaya lang, wala nang showdown na mangyayari sa kanila ng EB Babes para maiwasang magkasakitan gaya noong una nilang showdown.
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 03/11/2007

Labels:


Continue Reading...

First gay role ni Wendell Ramos

First gay role ni Wendell Ramos ang ginagampanan niya sa Happy Hearts bilang dyowa ng klosetang bading na karakter ni Rustom Padilla.

Sa pelikulang Sex Drive nila noon nina Maui Taylor at Katya Santos ay may twist sa ending na ipinakitang baklita pala ang karakter niya pero ito ang first ni Wendell na ladlad siyang bading at nagmu-mujer.

Masaya na mahirap daw ang kanyang experience. Medyo nahihirapan siya kapag take na at kailangan niyang magpa-girl pero na-challenge siya sa kanyang role.

Sa eksenang nagba-ballet sila ni Rustom complete with tight-fitting ballet outfit ay nagsuot daw sila ng supporter cup na pam-football.

Smack lang ang kanilang kissing scene sa movie pero nakaramdam ng pagkailang si Wendell dahil pareho raw silang lalake ni Rustom at ang daming nanonood sa kanila. Originally ay intimate bed scene ang nasa script at kung natuloy ‘yon ay wala raw problema kay Wendell basta kailangan sa pelikula.

Alam niyang open na ang kabadingan ni Rustom pero hindi niya naramdaman na tipong may pagnanasa sa kanya si Rustom o kung anuman.

Ani Wendell, first time nilang nagkatrabaho at ang tingin niya pa rin kay Rustom ay ‘yung dating Rustom na hindi bading.

Pormal daw sila sa set at nandu’n ‘yung respeto pero pag pareho na silang naka-mujer ay nagkukulitan din sila at nagtatarayan kung sino sa kanilang dalawa ang mas maganda.

Sa tanong namin kung sa totoong buhay ay naranasan na niyang makipag-‘brokeback’-an, ang sagot ni Wendell ay marami siyang kaibigang bading pero marunong siyang pakiharapan ang mga ito at hindi na niya pinapaabot sa puntong kailangan nilang magpilitan o kung anuman.

Aniya, alam niya kung paano irespeto ang mga bading kaya nirerespeto rin siya ng mga ito.

Marami raw siyang kilalang bading na mababait at hinahangaan niya dahil hindi nagti-take advantage ang mga ito.

Siya raw ay never niyang naramdaman sa sarili niyang may tendency siyang maging bading.

Tatlo na ang anak ni Wendell na puro panganay. Kahit medyo naaasiwa ay naitsika niya ito sa press dahil inuusisa siya tungkol dito.

Wendell Xavier ang pangalan ng panganay niyang 10 y/o (nasa Amerika na ang ina), Wendell Saviour ang name ng pangalawa na 7 y/o (mula sa dati niyang pinakasalan na annulled na) at ang bunso niyang 4-month-old ay si Tanya mula sa non-showbiz girlfriend niyang 3 to 4 years na niyang karelasyon. LINK

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 10, 2007

Guest sa Eat Bulaga si Gladys Guevarra

Guest sa Eat Bulaga si Gladys Guevarra today at kahit sa Bulagaan portion lang lalabas, ikatutuwa pa rin ito ng viewers, na nami-miss siya mula nang mag-resign.

Saka malay natin, simula na ito ng pagbabalik niya sa show?

Masaya rin si Gladys sa patuloy na magandang rating ng Magic Kamison, na baka magka-Book 2 at inihahanda na ang April episode.

Bukas, ipagpapatuloy ang kuwento ni Rufo (Mura) sa Little Big Rufo with Karylle, Dingdong Dantes, Girlie Sanchez and Yayo Aguila.

Matutuloy na rin ang plano nitong magbakasyon sa Amerika sa April at three weeks siya roon.

Nalaman din naming maka-Chiz Escudero si Gladys. Tutulong siyang ikampanya ito at lalabas pa sa commercial plug nang libre. By: Nitz Miralles

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina, to go into politics?

IYONG akala nila noon na biru-biruan lamang ay mukhang naging totohanan na, dahil marami na ang nagsasabi ngayong baka nga kailangan nang tumakbo para sa kung ano mang posisyong lokal sa Quezon City ang aktres na si Ara Mina.

Marami ang nakikiusap kay Ara dahil naniniwala sila na kung siya ay magi-ging isang opisyal ng lunsod, mas marami siyang matutulungan at ang ginagawa niyang charity work ay hindi na para sa beneficiaries lamang ng kanyang foundation kung di masasali na ang iba pang mga kapus-palad na taga-lunsod ng Quezon City.

Noong araw pa ay marami na ang kumukumbinsi kay Ara na kumandidato, dahil hindi naman maikakailang nagmula siya sa isang angkan ng mga politiko. At kung pagsasamahin nga naman ang popularidad ni Ara at ang political machinery ng kanilang pamilya, walang dudang ma-lakas ang dating niya at ha-los siguradong mananalo na.

Noong mabalita ang maraming natutulungan ng kanyang itinayong foundation, lalo na nga ang mga batang may sakit, mas lalo pang dumami ang mga kumukumbinsi sa kanya na kumandidato. Kasi naniniwala rin sila na kung nasa gobyerno na siya, mas marami siyang makukuhang makatutulong para sa beneficiaries ng kanyang foundation, at ‘yun namang foundation ni-ya ay makakaisa na ng pa-mahalaang lunsod sa pagbibigay-tulong sa ma-hihirap.

Pero, ang nakakatawa nga lang diyan, halos lahat na nga yata ng mga tao ay nagsasasabing sigurado nang kakandidato si Ara Mina, maliban sa aktres mismo.

Si Ara mismo ay wala pang sinasabing pormal tungkol sa mga bagay na iyan. Inaamin niya na marami ang kumukumbinsi sa kanya, pero mukhang wala pa nga yata siyang desisyon sa mga bagay na iyan. By: Ed De Leon

Labels:


Continue Reading...

Iwa Moto marami ang tumitira

MUKHANG totoo nga na may isang concerted effort para siraan iyong si Iwa Moto.

Aywan kung ano ang dahilan, pero sa simula pa lamang niya sa StarStruck ay marami na ang tumitira sa kanya.

Kung natatandaan ninyo, panahon pa lamang ng contest ay may nagsasabi na agad na matigas daw ang kanyang ulo. Pasaway daw. Maaaring sabihin mo nga na baka naman may kakulitan talaga. Tapos noon idinamay naman siya sa tsismis na ka-sama ang ibang members din ng StarStruck. Naglalasing daw sila sa isang bar at matindi na rin kung manigarilyo.

Noong isang araw naman ang sinisiraan ay pati na ang kanyang boyfriend.

Bakit nga ba ayaw nilang tantanan ng pagtira si Iwa Moto? By: Ed De Leon

Labels:


Continue Reading...

Wendell Ramos news updates

SA opinyon naman ni Wendell Ramos na gumaganap bilang lover ni Rustom, walang kaso sa kanya kung mapagbintangan man siyang bading. Kilalang-kilala raw niya ang kanyang sarili, at dahil halos araw-araw niyang nakakasalamuha ang mga tinatawag niyang mabubuting kaibigan, “hindi na isyu sa akin kung mag-isip man ng kung ano ang ibang tao,” tsika nito.

In fact, nang tanungin siya kung posible bang magkagusto rin siya sa bading if ever, buong tapang nitong sinabi na sa dami ng mga kaibigan niyang bading na talagang malalapit sa kanya, “handa kong i-return ang anumang favor,” aniya.

Hindi man daw ‘yun mauwi sa relasyon o anuman, pero tinitiyak niyang siya ‘yung tipo ng kaibigan, mapa-bading man o mapa-babae, na marunong mag-reciprocate sa kabutihan ng tao.

Pinapalakpakan at hinahangaan namin ang lawak ng kanyang isip kung paanong pinupuri din namin ang kanaturalan ng pagganap niya bilang isang bading sa Happy Hearts.

As the lover of Rustom, kuwela ‘yung mga pagpa-pa-girl niya. Mas malandi pa nga siya kung tutuusin kesa kay Rustom.

Isa rin siyang stand-up sing-along bar host sa movie at ginawa niyang models sina Allan K at Teri Onor, na mga kaibigan niya’t madalas nakakasama sa trabaho.

Sa isang dosenang beses na nga raw niyang ginawa ang pagbabading sa TV shows niya, dala raw marahil ng ‘takot’kay direk Joel Lamangan, “lumabas talagang natural at komportable ako sa ginawa ko sa Happy Hearts,” dagdag pa nito.

Sa Marso 14 na ipapalabas ang Regal movie na ito.

At dahil nakakuha ini ng General Patronage rating mula sa MTRCB, masayang- masaya si Mother Lily Monteverde at positibo siya sa magandang magiging outcome ng latest movie niya sa takilya. By: Ambet Nabus

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 09, 2007

Rufa Mae Quinto, naawa kay Piolo Pascual

Natatawa na lang si Rufa Mae Quinto sa lumabas na litratong nakasampa ang boyfriend niyang si Erik Santos kay Piolo Pascual. Namamalisyahan na naman ito, at natatawa na lang si Rufa Mae dahil hindi naman daw ito dapat lagyan ng malisya.

"Hindi ko pa kasi nakita ang picture na iyun, pero tumawag lang sa akin kanina si Jun Lalin para sabihin nga yan sa akin," simula nito.

"Ang alam ko, kasali diyan si Toni Gonzaga, bakit nawala na siya sa picture. Ang akin lang, ano naman ngayon kung nakasampa? Kahit kanino puwede ako sumampa. Magsampahan man sila diyan kahit kanino, wala namang malisya iyun," patuloy ng seksing komedyana.

"Sobrang unfair naman yan kay Papa Piolo. Ang bait-bait ng tao. Close talaga yan sila ni Erik, as in close talaga, kasama kami diyan nina Mark (Bautista), Christian (Bautista), Toni, marami kami. Lagi kami sa bahay niya, pinapakain niya kami, pinapag-tsaa at binabasahan kami ng Bible. Ang bait-bait ng taong iyan, kaya pinagpala pa rin kahit iniintriga lagi, Sana tama na yan,"pakiusap ni Rufa Mae.

Hindi daw nakasisira sa relasyon nila ni Erik ang mga ganun pa ring intriga.

Sa darating na Holy Week ay baka mag-bonding daw sila uli, dahil binabalak nilang mag-US tour o di kaya sa Europe na malamang kasama pa si Yasmien Kurdi. link

Labels:


Continue Reading...

Struckathon: Fans interact with Survivors

The road to success may be long and tedious, but for the remaining survivors, dubbed the Danger 8 of GMA 7’s fourth edition of StarStruck The Next Level, it is a path worth taking.

Various challenges to hurdle, different skills to hone, and many adjustments to make are like obstacles to becoming the next young stars. But the survivors tackle them with determination. Directors Laurice Guillen, Gina Alajar, Khryss Adalia, Maryo J. delos Reyes and Rico Gutierrez have seen their improved acting skills while Douglas Nierras and Geleen Eugenio with son Miggy have discerned that the survivors can sway to the beat gracefully. Indeed, the way to stardom is not all about performing — but also about developing character and personality.

Thanks to Kuya Germs’ (German Moreno) pointers on proper ways of interacting with people which Rich Asuncion of Bohol and Kris Bernal of Quezon City had difficulty with before joining the artista search, the two now have what it takes to deal with people.

"I am basically shy and seldom go to gimiks with my friends back in Bohol," Rich says.

Rich’s younger siblings’ education made her decide to join the artista search. She knows that her bank messenger cum janitor dad and fish vendor mom would have a hard time sustaining their education.

"I will get them educational plans if ever I win so it won’t be a burden anymore for my parents when they need money for my siblings’ schooling," she says.

Rich’s hopes and dreams almost faded away when she was voted out of the competition several weeks ago. But fate has other plans as she was chosen in the wild card to get back in the competition.

Nursing student Kris, on the other hand, is the quiet type who would rather watch her classmates perform during school programs.

"But now I can sway to the beat with ease in front of people. The search is not all competition but a way to develop self esteem," Kris says.

Jewel Mische agrees. The 16-year-old UP Music student from Bulacan has boosted her confidence as she gets to discover that she can also glide to the beat gracefully besides singing.

"I can also mingle with other people well during campaign rounds to get support from text voters," Jewel reveals.

Unlike before when she got the most number of votes to be booted out due to her pasaway attitude, Jewel is now a darling used to the ways of showbiz. She hopes to stay until finals night as there will be another round of eliminations this Sunday.

Two survivors who will get the lowest votes from televiewers (final casting of votes is today until 12 midnight), will bid the talent search goodbye to make way for the Final 6 who will be vying for the titles Ultimate Hunk, Ultimate Sweetheart and Ultimate Loveteam.

But before the elimination, supporters of the Danger 8 (Jewel, Kris, Rich and survivors Stef Prescott of La Union, Mart Escudero of Cavite, Paulo Avelino of Baguio, Prince Stefan of Iloilo and Aljur Abrenica of Pampanga) will get a chance to chat with them tonight via StarStruck’s Struckathon. Fans will get to know if their idols have improved not just in performing but also in interacting with people. The survivors will answer queries from fans via phone calls and Net chats as the show goes live tonight. As early as 8 p.m., fans can talk to their idols by calling 928-7021 locals 4441 to 4444 or via the Net by logging on to www.Starstruck.tv.
By Bot Glorioso
The Philippine Star 03/09/2007

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 08, 2007

Rhian Ramos vs. Ara Mina

Nagngingitngit ang fans ni Rhian Ramos kay Ara Mina dahil sa isyung inisnab daw ni Rhian si Ara sa nakaraang 7th anniversary party ng YES! magazine sa NBC Tent.

Super-react ang Rhianians sa news item na lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naibulalas ni Ara ang pagkaasar at pagkairita nito kay Rhian.

Ayon sa kuwento, nag-uusap sa nasabing party sina Ara at Polo Ravales, tapos ay biglang lumapit si Rhian at bumati kay Polo.

Hinipo pa raw ni Rhian ang semi-kalbong ulo ni Polo matapos bumeso, tapos ay tsinika-tsika nito si Polo na hindi man lang tinitingnan ang katabing si Ara, na parang hindi nito nakikita.

Naasiwa raw si Ara sa eksena lao pa’t hindi man lang siya in-introduce ni Polo kay Rhian.

Nabanggit din ni Ara na nagkasama sila kamakailan ni Rhian sa pictorial ng Lupin pero ni hindi siya tinitingnan nito. Pakiwari ni Ara ay hindi siya feel ng young star.

Nag-init daw ulo ni Ara dahil feeling niya ay nabastos siya. Hanggang makaalis sa party ay iritada pa rin si Ara at nag-text pa ito kay Pilar Mateo na napikon siya sa ‘babaeng ‘yon’ na ang tinutukoy ay si Rhian.

Ngayon ay todo-depensa ang supporters ni Rhian at si Ara ang binuweltahan nila ng panlalait.

Grabe ang mga nabasa naming reaksyon nila sa email at kami ang naawa kay Ara sa tindi ng pang-aalipusta ng mga nagmamalasakit kay Rhian.

Kung saan-saan na napunta ang isyu. Nandiyang sabihin nilang sobrang KSP (kulang sa pansin) si Ara at feeling superstar ito.

Pati ‘yung insidente with Joma Sison sa Netherlands ay naungkat, maging ‘yung mga lumang isyu noon kay Ara.

Tulad nating lahat ay tao lang si Ara at normal na minsan ay napipikon tayo at naiinis. Hindi ‘mortal sin’ ang reaksyon niya kay Rhian.

Masyadong foul at sobrang below the belt ang pang-aalipusta nila kay Ara na feeling namin ay hindi nito deserve.

Magiging magkatrabaho ang dalawa sa Lupin ng GMA. Ang pangit tingnan kung mag-aaway sila at magbabangayan.

Madre pa mandin ang role doon ni Ara habang si Rhian ay isa sa tatlong heist girls ng bidang si Richard Gutierrez.

by ALLAN DIONES

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 07, 2007

Aljur Abrenica — Ultimate Hunk!

Aljur Abrenica Wins the Centerfold Hunk Test from pinoy-rickey.com. Watch the video of Aljur.

Labels:


Continue Reading...

Alessandra, pinaplastik si Jennylyn


Dahil sa nalalapit na pagpasok ni Alessandra de Rossi sa Super Twins, pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte, hindi maiwasang magkaroon na naman ng issue sa pagitan nina Jen at Alex.

Kinunan na nga ng komento si Alessandra about the matter at ang sagot ng young actress, sanay siyang makipagplastikan.

Meaning, aminado siyang makikipagplastikan lang siya kay Jen kapag nagkita sila sa set.

Ano naman ang reaksyon ni Jen tungkol dito?

“Wala,” ang malutong niyang sabi.

Ayaw na raw niyang mag-react pa dahil anuman ang sabihin niya, maganda man o hindi, tiyak na hahaba pa rin at gagawan ng intriga.

Mas maganda na raw ’yung hindi na siya magsalita pa, tutal naman, matagal na niyang naipaliwanag ang panig hinggil sa naging alitan nila ni Alex.

Si Alessandra ang papalit sa role na iiwan ni Tanya Garcia as the kambal’s stepmom. Hindi pa naman siya nagti-taping at kung sakali, baka hindi pa rin sila magkaroon ng eksena dahil ang mga batang sina Nicole Dulalia at Ella Cruz ang mas makakaeksena ni Alex.

Pero tiyak na magkakasama sila sa location at say ni Jen, walang problema sa kanya at trabaho lang, walang personalan. By: Vinia Vivar

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado at Nadine Samonte sa Super Twins

Mula nang lumabas sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte sa Super Twins ay pulos bakbakan ang kanilang mga eksena.

Sa linggong ito ay iba’t ibang karakter ang makakatunggali nila sa patnubay ni Eliseo (Dennis Trillo).

Nagdiwang si Nadine Samonte ng kanyang kaarawan sa taping ng Super Twins noong Biyernes sa La Loma, Quezon City. LINK back.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 06, 2007

Polo Ravales naked with Diana Zubiri

Nag-first day syuting na ang pelikulang Silip ng Seiko Films kung saan tampok sina Polo Ravales, Francine Prieto at Diana Zubiri. Nakunan na ang butt scene ng actor sa may batalan na naliligo at matindi ang paghahalikaen nila ni Diana.

Ang location ay sa Bongabon Nueva Ecija, sa direksyon ni Joel Lamangan. It’s high time na para ipakita ni Polo ang matipuno nitong pangangatawan.

Hindi naman kaya maging problema ang Silip dahil naisapelikula na rin ito noon ng Solar Films na may ganoon ding pamagat?

Labels:


Continue Reading...

Joey Marquez on Kris Aquino

Ayaw patulan ni Joey Marquez ang isyung galit sa kanya si Kris Aquino dahil hindi man lang niya ipinagtanggol ang ex-girlfriend tungkol sa isyu rito na involved sina James Yap at Hope Centeno na ipinalabas noong isang Linggo sa S-Files.

Sa panayam namin kahapon kay Joey sa dressing room ng S-Files, nagpahayag siyang ayaw na niyang patulan ang isyung galit sa kanya si Tetay.

Paano raw niyang maipagtatanggol ang ex-girlfriend niya sa iskandalong kinakasangkutan nito eh naputol na sa ere ang S-Files noong Linggo at ni hindi na nila nagawang makapag-closing.

"Ayokong patulan ang isyung ‘yan, lalaki pa. Tama na. Tatahimik na lang ako. Saka kung may sasabihin pa ako, iba na naman ang dating." LINK here.

Labels:


Continue Reading...

Marc Pingris, lumuha sa kasal nila ni Danica Sotto

Sa iisang hotel (Vivere Suites, Alabang) nag-stay sina Marc Pingris at Danica Sotto bago sila nagpakasal nung Sabado nang hapon pero magkahiwalay sila ng kuwarto at hindi sila nagkita.

Naabutan namin nu’ng Sabado nang umaga si Marc na pasilip-silip sa kuwarto ni Danica habang mini-meyk-apan ito.

Bawal daw silang magkita bago magpakasal kaya hindi ito pinapalapit sa kuwarto ng babaeng aasawahin niya.

Bago nagbihis si Marc ay kinausap muna namin ito at medyo emotional ito.

Napaiyak si Marc nang itanong namin sa kanya ang tungkol sa kanyang ama.

Nakatanggap daw sila ni Danica ng bulaklak galing sa kanyang ama na nasa France.

Tumawag daw ito kinagabihan at iyak nang iyak daw si Marc sa sobrang kaligayahan dahil sa mga payong ibinigay ng kanyang ama.

Malaki ang pasasalamat ni Marc dahil nakilala niya ang kanyang ama bago siya nagpakasal.

Napaluha rin si Marc habang nagpapahayag ng mga pangako niya para kay Danica. Aware daw silang hindi lahat ay sarap at kasiyahan ang pagdadaanan nilang mag-asawa kundi may mga pahirap din at mga pagsubok na maaring sumira sa kanilang pagsasama.

Lagi raw nilang isaisip na dapat ang Diyos ang laging nakagabay sa kanila.

Pangako ni Marc, kahit tumaba, pumangit at hindi na magpaka-active si Danica sa showbiz, nandiyan pa rin siya at hindi niya ito iiwan.

Inaayusan naman si Danica at si Dina Bonnevie nang pinasok namin ito sa kanyang kuwarto. Parang walang masabi si Danica sa sobrang excitement.

Simple ang kanyang gown na gawa ni Veluz pero naloka kami sa ipinasuot sa kanyang korona na ang sabi, ipinahiram iyun ng isang kaibigang may jewelry shop. Worth P13M daw ang koronang iyun kaya may nakabantay sa kanya habang suot ito.

Hindi naman pala niya ito suot sa mismong kasal kundi ipina-pictorial lang.

Ayaw ni Danica na masira ang mood pero nagpasaring pa rin siya sa mga taong nagkakalat na nag-break sila ni Marc at hindi na matutuloy ang kasal.

Kilala raw niya kung sino ang nagkalat nito. Nagtataka raw siya, bakit parang sure na sure pa raw ito kung magkalat ng ganu’ng balita.

"Iyun talaga ang nakaiinis dahil kini-claim pa niya na totoo ang balita. Sinabihan lang ako ni Marc na huwag nang sagutin. Mapu-prove naman daw namin na mali sila pagdating na ng kasal," pahayag ni Danica.

Parang kilala namin kung sino ang tinutukoy nito pero hindi na lang namin kinalkal. Iniiwasan kasi ni Danica na mairita dahil fully-made-up na siya.

Nung Biyernes nang gabi ay kinausap ni Dina si Danica. Hindi raw kalilimutan ni Danica ang bilin ng Mommy niya na huwag nilang itulog ni Marc ang away.

Dapat na magkaayos daw muna sila bago matulog para walang dinadalang sama ng loob o galit sa isa’t isa.

Hanggang ngayon ay Sir at Ma’m pa rin ang tawag ni Marc kina Vic Sotto at Dina bilang paggalang daw iyun at parang nahihiya pa rin daw siyang tawaging Daddy at Mommy.

Sa The Palms Garden sa Filinvest, Alabang ginanap ang Christian wedding nina Marc at Danica. Mahigpit ang security dahil bawal ang media sa loob kaya hindi na kami nakapasok.

Maraming salamat sa kanilang official photographer at videographer na si John Ong na nag-provide sa atin ng litratong kuha sa kasalang iyun.

Ang pagkakaalam namin, hindi dumalo si Pia Guanio dahil may LBM daw siya. Ang nakarating sa aming kuwento, sinadya niyang huwag dumalo dahil moment iyun nina Bossing Vic at Dina na magulang ng ikakasal.

Kahapon ay umalis ang bagong kasal patungong Boracay, Doon muna sila magha-honeymoon dahil kailangang bumalik agad si Marc gawa ng magsisimula na ang PBA. Balak sana nilang pumuntang France para dalawin na rin ang ama ni Marc pero hindi pa pwede sa ngayon. Please visit original post.

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 05, 2007

Eat Bulaga bigwigs, naaalarma sa pagbagsak ng ratings ng show?

HOW true na one of these days ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa noontime show na Eat Bulaga na tiyak daw na ikagugulat ng mga tao. Ayon sa tsika, nag-meeting ang pamunuan ng Tape, Inc. (producer ng Eat Bulaga) kung saan nagwika diumano si Mr. Tony Tuviera ng I have to make some decisions.

Pero itinanggi na ito ni Malou Choa- Fagar, Tape’s SVP, na walang miting na naganap sa column ni Nitz Miralles sa People’s Tonight yesterday (March 3).

Ayon sa nakalap na-ming impormasyon, tila nababahala na yata ang Tape, Inc. dahil tinatalo na sila ng Wowowee sa ratings. Marahil, naisip ng mga tao behind the show na kailangan na talaga nilang kumilos to arrest the skid of Eat Bulaga sa ratings.

Well, hindi pa naman sila talagang talung-talo ng kalabang show sa ABS-CBN pero hihintayin pa ba nila na sila’y tuluyang maungusan nang husto? Paminsan-minsan lang naman nakasisingit ang Wowowee sa nangunguna pa ring Eat Bulaga ng Tape at GMA Network.

Anyway, aabangan natin ang pagbabagong magaganap sa Eat Bulaga in the days to come. Mayroon kayang host o hosts na mawawala o mga taong babalik sa show? By: Lito Mañago

Labels:


Continue Reading...

EB Babes sa All Star ‘K’

Magkakalaban ang pitong EB Babes sa All Star ‘K’ mamayang gabi sa GMA 7.

Pasiklaban sa videoke challenge sina Saida Diola, Belle Rivera, Angel Coronel, Joyce Burgos, Kim Guevarra, Lian Ison Paz at Mae de la Serna.

Ang K!ller ay si Joey de Leon.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 04, 2007

Mura, ka-triangle na si Dingdong Dantes kay Karylle

BONGGA talaga si Mura, ka-triangle na si Dingdong Dantes kay Karylle.

Maganda ang naging lipat ni Mura sa GMA. First tried out sa Majika ni Angel Locsin, nakatuwaan si Mura ng management kung kaya’t isinali rin siya ngayon sa top-rating soap na Super Twins nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado and Nadine Samonte. Ngayon, may sarili siyang four-week episode sa Magic Kamison na magi-start today after SOP Concert TV at siya ang title role, ha.

Little Big Rufo is Mura, ang kapalit ni Chuchay played by Gladys Guevarra sa ukay-ukay ng kanyang tiyahin. Si Rufo ang pinagsuot this time ng magic kamison kahit lalaki ito and when he transformed, naging si Dingdong siya.

Crush kasi ni Mura si Rianne played by Karylle and as Dingdong, mapapaibig niya ito. Who could have thought such a triangle, Dingdong, Mura and Karylle?

Figuratively speaking, lumalaki na si Mura, ha. By: Dinno Erece

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites