<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, May 31, 2007

Yasmien Kurdi: Love is all I need

NAGING labis na matagumpay ang unang album ni Yasmien Kurdi.

Masasabing chart-topping ang debut album ng dalaga na ini-release dalawang taon na ang nakalilipas. Ngayon, muling nagbabalik si Yasmien sa music scene matapos maging abala sa iba’t ibang shows na kanyang kinabilangan. Matagal na rin mula noong inilabas ang unang album ni Yasmien at sa wakas, tapos na ang paghihintay ng mga fans.

Inihahandog ng GMA Records ang pangalawang album ni Yasmien , ang Love Is All I Need.

Iba na namang Yasmien ang makikita nila sa cover ng album. Isang mas maganda at mas mature na dalaga ang isinasalamin ng Love Is All I Need kumpara sa teeny bopper na Yasmien sa In the Name of Love. Kung dito ay nag-focus si Yasmien sa pop songs, medyo maiiba ang tunog niya sa kanyang sophomore album.

Tulad ng ating young star na umangat at mas lalong sumikat sa loob ng dalawang taon, nag-evolve din ang style ni Yasmien at makikita ito sa Love Is All I Need.

Hindi mawawala ang pop songs sa album ni Yasmien at sinamahan pa ito ng inventive collaborations na sinuportahan naman ng GMA Records. Kasama sa mga nag-produce ay sina Mi-guel Alcaraz at Michael Dizon ng Sandwich, Alwyn Cruz at Rene Salta at kaabang-abang ang mga resulta nito sa album.

Maririnig na sa radyo ngayon ang first single ni Yasmien na Kisapmata, isang sikat na rock an-them na nilagyan ng pop flavor. Mapapanood na rin sa mga music channel ang video ng kanta sa di-reksyon ni Milos Curameng.

Sa carrier single pa lang ay mababanaag na ang pagkakaiba ng Love Is All I Need kumpara sa In the Name of Love at mapapansin ang mas personal na style ni Yasmien sa pag-atake sa kanta.

Kasama sa album ang songs tulad ng Give Me A Sign, Wishing Well, at One Day. Sa awiting Even If, isang young Sarah Mc-Lachlan daw ang dating ng boses ni Yasmien. Tunay na nahasa ang vocal technique niya at mapapakinggan ito sa iba’t ibang numbers sa kanyang album.

Rock ang tunog ng Hayaan Mo Na na isang col-laboration kasama sina Mong Alcaraz at Mike Dizon ng bandang Sandwich. Electronica at dance naman ang genre ng Candlelight Romance kung saan mapakikinggang manipulated ang boses ni Yasmien na typical sa genre na ito.

Isa pang mahalagang component sa album ang title track na Love Is All I Need na sinulat mismo ni Yasmien. Ito ang unang su-bok ng dalaga in songwri-ting at maganda ang kinalabasan nito na may lyrics na: “Climb a mountain and touch the clouds, sing a song in different sounds.” Isang importante at malaking hak-bang ito para sa music career ni Yasmien.

Pag-arte ang forte ng niya. Sari-saring pagganap ang mahusay na nagampanan niya. Sa bawat role, iba’t ibang persona ang kailangan niyang mahalin at pag-aralan. Hindi nalalayo ang kanyang follow-up album sa kanyang forte --acting.

Sa bawat kanta naman, ibang Yasmien ang ating maririnig.

Mula sa pagiging pop princess, isang mas mature babae na ang ating mapa-kikinggan, nag-evolve at mas adventurous sa iba’t ibang style.

Mabibili na ang Love Is All I Need album na mula sa GMA Records, distributed by Paragon Music Corporation at Universal Records. Pinapasalamatan ang Yehba Mobile Instant Messenger, Skechers, at Hard Rock Cafe Makati.

Mapapanood din si Yasmien sa kanyang mall tours mula sa SM Supermalls, 97.1 Barangay LS Forever at Derecho 101.1 Yes! FM, at Yehba Mobile Instant Messenger, at Ske-chers sa June 2 - SM Dasma-riñas, June 9 -SM Pampanga, June 16 - SM North Edsa, June 23 - SM San Lazaro at June 30 - SM Marilao.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunshine Garcia, no time for love life

WALANG panahon sa love life si Sunshine Garcia ng Sex Bomb.

Ito ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya ng kanyang 22-year-old boyfriend na nursing student.

Ani Sunshine: “Wala na raw akong panahon sa dati kong boyfriend kaya kami nagkalabuan at nagkahiwalay. Kahit masakit ang loob ko noon ay natanggap ko. Mas mahalaga sa akin ang aking natagpuang career sa showbiz, ang pagiging artista at dancer ng grupong Sex Bomb.”

Na-meet namin si Sunshine sa taping ng Magpakailanman, na ipapalabas ngayong Thursday. Istorya ito ng buhay ni Caridad Sanchez (gagampanan ni Pauleen Luna) na hindi su-muko sa pag-aartista para patunayan niya sa kanyang sarili na siya’y isang actress na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa pag-arte.

Si Sunshine ay bilang kaibigan ni Caridad Pauleen na kasa-kasama niya sa pagaa-audition sa mga studio para mag-artista noong araw.

Ani Sunshine: “Good example sa akin si Tita Caridad. Kasi, talagang nagsikap siyang magkapangalan sa showbiz kahit na ang uso no-ong araw ay mga mestisang artista.”

Sa ngayon ay busy si Sunshine sa Daisy Siete na ang taping ay three times a week (Tuesday, Wednesday, Thursday) sa Caliraya Lake, Laguna. At nasa Eat Bulaga rin ang Sex Bomb tuwing Monday and Friday.

Ani Sunshine: “May taping pa kami tuwing Saturday or Friday para sa Tok Tok Tok. Tuwing Sunday ay madalas nasa SOP kami. Kung walang schedule sa GMA-7 ay may personal appearances kami. Tulad noong elections ay sagad-sagad ang schedules namin.”

Hindi naman pala lahat ng Sex Bomb ay busy talaga. Kaya may ilang grupo na madalas mag-ikut-ikot sa iba’t ibang lugar para mag-show. ‘Yung iba nama’y nagpupunta sa Japan.

Pagkatapos nina Weng, na nagpakasal na sa isang American US Serviceman, at si Ivette na nakatakda na ring ikasal sa kanyang Pinoy boyfriend, wala pang alam si Sunshine na susunod na mag-aa-sawa sa grupo.

Aniya: “Panay lihiman kasi ang members ng kanilang lovelife kasi. Ako, malayo pa sa isip ko ang pag-aasawa dahil 21 lang ang edad ko ngayon. Gusto ko pang magtagal sa showbiz.”

Sa mga role na ginagampanan niya, hindi raw niya gusto ang maging kontrabida. Kaya lang ito ang ibinibigay sa kanya kaya wala siyang magawa.

Aniya: “Hindi ko naman alam na mag-aartista pala ako. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na mag-showbiz. Lumaban lang ako sa Eat Bulaga dancing contest noon, Iyun na ang simula ng bago kong daigdig, ang showbiz.”

Source.

Labels:


Continue Reading...

Mart Escudero, kasali sa Impostora

Ang Starstruck winner na si Mart Escudero ay kasali rin sa cast ng Impostora.

Kitang-kita namin sa mga mata niya ang itsura ng isang baguhan na animo’y inosente sa propesyong pinasukan although beterano na siya sa pag-arte.

Bago siya napasok sa GMA 7 ay marami na siyang papel na ginampanan noong nasa ABS-CBN pa siya.

Maganda ang pangangatawan ni Mart ngayon kumpara noon. Nagbubuhat daw siya sa mga bakante niyang oras.

Sa isang condo malapit sa kanyang manager siya nakatira ngayon at hindi na niya kailangang bumiyahe pa sa Cavite araw-araw.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, sasama kay Erik Santos sa Hong Kong

Katsikahan namin kahapon si Rufa Mae Quinto at inamin niya sa amin na wala siya sa Linggo sa SOP Rules dahil nagpaalam siyang sasama sa boyfriend na si Erik Santos sa Hong Kong.

May show kasi sa Hong Kong si Erik at gusto ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne) na magkasama sila ng kanyang boyfriend sa dating Crown Colony, so, nagpaalam siya sa GMA 7 management at pinayagan siyang um-absent sa SOP Rules.

Kasabay na kaya ang ‘honeymoon’ sa bakasyon na ‘yon nina P-chi at Erik sa HK?

Anyway, ilang araw na ring sunud-sunod ang trabaho ni P-chi, kaya nagpapasalamat siya at kahit paano ay makakapagpahinga sila ni Erik sa HK (‘yun ay kung "patutulugin" siya ng kanyang boyfriend).

Pagbalik ng ‘Pinas (baka sa Miyerkules), sasabak uli sa trabaho si P-chi para sa isang bagong pelikula ng Viva Films (na malamang ay i-co-produce ng Star Cinema).

source.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado ayaw humingi ng tawad kay Alessandra

Magkasabay na nag-promote ng Super Twins sina Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado sa SiS kahapon. Dedmahan pa rin sila at hindi napag-usapan ang tungkol sa kanilang gap.

Kabilin-bilinan daw na huwag silang tanungin tungkol sa kanilang alitan at huwag nang pagbatiin.

Parang wala lang na nairaos ang kanilang promo para sa pagtatapos ng naturang telefantasya.

Iniiwasan pa rin ni Alessandra ang mga tanong tungkol kay Jennylyn. Kaagad na tinatalikuran niya kami kapag napunta na sa ganung isyu ang aming tanong.

Bago umalis si Alessandra ay may one-liner siyang, "Hindi matatapos ‘yan hangga’t walang humihingi ng tawad," sabay talikod sa amin.

Nakorner din namin si Jennylyn at halatang gusto rin niyang iwasan ang tungkol kay Alessandra.

Kinunan namin siya ng sagot tungkol sa sinabi ni Alessandra.

"Hindi ako kailangang humingi ng tawad sa kanila. Wala akong kasalanan. Wala akong ginagawa sa kanila.

"Basta ako, nandito lang ako. Nagtatrabaho lang, wala akong inaano. Hindi ako naging palengkera kaya okay lang," pahayag ni Jennylyn.

Hindi na namin kinulit si Jennylyn kung si Alessandra ba ang tinutukoy niyang palengkera.

Malapit nang matapos ang shooting ng Tiyanaks at wala naman daw silang problema ni Mark Herras sa set.

Nandiyan pa rin ang konting ingat at baka maintriga. Aminado

si Jennylyn na si Mark pa rin ang unang lalaking maaring pagselosan ni Patrick Garcia.

Mapapanood sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ito nina Alessandra at Jennylyn.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, May 30, 2007

Richard Gutierrez, to go sexy?

SI Richard Gutierrez naman ang hinihintay ng mga fans ng Lupin na magpa-sexy.

Hit na hit sa mga kalalakihan ang pinakabagong primetime soap ni Richard na part ng GMA Tele Babad after Super Twins hindi lang dahil galing sa Anime ang kuwento kungdi na rin dahil kina Katrina Halili and Ehra Madrigal playing his assistants Ashley and Brigitte na palaging naka swimsuit or two piece at least once a week.

Siyempre, mas marami pa ring fans si Richard lalo na sa mga girls and pa-girl and siya naman ang hinihintay na magpa-sexy na rin baka umabot na sa ulap ang ratings kapag ginawa niya yun.

Siguro hindi pa sa current storyline kasi nakakulong pa rin si Lupin at itatakas pa lang siya nina Brigitte at Ashley at isa sa kanila, mahuhuli naman.

Ay si Janno Gibbs din as Inspector Clavio, hit din lalo na ang kaniyang ring tone na hinihingi sa PEX.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Prince Estefan at Lovi Poe, updates

Natitiyope ang Starstruck 4 first prince na si Prince Estefan kapag katabi si Lovi Poe dahil aminado ito noon pa na crush niya ang dalagita.

Ngayon ay sila na pinagpa-partner pagkatapos umalis ni Cogie Domingo patungong Amerika.

Hiyang-hiya si Prince nang nakausap namin sa presscon ng Bratt shirts kahapon dahil halos nag-iisa siya sa harap ni Lovi.

Inamin niyang malapit na siyang ma-in love kay Lovi at ang isa sa wish niya ay makasama raw niya ito sa kanyang kaarawan sa susunod na taon.

Pebrero 14 ang birthday ni Prince at Pebrero 11 si Lovi kaya pwede nila itong i-celebrate nang sabay.

Sa susunod na taon, sana raw ay maisama ni Prince si Lovi sa Iloilo para makita niya ang magandang tanawin sa kanilang lalawigan.

Ayaw ni Prince na isipin ng mga tao na gumigimik lang ito pero hindi pa raw sila pinag-partner, matagal na raw niya itong crush.

Kaya tuwang-tuwa ito nang sila na ang pinagtambal at ngayon ay partner pa rin sila sa ini-endorse nilang Bratt shirts. Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 29, 2007

Richard Gomez, balik TV na

BALIK-TV na raw si Richard Gomez in three weeks?

Nakausap namin si Richard, Ian F., who came with wife Lucy Torres, sa blessing ng bagong skin clinic and pediatric center located sa ground floor ng Imperial Palace Suites, Timog Avenue corner Tomas Morato, QC, kamakailan.

Ang nagmamay-ari ng clinic na ito ay sina Dr. Nicole Jennifer Yu, pamangkin ni Mother Lily Monteverde, at ang hipag ni Dr. Nicole na si Dr. Michelle Annabelle Yu.

Mother ng kilalang dermatologist na si Dr. Nellie Yu si Dr. Nicole. Dating nagpu-produce naman ng movies ang late husband ni Dr. Nellie na si Jesus, nagmamay-ari ng Lotus Films at nakatatandang kapatid ni Mother Lily.

Dr. Nellie is the elder sister ng kilalang Seiko Films produ na si Robbie Tan. Seiko Films is the producer of Silip, a bold movie with a difference, according to director Joel Lamangan.

It stars Diana Zuburi, Francine Prieto and Polo Ravales.

Dr. Nellie has another dermatologist-son, Dr. Jonathan Yu, husband naman ni Dr. Michelle, who is a pediatrician.

Going back to Richard, sabi niya, maluwag niyang tinanggap ang pagkatalo sa pagka-senador nu’ng nakaraang eleksyon.

Ganunpaman, ’di sapat ang nasabing failure para ’di siya magpunyagi na muling pumasok sa pulitika para higit na magkaroon ng pagkakataong makapaglingkod sa mga kababayan.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Regine, Ogie naglaplapan sa concert

ILANG araw bago sumabog ang pag-amin nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez sa kanilang tunay na relasyon, halos humagulgol si Regine sa presscon ng kanyang Pinoy Pop Superstar show na aired sa GMA- 7.

Dito naging emotional ang singer-actress at napaiyak nga ito sa harap ng press, na hindi napigilan ang magtanong tungkol sa personal nitong buhay, specfically ang paghiwalay ni Ogie sa asawa nitong si Michelle van Eimerenn, at si Regine na nga ang bagong ‘love’ ng singer-comedian-host-composer na si Ogie.

Inamin ni Regine na natatakot siya at baka sa pagkakabulgar ng relasyon nila ni Ogie ay ma-judge na naman siya ng publiko, marahil tulad ng nangyari sa kanya nu’ng na-link siya kay Ariel Rivera na, at that time, ay romantically linked din kay Gellie de Belen na tuluyan nitong napangasawa.

“I’m very scared of what will people say and that I will be judged again,” say ng seryosong si Regine.

“This thing is very important to me. This is the only relationship I have!” umiiyak na chika ni Regine na may karapatan din namang magmahal, so let’s give it to her this time.

* * *
SAMANTALA, just last Saturday, May 26, nag-concert si Ogie Alcasid sa Music Museum, titled Ogie In The Sitti at siyempre pa, hindi puwedeng wala roon ang babae sa puso ng alagang ito ni Leo Dominguez.

Matagal nang kasado ang concert and alam marahil ng bagong ‘sweethearts’ na pagdating ng concert day, eh, lalabas na ang kanilang official statement, and nauna na nga sa magazine stands ang paglabas ng June issue ng Yes magazine kung saan isiniwalat ni Ogie ang lahat-lahat ng matagal na pala nilang lihim (mga almost 3 years?) na relasyon.

Nasa audience ng Music Museum si Regine, na full-support sa dyowa.

Ang nakaloloka ay hindi na rin nila itinatago ang kanilang feelings sa isa’t isa.

Naganap sa said concert ang very first public kiss nina Ogie and Regine, nang mula sa stage, eh, bumaba si Ogie sa audience, nilapitan si Regine, and ni-lips-to-lips nito ang minamahal na girl ng dalawang beses. At ang Ogie, aliw na aliw at larawan ng isang inspired na singer on-stage at nagawa pa nitong bumanat ng nakatutuwang punch-lines.

“Gusto n’yo ba ng tsismis? Walang tsismis ngayon dito... Puro totoo lang po ang nakikita ninyo,” pagmamalaki pa ni Ogie sa audience.

Pero, ‘yung nabalitang gagawa raw agad ng movie ang dalawa under GMA Films ngayong October, we think na hindi muna ito dapat ituloy.

Knowing the Filipinos, malamang na mag-oobserba pa tayo sa mga susunod na mangyayari, lalo na ang balitang kumusta naman ang hiniwalayang asawa ni Ogie na si Michelle, na kahit kami’y type naming marinig ang side niya of the story.

May matapang kayang talk-show na makakakuha ng side o reaction naman ni Michelle from abroad sa Ogie-Regine romance?

* * *
BY the way, speaking of Regine, magi-guest siya sa SIS this noon with leadingman sa movie Paano Kita Iibigin? na si Piolo Pascual. Aawitin nila together ang kanilang theme song sa said movie.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Aram Mina, handang harapin sina Jomari-Pops

THRU fellow EnPress member, Archie de Calma, tinanggap namin ang imbitasyon ni daddy Ernie de la Cruz, ama ng aktres na si Angelika, owner ng sikat na Starz Comedy Bar sa Malabon City few days ago.

Nang gabing ‘yon, special guest si Ara sa naturang comedy bar. Mula sa taping niya ng Lupin sa Bataan ay tumuloy na si Ara sa Malabon. At bago pa siya sumampa sa entablado, kinausap na namin ang dalaga.

Sabi niya, wala pa raw siyang panahon para muling buksan ang kanyang puso sa isang bagong mangingibig. Maituturing pa ring failed relationship ang katatapos lang na relasyon niya kay Polo Ravales.

Pero, wala raw siyang pinagsisisihan na tinanggap niya ang aktor bilang suitor. Mas okay na raw sila ni Polo ngayon kaysa nu’ng bago pa lang silang maghiwalay. Naging bahagi rin nga si Po-lo sa kampanya ng daddy Chuck Mathay niya during the last elections.

Pero, mas pinag-uusapan ngayon ang muling pagkikita nila ng dating ex-boyfriend na si Jomari Yllana. Naganap nga ang lahat sa kampanya sa Parañaque sa utol nitong si Anjo who, sadly, didn’t get the mandate of the people bilang Bise Alkalde ng Parañaque.

Napagkamalan pa nga raw siyang si Pops Fernandez, ang current girlfriend ng kanyang ‘ex.’

“Surprise bale ako para kay Anjo, kaya pag-akyat ko ng stage, itinakip ni Jom ‘yung polo niyang pula sa ulo ko. Habang papunta kami sa stage, may sumisigaw pa nga sa aking ‘Pops! Pops!’ Akala nila ako si Pops.

Natatawa na nga lang ako at hinahampas ko si Jom,” nakangiting kuwento ng aktres.

Aaminin ba ni Ara na may kilig pa rin ang muli nilang pagkikita ng dating boyfriend?
“Wala naman,” mabilis na sagot niya. “Parang bumalik lang ‘yong dati naming friendship.

“Hindi ko maipaliwanag ‘yung feeling. Natatawa kasi ako sa reaction ng mga tao. Feeling ko, para kaming sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. ‘Yung mga tao ang kinikilig, hindi ako.”

Now that everything is okay sa kanila ni Jom at kaibigan din naman niya si Pops, handa na ba siyang tumanggap ng movie offer na silang tatlo ang magkakasama sa pelikula?

“Why not? Go!” hagikhik ni Ara. “Wala namang problema sa amin ni Pops. ‘Yung sa amin ni Jomari, naayos na namin kung anumang problema meron kami dati. “Okay na ang lahat. At saka nagkaroon na rin naman ako ng boyfriend after Jom kaya okay lang saka-ling magsama kaming tatlo sa isang project.

Exciting ‘yan!” pahabol na wika pa ni Ara.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales, napasubo kay Diana

Buung-buo ang loob ni Polo Ravales ngayong sumabak na siya sa paghuhubad sa pelikula kaya wala siyang keber sa maseselang eksena nila sa Silip nina Diana Zubiri at Francine Prieto.

Ayon kay Polo, naniniwala siyang handa na siyang ilunsad bilang isang sexy dramatic actor. Bukod sa maganda ang project at magaling ang kanyang co-stars at direktor sa Silip, naging malakas aniya ang impact ng kanyang sexy billboards para sa Folded & Hung at positibo rin ang resulta ng stage musical na Penis Talks kung saan una siyang nagpaseksi.

Napansin ang akting niya sa digifilm na Roomboy (2005) pero hindi siya naghubad doon. Dito sa Silip siya tumodo sa pagpapaseksi dahil hubad kung hubad siya rito at plaster lang ang nakatakip sa kanyang ‘nota.’

Kuwento ni Polo, mga tatlong beses siyang nagpakita ng puwet sa pelikula. Dati ay medyo naiilang pa siyang maghubad pero ngayon ay parang nasanay na raw siya.

Okey sa kanya ang magpakita ng kanyang harapan sa pelikula kung si Direk Joel Lamangan din ang magdidirek katulad nitong Silip.

"Sabi ko nga kay direk, bakit walang frontal? Gusto ko, may frontal!" nakangiting sey ni Polo, na seryoso raw sa pagpu-frontal kaya lang ay hindi siya sure kung palulusutin ‘yon ng MTRCB.

Sa Silip ay nagdusa si Polo sa kalalagay ng plaster sa kanyang harapan.

Sakit na sakit daw siya sa tuwing tatanggalin niya ito kaya pagtagal-tagal ay ayaw na niyang maglagay plaster. Buti na lang at tapos na palang kunan ang mga eksenang kailangan niyang maghubad.

Aniya, tinatapalan ng parang stockings ang nota niya mula sa dulo ng kanyang balls saka nilalagyan ng surgical tape na skintone para hindi halata.

May time daw na hindi niya ito matanggal-tanggal at hanggang sa pag-uwi niya ay may nakadikit pa sa pubic hair niya dahil hindi siya nag-ahit.

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nag-plaster na siya mismo ang tagalagay at tagaalis.

Sa isang love scene nila ni Francine ay nabasa ang suot niyang plaster dahil mainit at sobra silang pinawisan at konti lang ang inilagay niya.

Feeling niya ay may nakita si Francine nang matanggal ang plaster at umalpas ang kanyang ‘bird’.

Okey lang daw ‘yon dahil si Francine ay hubo’t hubad din at saka lalake naman siya. Aminado si Polo na may time na hindi siya naa-arouse dahil ang iniisip niya ay ‘yung blocking nila, pero may time din na naeelya-elya siya sa maiinit na eksena dahil tao lang siya.

Anong reaksyon niya ngayong nasilipan niya ang dalawang kapareha niya?

"Basta ang masasabi ko, flawless silang dalawa at ang seseksi talaga! Maputi si Francine at makinis si Diana. Hindi ko sinadyang tingnan, napatingin lang ako sa ibaba nila! Ha! Ha! Ha!

"Ang suwerte ko, di ba? Kinukuwento ko nga sa friends ko na sila ‘yung kapartner ko, eh! Minumura nila ako sa sobrang inggit nila! ‘Hayup ka, Polo!’ Gumaganu’n sila. Ha! Ha! Ha!" tawa pa niya.

Isang ikinaelya ni Polo ay nu’ng utusan siya ni Direk Joel na hawakan ang puwet ni Diana sa isang love scene nila dahil kailangan daw magmukhang manyak sa nasabing eksena.

Nagpaalam muna siya kay Diana kung okey lang at pumayag naman ito. Kaya sa eksenang nakaupo siya at nakatayo si Diana habang nagdyudyug sila ay totoo aniyang hawak-hawak niya at pinipisil-pisil ang matatambok na puwet ni Diana.

Hindi lang ‘yon, pati ang malulusog na dibdib ni Diana ay hinawak-hawakan niya rin kaya malinaw na nagpasasa siya sa katawan ng dalawa.

"Sila nga ang nagpasasa sa akin, eh! Ha! Ha! Ha!"

Isa pang hindi makalilimutang eksena ni Polo sa Silip ay nu’ng ipasubo sa kanya ni Direk Joel ang mga daliri sa kamay ni Diana.

Ani Polo, sa totoong buhay niya lang ginagawa ang gano’n kaya medyo nabigla siya sa inutos ni direk. Sa girlfriend niya lang daw ginagawa ‘yon.

Minsan ay trip niya rin daw isubo ang mga daliri sa paa ng nobya niya kapag nagtatalik sila.

Natawa lang si Polo nu’ng tanungin namin kung ginagawa ba niya noon ang gano’n sa ex-girlfriend niyang si Ara Mina.

Si Diana ba ay may isinubo ring bahagi ng katawan niya?

"Ah, wala! Bawal ‘yon, bawal! Ha! Ha! Ha!" pilyong halakhak pa ni Polo.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, May 28, 2007

Yasmien Kurdi launches new album

YASMIEN Kurdi has reason to rejoice. Her version of “Pati Ba Pintig ng Puso” is rating very well on GMA-7’s Dramarama sa Hapon, often getting 17% and higher.
It goes well in tandem with the TV revival of “Sinasamba Kita.” And now, her second album, “Love Is All I Need,” has also just been released and it’s getting good feedback not just from her fans but even from other listeners.

“I really thank God sa dami ng blessings Niya sa akin,” she says. “I’m also thankful that my mom, who got so sick at pumayat nang husto, is now okay at tumataba na uli while recovering.”

What’s the difference of “Love Is All I Need” from her first album, “In the Name of Love”? “The first one was pang-teeny bopper pa. In ‘Love Is All I Need’, it shows that I’ve matured not only as a performer but also as a person. It took us more than two years to come up with a new album kasi GMA Records and I really took our time to make sure we’ll come up with a well-crafted album. From choosing the songs hanggang sa actual recording nito, eveything is a true labor of love kaya bagay rin ang title nitong ‘Love Is All I Need’.”

The carrier single is “Kisapmata,” a revival of a hit classic rock anthem. But unlike the original treatment which is quite dark, Yasmien’s version is more sunny and amiable. It comes with a charming music video that shows Yasmien wandering around various places, implying that the song’s message is that, anywhere you go, you can be transported to a different world in the blink of an eye or “sa isang kisapmata.”

The album has nine other songs, all delivered with Yasmien’s own distinctive style: “Give Me a Sign,” “Love Is All I Need,” “Even If,” “Take It or Leave It,” “Wishing Well,” “One Day,” “Hayaan Mo Na,” “Goodbye,” and “Candlelight Romance.” Also included in the album is an acoustic version of “Love Is All I Need,” “Take It or Leave/I Know Mix,” and the backing tracks of “Kisapmata.” Yasmien will perform live to promote her album at SM Dasmariñas on June 2, SM Pampanga on June 9, SM North Edsa on June 16, SM San Lazaro on June 23, and SM Marilao on June 30.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Asian Treasures will soon end

LAST week na ngayon ng Asian Treasures.

Si Dennis Trillo, nasa USA ngayon for a two-day New Jersey show. Si Cristine Reyes, nasa Singapore for a five-day vacation with her mother. Si Patrick Garcia, nasa Alaska naman. Pahinga nang lahat ang stars dahil last week sila nag- last taping day with a cast and production party na ginawa last Friday sa Barrakz Bar kung saan part owner si Dennis.

Anyways, mamaya after Asian Treasures, labanang Eliseo (Dennis) versus Eliazar (Dennis) na at si Eliseo the good guy ang matatalo at mabibihag ni Eliazar. Babalik si Katrina sa Toyworld bilang kapalit ng kalayaan ni Eliseo. Tomorrow is their final confrontation, the two Dennis, and one of them will die.

Shocker after shocker na ang Super Twins in its last week.

Lalabas pa ba ang Super Twins na ayaw nang mag-Super Twins?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Silip movie, PG13

PG 13 classification ang target ng Seiko Films para sa Silip, ang pelikula na magbabalik sa bold genre at pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Polo Ravales at Francine Prieto.

Sinabi ng direktor na si Joel Lamangan na umaasa sila ni Robbie Tan (Seiko Films producer) na PG 13 ang ibibigay ng MTRCB sa kanilang sexy but suspense thriller project.

Nilinaw rin ni Joel na iba ang kuwento ng Silip sa Sidhi, ang pelikula na tinampukan noon nina Nora Aunor, Albert Martinez at Glydel Mercado.

Magkaibang-magkaiba ang kuwento ng Silip at Sidhi. Nagkataon daw na kapwa kinunan sa Bongabong, Nueva Ecija ang mga eksena ng mga nabanggit na pelikula.

Bukod dito, tatlo ang pangunahing tauhan sa Silip at tatlo rin sa Sidhi.

Nahirapan si Polo sa kanyang ginampanan na karakter dahil umikot lamang sa tatlong tao ang kuwento ng Silip.

Napanood na namin ang rushes ng Silip. May tip kami sa mga nagbabalak manood. Hintayin ninyo ang closing credits dahil inilagay ng Seiko Films ang mga sexy scene nina Diana at Francine bilang bonus. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunshine Dizon tinawanan ang katangahan

Hindi nagpa-lipo si Sunshine Dizon para pumayat, bilang paghahanda sa bago niyang teledrama sa GMA na Impostora.

Tsika niya sa amin sa presscon ng Impostora, bago pa nagtapos ang Bakekang ay kinausap na siya ni Ms. Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA) na magkakaroon siya ng bagong show at kailangan niyang mag-lose ng weight para sa role niya rito.

Gradually ay nagawa niyang mag-lose nang mga 20 lbs. Tapos, about a month ago ay kinuha siyang endorser ng Marie France (slimming center) na tumutulong ngayon para i-tone ang body niya.

Walang surgery na ginawa sa kanya ang Marie France. Thrice a week ay nagpupunta siya roon para sa dalawang non-surgical treatments -- ‘yung tinatawag na ‘FMS cold wrap’ na binabalot ang buong katawan niya at ‘yung ‘physique’ na dinidikitan ng pads ang katawan niya na kino-contract ang muscles para i-tone at i-shape ang kanyang body at huwag itong mag-sag.

Sinabayan niya ito ng pagdidiyeta at aminado si Sunshine na hirap siyang magpapayat. Medyo nag-gain siya nang 5 lbs. kamakailan dahil sa pagkakaospital niya nang five days, na 24 hours siyang naka-dextrose.

Hindi siya mabigyan ng proper medication that time dahil masyadong mababa ang blood pressure niya.

Aniya, dala ng ‘katangahan’ ang freak accident niya sa banyo na naging dahilan ng pagkakaospital niya.

Habang nagsa-shower ay sinabon daw niya ang dalawang paa niya at pagbalik niya ng sabon ay bumagsak siya nang patalikod. Sumabit siya sa kanto ng sliding glass door ng banyo niya, buti na lang at hindi masama ang bagsak niya at medyo nagkapasa lang siya.

Okey na siya ngayon kaya tinatawanan na lang niya ang katangahan niya.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, May 27, 2007

Ethel Booba updates

Isang linggong ‘hindi puwedeng magtrabaho si Ethel Booba dahil tinahi ang ilong nang tumama sa kama niya at lumabas ang silicon. Last Wednesday nang­yari ‘yun at dahil dun, pack-up ang Thursday shooting ng My Kuya’s Wedding.

Nagalit ang Regal at muntik na siyang palitan lalo’t one day pa lang siyang nakakapag-shoot­ing. Wala lang mahanap na gaganap na mother ni Pauleen Luna, kaya hihintayin na lang gumaling si Ethel. Puro eksena pa naman nito ang kuku­nan.

Aksidente raw ang nangyari at hindi sila nag-away ni Alex Cri­sano dahil ‘di na sila live-in dahil break na naman. Ayaw magpa-interview ni Ethel sa nangyari sa kanya’t baka mapanood ni Alex at puntahan siya sa bahay at maawa na naman siya.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 26, 2007

Pia Guanio's show won in the US Inter­national Film and Vi­deo Festival

Uy congratulations sa Ang Pinaka…hosted by Pia Guanio sa QTV 11 da­hil sila ang nag­wagi ng Silver Screen Award sa US Inter­national Film and Vi­deo Festival.

Ang iba pang win­ners sa nasabing fes­ti­val na programa sa GMA 7 are I-Witness and Art Angel.

Gaganapin ang cere­mony sa June 2, Sat­urday sa Renaissance Hotel, Hollywood, Calif­ornia.

Supposedly ay aalis ang representative ng mga nanalong show sa June 1.

Kasama sa mga aalis sana ay sina Pia Guanio, Pia Arcanghel, Kara David and two executive producers ng mga nanalong shows. Pero as of press time, wala pang official repre­sentative. And definitely, hindi raw kasama sa entourage si Pia Guanio dahil marami itong gina­gawa. Isa kasi si Pia sa in demand ng host ng GMA 7 kaya naman ang dami-daming nang-iintriga sa kanya. Pero dedma na lang daw si Pia.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Nude photo ni Polo Ravales, pinag-agawan

PINAG-AGAWAN ng mga bading ang publicity photo ni Polo Ravales para sa Silip. Kahit nakatalikod at puwet lang ang makikita, ginusto pa rin ng mga bading na meron silang kopya.

We’re sure, sila rin ang mauunang pumila sa opening ng Seiko Films movie sa June 6 at baka ulit-ulitin pa if only for that scene.

Alam ni Polo ang mga eksenang hubo’t hubad siya, kaya ’di nahirapan si Direk Joel Lamangan. May mga eksena na kahit ’di kailangang maghubad ng shorts, hubad ito nang hubad.

Nasilipan tuloy siya nina Francine Prieto at Diana Zubiri.

Funny ang description ni Polo sa dalawang leading ladies. Sabi nito: “Si Francine, sobrang haba ng legs at ’pag nakatayo ako, may nasa-site ako. Eye level ko ang boobs niya at may nakikita pa ako. Maliit si Diana at wala akong masyadong na-sight sa kanya.”

Sino sa dalawa ang gugustuhin niyang maging girlfriend kung sakali at bakit?

“Si Diana, dahil sakto kami sa height. Ang hirap-hirap nang mas matangkad ang girlfriend mo.”

For adult audience ang Silip at R-13 ang classification nito sa MTRCB. Hindi lang si Polo ang makikitang hubad, pati sina Francine at Diana.

Mas matapang pa sila sa actor dahil hindi naglagay ng plaster at tumakbo nang hubad. Nasanay daw sila sa Seiko, kaya nagpiyesta ang mga taga-Bogabong, Nueva Ecija, sa kasisilip sa hubad nilang katawan.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto rarampa sa Brunei

SAMAHAN si Rufa Mae Quinto sa pamamasyal sa Istana Nurul Iman, ang palasyo na official residence ng sultan ng Brunei, sa Pinoy Meets World bukas ng gabi.

Natatangi ang palasyong ito dahil tinaguriang pinakamalaking residential palace sa buong mundo.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang naturang palasyo ay dinisenyo ng National Artist of the Philippines for Architecture na si Leandro Locsin.

Bibisitahin din ni Rufa Mae ang Jame’Asr Hassanil Bolkiah mosque na itinayo para alalahanin ang 25th anniversary ng pamumuno ng sultan. Mamangha sa 24-carat golden dome na nagniningning sa ilalim ng sikat ng araw.

Magliwaliw at sumakay din sa sangkatutak na rides ng Jerudong Theme Park na maaaring pasukin nang walang bayad.

Kikilalanin din ni Rufa Mae ang mga Pinoy na kumakayod sa Brunei. Kabilang dito ang dating player ng Ginebra San Miguel na si Silverio “Benett” Palad na ngayo’y coach na ng Brunei National Basketball Team.

Ito at marami pang iba sa Pinoy Meets World sa Linggo ng gabi, pagkatapos ng Daddy Di Do Du, sa GMA-7.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Boobs ni Cristine Reyes, lumuwa

KUNG mabilis ang mata ng mga nanood ng Nuts Entertainment last Wednesday, siguradong hindi nakaligtas ang ’di sinasadyang paglitaw ng boobs ni Cristine Reyes habang lumalangoy sa isang segment ng programa.

Napasigaw pa nga si Cristine nang makitang nakalabas ang isang bahagi ng boobs sabay balik na parang walang nangyari.

Buti na lang at nasa bandang likod ang camera, kaya ’di ito masyadong napansin. Pero, siguradong alam ito ng mga kasakay sa pump boat na sina Alfred Vargas at Iwa Moto.

Anyway, desidido na pala ang utol ni Ara Mina na mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine.

Pero may request siya na sa abroad kunan ang sexy pictures.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, May 25, 2007

Tok! Tok! Tok! Isang Milyon, Pasok!

READY or not, “Tok! Tok! Tok! Isang Milyon, Pasok!,” the newest, wackiest and most thrilling game show on primetime TV, will knock on your doors starting this Sunday.

Hosted by Paolo Bediones, together with the Sexbomb Dancers, “Tok! Tok! Tok!” employs a giant set that is easily the biggest among all game shows today. And most important, P1million awaits to be won as well as numerous showcases and livelihood prizes.

Three teams composed of a celebrity and an ordinary person will match wits and try to outplay each other using the giant game board with exciting challenges that, aside from testing the mettle of the contestants, will definitely entertain viewers.

In its pilot episode this Sunday, “Tok! Tok! Tok!” features three housewives and their celebrity partners—Alessandra de Rossi, Ella V and John Lapus. Find out who among them will be lucky enough to face a crocodile head on, who will need to lie down inside a coffin, and who will submerge her head inside a container filled with bagoong.

Catch “Tok! Tok! Tok! Isang Milyon, Pasok” this Sunday night right after “Mga Kuwento ni Lola Basyang,” on GMA7.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras, pahinga sa lovelife

KUNG si Mark Herras ang tatanungin, wala raw muna siyang romantic involvement kahit kanino. Papahinga muna ba ang kanyang puso? Sabi ni Mark, mas gusto raw muna niyang magkonsentreyt o i-focus ang kanyang sarili sa mga trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ngayon.

Natutuwa naman ang mga taong nakapaligid kay Mark sa napansin nilang pagbabago sa aktor. Tila mas agresibo raw ito ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Laking pasasalamat din ng first StarStruck ultimate male survivor dahil sa kanya ipinagkatiwala ng GMA Network ang lead role sa seryeng Fantastic Man.

At tinatapos din niya ang Tiyanak para sa Regal Entertainment kasama ang ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Kung may mga intrigang dumarating, deadma na raw muna kay Mark. Hindi na raw niya ito pinapansin.

“I don’t allow intrigues in my personal life get into my work,” sambit ng bida ng Fantastic Man, sa isang interview sa kanya. Alam daw ni Mark na bahagi ito ng trabahong pinasok niya.

“What is important to me now is may trabaho ako and I’m enjoying my work. Ang daming blessings na dumarating sa akin ngayon na dapat kong ipagpasalamat,” dagdag paliwanag pa ng aktor.

Samantala, this week on Fantastic Man. Nahadlangan ni Fantastic Man ang masamang balak ni Budol (Keempee de Leon). Pero nakatakas pa rin ito at mukhang may binubuo ulit na plano.

Pumayag naman kaya si Budol sa alok ni Tadtad na makipagsanib-pwersa sa kanya laban kay Fantastic Man? Ano nga ba ang balak ni Tadtad at bakit siya ang kalabang mukhang dapat paghandaan ng ating superhero?

Lalo ring titindi ang damdamin ni Fredo kay Helen. Na ikinababagabag ni Wena (Ryza Cenon). Pero nang mapasama sina Fredo (Mark) at Helen (Jackie Rice) sa Santacruzan, mapipilitan si Fredo na unahin ang kanyang tungkulin kaysa sa babaeng kanyang napupusuan.

Isa na namang maaksiyong Sabado sa seryeng inaabangan ng bayan, ang Fantastic Man na mapapanood pagkatapos ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales. Mula pa rin sa direksyon ni Zoren Legaspi.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Gelli de Belen birthday sa SiS

BIRTHDAY celebration ni Gelli de Belen sa Sis this Friday at maraming sorpresa ang handog niya para sa viewers.

May ballroom dancing sila ng asawang si Ariel Rivera, may duet sila ni Jay-R at magku-comedy kasama si K Brosas.

May interview siya sa mga kasama sa Impostora na sina Sunshine Dizon, twins Charisse and Charlotte Hermosa at Iza Calzado, na guest co-host habang wala si Carmina Villarroel.

May big surprise naman sa kanya ang mga anak na sina Joaqui at Julio Rivera at special guest ang sikat na political figure na nanguna sa nakaraang election.

Regalo ni Gelli sa sarili sa 34th birthday niya ang muling pagsabak sa drama.

May two-week special participation siya sa Impostora as the mother of twins Sara and Lara.

Na-miss nito ang drama, kaya kahit mabigat ang mga eksena’y nag-enjoy siya.

Ang pinaka-highlight ng role niya’y ang death scene na sa sobrang grabe ay pag-uusapan ng viewers.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, May 24, 2007

Polo Ravales sulit ang paghuhubo’t hubad

NAGHUBO’T hubad man sa pelikulang Silip, wise decision pa rin ang ginawa ni Polo Ravales dahil si Joel Lamangan naman ang nagdirek ng pelikula.

Tiyak na done in good taste ang naturang paghuhubad ng dating wholesome aktor. ’Yung iba kasing director, basta-basta na lang nagpapahubad ng artista.

Si Direk Joel, may rason ang pagpapahubad at ayaw nang nabababoy ang mga artista.

Kahit sina Diana Zubiri at Francine Prieto, walang reklamo sa style ni Direk.

Sayang nga lang dahil unang inialok ang project kay Alfred Vargas, kaso, marami umanong demands, kaya hindi natuloy.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado worried kay Patrick Garcia

Kabado at hindi mapalagay si Jennylyn Mercado ngayon dahil ilang araw na kasi silang walang communications ng boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Simula nga noong umalis si Patrick papuntang Alaska, isang beses pa lang daw niya itong nakausap, at `yon ay noong nag-stop over pa ito sa Taipei.

Pupuntahan nga ni Patrick sa Alaska ang kanyang father.

Anyway, nakagugulat nga ang mga lumabas na tsismis na kesyo nasusunog ang mga telepono nina Patrick at Jennylyn dahil sa pag-uusap. Hindi nga kasi totoo ang tsismis, dahil wala pa pala silang communication hanggang ngayon.

Sa sobrang takot nga ni Jennylyn na baka may kung anong nangyari kay Patrick, tinawagan na niya pati ang sister ni Patrick na si Cheska Garcia. Pero, wala rin daw naisagot kay Jennylyn si Cheska, dahil siya man ay hindi pa rin nakakausap si Patrick mula noong umalis ito.

Anyway, pakunsuwelo na lang ng mga kaibigan ni Jennylyn sa kanya, baka walang signal sa lugar na pinuntahan ni Patrick, kaya hindi ito agad makakontak sa kanya ngayon.

Ang balita ko kasi ay nasa cruise si Patrick kasama ang kanyang ama. At kapag nasa gitna ka nga ng dagat, puwede ngang mangyari na mawalan siya ng signal sa telepono.

Dasal ni Jennylyn ngayon, sana ay agad siyang tawagan ni Patrick sa lalong madaling panahon.

Pero, nakakatuwa si Jennylyn, dahil kahit sobrang worried ito kay Patrick, tuloy pa rin ito sa pagtatrabaho. Subsob na subsob nga ang dalaga sa taping ng Super Twins nila ni Nadine Samonte, at sa syuting ng Tiyanaks nila ni Mark Herras.

Pero siyempre, panay pa rin ang dalangin niya na sana ay walang masamang nangyari kay Patrick. At sana ay safe na safe itong makabalik ng Pilipinas sa June 2.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, May 23, 2007

Billy Crawford's reality-dance show

Parating nasa bansa si Billy Crawford para sa kanyang reality-dance show na siya rin ang magho-host, ang Move, sa GMA-7. Sa pa­­ma­magitan ng Move, kukunin doon ni Billy ang magiging back-up dancers niya sa da­ra­ting niyang concert sa Ara­neta Coliseum sa Aug­ust, 2007. Kasalu­kuyan nang ginagawa ang audi­tion ng mga intere­sadong mag-join sa show. Magsisimula ang reality-dance show sa June 3, pagkatapos ng SOP at bago ang Magic Kamison.

Labels:


Continue Reading...

June 2 ang Grand Showdown ng Pinoy Pop Superstar

AS far as performance is concerned, pinakamalakas si April delos Santos among the Pinoy Pop Superstar grand finalists.

Also the youngest at 18, si April, who represents Mexico, Pampanga, ang nakatanggap ng pinakamalakas na palak-pakan during the press launch of the PPS 3 grand finalists. She sang one of Beyonce’s song sa pelikulang Dream Girls and she did not flat out or overreached any note. To think she’s a Nursing student ha while the others conservatory of music ang kinukuha.

Will it be another girl this time para girl boy girl ang pattern ng PPS?

Anyways, kung sino man ang susunod kina Jonalyn Viray and Gerald Santos stands to win P1 million cash, a house and lot mula sa Avida Land Corporation, one-year recording contract sa GMA Records, one-year management contract sa GMA-7 and much more.

Sa June 2 ang Grand Showdown sa Araneta Coliseum.

Source.

Labels:


Continue Reading...

German Moreno, todo-suporta kay Isko

MAY katuwirang magdiwang si German Moreno sa pagkapanalo ni Isko Moreno bilang vice mayor ng Maynila dahil nagsimula ang actor sa kanyang That‘s Entertainment.

Natatandaan pa namin na nu’ng sumali si Isko sa naturang afternoon program, hinila kami ni Kuya Germs para interbyuhin ang mga bagong member ng That’s at isa nga roon si Isko.

Payat pa siya noon, pero may hitsura. Sabi ni Kuya Germs, naaawa siya kay Isko at gustong tulungan dahil galing sa mahirap na pamilya.

Alam naman ng lahat na may soft spot sa puso ng Master Showman ang mahihirap dahil galing din siya roon. Dahil sa tulong ni Kuya Germs, sumikat at nakilala si Isko.

Nang pasukin nito ang pulitika at tumakbong konsehal ng Maynila, all-out din ang ibinigay na support ni Kuya Germs.

Sino ba naman ang mag-aakalang ang dating basusero na naging artista ay magiging bise alkalde ng napakalaking lungsod sa bansa?

Sana lang, hindi makalimutan ni Isko ang pinanggalingan, pati na ang mga taong lubos na nakatulong mula’t sapul sa kanya.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Andrew Schimmer, ‘Ex’ ni Katrina, balik-telebisyon

MULING magiging aktibo si Andrew Schimmer sa telebisyon. Papasok na ang character niya sa Lupin sa week 7 ng soap.

Ayaw pang sabihin ni Andrew ang role niya’t surprise na lang.

Hindi kaya siya ang lalaking hahabul-habol kay Katrina Halili? Pawang ngiti lang ang ibinigay niya sa amin.

Tapos na raw ang relasyon nila ni Katrina at magkaibigan na lang silang dalawa.

Isa sa mga bida ng Lupin si Katrina, samantalang si Andrew ay guest role lang.

Abangan pala this week ang pagtakas ni Richard Gutierrez (bilang Lupin) sa kulungan. Ito’y sa tulong ni Michael de Mesa, na papasok na rin ang character sa serye.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 22, 2007

Regine Velasquez loves Ogie Alcasid very much!

A teary-eyed Regine Velasquez gave her reaction to the press on Ogie Alcasid’s tell-all in Yes! Magazine, according to reports by the tabloid Pang-Masa.

Following months of media speculation as well as denials from both parties, Ogie finally admitted to Yes! in its June 2007 issue that he is “in love” with Regine and is separated from his wife, the former Miss Australia Michelle Van Eimeren. Highlights of the revealing interview made their way to the papers even before the Yes! issue hit the newsstands.

Regine, on the other hand, no longer waited to be asked by the media for any reaction, but gave a statement during the presscon of the “Pinoy Pop Superstar 3” yesterday to fulfill a previous promise that she will give her piece only after Ogie speaks out.

Regine became emotional while she faced the press. She said she is both happy and scared now that the truth about their relationship is out.

“First of all, nagpapasalamat ako sa lahat ng press na naging mabait sa akin, at hindi ako masyadong hinuhusgahan. The truth is, I’m really happy ‘coz finally, it’s out. But at the same time, I’m also very scared, because of what people would say. And I’m also scared that I would be judged again.

“Marami na rin po akong pinagdaanan, and, the thing is, this relationship is really very important to me ‘coz this is the only relationship I have and will ever have, hopefully. And the reason why I’m scared is because, di ba usually pag inaamin, parang nagdyi-jinx? So, natatakot ako du’n.

She also explained why they had to confirm the rumors only now.

“Marami ang nagtatanong, bakit ngayon lang? Ngayon lang po kasi we were protecting a lot of people. He had to protect his family; he had to protect me.

“Madami pong pinagdaanan si Ogie na masasakit. Siyang mag-isa lang ang dumaan du’n, hindi ako kasama du’n. Much as I wanted to be there, I can’t be with him to go through those things. And I’m so happy na umamin po siya.

“But now that it’s already out, I just want to say thank you to Ogie and I love him very, very much!”

Source.

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez lumuha

Nawala sa isip namin na si Miss Regine Velasquez ang host ng Pinoy Pop Superstar kaya nagulat kami nang tumambad si Regine sa harap namin kahapon sa press launch ng grand finalists sa paligsahan.

Aware si Regine sa rebelasyon nu’ng Linggo sa Showbiz Central tungkol sa hiwalayan ni Ogie Alcasid at asawa nitong si Michelle van Eimeren.

Inamin ni Ogie sa magasing YES ang pagmamahal niya kay Regine.

Sa maikling pananalita ni Regine tungkol sa isyu ay napaluha siya nang magpasalamat sa press people na naintindihan ang kalagayan niya tungkol sa isyu.

Gaya ng sinabi namin ay mature na ang mga tao sa mga ganitong sitwasyon. Maging ang mga manang ay naiintindihan na ang ganitong senaryo.

Ang mahalaga ay wala na sina Michelle at Ogie, at buong ningning na isinisigaw ni Ogie ang pagmamahal niya kay Regine.

Sa nakikita namin ay maganda ang relasyon nila kahit hindi pa sila nagsasama sa isang bubong.

Madalas naming nakikita sina Regine at Ogie at maganda ang aura nila. Mukhang magtatagal ang dalawang ito, na pareho ang propesyon at may chemistry.

Magkatuwang sila sa negosyo at mukhang pinaghahandaan nila ang kanilang future.

Wala kaming nakikitang magiging negative effect ng rebelasyong ito sa pelikula nina Regine at Piolo Pascual na Paano Kita Iibigin.

Alam ng lahat na walang romansang nagaganap kina Regine at Piolo.

Bukod sa box office appeal nina Regine at Piolo, sa magandang kuwento at kung paano ginawa ng director ay maeenganyo ang mga manonood sa kanilang pelikula. Source.

Labels:


Continue Reading...

Alfred Vargas, happy with new house

Tuwang-tuwa si Alfred Vargas noong Linggo dahil nakapaglipat na siya sa bagong bahay niyang itinayo sa may Don Antonio Heights.

Matagal na siyang nakapaglipat doon pero noong Linggo ang official daw na paglipat dahil iyun din ang araw na pina-bless niya.

Kumpleto ang pamilya ng aktor sa blessing nito at humabol si LJ Reyes na galing sa SOP.

Karamihan sa mga inihanda ni Alfred ay galing sa Popoy’s Grill ni LJ kaya parang hindi break ang dalawa.

Ang dami pang mga litrato ni LJ sa bahay ni Alfred lalo na sa kuwarto niya. Natutuwa ang young star dahil nanatiling close pa rin daw sila.

Ang sabi ni Alfred, inaayos niyang magkabalikan sila ni LJ. Ayaw niyang madaliin dahil mas mabuting ganun na lang muna ang status ng kanilang relasyon.

Wala raw siyang nililigawan sa ngayon dahil si LJ pa rin daw ang mahal niya. Sana raw ay maayos nila at maging sila uli dahil botong-boto ang pamilya ni Alfred kay LJ.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae on Ruffa

Inagahan ni Rufa Mae ang kanyang birthday party para nandito pa raw si Ruffa.

Ayaw na raw magpaka-involved ni Rufa Mae sa mga isyu ng best friends niya.

Kung saan maligaya si Ruffa ay susuportahan niya, pero nandiyan pa rin daw ang hangad niyang maayos ang problema ng kanyang best friend.

Dumating din sa party ni Rufa Mae si Ogie Alcasid na umiiwas pa rin sa mga interview.

Tama na raw muna ang lumabas sa YES magazine at pinag-usapan na rin sa Showbiz Central.

Nangako si Ogie na kapag magsasalita na siya, sa Startalk niya ito unang sabihin.

Marami ang nabitin sa mga pahayag ni Ogie sa YES at marami pang mga katanungang kailangan niyang sagutin.

Wala na muna siyang comment sa ngayon hanggang sa makaalis siya end of the month para sa series of shows niya sa Amerika at Canada.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, May 21, 2007

Polo Ravales at Zarah Lopez, bati na

Nakati-katihan naming pagbatiin sina Polo Ravales at Zarah Lopez nang magkita sila sa birthday party ni Jaycee Parker noong Sabado nang gabi.

Ginanap ang birthday party ng hotbabe sa Forbest bar at dumalo ang halos lahat na mga kasamahan nito sa Viva Hotbabes.

Dumating si Polo. Ilang sandali lang, dumating ang Zarah. Kaagad na lumayo si Polo sa grupo ng hotbabes.

Pinilit naming pabalikin si Polo pero naalangan siya dahil tiyak na mapapagalitan daw siya ng mommy niya.

Uneasy na rin si Zarah nang nakita niya si Polo, kaya dedmahan na sila.

Nang in-interview namin si Zarah, pumuwesto ito sa may likuran ni Polo. Aalis na sana ang aktor, pero hinatak ko ito at pinakiusapang batiin na si Zarah.

Okay naman daw si Zarah na magkabati na sila at magkaayos at wala nang sumbatan pa.

Pinalapit na namin si Polo kay Zarah at pinagbati. Nagbeso lang sila at okay na rin si Zarah kahit hindi na raw mag-sorry ang aktor.

Sabi ni Polo, gusto niyang magkausap at magkaayos sila ni Zarah na wala ang kamera.

Tinalikuran kami bigla ni Polo nang biniro namin siya na mas okay kung sa kotse na sila mag-usap at magkaayos. Source.

Labels:


Continue Reading...

Ogie Alcasid may karapatang lumigaya

Hindi kami nagulat sa pahayag ni Ogie Alcasid na matagal na silang hiwalay ni Michelle van Eimeren at mahal niya si Regine Velasquez.

Sa tingin namin ay wala itong negatibong effect kay Ogie dahil naiintindihan siya ng mga tao, lalo na sa modernong buhay ngayon.

Matagal nang nasa Australia si Michelle at mga anak nila. Malaki ang hinala namin na may nakilalang iba si Michelle sa Australia, considering na modernong bansa iyon kumpara sa Pilipinas.

Nangyayari roon ang threesome ang relasyon, gaya sa Amerika na madalas naming makita noong naninirahan pa kami roon.

Nasa Computer Age na tayo at maski sa mga probinsya natin ay may internet.

Hindi malaking isyu ang paghihiwalay nina Ogie at Michelle, maging ang relasyon nina Ogie at Regine ngayon.

Sa sobrang subsob ni Ogie sa trabaho para maitaguyod ang mga anak sa Australia, he deserves to be happy.

Bukod sa TV shows na SOP, Bubble Gang at Ay Robot, busy si Ogie sa mga negosyo, at shows dito at sa ibang bansa. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, May 20, 2007

Showbiz Central, one season lang?

HOW true is the buzz around the GMA compound last Wednesday that “Showbiz Central” would only last one season? According to sources, the GMA management had reportedly told the production people to come up with a new show to take the place of “Showbiz Central.” And a new production team is said to be taking over to conceptualize the new show, something that could come up par with “The Buzz.”

It seems the GMA-7 management is far from happy with what “Showbiz Central” has achieved in the last three weeks. The show, hosted by Pia Guanio, Raymond Gutierrez and John Lapus, continues to flounder at the ratings. But in fairness it did much better last Sunday, ratings-wise compared to its first two weeks of airing.

If ever the plan to replace “Showbiz Central” is true, will Pia, Raymond and John be retained as hosts? Source.

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi, naiinip na kay JC

SA interview kay Yasmien Kurdi sa nakaraang presscon ng Pati Ba Pintig ng Puso? ay tahasan niyang sinabi na walang anumang relasyon ang namamagitan sa kanila ni Rainier Castillo kahit pa noong madalas silang pagtambalin sa mga programa ng Kapuso network.

Ani Yasmien: “Talagang naging magkaibigan lang kami ni Rainier. Magkasama kami noon sa StarStruck 1 kaya naging super close kaming dalawa.”

Sa ngayon ay super-saya si Yasmien dahil after Bakekang bilang si Charming siya ay may bagong soap, ang Pati Ba Pintig ng Puso? Hindi basta-basta ang role niya rito dahil pareho silang lead stars ni JC de Vera. First time silang nagkasamang dalawa bilang mag-love team.

Aniya: “Madali kaming naging close ni JC dahil kapag nasa set kami ay panay ang tsikahan namin. Kahit ano ay pinagkukuwentuhan naming dalawa. Kaya lang hindi pa niya hinihingi ang cellphone number ko.”

Sa ngayon ay may ilang celebrities na ring nali-link kay Yasmien, pero wala si-yang inaamin na nakarelas-yon niya kahit siya’y 18-year-old na ngayon.

Magsisimula na ang Pati Ba Pintig ng Puso bukas, May 21. Source.

Labels:


Continue Reading...

Boy2 Quizon may pag tingin kay Katrina Halili

May pagtingin pala si Boy2 Quizon sa kasamahang Katrina Halili sa programang Lupin (na patok din sa televiewers kahit medyo late na ito naipapalabas).

Ayon kay Boy2 ay nirerespeto niya si Katrina at hindi siya nagte-take advantage kahit may pagtingin siya rito.

Pero hinihiling niya sa kanilang director na si Mike Tuviera na sana ay magkaroon sila ng love scne ni Katrina. Ganoon?

Believe naman ang mga taga-Lupin sa sipag ni Katrina na kahit 24 hours itong nagtatrabaho ay hindi nagrereklamo at buhay na buhay ang sexy actress.

Bukod sa maraming trabaho sa GMA 7 ay super raket pa ito sa labas. Hindi na kami magulat na isang araw ay may mansion na si Kat, na matagal na niyang pangarap. Source.

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos, kuya ang tingin kay Polo Ravales

Natsika-tsika namin si Rhian Ramos sa VIP/press screening ng Shrek the Third nu’ng Huwebes nang gabi sa Gateway Cineplex.

Agad naming pinalinaw kay Rhian ‘yung bali-balita na nililigawan daw siya ni Polo Ravales. Ang tsika pa ay nagpaalam daw si Polo sa ka-loveteam ni Rhian sa Lupin na si Richard Gutierrez kung okey lang na pormahan nito ang dalaga.

Natatawa kaming sinagot ni Rhian na hindi raw totoo ‘yon dahil walang ligawang nagaganap sa kanila ni Polo. Paliwanag niya pa, na-meet niya si Polo nu’ng gagawin niya supposedly ang Super Noypi kung saan magkapatid dapat sila ni Polo sa istorya.

Hindi natuloy sa movie si Rhian at napunta ang role niya kay Sandara Park pero mula raw noon ay parang naging ‘kuya’ na ang tingin niya kay Polo.

Ngayong magkasama sila sa Lupin, funny at guwapo raw ang dating sa kanya ni Polo pero hindi pa raw siya interesadong magka-boyfriend kahit alam niyang break na ito at si Ara Mina.

Doon sa isyung nahuli raw silang nagdi-date ng bagets star na si PJ Valerio, ang paliwanag ni Rhian ay nagkikita lang daw sila ni PJ kapag nagpupunta siya sa Sir George Salon sa may Timog Av., QC.

Pareho raw nilang sponsor ‘yon ni PJ at kapag nagkakasabay sila sa nasabing salon ay lumalapit sa kanya palagi si PJ para magpapiktyur.

Sobrang hilig daw magpakuha ng picture ni PJ ‘pag nagkikita sila, pero itinanggi niyang lumabas sila o nag-date.

Sey ni Rhian, 16 y/o pa lang siya kaya ayaw niya pang magpaligaw. Bawal din daw siyang mag-BF dahil baka patayin siya ng mommy niya.

Hindi raw sa mukha siyang pera, pero mas interesado siya sa kanyang trabaho kesa sa lovelife. Isa pa, ang type niya raw sa guys ay ‘yung moreno, hindi niya masyadong bet ang mga tisoy na boylet.

Nang magpabanggit kami sa kanya ng example ng dark guys na type niya sa showbiz, walang maisip si Rhian at humingi pa siya ng tulong sa handler niya.

Nang banggitin nito ang pangalang Dominic Roco (isa sa kambal na anak ng aktor na si Bembol Roco) ay nagdayalog si Rhian ng, "Yeah, Dominic is cute!"

Bukod sa hindi ito tisoy ay magka-edad lang daw sila ng bagets na si Dominic.

Kahit medyo na-late siya sa screening ng Shrek the Third ay sobrang nag-enjoy daw si Rhian sa pelikula na ang description niya ay ‘laugh trip’ dahil wala raw siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa! Source.

Labels:


Continue Reading...

Ngayon ang 60th birthday ng talent manager at Startalk co-host na si Lolit Solis.

Ngayon din ang 5th birthday ni Kinsey Thomas McDonald, ang apo ni Lolit sa kanyang anak na si Sneezy at manugang na si Thomas.

Naririto sa Pilipinas ang McDonald’s family at sa unang pagkakataon, magkasama sa kanilang birthday sina Lolit at Kinsey. Happy birthday!!! Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 19, 2007

Patrick Garcia and Jennylyn Mercado pakakasal na?

Last taping day ni Patrick Garcia sa Super Twins noong Huwebes at kahit walang eksena, present sa set ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Sabi ng actress, PA siya ng boyfriend that time, as in, taga-gising.

Alam na namin ang mangyayari sa character ni Patrick as Billy at character ni Jen as Super S, pero bawal i-preempt dahil June 1 pa ang ending ng show.

Umalis kahapon si Patrick with his dad for a 10-day cruise, na magsisimula sa Vancouver, Canada, at magtatapos sa Alaska.

Walang ini-expect na pasalubong si Jen, basta umuwi lang na safe ang BF. First time nilang magkakalayo nang matagal mula nang magkarelasyon eight months ago.

Hindi kami makapagtanong nang maayos at wala rin silang concrete answer sa mga tanong dahil panay ang titigan at holding hands.

Masaya lang si Jen na tinanggap siya sa ST na walang kapareha at si Patrick naman, klik sa viewers ang tambalan nila ni Camille Prats.

Patrick is 25 years old at 20 naman si Jen. Sabi ng huli, nagwu-work sa relasyon nila ng older na BF.

Wala pa silang major away at nababalanse ang relasyon at career. Sila rin ang magkasama sa Angel of Love episode ng Angels.

Sabi ni Patrick ginayuma siya ni Jen, kaya very much in love siya rito. Naging mas open din siyang magpakita ng care sa GF, na never niyang ginawa dati dahil mahiyain.

Ang pinaka-sweet nitong ginawa ay nang puntahan sa Daranak si Jen noong May 15, birthday ng dalaga, para i-greet at samahan habang nagtatrabaho.

Napag-uusapan na rin nila ang kasal, pero wala pang plano. Source.

Labels:


Continue Reading...

Philippine TV Ratings

TV Ratings: GMA 7 vs ABS-CBN 2 (May 16)

SiS 9.8% vs. Homeboy 12.5%;

Love in Heaven 10.9% vs. Game Ka Na Ba 19.7%;

Eat Bulaga 19.9% vs. Wowowee 21.2%;

Daisy Siete 17.8% vs. Inocente De Ti 11%;

Muli 13.7% at Sinenovela 13.3% vs. Kapamilya Cinema 16.1%;

Love Truly 12.1% vs. Pangako sa ‘Yo 9.6%;

Hana Yori Dango 17.3% vs. Sineserye 10.7%;

24 Oras 28.3% vs. TV Patrol World 22%;

Asian Treasures 30% vs. Maria Flordeluna 24.7%;

Super Twins 32% vs. Walang Kapalit 23.6% at Maging Sino Ka Man 23.3%;

Lupin 32.5% vs. Rounin 17.7%;

Jumong 24.8% vs. Pinoy Big Brother 23.5%;

Nuts Entertainment 14.4% vs. Bandila 12.3%.

Labels:


Continue Reading...

Michelle Van Eimeren, ok kay Regine Velasquez

Matapos magsalita ni Ogie Alcasid ay asahan na raw nating si Regine Velasquez naman ang magpapahayag ng kanyang panig tungkol sa kanilang romansa.

Sa kumpirmasyon ng relasyong Regine-Ogie ay biglang nagbalik sa alaala namin ang interbyu namin sa Songbird nu’ng Oktubre 2006 sa presscon ng pelikula nila ni Robin Padilla na Till I Met You.

Marami kaming nakuhang rebelasyon kay Regine sa nasabing interbyu. Dito niya buong ningning na inamin na hindi na siya virgin at meron siyang lihim na boypren na apat na taon na niyang karelasyon, pero hindi niya pinangalanan.

Sa nasabing interbyu ay makailang beses naming itinanong kay Regine kung si Ogie ba ang lalakeng ‘yon, pero makailang beses din niyang itinanggi na si Ogie ‘yon.

Mereseng nakukulitan na siya sa amin ay panay ang singit namin ng pangalan ni Ogie dahil napakalakas ng kutob namin na si Ogie ‘yon, pero matigas ang pagdedenay ni Regine at nagawa niyang palabasin sa amin na ibang lalake ang kanyang tinutukoy.

Hindi man kami kumbinsido ay tinanggap namin ang kanyang mga pahayag. Hanggang sa kalaunan ay unti-unti ring lumabas ang tunay na namamagitan sa kanila ni Ogie at dumating na sa puntong masyado na itong halata at mahirap nang itago pa.

Natuwa kami sa narinig namin na okey sina Regine at Michelle Van Eimeren. Ang nasabi pa sa amin ay ‘chummy’ raw ang dalawa at tila pabor si Michelle na si Regine ang naging kapalit niya sa puso ni Ogie.

Pero hihintayin namin ang pagkakataong ‘yon ni Regine na maihayag ang kanyang panig dahil gustung-gusto naming marinig kung bakit nagawa niyang ‘pasakayin’ at ‘paikutin’ ang press sa usaping ito at hindi niya nagawang magpakatotoo. Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, May 18, 2007

Karel Marquez happy sa GMA-7

KAREL Marquez is happy to be with GMA-7. “My contract with ABS-CBN expired last year then I got Tita June Torrejon to manage me,” she says. “Heto nga, she got me to work with GMA-7 in ‘SOP’ and ‘Pati Ba Pintig ng Puso’, and I’m also doing a movie with Regal, ‘Tiyanak’. I’m really happy to be this busy.”

In the afternoon Sine-Novela “Pati Ba Pintig ng Puso,” she plays Agatha, originally played in the movie by Dina Bonnevie. “Contravida ako rito kay Yasmien Kurdi, pero okay lang. The family of JC de Vera wants him to marry, but he chooses to marry Yasmien instead kaya kami ng mommy ko, Pinky Amador, try to make life miserable for Yasmien. In ‘Tiyanak’ naman, barkada kami nina Rica Peralejo, Mark Herras, Jennylyn Mercado and JC de Vera. Our car conks out in the middle of nowhere and we seek help in this house na hindi namin alam, bahay pala ng mga tiyanak. It’s directed by Mark Reyes and really scary.”

Is it true she’s now going steady with Jeremy Marquez, son of Joey? “We do go out, but we’re not really on yet.”

Incidentally, her daddy, Dr. Ed Santos, is with Jessica Rodriguez’s Beverly Hills Cosmetic Surgery as chief medical officer and we asked him what’s the real score between Karel and Jeremy? “I think they’re still in the getting to know each other stage. Nagkukuwento sa’kin ang anak ko and she doesn’t keep secrets from me, so I’m sure she’d tell me kung sila na nga.”

Karel’s mom is singer-actress Pinky Marquez. Her parents broke up when she was still a little girl and she now lives with her dad and stepmom, Dolly Syquia. “I have two half brothers, aged five and two, but I don’t consider them just half brothers as they really look like me so much, especially the two year old. Ate nila talaga ako.” Source.

Labels:


Continue Reading...

Asian Treasures, extended

EXTENDED palang muli ang Asian Treasures.

We kept on writing na sa June 15 na magtatapos ang first action adventure soap nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Marky Cielo and Glaiza de Castro na part ng GMA TeleBabad after 24 Oras, na extend pala ulit ito ng another week. Entonces, hindi na ito magtatapos this June 15 kundi sa June 22 na, at isang linggo pang magpapakaligaya ang lead stars ditong sina Angel at Robin.

Also, while tuloy ang main cast sa China this Monday, May 21, hanggang Beijing na lang sila at hindi na tatawid pa sa Macau.

Kulang na kasi ng time kung tatawid pang Macau ang production na hindi part of mainland China. Almost daily pa rin ang taping ng show to make it to their China trip sa Lunes.

We such a development, may possibility pa rin sigurong madagdagan pa ito.

* * *
SPEAKING of Asian Treasures, we’re glad director Joel Lamangan is back in the grind.

Nasa US ngayon si Eric Quizon, the original director of the Robin Padilla-Angel Locsin show.

In the meantime, sina director Joel and Mac Alejandre ang nagtutulong muna to direk this since two or three weeks ago pa yata.

Si Eric pa rin naman ang magdidirek nito once they go to China this Monday. We don’t know kung uwi muna si direk Erik sa Pilipinas or doon na siya didiretso.

Anyways, back to Direk Joel, at least busy siya ulit sa Kapuso network. Currently, he’s directing the first Sine Novela of GMA, ang Sinasamba Kita nina Sheryl Cruz and Valerie Concepcion na part ng Drama Rama Sa Hapon after Daisy Siete.

Ending of week three na today and so far, maganda ang feedback nito, hindi natatalo ng kalaban.

Tapos na yata si Direk ng second movie niya of the year, Seiko Films’ Silip, so he can concentrate on TV muna. Source.

Labels:


Continue Reading...

Janno Gibbs updates

Hindi pa namin nakakausap ang kampo ni Janno Gibbs kaya hindi namin kumpirmado kung totoong si Iwa Moto naman daw ang dinidiskartehan nito.

Ayon sa aming source, kapansin-pansin na raw ang sweetness ng dalawa sa taping ng Nuts Entertainment.

Nagsimulang pinagdudahan ang dalawa nang may nakakita raw kay Iwa na nasa kuwarto ni Janno nang nagkaroon ng SOP sa Golden Sunset Resort ni Ricky Reyes sa Calatagan, Batangas.

Itinanggi ito ni Iwa, pero isinusumpa ng nakakita na si Iwa raw iyun.

Nagkaroon daw ng out of town taping ang Nuts Entertainment na inabot ng gabi.

Nang na-pack-up daw ang taping may nakakita na sumabay si Iwa sa kotse ni Janno.

Kaagad na ipinarating daw ito sa Mommy ni Iwa kaya tinawagan si Iwa na bumaba sa kotse ni Janno.

Nakarating na raw ito sa GMA Artists Center kaya pinagsabihan na raw si Iwa na mag-ingat kay Janno.

Nag-comment pa raw si Janno na pati ba naman siya ay pinapakialaman na ngayon ng Artists Center?

Dagdag pang kuwento, hindi lang daw si Iwa ang dinidiskartehan ngayon ni Janno kundi pati raw ang Starstruck 4 winner na si Kris Bernal. Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, May 17, 2007

Diana Zubiri, Francine Prieto and Polo Ravales, go nude for Direk Joel

Seiko Films producer Robbie Tan is mighty proud of his current project, Silip, which gathers some of the outstanding talents of the movie industry, led by award-winning director Joel Lamangan.

Robbie says that Silip brings the sex-drama genre to “another level.”

Two prized Seiko Jewels, Diana Zubiri and Francine Prieto, topbill Silip along with Polo Ravales, a matinee idol who’s turning into a serious actor.

Supporting them are veteran performers Tony Mabesa, Eva Darren, Jim Pebanco, and Oris Daluz.

The artistic and technical staff of the film includes scriptwriter Raquel Villavicencio, master cinematographer Romy Vitug, musical director Jobin Ballesteros, production designer Edgar Martin Littaua, film editor Jess Navarro and line producer Manny Valera. All of them are esteemed and respected names in the world of cinema, having reaped awards and worked with the best filmmakers in the country.

Joel is pleased with the performances of Diana and Francine, with whom he worked for the first time. He admires their professionalism and attitude, “Walang reklamo, walang kiyeme. Alam nila that we are doing an adult film kaya ginawa nila ang hinihinging love and nude scenes.”

Direk Joel has worked before with Polo onscreen and on stage and the actor is aware of his exacting standards. For Joel, Polo gave his very best, including going completely nude for the first time.

In Silip, Polo plays a traveling salesman married to a waitress in a provincial restaurant, Diana. They settle in a far-flung, isolated farm.

Their life is blissful until a mysterious woman, Francine, appears. In Polo’s absence the two women become the best of friends �" until Diana suspects her husband and Francine are having an affair.

The love triangle ends in a frenzy of blood and violence. Source.

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera, gustong tikman si Yasmien Kurdi

SA tingin ni JC de Vera, isang potential girlfriend ang kanyang bagong lea-ding lady na si Yasmien Kurdi.

Magkasama sila sa bagong soap ng GMA-7, ang Pati Ba Pintig ng Puso na remake ng movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong ‘80s.

Ani JC: “Pag kasama mo si Yasmien ay walang dull moments. Iyan ang tipo kong babae at napaka- professional niya sa set.

“Bale first time lang naming maging loveteam. Ang madalas kong ka-loveteam lately ay si LJ Reyes,” kuwento ni JC.

“Hindi ko naligawan si LJ noong magka-loveteam kami dahil may Alfred (Vargas) siya, pero si Yasmien ay walang boyfriend sa ngayon kaya puwede ko siyang ligawan.

“Pero, hindi ako basta-basta pumapasok sa panliligaw ngayon. Siyempre, marami akong tinitimbang. And hindi ko priority ang paggi-girlfriend. Mas naka-tuon ako sa career ko. La-king pasalamat ko nga sa GMA-7 kasi hindi ako na-wawalan ng trabaho.”

Anak-mayaman si JC. Anak siya ni Don Griego (Eddie Gutierrez) na isang mapang-api at dominanteng businessman sa soap. Si Yasmien naman ay si Jenna na isang katulong ng mga Griego. Iikot sa pag-iibigan nila ang soap na si Gil Tejada Jr. ang direktor. Magsisimula na ito sa May 21. Source.

Labels:


Continue Reading...

Showbiz Central, tuwang-tuwa sa ratings

Kahit naka-14% ratings lang ang Showbiz Central compared to the 16.2% ratings ng The Buzz noong Linggo ay tuwang-tuwa pa rin ang GMA 7 management sa itinaas ng ratings ng kanilang bagong showbiz talk show.

Sa Linggo ay matinding mga istorya na naman ang ihahatid ng Showbiz Central.

May isang showbiz personality na kinukumbinsi nila na mag-Central Jury sa kanilang show.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Teri Onor, wagi bilang vice-mayor

Ibinalita rin sa amin ni Tito Jun Nardo na nagwagi ang alaga niyang si Teri Onor bilang vice-mayor sa Abucay, Bataan.

"Yez! Panalo si Teri! Landslide! ‘Kalokah, di ba?" text sa amin ni Tito Jun.

Inaasahan din ng mga loyal Vilmanians ni Mayor Rosa Vilma Santos-Recto na makaka-landslide si Ate Vi bilang gobernadora ng lalawigan ng Batangas.

Samantala, ang paboritong ka-loveteam ni Ate Vi na si Christopher de Leon ay nasa ikatlong puwesto sa labanan bilang bise-gobernador ng Batangas.

Ayon sa huling talaan na nakita namin ay nakauungos kay Boyet sina Jose Leviste at Edwin Ermita.

Nabanggit sa amin ng magkapatid na Ian at Kenneth de Leon na gusto sana nilang ikampanya ang kanilang Daddy Boyet sa huling hirit nito nu’ng Sabado pero pinigilan daw sila nitong pumunta dahil medyo delikado na ang sitwasyon sa Batangas.

Sa sobrang kabisihan ni Ian ay never niyang naikampanya ang kanyang ama kahit isang beses.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin at Marvin Agustin, halatang-halata ang kilos

Kahit sabihin nina Angel Locsin at Marvin Agustin na wala silang relasyon ay halatang-halata ang kilos ng dalawa nang makita namin sila kamakailan.

Walang masama kung sila na dahil pareho naman silang libre. Malaki ang nagawa ng pagsasama nila sa Asian Treasures kung saan ang kissing scenes nila ay ipinalabas ng house PR ng nasabing programa.

At least, kay Marvin na-link si Angel at hindi kay Robin Padilla na may asawa.

‘Yun ang una naming duda noon nang nag-uumpisa pa lamang ang Asian Treasures.

Pangit naman ang nasulat na masuwerte si Angel kay Marvin dahil mayaman na ito.

In fairness kay Angel ay marami na siyang na-invest at may sarili na siyang pera.

Bibili ba siya ng pagkamahal-mahal na Hummer kung wala siyang pera?

Ang mga bumibili ng ganoong kamahal na sasakyan ay sobra-sobra ang pera.

Sa dami ng commercial endorsements ni Angel ay sobra-sobra ang datung ng magandang aktres.

Source: abante-tonite.com

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, May 16, 2007

Angel Locsin gets Marimar remake

BAKA kay Angel Locsin ibigay ang Marimar.

Hanggang June 15 pa nga ang tapos ng Asian Treasures nila ni Robin Padilla sa GMA Tele Babad block. Maaksyon ang mga eksena ngayon sa Manila City Hall this week for the next anting-anting na hahanapin nila habang naka hostage naman ang mga mayors na part ng summit.

After four successive fantasy and/or action soaps, balik drama si Angel dahil sa kaniya nakatoka ang Philippine version ng Marimar ni Thalia kaya mas kabado siya rito kaysa sa iba niyang soaps. Paano raw, ang naaalala ni Angel sa Marimar, nagsasayaw ito. Hindi raw siya marunong magsayaw.

Di bale, matagal pa naman ito so may time siyang mag-aral. Source.

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina sinugod ang mga bumibili ng boto sa QC

NAKAKALOKA ang katapangan ni Ara Mina.

Aba, eh, siya mismo ang sumugod sa isang barangay sa 2nd district ng Quezon City nung eleksyon nang mabalitaan niyang laganap ang vote buying doon.

Walang kaabug-abog na pinuntahan ni Ara ang naturang lugar para alamin ang tunay na nangyayari.

May nakarating kasi sa kanyang report na namimi-li ng boto ang kampo ng kalaban ng kanyang tatay na si Chuck Mathay na tumatakbong congressman sa 2nd District.

Siyempre, as a daughter, ayaw ni Ara na matalo ang tatay niya sa hindi patas na eleksyon kaya kahit medyo risky, go ang beauty niya para protektahan ang votes ng tatay niya.

As of yesterday, isang text ang natanggap namin na nagsasabing karamihan sa mga barangay ng 2nd district sa Quezon City ay landslide ang pagkapanalo ni Daddy Chuck.

Eto ang exact figure nang natanggap naming text message para sa congressional race ng 2nd District: Chuck Mathay (11,981), Annie Susano (9,339), Dante Liban (5,332) at Jun Simon (2,640)

Kung magpapatuloy ang ganitong trending hanggang sa canvassing, malamang na makabalik nga sa Kongreso si Daddy Chuck.

Huwag lang sanang mandaya ang kanyang kalaban, huh! Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Vanna Garcia, ayaw na magsalita

Ayaw na sana ni Vanna Garcia na magsalita tungkol sa isyung panganganak niya pero nasaktan siya sa inilabas ng Showbiz Central noong Linggo kaya gusto na niyang magsalita para linawin na ang isyu.

Sinabi pa ng isa sa Showbiz Central jury na itinatanggi ito ni Vanna. Nag-react ang young actress dahil hindi pa raw siya nagsasalita tungkol sa isyung ito. Wala raw silang nakuhang denial mula sa kanya.

Narito ang text message ni Vanna na ifinorward ng kanyang handler na si Mit Pimentel.

"I did not deny my baby. I just chose to keep it private and I don’t want to talk about it yet. I did not tell people, only my family for certain reasons. They made me sound so bad naman saying I’m denying my baby.

"We chose to keep quite. But I’m really not planning to hide my baby. We were just waiting for the right time to talk about it," bahagi ng text ni Vanna na gustong iparating sa mga taga-Showbiz Central.

Pinili ni Vanna na aminin ang isyung ito sa Startalk, kaya abangan sa Sabado ang ipahahayag ni Vanna.

Pagkatapos niyang magsalita ay tatahimik na raw siya dahil pinili na raw niya ang tahimik na buhay at baka hindi na siya babalik sa pag-aartista. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales, gustong ligawan si Rhian

Dumating si Polo Ravales sa intimate birthday dinner namin noong Huwebes sa Chin Plates (nasa may gilid ng Teriyaki Boy at McDonald’s sa Morato Av., Quezon City at pag-aari ng kaibigan naming si Jean Lim).

Inamin ng binata na hindi pa sila nagkakausap ni Ara Mina pagkatapos nilang mag-break.

Tinawagan namin si Ara, na noon ay nasa isang campaign sa Bataan.

Sinabi namin sa dalaga na kasama namin si Polo at ipakakausap namin sa kanya. Hindi tumanggi si Ara, kaya ipinasa namin ang cellphone namin sa binata.

Nagkumustahan ang dalawa at mukhang okey ang kanilang pag-uusap. Kahit halatang tensiyonado si Polo ay nangingiti-ngiti siya.

Sa tingin namin ay pwede pa ring maging magkaibigan sina Polo at Ara kahit break na silang dalawa.

‘Yung magkabalikan, mukhang malabo na yata ‘yon, dahil ang alam namin, type ligawan ni Polo ang Lupin co-star niyang si Rhian Ramos.

Noong nag-taping ng SiS sa isang resort sa Batangas sina Polo at Rhian ay sobra ang pag-aasikaso ng binata sa dalaga.

Ang dinig pa namin, kumain somewhere sina Polo at Rhian pagkatapos ng taping na ‘yon.

Nang tanungin namin si Polo tungkol kay Rhian, nangiti lang ang binata at tinanong niya kami kung bagay ba silang dalawa at kung hindi ba nililigawan ni Richard Gutierrez ang leading lady nito sa Lupin.

Teka! Hindi kaya magkaroon na naman ng isyu kina Rhian at Ara dahil sa item naming ito? Kung matatandaan, nagkaisyu kina Rhian at Ara a month ago dahil sa pang-iisnab ni Rhian kay Ara. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 15, 2007

Katrina Halili gustong balikan ng ex-bf

MADALAS pa rin palang nagkakausap ngayon sina Andrew Schimmers at Katrina Halili kahit inamin na nilang break na sila.

Nang nakausap namin si Andrew, nasabi niyang close friend pa rin silang dalawa ni Katrina. Kung hindi naman sila nagkikitang madalas, nag-te-texting daw sila at nagtatawagan.

“Sa ngayon, hindi ko pa masasabing magkakabalikan na kami ni Katrina. Wala sa isip namin ang muling magkaroon ng relasyon. Masaya na kaming magkaibigan sa ngayon. Kung magkakabalikan kami, hindi pa siguro panahon. Pareho kaming busy sa aming career.”

Nabanggit ni Andrew na super busy si Katrina sa soap nitong Lupin. Almost four times a week daw ang ta-ping nito.

Samantala, si Lupin, played by Richard Gutierrez ay makukulong na nang habambuhay sa Isla Muerte. Doon ay biglang lalabas ang madre na si Sister Anna Nicole na gagampanan naman ni Ara Mina. Kung bakit andoon ang madre sa isla ay hindi pa batid ng marami.

Mag-a-attempt sina Ashley (Katrina Halili) at Brigitte ( Ehra Madrigal) na gumawa ng plano para sagipin si Lupin sa isla at maitakas ito. Magtagumpay kaya sila? Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Mga Mata ni Anghelita, to replace Asian Treasures

NAG-IBA na naman ng plano ang GMA-7 dahil sa halip na Shaider ang ipalit sa Asian Treasures, Mga Mata ni Anghelita muna ang uunahin.

Si Jolina Marie Reyes, ang young Kristal sa Bakekang, ang gaganap na Anghelita. Another big break sa bagets ang magbida sa TV remake ng hit movie na pinagbidahan ng yumaong Julie Vega noon.

Kasama sa cast sina Marvin Agustin, Mark Herras at Lucy Torres-Gomez sa role ng Virgin Mary na magbibigay ng paningin kay Angelita.

Bagay sa misis ni Richard Gomez ang role dahil maamo ang maganda niyang mukha at sobrang puti.

Si Khryss Adalia ang napili ng Channel 7 na magdirek ng teledrama.

Ang unang plano pala ay ilagay sa Sinenovela block ang Mga Mata ni Anghelita, pero nabago ang plano at inilipat ito sa primetime block na mas marami ang nanonood. Source.

Labels:


Continue Reading...

Rochelle Pangilinan dinumog

NAKAPAGTATAKA, pero parang walang gaanong pumapansin at bumabati kay Joseph Bitangcol noong magparada sa pista ng Jaen, Nueva Ecija, kasama sina Rochelle Pangilinan, Louise Bolton, Jan Manual at Halina Ameri sa invitation ni Mayor Santy Austria.

’Yun pala, akala ng iba, dayuhang artista ang BF ni Sandara Park dahil blonde ang kulay ng buhok. Bagets kasi, kaya hindi na namin itinanong kung bakit siya nagpakulay ng buhok.

Mababait ang sumalubong sa mga artistang bisita. Superstar ang dating ni Rochelle Pangilinan, na pinanggigilan ng mga tagahanga.

Nasugatan pa nga si Rochelle dahil hindi maawat ng bodyguard na si Jun ang panggigigil ng fans sa Sex Bomb leader.

Pinaghahalikan naman ng kababaihan si Jan Manual at hinangaan sina Louise at Halina Ameri.

Napakaraming taong sumaksi sa parada, kasing dami ng dumalo noong May 5, kung saan naging panauhin naman sina Mae Rivera, Rain Moral, Hannah Villame at Faith Cuneta. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Monday, May 14, 2007

Isabel Oli and Paolo Contis, reconciled

PAOLO Contis says he and Isabel Oli are back in each other’s arms. “I was in the Middle East for three weeks,” he says. “When I returned home, I asked her, did you date anyone while I was gone? Sabi niya, wala raw, then she asked if I dated anyone habang hindi kami nagkikita. I said no. So, ayun, sabi ko, di tayo na uli.”

Paolo underwent Smart Lipo at Dr. Vicky Belo’s Morato clinic last Friday and we were there to watch it. We told Paolo he’s not in such a bad shape, but he says he really gained weight. “I didn’t have time to work out as I’m in three shows: ‘Asian Treasure’, ‘Who’s Your Daddy Now?’ and ‘Fantastic Man’. Puro trabaho talaga, tapos lamon. When I was in the Middle East, puro lamon din. So ayan, puro love handles ang waist ko.” Source.

Labels:


Continue Reading...

LJ Reyes reacts on issue

MATINDI ang alegasyon ni LJ Reyes na siya ay tsinansingan ng isang kandidatong tinulungan pa niyang magkampanya. Malala rin naman ang mga comments na nagsasa-bing tumulong na nga sa kampanya si LJ, binastos pa.

Natural mabilis na nag-react ang pulitiko at nagpaliwanag agad. Hindi man binanggit ang kanyang pangalan, alam naman ng mga tao sa lugar nila kung sino ang pulitikong sinasabing nakasama ni LJ sa isang motorcade.

Ang masama, nakasama pa ang writer na si Cesar Pambid sa problema, dahil siya pala ang nakipag-usap kay LJ para sa nasabing kampanya. Hindi rin pakiusapan iyon, binayaran si LJ para magkampanya at sinasabi nga ni Cesar na kung titingnang mabuti si LJ pa nga ang hindi nakatupad sa usapan.

Magiging problema ni LJ iyan sa palagay namin. Source.

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina sa Lupin

THIS week ang pasok ni Ara Mina sa Lupin.

Last week din ang birthday ni Ara, May 9. At that time, hindi lang siya busy sa kampanya, pati sa first taping week niya for her new soap Lupin with Richard Gutierrez.

She plays a madre, si Sister Nicole Anne but a mysterious madre; walang nakakaalam kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya sa kulungan kung saan dadalhin si Lupin (Richard). Si Ara ang bale ay magiging spiritual adviser ni Richard.

After kasing mahuli si Lupin last week, dadalhin na siya sa Isla del Muerte where he will meet Sister Nicole Anne. Actually very important week ito dahil ito rin ang first appearance ng third member of Lupin’s gang, si Castor played by Boy 2 Quizon.

The other two members are Ashley (Katrina Halili) and Brigitte (Ehra Madrigal). Buo na sila, ma-save kaya nila si Lupin?

Lupin airs right after Super Twins sa GMA Tele Babad. Source.

Labels:


Continue Reading...

GMA leads the ratings game!

PATI sa media survey, GMA got the higher trust ratings.

Pulse Asia recently did a trust survey recently wherein GMA News and Public Affairs topped as the most trusted source ng balita at impormasyon hindi lamang sa Mega Manila kundi sa buong Luzon. Ayon sa Ulat Ng Bayan survey mula February 28 hanggang March 05, 2007, pumalo ng 77% ang trust rating ng GMA para sa NCR at 69% naman para sa ibang bahagi ng Luzon. Samantala, ang ABS ay nagtala ng 68% sa NCR at 67% sa ibang bahagi ng Luzon .

Sa kabuuan ng Luzon kasama na ang Mega Manila, humakot ang GMA ng 71% credibility rating at ang ABS-CBN naman ay mayroong 67%. Pinatunayan din ng Pulse Asia survey na mas mataas ang credibility rating ng Kapuso Network sa A, B at C market sa buong bansa matapos itong makakuha ng 78% na credibility rating kumpara sa 71% na nakuha ng Kapa-milya.

Expect higher ratings for GMA News and Public Affairs Election 2007. Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, May 13, 2007

Mart Escudero, to try to go solo

SUSUBUKANG pagsolohin si Mart Escudero.

We have already reported of Kris Bernal’s new assignment Shaider kung saan isa siya sa dalawang leading lady ni Marky Cielo, the other one being Lovi. Sila ni Mart ang nahirang na Ultimate Pair but Mart won’t be in the series to be her partner. Now, si Mart naman, bibigyan din ng solo episode sa Mga Kuwento Ni Lola Basyang, ang Pedrong Walang Takot.

This is today’s episode after Showbiz Central where Mart plays the title role. Makakasama niya rito sina Sylvia Sanchez and Ronnie Lazaro as his pa-rents at si Tony Mabesa as Padre Huwan.

This is from the direction of Argel Joseph and Don Michael Perez. Baka nga naman umubra rin sina Mart and Kris even if separated just in case.

Ito rin ang second season opener ng MgaKuwento Ni Lola Basyang. Source.

Labels:


Continue Reading...

Philippine Agenda: Reporma sa Eleksyon

‘Reporma sa Eleksyon’ ang ilalahad ni Jessica Soho sa Philippine Agenda bukas (Linggo) nang 7:00 PM sa GMA-7.

Dalawang klase lang daw ang kandidato sa Pilipinas -- nananalo at nadadaya.

Ang halalan daw rito ay balot ng dayaan. Sa kampanya, bumabaha ng pera. Bahagi raw ng kultura ng eleksyon sa bansa ang pamimili ng boto.

Mistulang patunay rito ang video na nakunan ng Philippine Agenda -- ang pagbibilang at pagsisilid sa sobre ng mga perang diumano’y ipamumudmod sa mga bontante ilang gabi bago mag-eleksyon.

Nagkalat na rin ang iba’t ibang mga klase ng give-aways mula sa mga tumatakbo. Ilan sa mga gimik na ito ang pamimigay ng mga insurance, text card, scholarship, libreng motor at may pa-raffle pa.

Lahat ng mga malikhaing paraan ng paggamit ng suhol para maimpluwensyahan ang boto ng mga tao, naglalabasan na.

Sa kabila ng lahat ng ito, bakit kaya walang nakukulong dahil sa pandaraya?

Ang ilang nasabit sa ‘Hello Garci’ controversy ay na-promote pa ng posisyon! Source.

Labels:


Continue Reading...

Startalk contacts Yilmaz Bektas

Nakontak ng Startalk si Yilmaz Bektas para hingan ng sagot tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Ruffa Gutierrez.

Nangako itong magpadala ng statement pero as of this writing, wala pa kaming natatanggap na email niya.

Inaayos daw niya muna dahil pagkatapos daw ng ilalabas niyang statement, hindi na raw siya magsasalita uli.

Hindi rin kinumpirma ni Yilmaz kung darating siya sa Lunes para sunduin dito si Ruffa.

Nang tinanong ito ng staff ng Startalk kung darating siya sa Lunes, "No!" agad ang sagot nito, pero bandang huli ay binawi niyang "not sure" daw. Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 12, 2007

Paolo Contis gustong sundan si Isabel Oli

KAHIT hindi pa official ang reconciliation, inamin ni Paolo Contis na constant ang communication nila ng (ex?) girlfriend na si Isabel Oli. In touch daw sila kahit nasa Singapore pa ang dalaga with her family.

Ani Paolo, saka niya na-realize kung gaano kamahal ang GF nang iwan siya nito. Kaya naman kahit sasailalim pa lang sa Smart Lipo under Dra. Vicki Belo kahapon ng hapon, ang pagsunod na kay Isabel sa Singapore ang pinaplano ng young actor.

“Kahit three days lang,” hirit nito sa manager na si Lolit Solis, “pangit naman kasi kung sa text namin pag-uusapan ang tungkol sa reconciliation, ’di ba? If I go there, baka sakali.”

Yes, nagpasipsip si Paolo ng taba para maibalik ang 32-inch waistline at updated si Isabel tungkol dito. Tumaba raw kasi si Paolo at nagkaroon ng love handles dahil sa kakakain sa taping.

“Nu’ng nasa Middle East ako, mga 200 tao yata ang tumawag sa akin na taba. Muntik ko ngang tadyakan, eh,” birong tsika ng aktor, na 190 lbs. at 5’10” tall sa edad na 23.

Hindi raw siya takot sa halos two-hour lipo procedure, na kinober pa ng FHM, dahil under sedation siya all throughout. In one or two days, puwede nang maglakad si Paolo.

By the way, nang malamang magpapa-lipo si Paolo, pinadalhan ito ni Claudine Barretto, naging co-star sa Home Along da Riles, ng sandamukal na sanitary pad at sheet. Source of the news.

Labels:


Continue Reading...

First solo primetime soap ni Marky Cielo

MORE about Shaider.

Malapit nang magsimula ang first solo primetime soap ni Marky Cielo, the Philippine version of the hit science fiction show of Japan during the late ‘80s na ipinalabas din sa Pilipinas several times and in several television channels including IBC 13, GMA-7 and ABS-2 in that order.

Si Dominic Zapata ang magdidirek nito after he finishes Super Twins.

Marky, it turns out, will have two leading ladies pala.

One is Kris Bernal of StarStruck IV and the other, his first leading lady in his first primetime soap, si Lovi, sa Bakekang.

Si Jay Manalo ang nakatakdang maging main kontrabida at ang mga alagad niya naman ay sina Bianca King, Iwa Moto, Arci Muñoz and Isabel Oli.

Nililigawan pa si Raymart Santiago to be part of the cast. Sa tingin namin kapag napasama si Raymart sa palabas na nabanggit namin sa unahan, magiging hit na hit ito dahil alam naman ng lahat ng televiewers kung gaano ka-versatile ang mister na ito ni Claudine Barretto when it comes to acting. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Sexier Iza Calzado

MAS sexy na Iza Calzado ang nakita namin sa set ng Magpakailanman kung saan ginagampanan niya sa drama anthology ang life story ni Rosal Rosal noong 16 to 35 years old ito.

Ani Iza: ”Super ganda si Rosa Rosal nang nakita ko sa set. Kaya natuwa naman ako at ako ang napiling lumabas noong kabataan niya sa MKM.”

Sa life story ni Ms. Ro-sal, mismong siya ang gaganap sa panahon siya’y ma-tanda na. Kahit may edad si Ms. Rosal, namamayagpag pa rin ito bilang Red Cross official ng bansa.

Nakita namin sa set si Iza na ang suot na gown ay rolling 1950s ang motif. Kulay red ito na mababa ang neckline.

Kinunan ang eksena sa Quezon City General Hospital kung saan nagkaroon ng charity work si Iza bilang Rosa Rosal at artista pa siya noon ng LVN Pictures.

Ani Iza: “Alam ko na nagsimula siyang maging active sa Red Cross nang siya’y 19 years old. Nag-start siya sa showbiz ng 16. Tapos, magkakaanak siya at si Toni Rose Gayda ito.”

Sa istorya, ipapakita si Toni Rose na siya’y 9 years old na. Kasa-kasama ni Iza ang bata sa mga showbiz affair.

Ipapalabas ang episode pagkatapos ng Elma Muros story na bida si Jennylyn Mercado. Sa May 17 ito. Probably, May 19 ang airing ng Rosa Rosal story. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

ANGEL NOT READY TO FALL FOR MARVIN YET

ANGEL Locsin drives a new expensive car, a black Hummer that is driven in the U.S. only by rich people. The only other local stars who have a Hummer are Eddie Garcia and Mon Confiado. Angel says she paid P5 million for it, in cold cash. Did she get the money from her talent fee as one of the endorsers of Sen. Manny Villar?

“No,” she says. “Ang dami kong ibang endorsements, ‘no? All in all, I have 14 products endorsed and I don’t hide that from the BIR. I declare all my earnings to them.”

Is she really now on with Marvin Agustin after breaking up with Oyo Sotto? “Marvin and I became close friends dahil sa ‘Asian Treasures’ where we even had a kissing scene. Pero hindi kami on. I’m not ready yet to get into another relationship.” Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, May 11, 2007

Jennylyn Mercado vs. Alessandra da Rossi

May gusot pa rin sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Alessandra da Rossi sa set ng Super Twins.

Ayon sa mapagkakatiwalaang sources ay madalas paringgan ni Alessandra si Jennylyn pero hindi raw pinapatulan ni Jennylyn si Alessandra.

Dedma si Jennylyn sa mga parinig ni Alessandra kaya walang gulong nangyayari sa set.

Madalas daw binabati ni Jennylyn si Alessandra pero dedma ang huli.

Pinagsabihan daw ng production people si Jennylyn na huwag na lang batiin si Alessandra. Naiirita raw si Alessandra tuwing babatiin ito ni Jennylyn.

Mas feel daw ni Alessandra na wala na lang pansinan at ang trabaho na lang ang pagtuunan ng pansin.

Mukhang mahirap yata ‘yung may katrabaho ka na alam mong hindi ka feel o galit sa iyo.

Sabagay, may mga taong sanay sa ganoong sitwasyon. Siguro, mas nakatutulong ito kay Alessandra sa kanyang role doon na api-apihin ang Super Twins. Visit the source.

Labels:


Continue Reading...

Paolo Ballesteros, to say bye to Eat Bulaga

Isa si Paolo Ballesteros sa hosts ng Eat Bulaga na malapit nang magpaalam sa show.

Ang sabi ng source namin, alam na ng kampo ni Paolo na malapit nang mawala sa Eat Bulaga ang binata.

Nagkausap na raw sina Malou Choa-Fagar (executive ng TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga) at Joji Dingcong (manager ni Paolo) tungkol sa bagay na ito.

Ilang taon ding nanatili sa Eat Bulaga si Paolo, kaya mawala man siya sa show, dapat pa rin siyang magpa-salamat sa magandang exposure niya sa show.

Ang dinig namin, inalok ng GMA 7 management si Paolo para maging kontrabida ni Marky Cielo sa Shaider. Source of news.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin endorses Manny Villar and Koko Pimentel

Puyat-puyatan si Angel Locsin dahil umaga na siyang natapos sa taping ng Asian Treasures pero dumating pa rin siya sa pa-luncheon ni Sen. Manny Villar kahapon nang tanghali sa Teriyaki Boy sa Starmall EDSA.

Seryoso ang sagot sa amin ni Angel nang tanungin namin kung bakit niya napiling suportahan ang isang katulad ni senatoriable Manny Villar.

"Kasi, parang bilang isang artista, nasanay akong laging neutral lang, eh! Kailangan safe ‘yung mga ginagawa ko sa buhay.

"Ngayong eleksyon, gusto ko naman na meron akong papanigan na tama. Kaya pinili ko itong isang tao na alam kong makatutulong sa bayan natin.

"Hindi ito dahil sa pera kundi para sa kinabukasan ko, sa magiging pamilya ko, sa magiging anak ko at sa ikabubuti ng bayan natin," bulalas ng dalaga, na ang ganda pa rin kahit kulang sa tulog.

Dagdag niya pa, "Kasi siyempre, kaming mga artista, public figure kami, eh! Role model kami. So, gusto kong hikayatin ang mga kabataan na makisangkot at mangialam sa susunod na eleksyon.

"Maging responsable tayo. Bumoto tayo nang tama. Huwag tayong magpapabili o magwawalang-bahala. Kasi, sayang ‘yung isang boto natin!"

Ani Angel, sa Caloocan siya nakarehistro kaya roon siya boboto sa Mayo 14. Inisa-isa niya sa amin ang mga rason kung bakit niya ineendorso si Senador Manny.

"Unang-una, malinis ang record niya. Pangalawa, ‘yung lifestory niya na galing sa hirap at nagtiyaga, parang nakaka-relate ako roon, ‘di ba?

"Dapat ganu’n tayong mga Pinoy para gumanda ang kinabukasan natin.

"Pangatlo, honest siya. Kailangan natin ng taong honest sa Senado at sa pulitika. Kasi, ang hirap kung hindi natin pinagkakatiwalaan ‘yung namumuno sa atin.

"At isa pa, nandu’n ‘yung concern niya sa mga kababaihan. May ginawa siyang batas para sa mga babae. Ako, sinusuportahan ko ‘yon. Active ako sa GABRIELA ngayon, ‘di ba? Ako ‘yung taong may pakialam sa mga kapwa ko babae!

"Kaya gusto kong sabihin sa mga tao na si Sen. Manny Villar, napakabait na tao, mabuting ama, mabuting asawa. Magandang role model. Kasi, galing sa hirap, tapos nakita naman natin kung nasaan na siya ngayon, ‘di ba?" dayalog pa niya.

***

Tinawanan lang ni Angel ‘yung bali-balita na bahay at lupa umano ang kapalit ng pag-eendorso niyang ‘yon sa butihing senador.

"Sana nga po! Ha! Ha! Ha!

"Hindi po. Bumili lang po ako ng lupa sa Tagaytay, sa Crown Asia, at binigyan niya po ako ng discount. Matagal ko nang tinitingnan-tingnan ‘yon. Tapos, nalaman ko na lang na sila pala ‘yung developer.

"Ganu’n lang po ‘yon. At saka lupa lang po ‘yon, wala pang bahay!" eskplika niya.

Ang sabi-sabi, ‘yung bagong bili niyang sasakyan na Hummer ay bigay naman ng isa pa niyang ineendorsong senatoriable na si Koko Pimentel…

"Ay nako, sana nga po! Si Koko po, kamag-anak ko. Super ‘for the love of’ lang po ‘yon. Kasi, siyempre po pamilya ko. Mahal ko ang pamilya ko kaya sinusuportahan ko…

"Sana nga po, binibigyan na lang ako para hindi nababawasan ‘yung savings ko! Ha! Ha! Ha! Pero pinaghirapan ko po ‘yon talaga. Binayaran ko po ‘yon (Hummer) nang cash!" pakli niya.

Pinagdiinan ni Angel na hindi totoong ‘katas ng eleksyon’ ang kanyang lupa sa Tagaytay at Hummer (isang uri ng mamahaling sport utility vehicle na nasa P5M o higit pa ang presyo).

"Hindi po sa pagyayabang, pero ang ineendorso ko pong produkto eh, 14! ‘Yun po ‘yung may kontrata ako ngayon, iba pa po ‘yung mga dati na hindi na nag-e-exist ang kontrata.

"So, lahat po ‘yon, pinaghihirapan ko. At para sa akin, bayan muna bago pera!" mataginting na bulalas niya.

Nabanggit din ni Angel na siya na ang personal na humahawak ng finances niya, pero may guidance pa rin mula sa kanyang ama, ate at manager na si Becky Aguila.

Noon ay nagkaroon sila ng isyu sa pera ni Becky pero ngayon daw ay maayos na ang lahat at wala na silang problema. Source.

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites