<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, April 30, 2007

Rufa Mae, kinuha ng GMA-7 News & Public Affairs

NAKATULONG yata ang panggagaya ni Rufa Mae Quinto kay Mel Tiangco sa 4 Oras portion ng Bubble Gang, dahil kinuha siya ng News and Public Affairs ng GMA-7 para sa isang show na magpapakita ng other side ng sexy comedienne.

“Hindi ako makapaniwalang pagkakatiwalaan ako ng News and Public Affairs. Seryosong pagbabalita na ito. Sana mabigyan ko ng justice ang pagtitiwalang ibinigay nila sa akin,” pahayag ng love interest ni Sen. Bong Revilla sa Hokus Pokus to the Highest Level.

Ayaw pang sabihin ni Rufa Mae kung anong klase ng programa ito. This week, tutulak daw siya ng Brunei para i-tape ang kauna-unahang episode ng show.

Samantala, kahit may bago siyang programa, hindi pa rin daw lalayasan ng komedyana ang sitcom nila ng mister ni Lani Mercado.

Speaking of Lani, nakausap namin siya sa taping ng HP sa Filmex Studios sa Makati kamakailan.

Pinagdiinan niyang hindi siya martir na asawa. Naiintindihan daw niya ang mister.

“Hindi ako martir. May anak na rin naman kami nu’ng ipagtapat ni Bong na may anak siya sa ibang babae. Inunawa ko na lang siya. Hindi mo rin naman siya masisisi kung ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya,” ani Lani.

Alam daw niya kung sinu-sino ang mga nali-link sa asawa. Pero, naging praktikal na lang daw siya dahil may pinagmanahan naman ito. Source.

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica, maraming patataubin

Kasama namin ang isa sa mababait na may-ari ng Klownz at Zirkoh comedy bars na si Lito Alejandria nang magpunta kami kamakailan sa Klownz-Angeles para manood ng show ni Janno Gibbs.

Rave na rave ni Lito ang Ultimate Hunk ng StarStruck 4 na si Aljur Abrenica. Sey ni Mama Litz (tawag sa kanya ng mga bagets), bilib na bilib siya sa ganda ng boses ni Aljur nang mag-show ang Survivor Six kamakailan sa Zirkoh-Timog.

Marami raw patataubing singing idols si Aljur sa ganda ng boses nito.

Sa Mayo 4 ay may show ulit ang Survivor Six (Aljur, Mart, Prince, Kris, Jewel at Rich) sa Klownz-Angeles kasama si Regine Velasquez at sa Mayo 5 ay nasa Klownz-Quezon Avenue sila. Source.

Labels:


Continue Reading...

Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa Ouija ng GMA Films

Half-sisters ang role nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa Ouija ng GMA Films, kagaya rin ng papel nina Kris Aquino at Claudine Barretto sa blockbuster horror flick ng Star Cinema na Sukob.

Kakabugin kaya nitong Ouija ang kinita sa takilya ng Sukob?

Sagot ni Juday sa tanong namin, "Wala kaming iniisip na pwedeng kabugin. Basta gusto lang namin na mapanood ng mga tao na maayos ang ginawa namin and at the same time, maipakita sa kanila na maganda ‘yung pelikulang ginawa namin at natuloy na ‘yung movie namin ni Jolina together."

Sey naman ni Jolens, "Naku, mahirap po ang mga intrigang ganyan! Basta ang alam ko, hindi gawa-gawa lang itong istorya ng Ouija kundi may pinagbasehan siya na totoong mga nangyayari. Para itong isang psychological thriller na effective ang pananakot."

Dayalog ulit ni Juday, "Nag-research ang GMA Films ng mga nangyayari sa mga naglalaro ng Ouija board. Isang factor ‘yon kaya ko tinanggap ‘tong project.

"Ayokong gumawa ng isang horror film para lang manakot ng tao pero hindi talaga ‘yon ‘yung nangyayari sa totong buhay. Uy, wala akong gustong patamaan doon, ha?!" sey niya, sabay tawa.

‘Ate’ ang tawag ni Jolens kay Juday sa movie dahil mas matanda si Juday. Ang lola nila ang nagmamay-ari ng Ouija board na ginagamit para makipagtalastasan sa mga ispiritu.

"Masarap magpatawa at magpaiyak ng tao, pero nagawa na kasi namin ‘yon dati ni Jolina. For a change, try naming manakot sa big screen. Hopefully, makeri namin!" ani Juday.

Thankful silang dalawa na wala pa silang ghost experience at pareho silang hindi lapitin ng mga multo at ispiritu.

Wala raw silang anumang nakita o naramdaman habang ginagawa nila ang Ouija.

Baka himatayin daw si Juday pag may nakita siyang multo. Si Jolens ay hindi naniniwala sa spirit possession dahil hindi pa raw siya nakakakita sa totoong buhay ng taong sinasapian ng masamang ispiritu.

May kasama silang prayer warriors sa set at tuwing bago sila mag-shoot ng mga delikadong eksena ay nagdarasal muna sila.

Tsika ni Juday, nu’ng mag-shoot sila sa Camiguin ay abut-abot ang dasal nila dahil balitang maraming ligaw na ispiritu roon.

Sa storycon pa lang daw ng movie ay pinakalma na sila ng GMA at sinabihang wala silang dapat ipag-alala dahil safe sila at maraming simbahan ang nagdarasal para sa kanila.

"Nakatutuwa dahil after every scene eh, tawanan kami nang tawanan sa set at bago kunan ‘yung mga eksena, tsikahan kami nang tsikahan ni Jolens.

"Parang hindi horror movie ang ginagawa namin! ‘Pag mag-isa lang kaming kukunan, doon pa lang namin maiisip na horror pala ang sinu-shoot namin.

"At kahit nagsu-shooting, nagpa-punchline-an pa rin kami ni Jolens! Ha! Ha! Ha!" tawa ni Juday.

"Kahit nagba-blocking na kami para mag-take, tawa pa kami nang tawa ni Juday. Kaya ‘yung floor director, sinasabihan kami na, ‘Game na, tama na ang tawanan!’ Naglolokohan kami palagi. Masaya ‘yung set namin kaya siguradong hindi kami papasukin ng masamang ispiritu! Ha! Ha! Ha!" bungisngis ni Jolens. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 29, 2007

Raymond Gutierrez, 2 ang naging gf sa Tate

KAHIT sa panginip, hindi pumasok sa isip ni Raymond Gutierrez na isang araw ay magkakatapat ang shows nila ng Ate Ruffa niya.

Kasama si Raymond sa Showbiz Central ng GMA-7, na magsisimula nang umere ngayong Linggo, kasama sina Pia Guanio at John Lapus.

Si Ruffa naman ay nananatiling guest co-host ng katapat nitong The Buzz sa ABS-CBN.

At any rate, dalawa pala ang naging girlfriends ni Raymond sa Tate. Ang huli’y high school sweetheart niya, pero pagbalik ng ’Pinas, nabaling ang pagmamahal ni Raymond sa TV hosting.

Loveless siya ngayon at mas type pagtuunan ng pansin ang pagpapalawak ng propesyong pinasok. Source.

Labels:


Continue Reading...

Pia Guanio: He’s going to be the last man in my life

AT the presscon for “Showbiz Central,” John Lapus asked co-host Pia Guanio if she believes everything that her boyfriend Vic Sotto tells her, like his declaration that she’ll be the last woman in his life.

“It depends whether I’d agree or not,” Pia replies. “But a lot of what he says, he really means, and I’ve proven that for myself. Like when I asked him to stop smoking, and he did. If I’d be the last woman in his life, then he is going to be the last man in my life.”

Most writers agree that Pia looks lovelier now. “Maganda ang influence nila ni Vic sa isa’t isa kasi pareho silang maganda ang aura ngayon,” adds one writer.

“I’m glad that our relationship works well for both of us,” says Pia. “Natutuwa talaga ako when I hear people say na mas gumuguwapo si Vic ngayon. That means he’s inspired by me and I’m also inspired by him naman. Pati ang disposition niya, he’s happier these days.” Source.

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Pop Superstar’s World Challengers Grand Finals

Live na mapapanood ang Pinoy Pop Superstar’s World Challengers Grand Finals mamayang gabi sa Studio 3 ng GMA 7.

Isa sa apat na world contenders ang matitira upang makuha ang huling puwesto sa siyam na PPS grand contender.

Bibirit to the max ang World Challengers na sina Anthea Neri (North Carolina), Jae Buensuceso (San Franciso , California), Kervin Sawyer (Kingdom of Saudi Arabia) at Nerissa Binoya (United Arab Emirates).

Ang 18-anyos na si Jae Buensuceso, 18, ay nagsimulang kumanta noong 3-anyos siya.

Dati siyang bokalista ng isang banda at nag-perform na siya bilang front act ng South Border, Side A at Freestyle.

Ang 24-anyos na si Anthea ay ipinanganak sa Negros Occidental. Nag-migrate ang kanyang pamilya nang siya’y 4-anyos.

Isa na siyang medical technologist sa Duke University Medical Centre.

Lumaki sa Pasay si Kervin Sawyer pero nag-migrate sa Saudi noong 2000 ang kanyang pamilya.

Noong 1987, sumali siya sa weekly finals ng ‘Little Mr. Pogi’ ng Eat Bulaga.

Nagtrabaho naman si Nerissa Binoya bilang band vocalist sa United Arab Emirates. Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia nagpakumbaba sa "Startalk"

Nagpakumbaba si Patrick Garcia sa Startalk at personal na humingi ng patawad sa ginawa niya sa isang reporter ng naturang showbiz talk show nu’ng nakaraang linggo.

Si Mother Lily ang gumawa ng hakbang na ayusin ito sa Startalk at pati na kay Manay Lolit dahil nagi-guilty raw siya.

Nagsimula ang isyung ito nang isinali si Patrick sa Tiyanak ni Jennylyn Mercado kasama si Mark Herras na dinesisyunan namang tanggalin.

Kasama ni Patrick si Mother Lily na nagpa-interview sa Startalk para linawin na rin kung bakit hindi na ito isinali sa Tiyanak.

"I felt bad for Patrick, kasi, kawawa naman siya. Kasali na sana siya sa storycon ng Tiyanak, pero we decided na huwag na lang dahil meron pala silang Angels ni Jennylyn," paliwanag ni Mother Lily.

"I called up Roselle (Monteverde) na mas mabuting huwag na lang isali dahil mapi-preempt naman ito ng movie nila ni Jennylyn. Hindi dahil sa ayaw ni Mark, kundi iyun lang talaga ang reason," patuloy ni Mother Lily.

Nang nakausap si Patrick ng Startalk kahapon, hindi na siya nagpaliwanag kundi nag-sorry na siya kaagad at nangakong hindi na mauulit ang ginawa niya.

Humingi rin si Patrick ng patawad sa reporter ng Startalk na si Baby Briones at pati kay Manay Lolit nakiusap na ring tapusin na sana ang isyu.

Napag-usapan na rin kahapon ang isyung balak daw idemanda ng mga magulang ni Patrick si Manay Lolit dahil sa mga sinabi nito sa radyo laban sa aktor.

Hindi raw ito alam ni Patrick dahil hindi pa raw niya nakakausap ang kanyang magulang, pero sana raw ay huwag na lang para hindi na humaba ang gulo.

Nilinaw niyang wala siyang tampo o galit sa Startalk kaya ilang beses siyang nag-sorry sa ginawa niya.

Nagkataon lang daw na iba ang mood niya nu’ng nilapitan siya ng kanyang alalay.

Tinanggap ng Startalk ang apology ni Patrick at noon pa man ay nilinaw ng naturang programa na welcome pa rin sa kanila si Patrick kung meron itong ipu-promote.

Open si Manay Lolit sa pakikipagbati kina Patrick pero gusto nitong linawin na ang ginawa niya ay pagtatanggol lamang sa mga staff ng Startalk.

Dati pa ay tanging siya lang ang nagtatanggol sa mga taga-Startalk kapag tingin nito’y naapi sila.

Patuloy raw niyang gagawin iyun kung mababalitaan niyang naapi ng kung sino mang artista o celebrity ang staff ng Startalk.

Nagpapasalamat naman si Patrick kay Jennylyn dahil nandiyan ang young actress na kaagad na nagtatanggol sa kanya pagdating sa ganung sitwasyon. Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 28, 2007

Angel Locsin, walang utang na loob sa Siyete?

HOW true na nagiging sakit ng ulo sa trabaho si Angel Locsin dahil kabi-kabila ang pagtanggap ng political endorsements at iba pang commitments?

Hirap na hirap daw i-schedule ang aktres sa GMA-7 projects, dahil bukod sa political commitments, sumisingit din ang iba pa niyang natanguan, tulad ng trabaho for Angels, ang initial venture ng production outfit nila ng manager na si Becky Aguila.

Kung ganu’n, parang ang bilis namang nagbago ni Angel at lumalabas na mas priority pa ng aktres ang ibang trabaho kesa sa mother network.

Nakapag-komento tuloy ang aming kausap na tila hindi na binibigyang-halaga ni Angel ang istasyong nagbigay sa kanya ng malalaking break.

Matatandaang nagsimula si Angel bilang one of those lang sa Click at Love to Love. Tapos, binigyan sila ni Richard Gutierrez ng solo lead roles sa Mulawin.

Pagkatapos nito, sumunod ang Darna, Majika at ito ngang Asian Treasures nila ni Robin Padilla.

Dugtong pa ng kausap namin, sana nama’y ginagabayan si Angel ng manager niyang si Becky Aguila para hindi naaapektuhan ang mga trabaho ng alaga sa Kapuso Network.

Hindi kaya maging dahilan ng kanyang pagbagsak ang pagiging pabaya ni Angel sa assignments sa Siyete?

Mahirap pa namang magsisi, dahil lagi itong nasa huli. Tandaan sana ni Angel na maraming nakaabang na i-build up ng network. Ano ba namang mag-unahan ang mga ito kapag ipinatawag ng GMA-7 execs?

Kaya, huwag maging ungrateful sa istasyong gumawa sa iyo, Angel. Or else… Source.

Labels:


Continue Reading...

Raymond Gutierrez and Showbiz Central

KINAILANGANG i-explain nang husto kay Raymond Gutierrez ang concept ng Showbiz Central bago tanggapin. Nang malaman kung paano tatakbo ang show, tinanggap niya ang offer.

Sa pilot ng programa bukas, ninenerbyos ito’t haligi ng TV industry ang makakatapat.

Makakatapat din niya ang ate na si Ruffa Gutierrez, isa sa hosts ng The Buzz at tinatawanan na lang daw nila ang pangyayari.

Hindi nila inisip na darating ang time na magkakatapat silang magkapatid.

“But it’s a healthy competition. Mas magiging exciting ang Sunday ng viewers. After SOP, diretso ako sa Showbiz Central. Magiging hectic ang schedule ko, but I’m ready and I’ll be prepared pati sa intriga sa akin,” sabi nito.

Hindi masyadong maninibago si Raymond dahil naging part siya ng Showbiz Haller portion ng S-Files with Toni Gonzaga and Teri Onor for two weeks bago inilipat sa ibang show.

Tiniyak nitong magtatagal siya sa show nila nina Pia Guanio at John Lapus dahil bago ang concept. Source.

Labels:


Continue Reading...

Connie Sison, is now kapuso

NAITSIKA sa amin na nasa GMA-7 na si Connie Sison, dating ABS-CBN talent.

Sa May, mapapanood na siya sa election-related programs at coverage. Magiging reporter din daw ito sa news program ng istasyon at baka ilagay sa Unang Hirit.

Sa Channel 2 unang napanood si Connie at naging weather girl pa yata. Nalagay sa Magandang Umaga, Bayan at nagkaroon ng show kasama si JV Villar.

Pagkatapos noon, bigla na lang siyang nawala sa eksena. Naalala namin si Connie dahil may hawig siya kay Aiko Melendez. Source.

Labels:


Continue Reading...

Paolo Contis nagsakripisyo para sa mga OFW

Nagpakita ng ginintuang puso si Paolo Contis nang magkaroon sila ng series of basketball show sa iba’t ibang bansang sakop ng Middle East kamakailan.

Nang pumunta sila ng Kuwait, humingi ng tulong ang OWWA sa grupo nina Paolo dahil marami pala sa mga kababayan natin doon ang nakatengga sa quarters ng OWWA at hindi pa napapauwi sa Pilipinas.

Nag-ambag-ambag silang mga artista at ilang celebrities ng pamasahe para makauwi ang isang OFW na ilang buwan nang naka-detain sa OWWA.

Naawa si Paolo sa dami ng mga kababayan natin doon na nangangailangan ng tulong, kaya isinakripisyo niya ang kanyang per diem.

Ibinigay ito ni Paolo sa OWWA para merong isa pang OFW na mapauwi rito sa atin.

***

Nang pumunta sila ng Doha, Qatar, mas maraming mga OFW roon na nasa OWWA quarters din at naghihintay mapauwi sa Pilipinas.

Merong isang babaeng OFW roon na nasa isang tabi lang at sunog ang halos buong katawan.

Nalaman niyang napagmalupitan ito ng amo at nasunog ang katawan.

Nilapitan niya ito at siya pa raw ang nag-alok na magpa-picture.

Pinipigilan daw niyang maiyak, kaya ang isang taga-OWWA na lang daw ang pinakausap niya na tanungin kung gusto nitong umuwi na.

Gustung-gusto na raw nitong umuwi, kaya isinakripisyo naman niya ang pambili ng playstation.

Nagbigay siya ng pamasahe para makauwi na itong OFW na kinaawaan niya.
Source.

Labels:


Continue Reading...

theme song ng Paano Kita Iibigin? ,sinulat ni Ogie Alcasid

Ang theme song ng Paano Kita Iibigin? ay sinulat ni Ogie Alcasid at prinodyus ni Regine Velasquez para sa Star Records.

Hindi exclusive si Regine sa indiMusic kahit part owner siya nito. Kinailangan lang niyang magpaalam sa partner niya.

Nagpaalam din si Regine sa home network niya, ang GMA 7, para makapag-promote siya sa mga programa ng ABS-CBN 2.

Pinayagan siya with the hope na sana, mag-cross over din si Piolo Pascual sa GMA 7 para mag-promote ng nasabing pelikula.

Huwag kayong mabigla na isang araw ay makita ninyo si Piolo (na dating taga-That’s Entertainment) sa mga programa ng GMA 7! Source.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn-Mark, maayos ang first shooting day

Nagsimula nang mag-shooting ang pelikulang Tiyanak (Regal Films) na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Noong Miyerkules ang first shooting day nila sa isang lumang bahay sa Apalit, Pampanga. Kuwento ni Mark, kaagad na nakabuo sila ng bonding sa unang araw pa lang nito kasama ang iba pang cast na sina Ryan Yllana, Karel Marquez, JC de Vera at ilang talents ng ABS-CBN.

Okay naman daw sila ni Jennylyn dahil ang iniisip nila ay trabaho iyun. Wala raw silang problema pero malabo nang lagyan ng love angle ang promo ng pelikula dahil alam daw ng lahat na meron nang Patrick Garcia si Jennylyn.

Pinaunlakan kami ni Jennylyn ng interview at sinabi rin niyang wala silang problema ni Mark.

Alam daw niyang marami silang fans na umaasang magkasama sila sa isang pelikula.

Napag-usapan uli ang tungkol sa pagtanggi ni Mark na makatrabaho silang dalawa ni Patrick. Ipinaliwanag naman ni Jennylyn na sa kanya ay walang problema basta trabaho lang.

Kaya raw niyang paghiwalayin ang personal na bagay sa trabaho.

Kung hindi raw kumportable si Mark na makatrabaho sila ni Patrick, bakit siya raw dati, kahit kasama ang nililigawan at girlfriend na rin ni Mark, wala siyang angal at nagtatrabaho pa rin siya?

Pero tapos na ang isyu, ayon kay Jennylyn. Nagkausap sila ni Patrick at malabo raw gawin ng aktor ang Tiyanak dahil may ibang pelikula na sila na magkasama at nakatakdang umalis si Patrick patungong Alaska.

Gusto lang iparating ni Jennylyn sa lahat na kahit anong problema o isyung papasukan ni Patrick, nandiyan lang siya para sumuporta at ipagtanggol ang kanyang boyfriend. Lalo raw niya itong minahal ngayong nasasangkot sila sa intriga. Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Friday, April 27, 2007

John Lapus talks about Showbiz Central

JOHN Lapus says he has reconciled with movie writer, Jobert Sucaldito. “He just called me up to wish me well for our new show, ‘Showbiz Central,’ that starts airing this Sunday at 4 p.m. on GMA-7,” he says.

How will this be different from “The S-Files”? “As its blurb says, we offer hardhitting news, hardcore showbiz. But you’ll notice the hosts now, Pia Guanio, Raymond Gutierrez and I, are younger than those of our rival show and we speak the language of viewers who watch on Sunday afternoons, the younger set and yuppies. We won’t speak in high falutin’ English or malalalim na Tagalog, This is also done in a fast-paced manner for the high-tech generation. Isa pa, true kami sa policy ng GMA na ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan’. One video footage we’ll air this Sunday shows a young man masturbating and they say si Dennis Trillo raw ‘yun. So, we’ll show kung siya nga ba talaga, as it’s circulating in cellphones now. Interactive din ang show with the central jury composed of showbiz authorities who’ll grill our guest stars and even the studio audience can ask their own questions. We also have a Hollywood component dahil we’ll be reporting about international stars. I’m really thankful to GMA for getting me sa show as a regular host. Biggest break ko ito kasi I’m in the show from the start. Sa ‘S-Files’ parang tine-test lang ako. Dito, totohanan na.”

Is it true his skit in “Rock Da Vote” at Music Museum was censored as it offended Kris Aquino and James Yap? “What happened was Jon Santos talks about a character named Pag-asa who works in a spa. E, di ba Pag-asa means Hope? Tapos, Victor Basa, who plays the James character, is asked kung gusto niya magpamasahe. He says: ‘Ayoko, dahil hinihintay ko pa ang misis ko.’ Then papasok ako as his wife, si Kris Anino. So yun nga, pinatanggal at may nag-request daw kasi. Ewan ko kung sino. Pero honestly, kung meron dapat mapikon sa show, it’s Pres. Gloria Arroyo dahil the way she’s spoofed by Candy Pangilinan, grabe talaga. And yet no complaints from her camp.” Source.

Labels:


Continue Reading...

Kapalit ni Yexel kay Iwa, mayaman at edukado

LOVELESS ngayon si Iwa Moto kaya hindi kataka-takang ma-link ang dalaga sa batambata’t guwaping na politician from Valenzuela City, si Wes Gatchalian.

Wes is only 26 years old, at tumatakbo itong congressman sa 2nd district ng Valenzuela. Nasa pulitika rin ang dalawa niyang mga kapatid, si Win, ang incumbent mayor, at si Rex, na tumatakbo ring congressman sa 1st district naman.

Mula sa mayamang angkan ang magkakapatid at nakaloloka ang educational background ni Wes: Masters Degree in Management (London Metropolitan University), UK BA Honors Degree/DipHE Business and Operations Management (Oxford Brookes University), etc.

Sabi nga, kung si Wes ang balak ipalit ni Iwa kay Yexel Sebastian, parang tumama sa lotto ang dalaga.

Si Iwa ay isa sa Super Frens ni Wes. Isang grupo ng mga taga-showbiz na tumutulong sa kandidatura ng binatang pulitiko. Kasama ni Iwa sa grupo sina Ai-Ai de las Alas, K Brosas, Prince Stefan at Amy Perez. Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 26, 2007

Super Twins, exciting episode

EXCITING ang Thursday episode ng Super Twins dahil magsasagupa for the first time ang Super Twins at si Eliazar (Dennis Trillo).

Gagamitin ng kambal ang kanilang power para matalo ang kalaban.

Patuloy naman si Eliazar sa paghahanap sa puso ng santelmo at napag-alaman nito mula sa recorded memory ni Ester (Marian Rivera) na nasa mga anak nito ang hinahanap.

Ihu-hostage ni Eliazar si Ester at pakakawalan lang kapalit ng singsing ng kambal.

Doble nga lang ang problema ng kambal dahil bukod kay Eliazar, sakit ng ulo rin nila si Nickelina (Alessandra de Rossi), na nais silang patayin upang masolo ang kayamanan ng kanilang pamilya.

Matalo kaya nina Eliazar at Nickelina ang super twins? Source.

Labels:


Continue Reading...

Magpakailanman, sanctioned by MTRCB

NA-SANCTION pala ng MTRCB ang Magpakailanman dahil sa episode last week, kung saan may sexy scenes sina Katrina Halili at Alfred Vargas.

Mabuti’t hindi na umabot sa suspension ang sanction, kaya tuloy pa rin ang airing ng drama anthology this week.

Kaya lang, dahil sa reaction ng MTRCB, naging careful ang MKM sa episode nila this week na Isang Bahay, Dalawang May Bahay.

Ang tsika’y iniksian ang dance number ni Valerie Concepcion para walang mag-react. Kasama rin sa cast sina Sunshine Dizon, Simon Soler at Romnick Sarmenta.

Speaking of Katrina, mabuti pala at late na ang time slot ng Lupin dahil baka ma-sanction din ang show sa sexy costumes at two-piece na madalas niyang isinusuot. Source.

Continue Reading...

Impostora, nagsimula na ang taping

NAGSIMULA na ang taping ng Impostora, ang pinakabagong drama series ng GMA-7 na mala-Bakekang ang dating.

Ang pagpapakita ng pagiging bata nina Iza Calzado at Sunshine Dizon ang tema ng first taping day ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Kasama rin sa cast ang kambal sa Surf ad na sina Charlotte at Chariz.

Ang target pilot nila ay sa June 2007. Ang balita, papalitan ng Impostora ang SuperTwins.

Samantala, tampok mamaya si Sunshine sa Magpakailanman episode, kung saan gaganap siya bilang Japayuking kinaliwa ng asawang iniwan sa Pilipinas.
Ang title ng episode, Isang Bahay, Dalawang May- Bahay.

Si Valerie Concepcion ang lalabas bilang kabit ni Romnick Sarmenta, asawa ni Sunshine. Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 25, 2007

Rochelle Pangilinan, balik Daisy Siete

BALIK-DAISY Siete si Rochelle Pangilinan matapos mag-concentrate sa solo album under Sony BMG Music.

Aminado ang leader ng Sex Bomb na mahirap magsolo, pero kailangan daw niyang gawin ito dahil nagkaka-edad na at hindi habang panaho’y kayang sumayaw.

Anyway, ang mas umagaw ng pansin sa presscon ng Daisy Siete Season 15, Isla Chikitita, ay ang pag-amin ni Rochelle sa harap ng mga kasamahan na si Sunshine ang susunod sa kanyang mga yapak.

In fairness, bago nagsalita si Rochelle, humingi muna siya ng paumanhin sa mga kasamahan. Ayaw daw kasi niyang magsinungaling sa entertainment reporters.

Katabi ni Rochelle si Jopay nang sabihin na para sa kanya, si Sunshine ang susunod na leader ng Sex Bomb ’pag wala na siya.

Kahit hindi nagsalita, bakas sa mukha ni Jopay ang lungkot at pagkadismaya. Para kasi siyang nilaglag ni Rochelle.

Pahabol pa ng huli, nakita niya kung ga’no kagaling umarte si Sunshine nang gampanan ang role ng isang retarded sa Daisy Siete.

Speaking of Jopay, totoo bang almost two years na ang relasyon nila ni Joshua Zamora?

“Totoo at hindi ko naman dinidenay,” bungad niya. Maraming nakaaalam na may relasyon kami. Nagkataon lang na kapag tinatanong ako noon, lagi kong sinasabi na loveless ako para protektahan ang relasyon namin."

“Ang mahirap kasi sa showbiz, ’pag umamin ka, siguradong gagawan ka ng intriga. Tanggap siya ng mga magulang ko. Alam na rin ng dalawang anak niyang kami na.

“Ate Jopay nga ang tawag sa ’kin ng panganay niya, eh. ’Yung bunso naman, Jopay lang. Okay naman sa akin dahil nakakatuwa siya,” patuloy ng dancer.

* * *
USAPING Sex Bomb pa rin … maugong ang balitang baka tanggalin uli ang grupo ni Joy Cancio sa Eat Bulaga.

Ang nakarating sa amin, baka raw alisin ang Sex Bomb dahil nasasapawan ang EB Babes. How true?

Hindi naman kami naniniwala sa tsikang ito dahil mula nang bumalik sila sa EB, mas gumanda ang rating nito.

May nagtanong uli … hindi raw kaya ang EB Babes ang tatanggalin?

Well, sana kung may mangyari mang tsugihan, pareho pa ring ma-retain ang SB at EB.
Thanks to source.

Labels:


Continue Reading...

Sugar Mercado sa Eat Bulaga?

Nabigla kami sa kumalat na balitang tanggal na raw si Sugar Mercado sa Eat Bulaga.

Pagkatapos matanggal ang tatlong Mr. Pogi, si Sugar na raw ang kasunod.

Hanggang kahapon ay napapanood pa rin namin si Sugar sa naturang noontime show.

Sinadya namin si Ms. Malou Choa-Fagar, pero ayaw niyang magkomento dahil wala pa raw utos ang mga boss na magbigay siya ng statement kung meron bang pagbabago sa Bulaga.

Kapag final na raw ang lahat at kung tuluy-tuloy na ito, nangako si Ms. Fagar na ibibigay niya ang announcement sa Startalk isa sa mga Sabadong darating.

Matagal nang pinag-usapang magkakaroon ng tanggalan sa Eat Bulaga pero wala naman kaming narinig na kumpirmasyon sa mga taga-TAPE.

Abangan na lang natin at baka sa susunod na buwan ay meron nang pagbabago.

Noong Sabado, tinaasan ng Eat Bulaga (23.3%) ang Wowowee (22.3%).

Inaasahang mataas uli ang Eat Bulaga sa Sabado dahil sa may malaking selebrasyon sila para sa kaarawan ni Bossing Vic Sotto. Abangan natin ‘yan! Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia clarifies things

Kahapon sa Wow... Ang Showbiz! radio program ay nagpaliwanag si Patrick Garcia sa isyung hindi na siya nagpainterbyu sa mga taga-Startalk ay binastos pa niya ang mga ito dahil pinagsarhan niya ng pinto.

Ayon kay Patrick, kung alam daw niya na iinterbyuhin siya ng mga taga-Startalk sa taping, sana raw ay pinaghandaan niya ‘yon.

Natutulog daw siya sa loob ng kotse at nakasandal siya sa may pintuan nang biglang buksan ‘yon ng kanyang maid.

Isinara raw niya ‘yon bigla dahil malalaglag siya.

"Hindi ko po alam na kaya binuksan ng maid ‘yung pinto ng kotse eh dahil gusto akong interbyuhin ng mga taga-Startalk.

"Hindi po intentional ‘yon. Kung akala po nila, eh, binastos ko sila, I apologize po!" pahayag ng young actor.

Hindi raw gusto ni Patrick ang sagutin ang mga litanya ni Manay Lolit.

Naniniwala raw ang boyfriend ni Jennylyn na nakapag-dialogue lang si Manay Lolit against him dahil sa nakarating na balita rito.

Nagpahayag din si Patrick na hindi masama ang loob niya kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Entertainment dahil sa pagkakaalis niya sa cast ng Tiyanak, ang pelikulang pagtatambalan nina Jennylyn at Mark Herras.

Maging siya raw ay hindi magiging komportable kung magkakasama silang tatlo sa pelikulang ‘yon dahil alam niyang iintrigahin lang sila.

Isa pa, sa Hunyo rin daw kasi ipalalabas ang isang movie na kasama sila ni Jennylyn, kaya okey rin na nawala siya sa Tiyanak.

Nilinaw rin ni Patrick na hindi niya minahal si Jennylyn para maging ka-loveteam, kaya okey lang kung hindi sila pagtambalin sa TV o pelikula.

"Niligawan ko si Jennylyn dahil gusto at mahal ko siya. Hindi para maging magka-loveteam kami.

"Actually, kapag magkasama kaming nagge-guest sa ilang TV shows, eh, naiilang pa ako.

"Sa akin kasi, masaya na ako na kaming dalawa kahit hindi pa kami ang gawing magka-loveteam," pahayag ni Patrick. Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 24, 2007

Lalaki ni Pauleen nasulot ni Iwa Moto

LOVE kaya ang dahilan kung bakit pinalitan ni Iwa Moto si Pauleen Luna sa pangangampanya for Wes Gatchalian?

Sa pagkakaalam namin bago magsimula ang campaign for this year’s election, si Pauleen ang isa sa mga kakampanya for the youngest of the Gatchalian na tatakbo, si Wes. He will run for the congressional seat of the second district of Valenzuela the same way his brother Rex is running for the first district at si Win naman Mayor of the city for the second term.

Pinalitan na pala ni Iwa si Pauleen. Si Jun Santiago na ang kinampanya ni Pauleen sa Valenzuela dahil tiyuhin niya raw ito. Si Wes kaya, ano ni Iwa? May nakapagsabi kasi sa amin na before the campaign period pa lang, magkakilala na ang dalawa.

Hindi naman ito tinanggi ni Wes dahil may common friend daw na nagpakilala sa kanila at ngayon ay getting to know each other phase na sila.

Nang nalaman ni Iwa na tatakbo si Wes, she offered her help. Source.

Labels:


Continue Reading...

Lovi at Prince, bagay?

MARAMI ang nakapuna na bagay na magka-loveteam sina Lovi at Prince nu’ng maging mag-partner sa production number sa SOP nu’ng Linggo.

Gentleman, kalog, mahiyain at hindi marunong magalit ang description ni Lovi sa bagong TV partner nang usisain namin sa grand draw ng People’s Journal at MediaCom raffle promo kamakailan.

Kahit daw pinupuna ang pananagalog ng staff ng Lola Basyang, cool pa rin ang binata, ani Lovi.

Pero hindi pa raw sila ganu’n ka-close sa isa’t isa, dahil nagkikita lamang kapag may trabaho. Source.

Labels:


Continue Reading...

Margaret Wilson, itim ang kili-kili?

Madali naming nahulaan ‘yung isang blind item ng Startalk nu’ng Sabado dahil very giveaway ang clue. Napaka-obvious na si 2007 Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson ang tinutukoy na beauty queen na diumano ay maitim ang kili-kili.

Pinagreak namin tungkol dito ang manager ni Margaret na si Neil de Guia at buong ningning nitong itinanggi na maitim ang kili-kili ng kanyang alaga. Malamang na sinisiraan lang daw si Maggie.

Hinanap namin sa internet ang ilang photos ni Maggie na nakataas ang kanyang braso para malaman kung totoo ang tsismis.

Sa mga nakita naming pictures ay hindi dark ang armpits ng 17-anyos na panlaban natin sa Miss World.

Mahalagang maputi ang bahaging ‘yon ng katawan ng isang kandidata dahil maraming pagkakataon sa beauty pageant na kakaway-kaway sila at mae-expose ang kanilang kili-kili. Nakahihiya kung maitim ‘yon.

Bilang isang TV actress-model ay conscious siguro si Maggie sa kanyang katawan, lalo na ngayong isa na siyang beauty titlist.

In fairness, kahit nu’ng bagets pa si Maggie ay marami nang nagsasabing malaki ang promise niya na maging beauty queen dahil bukod sa pretty at matangkad ay smart siya at okey ang personality.

Last year ay nakasama pa namin siya sa Nivea event sa Bohol pero this year sa Camsur ay hindi na siya nakasali dahil naging abala na siya sa Bb. Pilipinas.

Huli naming nakita si Maggie sa presscon ni Richard Gomez sa Imperial Palace, na hindi siya namukhaan ng ilang showbiz press dahil hindi siya nakaayos at naka-casual clothes lang.

Dayalog tuloy ng isang entertainment editor na katabi namin, dapat ay hindi lumalabas si Maggie na ganu’n ang itsura dahil may titulo na siya.

Dapat aniya ay lagi itong nakaayos at conscious sa kanyang pananamit lalo na ‘pag lumalabas in public para hindi ma-disillusion ang makakakita.

Sa Oktubre nakatakdang lumaban ang Fil-British na si Margaret Nales Wilson sa 57th Miss World na to be announced pa kung saan gaganapin. Last year ay ginanap ito sa Warsaw, Poland.

Ayon sa wikipedia, mahigit 120 bansa ang maglalaban-laban this year sa nasabing pageant. ‘MW’ ang initials ni Maggie na sana raw ang ibig sabihin ay Miss World dahil hanggang ngayon ay never pang napanalunan ng Pilipinas ang nasabing titulo.

Ang outgoing Miss World titleholder ay si Tatiana Kucharova ng Czech Republic. Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia update

‘Kaaliw ‘yung ‘pang-ookray’ ni Tita Lolit Solis kay Patrick Garcia nu’ng Sabado sa Startalk.

Sa tsikahan nila ni Joey de Leon ay nabanggit ni Tita Lolit na kaya tumanggi ang alaga niyang si Mark Herras na makasama ang magsyotang Patrick at Jennylyn Mercado sa remake ng pelikulang Tiyanak ay dahil baka magkaroon lang ng mga selosan sa set.

Ani Tita Lolit, kailangan ng respetuhan ng tatlo dahil mag-on sina Jen at Patrick kaya natural lang na maiilang si Mark na makatrabaho sila.

Ang ikinaaliw namin ay ‘yung dagdag na tsika ni Tita Lolit na kesyo minaldituhan daw ni Patrick ang staff ng Startalk na si Baby na iinterbyuhin dapat ang young actor pero pinagbagsakan daw nito ng pinto ng kotse at dinayalugan ng, "Natutulog pa ako!"

Inulit-ulit pa ni Tita Lolit kay Joey ang ginawa raw na ‘yon ni Patrick, sabay hirit ng, "Bumalik na lang siya sa dati niyang istasyon!"

Very Tita Lolit ang hirit na ‘yon, na kung seseryosohin ni Patrick ay pwedeng ikapikon nito.

Kung totoong sinupladuhan ni Patrick ang staff ng Startalk ay normal lang na maging ganu’n ang reaksyon ni Tita Lolit.

Manager siya ni Mark kaya understandable na tila walang ka-amor-amor si Tita Lolit kay Patrick na minsan na niyang tinawag na ‘kirat’ nang harap-harapan nu’ng mag-guest ito noon nang live sa Startalk kasama ni Jen.

"Pipili ka lang ng kapalit ni Mark, kirat din na kagaya niya ang pinili mo?!" dayalog ni Tita Lolit kay Jen na katabi si Patrick nu’ng time na ‘yon.

Ewan kung na-offend si Patrick, pero lalong naging ‘klasik’ ang guesting na ‘yon nu’ng usisain na sina Jen at Patrick kung totoong mag-on na sila at walang maisagot si Patrick na animo’y spaced out at ngiti lang nang ngiti.

For sure, hindi makalimutan ni Tita Lolit ang eksenang ‘yon kaya obvious na hindi siya natutuwa kapag si Patrick ang topic. He-he-he! Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 23, 2007

Valerie Concepcion, kuya lang ang tingin kay Marvin

Nakakwentuhan namin si Valerie Concepcion sa syuting ng nDaddy’s Angel, isang episode ng pelikulang Angels under Eagle Eye Production.

Kinumusta namin si Val kung paano ba katrabaho si Marvin Agustin na kapareha niya sa movie.

"Mabait po siya at maÿalaga sa set. Ang galing-galing niyang umarte kaya noong una ay kabado ako sa kanya. Bilang mag-asawa ay nadala kami sa eksena at tuloy pa rin ang kissing scene namin kahit suÿÿÿmigaw na ng "cut" si Direk Dingdong Danÿtes. Naÿtuwa naman ang direktor dahil naging realistiko ang eksena," anang aktres.

Malagkit ang ti_ngin ni Marvin kay Val kapag shooting Bbreak kaya tinadnong na/min ang akotres kung hindi kaya may ma_muong relasyon sa ka%nilang dalawa?

"Parang Kuya ko lang siya pero ayaw ko pa ring magsalita ng patapos. Di naman mahirap mahalin si Marvin," pagtatapos pa ni Val.

Ayon pa rito, maalalahanin ang kanyang leading man. Source.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, ipinagtanggol si Patrick

TALAGANG mahal ni Jennylyn Mercado ang boyfriend na si Patrick Garcia. Siya ang nag-react sa naibalita ng Startalk last Saturday na binastos ng aktor ang staff ng talk show nang tumangging magpa-interview.

Ayon kay Manay Lolit Solis, sinalyahan daw ni Patrick ng pinto ng sasakyan ang staff ng Startalk sabay-sabing “natutulog ako!,” dahilan para makapag-komento ang TV host na natutulog na rin ang career ng aktor.

“Tita, tinanong ko po si Pat kung may ganu’ng insidente, wala naman daw po. Saka kilala ko po si Pat, hindi naman niya magagawa ang ganu’n.”

Ayon kay Jen, sa telepono lang nakausap ng Startalk staff ang handler ni Patrick at tinatanong nga kung puwedeng ma-interview ang aktor.

“Sabi po yata ng handler, natutulog si Pat. Ganu’n lang daw po,” kuwento pa ni Jen.

Unfair naman daw kay Patrick ang akusasyon, kaya itinutuwid niya ito. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sex Bomb member, sinigaw-sigawan

SANA hindi totoo ang siyeteng nasagap namin na sinigaw-sigawan ng isang Eat Bulaga writer si Myca Bautista, miyembro ng Sex Bomb, na nagkamali habang nakasalang.

Iniyakan ni Myca ang naturang insidente, na sana’y hindi na maulit pa.

Baguhan lang si Myca, kaya marami pang hindi alam.

Sigurado kaming ayaw ni Tita Malou Choa-Fagar ng ganyan, sino ka mang EB writer. Source.

Labels:


Continue Reading...

Bing Loyzaga, naghamon kay Gladys Guevarra

Naghahamon si Bing Loyzaga kay Gladys Guevarra na ilabas nito ang sinasabing ‘bomba’ tungkol sa asawa niyang si Janno Gibbs.

Siya rin ay maglalabas daw ng ‘bomba’ na ikaka-shock umano ng komedyana.

Sumabog ang pananahimik ni Bing sa huling maanghang na apela ni Gladys kay Janno, lalo na ang pakiusap nitong huwag na itong gamiting punchline ng actor-singer sa mga TV show nito.

Sey ni Bing, luma ang isyung ibinabato ni Gladys.

Base sa natatandaan ni Bing, nag-text na si Gladys kay Janno tungkol dito at nalaman na ng mister niya na ayaw na ni Gladys na i-punchline siya ni Janno.

Tumugon si Janno na hindi na niya ito ipa-punchline.

Nag-text daw uli si Gladys ng hindi maganda pero hindi na iyon sinagot ni Janno.

Alam ni Bing na nagkaliwanagan na sina Janno at Gladys. Naloka si Bing sa himutok ng komedyana na lumabas sa S Files noong nakaraang Linggo.

"Kung ano ang pamana niyang sinasabi kay Janno, sige, ibato niya. Hintayin naman niya ang pamana ko.

"I have to protect Janno because he’s still my husband and I have my children to protect. Baliktarin mo man ang mundo, asawa pa rin ako. I know my rights. Ano naman ang rights nila? ‘Di ba?

"Sana, huwag nang buhayin ang patay na issue, hindi pa All Souls’ Day, ‘no! Jurassic na ‘yang issue na ‘yan," pahayag ni Bing, na kasama sa cast ng sinenobelang Sinasamba Kita ng GMA 7. Source.

Labels:


Continue Reading...

Alessandra de Rossi, no comment tungkol sa feud nila ni Rhian Ramos

Ayaw magsalita ni Alessandra de Rossi tungkol sa feud nila ni Rhian Ramos.

Nabigo ang mga reporter na gustong hingin ang panig ni Alessandra dahil tumanggi ito.

Maging ang manager ni Alessandra na si Manny Valera ay hindi pabor na magsalita ang kanyang alaga tungkol sa isyu.

Nang makausap namin si Direk Manny sa unang pictorial ng Silip, sinabi niya sa amin na wala siyang plano na pagsalitain si Alessandra tungkol sa bagong kontrobersya na kinasasangkutan. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 22, 2007

Si Janno ang kaaway ni Gladys, pero si Bing ang nakikipaglaban

Wala sa original cast ng movie version ng Sinasamba Kita ang role ni Bing Loyzaga sa TV remake nito, dagdag ang role niya at walang pinagbabasehan, kaya medyo mahirap. Based na lang sa script ang atake niya bilang si Isabellita sa ibinigay sa pilot ng Sinenovela ng GMA-7 sa April 30, pagkatapos ng Muli.

Si Valerie Concepcion as Nora ang pahihirapan dito ni Bing at sa AVP, ipinakitang binuhusan niya ito ng isang lata ng pintura. Sanay na siya sa ganitong role at �di na magugulat ang viewers na muli siyang mapanood bilang kontrabida.

Hindi pala nakaiwas si Bing na tanungin sa nabuhay na isyu kina Janno Gibbs at Gladys Guevarra. Suwabe ito sa kanyang pagtataray, pero nag-react pa rin ang aktres.

"Ano ba ang gusto niya at binuhay na naman ang patay na isyu? Kung na-offend siya, ano kaya ang naramdaman ko? Sino ang magtatanggol sa akin kung ako ang na-offend at mas may karapatan akong ma-offend," panimula nito.

Hindi alam ni Bing kung ano ang nag-trigger ng galit ni Gladys kay Janno. Napanood na lang niya ito sa TV, basta ang alam niya, luma nang isyu ang inereklamo nito at mababaw para ito�y magalit at magbanta pang may ilalabas siyang panama sa asawa kundi ito titigil.

"Hihintayin ko ang ilalabas niya, pero hintayin din niya ang panama ko dahil may pinoprotektahan din ako. Paikutin man ang mundo, asawa pa rin ako ni Janno," pahayag ni Bing. Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia, nag-give way sa pelikulang Tiyanak

Gaano katotoo na nag-give way na si Patrick Garcia sa pelikulang Tiyanak para lang matuloy si Mark Herras sa pelikula kasama ang ex-girlfriend nitong si Jennylyn Mercado?

Love triangle kasi ang istorya ng Tiyanak at obviously, magagamit ng husto si Mark sa publicity promo ng movie kung kasama sina Patrick.

At nagpasabi na nga raw si Mark na hindi niya tatanggapin ang movie dahil ayaw niyang magmukhang engot kapag naglalambingan sa set sina Patrick at Jen na tama lang naman.

Parang pinagtiyap naman ng tadhana dahil paalis si Patrick sa May 19 papuntang Alaska kasama ang buong pamilya para magbakasyon at sinabi na nga niya na hindi siya pupwedeng hindi umalis.

"Masasagasaan ang sked ng movie, kaya inalis na siya ni Mother (Lily Monteverde), hanap na lang ng iba," tsika sa amin ng taga-Regal.

More or less ay ipinagkatiwala na rin ni Patrick ang girlfriend niya sa ex-boyfriend nito at ang promise nga raw ni Jennylyn, "Magkaibigan na lang kami now ni Mark, wala na �yung nakaraan."

At least dito, mati-test nina Patrick at Jennylyn kung para sila sa isa�t isa talaga. Source.

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Pop Superstar World Challengers Special

Simula na ng elimination round ng unang Pinoy Pop Superstar World Challengers Special ngayong gabi sa GMA 7, pagkatapos ng Fantastic Man.

Apat lamang sa kanila ang makakasama sa susunod na linggo upang magkaroon ng pagkakataong magwagi bilang ikasiyam na grand qualifier sa Pinoy Pop Superstar Grand Showdown.

Magpapagalingan ang World Challengers na sina Anthea Neri (North Carolina), Dessirie Joy Poblete (Los Angeles, California), Imelda Gaborno (Canada), Jae Buensuceso (San Franciso , California), Joe Magallano (Sultanate of Oman), Kervin Sawyer (Kingdom of Saudi Arabia), Nerissa Binoya (United Arab Emirates) at Sid Vasquez (The Kingdom of Bahrain). Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 21, 2007

Marvin Agustin, naging nega ang dating

Nag-react si Marvin Agustin sa issue na wala siyang utang na loob na unang lumabas dito.

Pero instead na matuwa sa kanya ang mga tao o ma-clear ang issue, parang lalong nega ang naging dating ng actor. Hindi pa rin niya na-justify ang punto na matagal na niyang kilala ang kalabang kandidato na ikinakampanya niya na kalaban ng pamilya ni Atty. Roman Romulo sa pagka-congressman ng Pasig at tumulong ang pamilya sa father niya na makalabas ng kulungan.

Hindi raw niya kilala ng personal si Atty. Roman at never naman daw nag-ask ng favor ang pamilya Romulo na tulungan sila sa kampanya kaya ang bottom line sa interview ng actor, hindi siya aware sa pulitika sa Pasig.

Wala rin daw siyang problema kina Berna and Atty. Dave Puyat. Si Berna ang kapatid ni Atty. Roman and Mons Tantoco. Nag-usap na raw sila ni Berna at okey na ang lahat.

Well, ang point ng mga kaibigan ni Atty. Roman and Mons, common sense na lang lahat ang nangyari. Hindi na kailangang pag-isipan ng matagal na panahon para alalahanin ang mga taong tumulong sa kanyang tatay. Simpleng logic lang ‘yun na kasama sa kaugaliang Pinoy – ang pagtanaw ng utang na loob – na importanteng bagay sa buhay nating mga Pilipino.

At the end of the day at makikita ng actor ang kanyang tatay na kasama niya sa condo, hindi naman ‘yun mawawala sa kanyang alaala. Na minsan sa kanilang buhay ay may tumulong sa kanilang mapadali ang proseso ng papeles ng kanyang ama para makapiling niya.

So kung yun ang reaction niya sa mga nangyari, so be it. Karapatan naman niyang mangatuwiran at ang mga taong may alam na ang bahalang mag-judge lalo pa nga’t kalat na sa Pasig ang poster niya kasama ang ikinakampanya niyang kalaban (according to my source) ni Atty. Roman. source.

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Pop Superstar World Challengers Showdown

MAMAYA na ang Pinoy Pop Superstar World Challengers Showdown.
Last week, and during the shoot of the new GMA station ID, we personally met the World Challengers with Jhops Cruz while waiting to have their pictures taken. Hitsurang mga pagod pa sila sa biyahe that time dahil kararating pa lang nila from their respective country of origins. Four are from North America and the other four from the Middle East.

Sa episode tonight ng singing show ni Regine Velasquez, magpapagalingan na sina Anthea Neri (North Carolina), Desiree Joy Poblete (Los Angeles, California), Imelda Gaborno (Canada), Jae Buensuceso (San Franciso, California), Joe Magallano (Sultanate of Oman), Kervin Sawyer (Kingdom of Saudi Arabia), Nerissa Binoya (United Arab Emirates) at Sid Vasquez (The Kingdom of Bahrain).

Isa lang sa kanila ang papasok sa grand contenders at mamaya magkaka-alaman kung sino sa kanila after Fantastic Man sa GMA. Source.

Labels:


Continue Reading...

Senator Bong Revilla, walang kaugnayan sa bata at promising na starlet

NAKU, Ian F., ’di raw alam ni Senator Bong Revilla kung maiinis, much less, magagalit o matatawa na lamang siya sa kasalukuyang napapabalitang ugnayan nila ng isang maganda, bata at promising starlet na may kontrata sa isang malaking network.

We purposely won’t mention kung aling network ang aming tinutukoy, in fairness kay Sen. Bong at sa starlet mismo.

Well, one clue about the starlet in question: Kasali siya sa isang katatapos lang na teleserye.

Swear ni Sen. Bong: “Ni hindi ko kilala ang sinasabing starlet na ’yan. And I doubt if our paths have ever crossed. Sana matigil na ang tungkol sa aming dalawa. It’s not fair, lalo na sa kanya.”

Then in a joking mood, buwelta ni Sen. Bong: “Puwede nga palang makakuha ng isang retrato niya?”

Ikaw Bong, ha, ayaw ni Lani (Mercado, kanyang misis) ng ganyan.

* * *

Sa totoo lang, wala nga raw siyang time to look around. He’s too busy helping younger brother Strike sa pangangampanya, dahil tumatakbo ito sa pagka-mayor sa Bacoor, Cavite.

Sen. Bong knows na magiging mahusay na punong bayan si Strike.

The latter once got the highest number of votes bilang board member sa Bacoor. Before he filed his COC (certificate of candidacy) sa COMELEC, Strike was a member of the PCSO board of directors, kung saan marami siyang natulungang kababayan, ’di lang sa Cavite, kung hindi sa ibang lugar din.

Tumatakbo rin bilang governor ng Rizal ang bayaw ni Sen. Bong na si Jun-jun Ynares. Kasal si Jun-jun sa nakababatang kapatid ni Bong na si Andeng (Bautista), who is pregnant with their first baby.

Ikinasal sina Jun-jun at Andeng nu’ng November 2005 sa Manila Cathedral.

Jun-jun is the only son of incumbent Rizal Governor Ito Ynares. Source.

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras, ibinalik sa 'Tiyanak'

Hindi pala sinipot ni Jennylyn Mercado ang story conference ng pelikula niyang Tiyanak sa Regal Films noong Miyerkules nang gabi.

Hindi na rin daw pinatuloy si Patrick Garcia dahil hindi na siya kasali at gusto raw ni Mother Lily na si Mark Herras ang isama.

Pahayag ni Mark, "Hindi naman ako tumanggi sa trabaho, kahit ever since at kahit anong klaseng role. Ang problema lang, maiilang lang ako kung kasama silang dalawa (Jennylyn at Patrick).

"Hindi maganda para sa akin na gumawa ng isang trabaho with them. Kasi, unang-una, dahil nandun iyung selos factor, eh.

"‘Di ba, parang pangit naman iyun na tiyak pagpipiyestahan ng mga tao ‘yan. Baka hindi lang ako makapagtrabaho nang maayos."

Wala rin daw kaide-ideya si Jennylyn kung sino na ang makakasama niya. Hindi naman daw siya mamimili kung sino ang makaka-partner niya sa pelikula.

Hindi rin daw siya naniniwalang tumatanggi si Mark na makasama sila ni Patrick. Pero kung iyun daw ang desisyon ni Mark, wala na siyang magagawa.

As of yesterday, nakausap uli namin si Direk Manny Valera at gusto raw ni Mother Lily na si Mark ang ka-partner ni Jennylyn. Malamang na si JC de Vera na raw ang ipapalit nila kay Patrick. Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Friday, April 20, 2007

Bing Loyzaga, na offend kay Gladys Guevarra

Tiningan ng Startalk ng reaksyon si Bing Loyzaga tungkol sa interview ni Gladys Guevarra na lumabas sa S-Files noong Linggo.

Nilinaw ni Bing na hindi reaksyon ang sasabihin niya tungkol sa isyu nina Gladys at Janno Gibbs. Gusto lang niyang magsalita para sa kanyang mga anak.

"Matagal na kasing patay iyung isyu. Bakit binubuhay na naman?" simula ni Bing na aba-la sa pagpu-promote sa bagong teleserye ng GMA 7 na Sinasamba Kita.

"Natatanong na kasi ang mga bata, at apektado sila. Sinagot na ‘yan noon ni Janno, sina-got ko na rin at sa totoo lang, last year pa ‘yan, eh! Bakit nagsalita na naman? Wala namang isyu, ah?!

"Iyung sinasabi niyang na-offend siya, na-offend din ako para sa mga anak ko. Syempre, ang suporta ko, kay Janno rin."Kung na-offend siya sa mga sinasabing punchlines ni Janno, madali kaming tawagan. She knows that.

"May communication naman, eh. Hndi na kailangang magpa-interview pa.

"Kung na-offend siya sa punchlines na iyun, na-offend din ako sa mga sinasabi niya sa interview," mahinahong pahayag ni Bing.

"Hindi naman si Janno lang ang kalaban niya rito, dahil kahit paano, asawa ko ang tao, may mga anak kami, involved ako."

Dati raw ay nagti-text sa kanya si Gladys at maayos daw ang komunikasyon nila. Ang buong akala niya ay tapos na ang isyu.

Nagulat na lang si Bing nang biglang may narinig na naman siya kay Gladys sa matagal nang isyung iyan.

Sana raw ay tapos na talaga at wala nang sabihin pa uli si Gladys. Ang inaalala ni Bing ay ang kanyang mga anak na naiintindihan na raw ang mga nangyayari.

Nilinaw rin ni Bing sa Startalk na wala nang dapat asahang annulment.

"Definitely, walang annulment. Walang abu-gado kaming kakausapin para sa annulment," deretsahang pahayag ni Bing.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay maganda raw ang relasyon nila ni Janno at ayaw pa niyang sabihing sa balikan ang ending nito. Source.

Labels:


Continue Reading...

Magpakailanman with Alfred Vargas and Katrina Halili

Isang torero ang papel ni Alfred Vargas sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA mamayang gabi, sa episode na pinamagatang ‘Buhay sa Kahihiya’t Laman’.

Hindi bago si Alfred sa sexy roles pero para sa kanya, isang challenging role ang pagiging Roland de Vera.

Pambihira ang kuwento nina Ronald at Ellaine de Vera, mag-asawa na pumasok sa pagtotoro para sa kanilang anak na nasa bingit ng kamatayan.

Nagli-live sex show sila para maisalba ang buhay ng anak.

Si Katrina Halili ang gumanap bilang Allaine. Kasama rin sa cast sina Bacci, Paolo Serrano at McMiel Dennison. Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 19, 2007

Gretchen Barretto says no to Showbiz Central

MATUTULOY na siguro ang Showbiz Central dahil naayos na ang problema kay Mo Twister, isa sa segment hosts ng showbiz-oriented show ng GMA-7.

Ibig kayang sabihin, pumayag na itong gawin sa TV ang controversial Forbidden Questions na ginagawa niya sa radio?

Samantala, nalaman naming in-offer si Gretchen Barretto na mag-host ng Showbiz Central, pero ’di totoong tinanggap ang offer at saka nag-backout dahil ’di pinayagan ni Tonyboy Cojuangco.

Si Gretchen daw ang talagang umayaw dahil ’di kayang matali sa isang show. Priority niya ang mag-amang Tonyboy at Dominique at family day ang Sunday.

Naisip din ni Gretchen na ’di siya puwedeng mag-travel kung may regular show. Pangit daw kung madalas siyang wala sa show at magmumukhang ’di dependable.

Para wala na lang problema, ’di na niya tinanggap ang offer.

Sayang, magkakatapat sana sila ni Ruffa Gutierrez, host naman ng The Buzz hangga’t walang nakukuha ang ABS-CBN na kapalit ni Kris Aquino. Source.

Labels:


Continue Reading...

Impostora, Sunshine Dizon's next project

NOW that the top-rating teleserye, ”Bakekang” starring Sunshine Dizon has come to an end, GMA-7 is giving the singer-actress another major break in “Impostora,” another TV drama series which will have its pilot telecast in early June and will replace “Super Twins” which topbills Jennylyn Mercado and Nadine Samonte. Maryo J. de los Reyes will be at the helm.

But before the “Impostora,” the TV network’s first sine-novela “Sinasamba Kita” which stars Sheryl Cruz and Iza Calzado together with Wendell Ramos and Carlo Aquino among others will start airing on April 30. Award-winning director Joel Lamangan directs.

Sunshine and Sheryl did sterling performances in “Bakekang” which prompted GMA-7’s management to give them separate projects, “Sinasamba Kita” for Sheryl and “Impostora” for Sunshine. Source.

Labels:


Continue Reading...

Lupin, maraming nag-aabang

Kahit late na ang pagpapalabas ng Lupin ay maraming nag-aabang dito base sa ratings na nakukuha nito.

Nagugustuhan ng mga manonood ang Lupin at bago ito sa panlasa nila.

Hayaan na lang natin ang mga ayaw sa Lupin dahil ayaw nilang lawakan ang kanilang kaalaman sa mga makabagong istorya.

Bagay na bagay kay Richard ang papel niya sa Lupin, huh?!

Malaking bagay na inumpisahan ang Lupin habang bakasyon ang mga kabataan na mahilig sa mga adventure at suspense story.

Pinapayagan sila ng kanilang mga magulang na manood ng TV kahit late na. Mas mabuting nasa bahay ang mga bagets kesa maglimayon kung saan-saan. Source.

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras tumangging makatrabaho sina Jennylyn at Patrick

Pinakiusapan na si Mark Herras ng Regal Films, ng GMA Artist Center at ni Manay Lolit Solis na tanggapin ang pelikulang pagsasamahan sana nila nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, pero tumanggi siya.

Okay lang daw kay Mark na makasama si Jennylyn o kaya’y si Patrick pero kung silang tatlo ang magkakasama at palalabasing love triangle, ayaw niya.

Matagal nang napabalitang gagawin ni Jennylyn itong Tiyanak na makakasama si Patrick, pero hindi nababanggit na kasama rito si Mark.

Naramdaman siguro ni Mark na magagamit lang siya sa pelikulang ito, kaya nagdesisyon siyang huwag tanggapin ito. Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 18, 2007

Valerie Concepcion tinablan sa halik ni Marvin

Nakausap din namin si Valerie Concepcion sa shooting ng Daddy’s Angel, kung saan ay ginagampanan niya ang papel na asawa ni Marvin na ni-rape right after their wedding.

May kissing scene sina Marvin at Valerie’t kinakantiyawan ng staff dahil feeling nila ay nadala ang dalawa sa eksena.

Kuwento ng staff, after the take, nahuhuli nilang parating nakatitig si Marvin kay Valerie.

One-day shoot lang ang young actress dahil mamamatay agad ang kanyang karakter. Ganunpaman, sinigurado ng ng manager na si Tita Becky na hindi dehado ang alaga dahil markado ang role nito.

Samantala, ayaw munang isipin ni Valerie ang tungkol sa pambubuska sa kanya ng staff tungkol kay Marvin.

Yes, she’s available, pero hindi raw love ang priority niya ngayon.

Maraming nanliligaw kay Valerie, pero parang na-traumatize ang young actress sa pag-ibig.

Recently ay binibigyan sana niya ng chance ang isang basketball player, pero na-turn-off siya nang magpa-interview ito at itinanggi siya.

May masugid na manliligaw ngayon ang young actress na isang male TV host, pero gusto muna niyang makasigurado kung sincere ba talaga ang intensyon sa kanya.

Sa ngayon, masaya si Valerie sa takbo ng kanyang career dahil hindi nawawalan ng proyekto sa GMA-7.

Kasama siya sa sinenovelang Sinasamba Kita bilang isa sa lead stars along with Sheryl Cruz, Wendell Ramos and Carlo Aquino. Nasa cast din siya ng Love Pow. Source.

Labels:


Continue Reading...

Marc Pingris ayaw pang buntisin si Danica

Wala pang balak magka-baby sina Danica Sotto at Marc Pingris na ikinasal noong Marso 3 sa Palms Country Club sa Alabang.

Sabi sa amin ni Marc nang matsika namin siya sa nakaraang birthday party ni Bing Loyzaga sa Esquinita, hindi muna niya bubuntisin si Danica.

Gusto niya ay mga two years pa bago sila magka-baby para ma-enjoy muna nila nang husto ang isa’t isa.

Ani Marc, kung si Danica ang tatanungin ay okey lang dito na magkaanak na sila next year, pero mas gusto niya na may sarili na silang bahay bago magbuntis ang kanyang misis.

Tumitingin na sila ng lupa sa may Antipolo na posible nilang patayuan ng bahay. Mukhang type doon ni Marc dahil mataas ang lugar at ang ganda ng view na overlooking.

Naaliw kami sa power forward ng Tender Juicy Giants dahil ang laki-laki niyang tao (6’4" ang height ni Marc) pero para siyang bata.

Sobrang sweet niya kay Danica at panay ang yakap niya sa kanyang asawa. Hindi siya nahihiyang ipakita na mahal na mahal niya si Danica.

May videoke sa party ni Bing kaya panay ang kanta ni Danica kasama ang dalawa niyang non-showbiz girl friends.

Ang cute ni Marc na sinasabayan ang pag-awit ni Danica kahit aminado siyang hindi siya maru-nong kumanta.

Dayalog niya sa amin, kailangan niyang matutong mag-videoke dahil si Danica ay sinasaba-yan ang kanyang pagdyi-gym.

Siya ang trainor ni Danica at magpo-focus siya sa abs nito, kaya binilhan niya pa ito ng sauna suit para mas madali itong pumayat.

Hindi raw mataba si Danica pero dapat pang ayusin ang porma ng katawan nito. Gusto raw niyang magkaroon ito ng pamatay na abs para next time na rumampa sila sa Boracay at magsuot ng bikini si Danica ay pagti-tinginan ng mga lalake ang abs ng misis niya.

‘Yun din ang dahilan kaya ayaw niya munang ma-preggy ang wife niya dahil sayang ang sexy body na paghihirapan nito sa gym.

Inalok namin ng beer si Marc pero tumanggi siya at Asti lang ang ininom niya.

Napangiti ang tisoy na basketbolista nang sabihin naming crush na crush siya ni Mother Lily Monteverde. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sa sitcom galing ang mansyon ni Raymart Santiago

Inspirado ngayon si Raymart Santiago sa trabaho dahil malapit nang magsilang ng kanilang unang baby si Claudine Barretto. Nasanay na rin siya sa pagiging daddy dahil magkatuwang sila ng asawa sa pagpapalaki sa kanilang adopted daughter na si Sabina.

Parehong July 20 ang birthday ng mag-asawa. July 20 din ang due date ng baby kaya umaasa si Raymart na sana’y magkapareho nga silang tatlo ng kaarawan. Ang bata ay isisilang via caesarean section. "Sana pare-pareho kami ng kaarawan para isa na lang ang gastos," biro ni Raymart.

Sa kabilang banda, kasama ang aktor sa Who’s Your Daddy Now? kung saan ginagampanan nito ang papel ni Mario, isa sa pinaghihinalaang ama ni Alynna Asistio, sila ni Joey Marquez.

Sinabi pa rin ni Raymart na dahil sa sitcom ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanila ni Claudine. Source: SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn, Mark, Patrick, together sa Regal movie

Balak ng Regal Films producer na si Mother Lily na muling pagsamahin sa remake ng pelikulang Tiyanak na unang pinagbidahan ni Janice de Belen sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Balak din ni Mother Lily na isama rito ang boyfriend ngayon ni Jennylyn na si Patrick Garcia.

Samantala, hindi pa umano sumasang-ayon si Mark sa naturang project dahil hindi ito kumportableng makatrabaho ang dalawa?

Source:
RATED A Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon 04/18/2007

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 17, 2007

German Moreno, nagalit sa ’di pagkakasama sa station ID ng GMA-7

Galit si German Moreno nang marinig namin sa radio show niya sa DzBB kahapon. Inilabas nito sa listeners ang sama ng loob sa ’di pagkakasama sa station ID ng GMA-7.

Nasa taping siya at kinunan, pero ’di isinama considering na isa siya sa haligi ng network. Mabuti pa raw ang mga bago lang sa istasyon at mas bata sa kanya’t binigyan ng importansiya.

Ang sabi kay Kuya Germs, may versions two and three pa na ilalabas ang Channel 7, pero iba siyempre ang dating ’pag kasama ka sa version one.

“Masakit” lang ang sinabi nito, pero punung-puno ng tampo at ngitngit. Source

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales and Francine Priet, naked in the fields

ONE of the most scandalous scenes in Seiko Films’ “Silip,” with Director Joel Lamangan at the helm shows Polo Ravales and Francine Prieto running stark naked in the fields, something that was not indicated previously in the script.

“We agreed to do it because we trust Direk Joel completely,” says Polo, who shot the scene without covering his private parts with any plaster. “We just requested na wala sanang ibang taong manonood sa set. Pero hindi rin naiwasan kasi kahit pinaalis na ng crowd control ang mga taong miron sa paligid, nagtatago sila sa likod ng mga puno to watch the shooting. Hindi naman ganoon kadali maghubad kapag maraming ibang taong nanonood sa set.”

About her ex-GF Ara Mina, is it true they avoided each other during the shoot of GMA-7’s new station ID? “No, we did not. It just so happened na nasa magkabilang dulo kami ng lineup. E, lahat ng artista ng GMA were all there, so it’s really a big crowd kaya wala kaming chance na magkalapit sa isa’t isa. Ara and I do not avoid each other at all dahil maayos naman kaming naghiwalay.”

Ara allegedly feels betrayed because he has a new girlfriend, a Brazilian girl who was his date in Boracay last Holy Week. “She’s not my date. Doon lang kami nagkita at nagkakilala. She was the Miss Earth winner in 2004, very pretty and very witty. She was also linked to Marc Nelson before. We’re not on, but she did get my email address at ise-send daw niya sa’kin ang pictures namin together taken from her camera.” Source: Mario E. Bautista

Labels:


Continue Reading...

Annabelle Rama, masaya sa tagumpay ng Lupin

Kahapon bumalik ng bansa si Annabelle Rama kasama ang mister na si Eddie Gutierrez, anak na si Ruffa Gutierrez-Bektas at mga apong sina Lorin at Venice.

Nag-enjoy raw sila sa kanilang bakasyon lalo na’t kasama nila ni Tito Eddie si Ruffa at ang kanilang mga apo.

Lalong sumaya si Bisaya dahil sa airport pa lang ay marami na ang nagko-congratulate sa kanya dahil sa tagumpay ng Lupin.

Pati raw mga taga-immigration at custom ay nagsabing nanonood sila ng Lupin.

"Naku, kahit pagod sa mahabang biyahe at sa kaaalaga kina Lorin at Venice, masaya pa rin ako dahil marami ang pumuri sa Lupin at talagang sinusubaybayan pa raw nila," sey ni Bisaya.

May isang ale rin sa airport na nagsabi kay Bisaya na ang anak pa rin niyang si Richard Gutierrez ang hari ng primetime shows dahil sa mataas na ratings ng Lupin.

"Syempre naman, nakatutuwa ‘yung mga ganoong papuri sa Lupin at kay Chard. Bilang nanay, proud ako sa anak ko. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga sumusuporta sa Lupin," sey ni Bisaya.

Dahil sa tagumpay ng Lupin, pupunta raw si Bisaya sa Cebu

para magdasal at magpasalamat sa Sto. Niño roon.

Devotee kasi ng Sto. Niño sa Cebu si Bisaya at bago siya umalis papuntang Amerika ay ipinagdasal na niya roon ang Lupin. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunshine Dizon at Victor Neri, sila na ba?

Nasa Hong Kong si Victor Neri ngayon kaya hindi namin mahagilap para makunan ng sagot kung totoong sila na ni Sunshine Dizon.

Hindi rin kami pinaunlakan ni Sunshine na sagutin ang isyung iyun, pero mukhang totoo dahil nahuli na namin ito kay Mommy Dorothy.

"Ayokong manggaling sa akin ang kumpirmasyon, kaya mabuting sa kanilang dalawa n’yo na lang itanong," pa-safe na sagot ng ina ni Sunshine.

Matagal na raw na close sina Sunshine at Victor dahil sa Bakekang. Lalo raw silang naging close pagkatapos ng kanilang teleserye dahil parehong nahulog na raw ang kanilang loob sa isa’t isa.

Mukhang masaya si Sunshine kay Victor kaya hayaan na lang daw muna silang dalawa. Source.

Labels:


Continue Reading...

Lani Mercado, na touch kay Grace

Sinorpresa ni Sen. Bong Revilla si Lani Mercado sa kaarawan nito noong Biyernes.

Dumalo sa party ang buong pamilya ni Lani at mga malalapit na kaibigan, kaya tuwang-tuwa ang aktres.

Touched si Lani sa panganay niyang si Bryann Revilla na nag-organize ng surprise party sa Novu Restaurant sa Greenbelt, Makati .

Ang isa pang ikina-touch ni Lani ay si Grace Adriano daw ang unang-unang bumati sa kanya noong araw na iyun.

Natuwa siya dahil hindi kinalimutan ni Grace ang kanyang kaarawan.

Kahit hindi na ito girlfriend ni Jolo, tuloy pa rin daw ang kanilang komunikasyon at wala raw nabago sa pagtingin ni Lani sa anak ni Rosanna Roces.

Umiwas si Lani sa pagkokomento sa isyung dinala raw ni Rosanna ang kanilang apo sa karerahan.

"Ayoko nang mag-comment baka ma-misinterpret pa ito. Basta ang natitiyak ko lang, hindi naman nila ilalagay sa kapahamakan ang aking apo. Alam ko namang mahal na mahal nila si Gab," pahayag ni Lani.

Nagulat naman si Sen. Bong sa isyung iyan dahil wala siyang kaalam-alam na may ganung drama si Rosanna sa kanyang apo. Nag-"no comment" na lang ito.

Hindi na rin ito ipinarating ni Lani kay Jolo at baka ma-upset lang daw ito. Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 16, 2007

Mark Herras tinanggap na ang Youth Achiever Award

Sa wakas tinanggap na ni Mark Herras ang kanyang parangal bilang Youth Achiever na ipinagkakaloob ko sa mga deserving na kabataang artista sa pamamagitan ng FAMAS noon pang isang taon.

Nagtampo ako kay Mark noon dahil inisnab niya ang award para sa kanya. Kaya tuwing nakakasalubong ko siya sa GMA compound, panay ang sorry nito.

Hindi ko masisisi si Mark dahil sobrang busy ito sa kanyang trabaho at ngayon ay tinatanggap ko ang paghingi niya ng paumanhin. Source.

Labels:


Continue Reading...

Alessandra de Rossi at Rhian Ramos, emotional ang confrontation

Emotional ang confrontation nina Alessandra de Rossi at Rhian Ramos sa taping ng L.U.V. Pow last Saturday sa isang hospital sa Marikina City.

Sila lang dapat ang paghaharapin, pero ginusto ni Alex na kasama ang staff sa pag-uusap nila dahil saksi ang mga ito sa nangyari.

Kasama ni Rhian ang ina at ito lang ang nagsalita, nag-explain at nag-sorry na may kasama pang iyak.

Hindi nagsalita si Alex, nakinig lang at nag-“thank you” nang matapos magpaliwanag si Rhian.

Sa September na uli magkikita sa taping ang dalawa dahil tigil muna ang taping nito’t on hold ang airing ng show.

Uunahing ipalabas ng GMA-7 ang The Boys Next Door after Magic Kamison. By that time, wala na sigurong issue kina Alex at Rhian. Source.

Labels:


Continue Reading...

Nuts Entertainment: 4th anniversary

THIS Wednesday, “Nuts Entertainment” is celebrating its 4th anniversary with many exciting changes in the show.

It will have sexier new look and there will be special episodes shot in different outdoor locations. Alfred Vargas will be introduced as the newest member of the cast headed by Joey de Leon, Janno Gibbs, Anjo Yllana, Richard Gutierrez, Mike ‘Pekto’ Nacua, John Feir, and Iwa Moto. It will also have a new female celebrity guest every month, with Joyce Jimenez being the first one. Nuts will also have a two-part special shot in SM Mall of Asia, the first of which is on April 18, which features Ms. Dina Bonnevie in the notorious “Balakubak” portion. Other guests include Marvin Agustin, Camille Prats, and Starstruck Batch 4’s Jewel Mische and Kris Bernal. Part 2 of Nuts’ special will air on April 25 with a lot more surprises. Viewers should also watch out for the sizzling summer episodes airing in May. Ba-lakubak’s version of a lie detector test will get even wackier. New segments are “Beat the Gibbs,” where a celebrity guest plays a game to match wit and talent with Janno; and an intriguing segment, with Joey de Leon as moderator, where real people with real issues face each other and settle their fights through exciting games. Viewers can now also be part of the show with the new segment, “Join Ka Nuts.” Viewers may text or email their suggested original games, and if their game is chosen, they get the chance to play it on the show with the Nuts gang! Source.

Labels:


Continue Reading...

Photography, kina-career ni Francis Magalona

Mukhang kinarir na ni Francis Magalona ang dati’y itinuturing lang na hobby, ang photography.

As a matter of fact, sa third month niya bilang probee ng Camera Club of the Philippines, so far, ayon mismo kay Kiko, matataas ang nakukuha niyang grades sa mga isinasagawang monthly competition.

Pero, gaano man ka-busy sa photography ang Master Rapper, siyempre, hindi niya nakakaligtaan ang isa pa niyang “libangan” ang pagsusulat ng mga awitin, ang paglikha ng mga sariling komposisyon.

Nariyan din ang kanyang mga MTV shoot para sa Filipino Pictures, Inc. (production house) at ang kanyang pinaka-latest raket, ang Francis M Clothing, kung saan may mga outlet ito sa Quick Change Store sa Theater Mall in Greenhills, San Juan.

Of course, regular ding napapanood si Kiko sa Eat Bulaga bilang isa sa dabarkads. Source.

Labels:


Continue Reading...

Pagtataray ni Gladys Guevarra kay Janno Gibbs

Hindi naipalabas nu’ng nakaraang Sunday ang pagtataray ni Gladys Guevarra kay Janno Gibbs sa S-Files dahil kinulang ng oras ang GMA-7 show.

Nakabuti naman, dahil nakarating sa singer-comedian ang pinagsasabi ni Gladys laban sa kanya.

Of course, hindi nagustuhan ni Janno ang mga naging patutsada sa kanya ni Gladys, kaya nakapagsalita din ito para i-defend ang sarili.

Sabi niya: “Komedyante ako. Parte ng trabaho ko ang punchline, so hindi ko maiiwasang gamitin siyang punchline.”

Sa pakikipagtsikahan pa namin ni Janno, naungkat ang tungkol sa dating away nila ni Gladys, na muntik pa ngang umabot sa demandahan.

Sabi ng singer-comedian, natural sa kanya ang pagiging palabiro. Ang kasalanan lang daw niya that time, hindi pa sila ganu’n ka-close ni Gladys nu’ng biruin niya ito.

Inakala raw tuloy ni Gladys, seryoso siya.

“Ako kasi kapag ’di mo talaga kilala, aakalain mong totoo ang mga biro ko. Hindi kasi ako tumatawa at seryoso habang nag-a-adlib,” paliwanag ni Janno.

Samantala, hindi pala kuntento si Pops Fernandez sa rason ng pag-atras ni Jomari Yllana sa pagtakbo bilang konsehal ng Parañaque.

Eh, may mangyari ba naman sa himutok na ito ng concert queen sa boyfriend? Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 15, 2007

Mag-inang Jean Garcia at Jennica...

Story conference bu kas ng Impostora at dalawa sa kasama sa cast ay ang mag-inang Jean Garcia at Jennica. Introducing sa teledrama ng GMA-7 ang 17-year-old at magandang dalagita at ka-love triangle niya sina Mart Escudero at Rich Asuncion.

High school graduate si Jennica at dahil bakasyon naman, pinayagan ni Jean na lumabas sa TV. Ayaw maging stage mother ng actress, kaya kinuha si Manny Valera na manager din niya para maging manager ng anak. Ipinatawag ni Wilma Galvante ang bagets two weeks ago at in-offeran ng show at ‘di na kailangang sumali sa StarStruck.

Nag-promise si Jean na ‘di magbabantay sa set habang nagti-taping ang anak at ayaw din nitong pagtawanan siya ng ibang mothers. Pababayaan niya itong dumiskarte para matuto.

Ninenerbyos si Jean at excited ang anak sa pagpasok sa showbis. Pinayuhan niya itong ‘wag maging sensitive at mataray, maging matapang ang puso at ‘wag magmaldita. Ang gustong iwasan ni Jean ay ikumpara sa kanya ang anak.

Samantala, second regular show ni Jean ang Impostora dahil kasama rin siya sa sitcom na Who’s Your Daddy Now? na magpa-pilot tomorrow. Love interest siya ni Joey Marquez at tila sanay nang nali-link sila. Wala raw romansang naudlot sa kanila’t di umabot sa panliligaw ang paglabas-labas nila at mas comfortable silang magkaibigan.

Hindi sinagot ni Jean ang tanong kung totoong dinoble ng Ch. 7 ang talent fee niya para ‘di na siya bumalik sa ABS-CBN. Source.

Labels:


Continue Reading...

Elizabeth Oropesa, faith healer na

SPEAKING of Showbiz Ka, kakaloka ang ilang relevelations ni Ms Elizabeth Oropesa na siyang guest nang maimbitahan ang yours truly on the set.

Halos tumigil na pala siya sa pag-arte at iba na ang mundong ginagalawan niya ngayon — ang pagi-ging faith healer!

Yes, isa lang sa revelations nito na nagpapagaling na pala siya ng may sakit. As in parang psychic na rin na may third eye.

Ayon kay La Oro, bata pa siya ay naramdaman na niyang may kakaiba siyang feeling o “special gift” na ito.

“Matagal ko na dapat ito na-practice pero ngayon lang ako nagka-chance,” banggit ng multi-awarded actress. “Parang ang na-feel ko kasi, ‘yung 50 percent ng buhay ko, inilaan ko na sa showbiz, ‘yung other 50 naman, ‘yung makapagpagaling ng mga taong may sakit.”

Off the air bago ang show, naikuwento ni Elizabeth na wiz nga niya feel i-advertise ang kanyang ipinatayong Healing Center nu’ng December 2006 sa Fairview (kung saan malapit ang bahay niya).

“Napansin ba ninyong naipromote ko ito? Ayoko talaga, kaso, naimbitahan ako dito at napapag-usapan lang natin,” say ni Elizabeth off the air.

Sinabi ng aktres na 30-50 katao ang nagpupunta sa kanyang healing center araw-araw at siya mismo ang nagsabing halos lahat ay gumagaling.

“Word of mouth ang nangyayari, kaya dinadayo tayo. Pero kasi, ‘pag gift mo galing sa Diyos, masaya ako na nakakapagpagaling ako.”

Tatalikuran na ba niya ang showbiz?

“Mahirap talikuran yan dahil pag artista ka, mahirap talaga mag-shift, dahil baka isipin ng tao, hindi totoo. Pero nandito ngayon ‘yung fulfillment ko eh.”

Hindi naman aniya siya namimili ng roles na gagam-panan, pero kung wala rin lang daw matinong offer ay huwag na lang.

Nagbiro pa nga on air ang aktres na “may nakikita siya” sa kapaligiran na hindi nakita ng nasa studio at kinalibutan kami du’n, huh, dineadma lang namin. Ha-ha-ha!

Kaya pala bihira na nating mapanood ang isang Elizabeth Oropesa sa TV man o movies, eh, iba na ang trip nitong gawin sa buhay.

Huling pelikulang ginawa niya ay last year ipinalabas, ang Apoy sa Dibdib ng Samar ni Maynard Lapid. Source.

Labels:


Continue Reading...

Raymart Santiago's fears

RAYMART Santiago feels ready to be a dad to the baby boy his wife Claudine Barretto will deliver in late July. They’ll call him Rodrigo and Claudine has already chosen a second name for him, but they won’t divulge it yet. Both he and Claudine were born on July 20 so they’re also hoping their son will have the same birthday.

“Actually, sanay na rin naman akong maging daddy dahil kay Sabina (Claudine’s adopted daughter who’s turning three soon),” he says. “Hindi naman ako nahirapan as she’s a good girl at di iyakin. The only thing na gusto kong pag-aralan is how to carry a baby. Natatakot kasi akong I might hurt him. Si Sab, one year na nang mabuhat ko. Suwerte si Rodrigo sa amin. He’s not even born, pareho na kami ni Clau na may bagong show. I have ‘Who’s Your Daddy Now’ at meron siyang ‘Walang Kapalit’.”

“Who’s Your Daddy Now” is his latest sitcom after “Kool Ka Lang” and “Lagot Ka Isusumbong Kita,” both long-running shows. “Nine years na ako doing a sitcom and I’m enjoying doing comedies a lot,” he adds. “Dito ako nakaipon and got to build our house ni Clau. Noong action star pa ko, I wasn’t able to save dahil puro gimik ako with my barkada. I’m so pleased with my role in ‘Who’s My Daddy’ kasi pinagbaligtad kami ni Joey Marquez. Siya ang mabait dito at ako ang chickboy. In real life, alam naman natin who’s who.”

He’s also happy that Clau has reconciled with sister Gretchen. “We know magkakabati rin sila talaga dahil let’s face it, magkapatid sila. Normal lang ‘yung nagkakaroon ng hidwaan paminsan-minsan at pagkatapos, mas maganda ang samahan.”

When Claudine was asked if she’d get Gretch to be a godmother of their son, her reply is she’d have to ask Raymart first. What can he say about this?

“Okay lang. Pwedeng-pwede dahil I’ll also get one of my brothers para mag-ninong.” Source.

Labels:


Continue Reading...

Loveteam nina LJ Reyes at JC de Vera sa Magic Kamison

MAY followers ang loveteam nina LJ Reyes at JC de Vera at nakikita ito sa magandang rating ng Magic Kamison.

Concern din sila sa rating ng show at isa kami sa tini-text para alamin ang rating nito every Sunday.

Sa third week ng My Ghost Bride, hindi madi-disappoint ang patuloy na sumusubaybay nito dahil isang nakatatawa at nakaiiyak na episode pa rin ang mapapanood.

Magugulat si Lizette (Sushine Garcia) na buhay si Misty (LJ). Ano ang kinalaman niya sa pagkamatay nito?

Isasama naman ni Misty si Adrian (JC) sa favorite places nila sa Baguio, pero papalya ang magic kamison.

Aliw ang eksenang ito, kaya panoorin n’yo. Thanks to Source.

Labels:


Continue Reading...

Regine at Ogie, open na ang relasyon

SA preskon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde for senatorial candidate Richard Gomez, may celebs kaming namataan marahil to give moral support sa kaibigan nilang si Goma.

Very visible that night ang matagal nang pinagdududahang magsyotang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

“Tingnan n’yo, very open na talaga ang Regine at Ogie,” sey tuloy ng ka-table naming si Panyerong Ogie Diaz.

Mismo!

What you see is what you get, ‘ika nga. And action speaks louder than words, tsuk!

At dahil nabanggit ni Goma ang isyu tungkol sa E-VAT, na ang may akda ay si reelectionist Sen. Ralph Recto, esposo ni Ate Vi, nag-react tuloy ang Star for All Seasons sa TV Patrol at natural lang na ipagtanggol niya ang “Mister for All Seasons.”
Wish lang namin, ipa-preskon din ni Mother Lily Monteverde si Sen. Ralph para naman maipaliwanag nitong mabuti ang mga advantage ng E-VAT.

Anyway, with or without E-VAT ay pareho naming ibuboto sina Goma at Ralph sa Senado weder some like it or not, tsuk! Source is here.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 14, 2007

Pagbabago sa comedy block ng GMA Network

May mga pagbabago sa comedy block ng GMA Network simula bukas (Sabado, Abril 14) sa ‘Todo Saya Party!’ ng KiliTV.

Sa Bitoy’s Funniest Videos bukas ay may bagong set at mas pinasayang segments at promos: ang ‘Guess Who’ na magpapakilala ng celebrity guest na naka-disguise at pahuhulaan sa audience kung sino ito para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P2,000; ang semi-regular segment na ‘Kita K,’ kung saan dapat mahulaan ng televiewers ang apat na beses na paglabas ni K Brosas sa show para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P10,000.

May new look ang HP! To the Highest Level! Mas pinarami ang kwelang games nito at mas marami pang behind-the-scenes footage ang makikita sa show.

Sa Lunes (Abril 16), magsisimula na ang ba-gong sitcom na Who’s Your Daddy Now? Pinagbibidahan ito nina Joey Marquez at Raymart Santiago bilang mga lalaking matatapos ang buhay-binata sa pagdating ng character ni Alynna Asistio, na magsasabing isa sa kanila ang tatay niya.

Ang sitcom tuwing Martes na Bahay Mo Ba ‘To? ay magkakaroon din ng mga bagong set at mga bagong gimik.

Ipagdiriwang ng Nuts Entertainment ang ika-4 na anibersaryo nito sa Miyerkules (Abril 18).

Ipakikilala ang bago nilang playmates, sina Alfred Vargas at Joyce Jimenez (na isang buwan mapapanood sa show).

Makikita na rin ang mas pina-sexy nitong ‘look,’ mga bagong promo, mas nakaiintrigang segments, at mas exciting na games na dapat abangan, tulad ng ‘fake lie detector test,’ ‘Beat the Gibbs,’ ‘Join Ka Nuts’ at isang kakaibang bagong segment kung saan paghaharapin ni Joey de Leon ang mga taong may totoong isyu at aayusin ang kanilang away sa pamamagitan ng mga laro sa show.

Magiging semi-regular na sa Bubble Gang na sina Mark Herras, Katrina Halili at Jewel Mische. Source.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales nahihiya kay Ara Mina

Mukhang irita na si Polo Ravales sa mga naglabasang isyung nagwala raw siya sa Boracay nu’ng Semana Santa at meron siyang ka-date na Brazilian model.

Itinatanggi ito ng aktor dahil nag-enjoy lang daw siya roon gawa ng first time niyang pumunta at magbakasyon sa Boracay.

"Kasama ko sina Ehra Madrigal, marami kami, grupo. Pwede mong itanong sa kanila kung nagwala ba ako roon. Siyempre, nag-enjoy lang ako roon pero iyung nagwala, hindi totoo iyun," pagtatanggol ng aktor sa sarili.

Ang isyung may Brazilian model daw na ka-date ay sinagot ni Polo. Ang dating Ms. Earth na ex-girlfriend ni Mark Nelson pala ang tinutukoy.

"Nakakasama ko roon si Priscilla pero hanggang du’n lang dahil marami kami. Kaibigan ko lang iyun," patuloy ng aktor.

Aware siyang nakarating kay Ara Mina ang mga isyung iyun, at hinahamon niya kung sino itong nagparating sa dating girlfriend na maglabas ng pruweba.

"Nahihiya na ako kay Ara dahil nadadamay siya sa mga ganung intriga, pero hindi talaga totoo iyun."

Gusto niyang magkausap silang dalawa para maayos ang mga ganung isyu pero hindi pa raw siya handa at wala pa raw silang panahon na makapag-usap nang masinsinan.

Hindi na lang sineryoso ni Ara ang mga isyung ito. Aniya, "Totoong may mga nagsusumbong sa akin, pero wala silang naririnig sa akin. Hindi naman ako nagsasalita tungkol dun."

Nakunan namin ng reaksyon si Ara sa launch nito bilang endorser ng Cathy Valencia Skin and Body Center. Kung wala siyang press launch, hindi raw siya magsasalita tungkol sa kanila ni Polo.

Sa ngayon ay mas pinagkakaabalahan na lang daw niya ang pa-ngangampanya sa kanyang Daddy na tumatakbong Congressman ng Quezon City.

Aminado si Ara na hindi pa naghilom ang sugat sa kanyang puso sa hiwalayan nila ni Polo kaya na-inspire siyang gumawa ng isang kanta tungkol sa nararamdaman niya sa kanilang break-up.

Kung nag-promote siya ng album niyang Moving On nu’ng naghiwalay sila ni Jomari Yllana, ngayon ay Moving On Again ang drama niya kay Polo.

Samantala, itinatanggi ni Ara ang sinabi ni Eric Fructuoso na isa siya sa nakatsugian nito noon.

Totoong nanligaw daw sa kanya si Eric pero hindi raw ganun kaseryoso at sobrang bata pa raw niya noon. "Siyempre, takot na takot ako nu’n na mabuntis," sagot ni Ara. Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, April 13, 2007

Vic Sotto prepares for movie with Comedy King Dolphy

HINDI pa nakakapagsimula ng shoot ng bagong movie si Vic Sotto, most especially the project na gagawin niya with Comedy King Dolphy. May konting problema raw sila sa schedule pero hopefully, pagkatapos ng election, ay maaari na silang magsimula ng shoot. Busy daw kasi ang maraming tao ngayong election period kaya hindi agad mahaharap ang trabaho.

Ginawang TV series ng GMA Netrwork ang Fantastik Man (the series is being topbilled by Mark Herras and star airing on Saturday) ni Vic at ayon sa kanya, very flattering ang move na ito ng GMA 7 na isalin sa TV ang isa sa kanyang box-office hit movies.

“It’s an original story of ours and the fact that it was considered by a major network para isalin sa telebisyon ay malaking karangalan,” sabi ni Bossing Vic.

Nagpaalam naman daw ang Kapuso Network sa kanya sa plano nilang ito. May consent daw sa kanya ito and in fact, may ginawa siyang short plug para rito. Bahala na raw ang mga writer ng Fantastic Man kung may gusto silang baguhin sa orihinal na kuwento.

For a few weeks ay naging laman ng mga tabloid ang iba’t ibang members ng Eat Bulaga na may isyung dapat harapin, tulad nina Teri Onor at Gladys Guevara. Ayon kay Vic, ‘yung mga personal na problema ng kanilang mga kasama sa programa ay hindi raw nila pinapansin. Hindi raw ito nakakaapekto sa kanilang show.

“Basta nasa Broadway kami, we are one big, happy family. Kung kailangan ng tulong, tutulungan namin. Kung hindi naman, kani-kanyang personal na problema na ‘yan. Basta trabaho, trabaho lang,” sabi pa ni Bossing Vic.

Tungkol naman sa muling pagtakbo ng kapatid niyang si Tito Sotto bilang senador sa Team Unity ticket, pinakinggan daw niya ang mga rason ni Tito and personally, valid daw ang reasons ni Tito kung bakit ito sumama sa Team Unity ticket.

Expected na raw nila na may babatikos sa naging desisyon ni Tito pero more than sa mga batikos, dapat din daw tingnan kung ano ba ang nasa likod ng mga batikos na ‘yon.

“Basta ako, nananiwala ako sa kapatid ko bilang tagagawa ng batas. Hindi lang siya mahilig sa press release pero mababasa mo ang libro tungkol sa mga batas na nagawa niya, malalaman mo na marami naman pala siyang nagawa,” pahayag pa ni Vic. Source.

Labels:


Continue Reading...

GMA-7 stars support Richard ‘Goma’ Gomez

Gelli and several other GMA-7 stars were among those na nag-alay ng moral support kay Richard ‘Goma’ Gomez, when Mother Lily Monteverde organized a presscon in his behalf at the Imperial Palace last Wednesday.

Actually, the event was star-studded since bukod kina Wendell Ramos at Jomari Yllana (who are also being managed by Douglas Quijano, Goma’s talent manager), dumating din sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Dennis Trillo at ang bagong StarStruck winner na si Mart Escudero.

Si Mart pala, like Dennis, ay nanggaling sa Star Magic. He was only 14 at that time. Mart turned 17 nu’ng Wednesday.

Kasamang dumating ng talent manager na si Shirley Kuan ang sexy ward na si Joyce Jimenez.

Dumating din si Direk Joel Lamangan na, tulad ni Goma, ay may advocacy para makatulong sa mga taga-pelikulang kinakapos ng trabaho dahil ayon nga kay Mother Lily, naghihingalo na, kung hindi pa man dead, ang local showbiz industry. Source.

Labels:


Continue Reading...

Julia Lopez vs Keanna Reeves

Si Julia Lopez daw ang itatapat ng Siyete kay Keanna Reeves ng Dos.

Sa pagkakasama ng una sa bagong sitcom ng GMA-7 na Who’s Your Daddy Now?, hindi nagkakalayo ang role na ginagampanan nila ni Keanna, na nasa Aalog-alog naman ng ABS-CBN 2.

Hindi tuloy naiwasang pagkumparahin sila ng press people na dumalo sa ginanap na presscon ng WYDN, na ipapalit sa Lagot Ka…Isusumbong Kita sa Lunes.

Ani Julia, malayo ang agwat ng edad nila ni Keanna at ’di hamak na mas maganda raw siya rito.

“Original po ang lahat ng parte ng katawan ko kumpara sa kanya (Keanna). Mas bata at mas maganda rin po ako,” pagtataray niya.

Ano pa raw ba ang hahanapin ng isang lalaki sa kanya? Size 38, cup D ang upper bumpers niya, 24 inches ang waistline at 39 naman ang balakang.

Dati nang nagsu-showbiz si Julia, pero panandalian siyang nawala dahil aniya, naging busy siya sa pagpu-produce ng shows here and abroad.

Siyanga pala, crush daw ni Julia si Raymart Santiago, isa sa lead stard ng WYDN. Ang iba pang nasa cast ay sina Joey Marquez, Celia Rodriquez, Paolo Contis, Alynna Asistio (anak ni Nadia Montenegro) at Jean Garcia.

Hindi kaya pagselosan siya ni Claudine Barretto oras na makarating ang tsikang matagal na niyang iniilusyon si Raymart? Source.

Labels:


Continue Reading...

New station ID ng GMA7

Star-studded ang studio 3 ng GMA Network Center kahapon.

Kahapon kasi kinunan ang bagong station ID ng kapuso network.

Kahapon din bumalik ng bansa si Richard Gutierrez mula sa mahigit isang linggong bakasyon. From the airport, deretso na si Richard sa Channel 7 dahil kailangan niyang makahabol sa shoot ng station ID.

Masaya ang mood ng binata dahil ang magandang rating ng pilot telecast ng Lupin.

Noong una ay ibinalita ng mga taga-Siyete na naka-40.7% ‘yon, pero nang i-average na, 37.8% pala ‘yon. Source.

Labels:


Continue Reading...

Raymart natuwa sa pagkakabati ng magkapatid na Gretchen at Claudine

Samantala, natutuwa si Raymart sa pagkakabati ng magkapatid na Gretchen at Claudine na halos tatlong taon ding nagkaroon ng hidwaan.

Aksidenteng nagkasalubong kamakailan ang magkapatid sa S&R supermarket sa The Fort at nagbatian sila’t nagkaayos.
Sa mga interbyu ng da-lawa ay kinumpirma nilang nagkaayos na sila at kapwa sila masaya sa kanilang pagkakabati.
Ani Raymart, hindi niya alam ang buong pangyayari dahil maiksi lang ang kuwento sa kanya ni Claudine at wala siya roon nang maganap ang pagbabati ng Barretto sisters.

"Ganun naman dapat ang magkakapatid, eh! Normal lang ‘yon na magkabati sila. I’m happy kung magtutuluy-tuloy na ‘yon.

"Masaya si Claudine dahil kahit paano, parang nabunutan din siya ng tinik," pakli ni Raymart.
Nagulat din, aniya, si Gretchen nang makita si Claudine na ang laki-laki na ng tiyan.

Sa tanong namin kung posibleng ma-ging ninang ni Rodrigo si Gretchen, ang sagot ni Raymart, "Puwede. Bakit hindi, ‘di ba?"
Kasama ni Raymart sa Who’s Your Daddy Now? na magpi-premiere sa Lunes (Abril 16) sina Joey Marquez, Paolo Contis, Jean Garcia, Ms. Celia Rodriguez, Julia Lopez at Alynna Asistio. Visit the source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 12, 2007

Lupin TV rating, very high

NAKAKUHA ng 40.7 percent ang pilot ng Lupin ni Richard Gutierrez.

GMA-7 and Richard have done it again, to successfully launch a primetime soap. With the post Holy Week launch of Lupin, nakapagtala na naman ng past 40 per cent ang pang-apat na solo soap ni Richard after Mulawin, Sugo and Captain Barbell.

Sorry, we don’t know the competition rating but definitely not even in the 30s. This is Richard’s first mature soap dahil definitely with Katrina Halili and Ehra Madrigal in their swimsuits most of the time, pang huli ito sa GMA Tele Babad after Super Twins. Still, Richard gets his usual 40’s pilot rating and this is very impressive and solidify his status sa GMA-7 as the undisputed king of primetime soap. We’ll update this once all the ratings are in. Source is here.

Labels:


Continue Reading...

Eric Fructuoso's 40 Forbidden Questions

Eric Fructuoso has ‘made love’ with his past girlfriends Ara Mina, Joyce Jimenez, Aubrey Miles and Priscilla Almeda

Two weeks ago, nag- replay ang 40 Forbidden Questions and last week it was Holy Wednesday kaya hindi namin agad nabuksan ang radio namin yesterday. It was the former Guwaping pala na nakaka-question 22 na with number 23 being who’s the better kisser between two ‘exes’, Ara Mina or Toni Gonzaga. Eric answered Ara kasi raw at that time puppy love ang sa kanila ni Toni who was very young then.

In an earlier question if he has slept with anyone famous, Eric answered more than his fingers, and so sa question 24 nanghingi na ng mga pangalan si Mo Twister.

Eric proceeded to answer the names of his past girlfriends Ara, Joyce, Aubrey and Priscilla (na Abby Viduya pa). Nagpatiuna si Eric na hindi raw slept with, made love daw dahil may respeto siya, pero pinangalanan niya pa rin ang mga ‘ex’ niya.

A caller described Eric an outright liar with zero personality and that he’s just making it up lang daw dahil wala na itong career. Visit the source.

Labels:


Continue Reading...

Manay Lolit Solis, suspended

Pinatawan ng MTRCB si Manay Lolit Solis ng supension ng isang episode sa Startalk dahil sa sinabi nitong "puwerta" sa opening ng naturang showbiz-oriented talk show noong nakaraang Marso 31.

Sa seamless na bahagi kung saan ipinapasa na ng Eat Bulaga ang pagsisimula ng Startalk, sinabi ni Manay Lolit sa mga taga-Bulaga kung iku-cover din ba nila ang panganganak ni Julia Clarete pati ang paglabas ng baby sa puwerta nito?

Natigilan ang lahat nang binanggit iyon ni Manay Lolit pero kaagad namang binawi nila at nag-sorry na rin siya roon.

Hindi ito tinanggap ng MTRCB kaya nagpadala sila ng sulat sa GMA 7 at nagkaroon ng hearing kahapon nang hapon.

Nag-sorry uli si Manay Lolit sa dalawa niyang radio program, pero itinuloy ni Chairman Laguardia ang hearing at hindi na nito pinasama si Manay Lolit.

Baka nga naman madala na naman si Chairman Laguardia sa charm ni Manay Lolit at patawarin ito.

Mukhang desidido si Chairman Laguardia na ituloy ang suspension gaya ng ginawa niya noon kay Joey de Leon.

Kaagad tinanggap ni Manay Lolit ang suspension na iyon at hindi niya ito kinuwestiyon o ikaka-offend kay Chairman Laguardia.

Gusto pa sana ni Manay Lolit na puntahan ang MTRCB Chairman para magpaliwanag, pero hindi na rin niya itinuloy.

Naiintindihan ng Startalk host ang naturang desisyon.

Marami pa rin ang nag-react kung ano raw ba ang masama sa salitang "puwerta"?

Kung hindi mo ito pwedeng gamitin sa ere, ano ang pinakatamang term para hindi nakaka-offend sa mga manonood?

Aware siguro si Manay Lolit na hindi pwedeng gamitin ang salitang "keps," "kipay" o deretsahang "puke" kaya maaaring ang "puwerta" na ang naisip nitong pinaka-safe, pero sumabit pa rin. Source is here.

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes, promising director

Kahit kulang pa sa ilang units sa kanyang film course sa Ateneo, kinuha na ng GMA bilang director si Dingdong Dantes. Ang dapat sana’y GMA’s No.1 male lead star ay naging promising director nila.

Sa kasalukuyan, in between TV directorial assignments si Dingdong sa bakuran ng GMA, pagkatapos ng Atlantika.

Kaya naging available siya sa directorial offer nina Becky Aguila at Angel Locsin. Siya ang director ng pangalawang episode ng trilogy na Angels.

Si Dingdong ang director nina Marvin Agustin, Valerie Concepcion, Jaclyn Jose, Dominic Ochoa, Paolo Paraiso at Nash Aguas. Daddy’s Angel’s ang kanilang episode.

Visit the link.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 11, 2007

Kris Bernal on Aljur Abrenica: We don't want to rush things

STARSTRUCK 4 winner Kris Bernal says she has something in common with her partner in the Ultimate Loveteam category, Mart Escudero. “We’re both better dancers than singers,” she reveals.

Is it true she prefers Aljur Abrenica to be her partner?

“Noong una po, I thought kami ang magi-ging magka-love team. Pero okay naman po si Mart, masyado nga lang siyang mataas sa akin. I can get along fine and happy naman ako with both of them. But at this point, Mart and I are still in the stage of getting to know each other better, para naman maging comfortable kami sa isa’t isa when we’re paired in future shows. We don’t want to rush things.”

Kris was a nursing freshman at Trinity College when she joined StarStruck 4. “Ngayon, stop muna ko sa school dahil sayang naman ang opportunity na dumating sa ‘kin sa showbiz.”

Born on May 17, 1989, she’s often asked if she’s related to the late director Ishmael Bernal and director Joyce Bernal. “I have no relatives in showbiz. I’m the third of four kids, but my two older sisters are twins. Our youngest is a boy. They’re the ones who urged me to join StarStruck.”

Who are the local stars she admires? “Angel Locsin and Richard Gutierrez. They’re both doing well as solo stars pero as a love team, ang ganda rin ng chemistry nila.”

She wants to be a good actress. “I want to try comedy muna, then kapag nahasa na ko, I’d like to do drama in a soap.”

Does she think their batch, including Aljur and Jewel Mische, will do better than the previous ones? “Sana po. But it all depends on how much GMA-7 and the public will support us. Sana, hindi nila kami pabayaan after we’ve won.”

In the case of Jewel, who’s the Ultimate Sweetheart, she’ll play the lead role in the next story featured in “Magic Kamison”. She’ll have three leading men: her StarStruck 4 colleague Paolo Avelino, StarStruck 1’s Dion Ignacio, and Starstruck 3’s Chuck Allie.

By: Mario E. Bautista

Labels:


Continue Reading...

Ehra Madrigal comfortable na in swimsuit

Noong una ay hindi type ni Ehra Madrigal na palagi siyang naka-swimsuit sa mga eksena niya sa Lupin, pero later on ay naging comfortable na siya dahil wala raw siyang magagawa at ‘yun ang kailangan sa kanyang mga eksena.

"Kahit maraming nagsasabing sexy ako, nahihiya pa rin po akong magbilad ng katawan. No’ng mag-offer nga po ang FHM sa akin last year na mag-cover sa kanilang magazine, nilakasan ko na lang ang loob ko dahil alam ko pong malaki ang maitutulong no’n sa career ko.

"Saka sabi po ni Tita Annabelle (Rama, her manager), may katawan naman daw po ako, kaya huwag na raw po akong mahiya na ipakita ‘yon," pahayag ni Ehra.

Malaki ang pasasalamat ni Ehra sa break na ibinigay sa kanya ng GMA 7 sa Lupin.

"Noong sabihin po ni Tita Annabelle sa akin na kasama po ako sa Lupin, natuwa po ako. Lalo po akong natuwa dahil maganda ang role ko," sabi ni Ehra.

Sa ngayon ay panay ang taping ni Ehra para sa Lupin. Medyo hirap lang siya dahil wala pa siyang sariling sasakyan.

"Kinausap ko na po si Tita Annabelle at baka bumili na po ako ng sasakyan. Kahit second hand lang at huhulug-hulugan ko muna," pahayag ng dalaga.

Noong bata pa raw siya ay napakarami nilang sasakyan at hatid-sundo siya sa eskuwelahan, pero na-down daw ang negosyo ng nanay niyang si Karla Kalua (sexy star noong 80’s) at naghirap sila.

"Ang pangarap ko po eh makatulong ako sa Mommy ko. Gusto ko talaga eh makakuha ng place kung saan pwede po kaming magsama-sama ng Mommy ko, pati na rin si Michelle (Madrigal, younger sister niya at contract star ng Dos).

"Gusto ko rin pong pag-aralin ‘yung youngest sister namin ni Michelle," kuwento pa ni Ehra.

by Jun Lalin, Abante-Tonite

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites