<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, August 31, 2007

Joey to Willie: Explain before you complain

Video: Joey to Willie: Explain before you complain

Labels:


Continue Reading...

Joey de Leon vs. Willie

Naku ha, na-pre-empt ka­hapon ng dz­BB ang Eat Bu­laga da­hil na­ka­u­sap ka­agad nina Ali Sotto at Ar­nold Cla­vio si Pa­pa Joey.

Halatang im­­byerna si Pa­pa Joey sa mga si­­ney-sey ni Wil­­lie da­hil inili­lihis nito ang isyu.

Ang feel­ing ni Papa Joey, gi­na­ga­mit siya ni Willie para ma­­tabunan ang isyu tung­kol sa gu­long sa Wil­yonaryo na may laman na dala­wang nu­mero.

Sa sobrang imbyer­na ni Papa Joey, naka­pag­salita ito na sinu­nga­ling, bobo at maya­bang si Willie.

Para makapagsalita ng ganoon si Papa Joey, talagang galit siya eh masa­mang magalit ang mga ko­medyante de­bah? Min­san lang sila ma­galit pero ma­tindi.

* * *

Ipinaalala ni Papa Joey kina Ali at Arnold na wala siyang binang­git na pa­nga­lan o pama­gat ng show sa tuwing mag­sasalita siya tung­kol sa dayaan.

Bakit daw nagri-re­act si Willie at kung ang feeling nito eh siya ang pinatatamaan ni Papa Joey, bakit hindi siya magdemanda?

Mabuti pa raw ang ABS-CBN, naglabas na ng statement pero si Wil­lie, hindi maipali­wa­nag ang nangyari sa Wilyonaryo.

Umabot kaya sa de­mandahan ang word war nina Papa Joey at Willie o forever na lang si­lang magpapa­tut­sa­da­han sa kanilang mga programa?

Eh ipinaalala pa ni Papa Joey sa tele­view­ers ng Eat Bulaga na mahaba pa ang itatakbo ng kanyang pagsasalita dahil aabot pa ito sa Startalk.

Sa madaling-salita, aba­ngan ninyo bukas ang Startalk dahil pag­katapos magsalita kaha­pon ni Papa Joey sa Eat Bulaga, may-I-talk pa siya bukas sa Startalk na willing na magbigay sa kanya ng mahabang oras!

At hindi lang ‘yon. Mag­sasalita pa rin siya ngayon sa Eat Bulaga dahil sasagutin nga niya ng punto per punto ang mga paratang ni Wil­lie. Three days in a row? That’s something ‘ha? [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Mega Manila TV Ratings

Overnight TV ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 for Wednesday (August 29) na nag-emote si Willie Revillame sa Wowowee.

SiS 11.3 vs. Boy and Kris 9.7;

Takeshi’s Castle 14.9 vs. Game Ka Na Ba? 20.5;

Eat Bulaga 22.7 vs. Wowowee 21;

Daisy Siete 22.3 at Pati Ba Pintig ng Puso 21 vs. Inocente De Ti 13.2;

Kung Mahawi Man ang Ulap 22 vs. Pinoy Movie Hits 11.6;

Foxy Lady 16 at Meteor Garden 23.9 vs. Margarita 16.4;

24 Oras 32.7 vs. TV Patrol World 29.4;

Mga Mata ni Anghelita 34.7 vs. Kokey 31.8;

Marimar 34.8 vs. Ysabella 28.7;

Impostora 32.8 vs. Deal or No Deal 26.5;

Jumong 26.4 vs. Walang Kapalit 22.5 at Sineserye 26.9;

Kung Ako Ikaw 26.3 vs. Bandila 9.4.

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao as new Kapuso talent?

Bago matapos ang linggong ito ay mababalitaan na natin sa GMA 7 ang pagpirma ni Manny Pacquiao bilang bagong Kapuso talent.

Wala pa kaming nakumpirmang balita sa GMA 7 pero ang dinig namin, sitcom ang gagawin ni Pacquiao pagkatapos ng laban niya kay Barrera sa October.

Nakarating din sa amin ang ibang balitang gusto rin daw tulungan ni Pacquiao ang ilang mga kaibigang komedyante na naging malapit na sa kanya.

Sina Dennis Padilla at Long Mejia ang balak daw tulungan ng Pambansang Kamao, kaya mukhang kasali na sila sa sitcom na gagawin nito kung matutuloy ang pirmahan.

Maraming mga kaibigan ang natutuwa kay Pacquiao dahil hindi raw ito nakalimot at nagbibigay ng tulong kung kinakailangan.

Pati si Rudy Fernandez ay na-touch din dahil dinalaw siya ni Jinkee Pacquiao kamakailan para kumustahin.

Abala raw kasi si Manny sa pag-eensayo kaya ang asawa na muna ang pinadalaw nito kay Daboy.

Nangako naman si Daboy, pati si Lorna Tolentino na pupunta sila ng Amerika para panoorin ang laban ni Pacquiao.

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, August 30, 2007

'Quija' naunsyami sa Amerika

Ikalulungkot ng fans nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal ang pagkakakansela ng US screenings ng horror flick nilang Ouija.

Mula nang mapabalitang magkakaroon ng US premiere ang Ouija ay excited na ang mga Pinoy fans sa Amerika sa pagpunta roon nina Juday.

Madidismaya sila dahil kumpirmadong kanselado na ang nasabing US screenings.

Ang sinasabing dahilan ng hindi pagkakatuloy nito ay ang masalimuot na isyu ng video release ng Ouija (na pinrodyus ng GMA at Viva Films) pero hindi na namin ito dadalirutin pa.

Nakapanghihinayang dahil sina Juday at Jolens mismo ay atat nang lumipad at mag-bonding sa Amerika. Kapwa first time sana nila ‘yon na magpi-premiere ang pelikula nila sa ibang bansa, naunsyami pa.

Napurnada man ang Ouija premiere ay tuloy pa rin ang larga ni Juday pa-Amerika dahil nakaiskedyul na ‘yon para sa kanyang US raket na may kasama na ring bakasyon.

Sa pag-alis niya sa Oktubre ay tapos na ang taping nila ng Ysabella kaya gusto niya ring makapagpahinga.

Pahingang may kasama pa ring trabaho ang mangyayari dahil tuloy ang second leg ng Lovespeak The Concert nila ng nobyo niyang si Ryan Agoncillo sa Tate.

Last year ay successful ang Lovespeak nila ni Ryan sa LA, New Jersey at Jacksonville, Florida. Ang lakas doon ng Juday-Ryan tandem at marami pang nasasabik na makita ang dalawa kaya may part 2 ang kanilang concert.

Narito ang schedule ng second leg ng Lovespeak The Concert:

Oktubre 7, Las Vegas

Oktubre 12, San Francisco

Oktubre 14, Carson City, LA

Oktubre 17, Jacksonville, Florida

Oktubre 19, New Jersey

Oktubre 20, Orlando, Florida.

Dapat ay makakasama nila si Wowie de Guzman sa nasabing concert tour pero hindi na raw puwede si Wowie kaya naghahanap pa ng makakapalit nito.

Bukod kina Juday-Ryan ay may kasama rin silang singers sa show, pero hindi pa rin napa-finalize kung sino.

Kung last year ay walang duet ang magsyota, ngayon ay pumayag na raw si Ryan na makipag-duet sa kanyang nobya. At hindi lang isa kundi dalawa ang duet number nila ni Juday.

Sa mga taga-Amerika na nalungkot at nadismaya sa pagkakaudlot ng Ouija premiere, watch n’yo na lang ang mag-sweetheart na Juday-Ryan sa kanilang six-city concert tour. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Camille Prats, buntis?

Nasa’n na si Camille Prats? Ano na ang kanyang pinagkakaabalahan? Totoo bang kaya hindi siya napagkikita ngayon ay dahil siya’y “nakalunok ng pakwan”?

Huh? Gagah, buntis daw.

Lumipad daw patungong Tate at doon daw balak manganak. Ang nakabuntis daw dito ay isang young rich businessman.

Pansinin n’yo, puro “raw” at “daw,” dahil hindi pa tayo sure, kaya tinawagan namin si Daddy Dondi Prats para alamin.

“Si Camille ay nag-aaral ngayon sa Tate. Marketing ang course niya. Matagal na kasing plano ’yon, kaya tinurn-down na namin ang ibang offers.”

So, totoo bang buntis?

“Hindi totoo ’yon. Sino naman ang nagsabi no’n? Hindi. Pero totoo, meron siyang boyfriend. Saka hayaan mo, ’pag ikinasal siya, sasabihin ko sa ’yo!”

Inulit pa namin kay Daddy kung hindi talaga buntis si Camille.

“Hindi siya buntis!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili, na-ospital

SAMANTALA, ang ‘best friend’ ni Cristine Reyes na si Katrina Halili, naka- confine sa St. Luke’s Hospital.

Nasa hospital since Monday night si Katrina, viral infection daw. Nagulat pa si Katrina nang nalaman namin at nagtanong kung sino raw ang nag-text.

Hindi siya makapag- taping sa Marimar dahil hindi pa alam kung kailan siya palalabasin ng doctor. Text sa amin ni Katrina, di bumababa ang kanyang temperature at tumaas pa nga raw.

Kailangan niya na ring lumabas dahil ang dami raw niyang commitments, eh, papayagan lang siya kapag bumaba na ang kanyang fever.

Hindi kasi puwedeng ma-expose sa smoke, pollution, dust at aircon or kahit electric fan dahil inaatake siya ng sipon at ubo at nagagasgas na ang throat sa kakaubo kaya tinatrangkaso siya.

Sobrang pagod na rin daw siguro. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, naghihirap na?

NAGHIHIRAP na ba si Jennylyn Mercado? Paano siya nakakaraos sa pang-araw-araw na gastusin nila?

Ito ay iilan lamang sa mga katanungan ng fans tungkol kay Jen. Well, ayon naman kay Jennylyn, hindi raw true na naghihirap siya. Sa panayam sa batang aktres, sinabi niyang may kumpiyansa siya sa GMA 7 na bibigyan siya ng tamang proyekto para sa kanya.

Hindi naman daw siya pinababayaan ng mother studio niya.

May pelikula ring ginagawa ngayon si Jen with Sen. Bong Revilla kaya hindi raw true na “Buro Queen” siya ng Siyete.

Natutuwa si Jen at marami raw ang concerned sa kanya. Napatunayan daw niya ito mula nu’ng naipit siya sa kontrobersiya between her manger and GMA-7. Isa raw si Mark Herras sa laging nagpapakita ng concern sa kanya. Lagi pa rin daw siyang kinakamusta ng dating kasintahan.

Well, at least, hindi sila enemies. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, August 29, 2007

Janno Gibbs may bagong game show?

Parang farewell presentation ng Lupin ang successful concert ni Janno Gibbs, kamakailan sa Zirkoh, Timog, napapayag kasi nitong maging guest performers ang dalawang seksing female lead, Katrina Halili at Ehra Madrigal, plus Rhian Ramos.

Naki-jamming din kay Janno sina Tirso Cruz III at Ricky Davao. Ang malaking sorpresa nang gabing ’yon ay ang pagpapaunlak ni Richard Gutierrez na makisaya sa okasyon, lalo pa’t walang TF ’yon.

Ganu’n katindi ang nabuong friendship ng mga nabanggit habang ginagawa ang serye sa Siyete.

Anyway, masayang ibinalita ni Janno na after Lupin, may kasunod siyang show sa Kapuso network.

Siya raw ang itatapat ng GMA kay Edu Manzano sa bagong game show nitong 1 vs 100 ng ABS CBN.

Si Janno ang solong host ng yet untitled game show ng Siyete na halaw sa isang popular game show sa Amerika. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mart Escudero serious sa panliligaw kay Jennica Garcia

TOTOHANAN na ang panliligaw ni Mart Escudero kay Jennica Garcia. Kasi, hindi lang ang dalaga ang sinusuyo niya, pati ang mother ni Jennica na si Jean Garcia.

Nasabi ni Mart sa kanyang co-star sa Boys Nxt Door na pinaghandaan niyang mabuti ang pagpunta sa birthday ni Jean. Nagtatanong pa raw ito kung ano kaya ang magandang iregalo.

Saka, masaya parati si Mart na nagkukuwento tungkol kay Jennica. Halatang in love talaga ang binata sa dalaga ni Jean.

Hindi lang sila magkasamang sa Impostora, pumasok na rin si Jennica sa Boys Nxt Door last Sunday.

Sa simula ng eksena ni Jennica sa Sunday soap ng GMA-7, mai-in love si Jennica kay Aljur. Pero, hindi niya magugustuhan ang pagwawalang-bahala ni Aljur sa damdamin niya. Dito na mababaling ang puso ni Jennica kay Mart.

Sina Mart at Jennica ang madalas ding mag-partner sa SOP bilang promising love team ng GMA -7.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos ayaw padaig kay Ehra Madrigal

HINDI pala nagpadaig sa isa’t isa sina Ehra Madrigal, Rhian Ramos at Tuesday Vargas nang maging mangagawa sila sa factory ng tinapa at tuyo.

Kahit anong hirap ang dina-nas sa factory, sabi ng Kung Ako Ikaw staff, ay wala silang naririnig na angal sa tatlo. Talagang nakatutok ang isip nila sa P100,000 na papremyo kapag nagawa nilang tama ang trabahong ibinigay sa kanila.

Halos, mag-iba na nga ang kulay nila sa pagbibilad ng isda at pagpapausok nito, pero walang bumibitaw sa tatlo.

Ngayong Miyerkoles ng gabi sila huhusgahan ng ‘bisor’ at ng texters kung sino ang karapat-dapat na manggagawa. Host ng show sina Keempee de Leon at Joey de Leon. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, laki ang pasasalamat kay Sen. Bong Revilla

Laki ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado kay Sen. Bong Revilla dahil kinuha siyang leading lady sa pelikulang Resiklo.

Kung wala pa raw ang pelikulang ito, baka wala na siyang ginagawa. Hindi pa raw niya alam kung meron na bang ibibigay na trabaho sa kanya ang GMA 7.

Ang unang napansin namin kay Jennylyn nang dinalaw namin siya sa set ng Resiklo ay lalo yata siyang sumeksi, at hiyang yata sa pahinga.

"Oo nga po," sagot agad ni Jennylyn.

Napansin din namin na parang lalong lumaki ang boobs ni Jennylyn. Itinanggi ng dalaga na niretoke iyun.

Kahit si Sen. Bong ay napansin din ang kaseksihan ni Jennylyn pero no comment si Bong pagdating sa ganu’ng topic.

Mahirap na raw, baka maintriga pa siya. Tinitiyak ni Sen. Bong na hindi pagseselosan ni Lani Mercado si Jennylyn.

Asiwa raw kung iintrigahin pa sila ng ganun dahil sobrang bagets daw ni Jennylyn para ma-link sa kanya.

Nagpapasalamat din si Jennylyn sa mga malalapit niyang kaibigan lalo na sa panahon ngayon na nasa krisis siya. Kahit sina Mark Herras at Yasmien Kurdi ay hindi raw nakalimot na kumustahin siya.

Nagsalita naman si Mark na kung meron siyang maitutulong kay Jennylyn ay gagawin niya dahil gusto niyang makasama ito sa susunod niyang programa sa GMA 7.

Itinanggi naman ni Jennylyn ang isyung naghihirap na siya dahil marami siyang kailangang bayaran.

Kahit papano ay may naipon daw siya at nababayaran daw niya ang mga dapat bayaran. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera okey lang na palaging may kissing scenes kay Dingdong Dantes

Okey lang kay Marian Rivera na lagi silang may kissing scenes ng kapareha niyang si Dingdong Dantes sa Marimar.

Kuwento sa amin ni Marian, halos every scene ay may halikan sila ni Dingdong dahil nagmamahalan sila sa telenobela at inosenteng may kalandian ang karakter niyang si Marimar.

Type ni Marian ang role niya na hindi siya pa-cute at pa-tweetums kundi meron siyang taglay na kalandian.

Sa lovescene nila sa burol ay ‘lumaban’ siya kay Dindong. Kung hinalikan siya nito sa lips at sa leeg ay ‘hinagod’ din niya ng halik si Dingdong habang kunwari ay kapwa sila nakahubad sa ilalim ng ulan.

Mainit din ang eksena nila sa jacuzzi na kuntodo tukaan sila ni Dingdong. Dayalog sa amin ni Marian, malaki ang jacuzzi kaya hindi sila nagkapatungan o nagkasalatan ni Dingdong.

Kahit panay ang pagsusugpong ng mga labi nila ni Dingdong ay never daw silang naglaplapan nang husto dahil ayaw ni Direk Joyce Bernal na maging malaswa ang dating.

Pati ang love scenes nila ay ine-edit nang husto ni Direk Joyce para siguraduhing pasado pa rin ito sa TV.

Ang laki ng nagawa ng Marimar para magkaroon ng confidence si Marian na dating mahiyain. Ngayon ay mas palaban na siya’t hindi na ‘manang’ ang dating.

Mukhang after Marimar ay magtutuluy-tuloy na ang suwerte kay Marian dahil narinig naming si Marian din ang napipisil ng GMA na gaganap sa TV version ng Dyesebel.

Hindi pa man tapos ang Marimar ay magti-training na yata ng swimming at diving ang dalaga bilang paghahanda sa papel ng sikat na Pinay sirena.

Nakita namin sa isang coffee shop sa Morato si Direk Joyce at nabanggit namin ‘yon sa kanya. Agree si direk na bagay si Marian bilang Dyesebel.

Ang alam daw niya ay hindi swimmer si Marian pero sa underwater scenes nila sa Marimar ay napansin niyang mabilis itong matuto at madaling turuan.

Ang tamis ng ngiti ni Direk Joyce at halatang na-excite nang sabihin naming dapat ay siya rin ang magdirek ng Dyesebel sa GMA. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, August 28, 2007

Dagaw movie update

Noong Huwebes ay natuloy ang first shooting ng pelikulang Dagaw.

Nakaeksena ni Richard Gutierrez no’ng araw na ‘yon si Jewel Misch ng StarStruck 4.

For a newcomer, okey na raw si Jewel, ayon kay Richard.

Tuwang-tuwa ang binata dahil natuloy rin ang project niya with Chito Roño.

Kinumpirma ni Richard na si Rustom Padilla ang assistant director ni Direk Chito sa Dagaw.

Kasali sa pelikulang ‘yon si Assunta de Rossi, na mina-manage na ni Annabelle Rama.

Siyanga pala, kahit nakapag-first day shooting na ang Dagaw ay ngayong araw pa lang magkakaroon ng story conference ang pelikula.

Kumpirmadong si Ryan Agoncillo na ang kapalit ni Dingdong sa Dagaw, kaya darating mamaya ang boyfriend ni Judy Ann Santos sa story conference.

Ipinadala sa akin ni Noel Ferrer (Ryan’s manager) ang dialogue ng aktor thru text sa pagkaka-include niya sa cast ng Dagaw.

"At the onset, excited akong gawin ang Dagaw dahil marami akong matututunan and it’s my honor to work with Direk Chito Rono and Richard Gutierrez because he (Richard) is the man!"

Ayon pa kay Noel, inaayos nilang mabuti ang schedule ni Ryan para tuluy-tuloy na ang shooting nito sa Dagaw. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Snooky Serna admits having personality disorder

PIA Guanio interviewed Snooky Serna live and Cookie confessed that she has a personality disorder. “It’s the kindergarten level of manic depression,” she says. “I want to say sorry to all the people I hustled in my work before. May moments kasi noong takot akong humarap sa tao. I felt I’m not worthy of my husband and my children and I thought of ending my own life. But I now thank God I was able to accept this and lumagpas na ko sa denial. I now take my depression pills properly.”

At the lowest point of her life, she and her two daughters, Saatchi and Samantha, suffered the humiliation of having their electricity cut and living with their neighbors. “I’m just thankful my daughters have wisdom that’s above mine. Very mature sila. Awang-awa ako sa mga anak ko. I keep saying sorry to them and they’d say ‘We understand you, mom.’”

She admits her mom, Mila Ocampo, squandered a lot of her earnings in the casino. “But it’s not solely her fault. Talagang sobrang magastos din ako. I earned so much, but I’m so trusting to people, I have a soft heart kaya give ako ng give na parang one-day millionaire.”

She says her life got much better nine months ago when she became a Christian. “I want to make a comeback and with God’s grace, I want to do better this time.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi and JC de Vera, very sweet sa isa't isa

HOW true na super-sweet sina Yasmien Kurdi and JC de Vera sa farewell party ng Pati Ba Pintig Ng Puso.

Sayang at huli na namin nalaman ang tsismis na sumobra sa pagiging sweet ang dalawang bida ng Pati Ba Pintig Ng Puso sa farewell party na ginawa for the soap after its last taping day. Nagkita kasi kami ni Yasmien sa tribute kay Mother Lily Monteverde sa SOP at hindi pa namin alam ang tsikang ito di-sana natanong namin siya.

Totoo kayang parang mag-on daw ang dalawa habang nagsasayaw ng sweet at naghahalikan pa? Ang alam namin ay hindi puwedeng maging sila dahil may religion barrier nga – Iglesia Ni Cristo si Yasmien samantalang Kataliko si JC — pero who knows baka may isa sa kanilang bumigay lalo na’t kahit hindi pa tapos ang first soap nila na part ng GMA Drama Rama Sa Hapon after Daisy Siete, may kasunod na palabas na sila, ang Pasan Ko Ang Daigdig.

Teka, hindi kaya may relasyon na ang dalawa, secret lang? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Karylle ’di banned sa set ng ‘Marimar’

HINDI naman pala banned si Karylle sa taping ng Marimar nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kinukunan sa ilang parte ng Zambales.

Ito ang nilinaw ng singer-daughter ni Zsa Zsa Padilla over dinner last Friday sa bago nilang negosyo ng boyfriend of two years na si Dingdong, ang Centerstage Family KTV, na matatagpuan sa Timog Circle, Quezon City.

Malayo lang daw talaga ang location ng naturang teleserye, kaya bihira niyang madalaw sa set ang kasintahan. Isa pa, hindi rin siya basta-basta puwedeng umalis dahil meron siyang mga trabahong kailangang asikasuhin.

Malayo rin daw mangyari ang tsikang nagkakalabuan na sila ni Dingdong dahil kay Marian. Naiintindihan daw ni Karylle na parte ng promo ng Marimar ng GMA-7 ang pagkaka-link ng dalawa sa isa’t isa.

Kulang na nga lang, sabihin ng dalaga na sanay na siya sa ganu’ng pang-iintriga every time na may project si Dingdong with a different leading lady, kaya wa epek ito sa kanya.

Ganu’n naman daw talaga sa showbiz, eh, dagdag pa ni Karylle, na abala rin sa tinatapos na album na ang kalahati sa line-up ay sariling komposisyon.

Itinanggi rin nito ang diumano’y komento ng inang si Zsa Zsa asking movie writers kung “on the verge (of breaking up) pa lang ba?” sina Karylle at Dingdong, na allegedly ay dinugtungan pa nito ng “‘wag na nilang gamitin ang anak ko.”

“I asked her (Zsa Zsa), eh. Hindi raw niya sinabi ‘yon. Kasi parang policy na namin ‘yon, actually, it’s not a policy naman, but usapan na namin na kapag may ganu’ng issues na lumalabas, dapat tanungin agad ‘yung tao. Baka naman kasi na-misinterpret lang, hindi narinig or what.

“Pero wala talaga. Ang sabi, it happened during our soft opening. Nasa baba ang mom ko noon, paakyat pa lang siya, but she knows we’re okey and nandito si Dong sa taas,” depensa pa ni Karylle sa ina.

Actually, dapat ay kasama si Dingdong sa dinner na ‘yon sa Centerstage, kung saan nakasama ng singer ang principal partners/investors na sina Bobby at Maribi Garcia.

Nagkataon lang na may Marimar taping ito that night, kaya hindi naka-join.

“But we make it a point to be together naman kapag ganitong pareho kaming maraming trabaho. Ang tawag namin doon, ‘nagbabaon kami.’ Meaning, we make trips and spoil ourselves sa bakasyon,” kuwento ni Karylle.

Katunayan, kamakailan lamang ay galing sila sa Hong Kong at Boracay.

Si Dingdong din ang kumumbinse kay Karylle na hingin ang tulong ni Maribi tungkol sa isang personal problem, na nauwi nga sa pag-i-invest nila sa Centerstage.

Matagal na nilang kilala ang mag-asawang Garcia’t kaklase pa ni Karylle ang anak ng mga itong si Ria. Ang pamilya Garcia ay bihasa sa restaurant business at sila rin ang nagmamay-ari ng mini shabu-shabu restos na matatagpuan sa Wilson St., Greenhills at Serendra sa The Fort.

Magkakasama rin sila sa Bethesda Springs of Hope healing ministry, kung saan naging part pa si Karylle ng prinodyus na album ni Maribi, ang Music & Prayers, na ni-release ng Universal Records.

Kaya, blessing in disguise o milagro raw na matatawag ang pagbisita nila para humingi ng advice ni Maribi, dahil nagka-ideya pa silang mag-invest sa noo’y itinatayong Centerstage Family KTV.

“Dati ko pa gustong mag-business, but I waited for the right business para hindi naman ako ma-scam at hindi masayang ang pinaghirapan kong pera. Tamang-tama ang pagdating nito (Centerstage), because it’s something pa na I really love. It’s a miracle na lang when the problem becomes a blessing and something good comes out of it,” sabi pa ni Karylle.

Nag-soft-opening na ang lugar nu’ng August 8, pero hindi ito ipinag-imbita dahil hindi pa nga lubusang tapos ang lugar. Pero, ilan na sa mga kaibigan ng dalaga ang nakadadalaw dito, kabilang na sina Jolina Magdangal at ilang taga-SOP.

Magkakaroon ito ng grand opening very soon matapos ang tinaguriang dead month ng mga Intsik (August 13-September 11).

Kaya kung type n’yo ng sosi (as in, sosyal) na ambience habang nagsi-sing-along, go na kayo sa Centerstage Family KTV. Bukod sa 20-tastefully decorated KTV rooms na pulos LCD TV ang gamit at maaaring maglaman ng apat hanggang 20 guests, malawak din ang catalogue ng mga kantang puwedeng pagpilian.

Ngayon, kung pagod na kayo sa kakakanta, maaari kayong mag-relax at mag-unwind minus the ingay sa katabing Circle Cafe, kung saan nagsi-serve ng generous servings ng masasarap na pagkain, gaya ng baked oysters, crispy pork sisig, a wide variety of pizza, cuapao, steak, molo at kung anu-ano pa.

May open-air piano bar din ito, kung saan puwedeng tumambay ang mga smoker. Wala rin kayong magiging problema sa parking dahil meron itong three levels ng free parking sa basement.

Ang Centerstage Family KTV ay bukas araw-araw mula 2 p.m. hanggang 5 a.m. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez sings "listen"

Regine Velasquez sings Beyonce's "Listen" on SOP with lyrics so twisted. Then later in the video you'd see her walking out. Watch the video. [another video after the jump]

Regine' fans, no worries though. It was all about the prompter being blocked by SOP staff. Here is Regine singing the song one more time last Sunday.

Labels: ,


Continue Reading...

Monday, August 27, 2007

Rufa Mae Quinto nawalan ng mga alahas

Kahapon ay tinext namin si Rufa Mae Quinto na nasa Hong Kong ngayon para sa shooting ng pelikula niya under Viva Films.

Gusto sana naming tanungin si P-chi sa nabalitaan namin na nawalan siya ng almost P2M worth of jewelries and laptop, pero na-guilty kami dahil ang sabi niya ay ngaragan ang shooting nila, kaya hindi na namin siya kinulit pa tungkol sa balitang ‘yon.

Isang kaibigan ni P-chi ang nagkuwento sa amin na naiyak ang sexy comedienne dahil sa pangyayaring ‘yon.

Hindi raw alam ni P-chi kung sino ang pagbibintangan sa mga alahas at laptop na ninakaw sa kanya.

Ayaw raw basta-bastang magbintang ng sexy comedienne, kaya hindi kami sure kung ipina-blotter na niya ang nakawang ‘yon.

Anyway, ngayong araw na ito ang balik ni P-chi ng ‘Pinas at bukas ay ia-update namin kayo tungkol sa balitang ito.

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Fans ni Marian Rivera, nag-react

NAG-REACT ang fans ni Marian Rivera sa na-report sa 24 Oras na magku-cover sa men’s magazine ang bida sa Marimar.

Maaga pa raw para sa actress ang magpa-sexy sa magasin at tama na munang sa TV nila ito napapanood na nagpapa-sexy.

Wala naman palang dapat ikabahala ang fans ni Marian dahil sa Manual siya lalabas at ‘di niya kailangang magsuot ng two-piece sa pictorial.

Sa kanyang mga pose lang siya nagpa-sexy at ipinasilip ang cleavage na napapanood na sa Marimar.

Sa October lalabas ang Manual at Cosmo, na siya rin ang cover.

“Pero gagawin ko ’yan (ang pagpu-pose sa men’s mag). Abangan nila, hindi ko isinasara ang posibilidad na ’yon,” pangako ni Marian.

Incidentally, paseksi nang paseksi ang mga eksena nina Marian at Dingdong Dantes sa Marimar. May bathtub scene silang dalawa.

Salbahe ang fans at pilit nagtatanong kung nagkapaan ang dalawa sa ibabaw ng mga bula.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado hindi nanulot ng project kay Jennylyn

HINDI pa man nagsisi-mula ang shooting ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ay tila nahaharap na ito sa isang kontrobersiya.

Binabato ngayon ng intriga si Iza Calzado ng pralala girls and gays ng kampo ni Jennylyn Mercado.

Kumpirmado na ka-sing si Iza na ang gaganap bilang leading lady ni Ken Zhu (member ng F4) sa naturang movie na ipoprodyus ng Ignite Media Films at ididirek ni Adolf Alix, Jr.

Pinalalabas kasi ng kampo ng first female StarStruck winner na si-nulot o inagaw ni Iza ang proyekto kay Jennylyn.

Galing na mismo sa bibig ni Direk Adolf (direktor ng indie films na Donsol at Kadin) na walang sulutan o agawang nangyari.

“Orignally, the project was really for Judy Ann Santos,” paliwanag ng direktor nang tumawag sa amin para linawin ang issue.

“Una naming kinausap si Juday nu’ng gabi ng Gol-den Screen Awards. That was March. We gave her the script, binasa niya at nagustuhan ‘yung role kaso talagang sobrang dami ng trabaho ni Juday. Hindi tala-ga niya maisingit ito. Hanggang nagsimula na sila ng shooting ng Ouija.”

Pagtatapat pa ni Direk Adolf, sobrang interesado raw ni Juday sa proyekto. Iskedyul nga lang daw talaga ng Drama Princess ang dahilan kung bakit binitiwan ito ng aktres. Ipinagdiinan pa ng maga-ling na direktor na it was Juday who referred Iza to them.

“Nang i-offer namin ang project kay Iza, schedule rin ang naging problema niya. Nagti-taping siya ng Impostora, tapos isisingit pa niya ‘yung shooting ng Desperadas ng Regal.

“And then pumasok pa ‘yung shooting niya ng The Echo sa Toronto, Canada. So, talagang walang assu-rance kung matatanggap din ni Iza ang project o hindi. So, kumbaga, kailangan na-min ng fallback.”

Dito na raw pumasok ang pangalan ni Jennylyn. May nag-suggest daw ka-si sa Ignite Media at kay Direk Adolf na si Jennylyn na lang ang kunin in case nga na hindi rin umubra sa schedule ni Iza.

“We only gave her script for reading,” ani Direk Adolf sa kabilang linya. “But we didn’t assure her na sa kanya ang proyekto.

Nang binalikan daw nila si Iza, biglang naayos ang schedule ng dalaga ni Lito Calzado. Sa Sept. 25 pa kasi ang simula ng shooting ng Batanes at nakatakdang bumalik ni Iza mula sa shooting ng The Echo sa Sept. 20.

Ayon pa kay direk Adolf, ta-mang-tama lang ang pagbabalik ni Iza sa bansa sa schedule na ibinigay naman ng mga namamaha-la ng career ng Taiwanese actor.

So, sing-linaw ng tubig sa batis na hindi sinulot o inagaw ni Iza ang pro-yekto kay Jennylyn. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina absuwelto sa isyung 'homewrecker'

MUKHANG ayos na ang gusot sa pagitan ng mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao at mukhang ligtas na si Ara Mina sa akusasyong homewrecker siya.

Nakita na sa Wakee Salud Gym sa Cebu City ang magandang maybahay ni Pacman kasama ang siyam na buwang bunso.

Maghapon daw tumambay sa gym ang mag-ina at kinakitaan na ng saya. Tila wala nang bakas ng sigalot ang mag-asawa.

Inspirado rin daw na muling mag-ensayo ang People’s Champ.

Una rito, parang bombang sumabog sa ’Pinas ang ura-uradang kilos ni Manny na ikinabalisa ng kanyang mga tagahanga.

Nakatutuwang isipin na napakahalaga sa kanyang mapanatiling matibay ang bigkis ng pamilya, kaya nang matsismis kay Ara, ginawan niya agad ng remedyo.

’Di kaya kami mapagkamalang abogado ng boxing champ kung bigyang-katuwiran namin ang kanyang mga pahayag at ikinilos?

Ikatuwa kaya niya kung sabihin naming siya ay miyembro ng “Takosa” (Samahan ng mga Takot sa Asawa)?

Eh, kesa naman maniwala ang publiko na may relasyon sila ni Ara.

Gayundin naman, para kay Ara Mina’y magpapanggap kaming huwes at tatangkaing iabsuwelto sa akusasyong isa siyang homewrecker.

Hinding-hindi makapapayag si Ara na pagbintangan siyang nangwawasak ng tahanan. Kahit na nga sinasabing tila “nagtetengang-kawali” ang mga kritiko sa kanyang mga paliwanag, tanggapin na natin at huwag nang mag-alinlangan kahit pansamantala lang.

Si Manny naman ang ihanap natin ng mas kapani-paniwalang katuwiran. Maganda ng pahayag niya tungkol kay Ara.

“Nahihiya ako kay Ara, pati siya, nadamay!”

Mas maganda ang pahayag ng kanyang bestfriend at business manager na si Wakee Salud: “I can not confirm it, but I heard there is a minor family problem that Manny needs to attend to.”

“Problem between Manny and his wife Jinky,” susog naman ng isa pang family friend.

Ayun, doon papasok ang isyu tungkol sa pagiging miyembro ni Manny ng “Takosa.”

Marahil, takot siyang bigyan pa ng problema ang asawa. Na dapat lang, kasi minsan na silang dinaluyong nito nang may lumantad na babae at batang diumano’y anak niya.

Sa madaling salita, isipin na lang natinng totoo ang mga pahayag ni Ara at ang mga katuwiran ni Pacman.

Kung mayroon mang naging gusot, alalahanin na lang natin ang kaluluwa ng namayapang Queen of Intrigues na si Inday Badiday.

“’Pag may gusot, may lusot!” ang bukambibig ni Inday. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo, to court Nadine Samonte?

AMINADO si Dennis Trillo na kung nagkataong walang boyfriend si Nadine Samonte, hindi siya magdadalawang isip na pormahan ang dalaga.

Labis naman niyang ipinagtataka ang patuloy na pagkaka-link kay Cristine Reyes, na guest sa Bubble Gang last Friday, kahit hindi siya nanliligaw sa utol ni Ara Mina.

Itinanggi rin ni Dennis na nagkakalabuan si Nadine at ang non-showbiz boyfriend nitong si Emerson Chua dahil sa kanya.

“Magkaibigan kami ni Nadine. Magkasama sa trabaho, pero never akong nanghimasok sa relasyon nang may relasyon. Never akong nanira ng isang magandang pagsasama,” ani Dennis.

Pero, hindi nga raw mahirap mahalin ang isang tulad ni Nadine, na kapareha ng binata sa afternoon drama series na Kung Mahawi Man ang Ulap.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, August 26, 2007

Sampal ni Maricel Soriano, ok kay Yasmien Kurdi

Kinumpirma sa amin ni Yasmien Kurdi ang sampal at bugbog na naranasan niya kay Maricel Soriano sa isang eksena nila sa filmfest entry na Bahay Kubo na idinidirek ni Joel Lamangan.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Yasmien sa last taping day ng Pati Ba Pintig Ng Puso noong Huwebes, sinabi niya na mabuti at ganoon ang ginawa sa kanya ni Maria dahil naiarte niya nang tama at normal ang eksenang iyon.

Pagkatapos ng take ay niyapos siya ni Maricel na nagso-sorry ito.

Hindi namalayan ni Yasmien na nagkagalos siya dahil sa eksenang iyon. Tuwang-tuwa raw si Direk Joel Lamangan sa

outcome ng take

kaya binibiro nila si Yasmien na panlaban niya ito sa mga darating na award-giving bodies.

Inabot ng 16 na linggo ang Pati Ba Pintig Ng Puso. Ang

papalit ditong sinenobela ay ang Pasan Ko Ang Daigdig na

pagbibidahan muli nila Yasmien at JC de Vera, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Mahahasa at mapipiga nang husto sina Yasmien at JC sa pag-arte.

Mas mabigat ang papel na ito para kay Yasmien, kung saan papasanin niya si Gina Alajar. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kapatid ng Sex­bomb na si Crystal Moreno, nawawala

Pakisuyo ng manager ng Sex­bomb Girls na si Joy Can­cio na ang kapatid daw ni Sex­bomb Crystal Moreno (pa­mang­kin ni Alma Moreno) na si Isabelle ay tatlong araw na raw nawawala at ang paalam sa magulang ay pupunta lang ng parlor.

“Pasuyo naman po, ina rin ako kaya alam ko ang feeling ng nawawalan ng anak, e, tina­nong ko nga kung may boy­friend baka kako nagtanan, wala raw, kaya worried ang pa­milya ni Crys­tal,” pakiusap sa amin ni Joy.

Nai-report na raw ito sa pulis at hang­gang ngayon ay wala pang resulta kung na­saan ang ba­gets na ka­pa­tid ng na­sabing Sex­bomb girl.

And speak­ing of Sexbomb ay malabong tanggapin pa ni Joy ang pa­sa­way niyang mi­yembrong si Jackie Rivas dahil hindi pa rin daw ito tu­mu­tupad sa mga pa­ngakong hindi na mag­papa-late sa mga com­mitment.

“Ako kasi ang na­papahiya, imagine alas diyes ng umaga ang call time sa Eat Bulaga, alas onse y media na dumating, hindi ba na­kakahiya ‘yun? Ta­pos ‘yung jazz les­sons niya na kailangan niyang siputin every Tuesdays, Wednesdays at Thurs­days ay hindi niya na­gagawa? Binigyan ko ‘til September 15 para ba­guhin ang sarili, e, muk­hang wala na tala­ga. Pagod na ako,” esplika ni Joy sa amin.

At si Cynthia Yap­chin­go na nagpa-tattoo ay posibleng makabalik sa SB kapag pinatang­gal daw ang tattoo na binigyan naman ng pa­lugit ni Joy hanggang nung Biyernes pero hindi pa rin napatanggal dahil busy naman sa prior commitment, “Hang­­gang this week na lang,” saad ni Joy uli sa amin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado nalilinya sa mga foreign actors

Sa September 20 ang balik ni Iza Calzado mula sa Toronto, Cana­da sa shooting ng The Echo, pero hindi siya maka­ka­pagpa­hinga. Kailangan niyang bu­miyahe sa Batanes dahil sa Sept. 23 na ang first day shooting sche­dule niya ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hang­gan. Siya ang final choice ng Ignite Films na maging leading lady ni Ken Zhu ng F4 sa nasa­bing pelikula.

Sa phone kinausap si Iza tungkol sa project at dahil wala rito, ang GMA Artist Center ang nag-ayos ng kanyang schedule. Ang concern nito’y hindi maapek­tuhan ang shooting niya ng Desperadas dahil nag-promise kina Mo­ther Lily at direk Joel Lamangan na ito ang aasikasuhin sa kanyang pagbabalik.

After Jesse Brad­ford sa The Echo, si Ken Zhu ang makaka­pareha ni Iza sa Ba­tanes. Marunong mag-English ang Taiwanese singer-actor at wala silang magiging com­mu­nication problem habang nagsu-shooting. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, August 25, 2007

Rhian Ramos, sinisiraan sa internet

May nag-email sa amin ng mga litrato ni Rhian Ramos na may kasamang iba’t ibang mga lalaki.

May ilang kuha na parang hinahalikan sa pisngi si Rhian at nakatawa siya. Ang dating sa amin ay nagkakabiruan lang nang kunan ang mga litratong ‘yon.

Pero iba naman ang pinalalabas na kuwento ng nag-email sa amin.

Tinawagan namin si Ms. Ida Henares, head ng GMA Artist Center at auntie ni Rhian. Ipinaalam namin sa kanya ang tungkol sa paninirang ‘yon sa kanyang pamangkin.

Ayon kay Ms. Ida, hindi siya kaagad magre-react sa pang-iintrigang ‘yon. Kailangan daw muna niyang makita ang mga litrato at saka siya magre-react.

Knowing Rhian, tiyak na may paliwanag siya tungkol sa mga litratong ‘yon.

Basta inuulit namin, hindi malaswa ang dating sa amin ng mga litratong ‘yon! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras: I won’t use Marian Rivera

MARK Herras denies he is “pasaway” as claimed by his manager Lolit Solis when the controversial talent manager appeared in the “Balakubak” segment of “Nuts Entertainment.”

“I don’t know why Nanay Lolit is saying I am pasa-way,” Mark told writers who visited him on the set of “Fantastik Man” last Thursday. “Baka naman trip lang sabihin ni Nanay Lolit na pasaway ako. I never became pasaway. I never gave her problems. She was probably referring to the time naging pasaway ako dahil sa babae.”

Manay Lolit even revealed that Mark is planning to court Marian Rivera anew. Mark was vocal that he courted the “MariMar” lead star before. But he denies planning to court her again.

“That’s not true. I don’t have plans of courting Marian again. Kasi ako naman, never kong binalikan ang mga naging girlfriend ko before,” says the first StarStruck Ultimate Male Survivor. And he was quite emphatic in saying so.

But he did admit that he sent Marian a text message to congratulate her when she bagged the role of Mari Mar. But he says that should not be taken to mean as some sort of overture of a planned courtship. He just wants to extend his greetings to Marian for getting the much-coveted role.

“Mari Mar is a big break for Marian. It is good that she is busy. I don’t want people to think na kaya ko siya binabalikan because she’s Mari Mar. I don’t want people to say na ginagamit ko siya for showbiz purposes. That’s not good,” explains Mark. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Why Regine Velasquez walked out of SOP

VIEWERS who saw Regine Velasquez walking out on “SOP” last Sunday are wondering if it’s because she had an LQ (lovers’ quarrel) with Ogie Alcasid. “No, hindi sila nag-away,” someone close to Ogie tells us. “Sa staff ng SOP nabuwisit si Regine kasi some staffers are covering the telemprompter so she cannot sing properly.

She tried to signal to them na layuan ang teleprompter but they ignored her so she couldn’t read the lyrics kaya nagkamali siya while singing. It’s not the first time it happened so she didn’t finish the show anymore and just walked out. But she even kissed Ogie before she left.

The staffers tried to dissuade her from leaving pero hindi siya naawat. Kaya ayun, nag-meeting ang staff ng SOP and it’s now clear that when someone’s singing, they should get out of the way so they won’t cover the teleprompter.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mother Lily Monteverde celebrates with GMA

TODAY ang first part ng birthday celebration ni Mother Lily Monteverde sa GMA.

Kapuso Network is giving a tribute to the producer of Regal Films. She turned another leaf last Monday. Kasabayan nito, may bago siyang movie, ang My Kuya’s Wedding directed by Topel Lee and starring Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Jayson Abalos and Maja Salvador.

This Wednesday na ito ipapalabas with a premiere on Monday sa SM.

Ngayon, kahit mostly ABS stars ang movie save for Pauleen, bibigyan pa rin ito ng isang special number sa SOP tomorrow.

That’s the second part of the special of GMA. Ang first part kasi, mamaya mangyayari sa Startalk. May one on one interview si Butch Francisco kay Mother done sa labas ng press con ng My Kuya’s Wedding.

By the way, iniwasan ni Mother Lily na matanong siya about Angel Locsin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tinanggihan ni Iza, sasaluhin ni Jennylyn

IF Iza Calzado can’t accept the Batanes project, saka pa lang ito mapupunta kay Jennylyn Mercado.

Mabilis talagang mag- slant ang mga nasa likod ng Starstruck star at kahit ano, gagamitin para maging consistent ang underdog image.

An independent movie na ipu-produce ng Ignite (na baka magkaroon ng tie up sa GMA Films) directed by Adulf Alix kung saan magbi-bida ang F4 na si Ken Zhu was first offered kay Judy Ann Santos.

Nagandahan si Juday sa script pero hindi siya puwede kaya nirekomenda niya si Iza. Dahil busy nga-yon si Iza sa Impostora, Desperadas at The Echo, pinabasa na rin ang script kay Jennylyn pagdating nito from Hawaii.

She will be considered just in case Iza too can’t make it. Pero ang naglabasang balita na, baka sulutin pa rin daw ito kay Jennylyn.

How low can you get. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jolina Magdangal pwede nang manirahan sa US

Noong nakaraang taon ay na-deklara pala si Jolina Magdangal ng US Department of Homeland as an alien of extraordinary abilities. Ang deklarasyong ito ang nagbigay kay Jolens ng pag­ka­kataon na manira­han, magtrabaho ka­hit pa magtayo ng negosyo sa Amerika anomang oras.

Sa kabilang banda, pahinga muna sa soap opera si Jolens. Abala ito sa Unang Hirit, Working President at Masigasig sa QTV 11. Nariyan pa rin ang concert niya sa loob at labas ng bansa.

Sa kabila ng kaabahalan nito sa show­ biz commitment ay hindi nito napa­paba­yaan ang kanyang foundation, ang Joli­na’s Home for Little Angels. Na­katutok ito sa mga abandoned children sa Cebu, ka-partner ng Kapuso Found­ation at spokesperson ng Child­ren’s Hour ng Make a Wish Found­ation.

Maraming nagsa-suggest na mga taga­hanga na sana’y siya na lang ang kumanta ng pam­bansang awit ng Pili­pinas sa nalalapit na la­ban ni Manny Pac­quiao-Bar­rera sa Ame­rika. Ki­lalang-kilala na ito sa US. [source of news]

Continue Reading...

Paolo Bediones' I-Tech business scandal

A few days ago, I heard Ogie "Miss O" Diaz on his dzXL program Wow, Ang Showbiz! talking by phone to a woman listener who said she wanted to get back the P180,000 she had invested in Paolo Bediones’ I-Tech business. The woman was hinting that she was being "swindled," an indirect accusation that people who know Paolo very well, this columnist included, found disturbing. What, Paolo Bediones a “swindler”!?! It’s unbelievable!

Did Paolo opt to keep quiet to prevent the woman’s complaint to snowball into a major issue that could threaten not only I-Tech but his other businesses (including a dental center, Red Eye Studio, etc.) as well? No, not Paolo.

The day after Miss O’s program, I got a call from Paolo who wanted to air his side. (I would hear him talking to Miss O later that day when I, as usual was driving to work, tuned in to Wow, Ang Showbiz!)

Here’s what Paolo has to say:

“I-Tech is a marketing company in which people make investments. It’s a network marketing and there’s a certain commission given on recruitment. Anyway, what I did when I noticed that some unscrupulous people were using my name to close deals for the recruitment was to stop the giving of commission on recruitment. When I spoke to the people at DTI (Department of Trade and Industry), they said, ‘Tama ang ginawa mo.’

“Those with an investment of P180,000 or P290,000 are very few; konti lang sila. Some of the deals were closed because kung anu-ano ang ipinangako ng mga networkers — you know, that all you have to do is invest your money, sit back and relax and earn fat commissions. No, that’s not the case with my company. I want to make it clear that I-Tech is not, I repeat NOT, a pyramid-kind of investment business; you have to help sell the tons of products (cell phone models, cameras, etc.), which I get wholesale, to make your investment earn money.

“My investors make a few thousands from their sales while I make only a few hundreds. It works this way: You invest and you get certain products, including even a waterless urinal, which you sell and get a handsome commission from. We have a line of various products. The whole idea is kung gusto mo magka-negosyo, you have to invest pero mayroong kapalit ang inyong investment. You become a dealer of products on our list, pati Smart loads, etc.

“Now, I discovered that some, which is very, very few, of those who are complaining are not registered in our system. We are fully-automated, you know. It turned out that the complainants, who are very few, didn’t understand the concept because it wasn’t explained well to them. They didn’t attend the free seminars. So when I discovered the irregularity, I stopped na the giving of commission on recruitment.

“Should I destroy the name and the reputation that I worked hard to establish and I’m working hard to protect? Of course, not! Look, kung gagawa ako ng kababalaghan, mahiya-hiya naman ako kina Joey Concepcion who is with me on Go Negosyo’s list of 50 Most Inspiring Stories. Hindi ako masisira sa pera; pera lang ‘yan. Ang intensyon ko ay magbigay ng negosyo sa tao.

“All I can say to everybody out there is this: Do not believe in get-rich-quick schemes. The nature of my I-Tech business is not get-rich-quick. Are we going to return the money of investors who want it back? Yes, we are. But first, we will explain to them the concept of the business, kung ano ang pinasok nila, and if they still don’t understand and want out, they can.”

(Note: The office address of Paolo’s business is Unit 1904 Antel Global Building, Julio Vargas St., Ortigas Center, Pasig City. The phone number is 633-0917.) [Source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, August 24, 2007

Marimar updates

Kasal nina Marimar (Marian Rivera) at Sergio sa Marimar this Friday at magpapa-party si Angelika (Katrina Halili) para sa mga bagong kasal, ito’y niya tanggap na ipinagpalit siya ng dating nobyo sa isang gusgusing babae.

Pinaayusan nito si Marimar, pero pinaglaruan ang mukha. Nang ipakilala sa mga bisita ang dalaga, pinagtawanan dahil mukhang clown sa kapal ng make-up.

May tsismis pala kina Marian at Dingdong nu’ng nasa Davao sila. Nagho-holding hands daw ang dalawa sa ilalim ng mesa at laging magkasama kahit saan magpunta. Niregaluhan din ng actor ng anti-gravity chair ang dalaga para ‘di nahihirapan sa taping nila.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jewel Mische and Paulo Avelino, follow-up project?

NAGHAHANAP ng follow-up ang fans nina Jewel Mische and Paulo Avelino.

Isang JuPau (tawag sa collective fans nina Jewel and Paulo na may separate fans club ding Jewellerz at Paunatix) ang nagpadala ng private message sa amin via Pinoy Exchange.

Bakit daw after the success of Magic Kamison, wala nang naging follow-up projects ang dalawang StarStruck IV teens to think napatunayan nga naman nila ang powers nila sa ratings.

Tukayo pa man din namin ang nagpadala ng message, so sana raw mabasa ito ng GMA-7 da-hil ang Magic Kamison Black Jewel In the Palace episode nga naman, na-nalo sa rating game nang landslide sa katapat na programa kahit hindi ito masyadong na-promote sa mga programa at walang mall tours gaya ng Boys Nxt Door.

Sana raw makita nila ang idols nila in a soap or drama.

Kahit support lang daw basta high profile project, like a Richard Gutierrez soap ay okey sa kanila. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado, 'di na-starstruck sa set ng Hollywood movie

HINDI na-starstruck si Iza Calzado nang dumating siya sa set ng Hollywood movie na The Echo at na-meet niya ang bidang lalake na si Jesse Bradfort. Iniwasan daw talaga ni Iza na maging ganu’n ang kanyang feeling. Bilin daw ng mga friends na huwag siyang tumunganga at bumuka ang bibig once ma-meet niya face to face ang mga famed Hollywood celebrities na co-stars niya.

“Kagaya rin naman natin sila. Iba nga lang ang kulay ng kanilang mga mata at English ang lengguwahe nila,” kuwento pa ni Iza nang makausap namin sa taping ng Impostora.

Hindi rin daw masyadong aware ang kanyang mga co-stars na isa siyang Filipina. Except daw sa mga nakapanood ng original version ng Sigaw, wala raw masyadong nakakaalam na Pinay siya.

Maging ang una niyang nakaeksena si Carlos Leon, ang akala raw ay isa siyang Latina actress. Proud naman si Iza to say na isa siyang Pinay, pero mayroon siyang Spanish blood.

Tatapusin muna ni Iza ang kanyang mga remaining scenes para sa Impostora para hindi naman mabitin ang ending ng top-rated GMA telenovela tapos balik siya muli sa Toronto para mag-resume ng shooting ng The Echo. Malaking break ito kay Iza para makilala sa Hollywood . [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, August 23, 2007

Jolina Magdangal sa Magpakailanman

MAS type talaga ni Jolina Magdangal ang challenging roles sa Magpakailanman.

Basta kakaiba ang kuwento at pambabae, asahan n’yong first choice si Jolens ng Magpakailanman to tackle the role.

Ang Aeta na nakapag-aral hanggang college ay siya ang gumanap.

Ang dying singer then na si Ten-Ten Muñoz, si Jolens din ang umarte.

Tonight, siya pa rin ang gaganap ng kuwento ng isang Taong Palaka sa perya na si Mercy Buton in Kahit Ganito ang Aking Anyo.

Take note, bagama’t may kapansanan si Mercy, hindi naging hadlang para sa kanya na magampanan ang responsibilidad niya bilang isang asawa’t ina.

Nakapag-asawa pa rin siya played by Marco Alcaraz.

Ipinakita niya na ang anumang kakulangan sa pangangatawan o kaibahan sa kaanyuan ay kayang punuan ng pagmamahal na ibinabalik sa atin ng ating mga mahal sa buhay.

Mamayang gabi na mapapanood ang Magpakailanman pagkatapos ng GMA TeleBabad. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mga lady hosts ng Eat Bulaga

Para sa mga lady hosts ng Eat Bulaga na sina Pia Guanio, Cindy Kurleto, Toni Rose Gayda, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Julia Clarete at Arianney, jackpot ang mapabilang sa na­ngunguna at longest-running Philippine TV show na Eat Bula­ga.

Kaya naman todo-bigay sila araw-araw. “Iba ang hatak ng mga girls na ito sa publiko—mapa-masa o sosyal, bata o matanda, es­tudyante o propes­yonal—may pantapat ang lady hosts.

“Hatid ni Pauleen ang youthful vibe; nag­bibi­gay ng smart at classy feel sina Pia at Cindy sa show; sagot naman nina Ruby at Tony Rose ang tawa­nan; at kakaibang kiliti rin ang dala ng ma­gan­dang baguhang si Arianney,” sabi ng isang bossing ng Bu­laga.

“Masaya sa Eat Bulaga! Masarap ka-trabaho ang buong team!” hirit pa nilang pito. Malaking parte rin ng buhay nila ang na­sabing noontime show. Halimbawa na lang si Pia, bu­mongga pang lalo ang career nang mapa­sama sa show. Ngayon ay ma­pa­pa­nood din siya sa 24 Oras’ Chika Min­ute, Showbiz Central, Ful Haus (with Vic Sotto) at Ang Pinaka (QTV 11).

Si Pauleen naman ay talagang Eat Bu­laga baby dahil sa Little Miss Philippines ang una niyang sabak sa showbiz. Matunog ang pangalan ng young actress ngayon lalo pa’t naka­ilang shows at movies na rin ito.

Dapat sana’y sa isang cooking segment lang maa-assign si Toni Rose pero naging main­stay ito ng EB. Ma­rami ang natutuwa dahil game na game siya sa pagkanta sa programa kahit pa nagiging tam­pulan siya ng mga jokes ng co-hosts.

Naging guest host din muna si Cindy bago naging mainstay sa Eat Bulaga. Naka­sama rin ang Austrian beauty na ito sa iba’t ibang Kapuso prime­time series gaya ng Encantadia, Etheria at Forever in My Heart, at ng katatapos lang na sitcom na Dad­dy, Di Do Du.

Si Ruby ang siyang pi­nakamatagal na lady host ng noontime show na nagsimula pa noong 1990.

“Ang nakakatuwa sa Eat Bulaga is wala kaming insecurities; padami kami nang pa­dami pero nabibigyan ng chance ang bawat isa na mag-shine,” sabi pa ng beteranang ko­medyante. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cogie Do­mingo, seryoso sa movie comeback

Hindi ikinahiyang aminin ni Cogie Do­mingo na hindi pa siya tapos o graduate ng high school. Ito ang kanyang misyon nga­yon. In fact ay nag­punta siya sa Amerika para doon sana ipag­patuloy ang kanyang pag-aaral pero hindi naisaka­tuparan. Nag­balik siya at dito na lamang ta­tapusin ito.

We really admire Cogie sa kan­yang ma­gan­dang ha­ngarin hing­gil sa kan­yang edukas­yon. Mula pa naman siya sa ang­kang na­kakariwasa at parang hindi kapa­ni-paniwala na kahit high school ay hindi siya tapos.

Naging urung-su­long din ang takbo ng movie career ni Cogie na noon ay pilit na iniuugnay ang pa­ngalan kay Lovi Poe. Dito sa showbiz, saglit ka lang mawala sa pa­ningin ng publiko ay sangkatutak na ang isinilang na mga ba­gitong kabataang gus­tong sumikat. Ang wika naman ni Cogie ay ser­yoso na siya sa kan­yang movie comeback.

Sana nga dahil hindi pa naman huli ang lahat. He is only 22 years old, gwapo at marunong umarte. Sa rami ng mga shows na inihahanda ng GMA 7 ay tiyak na merong kalalagyan si Cogie.

Itinuwid din ni Cogie na nagkasabay lang sila ni Angel Locsin sa eroplano at hindi sila magka­ha­wak kamay na luma­bas sa airport. Tung­kol naman kay Lovi, friends lang daw sila.

Pahapyaw na na­banggit ni Cogie na may family problems na sinusuong ang kan­yang pamilya and he hopes na maayos na ito sa madaling pa­nahon.

Maging huwaran sana si Cogie na ibang mga teen stars na dahil sa pagsabak sa showbiz ay tuluyan ng ki­nalimutang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa puntong ito ay pinabilib kami ni Ding­dong Dantes na ­pa­unti-unti ay pilit na tinatapos ang kanyang college education sa Ateneo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA 7 sa Davao, pinalakas!

Isa sa pinakama­lakas na programa ng GMA 7 sa Davao ang Testigo, hosted by Tek Ocampo na corres­pondent ng GMA 7 for several years pero two years ago, nagdesis­yon siyang bumalik sa Davao para maging anchor ng Testigo.

Galing sa pamilya ng mga pulitiko si Tek, kaya naman during the elec­tions ay ma­rami sa kan­yang nag-con­vince na tumak­bong vice gov­ernor. Pero hindi siya pina­ya­gan ng GMA 7.

Hindi naman nang­hi­­hi­na­yang ang TV host dahil maganda ang rating ng kanyang pro­grama.

Napapanood ang Testigo daily 5:30 to 6:30 p.m. sa Davao.

Admitted naman ang GMA head Re­gional TV, AVP Ex­pan­sion News and Current Affairs na si Ms. Rikki Escudero na hindi pa sila nag-no. 1 sa Davao pero tinatrabaho raw nila. Like ang Tes­tigo, since nakita nilang malakas ito, dinag­dagan nila ito ng oras.

* * *

Anyway, sa ginanap na Kapuso Day sa Davao, isa sa pinaka­patok ang job fair. So­brang dami raw ng nag-apply at marami ang instant na na-hire.

Nagkaroon din ng libreng gupit, libreng kodakan, NSO/DFA in­formation and process­ing at marami pang iba kasama na ang marami nilang artista na du­magsa sa Davao last weekend.

Kasama sa dumayo sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Iwa Moto, Keempee de Leon, Ehra Madrigal, Pauleen Luna, Marky Cielo, Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes.

Nang kumanta si Den­nis, sigawan na talaga ang tao sa NCCC Mall.

Pero mas grabe ta­laga ang tilian kina Dingdong and Marian Rivera nang magsa­yaw ng Marimar. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, August 22, 2007

Rhian Ramos, the next Dyesebel

WALA pang next project sa GMA-7 si Rhian Ramos after Lupin. Wala pa raw sinasabi ang GMA Artist Center, pero alam nitong hindi siya pababayaan ng network.

Hindi alam ng young actress kung totoong sa kanya ibibigay ang TV remake ng Dyesebel.

’Katuwa lang ang reaction nito sa sinabi ng isang reporter na kung sa kanya ibibigay ang Dyesebel, kundi shell, ang mahabang buhok lang niya ang itatakip sa kanyang boobs.

Mabilis na “ay, ayoko” ang sagot nito sabay ng sunud-sunod na iling.

Marunong daw siyang lumangoy, pero kailangan niya ng lots of training bilang paghahanda.

Ipinagpipilitan ni Rhian na dapat kasama siya sa sequel ng Ouija dahil silang apat na major characters ay namatay.

Basta ang alam namin, may big project na naka-line-up sa kanya next year na bawal pang isulat.

Seventeenth birthday ni Rhian sa October 3 at may get-together siya kasama ang naiwang fans na sumusuporta sa kanya dahil tinalikuran na siya ng iba dahil kay Mo Twister.

“Galit pa rin sila sa akin (her fans) and the ones that stayed, may pinaplano kami. Gusto kong magkaroon ng small party for my family and another party with the people I’ve worked with.

“Miss ko na rin ang Enchanted Kingdom and I’ve never been to Hong Kong at masaya kong mapupuntahan ko sila sa birthday ko,” wish ni Rhian. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dagaw ng GMA Films

Ngayong araw na ito ang first shooting day ng pelikulang Dagaw ng GMA Films (na co-produced ni Direk Chito Roño, na siya ring direktor ng pelikula).

Si Richard Gutierrez ang bida ng pelikula kasama ang ilang young stars ng GMA 7.

As of this writing, hindi pa namin sure kung sino na ang kapalit sa pelikula ni Dingdong Dantes, na kailangang mag-backout dahil sobrang busy siya sa taping ng Marimar.

Anyway, excited na si Richard sa pelikulang ito. Horror ang Dagaw at gandang-ganda ang binata sa script na nabasa.

Magkakasunod na araw ang shooting ni Richard para sa Dagaw. In-between shootings, magsisimula na siyang mag-training para sa Kamandag, ang bagong series niya sa Siyete.

Malamang na sa Setyembre ay sisimulan na ni Richard ang taping ng Kamandag.

Ang dalawang bagong proyekto ang dahilan kaya hindi pa sigurado si Richard kung makadadalaw siya sa shooting ng The Echo (ang Hollywood version ng Sigaw) sa Canada.

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez vs Angel Locsin

Hindi pa man nagsisimula ang teleserye na gagawin ni Angel Locsin sa ABS-CBN ay may narinig na kaming tsika na ipantatapat daw ito sa bagong primetime show ni Richard Gutierrez sa GMA na Kamandag.

Walang kaso kay Richard ang paglipat ng dati niyang kalabtim sa Dos dahil sariling desisyon ‘yon ni Angel pero ang hiling daw sana ng pambatong matinee idol ng Siyete ay huwag pagtapatin ang mga programa nila.

Tila hindi mangyayari ang gusto ni Richard dahil narinig naming ipantatapat sa Kamandag ang Taong Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Samantala, gaano kaya katotoo ang nakarating sa aming balita na second choice lang daw si Piolo sa Taong Lobo?

Ito raw ‘yung teleserye na unang inalok ng ABS-CBN kay Robin Padilla (bago pa ito nag-Asian Treasures sa Siyete) pero tinanggihan daw ito ni Binoe dahil hindi niya gusto ang nasabing project.

Ang balita pa, eversince ay si Kristine Hermosa ang leading lady sa Taong Lobo at maging ‘yung offer kay Robin ay si Kristine dapat ang kanyang makakapareha.

Ngayon ay tila naisasantabi si Kristine sa naturang project na mula sa simula ay sa kanya talaga dahil sa pagpasok sa eksena ni Angel.

Ang alam namin ay kasama pa rin sa Taong Lobo nina Piolo at Angel si Kristine. Hindi lang malinaw kung isinalpak lang ba sa nasabing project si Angel o sa kanya na napunta ang female lead role na dapat sana ay para kay Kristine.

Maliwanag na ibinebenta ang nasabing project bilang teleserye nina Piolo at Angel. Okey lang kaya kay Kristine na pansuporta lang siya sa bagong salta sa bakuran nila na si Angel?

Kung tumanggi si Robin sa alok ng ABS, muli siyang gagawa ng primetime series sa GMA pagkatapos ng matagumpay na Asian Treasures.

Ang Joaquin Burdado na nobela ni Carlo J. Caparas at ginampanan dati sa pelikula ni Ramon Revilla Sr. ang next project ni Ro-bin sa Siyete.

Action-fantasy ito na nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ng karakter ni Robin.

Sina Iza Calzado at Cristine Reyes ang dalawa sa tatlong magiging leading ladies ni Binoe sa Joaquin Burdado. Pinagpipilian pa kung sino ang pangatlo. Hindi pa sigurado kung sinong direktor pero sa Oktubre na nakatakdang magsimula ang taping nito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes ayaw nang tapusin ang kanyang launching movie

KAHIT kami ay hindi na alam kung ano ang totoo at hindi sa Green Paradise.

Nakikibalita na lang kami sa launching movie ni Cristine Reyes dahil we don’t know what’s happening in the production. Nagkakagulo yata sila over a certain habit of the director of the movie na si Bing Santos at nagti-threaten na nga si Cristine not to finish the movie.

Ang ipinagtataka lang namin, bakit may second director — si Joel Torre — na actually ay part of the cast bilang ama ni Cristine.

Whatever their decision, gusto lang naming ikurek na technically, sa pagdating ng Hong Kong director who will help helm the project, hindi papalitan si Bing dahil talagang dalawa silang magdidirek nito.

We should know, dalawang pangalan ang sinulat namin sa first page of the script, eh, Lorenzo Kho and Bing Santos. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, August 21, 2007

Kris Bernal naki­pag-date kay PJ Valerio

Nakausap namin si Kris Bernal sa fourth anniversary ng GMA Artist Center sa Show­biz Central last week at ang pagpasok ni Jen­nica Garcia sa Boys Nxt Door ang una na­ming itinanong. Pinag-react din namin siya sa plano ng GMA-7 at Re­gal Entertainment na i-build up ang loveteam ng dalaga ni Jean Gar­cia at Mart Escudero na kanya ring ka-love­team.

“Okey lang na kasa­ma na namin si Jennica sa BND, mas masaya sa set kung marami kami. Nag-taping na siya at enjoy naman,” sagot nito.

Nabanggit ni Mart na tumigil na siyang man­ligaw kay Kris at sabi nito, naiintindihan niya ang nararamdaman ng young actor. Pero, iti­nangging ang pakiki­pag-date kay PJ Valerio ang dahilan kung bakit si Jennica na ang love ng kapareha.

“Lumabas lang kami once ni PJ at pumunta sa Trinoma. Wala akong tra­baho noon at nag­yaya siya at wala na­mang masama sa gi­nawa ko. Hindi ako nili­ligawan ni PJ, si Mart nga ang nag­bago. Hindi na siya sweet at ‘di na kami masyadong nag-uusap, bigla na lang less ang communication namin,” sabi ni Kris.

Si Aljur Abrenica ang gustong ka-love­team ni Kris, pero nang makausap namin ang binata, si Jewel Mische naman ang gustong kapareha. Ang gulo ng mga bagets, parang kailan lang nang ma­kita naming magka-holding hands sina Kris at Aljur at kinabukasan, si Mart naman ang ka-sweet-sweetan nito at ngayon, kay PJ naman siya nali-link.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, August 20, 2007

Katrina Halili iniintindi ang mga detractors

Gusto na sanang dedmahin ni Katrina Halili ang mga batikos sa kanya dahil itinuturing na lang daw niyang mga kontrabida ito sa buhay niya.

Pero hindi nakapagpigil si Katrina, nag-react siya sa isyung naging sila raw noon ng dating sexy character actor na si Mike Magat.

"Nakilala ko siya noon, pero iyung naging kami, hindi naman, ‘no?! May asawa na yata iyun, bakit pa ako ili-link sa kanya? Nagkakilala, oo, hindi ko naman dini-deny iyun!" tili ng seksing young actress.

Dati raw ay sobrang sensitive siya sa mga paninira sa kanya, pero ngayon, feeling daw niya, mga Angelica na sila sa buhay ni Marimar.

"Kasi, sobrang kontrabida ako as Angelica sa Marimar, na lahat gagawin para siraan lang si Marimar. Ganu’n lang siguro ang mga detractor ko. Lahat, gagawin nila para may masisira lang sila sa akin. Kaya iniintindi ko na lang sila," patuloy ni Katrina.

Sa presscon ng Belo Medical Group kung saan winelcome si Katrina bilang bagong endorser nila, ganun at ganun pa rin ang mga tanong sa kanya, kaya sa irita siguro, bumigay si Katrina at umiyak na nang in-interview na ito ng Showbiz Central.

Pinigilan na raw niyang umiyak, pero dahil iyakin talaga ito, todo-crayola na ito sa katatanggol sa kanyang sarili. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sen. Bong Revilla news update

Si Senador Bong Revilla ay hindi la­mang isang boxoffice star noong panahong mas aktibo siya bilang isang aktor. Aktor siya talaga. Kinikilala siya ng mga kritiko. Nana­nalo siya ng mga awards. Kahit na nga­yong isa na siyang senador, mas marami pa rin ang kumikilala sa kanya bilang isang aktor.

Noong gumawa siya ng isang tv show, ma­rami nga ang nag­sabi na baka naman ma­apek­tuhan ang kan­yang movie career. Alam na­man natin kasi na basta ang isang artista ay naba­bad na sa tv, nahi­hira­pan na sa pelikula. Pero may punto naman si Sena­dor Bong, kasi ang ginagawa niya sa tv ay comedy, action na­man siya sa pelikula.

Ok naman ang tv show ni Bong noon, pero later on kasi mas­yado raw iyong magas­tos, kailangan nilang palitan ang show ng isa na comedy din pero mas maliit ang cast. Ang malungkot lang, hindi rin naging kasing lakas noong nauna niyang show. Ka­ila­ngan nilang magpalit ng format, gi­nawa nila iyong parang isang game show, pero hindi iyon ang hinaha­nap ng mga tao eh. Gusto nilang makitang umaarte si Bong ta­laga.

Ngayon iyong bago niyang show, lalo nang wala kang makikitang acting niya. Host na lang siya sa mga docu­men­taries na puro fo­reign naman. Mas ma­baba kasi ang cost noon. Mas murang na­bibili iyang mga can­ned materials na tina­tawag. Tapos ipinapa-host nga sa mga Pinoy. Kagaya rin iyan noong isang show ni Michael V.

Pero kung kami ang tatanungin, mas ma­ganda pa nga sigurong hindi na muna gumawa ng tv show si Bong. Maraming mga ba­gay na dapat bigyan ng consideration.

Una senador na siya. Hindi naman ma­sasa­bing hanggang doon na lang ang am­bisyon niya. Palagay namin, dapat sana ma­lagay siya sa isang show na mas maka­buluhan naman kaysa sa pagho-host sa mga canned documen­taries lamang. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, August 18, 2007

Kristal Moreno, new sexbomb member

NOONG ipakilala sa press people ang bagong member ng sexbomb si Kristal Moreno, kaagad tinanong kung pinayagan ba siyang mag-artista ng tita niyang si Alma Moreno? Matagal-tagal na rin kasi sa showbiz si Kristal, medyo nakikilala lang ngayon magbuhat nung mabigyan ng break ng Focus E. Inc. sa Daisy Siete.

Marami ang naantipatikahan sa kanyang kilos at pagtingin-tingin sa kausap. Sabi naman ni Kristal, talagang ganun lang siya, mataray ang beauty kung titingnan. Napakinabangan na niya ito, magbuhat noong mapasali sa Focus E. Inc. ng producer na si Joy Cancio. Naisipan siyang bigyan ng break ni Joy bilang bagong kontrabida sa group. Mabagsik kasing tu-mingin si Kristal. Mag-smile man siya ay wala kang maradamang sincere siya sa iyo.

Noong presscon ng Daisy Siete sa Mugen Bar, may nagtanong kung ginagamit ba niya ang kanyang Tita Alma sa pagpasok sa showbiz. Tahasan niyang sinagot na hindi. Nag-aartista na raw siya noong mapansin ni Alma na nag-aartista na rin pala ang pamangkin.

Hindi siya lumapit kay Alma para humingi ng tulong para mapasok sa pelikula at telebisyon.

“Sariling kusa ko po at talagang nag-audition ako sa Focus E. office para sumali sa grupo,”kwento ni Kristal.

Maganda siya at may posibilidad makagawa ng pangalan kaya’t kinontrata ni Joy para i-build up ng Focus E. Inc. dahil magaling ding sumayaw si Kristal. May acting din siya bilang kontrabida. Noong season 15 nga nilagyan niya ng maliliiit na ahas ang jar na ginamit sa sayaw ni Aira kaya’t inatake ito ng nerbiyos nang malamang may ahas sa jar.

Hindi naman sila nag-away sa dahil alam ni Aira, supervised siya ng director na gawin ang bagay na iyon.

Tiyak malayo ang mararating ni Kristal, huwag lang lalaki ang ulo niya dahil tiyak magsosolo siya kapag ginawa niya ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Celebrity Duets updates

Ngayong araw na ito ang second telecast ng Celebrity Duets.

Mamayang gabi rin, may matatanggal nang celebrity contestant sa show na iniho-host nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Dalangin ni Dr. Manny Calayan na suportahan siya ng mga tao sa Celebrity Duets dahil kaarawan pa naman niya sa araw na ito.

Biniro namin si Doc Manny na huwag na siyang umasa ng birthday gift sa amin dahil iboboto na lang namin siya. Natawa lang ang favorite cosmetic surgeon namin.

Si Annabelle Rama na isa sa endorsers ni Doc Manny ay kinansela ang kanyang biyahe ngayong araw na ito papuntang Cebu para magbigay ng moral support sa pamosong beauty doctor.

"Sa Linggo na lang ako pupunta sa Cebu. Kailangang suportahan ko si Doc sa Celebrity Duets. Baka kasi magtampo at birthday pa naman niya," sey ni Bisaya.

Hmph! Wala kaming masabi, ha! Ang lakas ni Doc Manny kay Bisaya. Aba, lahat ng guestings tungkol kay Yilmaz ay tinanggihan ni Bisaya dahil pupunta siya dapat sa Cebu ngayong araw na ito, pero nabago ang kanyang schedule dahil sa pagmamahal niya sa mister ni Dr. Pie Calayan!

Anyway, sa mga gustong bomoto para kay Doc Manny, pwede kayong mag-text ng DUETS MANNY at i-send sa 2344 for Globe at Touch Mobile at 367 for Smart and Talk & Text.

Happy, happy birthday, Doc Manny! [source]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina, irita

Iritang-irita si Ara Mina nang nakausap namin nu’ng Huwebes nang gabi dahil dapat ay aalis na siya patungong Amerika para sa series of shows niya sa San Diego at Los Angeles, California.

Nakadalawang-balik na si Ara sa US Embassy para ayusin ang kanyang working visa pero hindi pa siya nabigyan dahil sa kulang ang papeles na dapat ay ipadala ng kanilang producer.

Ang ikinaloka pa ni Ara, mali raw ang ini-apply sa kanya ng producer samantalang tama ang kina Freddie Aguilar at Ella V na kasama niya sa mga show roon.

Nakaalis na nu’ng Huwebes sina Freddie at Ella pero si Ara ay hindi pa dahil sa hinihintay pa niya ang kulang na papeles para maayos ang kanyang working visa.

Sa Sabado na raw ang unang show niya sa San Diego, pero nandito pa siya. Dapat kahapon ay nabigyan na siya ng visa dahil sarado ang US Embassy pag Sabado.

Gusto nang magpa-interview ni Ara sa mga TV show para makarating ang nangyari sa Amerika at mapanood ng ating mga kababayan doon.

Mahirap na raw at baka siya pa ang babaliktarin ng kanyang producer. Todo na raw ang promo roon na kasali siya sa show, kaya baka ibahin daw ng producer ang kuwento kung hindi siya makarating.

Kailangang ipaliwanag ito ni Ara para malaman ng mga kababayan natin doon sa Amerika kung ano ang tunay na dahilan ng di niya pagsipot.

As of Thursday night ay umaasa pa rin ang aktres na makaalis siya. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rudy Fernandez, bumubuti ang kalagayan

Masayang ibinalita sa amin ng premyadong aktres ang patuloy na gumagandang kalagayan ng mister niyang si Rudy Fernandez.

"Daboy is getting better. Almost complete ‘yung response ng kanyang chemotherapy. Mild activity na lang ‘yung kanyang lesions. ‘Yun lang, hirap siya, kasi ang haba ng chemo niya, eh! Twenty-two kasi ‘yon, nasa pang-18 na siya next Wednesday, so four to go," matamang kuwento ni Ms. LT.

"Pero very mild na lang talaga ngayon (‘yung tumor niya). Halos wala na, eh! Kaya lang, kailangan ‘yon complete na wala talagang makikita after nitong 6-cycle chemo niya. Hindi pwedeng hindi tapusin ‘yon.

"Last week, parang nagkaroon ng cuts ‘yung mga gatla (mga linya) sa palad niya. Bumuka lahat, para siyang hiniwa ng blade at malalim, huh!

"Kasi, ‘yung chemo peel niya, masyadong malakas. So, ang ginawa ng doktor, one week siyang pinagpahinga sa chemo peel niya para mag-close (‘yung mga sugat). Nag-close naman.

"Iyung chemo peel niya na Xeloda, iniinom ‘yon. Bale 120 tablets ‘yon. ‘Yun ang matindi at maraming side effects like loss of hair at sa mismong katawan mo physically.

"Tapos, meron pang isa, ‘yung tinatawag na drip na parang dextrose. So, meron na siyang porta cut dito (sa may left collar bone niya),‘yung big vein niya, may parang daanan na…

"Isang chemo rin ‘yon. Gemzar ang pangalan no’n. So, merong oral (na chemo drug), meron ding intravenous.

"Iyung two cycles na ginawa sa kanya before, walang oral ‘yon, puro drip lang. Ang problema, hindi ganu’n ka-effective sa kanya. Kumbaga, kailangan, stronger," tsika pa ng aktres.

Sa Startalk last time ay ipinakita na kalbo si Daboy. Ano nang itsura nito ngayon?

"Kumakapal na ulit ang hair niya, gumaganda na ang tubo. Kasi, ginamitan ko ng clipper #2. ‘Yung ginagamit na panggupit ng mga barbero, alam mo ‘yon?

"Nu’ng naging maiksi na ‘yung hair niya, hindi na masyadong naglulugas. So, tumubo na. Mas dumami. Ang ganda ngayon, ang kapal. Ang gandang tingnan.

"Dati kasi, nu’ng mahaba pa ang buhok niya, pagtayo niya sa kama, makikita mo lahat naiiwan sa unan. ‘Pag naligo siya, paghawak mong gano’n, ang daming buhok na nalulugas. So, baka malugas lahat. Ginupitan ko nang maiksi, ayun, okey na siya ngayon.

"He’s doing fine, thank God talaga! ‘Pag nakumpleto na ‘yung chemo niya, kailangan ultrasound every month at saka PET/CT Scans every two months. Monitor nang husto.

"So, pwedeng totally mawala ‘yung cancer. Ang problema lang, ‘pag nagkaroon ka na, puwedeng mag-recur, lalo na kung aggressive ‘yung cancer cells.

"Iyun ang nakakatakot. So, ‘yun ang ayaw kong isipin. Ang iniisip ko, gagaling siya, period. Meron namang hindi na talaga bumabalik, eh! So, ‘yun ang pinagpi-pray ko," sambit pa ng dakilang maybahay ni Daboy na si Ms. LT.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, August 17, 2007

Boobs ni Regine Velasquez, nagmumura

Sobrang proud si Dra. Vicki Belo sa tatlong celebrity endorsers ng kanyang bagong lunsad na whitening products, ang Belo Essentials na nilikha ng Intelligent Skin Care, Inc. (ISCI) na affiliate ng Belo Medical Group.

Sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla at Lucy Torres-Gomez na kung tawagin ni Dra. Belo ay ‘dream team’ ang endorsers ng Belo Essentials.

Puring-puri ng kilalang beauty doctor to the stars ang tatlo, na masarap daw katrabaho sa ginawa nilang TV commercial.

Bukod sa mababait daw sina Regine, Zsa Zsa at Lucy ay hindi nagpabayad ang mga ito sa nasabing TVC at ‘labor of love’ lang.

Agaw-eksena ang nagmumurang boobs ni Regine sa commercial na dinirek ng anak ni Dra. Vicki na si Quark Henares.

Super-baba ng neckline ni Regine kaya halos lumuwa na ang dibdib niya sa suot niyang white gown.

"Regine is very sexy and her boobs are very real! It’s totally hers!" bulalas ni Dra. Belo sa press launch ng Belo Essentials kamakalawa nang gabi sa Kimono Ken resto sa Tomas Morato.

"Yeah, it’s all mine! It’s real!" proud na dayalog sa amin ni Regine nang tsikahin namin siya pagkatapos ng short presentation about the product.

Hindi ba talaga napakialaman ng siyensiya ang nagmumurang dibdib niya?

"Hindi. Gusto mo, hawakan mo, baklah? Try mo!" pabaklang hirit sa amin ng Songbird, sabay lapit sa amin ng kanyang bumpers.

Kapansin-pansin na ‘pag naka-sexy outfit si Regine ay lagi siyang walang suot na bra. Tulad nu’ng presscon na halatang wala siyang suot na pang-ilalim kaya bumabakat ang dapat bumakat.

"Eh kasi, hindi pa naman ako nanganganak, so habang nakatayo pa siya, patayuin di ba? Ha! Ha! Ha!

"Hindi, kasi I had experiences with strapless bras na nandito na sa baba ‘yung dede mo! So, I hated it! And I really don’t like wearing it, kasi masakit, mabigat, tapos meron pang wire.

"And there are clothes kasi, there are dresses na pangit ‘pag nakabakat (‘yung bra). Dapat seamless. So, I got used to not wearing (a bra). But I don’t think it’s a big deal ‘though. Kasi, kahit nu’ng bata pa ako, I never liked it," eksplika ni Regine.

Hindi ba siya nako-conscious na ‘pag plunging ang neckline niya at wala siyang bra, kadalasan ay bakat na bakat ang nipples niya?

"Kasi, mas bumabakat ‘yung bra! Sa akin, mas normal naman ‘yung nipple, eh! ‘Di ‘yun na lang ang bumakat! Kesa naman ‘yung bra, di ba? Ha! Ha! Ha!

"At saka hindi ko naman kasi siya pinapansin, eh! Malay ko ba sa kanya (nipples niyang bumabakat)? Ha! Ha! Ha!

"It’s not that I’m confident about it. But there are clothes kasi talaga na pangit ‘pag merong bumabakat sa likod. Gusto ko kasi, ‘yung effect na seamless.

"But sometimes, I do wear mga nipplets. Pero sometimes, bumabakat din ‘yun, eh! So, it’s uglier! Kaya you just leave it like that. Eh, ‘yun naman ang normal, eh!" katwiran niya.

Ayon kay Regine, marami siyang bra pero nagsusuot lang siya nito ‘pag naka-T-shirt siya. ‘Pag naka-dress siya, lalo na ‘pag gown ay ayaw niyang nagba-bra. Asiwa siyang nakikita ‘yung strap nito at nasisira raw ang form ng damit.

Twice na siyang na-memo-han ng MTRCB dahil sa kanyang mga revealing na damit pero na-explain daw niya kay Chairman Laguardia na formal gown ang suot niya at hindi siya naka-mini skirt at bumubuka-bukaka sa telebisyon.

Anong sinasabi ng nobyo niyang si Ogie Alcasid ‘pag ganu’n ka-revealing ang suot niya?

"Nasa-shock lang siya. ‘Are you gonna get out like that?’ Sinasabi ko, ‘Yeah!’ Sagot lang niya, ‘Ah, okay!’ ‘Yun lang ang sey niya."

Hindi siya pinagbabawalan nito sa kanyang pananamit?

"Hindi. Actually, ang nanay ko ‘yung mas strict, eh!" sey ng Songbird.

Ang ganda ng pagkaka-deliver ni Regine sa TV commercial nu’ng tagline ng Belo Essentials na ‘Only Belo touches my skin. Who touches yours?’

So, who touches hers nga ba?

"Belo Essentials nga! ‘Yun na nga ‘yon. Belo na nga! Ha! Ha! Ha!" tawa niya, na nakahalatang naughty ang tanong namin.

Taliwas sa akala ng marami na dating hindi maputi at makinis si Regine at pumuti lang ito sa kakainom ng Glutathione (isang uri ng whitening pills), ang totoo ay noon pa raw siya maputi.

"I’m actually white eversince. But I like to go under the sun kasi. I like being sun-tanned. I don’t even know that (Glutathione). I’ve never taken anything for my skin!

"As a matter of fact, I always go under the sun. Talagang white ako all over. And I’m proud of my kili-kili, dahil maputi talaga siya! Nu’ng shooting namin ng movie with Piolo (Pascual), nagpaka-tan ako. ‘Yung Belo Essentials ang ginamit ko para bumalik ‘yung kulay ko," sabi pa ni Regine. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes, hindi nagagalingan sa direktor

Itinanggi ni Cristine Reyes na nag-iinarte siya sa shooting ng Green Paradise kaya nahin­to ito. Hindi raw siya nagmama­daling magkaroon ng launch­ing movie, ang gusto raw niya, iyong nasa tama at maayos naman ang movie.

Ayaw man niyang bang­gitin ang pangalan ng kanilang direktor, pero ito ang si­na­­sabi niyang hindi maayos ang pag­abait daw na­man ang direktor nila kaya la­mang, hindi tala­ga nito alam ang gina­gawa, kaya three shoot­ing days pa lamang sila, humiling na raw siyang ayusin muna ang lahat bago sila mag­trabaho muli. Wala raw prob­­­le­ma sa script, ang execu­tion lamang ang hindi ma­gan­da.

Malamang daw ay pali­tan ang di­rektor nila dahil hindi naman prob­lema ang bud­­­get sa pro­­ducer.

Katambal dito ni Cris­­tine si Andrew ­na hindi raw naman nanli­li­gaw sa kanya, ma­­tagal na raw silang friends nito at natuwa siya nang af­ter one year na nana­himik, bu­ma­lik na muli ito sa showbiz. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Bong Revilla, excited sa bagong programa

Masaya at excited si Bong Revilla sa ba­gong programa na ipi­nag­­katiwala sa kanya ng GMA7. Ito ang KAP’s Amazing Sto­ries na magsisimula nga­yong Linggo, Agosto 19.

Nagtatampok ito ng mga video mula sa Na­tional Geo­gra­phics’s Most Ama­zing Mo­ments, mga life & death situations, wild encoun­ter at marami pang in­fo­tainments epi­sodes.

Mayro’n nang mater­yales na pang-dala­wang season ang GMA pero, pagkatapos ng isang season ay sasa­li­tan nila ito ng mga amaz­ing local stories.

Si Bong ang magsi­silbing narrator ng pa­labas, na magtatampok ng 5 istorya kada-linggo.

Sinigundahan niya ang sinabi naming mas ba­gay sa posisyong hina­ha­wakan niya sa gob­yerno ang bago niyang trabaho.

Bagaman at pi­na­nood ang Hokus Po­kus, marami ang nag­ka­­kaisa na hindi na ba­gay sa isang senador ang mga ipinagawa kay Bong sa programa.

Bukod sa Kap’s Ama­zing Stories, regu­lar na maggi-guest si Bong sa mga programa ng GMA7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, August 16, 2007

Richard Gutier­rez, Magbebenta Ng Mga Lumang Damit

Nakakwentuhan ko si Richard Gutier­rez sa presscon ng RRRAM­PA For A Cause ka­sama sina Ruffa at Raymond. Sa Sept­em­ber 16 ay magka­karoon ng kan­­ya-kanyang booth ang mag­ka­kapatid sa Rock­well para sa fund­raising proj­ects nila para sa less for­tunate at mga batang gus­tong ma­ipagpap­atuloy ang pag-aaral.

“Ibebenta ko ang mga luma kong da­mit na ginamit ko sa peli­kula at tele­bisyon gaya ng Lupin. Ipag­bibili ko ito sa murang halaga mula P150 hang­gang P200 mula 8AM hang­gang gabi. Lahat ng kikitain naming mag­kakapatid ay hahatiin para ipag­kaloob sa mga kapus­palad,” aniya.

Sa kabilang banda, kumukuha ngayon ng martial arts ang aktor dahil ang papalit sa Lupin ay Kaman­dag na hango rin sa Komiks.

“Dalawa ang di­rektor ko — sina Mark Reyes at Topel Lee pero hindi ko pa alam kung sino ang magiging leading lady ko. Sana makatambal ko rin sa telebisyon sina Marian Rivera at Jewel Mische at sa pelikula, si Maja Salvador,” aniya.

Kinumusta namin sa kanya si Angel Locsin at kung ano ang payo niya sa kaibigan.

“Na-shocked ako nang una kong malaman na lilipat na siya. Pero nirerespeto ko ang kanyang desisyon. Sinabi ko sa kanya nang mag­kausap kami sa phone na lilipas din ang proble­mang kinakaharap niya ngayon. Ako naman I’m happy with GMA. Pinag­bubuti ko ang trabaho ko ng 120% dahil binibigyan nila ako ng mga projects. Pagka­tapos ng kontrata ko sa GMA I don’t see myself moving to another network dahil happy ako dito,” sey pa ng aktor.

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Negosasyong Ai-Ai at GMA 7 kinumpirma ni Boy

Dahil nasa Ireland na si Ai-Ai de las Alas para sa series of shows with Erik Santos, ang manager niya mismong si Boy Abunda ang nagklaro ng isyung iniwan ng Comedy Concert Queen at ito ay ang balitang-balitang lilipat siya sa GMA-7.

Binisita namin ang manager-TV host sa taping ng Boy & Kris last Tuesday at kinumpirma niyang walang lipatang magaganap.

Hindi naman niya ikinakailang nagkaroon talaga ng mga pag-uusap sa pagitan ni Ai-Ai at ng GMA-7 management.

“I won’t deny it, although hindi ko lang alam ang eksaktong kuwento dahil hindi pa kami nakakapag-usap ni Ai-Ai. Pero naniniwala ako that there was no attempt to pirate Ai-Ai.

“Nahihiya talaga ako kay Wilma (Galvante, SVP for Entertainment TV, na diumano’y siyang kinausap o nakipag-usap kay Ai-Ai) and I am apologizing for any inconvenience Ai-Ai caused.

“Balak ko nga siyang tawagan para personal na humingi ng dispensa. Wilma is a good friend and magkaibigan din sila ni Ai-Ai.”

Inulit ni Boy that his talent is staying with ABS-CBN. As a manager, he’s taking full responsibility of what Ai-Ai did.

Nevertheless, inamin din niyang nine months nang walang trabaho sa ABS-CBN si Ai-Ai at alam niyang may mga pangangailangan din ito.

“But you know, kahit naman may offer ang GMA-7, hindi rin niya kakayanin. May Amerika siya for one and a half months, may national tour siya ng Zonrox, may national tour ng Maggi, may concert sa Araneta Coliseum. So hindi rin niya kakayanin, eh,” sabi pa ng manager-TV host. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo naagawan ng importanteng role si Boyet de Leon

TWICE mapapanood ang tambalang Dennis Trillo and Nadine Samonte today.

Dahil hit na hit ang tambalang Nadine and Dennis sa Kung Mahawi Man Ang Ulap na 3rd Sine Novela ng GMA-7 at part ng Drama Rama Sa Hapon, ang isa sa mga pinaka-importanteng episode ng Magpakailanman — ang Father Joseph Faller story — ay sa kanila ibinigay. Ang pagkaka-alam namin noon, para kay Christopher de Leon ang coveted role of the famous Healing Priest, nauwi pala ang role kay Dennis.

Anyways, dire-diretso pa rin ang taping ng kani-lang afternoon soap na pa-tuloy na lumalakas. Mas mataas pa nga ang ratings nito sa isang primetime soap ng kabilang station. Lumalala na ang away ng mag-inang Catherine (Nadine) at Minda (Glydel Mercado) mamaya.

Ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ni Catherine, papalayasin na siya sa bahay ng mismong ina niya.

Must see ang episode na ito we tell you. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera, happy sa Marimar ratings

Sa magandang ratings ng Marimar noong pilot episode nito ay vindicated si Marian Rivera.

Maganda ang response na naririnig namin tungkol sa programa.

Bukod kay Marimar ay sisikat na naman si Fulgoso, ang asong kinabaliwan noon.

Hindi pa man natatapos ang Lupin ay nag-umpisa na ang Marimar. Hindi pa rin bumibitiw ang mga tagasubaybay ng Lupin sa magagandang eksena nito.

Masuwerte si Richard Gutierrez at kahit anong programa ang ibigay sa kanya ay tinatangkilik ng televiewers. Pinaghahandaan na ang bago niyang programang Kamandag na may mga eksenang kukunan sa New Zealand. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Attention Sanitation office ng Quezon City!

Sana, gumawa ng aksyon ang Sanitation office ng Quezon City sa ilang restaurant ng kanilang lungsod na may mga dagang naglipana.

Hindi namin makalimutan ang eksena sa Teriyaki Boy (Morato Av., QC) habang nagmi-meeting ang Showbiz Central. Napatili ang isang staff dahil sa napakalaking dagang dumaan sa paanan nito.

Maging si Pia Guanio ay nakita ang dagang ‘yon at napatili rin. Nandiri rin sina John Lapus at Raymond Gutierrez na kasama sa meeting na ‘yon.

‘Yung headwriter ng Showbiz Central ay nakataas na ang mga paa sa upuan dahil sa takot na dumaan sa paanan niya ang napakalaking daga.

Kami naman ay nasuka sa nakitang napakalaking daga!

Nilapitan kami ng marketing group ng Teriyaki Boy para mag-apologize tungkol sa nakita namin.

Nagawan na kaya ng Teriyaki Boy management ng remedyo ang nakadidiring ‘tanawin’ ng kanilang restaurant?

Kahapon naman ay niyaya kami ni Jojo Gabinete na mag-lunch. Pinili naming magpunta sa Heaven and Eggs na nasa Morato Avenue rin.

Naloka kami nang makita ng P.A. naming si Al Sumayo ang isang napakaling daga na padaan sa paanan namin.

Napatili kami. Nakita ng ibang patrons ng Heaven and Eggs ang malaking dagang ‘yon.

Nakadidiri talaga kaya kaagad kaming pumunta sa banyo. Nakasusuka!

At ang staff? Naku, nang palabas kami ng banyo ay narinig pa namin na parang hindi sila gulat na may malaking daga sa kanilang restaurant.

Feeling namin ay matagal nang nakatira sa restaurant nila ang malaking dagang ‘yon! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, August 15, 2007

Marian: Karylle is lucky to have a bf like Dingdong

IS Marian Rivera the reason why Dingdong Dantes and Karylle are now having trouble in their two-year relationship? “Why me?” Marian asks innocently.

“I don’t know anything about that. All I can say is that Dingdong and I are okay and I’m glad he’s my leading man in ‘Marimar’ dahil masarap siyang katrabaho.

“Magaan dalhin and he’s always there to guide me. To be honest, I feel Kaye (Karylle) is so lucky na siya ang kanyang boyfriend as he’s a real gentleman.”

Has Karylle reason to be jealous of her? “I don’t know,” she shrugs. “As far as I’m concerned, I’m just doing my job. So ‘yung love scenes namin ni Dingdong, hindi naman niya dapat pagselosan as it’s just part of our work.

“As Marimar, it’s my job to make those romantic scenes credible, di ba? Dapat makitang maganda talaga ang chemistry namin ni Dingdong.”

But does she consider Dingdong a good boyfriend material? “Definitely, yes. Mabait siya, educated, malambing, very thoughtful. Any woman can be easily attracted to him. But I have no intention na sirain ang relasyon niya with Kaye. Sa ngayon, I’m just happy na maganda ang reception ng viewers sa ‘Marimar’. Sa primer pa lang namin shown last Saturday, mataas na agad ang rating. Salamat sa lahat ng nanood.”

So does she feel she’s really GMA-7’s next big star after Angel Locsin? “It’s not for me to say. Tao ang huhusga. And please, huwag na lang akong i-compare kay Angel. Made na siya, I’m just starting.” [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Jennica Garcia at Mart Escudero pumirma ng exclusive contract sa Regal

Hindi lang pala si Jennica Garcia ang pumirma ng eight-picture exclusive contract sa Regal, sabay silang pumirma ni Mart Escudero kagabi.

Hindi na lang sa telebisyon sila mapapanood, pati na sa pelikula. Excited ang dalawa’t Regal Babies na sila.

Inihahanda na ang first movie na pagtatambalan nina Jennica at Mart kasama ang ibang young talents to be directed by Joel Lamangan.

Mala-Pare Ko ang project, pero mas maraming babae kesa lalaki sa cast.

Napapanood ang dalawa sa Impostora, magkakasama sa Boys Nxt Door at Pasan Ko ang Daigdig. Kahit ang GMA-7, nagulat sa mabilis na pagsikat ng loveteam ng mga bagets at maganda kung maaga pa’y bini-build up na sila.

Nakausap namin si Kris Bernal, ang unang ka-loveteam ni Mart at okey sa kanyang kasama na nila si Jennica sa BND.

Hindi raw siya nagseselos dahil magka-loveteam din ang dalawa. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marimar, mabilis ang pacing

Mabilis nga ang pacing ng Marimar dahil this Wednesday na lalabas si Marian Rivera bilang Marimar. Mahaba ang tatakbuhin ng istorya nito’t aabutin ng January next year at tama ang sinabi sa amin na marami pang additional characters ang papasok.

Excited din ang viewers sa mga asong sina Fulgoso at Fifi na bobosesan nina Michael V at Rufa Mae Quinto.

Birthday ni Marian last Sunday, pero dahil sa sunud-sunod na promo ng telenovela, hindi siya nakapag-celebrate ng kaarawan.

Nakasama lang nito ang ina at lola nang manood ng SOP.

Noong gabi ng Sabado, inasalto siya ng staff ng Marimar sa kanyang condo unit kasama sina Direk Joyce Bernal at Dingdong Dantes.

Naiyak sa tuwa ang dalaga nang pagbalik mula sa pagsisimba sa Baclaran ay madatnan ang mga nabanggit na may dalang pagkain.

Inaalam pa namin kung ano ang birthday gift ni Dingdong kay Marian.

Samantala, masaya ang cast at buong production ng Marimar sa nakuhang 36.6 percent ng pilot episode, dahil 35 percent lang ang ini-expect nila.

Tingnan natin kung tataas pa ang rating nito sa paglabas nina Marian, Dingdong at iba pang cast. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado ni-rescue ni Mark Herras

HANDANG tumulong si Mark Herras kay Jennylyn Mercado.

Real friends are there in times of need. Kung may hindi man napagkayusan sina Mark and Jennylyn lately at halos ayaw ngang pumayag ang isa’t isa na magkasama pang muli lalo na kung magpa-factor ang boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia, this time, Mark is willing to help out his ex girlfriend and first love team kung kinakailangan.

Bising-busy ngayon si Mark with four shows, ang Mga Mata Ni Anghelita na nanatiling highest sa primetime na part ng GMA Tele Babad after 24 Oras, ang Fantastic Man na matagal nang pinakain ng alikabok ang mga engkantao, Bubble Gang and SOP pati na rin ang semi-regular appearance niya sa Boys Nxt Door.

Kung kinakailangan daw, willing siyang makipag partner ulit kay Jennylyn at kahit kasama si Patrick okay lang.

Remember dati ayaw na ng isa’t isa na magkasama sa isang project.[source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Mas gustong kahalikan ni Dingdong si Marian kaysa si Katrina

Kasalanan din ni Dingdong Dantes kung bakit may tsismis na nagkakalabuan sila ni Karylle. Kung baba­sahin ang mga interview sa kanya mula nang simulan ang pro­mo ng Marimar, pa­duda ang mga sagot nito pag­dating sa re­lasyon nila ng girlfriend. But nothing to worry ang fans nila dahil okey pa rin sila.

In fact, magkasosyo sila sa Centerstage KTV Bar sa may Timog at sa launching/opening nito last week, dumating si Zsazsa Padilla. Sa ambush interview sa singer-actress, sinabi niyang “’Wag gamitin si Ka­rylle, sa promo.”

Back to Dingdong, kinakarir nito ang role ni Sergio Santibañez sa Marimar dahil gu­stong tumatak sa viewers ang ginagampa­nang character. Simula noong presscon, si Sergio na raw ang makikita at hindi na si Dingdong.

Parehong may kissing scene siya kina Marian Rivera at Ka­trina Ha­lili, pero mas masarap daw kaha­likan ang una dahil mas ma­rami si­lang halikan.

Kundi maaayos ang schedule, baka ‘di ma­gawa ni Dingdong ang Dagao na pagsasa­mahan nila ni Richard Gutierrez. Gusto niyang gawin ang pe­likulang dinidirek ni Chito Roño, pero may 10 days shoot­ing sa isang isla na ‘di kakayanin ng kan­yang schedule dahil may taping siya at shooting ng Resiklo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yil­maz Bektas on Ricky Lo Exclusives

Naging busy si Yil­maz Bektas sa pag­papainterbyu noong Lunes sa mga talk show.

Pumayag si Yilmaz na magpainterbyu kaya nagpunta sa Ma­kati Shangri-la Hotel ang mga TV crew.

Si Ricky Lo ang isa sa mga nag-interbyu kay Yilmaz at mapa­panood ito mamaya sa Ricky Lo Exclusives. Alam ni Papa Ricky ang buong kuwento ng love story nina Yilmaz at Ruffa Gutierrez kaya kahit walang lis­tahan ng mga question, knows ni Papa Ricky ang mga itata­nong sa kontrobersyal na asawa ni Ruffa na pumayag na kumun­sulta sa psychologist.

Kailangan pa bang itanong kay Yilmaz kung nagkabalikan na sila ni Ruffa? Nang magpainterbyu ang dalawa kay Boy Abun­da noong Linggo, ha­latang-halata sa ka­nilang body language na mahal pa nila ang isa’t isa kaya hindi im­posible na magkaroon sila ng reconciliation.

Matagal na hindi nakita ni Yilmaz ang kanyang mga anak kaya halatang-halata ang excitement ng mga bagets sa footage na napanood ko.

Kahit ilang buwan na hindi nagkita ang mag-aama, hindi na­kalimutan nina Lorin at Venice ang tatay nila. Lalong mahihirapan si Yilmaz na iwanan o hindi makita ng ma­tagal ang mga anak nila ni Ruffa. [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites