<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, June 30, 2007

Maybelline dela Cruz as Dora

Kasama na pala si Maybelline dela Cruz sa cast ng Impostora at gagampanan ang role ni Dora, ang best friend at co-janitress ni Lara (Iza Calzado). Thankful ito sa GMA-7 dahil hindi siya nakakali­mutang kunin sa ka­nilang mga show.

Mula kay Mark Anthony Fernandez, na­la­man naming malapit nang ikasal si May­belline na kinumpirma agad nito. Sa January 20, 2008 ang wedding nila ni Dagupan City councilor Michael Fer­­nandez. Two years na ang kanilang relas­yon bago magdesisyong mag­­­pakasal at nasa edad na naman siyang mag-asa­wa sa gulang na 24 at 34 years old na­man ang fiancé.

Sa Manila Cathedral ang kasal at sa Coconut Palace na­man ang reception. Dapat this year ang kanilang kasal, pero fully-booked ang cathedral sa rami nang ikaka­sal. Cham­pagne gold at burgundy ang motif ng kasal at si Noli Hans ang ga­gawa ng kan­yang bridal gown.

Kabilang sa kani­lang wedding sponsors sina Dolphy, Armida Si­guion-Reyna, Nova Villa, Lolit Solis, Ida He­nares, Gina de Ve­necia at Rosa Rosal.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Kuya Germs: thinks of a welfare fund para sa mga mata­tandang artista

Hindi pa rin nawa­wala sa isipan ni Kuya Germs ang pagkaka­roon ng isang welfare fund para sa mga mata­tandang artista, at lalo na nga yong may mga sakit na. Alam din na­man kasi niyang sa da­mi ng kailangang asi­kasuhin ng Mowelfund, at dahil sa katotohanang wala na nga halos pi­nag­kukunan ng pondo dahil lumiit na nang lumiit ang share noon mula sa taunang Metro Manila Film Fes­tival, hindi talaga matu­tugunan ang mga pa­nga­ngailangan ng mga matatandang artista.

Noong presidente pa siya ng KAPPT, iniisip na niya iyang welfare fund para sa mga reti­rado nang artista, pero sinasabi nga sa kan­yang hindi saklaw yon ng tunay na mithiin ng KAPPT. Maski nga yong kanyang ginawang Walk of Fame at Para­dise of Stars na hindi niya maipapasok yan bilang proyekto ng KAPPT noong araw ka­hit pa presidente siya, kaya matapos ang kanyang term ginawa niya iyan nang mag-isa. Kung hihintayin nga na­man niya ang mga ma­kakasama niya sa pro­yektong ‘yan, baka hindi na magawa yan.

Nagbalak din siya noon ng weekly stage shows, na ang kikitain ay para sa mga mata­tandang artista, pero dahil wala ngang venue, nagkasya na lang siya sa pagpo-produce ng mga shows paminsan-minsan. Pero sinasabi niya na kagaya sana sa Hollywood na ang isang bahagi ng kinikita ng mga sinehan ay napu­punta sa artists welfare fund, mas ok sana. Pero magagawa ba niya ito ngayon na ang mga pe­li­kula ay sakal na sa­kal na sa napaka­laking tax­es na isi­nampal ng gob­yerno, nadagdagan pa nga ng EVAT? Kung ang mga producers ay mag­da­dag­dag pa ng singil para sa welfare fund ng mga artista, sino pa ang ma­nood ng pe­likulang Pilipino?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin aalis na sa GMA!

Nag-usap na raw ang management ng Channel 7 at ang man­ager ni Angel Locsin, at matapos ang pag-uusap na ‘yon ay mukhang luma­labas ngang soo­n­er or later ay aalis na si Angel sa GMA Network dahil mukhang ayaw na rin niya noong co-mana­gement deal ng network sa kanya.

Sa totoo lang, mali naman talagang em­ployer mong net­work, ang siyang nag­ma-manage din ng ca­reer mo. Dahil sino nga ba ang magbibigay sa iyo ng proteksyon? Alin ba ang mas pahaha­la­gahan, ang kapa­ka­nan ng artista o ang pa­ki­na­bang ng net­work?

Sinasabi nga nila, kung hindi ka hawak ng network, walang mang­yayari sa career mo da­hil hindi ka bibig­yan ng assignment. Pero kung hawak ka nila, sino na­man ang magbibigay ng proteksyon sa iyo at sa kapakanan mo?

Natural puro kabig nila ang gagawin nila, at totoo ‘yan sa lahat, hindi lang naman sa GMA.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, June 29, 2007

Michelle van Ei­meren, in hiding

Hindi pa pala sumu­suko ang ibang mga reporter dahil hanggang ngayon eh, hinahanap nila si Michelle van Ei­meren sa Australia.

Type nilang makuha ang side ni Michelle tungkol sa Ogie Alca­sid-Regine Velasquez love affair pero nahihi­rapan silang matag­puan ang kinaroroonan ng dating beauty queen.

Talagang magdu­rusa ang mga reporter na naghahanap kay Mi­chelle dahil mahirap hanapin ang isang tao na nagtatago.

Malinaw ang mes­sage na gustong ipara­ting ni Michelle, hindi siya magsasalita tung­kol sa love affair ng kan­yang asawa at ni Re­gine.

Malay natin, masaya na rin si Michelle dahil may balita noon na may boyfriend na rin siya na kapwa niya Australian.

I’m sure, may pahin­tulot din ni Michelle ang pagsasalita at pag-amin ni Ogie dahil ito mismo ang nagsabi na mataas ang respeto niya sa kanyang ex-wife.

Kaya sa mga nagpi­pilit na makita at main­terbyu si Michelle, ha­yaan n’yo na siya na i-cherish ang kanyang pagiging private citizen.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili ayaw na kay Cristine

Medyo nahilo kami sa mga isinagot sa amin ni Katrina Halili nang makausap namin ang seksing dalaga tungkol kay Cristine Reyes sa birthday party ni Polo Ravales nu’ng Martes.

Ayon kay Katrina, nagsasawa na siya na tatlong taon na silang pinagtatapat at iniintriga ni Cristine samantalang wala silang project together.

Dinenay niya sa aming may gap sila pero sa isang interbyu ay inamin mismo ni Cristine may tensyon sa pagitan nilang dalawa gayong dati silang close friends.

"Hindi naman sa hindi na kami friends, pero ayoko na pong dumikit sa pangalan niya!" mariing dayalog sa amin ni Katrina.

Napikon daw kasi si Cristine nu’ng magbiro siya minsan sa Startalk ng, "Nanggagaya naman kasi siya, eh!" na patungkol kay Cristine.

Nag-sorry naman daw si Cristine na nagalit ito sa kanya at ang alam niya ay okey na sila.

"Hindi ko naman sila inaaway, pero binibigyan nila ng ibang kahulugan ‘yung sinasabi ko. Kung ganu’n din lang, eh ayoko na lang magsalita at ayoko na lang makipagkaibigan sa kanila!

"Basta ako, lahat ng tao, kaaway ko man o hindi, ‘pag kinausap ako, totoong tao ako. Pero ‘pag hindi nila ako pinansin at meron silang sinasabi sa akin na masama, wala akong pakialam sa kanila!" sambit pa ni Katrina.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Keempee de Leon at Bubbles Paraiso sa Bubble Gang

Panauhin sina Keempee de Leon at Bubbles Paraiso sa Bubble Gang ngayong gabi sa GMA 7.

Meron ditong GAGS ng mga kaganapan sa sexy pictorial.

Ang KONSENSIYA ay bagong segment ng programa, kung saan bigla kang kinakausap ng iyong konsensya upang matanto mo ang iyong pagkakamali.

Bagong segment din ang PANINGIT, kung saan ipakikita ang karaniwang pagbigkas sa ilang salita.

Ang I LOVE YOUR BOY ay bersyon ni Bitoy ng hit song ni Timmy Cruz na I Love You, Boy.

Sa MR. KLEEN ay may limang bersyon ang patalastas ng Mr. Clean, kung saan si Bitoy ang gumanap na Mang Jordan.

Sa ANG TAKSIL, nagpatulong ang isang imbestigador (Wendell) sa psychiatrist (Bitoy) kaugnay sa kanyang damdamin sa mga babae at sa two-timer niyang asawa.

Sa EXCLUSIVE, gumawa ng maling report ang isang reporter (Bitoy) at isang photographer (Keempee) upang lumaki ang isang maliit na isyu.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 28, 2007

Katrina Halili, FHM’s Philippines Finest sa World’s Sexiest Women

KATRINA Halili retains the title of being FHM’s Philippines Finest sa World’s Sexiest Women.

Nag-number 1A na naman si Katrina of GMA’s Lupin for second year in the row at kasunod niya muli si Angel Locsin who held the title noong 2005. Ang partner in crime ni Katrina sa Lupin na si Ehra Madrigal, no.5 samantalang ang kasama naman ni Angel sa magtatapos tomorrow na Asian Treasures na si Diana Zubiri, no.7.

Si Jessica Alba of Fantastic Four ang Hollywood counterpart ni Katrina.

Anyways, kung ending na tomorrow ng Asian Treasures, week 12 pa lang naman ang Lupin after Impostora sa GMA TeleBabad. Mamaya, mabibigyan ulit ng chance si Inspector (Janno Gibbs) upang hulihin si Lupin (Richard Gutierrez). Mag-aalala naman si Ashley (Katrina) kay Brigitte (Ehra) dahil nakitang muli nila ang Tiyo Bob niya at papatayin niya ito.

This time, si Inspector Clavio naman ang magdi-disguise.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Katrina Halili at Andrew Schimmer updates

PATUTUNAYAN nina Katrina Halili at Andrew Schimmer na friends pa rin sila kahit nag-split na bilang lovers nang tanggapin nila ang personal appea-rance sa Leyte.

Sabi ng source, willing pa ring makatrabaho ni Katrina si Andrew kasi may pinagsamahan naman sila. Malamang, mag-iingat lang si Andrew ng mga ikukuwento niya kay Katrina. ‘Wag na lang niyang babanggitin ang pagsasamanila ni Cristine Reyes sa isang movie, ang Green Paradise.

Balitang may gap ngayon sina Katrina at Cristine dahil ginagaya raw ng huli ang mga ginagawa ni Katrina. Kasi, nung nagkasakit si Katrina aba, nagkasakit din si Cristine, ha!

Anyway, abangan na lang ang show nina Katrina at Andrew, ang Night of the Stars starring Andrew Schimmer Pooh (Manny Paquiao’s Spoof) and Katrina Halili.

Ang venue ay sa Pintados Kasadyaan Festival Park (RTR Plaza), J. Romualdez St.,Tacloban City, Leyte.

Ang okasyon ay sa pamumuno nina Congresswoman Remedios ‘Matin’ L. Petilla at Gov. Carlos Jericho ‘Icot’ L. Petilla.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Asian Treasures ends tomorrow

Magtatapos na bukas (Biyernes, Hunyo 29) ang adventure series ng GMA Network na Asian Treasures.

Mula sa malawakang treasure hunt na nagdala sa mga manonood sa Corregidor, Palawan, Benguet, Surigao, Thailand at China, matutunghayan na ang pagdiskubre sa pinakamimithing Asian treasure.

Makukumpleto na sana nina Gabriela (Angel Locsin), Elias (Robin Padilla), Hector (Marvin Agustin) at Ingrid (Diana Zubiri) ang mga anting-anting na kinakailangan para matunton ang hidden Asian treasure ngunit tuso pa rin si Wakan (Eddie Garcia).

Nalinlang ni Wakan si Gabriela na isuko sa kanya ang mga anting-anting kapalit ng kalayaan ni Lolo Julian (Joonee Gamboa).

Ipinagpatuloy ng grupo ang paghahanap sa Asian treasure at napag-alaman nilang nasa Bagumbayan ito.

Laking gulat nila nang makitang napapalibutan ng mga makapangyarihang Sudama ang monumento.

Umaatikabong labanan ang naghihintay sa grupo.

Eksplosibo ang pagtatapos ng Asian Treasures bukas pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales updates

Ang saya ng 25th birthday party ni Polo Ravales kamakalawa sa Guilly’s Island bar sa Tomas Morato Extension, QC.

Sabi sa amin ng birthday boy, ang wish niya ay magkaroon ng acting award (para kaya sa Silip?) at mabigyan ng big break ng GMA-7 dahil gusto raw niyang magkaroon ng lead role sa isa sa mga programa ng Kapuso network.

Wala raw girlfriend ngayon si Polo na okey lang sa kanya dahil happy raw siyang single.

As usual ay ang kikay-kikay ng ex-girlfriend ni Polo at kapatid niya sa kuwadra ni Direk Manny Valera na si Alessandra de Rossi.

Pagdating pa lang ay panay na ang patawa ni Alex, na gusto raw maging rockstar nang malamang may binuong bagong boygroup sina Polo.

Malutong na ‘Papi’ ang tawag ni Alex kay Polo. Sey nito, "Ang wish ko, sana tuluy-tuloy na mag-flex ‘yang muscles mo at sana makahanap ka ng babaeng magmamahal sa muscle mo!" na tinawanan lang ng birthday boy.

***

Isinabay na rin sa party ni Polo ang pag-i-introduce sa bagong boygroup na mina-manage ni Direk Manny na ang pangalan ay boyz.com.

Kasama rito ni Polo sina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco.

Lahat sila ay alaga ni Direk Manny, maliban kay Joseph na ‘hiniram’ lang daw ni DMV sa Star Magic ng ABS-CBN. Pare Ko ng Eraserheads ang una nilang kinanta na pinalakpakan ng mga nasa Guilly’s.

This Love ng Maroon5 ang sunod nilang binanatan with matching dance choreography. Nasa gitna si Polo at feel na feel ang pag-awit.

Na-frustrate yata noon si Direk Manny sa binuo nilang grupo na Barako Boys (binubuo nina Jay Manalo, Christian Vazquez, Luis Alandy, Paolo Paraiso, Carlo Maceda at Reggie Curley) na shortlived at maagang nadisband kaya nagbuo siya ng panibagong boygroup.

Hindi raw sakit ng ulo ang boyz.com at willing matuto ang limang boys.

Habang nagpe-perform sina Polo sa harapan ay panay ang tili ni Alessandra ng, "I love you, Papi!"

Kasamang dumating ni Joseph ang nobyang si Sandara Park kaya hindi totoo ang tsikang nag-break na ang dalawa at bumalik na ng Korea ang krung-krung na si Sandy.

***

Hindi dumating sa party ni Polo ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina dahil may iba raw itong lakad that night. Dumating si Sunshine Dizon, kaya dalawa sila ni Alessandra na ex-GF ni Polo na nandu’n.

Mukhang gabi ‘yon ng mga ‘ex’ dahil ex-girlfriend din ni Frank Garcia si Sunshine. Hindi namin napansin kung nagbatian at nag-usap sa party sina Sunshine at Frank.

Naroon din ang ex-magsyota na sina Girlie Sevilla at Marky Lopez. Nagkasama ang dalawa noon sa telefantasyang Encantadia, nagkarelasyon at nagkaroon ng isang anak.

Obviously ay hindi okey ang dalawa dahil nang tanungin namin si Marky kung nagkita sila ni Girlie, napapangiti itong umiling-iling, sabay walkout palabas ng bar.

Natawa lang si Girlie nang ikuwento namin sa kanya ang ginawa ni Marky.

Kinumpirma niyang hindi sila okey kaya itsurang nasa iisang lugar lang sila ay hindi sila nagkita at tila wala siyang keber sa ama ng kanyang anak.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, June 27, 2007

Impostora updates

Maganda ang sagot ni Sunshine Dizon sa tanong kung kanino sa kanila ni Iza Calzado ang mas mabigat ang pressure sa Impostora? Lahat sila pressured dahil gustong mapagan­da ang teledrama at ka­ila­ngan lahat ay maga­ling at hindi puwedeng isa lang.

Ang nagbibigay ng pressure kay Sunshine ay dalawang characters ang ginagampanan niya. Ka­ilangang magkaiba ang portrayal niya ng cha­racter nina Nessa at Sara at dapat i-maintain ang mannerism ng huli na tinatakpan ng buhok ang parte ng mukhang nasunog.

Nagagamit ni Sun­ shine ang characters nina Pirena at Bakekang dahil ‘pag si Nessa siya, ang character niya sa Encantadia ang gina­gaya at ‘pag si Sara siya, si Bakekang ang iniisip niya. Happy ito sa re­action ng viewers na nagagawa niyang iba ang characters ng da­lawa.

Nasa week 4 pa lang ang teledrama at wish ni Sunshine na ma-extend ito dahil bitin kung hang­ gang 13 weeks lang ang takbo ng istorya. Iniha­handa na rin niya ang sarili sa week 5 na puro bugbugan at iyakan ang mangyayari kay Sara.

Ipinakita nito ang mga gasgas sa tuhod dala ng eksena nila ni Mark Anthony Fer­nandez at kinareer din ang sampalan scene niya kay Chanda Ro­mero. May eksenang kakain siya ng dog food at para ‘di ulitin ang take, ginagawa niyang take one lahat ang mga eksena.

Samantala, this Wed­ nesday, lalong tumindi ang pagmamalupit ni Doña Anatella (Chanda) kay Sara nang mala­mang kinuha nito ang P70 million joint account nila ni Nicholas at sa sobrang galit, aatakihin ito sa puso.

Ikatutuwa ni Betty (Jean Garcia) nang hindi siya makilala ni Sara at akala’y naglulu­ka-luka­han ang inaka­lang anak. Magagalit lang ito sa patuloy na pagtanggi ni Sara na siya’y si Va­nessa at walang alam sa pera at alahas.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Mga Mata ni Anghelita

Kasama sa cast ng Mga Mata ni Anghelita si Ryan Yllana at sa press launching ng show na ‘yon ay nakatsikahan namin siya.

Naikuwento sa amin ng younger brother nina Anjo at Jomari na balak na niyang mag-reduce dahil masyado na siyang nabibigatan sa kanyang timbang.

Mahigit 300 pounds siya ngayon.

"Noon kasi, iniisip ko, hindi ako pwedeng pumayat dahil sa mga role na ina-assign sa akin ng GMA 7. Kapag pumayat kasi ako, baka mawalan ako ng trabaho.

"Ngayon naman, naiisip ko na magbawas din ng timbang kahit paano.

"Hindi ako masyadong hirap dito sa taping ng Mga Mata ni Anghelita, kaya baka mag-reduce ako kahit paano," sabi ni Ryan.

Dumating na kasi si Ryan sa puntong hindi siya nakabangon nang mahigit dalawang linggo dahil sa sobrang bigat ng kanyang timbang.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Ryan ay nalokah kami sa dialogue niyang, "Buti, hindi ka na masyadong nag-aartista ngayon, kundi may kaagaw pa ako sa mga role na matataba!"

Hmph! Iniisip kaya ni Ryan na totoo ‘yung pagbibiro sa kanya

ng mga reporter noon na sinulot niya sa amin ang role na Bobby sa Captain Barbell?

Ay, natawa na lang kami, huh!

Source.

Labels:


Continue Reading...

Ehra Madrigal update

Nag-taping sina Jennylyn Mercado at Ehra Madrigal sa programang Bubble Gang bilang mga panauhin.

Sobra raw nabighani ang male cast ng Bubble Gang sa kaseksihan ni Ehra Madrigal, lalo na si Wendell Ramos na panay raw ang titig sa dibdib ng aktres.

Maski sa eksenang kinukunan na magkaharap ang dalawa ay sa dibdib pa rin daw ni Ehra nakatitig si Wendell habang nagda-dialogue ito ng kanyang mga linya.

Sa kuwento ng aming informant, ang mga titig daw ni Wendell ay may halong pagnanasa, huh?!

Siyempre, hindi makakilos si Mark Herras dahil nandoon ang ex-girlfriend na si Jennylyn.

Kahit wala na sila ay ilang pa rin si Mark sa kilos niya kapag kaharap o nasa paligid ang ka-loveteam sa Tiyanaks.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 26, 2007

Dina Bonnevie balik GMA-7

BALIK-GMA-7 si Dina Bonnevie sa Kung Mahawi Man Ang Ulap, ang next feature sa Sinenovela ng network.

Kung ang anak na si Oyo Sotto ay lumipat sa ABS-CBN, si Dina nama’y balik-Siyete.

Kung hindi kami nagkakamali’y ang morning talk show na Ms. D! ang last regular show niya sa Kapuso network at huli naman siyang napanood sa Channel 2 sa Walang Kapalit nina Claudine Barretto at Piolo Pascual.

Role ni Gloria Romero sa movie version ng Kung Mahawi Man Ang Ulap ang gagampanan ni Dina at hindi lang namin sure kung mother siya ni Dennis Trillo o Nadine Samonte, na bida ng TV remake at ipu-portray ang roles nina Christopher de Leon at Hilda Koronel, respectively.

First week of July ang start ng taping ng cast at ito ang ipapalit sa Sinasamba Kita. Kasama sa cast sina Tommy Abuel, Jeremy Marquez, Tyrone Perez, Iwa Moto at marami pang iba.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Kiko Junio at Jesi Corcuerra tandem

HOT copy talaga ngayon ang tandem nina Kiko Junio at Jesi Corcuerra.

Kasi, sila ang uupo sa hot seat ng Balakubak. Siyempre, uuriratin nina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs ang namumuong closeness nilang dalawa.

Matatalakay din ang pagiging T-bird ni Jesi. At tungkol sa pahayag ni-yang handa siyang magbago at maging tunay na babae alang-alang kay Ki-ko.

Si Kiko naman ay nagpahayag na iba ang feeling niya kay Jesi. Puwede siyang ma-develop sa da-laga na taga-Pasay City.

Ano kayang nakakikilig na sagot ang sasabihin ng dalawa? Anyway, magkasama sila sa Boys Nxt Door na napapanood tuwing Sunday afternoon.

Source.

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera at Yasmien Kurdi, pumintig na

Hindi na maawat ang namumuong romansa nina JC de Vera at Yasmien Kurdi. Naku, hindi ito showbiz o promo ng Pati Ba Pintig Ng Puso na na namamayagpag sa ratings, ‘no?!

Sa kuwento sa amin ni Joseph ‘Otep’ Boncalan (EP ng nasabing programa), muntik na siyang tumambling nang makita ang dalawang naghaharutan sa set.

Hinamon daw ni Otep si Yasmien na kung talagang love nito si JC ay halikan niya ito.

Tanong daw ni Yasmien kay Otep ay kung saan niya gustong halikan si JC.

Sa lips, wika ni Otep.

Buong ningning na hinalikan daw ni Yasmien si JC sa lips. Nalokah raw si Otep.

Kaya hindi na raw siya magtataka kung bago matapos ang Pati Ba Pintig Ng Puso ay pumintig na ang puso nila para sa isa’t isa.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Michelle Van Eimeren, kumumbinsi kina Regine at Ogie

Nag-cover si Lhar Santiago ng Love To Laugh concert nina Ogie Alcasid at Ai Ai de las Alas nu’ng Sabado sa Los Angeles, California, kung saan panauhin si Regine Velasquez.

Sobrang hit daw ang concert nila na kailangang magkaroon sila ng isa pang set para ma-accommodate ang lahat ng bumili ng tickets.

Type na type raw ng mga kababayan natin doon ang sweetness nina Ogie at Regine lalo na’t open na sila sa kanilang relasyon.

Sa interview ni Kuya Lhar sa magkasintahan, sinabi ni Regine na si Michelle Van Eimeren pa raw ang nagkumbinsi sa kanilang ilabas na ang katotohanan sa kanilang relasyon.

Ilang beses na raw palang nagkita sina Regine at Michelle dahil sumusunod daw si Regine sa Australia kapag dumadalaw roon si Ogie.

Maayos daw ang treatment ni Michelle kay Regine kaya lalong gumagaan daw ang kanilang loob lalo na’t wala na silang itinatago ngayon.

Ang dami na raw nagtatanong sa kanila tungkol sa kasalan pero hindi pa raw naayos ang mga papeles.

Tinatanong na rin sa kanila ang pagkakaroon ng baby pero hindi pa raw nila ito pinaplano sa ngayon.

Sa San Francisco ang susunod nilang concert at sold-out na rin daw ang tickets.

Mauuna si Regine sa pagbalik dito at susunod na lang daw si Ogie.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 25, 2007

Fans ni Angel Locsin ayaw kay Marvin Agustin

MUKHANG inaalat pagdating sa pag-ibig itong si Marvin Agustin.

Hindi nagtagal ang relasyon nila ni Pauleen Luna, at ngayong nasa panliligaw pa lang siya kay Angel Locsin ay marami na agad ang tumututol rito. Ang karamihang may ayaw kay Marvin ay ang mga tagahanga ng kanyang nililigawan na si Angel.

Ayon kay Teresita Ampil 1 ng Marikina City, mas makabubuti raw sa aktor na balikan na lang nito ang ina ng kanyang mga kambal na si Tetet Dee.

Mas maganda raw ito dahil sa paglaki ng kanilang mga anak ay makikita nilang buo ang kanilang pamilya.

Para naman kay Susan Ambrosio ng Cubao, marami pa raw diyan na mas karapat-dapat para sa kanilang idolo. Andyan daw naman si Cogie Do-mingo na tahimik lang sa panliligaw nito kay Angel. At least single ito at mabait pa.

Well, kung tutuusin ay walang pakialam ang sinuman sa personal na buhay ng mga artista, partikular na sa usaping puso.

Ngunit dahil nga sa celebrity sila, hindi maiaalis na manghimasok kung minsan ang kani-kanilang fans, at ito rin kung minsan ang nagiging dahilan ng pagtatagal o pagkamatay ng isang relasyon.

Speaking of Cogie, naibulong sa amin ng aming matabil na loro na binigyan pala nito si Angel ng isang alahas bilang gift sa birthday ng dalaga noong nakaraang April.

At balitang laging nag-uusap o nagti-text ang dalawa kahit nasa Amerika ang binata, kung saan ito nag-aaral sa ngayon.

Ayon pa rin sa aming source, kung sakaling matutuloy sa kanyang bakasyon sa Amerika si Angel ay sasalubungin ito ni Cogs at ipapasyal sa iba’t ibang lugar doon.

Maaari ring sabay na silang bumalik saPilipinas.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Unang Hirit readies for competition!

NAGRI-READY pa rin ang Unang Hirit sa bago nitong competition.

Kung tutuusin, puwede ng maging sitting pretty ang UH ng GMA dahil napalitan na ang kalaban nila so sila ang wagi. Pero dahil may bago ngang competition, may mga bagong sangkap ang UH na manggigising sa inyo, ang mga pinakamagagaling, bigatin at pinaka-sexy na Kapuso tulad nina Katrina Halili, Ehra Madrigal, Rhian Ramos, Ryza Cenon, Sexbomb at iba pa.

Ang pinaka malupit na sorpresa ng barkada, ang tambayan nila ay magiging inyo rin. Magiging katambay na kayo ng UH barkada dahil ang bahagi ng kanilang tahanan, dadalhin nila mismo sa inyong mga tahanan kasama ng UH barkada at mga bigating artista nilang dala maagang street party na puno ng gimmick, sayawan, kantahan at nakalululang papremyo ang masasaksihan.

Unang Hirit airs weekdays at 5:30 am.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Robin Padilla at Diana Zubiri, may relasyon?

ILANG beses nag-deny si Angel Locsin na sila na ni Marvin Agustin. ‘Di raw totoo na sa set ng Asian Treasures nag-start ang kanilang closeness.

Ang hindi alam ng iba, mas matindi pala ang closeness nina Robin Padilla at Diana Zubiri. Maraming kasama nila ang nagkukuwento na Binibini ang tawag ni Binoe kay DZ na tunay namang asikaso niya kahit saan sila magpunta, lalo na sa abroad.

‘Di kami magtataka kung mabalitaan naming magiging leading lady ni Binoe ang seksi sa isa sa tatlong pelikulang nakatakda niyang gawin pagkatapos ng serye ng AT na to date ay sinusubaybayan at more than okey ang puntos na nakukuha sa program surveys.

Sinabi naman ni Angel na tumanggi siyang gampanan ang Marimar dahil type muna niyang magbakasyon. Sunud-sunod nga naman ang paggawa niya ng TV series. Mula sa Mulawin ay ginawa niya ang Darna, Majika at ito ngang AT. Pagbalik niya mula sa planong pagkuha ng isang short course sa London, England ay saka maaaring magsimula ang soap princess ng bagong programa.

Samantala, huwag bibitiw sa mga natitirang araw ng AT na tinawag na Great Wall Adventures kung saan kasama ang Shaolin Kids na under training sa temple at hindi basta artista lang. Sila ang future Shaolin Masters kaya tunay na bihasa sa martial arts.

Grabe ang suportang ibinigay ng Beijing government sa teyping doon ng AT.

Isinara sa mga turista ang Great Wall habang naroon ang cast at nagtratrabaho. Bihirang mangyari ito kaya’t tuwang-tuwa ang program manager na si Redgie Acuña-Magno.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Alfred Vargas muntik nang masunog

Muntik nang masunog si Alfred Vargas sa Kapusolympics noong Sabado sa Marikina Sports Center.

Si Alfred ang torchbearer na si Makulay sa nasabing sports event.

Pagsindi ng torch, may konting apoy na tumalsik at tumama ito sa pyrotechnics na nasa paanan ng aktor. Nakita na raw niyang nagsisimula nang magsindi iyon kaya takot na takot siyang baka magputukan.

Mabuti’t naagapan naman daw at nasabuyan ito ng tubig kaya hindi natuloy ang pagsindi na naging sanhi sana ng pagkasunog ni Alfred.

Source.

Labels: ,


Continue Reading...

Sunday, June 24, 2007

Glaiza de Castro sa Boys Nxt Door

Puro mga taga-StarStruck 4 ang kasama ni Glaiza de Castro sa Boys Nxt Door ng GMA-7 na magpa-pilot this afternoon after Move. Okey daw kasama sina Kris Bernal, Rich Asun­cion, Jesi Corcuera, Aljur Abrenica at Mart Escudero, walang may ere at puro kalog. Taga-SS din ang ka-love team niya ritong si Marky Cielo.

Hindi nawawalan ng project sa Ch. 7 si Glaiza mula nang lu­mipat siya ng network at ipinagpapasalamat niya ito dahil kailangan ng pamilya niya. Wish nitong ang next show niya ay primetime uli dahil matatapos na this week ang Asian Treasures.

May bago rin siyang pelikula, ang Rak en Roll to be directed by Quark Henares, pero hindi na ang Regal ang magpo-prodyus dahil war pa rin ang director at si Mother Lily. Natutuwa si Glaiza dahil for the first time, gagawa siya ng movie na gusto niya. Kundi mababago ang casting, makakasama niya sina Diether Ocampo at John Prats.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin at Marvin Agustin, bibili ng bahay sa London para gawing love nest

ANG drama naman nina Angel Locsin at Marvin Agustin ay walang aminan ng relasyon. Hanggang sa pagiging ‘close’ lang nila ang palagi nilang sinasabi sa press people.

Napabalita ang isyu ng relasyon nina Angel at Marvin nang magkasama sila sa Asian Treasures. May mga nakapupuna kasing super-close sila at laging magkasama sa set. Bukod dito, ‘sila pa rin ang magkasama sa mga out-of-town at out-of-the country tapings ng AT.

Balitang si Marvin ang nagturo kay Angel na pag-aralan muna nang husto ang anumang business na gusto niyang papasukan. Ibinibigay daw ni Marvin ang mga sikreto kung papaanong naging matagumpay siya sa restaurant business.

At si Marvin daw ang nagpayo kay Angel na mag-aral sa ibang bansa tungkol sa negos-yong balak niyang pasukin. Kaya nga ipinasiya ng aktres na magpunta sa London para mag-aaral doon ng fashion designing.

Pero, double-purpose pala ang pagpunta sa London ni Angel. Balita kasing susunod si Marvin doon. May tsismis pa kaming nasagap na plano raw ng dalawa na bumili ng bahay o condo sa London para gawing ‘pugad’ ng lihim nilang pagmamahalan.

Samantala, tuwang-tuwa ang mga artistang pumunta sa Beijing, China. Kasi, gulat sila sa ganda ng lugar. Lalo na si Robin, sobrang tuwa raw ang naramdaman nang nakita nito ang Forbidden City. Namangha siya sa ganda ng lugar.

Kasalukuyang ipinapalabas ang Great Wall of China Adventure ng Asian Treasure.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Dingdong at Karylle, matatag ang relasyon

Ngayong nasubukan na ni Dingdong Dantes ang makapagdirek ng pelikula (sa isang episode ng Angels) ay looking forward siya sa movie projects na gagawin niya pa in the future.

Bago sumabak magdirek sa big screen ay nakapagdirek si Dingdong ng mga episode ng GMA shows na Kakabakaba, ‘Wag Kang Kukurap, Encantadia at Atlantika. Graduate siya ng Film and Production sa Ateneo.

Kung siya ang tatanungin ay gusto niya ring maidirek sa pelikula ang girlfriend niyang si Karylle na feeling niya ay bagay sa isang musical film.

Ayaw niya na may kissing scene si Karylle pero okey lang kung siya ang leading man.

Full-support si Kaye (tawag niya sa kanyang GF) sa first directorial job niya. Madalas itong dumalaw noon sa set ng Angels at kinokonsulta niya rin ito kung paano ang gagawing atake sa mga kukunang eksena.

Tinawanan lang ni Dingdong ‘yung tsika na nag-break na sila ni Karylle. Going strong pa rin daw ang kanilang relasyon na nag-2 years na nu’ng Abril 3.

Kahit nagdidirek na siya ay mas gusto pa rin ng binata ang acting lalo na ngayon na nasa edad daw siya na masarap i-explore ang iba’t ibang roles.

"Ang directing kasi, ‘pag tumanda ka, mas magiging magaling ka pang magdirek ‘pag marami ka nang experiences sa pagiging artista at sa buhay dahil magagamit mo ang mga ‘yon bilang direktor," dayalog niya.

May nakapagsabi kay Dingdong na kasama siya sa 2007 MMFF entry na Resiklo pero hindi pa siya sure hangga’t hindi pa siya nagsu-shooting.

Kakampi ng bidang si Bong Revilla ang alam niyang magiging role niya rito, na more or less ay alam na niya ang istorya dahil noon pa pala nila napag-uusapan ni Direk Mark Reyes ang nasabing proyekto.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, June 23, 2007

Pia Guanio sobrang na-upset!

Sobra palang na-upset si Pia Guanio nang maraming maglabasang negative write-ups tungkol sa pagho-host niya sa Showbiz Central particular na when she interviewed Annabelle Rama several weeks ago. Kesyo hindi raw siya marunong mag-handle ng interview at na-manipulate daw siya ng interviewee.

Na news reader lang daw dapat siya at walang karapatang mag-host ng talk show.

Pero instead pala na magalit sa mga pumuna sa kanya, she took it constructively. Okey lang daw sa kanya ‘yun dahil ginagawa lang naman niya ang kanyang trabaho. Besides, wala naman talaga raw siyang magagawa sa nangyari because she wasn’t in control that time. Before the airing, pinakiusapan na siya ni Tita Annabelle Rama tungkol sa certain issue. Sino nga naman siya para tumanggi? Kahit naman siguro sino ang lumagay sa posisyon ni Pia that time walang puwedeng gawin.

But anyway, it’s water under the bridge now. Almost everything is ok now between Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas – ok as in nag-uusap na ang dating mag-asawa although may finality na hindi na uli sila magsasama – as of the moment.

Ngayon, sinisikap ni Pia na mas mag-improve as a host. Kung may naririnig man siyang negative, ayaw na lang niyang kumibo pero kino-consider niya ang mga puna para lalo siyang ma-inspire na magtrabaho.

Matagal-tagal ding nanahimik si Pia nung time na binabatikos siya.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Kapusolympics!

Gaganapin ang Kapusolympics (sports fest ng Kapuso stars) ngayong umaga hanggang gabi sa Marikina Sports Park.

Kaugnay ito sa ika-57 anibersaryo ng GMA 7, na ang tema ay ‘Kapuso sa Bawa’t Hamon at Tagumpay.’

Magsisimula ang motorcade ng Kapusolympics sa GMA compound sa Timog Avenue. Dadaan ito sa E. Rodriguez, Araneta Avenue, Aurora Boulevard at A. Bonifacio hanggang sa makarating sa Marikina Sports Park.

Ang motorcade at float parade na may
anim na celebirty teams ay pangungunahan ni Makulay (Alfred Vargas).

Si Makulay ang torchbearer ng Kapusolympics na sumisimbolo sa pagkakaisa ng GMA stars.

Pagdating ni Makulay sa Marikina Sports Park, ipapasa niya ang torch kay Manny Pacquiao na tatakbo sa entablado.

Kasunod nito ay isang engrandeng opening ceremony na hudyat ng isang araw ng kasiyahan at maaksyong Kapusolympics games at activities.

Kakaibang games ang paglalabanan ng Kapuso stars tulad ng Human Post Relay, Pies to Face, Fin Race, Oil Spell, Pase Pie, Pool Relay, Kapuso Word Puzzle Pool, Tag of War at Giant Soccer.

Merong musical production numbers, fireworks display at party para sa lalong sumaya ang Kapusolympics.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, June 22, 2007

Angel Locsin's shampoo commer­cial sa Bangkok

Kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand si Ms. Becky Aguila ka­sama si Angel Locsin for a shampoo commer­cial nang makausap namin kahapon, Huwe­bes para alamin ang ki­ni­ta ng pelikulang An­gels na nagbukas last Wednesday.

“Wala pa akong figures, pero sabi sa akin, malakas naman daw maski na umulan at hope­fully, lumakas lalo siya the coming week­end dahil bakasyon na ng mga estudyante, and we are very happy be­cause it was Rated B by the Cinema Evaluation Board,” tinig ni tita Becky sa kabilang linya.

Bukas, Sabado pa ang dating ng dala­wang producers ng An­gels at doon palang daw nila malalaman ang figures.

Samantala, excited na uli si Angel sa next pro­ject ng Eagle Eye Production dahil sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia at Nash Aguas ang bida na idi­direk naman ni Ding­dong Dantes.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin nagpa-tutor kay Gina Alajar

ALMOST P20 million ang budget ng Eagle Eyes Entertainment Productions Inc. sa pelikulang Angels. First venture ito ng magkasos-yong Angel Locsin and her manager na si Becky Aguila.

Trilogy movie ang Angels. Ang una ay ang Angel of Mine ni Angel Loc-sin at ng batang si Eunice ‘Charming’ Lagunsad. Excited si Angel and thankful dahil si Gina Alajar ang kanyang direktor. Noon pa ay gusto ni Angel na maidirek siya ni Gina and at the same time ay ma-turuan siya sa pag-arte.

Sa Angel of Love naman na idinirek ni Mark Reyes ay ang loveteam ni-na Jennylyn Mercado and Patrick Garcia. Dito, ipinakita ng writer na si Gina Tagasa kung paanong nagkaibigan ang isang rock band singer (Jenny) at conservative classical music fan (Patrick).

Ang third episode ay ang Daddy’s Angel. Dito naman ay muling ipapakita ni Marvin Agustin kung ga-ano siya kahusay na aktor. Kasama niya rito ang batang si Nash Aguas and take note, si Dingdong Dantes ang direktor ng episode na ito.

Palabas na ang Angels sa mga paborito ninyong sinehan.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera ang bagong Marimar

IT’S final, si Marian Rivera na ang Marimar.

Angel Locsin’s loss is Marian’s gain as GMA gave her the coveted role that made Thalia a superstar, ang Mexican tele novela na Marimar na gagawan ng Pinoy version.

In-announced ito last Wednesday night sa 24 Oras. Today ang story conference ng Marimar to be directed by the nagbabalik Kapuso na si Joyce Bernal.

Makakasama ni Marian si Dingdong Dantes who will play Sergio at ito rin ang pagbabalik acting ni Richard Gomez who had to rest from showbiz early this year as he decided to run for a senatorial seat.

Hindi pa kumpleto ang cast as of this writing but another hunk who will be part of the new soap of GMA is Mike Tan playing a new character na wala sa Mexican version of the soap.

Ang hinahanap pa, ang aso ni Marimar na si Fulgoso.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia sa Fantastikman

Nagsimula nang mag-taping si Patrick Garcia sa Fantastikman kahapon kaya marami nang nag-abang na mga reporter sa pagkikita nila nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Matagal na naming narinig ang pagsama ni Patrick sa fantaserye ni Mark pero tumanggi raw ito. Nagkaayos din pala at nagkasama na sila ngayon.

Natuloy rin pala ang pagsasama ng tatlo kahit tumanggi noon si Mark na magkasama sila sa pelikulang Tiyanaks.

Actually, nagkasama na silang tatlo sa Startalk at civil naman sila sa isa’t isa.

Nagbabatian sina Mark at Patrick pero dedma lang si Jennylyn kay Mark.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez handang isuko ang career alang-alang kay Ogie

Magkasamang humarap kahapon sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa mga reporter sa Scientology Celebrity Center sa Los Angeles, California.

Presscon ‘yon ng Love 2 Laugh concert series nina Ogie at Ai Ai de las Alas kung saan guest sina Regine at Martin Nievera.

Sa presscon ay nagpahayag si Regine na pwede niyang i-give-up ang kanyang career alang-alang sa pagmamahal niya kay Ogie.

Ipinahayag din ni Regine na marami na siyang napasayang tao dahil sa kanyang mga awitin at shows. Ngayon naman ay gusto niyang lumigaya.

Sobrang sweet sina Ogie at Regine sa presscon na ‘yon ng concert series na prodyus ni Anna Puno ng Starmedia Productions.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 21, 2007

Michael V libre na ang serbisyo, nawalan pa ng kotse habang ginagawa ang ‘Paraiso’

Talagang walang kabalak-balak maningil ni Michael V ng kan­yang talent fee (TF) para sa Gawad Kali­nga, movie na Para­iso: Tatlong Kwento ng Pag-asa dahil nang tini–text siya para ta­nungin kung magkano niya sisingilin ang na­ging trabaho niya ay hindi siya sumagot.

Tinawagan muli siya ng produksyon nang lumubog naman ang kotse niya sa putikan at ito ay nasira para ta­nungin siya kung mag­kano ang magagastos sa pagpapagawa nito pero, muli, walang siyang reply.

Di lang naman si Michael V ang hindi naningil o kung naningil man ay hindi sa presyo nila kundi sa dis­count­ed price dahil ang Pa­raiso na prodyus nina Tony Tuviera ng TAPE, Tony Gloria ng Unitel at Butch Jime­nez ay gi­nawa hindi para mag­kapera ang tatlo kundi upang ma­katulong sa Gawad Kalinga na layuning baguhin ang imahe ng mga bagong Pilipino at kung pa­anong ang or­gani­sas­yon ay pa­tuloy sa pag­bibigay nila ng libreng pabahay at pagpapabuti ng buhay ng marami nating ka­babayan.

Isang trilogy ang Paraiso na nagta­tampok sa tatlong ins­piring stories nina Jo­celyn Llorente (Umi­yak Man Ang Langit, Maricel Soriano, No­nie Buencamino, di­rector, Jun Lana) na nawalan ng mga mahal sa buhay nang mata­bunan ang mga ito ng putik sa Leyte; isang batang kumakain ng bato (Ang Kapatid Kong si Elvis, Mi­chael V, Carmi Mar­tin at Paulen Bautista, director, Joel Ruiz at Marie Rose Abad na kasamang namatay sa 9/11 World Trade tra­gedy (Cesar Montano at Lexie Schultz, Ricky Davao, di­rect­or).

Nagkaro’n ito ng 40 world­wide premieres. Ang Philip­pine premiere ay gina­nap nung June 12 sa SM Mall of Asia. Mag­bubukas ito sa mga sinehan sa July 4.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo, no comment still

AYAW talagang magpa-interview ni Dennis Trillo tungkol sa pagbubuntis ng kanyang ex-gf na si Carlene Aguilar.

Katwiran niya, ayon sa aming source, hindi na dapat siyang kausapin tungkol dito dahil matagal na silang hiwalay ni Carlene. Bukod pa rito’y may boyfriend na si Carlene. Dapat daw ang boyfriend nito ang tanungin.

Kahit ‘di pa nagsisimula ang bagong soap ni Dennis, ang Kung Mahawi Man ang Ulap kung saan kapartner niya si Nadine Samonte, busy siya tuwing Sunday sa SOP. Marami rin siyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA tulad sa Magpakailanman ngayong Thursday.

Silang dalawa ni Rochelle Pangilinan ang bida sa sa kuwento ng love story nina Rex at Rose na may pamagat na Pag-ibig sa Kabila ng Lahat. Pag-iibi-gan ito ng isang caregiver at isang patient na may cerebral palsy.

Ipinapakita sa drama na ang pag-ibig ay walang boundaries. Kahit sino ay puwedeng umibig at ibigin.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Asian Treasures ends next week

NEXT week, magtatapos na ang Asian Treasures.

China episode na ang ipinapalabas ngayon sa top rating primetime soap nina Robin Padilla and Angel Locsin na part ng GMA Tele Babad after 24 Oras.

Sabi ng mga production staff who went with the stars sa China, high na high daw ang mga artista nila sa ganda at kultura ng China. Si Binoe pala, first time na nakarating sa China.

Kinilabutan daw si Binoe at napaiyak sa Forbidden City sa Beijing at gandang-ganda siya sa labyrinth ng Old Summer Pa-lace.

Tuwang-tuwa naman si Angel sa mga Shaolin kids na by the way ay hindi mga artista, mga tunay na students na pumayag mapasama sa show.

Kapag nagkaanak daw siya, pagaaralin din niya na maging Shaolin kid.

Type nga na umampon ni Angel ng isa sa mga Shaolin Kids pero obviously hindi naman puwede.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, June 20, 2007

Mart Escu­dero and Kris Ber­nal updates

Masaya si Kris Ber­nal na eere na sa June 24 ang Boys Nxt Door, ang first regular show nila ng mga kasama sa StarStruck 4 na sina Mart Escu­dero, Aljur Abrenica, Rich Asun­cion, Kiko Junio at Jesi Corcuera. Kam­pante itong magu­gus­tuhan ng viewers ang show dahil pinag­buti­han nila ang tra­baho at mahusay ang direk­syon ni Jun Lana.

Kinumpirma ni Kris ang panliligaw ni Mart at nine percent sa one to 10 percent ang chance nitong sagutin niya. Hindi kaya siya ma-turn off dahil sabi ng ka-loveteam, ang career ang priority niya at hindi ang panliligaw sa kanya?

Sabi rin ni Kris, ‘di siya insecure na sa Impostora, sina Cha­ree Pineda at Jennica Garcia ang kapareha ni Mart dahil baka siya’y ipareha rin sa iba ng GMA-7. Kung matu­tuloy, mauuna ring magka-pelikula sina Kris at Mart dahil ki­nukuha sila ng Regal para isama sa cast ng Kulam kasama sina Judy Ann Santos at Dennis Trillo.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Back to back Sine Novela ng GMA

IMPRESSIVE ang lakas ng back to back Sine Novela ng GMA.

Last Friday, ang Pati Ba Pintig ng Puso nina Yasmien Kurdi and JC de Vera and Sinasamba Kita nina Sheryl Cruz and Valerie Concepcion got 20.0 percent & 21.2 percent respectively. Both were the highest rated noontime to afternoon block shows, higher than Eat Bulaga, Wowowee, Pilipinas Game KNB and Daisy Siete na siyang pasimula ng Drama Rama Sa Hapon block.

The last time na nagtu-20 ang afternoon block ng GMA was during the Ganti and Tinig episodes of Now and Forever. Sa Tinig, si Yasmien ang bida. In both Ganti and Tinig, nandoon si Sheryl.

Talagang inaari nina Sheryl and Yasmien ang timeslot dahil sila lang ang nagpapa-rating ng ganitong kataas. The third would be Nadine Samonte na nasa Ganti noon.

Si Nadine din ang next in line sa Kung Mahawi Man ang Ulap.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rochelle Pangilinan updates

May nakakita kay Rochelle Pangilinan at sa isang guwapong lalaki habang tumitingin sa isang condominium unit sa may Scout area sa may Quezon City.

Nang makita namin si Rochelle sa isa sa mga promotion niya para sa Roc-A-Holic album niya ay sinita namin siya.

Makikipag-live-in na ba siya kaya naghahanap na siya ng malilipatang condominium at sino ‘yung lalaking kasama niyang tumitingin ng malilipatan?

"Ay, secret! Pero hindi ako makikipag-live-in. Tumingin lang ako ng condominium na malilipatan," sey ni Rochelle.

Inusisa rin namin si Rochelle kung ‘yung lalaking kasama niya sa pagtingin ng condomnium unit ay ‘yung lalaking kasama rin niya sa Baang Coffee Shop nang makita namin siya some months back?

"Hindi. Iba na ‘yon. Luma na ‘yung nakita mo," natatawang pahayag ni Rochelle.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes, wala raw kakasyang trunks

Isa si Dingdong Dantes sa mga kumpirmadong kasama sa cast ng gagawing Pinoy version ng GMA 7 ng Mexican telenovela na Marimar.

Si Dingdong ang gaganap sa papel ni Sergio Santibañez, ang leading man ng bidang si Marimar. Hindi pa sure si Dingdong kung sino ang gaganap na Marimar, ang alam niya ay lalabas pa lang anytime soon ang resulta ng audition para sa nasabing papel.

Si Marian Rivera ang sinasabing pinakamatunog sa mga nag-audition kung saan kasama ang nobya ni Dingdong na si Karylle.

"Narinig ko rin na si Marian daw. Walang problema sa akin kung sinuman ang maging Marimar," sey ni Dingdong nang matsika namin siya sa kanyang solo presscon kamakalawa bilang direktor ng ‘Daddy’s Angel’ -- isa sa tatlong episodes ng pelikulang Angels.

Ang original choice diumano para gumanap na Marimar ay si Angel Locsin, pero dahil sa conflict sa schedule ay hindi nito tinanggap ang project. Ito sana ang first time na magtatambal sina Angel at Dingdong.

"Siyempre, hoping din ako na sana maging si Angel ang kapartner ko. Of course, nanghinayang ako because I was really expecting na magiging siya. Eh, hindi pala…" sey ng guwaping na young actor-director.

Na-disappoint ba siya na naunsyami ang pagsasama dapat nila ni Angel?

"Hindi naman. Kasi, nakasama ko na siya sa Angels, eh. Although hindi nga lang kami nagkatrabaho sa isang episode," aniya.

Ayon kay Dingdong, hindi niya napanood noon ang Marimar sa TV pero naikuwento na ito sa kanya ng mommy niya at ng mga kapatid niya na na-hook din noon sa nasabing telenovela na nagpasikat kay Thalia.

"Excited ako kasi, I really believe it will click," sey ni Dingdong.

"Kasi, presold na ‘yan, eh! Kumbaga sa karera, may plus na siya, di ba? Ang gagawin ng GMA is medyo modern ‘yung approach at hindi siya based doon sa hindi angkop sa kultura natin. Pinoy-based pa rin."

May nagsabi na rin daw kay Dingdong na laging nagpapa-sexy ang karakter niyang si Sergio, na ginampanan noon ng Mexican hunk na si Eduardo Capetillo.

Tanong namin sa kanya, willing din ba siyang magsuot ng swimming trunks tulad ng kanyang Mexican counterpart?

"Depende, ‘pag nag-shoot na kami at maganda ang itsura, go! Kung hindi, eh huwag," napapangiting sagot niya.

Sa edad niyang 26 y/o ay tila mas daring na si Dingdong. Sabi niya sa amin, payag na siyang magpa-sexy kung kailangan.

"Oo, pwede na. Kaya lang, walang kakasyang trunks sa akin, eh!" hirit niya, sabay tawa.

Talaga? Anong ibig niyang sabihin na walang kakasyang trunks sa kanya? Sobrang laki ba?

"Kasi, ‘yung waistline ko, malaki!" natatawang sagot niya.

Magpapaganda raw muna siya ng katawan para siguraduhing okey ang itsura niya at hindi siya mataba ‘pag nagsimula na ang Marimar, lalo na kung mapapasabak siya sa mga eksenang kailangan niyang magtanggal ng damit.

Sigurado ba siyang papayagan siya ng girlfriend niyang si Karylle na magsuot ng skimpy trunks?

"Siya na lang ang pumili ng trunks na susuotin ko para ‘pag dumating ‘yung pagkakataong ‘yon, walang sisihan," naka-smile na sagot niya.

Nanood daw si Dingdong nu’ng audition para sa Marimar role pero nakatago siya para huwag mailang ‘yung mga girls na karamihan ay naka-sexy outfit habang nagpe-perform.

Ani Dingdong, hindi dapat gawing big deal kung pinili man siya para sa leading man role samantalang sa bidang babae ay nagpa-audition pa ang Siyete.

Tama lang daw na magpa-audition dahil ‘yun ang pinakaimportanteng karakter sa teledrama at dapat makasiguro ang GMA sa pipiliin nila.

Excited din si Dingdong na makakatrabaho niya muli si Direk Joyce Bernal na nahawakan siya noon sa directorial debut nito na I’m Sorry My Love (1998) kasama sina Judy Ann Santos, Onemig Bondoc, Gladys Reyes at ang dati niyang nobyang si Antoinette Taus.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 19, 2007

Dennis Trillo ayaw magsalita sa pregnancy isyu ni Carlene

May dagdag na tsika sa “Definitely, I’m not the father of her child” (si Carlene Aguilar ang tinutukoy) na sabi raw ni Dennis Trillo sa isang kaibigan. From another friend, sabi naman nito, aakuin niyang siya ang ama ng baby ‘pag sinabi ni Carlene. Kaso, idine­nay nitong ang actor ang ama nang ipinagbu­buntis nang magkita sila ni Lhar Santiago sa Los Angeles.

Hindi pa nai-inter­view si Dennis sa preg­nancy issue ni Carlene at wala raw siyang sa­sabihin. Sa maraming naka-line up na trabaho ang focus nito ngayon at excited sa first team-up nila ni Judy Ann San­tos sa Regal. Kahit ayaw munang gu­mawa ng horror movie, ‘di natanggihan nang i-offer ang Kulam to be direct­ed by Jun Lana at sa June 21 na ang shoot­ing.

Si Dennis din ang tampok sa next Sine Novela series na Kung Mahawi Man Ang Ulap oppo­site Nadine Sa­monte. Role ni Chris­topher de Leon sa Viva Films movie ang ga­gam­panan ng actor at role naman ni Hilda Koronel ang gagam­panan ng young actress. First team-up nila ito at umaasa ang GMA-7 na magki-klik din gaya sa loveteam nina Yasmien Kurdi at JC de Vera sa Pati Ba Pintig ng Puso?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes mapapa-sexy na!

JUST like her sister Ara Mina, sasabak na rin sa pagpapa-sexy si Cristine Reyes via her launching movie Green Paradise. Nag-photo shoot na sila ni Andrew Schimmer, ang magiging ka-partner niya.

It won’t be that daring naman daw, we were told, just enough to titillate the audience dahil the producer still wants its movie to be shown sa SM cinemas.

Sa July pa sisimulan ang principal photography. Of course, magpapaturo si Cristine sa kaniyang ate Ara dahil sabi niya nga, expert na ang ate niya rito.

Si Ara ay nagsimula sa That’s Entertainment, nagpaka-sexy hanggang sa makilala bilang isa sa pinakamagagaling na actress sa he-nerasyon niya. Si Cristine naman ay StarStrucker na magpapa-sexy na ngayon.

Will she follow her sister na magka-award din?

* * *
SPEAKING of Ara Mina, ipapakita na this week ang tunay na katauhan ng kanyang Sister Anne Nicole character sa Lupin.

Got an early set of pictures for Lupin wherein Ara is shown not in her usual madre attire but in a Chinese looking wardrobe. Marami ang mabubunyag this week sa number one primetime soap ngayon ni Richard Gutierrez na part ng GMA Tele Babad after Impostora at isa na nga ang itinatagong sikreto ni Sister Anna Nicole.

Going back to Lupin tonight, malalaman na ni Inspector Clavio (Janno Gibbs) na si Xedricks at Lupin (Richard) ay iisa.

Sina Ashley (Katrina Halili) and Brigitte (Ehra Madrigal), magpapagali-ngan sa pagpapa-sexy, at kung sino ang papansinin sa kanila ni Adonis.

At si Avril (Rhian Ramos), may magtatangka na naman sa kanyang buhay.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa ‘Angel of Love’

Bida sa ikatlong episode na ‘Angel of Love’ ang real life sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia kasama sina Boots Anson-Roa at Ella Cruz.

Nagsilbing kupido ang kerubinang si Ella kina Jen at Patrick para makakuha siya ng silver star sa heaven.

Paswit at pakyut na ‘rich boy meets jologs girl’ ang tema ng fantasy-love story na ito na dinirek ni Mark Reyes.

Ang lakas ng tilian ng fans sa kilig-kiligan moments nina Jen at Patrick. In fairness ay bagay ang dalawa at may chemistry sila sa screen.

Si Patrick ay parang bumalik ang dating kaguwapuhan at si Jen ay kakaiba ang glow at halatang in love.

Todo sa paghiyaw ang fans sa eksena nila sa pool na naka-two-piece si Jen at naka-boardshorts lang si Patrick na kita ang mga balahibo nito pababa ng pusod.

Gustung-gusto namin ang theme song ng pelikula na For the Rest of My Life na inawit ni Kyla.

Kinunan ang Angels using digital formal at inilipat sa film kaya medyo apektado ang texture nito.

Madilim at tila kulang sa ilaw ang maraming eksena, na mas maganda sana kung mas maliwanag at klarado.

Unang sabak ni Angelica Colmenares (tunay na pangalan ni Angel Locsin) ang Angels bilang movie producer kaya wish naming hindi siya malugi at tangkilikin ito ng publiko.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Premiere night ng Angels

Noong Linggo ginanap ang premiere night ng pelikulang Angels.

Puring-puri ng mga nanood ang Daddy’s Angel episode ng trilogy na pinagbidahan nina Marvin Agustin at Nash Aguas.

Maganda ang pagkakadirehe ng episode na ‘yon. Marami nga ang nagulat nang malamang si Dingdong Dantes ang direktor no’n.

Siyempre, tuwang-tuwa si Dingdong sa mga papuring ‘yon.

"Kabado ako before the premiere night, pero mas kinakabahan ako ngayon dahil sa mga papuri. Sana maging maganda ang resulta sa box-office ng Angels," pahayag ni Dingdong kahapon.

Hindi si Dingdong ang first choice to direct the Daddy’s Angel episode, pero happy ang producers (Angel Locsin at Becky Aguila) sa trabaho ng binata.

"Nagpaplano na kami ng full length movie na ipapa-handle namin kay Dingdong. Okey siyang direktor. Malamang, siya ang pahawakin namin sa mala-Wonder Boy movie na pinaplano namin para kay Nash.

"Nagustuhan din kasi namin si Nash. May malaki kaming plano para sa kanilang dalawa ni Dingdong," pahayag ni Tita Becky.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 18, 2007

Impostora, binilisan!

TAMA ang naging desisyon ng GMA-7 na bilisan ang Impostora.

Simple lang naman kasi ‘yan, give the televiewers what they want. They want to see the grown up Lara, Sara and Nessa, so last Monday pa lang, tumalon na ang kuwento ng twelve years at mga dalaga na sina Lara at Sara played by Iza Calzado and Nessa played by Sunshine Dizon. Kita n’yo naman, tumalon din ang ratings it dealt the competition squarely.

Mabilis pa rin ang takbo ng Impostora dahil kung last Friday, nasagasaan na si Sara at nag-iisip nang lumayo ni Nessa, this week na ang palitan ng mukha. Mau-ospital kasi ma-maya si Sara at dito niya makiki-lala si Leandro (Leandro Muñoz) na magpapabago sa buhay niya. May iaalok si Leandro kay Sara na ayusin ang kanyang nasunog na mukha. Tatanggapin niya kaya?

Impostora airs right after Asian Treasures sa GMA Tele Babad.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, hindi na niya mahal si Erik?

Hindi pa deretsahang inamin nina Erik Santos at Rufa Mae Quinto ang kanilang paghihiwalay dahil "cool-off" lang ang ginamit na term ng huli.

Pero base sa mga sagot nilang dalawa, parang wala nang pag-asa na magkabalikan sila.

Nagpa-interview kahapon si Erik sa The Buzz, at si Rufa Mae sa Showbiz Central.

Matapos kong mapanood ang interview nilang dalawa… naalibadbaran ako!

Tinext ko si Rufa Mae para iparating sa kanya ang obserbasyon kong parang hindi na niya mahal si Erik. "Mahal ko naman. ‘Di ko lang alam paano ‘to i-handle," sagot ni Rufa Mae sa akin.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Young aktor, binato ang ama

Malungkot ang ama ng isang young actor nang iniraos niya ang Father’s Day kahapon sa likod ng isang mall sa Quezon City?

Noong Sabado ay nagsumbong sa Startalk ang ama ng young actor kung paano siya pinagmalupitan ng kanyang mga anak.

Itong ama ng young actor ay aminadong may malaking pagkakasala sa kanila, pero hanggang ngayon ay pinagdudusahan pa rin daw niya ito dahil hindi man lang siya makatira sa bahay ng mga anak niya.

Minsan ay lumapit daw siya sa panganay niyang anak para humingi ng tulong pinansyal sa paghahanap niya ng trabaho.

Nandoon din itong anak niyang young actor. Hindi maganda ang kanilang pagkikita dahil nauwi ito sa pagtatalo hanggang sa binato raw siya ng young actor ng bote ng mineral water.

Tumama ang bote sa kanyang mukha. Umalis siya na masama ang loob at walang nakuhang tulong sa kanyang mga anak.

Ngayon ay wala raw matirhan itong ama at nakikitulog lang daw ito sa isang maliit na tindahan sa likod ng isang malaking mall sa Quezon City.

Humingi siya ng tulong sa Startalk.

Sisikapin pa ng naturang programa na makunan ng pahayag ang young actor.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, June 17, 2007

Kyla - For The Rest of My Life

Kyla - For The Rest of My Life

Labels:


Continue Reading...

Ce­sar Montano ready to join Lupin

Ready pala si Ce­sar Montano na tang­gapin ang role sa Lupin kapag inalok siya uli ng GMA 7.

Kasama si Cesar sa original cast ng Lupin pero ipinatawag siya sa Malacañang Palace noong araw na nagpi-pictorial siya para sa show ng GMA 7.

Si Mama Gloria Arroyo ang nagkumbinsi kay Cesar na kuman­didatong senador at siyempre, hindi naka­tanggi ang dyowa ni Sunshine Cruz.

Mahirap tanggihan ang pangulo ng ating bansa kaya pumayag si Cesar kesehodang hindi pa siya nakaka­pagpaalam kay Sunshine.

Madalas na iku­wento noon ni Sunshine na iniyakan niya ang pagpasok ni Cesar sa pulitika pero okey na siya.

Maraming nakila­lang tao si Sunshine noong panahon ng kampanya at nawala raw ang takot niya sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Ang next question, isama kaya uli ng GMA sa cast ng Lupin si Ce­sar?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Pia Guanio `di bagay sa Showbiz Central

MUKHANG okey namang newscaster o kaya ay TV host itong si Pia Guanio. Pero, hindi yata siya bagay na mag-interview at maging isang talk show host tulad sa Showbiz Central.

Iilang araw pa lamang ang kanilang show na kapapalit lang ng format, kung anu-ano na ang nasabi tungkol kay Pia. Karamihan ay nagsasabing hindi niya ka-yang dalhin ang isang interview at wala halos nasasagot na lehitimong issues ang kanilang mga ini-interview.

Pero, ang balita, nag-apologize naman daw siya kay Dolly Ann Carvajal na nalait nang husto sa isang interview niya.

Hindi kasi mapigil ni Pia ang kanyang kausap kahit below the belt na ang sinasabi ng mga ito. Sa pa-lagay nga namin dapat palitan na sa talk show nila si Pia. Marami namang pu-wedeng pumalit diyan.

Isa pa, nakikita na siya araw-araw at gabi sa telebisyon. Sino pa nga ba ang magiging interesadong panoorin siya? Teka, sino naman kaya ang pupuwedeng pumalit kay Pia?

Well, bahala na ang pamunuan ng GMA-7 sa pamimili basta merong pupuwede sa puwesto ni Pia sa Showbiz Central.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia wants to be a farmer

WE remember Patrick Garcia as a talent from ABS CBN who was very
careful with his choice of words when being interviewed. He was also the type who is not too keen on discussing his private life with the entertainment press. His eyes lit up when he bared plans of owning a farm and be an agriculturist. To this day the 25 year-old actor still entertains this thought..

The best years of his teen-age life were spent at ABS CBN which honed his talent as an A-1 actor. He will forever be remembered as the Fil-Am kid in “Batang PX” for his memorable acting which nearly rewarded him a grand slam. Patrick, just like some of his colleagues at the network which used to reign has moved on with his career and station as well. He is now with GMA 7 on a per project assignment.

For one who has kept mum about his lovelife, Patrick has openly admitted his relationship with original Kapuso and StarStruck winner, Jennylyn Mercado.

“At first gusto namin itong itago as we fear baka maapektuhan kung anuman ang plano ng GMA 7 sa kanya. But when she called it quits with Mark (Herras), hindi na namin ito itinago,” says Patrick at the final presscon for the movie. “Angels.”

“Angels” is the initial movie of Eagle Eye Entertainment Productions whose investors include talent manager, Becky Aguila and her talent Angel Locsin and other family members and friends based abroad. At last counting, they have spent P20 million for the over-all cost. The movie will have a premiere in the United States which will also serve as avacation for the principal cast. “Angels” is not a religious movie although we are sure it has heavenly messages since it deals on how angels play an important role in our lives.

Patrick and Jennylyn stars in the episode titled “Angel of Love” where angel Kerubina plays cupid to Bianang and Jude whose taste in many things, specially in music differs. The episode should appeal to thousands of youth as they can relate easily to love experiences.

We were told that Patrick and Jennylyn has no kissing scene in the movie. We wonder why. Has Patrick’s being Born again Christian got something to do with it? Or they are reserving it for a full-length movie that would star Patrick, Jennylyn and Mark Herras?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo "I am not the father of that child!"

Isang kaibigan namin na malapit kay Dennis Trillo ang tumawag sa aktor para kunin ang reaksyon nito hinggil sa pagdadalantao ngayon ng rumored girlfriend nitong si Carlene Aguilar.

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Dennis tungkol sa isyu pero nang tanungin siya ng kaibigan namin kung siya ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Carlene ay deretsahan itong itinanggi ng aktor.

"If Carlene is pregnant, I am not the father of that child!" ang eksaktong dayalog daw ni Dennis.

Idinagdag pa ng aktor na matagal na niyang hindi pinakikialaman si Carlene kaya wala siyang kinalaman sa kasalukuyang sitwasyon nito.

May paalala ang kaibigan namin kay Dennis. Sana raw ay totoo ang ginawang pagde-deny nito at hindi ito katulad ng ibang artista na nagde-deny sa simula pero pagtagal-tagal ay aamin din.

Dapat aniya ay pangatawanan ni Dennis na hindi siya ang ama ng anak ni Carlene at kailanman ay huwag niyang babawiin ang pahayag niyang ‘yon kundi’y masisira ang kredibilidad ng aktor.

Nu’ng Pebrero ng taong ito unang umugong ang balitang buntis ang 2005 Bb. Pilipinas-World na si Carlene nang makita itong namimili ng maternity dress.

Nu’ng Marso sa launch ng debut album ni Dennis sa Virgin Café ay napikon si Dennis nang kulit-kulitin namin tungkol sa preggy issue kay Carlene.

Napansin naming tila hindi alam ni Dennis kung anong isasagot sa amin. Aniya, hindi niya ito nakakausap at hindi niya alam kung buntis ito.

Sa 28th birthday ni Dennis nu’ng Mayo 12 sa Barrakz bar ay muli naming inusisa sa kanya ang kanyang rumored girlfriend.

Sabi niya, out-of-town ito kaya wala sa party niya pero tumawag na raw ito sa kanya para bumati ng happy birthday. Nabanggit din niya sa amin na nakikita niya si Carlene at hindi naman daw ito buntis.

Nitong katapusan ng Mayo ay nakita ng GMA-7 reporter na si Lhar Santiago sa Los Angeles, California si Carlene na malaki ang tiyan at agad nitong inamin na siya ay anim na buwang buntis.

Mabilis ding sinabi ng 25-anyos na si Carlene kay Kuya Lhar na hindi si Dennis ang ama ng kanyang ipinagbubuntis kundi isang Chinese businessman daw na hindi nito pinangalanan.

Kami mismo ay tila hirap paniwalaan ito dahil sa pagkakaalam namin, inililihim lang nina Dennis at Carlene ang kanilang relasyon (na nagsimula noon pang kapwa sila talent ng ABS-CBN) pero never silang nag-break bilang magsyota.

May dugong Chinese si Dennis (Abelardo Dennis Florencio Ho ang tunay nitong pangalan) at ang alam namin ay may business ang kanyang pamilya.

Siguro nga ay hindi siya ang tinutukoy ni Carlene dahil malinaw ang linya niyang, "I am not the father of that child!"

Father’s Day ngayong araw na ito at wish namin na sana nga’y hindi si Dennis ang ama ng nasabing bata dahil lubhang napakasakit na itanggi ka ng sarili mong ama!

Source.

Labels:


Continue Reading...

Saturday, June 16, 2007

Marky Cielo's biggest crush is Angel Locsin

Biggest crush pala ni Marky Cielo si Angel Locsin. Pero may hiya pa siyang aminin kaya parang hesitant siyang magkuwento tungkol dito. Ayaw daw niyang i-entertain ang thought dahil mas concentrated siya sa trabaho espe­cial­ly now na siya ang main protagonist sa newest youth oriented program ng GMA 7 na Boys Next Door na magsi­si­mulang mapanood sa June 24, Sunday.

After niyang manalo sa StarStruck nakasama na siya sa mga programang Encantadia, Love to Love, Bakekang, Asian Treasures, Fan­tastikids, SOP and ito ngang Boys Next Door.

Kaya naman medyo nakakaipon-ipon na si Marky. Nakabili na siya ng brand new car, pinag-aaral niya ang youngest sister niya sa Miriam college at nagri-rent sila ng condo. ‘Yun kasing napa­nalunan niyang house sa Antipolo ay hindi pa nila natitirhan.

Anyway, si Buboy si Marky sa Boys Next Door na malalaman lang na meron siyang ibang mga kapatid nang mamamatay ang kanyang ama.

Kasama niya rito ang iba pang produkto ng StarStruck na mapapanood after ng MOVE, The Billy Crawford Search for Pinoy Dancers sa GMA 7.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Jennyln Mercado binigyan ng 10-year-multiple entry US visa

Kahapon ay galing sa US Embassy si Jennyln Mercado kasama ang kanyang manager na si Becky Aguila para sa US visa na kailangan ng young actress/singer para dumalo sa premiere night ng “Angels” sa USA this July.

Tuwang-tuwa si Jen nang mabigyan siya ng 10-year-multiple entry visa. Nang unang pumunta kasi siya sa USA noon para sa “I Love New York” ay working visa lang ang ibinigay sa kanya.

Kaya ganu’n na ang saya niya kahapon nang malaman niyang multiple visa ang ibinigay sa kanya.

Nakatakdang umalis sa July 4 ang grupo ng “Angels” para sa red carpet screening sa San Diego, Los Angeles, Las Vegas at San Francisco.

Showing naman sa June 20 dito sa Pinas nationwide ang said trilogy movie na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Marvin Agustin, Nash Aguas, Valerie Conepcion, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Ketchup Eusebio, Ella Cruz at marami pang iba.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Boys Next Door mataas ang ratings

Malaking hamon sa mga artistang kalahok sa bagong programang Boys Next Door (ng GMA 7) na mapanatili itong mataas ang ratings dahil papalit ito sa Magic Kamison na laging mataas ang ratings.

Simula Hunyo 24, mapapanood ang Boys Next Door tuwing Linggo pagkatapos ng MOVE ni Billy Crawford.

Nagtataka kami kung bakit tatapusin na ang Magic Kamison gayong consistent itong toprater.

Ayon sa PUM na si Rams David ay mamahinga ito sandali at babalik din. Bukas ang last airing ng Magic Kamison na pinagbibidahan ni Gladys ‘Chuchay’ Guevarra.

Ang Boys Next Door ay isang youth-oriented program na katulad ng Click.

Pinagbibidahan ito ng survivors at avengers ng Starstruck 3 kasama si Marky Cielo. Bukod sa kanila ay kasama rin ang batang lumabas sa commercial na ‘Kuya… Germs’ na si Justine Plummer. Cute ang bata, at kasama rin si Eunice ‘Charming’ Lagusad.

Ang naging bida sa preskon ay sina Kiko Junio at Jesi Corcuera.

Hindi namin alam kung showbiz lang ito pero hindi nila itinatago ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Hindi hadlang ang pagiging tomboy ni Jesi para hindi siya mahalin ni Kiko.

Napakaganda naman talaga ni Jesi at ang pagka-barako lang niya ang hadlang sa alindog niya.

Malaki ang chance na maging tunay na babae si Jesi dito.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin hindi nag renew ng contract sa GMA Artist Center

Hindi na pala nag-renew ng management contract sa GMA Artist Center si Angel Locsin at si Becky Aguila na ang solong nagma-manage sa kanyang career ngayon.

Actually, hindi lang manager ngayon ni Angel si Becky dahil business partners sila.

Magkasosyo sila sa pelikulang Angels na magsu-showing sa Hunyo 20.

Nagkaroon man ng gusot noon sa pagitan nina Angel at Becky, ayos na ayos na ‘yon at nabalik na ang tiwala ng young actress sa talent manager.

May kinalaman kaya ‘yung hindi na pagre-renew ni Angel ng management contract sa GMA Artist Center kaya lumalabas ang tsikang hindi inialok sa kanya ang local version ng Marimar?

Siyanga pala, isang malapit kay Angel ang nagkuwento sa amin na madalas na mag-hyperventilate ang young actress dahil sumasama ang loob niya sa mga isyung ikinukulapol sa kanyang pagkatao.

Pati ‘yung naglalabasang nagpahayag ang ilang mga taga-Siyete na yumayabang na siya ay talaga raw ikinasasama ng loob ni Angel.

Sa ngayon daw ay umaasa na lang si Angel na magiging maganda ang resulta sa takilya ng Angels para kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Nabalitaan din namin na ‘yung gastos para sa nalalapit na pag-aaral ni Angel sa isang fashion designing school sa London ay sasagutin ng kompanyang itinatag ng young actress at ilang kasosyo para sa bubuksan nilang fashion line.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Friday, June 15, 2007

Pia at ‘Showbiz Central,’ iimbestigahan ng MTRCB

LAST Wednesday, isa na namang “meet the press” ang idinaos ng National Press Club (NPC) at first time na nagkaroon ng showbiz talakayan kung saan ay guests ang MTRCB member na si Edmond Sicam at kolumnistang si Dolly Anne Carvajal habang panelists naman ang ibang kasamahan sa hanapbuhay.

Ang topic ay tungkol sa mishandling ng public information at pag-suppress ng public interviews na nagaganap partikular on national television.

Isa sa mga napag-usapan ang nangyari sa kaso ni Dolly Anne sa Showbiz Central kung saan ay nagsalita si Annabelle Rama nang hindi maganda tungkol sa kanya, kabilang na ang linyang nag-uuwi raw ng callboy sa bahay ang kolumnista.

Ayon kay Mr. Sicam, paiimbestigahan nila ang tungkol sa pangyayaring ito at hihingin ang tape ng nasabing episode para i-review.

Kapag napatunayang lumabag ang Showbiz Central sa ruling ng MTRCB, agad nilang bibigyan ng naaayong aksyon ang naturang programa.

“Hindi namin palalampasin ’yan,” ang sabi ni Sicam.

Sa naturang forum, tinalakay din ang anila’y unprofessionalism sa parte ni Pia Guanio in handling the interview with Annabelle.

Being the host, dapat daw ay nakontrol ang mga ganu’ng pangyayari at hindi na lumampas pa ng one minute ang mga pagtataray ni Annabelle kay Dolly Anne.

Dahil dito, may nagkomento na broadcast reader lang daw si Pia at hindi talaga broadcaster considering na Mass Communications graduate ito sa UP.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras umaming adik, pero...

NAPASYAL kami sa set ng Fantastic Man, pinagbibidahan ng kauna-unahang Starstruck ultimate male survivor sa Mariwasa sa Pasig City kamakailan lang. Medyo late na rin kaming nakarating sa set as per instructions na rin ng kaibigan naming executive producer na si Ms. Winnie Reyes- Holmes.

Late na rin kasing nakarating si Mark sa set dahil galing pa ang aktor sa taping ng Bubble Gang, ang longest-running gag show ng GMA Network, kung saan regular na rin siyang napapanood kasama sina Michael V, Ogie Alcasid, Ara Mina, Diana Zuburi, Maureen Larrazabal at marami pang iba.

Natutuwa si Mark dahil malakas ang palo sa rating game ng pinagbibidahan niyang fantaserye. Hindi daw niya ine-expect na ganu’n kataas ang rating ng Fantastic Man (airs every Saturday at 7 P.M.) pero malakas ang kutob niyang magugustuhan ito dahil pambata ang kanyang programa.

Nang araw na ‘yun, guest ang Super Twins na sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Hindi nga lang namin nakausap ang dalawa dahil tulog ang mga ito at pinabayaan na lang naming magpahinga.

At any rate, nakasentro nga kay Mark ang usapan. Kinalkal namin ang real score nila ng EB Babes na si Lian Paz. Itinanggi ng aktor na magsyota na sila. Nasa ligawan stage pa rin daw sila. Dahil nga sa sobrang hectic daw ng kanyang schedule kaya thru text na lang muna ang panliligaw niya.

Natutuwa rin si Mark dahil tanggap ng mga fans ang tambalan nilang dalawa ni Ryza Cenon ( Starstruck batch 2 ultimate female survivor), leading lady niya sa serye along with Jackie Rice, isa ring female ultimate survivor ng Starstruck batch 3.

Aniya, at least, na-prove raw niyang puwede rin siyang i-partner sa iba other than Jennylyn na na-ging girlfriend niya bago ito napunta kay Patrick Garcia.

Carry daw ni Mark ang isyung playboy siya. Pero ‘yung akusasyong he’s into drugs ay hinding-hindi raw niya matatanggap.

“Eh, ganito lang talaga ang pangangatawan ko,” sambit niya. “Ever since nu’ng nakilala ninyo ako, ganito na talaga ako. Hindi ako nangangayayat dahil sa drugs. Never akong nag-drugs.”
* * *
NAGUGULAT si Mark dahil “ginagawa” raw nila ang session sa isang Internet shop na matatagpuan along Morato St.

“Puwede bang mangyari ‘yun du’n eh, it’s a public place. Hindi lang kami ang andu’n. Marami kami. Iba’t ibang klase ng tao ang pumapasok sa lugar. Imposibleng mangyari ‘yung iniisyu nila sa akin,” paliwanag ng aktor na tila hinahabol din ng sari-saring intriga.

Paminsan-minsan lang daw nagpupunta si Mark sa naturang Internet shop. At makakapagpatunay daw nito ang scriptwriter at fellow columnist na si Dinno Erece who also frequent the place.

“Lagi ko siyang (referring to Dinno) nakakasabay sa Internet shop. Makapagpapatunay siya na walang session na nagaganap sa lugar. Takot lang naming masulat, noh?”

“Tinanong na rin nga ako ni ‘Nay Lolit (Solit, manager ni Mark) kung totoong nagda-drugs ako. Sabi ko sa kanya, eh, sana tuyot ako. Hindi ako tuyot, payat lang talaga ako. Actually, tinatawanan na lang namin ang issue tungkol sa drugs,” paliwanag pa ni Mark.

Iginiit ni Mark na talagang never pa niyang natikman ito. At wala raw siyang balak na subukan ito for curiosity sake.

“Ayoko namang sirain ang buhay ko,” aniya. “Siguro king maging curious man ako kung pariwara ang buhay ko. Pero bakit ko naman sasayangin ang pagkakataon ko sa showbiz? Minsan lang duma-ting ang ganitong pagkaka-taon so I might as well, make the most out of it.”

Yes, addicted nga si Mark! Aminado naman siyang addict siya sa online games. Kaya raw siya na-pupunta ng Internet shop dahil sa pagkaadik niya sa larong DotA (Defence of the Ancients) na kinababaliwan din ng iba pang kabataang katulad niya.

Pero bakit hindi na lang sa bahay niya gawin ang paglalaro kaysa pumupunta pa siya sa Internet shop?

“Iba ang feeling kapag may kalaro kang iba. May computer din naman ako sa bahay pero iba kapag kalaro mo ang mga kaibigan mong katulad nina Rainier Castillo at Gian Carlos. Sila lang naman ang mga nakakasama ko sa paglalaro. Mas exciting kapag may kalaro kaysa nag-iisa ka lang,” eksplinasyon pa ni Mark.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Mga kaganapan sa Impostora

Patuloy na umiigting ang mga kaganapan sa teledramang Impostora ng GMA 7.

Lalaitin nina Carla (Sharmaine Santiago) at Cora (Anna Larrucea) si Sara (Iza Calzado).

Ipagtatanggol ni Ramil si Sara at magiging magkaibigan sila. Masaya si Sara dahil noon lang siya nakakilala ng taong hindi tumitingin sa panlabas ng anyo niya.

Mahuhulog ang loob niya kay Ramil.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin on Angels

Sa presscon ng pelikulang Angels kahapon ay nilinaw ni Angel Locsin na hindi siya suwail na talent ng GMA 7.

Hindi rin daw siya nagmamalaki na sa Siyete kaya tinanggihan niyang magbida sa Philippine version ng telenobelang Marimar.

Talaga lang daw kailangan niyang magpunta sa London para mag-aral sa isang fashion school doon dahil sa isang business na may kinalaman sa damit na sisimulan na niya sa Agosto kung saan ay kasosyo niya ang isang anak ng tycoon na si Lucio Tan.

"Hindi naman porke hindi ako pumuwede sa Marimar eh suwail na ako sa GMA 7, na wala na akong utang na loob sa kanila. Hindi naman ganoon.

"Kailangan ko lang magpunta ng London dahil mag-aaral ako ng fashion design doon para sa business na bubuksan ko by August.

"Lima ‘yung shows na sunud-sunod kong ginawa, kaya nag-ask ako this time ng pahinga. Alam ko na nauunawaan ako ng GMA 7 management," pahayag ni Angel.

Hindi rin daw gimik ang kanyang pag-alis.

"Totoo po na aalis ako. Hindi na rin po ako ang gaganap sa Marimar. I heard na si Marian (Rivera) na and I’m really happy for her.

"Hindi po ako nanghihinayang sa Marimar dahil kagustuhan ko po ang mag-aral muna sa London. Saka hindi po pwedeng lahat na lang ng projects, eh, sa akin. Saka bagay naman po kay Marian ‘yung Marimar," sabi pa ng young actress.

Thankful si Angel kay Richard Gutierrez dahil noong Linggo ay iprinomote ng binata sa S.O.P. Rules ang Angels.

Tungkol sa kanilang dalawa ni Marvin Agustin, lumalabas-labas daw sila at special sila sa isa’t isa, pero wala raw silang relasyon.

"Ni hindi nanliligaw si Marvin sa akin, pero hindi ko siya tinatanong kung bakit, ha!

"Basta, malapit kami sa isa’t isa," sabi pa ni Angel.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 14, 2007

Alfred Vargas: Sports better than sex

ALFRED Vargas reminds us of Marc Nelson where sports and challenges are concerned. We see Marc participating in all kinds of sports globally in the weekly show, “Sports Unlimited.” Is there no sport he is not interested in? Ditto with debonair hunk Alfred whose visibility on television is awesome.

Wednesday is fun time for Alfred who is all-out for any “game” “Nuts Entertainment” has lined-up. Silly challenges we call them. Kaya nga, “nuts.”

Alfred was also guest participant in “Tok Tok Tok” in a challenge that was never met because the co-participant chose to collect the cash amounting to P65,000 than aim for a million.

Water sports like wakeboarding is number one on Alfred’s list. He was with some friends recently in Batangas to indulge in this calorie-burning sport.

“Sports, not sex, drives stress away,” he opines.

Source.

Continue Reading...

Meteor Garden nasa GMA-7 na!

MAY teaser na ng Meteor Garden ang GMA-7, pero ayaw sabihin ng mga tinanong namin kung kailan ang airing ng Taiwanese series na super hit nang unang pinalabas sa ABS-CBN.

Ayaw talaga ipaalam kung kailan ’yung “soon” na binabanggit sa teaser.

Iba ang nag-dub ng MG na ipalalabas sa Channel 7 at in-explain sa amin kung bakit napunta ito sa network.

Nag-expire na raw ang kontrata nito sa Channel 2, nagkaroon ng panibagong bidding at sila ang nakakuha ng rights na tatagal ng three years.

Nag-suggest ang kausap namin na habang hindi pa umeere ang MG, ang Silence muna ni Vic Zhou, na palabas sa QTV 11, ang subaybayan ng fans ng F4 at ni Barbie Hsu.

Napapanood ito 8-8:30 p.m., Monday to Friday, at kasama ni Vic si Park Eun Hye, ang best friend ni Jang Geum sa Jewel in the Palace.

First collaboration ng Taiwan at Korea ang series.

Umiikot ang istorya ng Silence kina Johnny (Vic), ang matalino at mayabang na businessman, at Carol (Eun Hye), maganda, masayahin at mabait na dalaga, pero pipi.

Una silang nagtagpo noong mga bata pa sila at muling magkikita after 13 years.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Rochelle Pangilinan may pasasabugin

PAGKATAPOS ng mahi-git anim na taong pagbibi-gay-saya kasama ang phenomenal ang multi-platinum awarded, Sexbomb Girls, handa na si Rochelle Pangilinan na pakitaan ang buong music industry sa kanyang solo debut album na Roc-A-Holic.

Si Rochelle, na gusto ng Panacea Music na kilalanin sa alyas na RoC kapag hindi kasama ang mga ka-grupo, ay hindi na paaawat sa pagpapauso ng pinakabagong timpla ng kanta-han na tatawaging Novelty Hiphop.

Ang album na may 12 na kanta ay kwento ni Sexbomb Rochelle - ang kanyang mga pangarap, pinagmulan at ang kanyang mga pinagdaanan sa industriya. Ang Dito Ba ay tungkol sa buhay niya bago siya na-kilala bilang isa sa pinakahinahangaan ngayon. Tungkol ito sa isang hindi kilalang band majorette na nagsumikap upang maiahon ang pamilya sa kahirapan hanggang sa maging isang kilalang TV dan-cer, singer at artista. Ang kantang ito ay nagbibigay kwento tungkol sa isang babae na minsan ay siyang kumanta at sumayaw ng kinasisiyahan na Spageti Song at unti-unting umakyat ng hagdanan patungo sa tagumpay.

Ang “Bakit Ako” naman ay tungkol sa buhay pag-ibig ni Rochelle. Sinasalaysay nito ang pinagdaanan ng isang dalagang nagmahal at nasaktan. Siya ay gaya rin ng ibang ordinaryong babae na nakaramdam ng pait ng pag-ibig.

Ang kantang Rocaho-lic ang siyang bagong ipinagmamalaki ni Roc sa music industry. Ito ang tinatawag niyang pinakabagong musical disease na siguradong yayanig sa bawat dance floor sa Pilipinas. Ang album carrier single na Baile ay ang latest novelty song na siguradong kalolokohan muli ng bawat tao sa bawat sulok ng mundo.

Bawat kanta sa album ay parte ng pira-pirasong buhay ni RoC. Para ito sa lahat ng Pilipino na mahilig sa iba’t ibang klase ng kanta lalo na sa makabagong istilo. Kasama sa album sina Michael V., Gloc9, Sexbomb Evette Pabalan at Sexbomb Jovel Palomo. Walang duda na ang Roc-A-Holic album ay papatok sa panlasang Pinoy at siguradong mapapasayaw, mapapakanta at mararamdaman ang mga sincere messages na gustong ipagkaloob ni Rochelle.

This album introduces Sexbomb Rochelle as the Hiphop Bombshell of the Philippine music industry.

Ang Roc-A-Holic ay produced ng Panacea Music and exclusively distributed ng Ivory Music & Video. Mabibili na ito sa lahat ng record bars sa Pilipinas sa halagang P235. Bili na at sabay na indakan ang Hiphop Bombshell ng Pilipinas!

Source.

Labels:


Continue Reading...

Asawa ni Anjo Yllana may ibang karelasyon?

AYON sa dating driver bodyguard ni Mark Leviste, nagkaroon daw ng relasyon sina Mark and Jackie Yllana.

Nakakagulat ang salaysay ni Edward Ronquillo, ang dating driver and bodyguard ng Batangas Vice Governor-elect na hindi lang nag-demanda sa dati niyang boss of seven months, ang dami pang pinakawalang bomba tungkol dito at mga diumanong nakaulayaw nito including Anjo Yllana’s wife Jackie na included ang detalye sa isinumite nitong complaint affidavit.

Gusto raw ni Edward na manahimik na sa buhay pero pilit siyang ginugulo ni Mark with a serious death threat kung kaya’t napilitan siyang mag-demanda rito. Ang pinaka-main complaint niya, na inutusan siyang lagyan ng bomba ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa opisina ng isang board member.

Kung bakit pumasok ang usapang Mark and Jackie sa affidavit, this really shocked us.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, June 13, 2007

Vic Sotto and Ai-Ai de las Alas tandem?

Nakita namin si Malou Choa-Fagar sa launching ng Roc-A-holic album ni Rochelle “Roc” Pangilinan sa Zirkoh Timog kamakailan at tinanong namin sa bagong sitcom ni Vic Sotto kapalit ng Daddy Di Do Du.

Ayaw pa nitong magsalita’t hindi pa niya naaabisuhan ang mga artista na bubuo sa cast ng bagong show.

Hindi na rin nagulat si Malou sa balitang nakitang nakikipag-meeting sa ABS-CBN si Redford White, na nasa original cast ng DDDD, dahil nagpaalam ito sa kanya.

Sa kanya rin kinuha ng taga-Channel 2 ang contact number ng comedian.

Si Vic mismo ang nagbalitang mawawala na ang DDDD sa isang print interview at hindi lang reformat ang gagawin, kundi bagong show ang kanilang kinu-conceptualize.

Hindi namin nakumpirma kay Malou ang tsikang si Ai-Ai de las Alas ang kinu-consider na makasama ni Vic sa bagong sitcom.

Minsan nang nabanggit ni Ai-Ai na tatanggap siya ng show sa GMA-7 kung si Vic ang makakasama dahil nagkatrabaho na sila dati at kasama pa si Rosanna Roces.

Ito na kaya ang sinasabing show ni Ai-Ai?

Source.

Labels:


Continue Reading...

Lolit Solis disappointed kay Atty. Raymond Fortun

IN last Sunday’s “Showbiz Central,” Lolit Solis was very vocal about her disappointment with celebrity lawyer Raymond Fortun. “Panay ang tawag niya sa akin pero hindi ko sinasagot,” she says. “Gusto yatang malaman ni Atty. Fortun kung interesado pa ako na i-refile ang libel case ni Dra. Vicki Belo laban kay Rosanna Roces. Siyempre, hindi na lang ang sagot ko dahil ayoko nang magastusan pa si Dra. Belo. Malaking abala rin ang pagpunta-punta sa korte. Totoong nadismaya ako sa kinahinatnan ng kaso dahil alam ko na malakas ang laban ni Dra. Belo, tapos na-dismiss ang libel case dahil lang sa technicality na sinasabi ni Atty. Fortun tungkol sa wrong address. Ano ba yun? Ang laki-laki ng ibinabayad sa kanya? Ang akala ko pa naman, nakasandal na kami ni Dra. Belo sa pader dahil siya ang abogado namin pero mali ang aking akala.

Naalala ko tuloy ang madalas na isulat noon ni Billy Balbastro tungkol sa mga abogado na produkto lang ng media hype.”

Another feature of “Showbiz Central” showed former beauty queen-actress Alma Concepcion saying she has psychic powers and she can predict what happens through her dreams. She said she was able to save a friend through this and that she even dreamt of what happened to Ruffa Gutierrez and her marriage. A follow up story was done on Aiza Marquez, who was evicted from her former home due to her inability to pay the rent.

Now, she has moved to a new home, thanks to the more than P100,000 cash she won from GMA-7’s “All Star K’. We noticed that she moved into another big house and we’re sure the rent there is also exorbitant.

Since she doesn’t have a regular show, that means she also has no regular income and it seems impractical for her to get another big house. Why not just get a smaller apartment which is easier to pay?

An item of Rhian Ramos shows her welcoming a fan from London, a British athlete with a Filipina mom. The young man, Phil Younghusband, is a gorgeous hunk with movie star goodlooks. If he’d join showbiz, he’d give a lot of local actors a run for their money. He visited Rhian at the GMA Network office on his way to Palawan. So those who are linking Rhian to PJ Valerio, stop it already. We know who Rhian would pick if she’d be made to choose.

We felt uncomfortable in the segment showing Pia Guanio interviewing athlete Elma Muros, who was there to plug Tide. Pia kept on asking her about her personal life and career, but she kept on talking about how Tide helped her in washing her uniform. She should have been told not to do the plugging in such a hardsell way.

In the portion where avid fans are given the chance to meet their idols in person, a pregnant girl named Mimay got the opportunity to see her favorite, Jolina Magdangal, up close and she was even able to convince Jolina to be the “ninang” of her baby.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi kissing scenes with JC de Vera

Sa halikan din nalolokah si Yasmien Kurdi.

Tuwing nagti-taping sila ni JC de Vera ng Pati Ba Pintig ng Puso ay may halikan daw sila.

"Nu’ng last taping namin, napagod ako sa halikan namin. Hindi lang basta-bastang halikan iyun o smack. Grabe talaga," kuwento ni Yasmien.

Parang hindi naman nagrereklamo ang young actress, dahil napapangiti ito kapag ang halikan nila ni JC ang pinag-uusapan namin.

Ang isang kissing scene daw nila ay hindi lang minsan o dalawang beses kinukunan, kundi nakaka-7 takes pa raw sila.

Aminado si Yasmien na posibleng ma-develop siya kay JC dahil mabait ito. So far, hindi niya masasabing nanliligaw si JC sa kanya, pero madalas silang nagkikita. Pinupuntahan siya ni JC sa mall show ng bagong album niya, at minsan ay pinupuntahan niya si JC sa liga nito sa Parañaque.

"Basta tamang lakad lang, tamang magkasama kami minsan, ganun lang," sabi pa sa amin ni Yasmien.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 12, 2007

Scenes from Beijing, China in Asian Treasures

BIG scenes ang inaasahang mapapanood sa Asian Treasures this week dahil ang mga eksena ay kuha lahat sa Beijing, China. May eksenang kasama ni Robin Padilla ang mga batang nasa Shaolin Temple.

Anyway, naka-11 days sa Beijing, China ang cast ng Asian Treasures ng GMA 7 at kahapon lang sila dumating ng Pilipinas.

May mga nakalululang action scenes din na kinunan pa sa historical sites sa Beijing tulad ng Great Wall of China, Forbidden City at iba pa.

Kasama ng entourage ng Asian Treasures from China na bumalik sa bansa sina Angel Locsin, Robin Padilla, Diana Zubiri, Eddie Garcia at Sandy Andolong.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Marimar mas bagay kay Marian Rivera

MARAMING nag-audition para sa role na Marimar pero para sa amin, ang pinakabagay dito ay si Marian Rivera. Bakit? Kasi bagay ang looks niya sa ire-remake na soap opera at saka very amusing ang face niya. Hindi matapang na tulad ni Thalia noon.

Tama rin lang ang height ni Marian. Saka, ang galing niyang sumayaw at marunong pang kumanta.

Last Sunday, sa SOP ay kumanta siya kapartner si Dennis Trillo. Medyo Thalia look ang hairdo niyang ginamit.

Bukod pa rito, isang source mula sa GMA, ang nagsabi sa amin na kung siya ang tatanungin ay ang pinakabagay na maging Marimar ay si Marian.

Kasi, mature si Marian na tamang-tama sa role. Di pa raw puwede ang mga galing sa StarStruck dahil napakababata pa nila.

Anyway, malapit na raw malaman ang cast nito. Kasi, end of June ay nakatakda na raw simulan ang taping ng soap.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Dolly Ann Carvajal and Pia Guiano issue

MAGKAKAAYOS din daw sina Dolly Ann Carvajal and Pia Guiano.

Nice of Pia to apologize to Dolly Ann last Sunday sa Showbiz Central. Nicer is the fact that during and after the show, tumawag na raw si Pia to Dolly Ann to personally apologize to her.

Sabi ni Dolly Ann, tatanggapin niya naman tiyak ang apology ni Pia bigyan lang daw siya ng time na palamigin niya muna ang sarili niya.

Fact is hindi naman daw nagalit si Dolly Ann sa nangyaring interview between Pia and Ms. Annabelle Rama, nagtampo lang siya. Ang naging wish lang ni Dolly Ann that time, sana nalaman daw ni Pia where to draw the line and when to stop an interview. By the way, hindi nag-guest si Dolly Ann nguni’t nagbigay naman ng isang serye ng text messages.

Hopefully after this week, ma-stop na ang gulo.

source.

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 11, 2007

Sunshine Dizon and Iza Calzado sa Impostora

LALABAS na sina Sunshine Dizon and Iza Calzado sa Impostora.

GMA knows how to act fast. Dahil stiff ang competition - one ending and another one piloting ang katapat ng Impostora – minabilis na ang kuwento ng pinakabagong soap na pinagsasamahan nina Sunshine and Iza after Kung Mawawala Ka and Encantadia.

Tonight after Asian Treasures sa GMA Tele Babad, fast forward na ang kuwento sa paglaki nila.

Si Lara (Iza) ay isa ng kunduktora ng bus samantalang ang pinsan ng kambal na si Nessa (Sunshine Dizon) ay isa ng sikat na product endorser at socialite.

Ang napawalay na kambal na si Sara (Iza) ay makikitang tinutuya ng mga kapit-bahay dahil sa kanyang nasirang mukha. Maalala ni Sara kung paano siya humantong sa ganoong kalunus-lunos na kalagayan.

That’s the advantage kapag hindi masyadong marami ang advanced tape, nahahabol.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Ciara Sotto explains

IBINAHAGI sa amin ng kasamahang Rose Garcia ang napag-usapan nila ni Ciara Sotto thru email. Nagpadala ang reporter/friend namin ng ilang questions kay Ciara sa kanyang personal email address at natanggap ni Rose ang sagot ni Ciara nitong nakaraang June 7, 2007.

As we all know, nasa Las Vegas ngayon ang bunsong anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa para sa isang commitment na dapat ay nu’ng isang taon pa. Pero sa pag-alis ni Ciara (kasama ang mommy niya) patungong Amerika ay naglabasan naman ang sari-saring isyu sa mag-ina.

Pinagbibintangang buntis si Ciara sa kanyang non-showbiz boyfriend at hiwalay na rin daw sina Helen at Tito. Sa email ni Ciara kay Rose, hindi na nagulat ang dalaga sa mga paratang sa kanila.

Okay naman daw ang buhay ni Ciara sa Las Vegas. Patuloy pa rin siyang nakikipagsapalaran para sa isang pangarap.

“I’m doing well. I’m busy with a lot of voice and dance trainings. But I miss home,” simula ni Ciara.

Na-hurt ka ba or affected sa isyung preggy ka?

“I was sooooo laughing at it. I expected na. It usually happens to young stars who all of a sudden leave for the States.”

Ang reaction ni Ciara sa isyung hiwalay na ang parents niya?

“I don’t have any idea where that is coming from. Sometimes, people are envious of the fact that we have a very happy and blessed family, and the wonderful marriage my mother and father share is very rare in show business.

“I believe, so, too that it was something they came out with to try and destroy my father’s reputation during elections.”

Sinagot din ni Ciara ang isyung nili-link ang daddy niya sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. (Sinagot na ito ni Zsa Zsa at sinabi ng singer na mahigit dalawang taon na niyang hindi nakikita si Tito Sen.)

“It’s weird. They don’t even have a connection. Unbelievable. My dad would never do anything to jeopardize his marriage.”

How was it after elections? Paano ba ang acceptance lalo na sa daddy mo?

“Everything is fine. We are Christians. We accept whatever God’s will. Life goes on. As it should be.”

Can you tell us something or at least, give us an idea about the job opportunity in Las Vegas na dumating sa iyo?

“It’s a show in a dinner/theatre style. A lot of singing and dancing. That’s all I can say right now. There are 5 other girls performing with me.”

May similarity ba ‘yung ginagawa mo sa ginagawa nina Martin Nievera at Lani Misalucha?

“Similar.”

Ano ba ang feeling niya na sinamahan siya ng mommy niya tapos naiwan ang ibang anak sa Pilipinas?

“I’m the only single child they have. We should understand her concern- my safety, my welfare and the negotiations here. We all felt bad that we both had to leave during that time, but my dad said I should go and see what’s in store for me here while they’re very interested in me.”

How long will you be staying there? May possibility ba that you’ll return?

“I’ll try to come home in 6 months but I will have to go back here. We’ll see where God leads me.”

People and things that she’s missing in the Philippines?

“UST (University of Santo Tomas, where Ciara is taking up voice lesson), Eat Bulaga, - everyone there from the hosts to the staff and management, production people, crew, utility… my boyfriend… all my barkadas, my loyal fans and most especially my family.”

So there you are. ‘Ika nga, straight from the horse’s mouth! Kahit email lang ang sagot ni Ciara sa mga tanong pero malinaw na walang katotohanan ang mga isyung ibinabato sa kanya at sa pamilya niya.

Sana manahimik na ang mga detractors nina Helen at Ciara!

Source.

Labels:


Continue Reading...

Janno Gibbs says goodbye to Eat Bulaga

Nagpaalam si Janno Gibbs sa kanyang manager na si Ms. Malou Choa-Fagar para lisanin pansamantala ang programang Eat Bulaga dahil sa conflict sa sked niya sa Lupin kung saan may mahalagang papel siyang ginagampanan.

May mga intriga kasing isa siya sa mga tinanggal na host sa longest running noontime show.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Janno sa set ng Lupin noong Biyernes nang gabi, napaka-unfair naman daw sa iba na lagi siyang dumadating na late at minsan ay absent pa sa Eat Bulaga.

Ngayong halos araw-araw na yata ang taping ng Lupin, lalong hindi makakasipot si Janno sa Eat Bulaga.

Tutal, may Nuts Entertainment pa siya plus ang SOP every Sunday. Balita rin namin na kasali si Janno sa Celebrity Duet, isang programa na malapit nang simulan sa GMA 7.

Mukhang okay na rin ang pagsasama nina Janno at Bing Loyzaga.

Aminado ang singer/actor na hindi pa 100% ang reconciliation nilang mag-asawa pero doon na ito patungo. Ibinubuhos na lang ni Janno ang mga libreng panahon niya sa kanyang pamilya. Malalaki na ang mga anak ni Janno at kade-debut lamang ng panganay niya.

Source.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, June 10, 2007

Alfred Vargas still loves LJ

WE often hear celebrities say that they are on a “cool-off” period whenever their relationships are on the verge of collapse. To some, it is their way of telling that they have indeed parted ways with their partners.

Could this be the case between actor Alfred Vargas and his girlfriend of eight months, LJ Reyes, whom he even brought to the United States to spend the holiday with?

A friend close to Alfred says that love is still there especially on Alfred’s part although he prefers to remain mum whenever he is asked to comment on his lovelife.

“It is easier to make Alfred pose nude for a pictorial than to reveal what’s inside his heart. He is a very secretive and private person. The most he can say is admit that they were on which he did and that they are now under a cool-off stage. There will be no further explanations,” adds our source.

Alfred has remained loveless after he was romantically linked to his leading lady in “Muli,” Malaysian actress Carrie Lee. Jealousy somehow must have crept in which put a strain on what appears to be a stable relationship between Alfred and LJ.

We could almost hear Lolit Solis (the manager of Alfred) exclaim, “It is all showbiz act where everything is hyped. Nangyayari nga kahit walang pino-promote na movie ang isang artista eh may mga issue na naglalabasan. Alfred is a perfect gentleman at galing iyan sa buena familia. He will open a door kahit kaninong babae. Malakas talaga ang appeal ni Alfred and he is a faithful guy.”

Meanwhile, Alfred starts taping for the new soap opera, “Impostora” next week. In a past interview, the actor said he feels very fortunate working with highly respected directors in local movies. From Jeffrrey Jeturian (“Bridal Shower”) to Joey Reyes (“I Wanna Be Happy”), Joel Lamangan (“ZsaZsa Zaturnnah”) and now with Maryo J. delos Reyes.

“I am very positive I could learn many things about acting with direk Maryo. His acclaimed movies speak for what a gifted director he is. He strikes me as someone who can be both serious and funny at the same time,” Alfred says.

Source.

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites