<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 31, 2007

3 anak ni Joey Marquez, wagi sa eleksyon!

Nakatutuwa ang ilang kaibigan sa showbiz na tumakbo sa nagdaang barangay at SK elections, dahil karamahin sa kanila ay hindi nagsayang ng pagod at pondo sa kampanya.

Tatlong anak ni Joey Marquez ang lumaban at lahat ay nanalo: Si Jeremy Marquez ay barangay captain na ngayon sa Bgy. BF Homes, Parañaque, na may 37,000 registered voters, ang pinakamalaking barangay sa Parañaque.

Pumasok din bilang kagawad si Paolo Marquez sa tiket din ni Jeremy, samantalang ang anak naman ni Joey kay Alma Moreno na si Wyn-Wyn Marquez ay nanalo namang SK chairman sa Bgy. Baclaran.

Wala pa kaming balita kung wagi bilang kagawad sa Bgy. Baclaran ang ex-boyfriend ni Alma na si Gerald Madrid.

Si Eric Fructuoso naman, wagi sa no. 6 bilang kagawad sa Bgy. Marcelo Green sa Parañaque.

Sa mga movie reporter namang tumakbo, wagi bilang mga kagawad sina Ronnie Carrasco (Bgy. 94 sa Pasay), Oghie Ignacio (sa Malabon) at Jimi Escala (sa Tondo).

Ilan lang ’yan sa alam naming tumakbo at nagwagi. Congrats! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili, type si Gerald Anderson?

How true itong nabalitaan naming type raw ni Katrina Halili si Gerald Anderson?

Nagkasama raw sa Puerto Prinsesa Palawan nu’ng October 26 sina Katrina, Gerald, Mark Herras at Kim Chiu at naghandog ang dalawang pares ng kani-kanyang song numbers para sa mga taga-roon.

Ayon pa sa nagtsika sa amin, nu’ng nasa stage raw si Katrina, agad daw niyang tinawag si Gerald para maging partner sa isang song number kaya laking gulat daw ng audience na hindi si Mark ang tinawag ng seksing aktres!

Type pala ni Katrina si Gerald? O baka type lang niyang inisin si Kim that day kaya nakipag-sing along ang seksi star sa love ni Kim. Hindi kaya?

Ano naman ang say ni Mark Herras dito? Hindi naman ba nainsulto ang pagkalalaki ni Mark sa ginawang ito ni Katrina?

Well, knowing Mark, cool dude ang gwapong ito, naiintindihan niyang it’s part of the game, ika nga.

Kaugnay pa rin ng insidenteng ito, ibinalita rin sa amin ng aming source na napahiya raw si Kim habang kumakanta. Ano ba ito? Nagloko umano kasi ang CD na ginamit ni Kim at hayun, nabuking na nagli-lip synch lang ang dalaga.

In fairness kay Gerald, nagmistulang hero siya ni Kim dahil agad niyang sinamahan ang dalaga habang umiyak daw ito on stage. May ganoong eksena talaga?

Well, it happens lalo pa ‘pag sa mga live shows na ganyan, di ba? Inevitable ang mga ganyang bagay, next time ingat na lang. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica, tanggi sa nasulat na nagrereklamo siya

Itinanggi ni Aljur Abrenica ang nasulat na nagrereklamo sila ng kanyang ama sa labas niya sa Zaido dahil mas maiksi kesa exposure nina Marky Cielo at Dennis Trillo.

Thankful daw siya sa GMA-7 sa pagsama sa kanya sa primetime show kahit newbie lang, bukod pa sa Saturday series na Boys Nxt Door.

Ginagampanan ni Aljur ang role ng red Zaido at kung may highlight ang mga kasama, ganu’n din siya. Malalaki rin ang fight scenes niya, kaya wala siyang reklamo.

Nabalitaan pala naming interesado ang Sony BMG na bigyan ng album si Aljur kung walang balak ang GMA Records.

In fact, may composition na si Danny Tan para sa kanya. Sana magawa ang album bago malipasan ang young actor. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Eat Bulaga thanks viewers

Nitong nakaraang Sabado, magarbo ang naging presentasyon sa Eat Bulaga bilang karugtong ng kanilang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng madla sa kanila sa loob ng dalawampu’t walong taon.

Maraming studio audience ang nagkamit ng instant cash sa kanilang “Kagat Labi” na kasalukuyang kinalolokohan ng mga bata’t matanda.

Andyan pa rin ang “Itaktak mo o Tatakbo” na nagbibigay tsansa sa contestant na makamit ang P300,000 to P1 million na jackpot price.

Maging sa “On the Spot” ay naghihintay din ang P100,000 at P200,000 naman sa kung sino man ang makakasagot sa napakadaling questions na nasa loob ng vault na kanilang mapipili.

Tatlong libong piso naman ang nakalaan sa mga mapipiling jokes na ipina-dla ng mga tv viewers sa “Ang Joke Ko” portion.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian, tinalbugan ang mga bida ng ‘Hide and Seek’

Base sa reaksyon ng audience nu’ng premiere night ng horror flick na Hide and Seek ay mukhang may potential Halloween hit si Mother Lily Monteverde.

Ang lakas ng tilian ng fans na may kasunod na palakpakan sa mga nakatatakot at nakagugulat na eksena sa pelikula.

Okey ang screen presence ng dalawang bidang bagets na sina Jennica Garcia at Mart Escudero na kapwa introducing sa movie. Parehong natural umarte ang dalawa at mukhang malaki ang promise ng kanilang loveteam.

Jean GarciaIn fairness ay panay ang hiyawan ng fans nina Jennica at Mart kapag sila ang magkaeksena. Hindi mo mararamdamang first movie ito ni Jennica dahil tila sanay na sanay ang bagets sa harap ng kamera at obvious na nagmana ito sa inang si Jean Garcia.

Nagsimula ang mga katatakutan sa kuwento nang lumipat ang pamilya nila sa isang lumang bahay sa malayong probinsya matapos ma-acquit sa salang pagpatay ng isang estudyante nito sa Maynila ang stepdad ni Jennica na si Eric Quizon.

May malagim na kuwento ang nilipatan nilang bahay dahil ang dating katiwala rito (Alessandra de Rossi) ay pinatay ng kanyang may paltik na asawa (Ryan Eigenmann) nang matuklasang may relasyon ito sa kanilang amo.

Kahit napanood mo na ito sa sandamakmak na Asian at American horror flicks ay epektibo pa rin ang pananakot ni Direk Rahyan Carlos sa pelikula.

Hindi namin ito natapos (dahil sumegue pa kami sa party ni Tita Annabelle) pero base sa napanood namin ay okey ang scare factor nito at mas matino ito kumpara sa directorial debut ni Direk Rahyan na Pamahiin.

Agaw-eksena ang nakatutuwang maid cum yaya ng pamilya na ginampanan ng komedyanang si Rubi Rubi. Beterana ng mga comedy bars ang hitad kaya ang galing-galing niya bilang comic relief ng pelikula.

Bongga ang exposure ni Rubi Rubi at sa mga napanood naming eksena ay parang lumalabas na mas mahaba pa ang role ng hitad kesa kay Alessandra!

Dumalo sa red carpet premiere ng pelikula ang star ng Marimar na si Marian Rivera.

Nagkagulo ang mga tao sa sinehan pagkakita kay Marian, na ang sexy ng dating sa kanyang maiksing slip dress.

Kapansin-pansin na nakaagaw ng atensyon ang dalaga dahil ‘yung ibang fans ay mas interesado sa kanya at siya ang mas pinagkakaguluhan kesa sa mga bida ng pelikula.

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Hide and Seek (na graded ‘B’ ng Cinema Evaluation Board).
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, October 30, 2007

Sugarpop updates

WE’VE seen the pre-teens group Sugarpop several times and we can’t help but be awed by their awesome talent. Each member has his or her own individual singing career before Maestro Danny Tan put them all together to form Sugarpop, the best young group today with their incredible vocal harmony. Their version of “I Believe I Can Fly” is something you should really hear as their voices are allowed to soar individually while still creating awesome blending.

Now, they’re not just singers anymore but also TV hosts. Starting November 3, Saturday, 7 to 8 p.m., they’ll be hosting an environmental friendly show on QTV 11, “Planet Q”, a combination of segments from the popular U.S. show, “The Planet’s Funniest Animals,” and relevant local materials researched and gathered by Sugarpop for the show.

As hosts, Sugarpop members Renzo Almario (who has his own legion of fans now), Rita, Vanessa, Julie and Pocholo will give helpful tips about caring for your pet and they will also visit such interesting places as the Orchidarium, Butterfly Pavillion, Planetarium and other venues connected with animals and Mother Nature.

In the first episode this Saturday, they’ll feature their respective own pets plus Marimar (Marian Rivera) and her famous dog, Fulgoso. Each episode will also be spiced up by a special musical production number from Sugarpop. Truly, this will hone both the group’s singing and hosting talent while they continue to bond well with each other. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes, umatras kina Bea, John Lloyd

Dapat sana, November 14 din ipapalabas ang launching movie ni Cristine Reyes from New City Entertainment kasama si Andrew Schimmer and Kris Martinez as love team.

Tapos na ang principal photography and editing nito and as of last week, inaayos na rin ang trailer. Kung natuloy, makakabangga nito ang One More Chance nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo from Star Cinema.

Nalaman naming hindi na pala ito magsu-showing ng November 14.

This is good dahil at least maiiwasan ang banggaan ng dalawang local movies kahit sabihin pang magkaiba ito ng market. Isa pa, halos wala pang promotion ang movie at parang kami-kami pa lang yata ang nakaaalam. Dapat din ay last Saturday ang first presscon nito, pero nagahol na rin sa oras. The sure thing is that ipapalabas pa rin ito this year.

At least mahaba-haba ang magiging promotion period. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA Network humataw sa CMMA

ANIM na major awards at isang special citation ang inuwi ng GMA Network mula sa katatapos na 29th Catholic Mass Media Awards.

Humakot ang Kapuso Network ng apat na awards mula sa news and public affairs category.

Kasama sa listahan ang 24 Oras para sa Best News Program; Philippine Agenda para sa Best Adult Educational Program; Wish Ko Lang, Best Public Service Program; at Kapuso Mo Jessica Soho(KMJS), na tumabla sa The Correspondents ng ABS-CBN sa Best Magazine Program category.

Samantala, ang Mga Kuwento ni Lola Basyang at Magpakailanman naman ay nangibabaw sa ibang entries para maiuwi ang Best Children’s Program at Best Drama Program trophy.

Personal na tinanggap nina Jessica Soho at Mel Tiongco – hosts ng KMJS at Magpakailanman ang mga ibinigay na parangal.

Iginawad din sa GMA Network ang special citation na Best Public Service Advertisement para sa election advocacy campaign nito na Sa Isa Kong Boto.

Ang CMMA ay binubuo ng lupon ng mga obispo mula sa iba’t ibang parte ng bansa at itinuturing na isa sa pinaka-credible na award-giving bodies ng Pilipinas.

Si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang chairman ng CMMA. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marimar fever, hit sa America!

Hindi lang sa Pilipinas may Marimar fever kundi pati sa Amerika.

Ito ang nakuha naming impormasyon mula sa isang kaibigan sa Tate.

Mainit na mainit daw sa mga kababayan natin sa US ang nasabing telenobela na consistent nang nasa 40s ang ratings.

Napukaw ng alindog ni Marimar aka Bella Aldama (Marian Rivero) ang atensyon ng kalalakihan.

Delayed man ang pagpapalabas doon ng Marimar episodes ay sinusubaybayan pa rin nila.

Walang epekto ang paninira ng detractors kay Marian. Nakanganga sila sa tagumpay ng Marimar. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard at Raymond, ok na ok na

Tinawagan ako ni Raymond Gutierrez kahapon dahil gusto niyang linawin ang dialogue ng nanay niyang si Annabelle Rama sa birthday celebration nito sa S.O.P. Rules noong Linggo na anim na buwan na silang may gap ng kakambal niyang si Richard.

Hiniling ni Bisaya sa kambal na magbati na alang-alang sa birthday niya, na ginawa ng dalawa.

"Jun, please make it clear na hindi anim na buwan kaming nagkaroon ng gap ni Chard kundi tatlong buwan lang. Saka ‘yung gap na ‘yon, hindi masasabing away talaga," simula ni Raymond.

"Iyung gap kasi namin ni Chard, gap lang as in tampuhan. Hindi namin kinonsider na kaaway ang isa’t isa. Hindi lang kami nag-usap.

"Walang time na makapag-usap kami tungkol sa tampuhan namin. Nag-travel siya at nag-travel din ako. Then, ang dami naming work.

"Wala kaming time na pag-usapan ang tungkol sa tampuhan namin, kaya tumagal ‘yon nang tatlong buwan at hindi anim na buwan katulad ng sinabi ni Mommy.

"Of course I’m happy na ok na kami ni Chard. Saka noon ko pa gustong maayos ‘yung tampuhan namin, kaya good thing na rin na ni-request ni Mommy sa amin na magbati na.

"Now we’re really ok na as in ok na ok na," paliwanag ni Raymond.

Kahit noong may tampuhan ang dalawa ay very concerned pa rin si Raymond sa kanyang kakambal.

Kapag may mga isyu kay Richard ay si Raymond ang unang nagre-react.

Pati sa bagong series ni Richard sa GMA 7 na Kamandag ay maraming suggestions si Raymond, na ikinatutuwa siyempre ng matinee idol.

Pangako ni Raymond kay Richard na ipo-promote niyang mabuti sa Showbiz Central ang Kamandag. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, October 29, 2007

Ina ni Cogie Domingo, nasa bansa

Nasa bansa ngayon ang ina ni Cogie Domingo, nung magkaroon ng wild fire sa Amerika ay tawag siya nang tawag dun, naranasan na pala ni Mommy Zennie ang ganun nung bago-bago pa lang siyang naninirahan sa California.

“Napakalakas talaga ng hangin, pati kotseng tumatakbo, tumataob sa sobrang lakas. Babasagin talaga ang mga salamin ng bahay mo, kaya ang ginagawa ko, binubuksan ko nang bahagya ang mga bintana para walang pressure,” kuwento niya.

Wala namang gaanong nasalanta sa Lancaster kung saan sila may bahay, pero maraming kaibigan niya ang nasunugan, mistulang impiyerno raw ang unang nasaksihan ni Mommy Zennie nung magkaroon ng wild fire sa Amerika.

Hindi na namin gaanong ikinagulat ang kuwento ng wild fire dahil sa madalas naming pagtutok sa CNN, ang ikinagulat namin ay ang pagkikilala nila ni Angel Locsin sa Amerika, nakarating na pala ang dalaga sa kanilang bahay sa Lancaster.

“Magkakilala na kami sa States pa lang, she was introduced to me by Cogie when they went to our house, mabait ang batang yun, marespeto, saka maganda siya,” paglalarawan ni Mommy Zennie kay Angel Locsin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

StarStruck member, nagpapabugaw?

BLIND item: Bumaba na ang presyo ng isang StarStruck member kung papatol siya sa bading.

Kung dati’y mabili siya sa P10,000, ngayon ay keri na kung P5,000 lang ang pera mo.

Sabi ng mga bading na nakausap namin, para ka lang daw nakikipag-sex sa isang bangkay, dahil Laila Dee (as in nakalaylay lang sa kama) ang kanyang drama sa kama.

Humahalik din daw sa labi, pero hindi torrid. Teka, ’di ba, nagdedenay pa ang batang ito na siya’y pumapatol? At hindi rin daw totoong nagpapabugaw siya?

Gano’n? Naku, itanong kaya natin sa kanyang kapitbahay sa “next door” lang kung gaano katotoo ito bago tayo maniwala, ha? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, balik TV na

TONIGHT na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa TV. Tapos na ang problema niya with GMA-7 after the issue that concerned her manager Becky Aguila and the Kapuso station.

Tonight, nagbabalik ang kauna-unahang StarStruck ultimate female survivor sa primetime block ng Kapuso with the pilot of La Vendetta co-starring Sunshine Dizon and Jean Garcia. Napakahalaga ng papel niya rito dahil short of saying na siya ang title role.

Hopefully, magtutuluy-tuloy na ito dahil ngayon pa lang, nakahilera na ang second soap niya hindi pa man nagsisimula ang La Vendetta.

Sa movies din, makakadalawang pelikula pa si Jennylyn before the year ends. Bukod kasi sa Resiklo ng Imus Productions na part ng MMFFP 2007, magbubukas din sa December 5 ang first independent movie niya titled Nars from Carl and Carl Productions. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA Network nangunguna na sa buong urban Luzon

NANGUNGUNA na ang GMA Network pagdating sa TV ratings at audience share sa buong urban Luzon ayon sa data mula sa AGB Nielsen Media Research noong Setyembre hanggang unang dalawang Linggo ng Oktubre.

Nasa Total Urban Luzon ang 76.2% ng kabuuang urban TV household population sa bansa,
ayon sa AGB Nielsen.

Nagkamit ang Kapuso Network noong Setyembre ng 42.4% TV Household Audience Share samantalang ang kalabang istasyon ay nagtala naman ng 40.3%. Noong mid-October, umakyat pa ang audience share ng GMA sa 44.6% habang ang kalaban nito ay bumaba sa 39.4%.

Mula ika-1 hanggang ika-13 ng Oktubre, nanguna ang Marimar sa listahan ng top 30 programs sa buong urban Luzon. Nagtala ito ng 33.5% household ratings.

Pito sa mga nangungunang 10 programa sa nasabing period ay gawa ng Kapuso rin. Kabilang sa mga nangunguna sa listahan ang Mga Mata ni Angelita, Kap’s Amazing Stories, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Bitoy’s Funniest Videos, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, at 24 Oras.

Tunay ngang mas pinipili ngayon ng maraming taga-Luzon ang programs ng Siyete kaya napapabilang ang mga ito sa listahan ng mga nangungunang palabas. Habang umuusad sa ratings ang GMA, patuloy rin ang paglago ng kumpanya. Nakapagtala ito ng higit na malaking net income kumpara sa kalaban nitong nakaraang 3rd quarter. Patuloy rin ang pagpapalakas ng signal ng GMA at pagtatayo ng mga istruktura sa probinsya para sa mga manonood nito lalo na sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Samantala, patuloy pa ang pagiging lider ng GMA sa Mega Manila. Umakyat ang ratings nito mula 44% noong 3rd Quarter ng 2007 hanggang 47.7% noong mid-October. Ang ABS naman, bumagsak mula 35.3% hanggang 33.4% sa nasabing period. Sa Mega Manila pa rin, 22 sa 30 nangungunang programa ay gawa ng Kapuso. Ang Marimar, Mga Mata ni Angelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang nakakuha ng tatlong pinakamatataas na puwesto.

Sinasalamin ng mga resulta na GMA ang nagtatalaga ng pamatayan para sa programang pangtelebisyon, at wala itong kinikilalang hangganan kaya’t parami pa nang parami ang nagiging Kapuso. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kyla by Request - solo concert

LALONG naging matunog ang pangalan ni Kyla pagkatapos ng kanyang rendition ng Lupang Hinirang sa Las Vegas sa laban ni Manny Pacquiao. Kaya naman marami ang naga-anticipate na bongga rin ang performance niya sa kanyang solo concert sa Premier Theater ng SM Mall of Asia (produced ng Cube Production Phils. and Hubbllee Film Productions Philippines) titled Kyla by Request directed by John Reyes.

Haharanahin kayo ni Kyla ng mga kilalang awiting Pinoy lalo ’yung ballad revival songs na kinanta ng mga artists noong ‘80s at new wave hits.

On center stage, muling ipapakita at ipaparinig ni Kyla ang husay at mala-anghel niyang tinig bilang R&B princess. Halatang inspired din si Kyla nowadays. Iba talaga ‘pag may inspirasyon, di ba?

May ilang balikbayang nagtanong sa amin tungkol sa tiket. Sorry po, ‘di namin knows kung magkano, eh. Call na lang kayo sa Ticketnet office ng SM Mall or Condotel Bldg. Suite 9 and 7 Abel Nosce St. Cor. Capitoline Hills BF Resort, Las Piñas City.

Basta kami hoping sa invitation ng producer ng Kyla By Request concert para maka-watch. Knows n’yo naman, fan kami ni Kyla. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, October 28, 2007

Mart Escudero, naka-first base na kay Jennica Garcia

NAGPAHALIK na si Jennica Garcia kay Mart Escudero.

Tonight na ang premiere sa SM Mega Mall ng launching movie nina Jennica and Mart na Hide and Seek from Regal Films. Ang mga manonood na naka-Halloween costume ay may special cash prize na paglalabanan pati ng mga press people.

Also starring Eric Quizon, Jean Garcia, Ryan Eigenmann, Valeen Montenegro and Alessandra de Rossi, Hide and Seek is directed by Rahyan Carlos.

Now, we don’t know kung may kissing scene sila sa movie pero for sure, sa episode mamaya ng kanilang teen show na Boys Nxt Door after the finale of Coke Ride to Fame, may tunay na silang halikan. Alam kaya ito ng kanyang inang si Jean na noong nagkaroon ng publicity sa Impostora na parang naghahalikan sila ay na shock na?

Ang manager kaya nilang si Manny Valera na birthday today, alam din ba ito? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina, nagpakipot sa Prince ng Kuwait

Nagpalit ng mobile number niya si Ara Mina para makaiwas sa mga intriga.

Gusto rin niyang manahimik muna ang kanyang buhay na malayo sa samu’t saring isyu.

Nasagad si Ara sa isyu sa kanila ni Manny Pacquiao.

Ayaw niyang magpa-interview kung ito rin lang ang itatanong sa kanya.

Natuwa ang aktres dahil naglalabasan ang kanyang mga kaibigan na handa siyang ipagtanggol at ibangon ang kanyang image.

Isa na rito ay ang mang-aawit na si Dulce.

Nagkita at nagkausap sina Dulce at Ara kamakailan.

Naawa si Dulce sa sunud-sunod na birada kay Ara.

Naantig ang puso ni Dulce sa interview ni Ara na nagtatanggol ito sa sarili laban sa mga mapanirang akusayon.

Sabi ni Dulce, kung magkakaroon lang siya ng pagkakataong makapagsalita sa kahit na anong showbiz-oriented talk show, sasabihin niyang hindi mababang uri ng babae si Ara.

Nagkasama sina Dulce at Ara sa isang show sa Middle East. Nasaksihan ni Dulce kung paano habulin ng prinsipe ng Kuwait si Ara.

Kuwento ni Ara, "That time, iniimbitahan kami ng prince na magyate. Ayaw kong sumama, kasi, hindi ko naman type ‘yung prince. Pero gusto ni Ogie (Alcasid) na magyate. Hindi pa raw siya nakaka-experience na sumakay sa isang royal yacht.

"‘Pag hindi ako sumama, mababale-wala ang imbitasyon. Ako raw ang gusto talagang imbitahan nu’ng prinsipe.

"Hindi naman panget ‘yung prince. May edad na nga lang. Pero hawig siya ni George Clooney. Lumabas na ‘yung picture niya sa Yes Magazine.

"Noong time na ‘yon, kami pa ni Polo (Ravales) kaya wala akong ganang makipagtsikahan sa kahit na sinong lalaki.

"Sabi nga ni Tita Dulce, kung talagang gusto kong pumatol sa mga lalakeng mayayaman, dapat sana noong time na nakilala ko ‘yung prince, nagpa-effect na ako sa kanya.

"Kaso, hindi ako ganoon. Sa akin, mas ako pa ‘yung generous sa lalake, kaysa ‘yung lalake ang generous sa akin.

"Hindi ako tumitingin sa pera. Ang thinking ko kasi, nagtatrabaho naman ako, may kinikita naman ako, bakit pa ako papatol sa lalake na mapera nga, hindi ko naman mahal?" paliwanag ni Ara.

Dati ay madalas siyang tawagan at i-text ng prinsipe para lang kumustahin. Madalas na hindi niya nae-entertain ang prinsipe dahil sa kanyang hectic schedule.

Ngayong nagpalit na ng number si Ara, naputol na ang kanilang communication.

Pero sabi ni Ara, kung talagang gusto siya ng prinsipe, gagawa ito ng paraan para makausap siya uli.

"Kung nagpakita lang ako ng interes sa kanya noong time na ‘yon, baka nagpunta na ‘yon dito sa Pilipinas. Gusto niya akong sundan dito sa Pilipinas. Sinabi ko naman na busy ako, which is true naman," kuwento ni Ara. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Abogado ni Lolit, handa na

As of presstime, hindi pa natatanggap ni Lolit Solis ang kopya ng demand letter mula sa legal counsel nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Hindi na nagulat si Lolit nang malaman niya na nauna pang makatanggap ng kopya ng demand letter ang mga publication, radio station at ang PEP.

Handa si Lolit na mag-apologize kina Sam at Piolo kung na-upset man ang dalawa dahil sa kanyang mga pahayag.

Pero mariing sinabi ni Lolit na hinding-hindi niya babawiin ang kanyang kuwento na nakita niya sa Sofitel sina Sam at Piolo.

"Ready na ang lawyer ko (Atty. Noel Malaya) sa hearing. Nakapagpagawa na siya ng dalawang Barong Tagalog. Ayokong ma-upset siya kapag hindi niya ‘yon nagamit!" ani Lolit.

Mas pinoproblema ni Lolit ang wildfires na nananalanta sa Southern California dahil maraming pamilya na ang apektado.

"Dapat ma-upset din si Sam dahil mga American citizen na tulad niya ang biktima ng wildfires, ‘no! Kahit ipilit niya na Pilipino siya o dual ang kanyang citizenship, American pa rin siya!" bulalas pa ni Lolit. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dr. Manny Calayan, iiwan ang Unang Hirit?

Nagulat si Dr. Manny Calayan sa intrigang iiwanan na niya ang Unang Hirit at lilipat na siya sa isang show ng ABS-CBN 2.

Ayon sa cosmetic surgeon, intriga lang ang balitang ‘yon.

"Wala akong planong iwanan ang Unang Hirit. Happy kami ni Dra. Pie sa Unang Hirit at matagal-tagal na kami sa show na ‘yon," sabi ni Dr. Manny.

Iniisip na lang ni Dr. Manny na may nang-iintriga ng ganoon dahil hindi siya nakasipot sa finale ng Celebrity Duets.

Anyway, sinabi ni Dr. Manny na happy siya sa pagkapanalo ni Tessa Prieto-Valdes sa Celebrity Duets.

After ng Not Just Duet show namin noong Sabado sa Zirkoh Timog, may nag-o-offer kay Dr. Manny na mag-show sa Zirkoh Greenhills at sa lugar nila sa Lucena City. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, October 27, 2007

Coke Ride to Fame grand finals na!

SA Linggo na pala gaganapin ang Coke Ride to Fame ng GMA- 7, at tatlong finalists lang ang maglalaban-laban para sa pinakaaasam na pagkaka-taong manalo ng grand prize.

Sina Daryl Lagos, Quincy Siclot at Ava Zulueta ang tatlong masusuwer-teng finalists at susubukan ang galing nila sa paghu-host, pagkanta, pagsayaw at pagku-compose.

So, may mga bagong mukha naman ulit pala tayong aabangan, huh?! Ang pagiging isang total performer daw ang gustong mahubog ng Coke Ride to Fame sa bawat isang finalist.

Itong si Daryl ay pagsasayaw ang hilig. And Quincy says she likes singing a lot better.

Ito namang si Ava ang mukhang artistahin sa kanilang tatlo. Colegiala ang dating, pero ang tanong, kayanin kaya ng powers niya ang challenges na kanyang mai-encounter on her way up?

Sure kaming keri ng ka-hit na sinong magwawagi ang lahat ng challenges na mae-encounter nila dahil hindi sila makukuha if they weren’t deserving, anyway.

Exciting ang magiging grand finals night na ito sabi pa ng host na si Drew Arellano kaya pakatutukan ito sa Linggo-(ika-28 ng Oktubre, with Karel Marquez as co-host). [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Carlene Aguilar, naiyak!

Naging masalimuot at nagmukhang kawawa raw si Carlene Aguilar nang dumating ito kahapon mula sa Amerika kasama ang kanilang anak ni Dennis Trillo. Dahil may prior announcement na darating ang dating beauty queen kasama ang one month old baby nila, ayun dumagsa raw ang maraming media para makunan ang pagdating niya.

Ayon sa kuwento ng witness na nasa airport kamakalawa ng madaling araw, natunugan daw agad ni Carlene na maraming media kaya hindi agad ito lumabas at pansamantalang nag-stay sa may Duty Free. Pero nang medyo mainip na raw dahil nakita nilang wa­lang planong umalis ang mga naghihintay na TV crews and photo­graphers, walang choice si Carlene kasama ang kanyang mother na lumabas sa arrival area.

Dahil nag-uunahan sa pagkuha ng pictures sa mag-ina, na pilit namang iniiwas ni Carlene, ang one month baby daw ang naging kawawa dahil na­bugbog ito sa loob ng stroller dahil talagang hina­harangan ng mga came­raman habang iniiwas ni Carlene. Buti na lang daw at may nagma­gandang loob na kunin ang bata at dalhin sa sasakyan. Ang ending, nang buksan daw ang cover ng stroller, nangingitim ang bata. Umiyak daw si Carlene at panay ang sabi nang: “Ang baby ko.”

Pero nagkaroon pa rin daw ng ambush interview sa dating beauty queen at nang tanungin siya kung kailan sila pakakasal ni Dennis: “Siya na lang tanungin ninyo,” sagot daw ni Carlene.

Ang disappointing part lang daw dito ay hindi man lang nag-effort si Dennis na sunduin ang kan­yang mag-ina sa­mantalang nasa taping lang naman daw ito sa Manila Memorial na malapit sa Parañaque.

Anyway, tahimik naman daw sana ang pagda­ting ng mag-ina ni Dennis kung hindi dahil na rin sa kapatid ni Carlene na si Ciara.

Hamakin mo ba raw namang nag-text ito sa staff ng Showbiz Central para sabihin kung may offer sila dahil nag-text daw ang ABS-CBN at may offer daw sa kanila kaya nag-inquire kung magkano ang offer ng Showbiz Central. “Ayun, kumalat tuloy na darating si Carlene,” say pa ng witness sa airport.

At any rate nauna nang sinabi si Dennis na wala muna sa plano nilang magpakasal ng beauty queen. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jessica Rodriguez, happy na rin kahit talo sa Celebrity Duets

Hindi man nanalo ng P1 million si Jessica Rodriguez sa Celebrity Duets (grand winnner si Tessa Valdez-Prieto), sobrang ligaya pa rin siya dahil bukod sa natanggap niyang brand new BMW worth P5 million, na-realized ni Jessica ang sobrang pagmamahal sa kanya ng asawang si David Bunevacs.

Though naisip daw ni Jessica na sobrang mahal ng kotse na kailangang bayaran ng kanyang asawa. Kung sabagay, malalaki ang project ni David. Business partner niya ang boyfriend ni Vina Morales na si Cedric Lee na developer ng mga malalaking project sa bansa. Target nila ang mga local govern­ment na walang enough funds para maka­pag­gawa ng malalaking project. Si David ang nag­pa-process ng papers sa bangko para sa loan at ang grupo ng boyfriend ni Vina ang nagdi-develop ng project.

Anyway, going back to Jessica, ‘yun daw effort ni David every Saturday na pu­munta sa studio para manood ay sobrang na-appreciate na ni Jessica at ang panga­ngam­panya nito na iboto siya sa buong village nila. Mamigay pa raw ng card si David sa lahat ng maid sa village worth P300 pesos para lang iboto ang kanyang misis. Bukod pa sa pakiusap nito sa mga kaibigan.

Samantala, napanood pala ni Jessica ang episode ni Lou na winner sa Miss Ugly No More sa Magpaka­i­lanman the other night. At dun na-reveal na dahil ‘major renovation’ sa kanya (Lou) ng Beverly Hills 6750 na pag-aari ng mag-asawang Jessica at David ay pati pusod nito ay inilipat. Yup, puwede palang gawin na pati pusod na akala natin ay hindi puwedeng galawin ay puwedeng-puwedeng mapunta sa ibang part ng katawan natin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo, mahal pa rin si Carlene

Ganap na 4:48 AM kahapon ay dumating si Carlene Aguilar lulan ng PR 113 galing Los Angeles, California kasama ang kanyang ina at ang isang buwang baby nila ni Dennis Trillo na si Calix Andreas Ho.

Matagal bago nakalabas ng arrival area ang mag-ina dahil nakita na nila ang sangkatutak na media na nakaabang para ma-interview si Carlene at makunan ang baby.

Walang nagawa si Carlene kundi lumabas at parang nakipaglaro ng patintero sa reporters at cameramen dahil ayaw niyang magsalita tungkol sa kanyang panganganak at sa relasyon nila ni Dennis.

"Wala po kayong makukuha sa akin, umiiyak na po ang baby ko. Maawa na po kayo!" pakiusap ni Carlene sa mga nakaharang na reporters habang tulak-tulak niya ang stroller kung saan nandu’n ang kanyang anak na iyak nang iyak.

Naawa na rin kami kay Carlene lalo na sa kanyang baby dahil hirap na hirap itong makarating sa kanilang sasakyan. Itinakas na lang ang baby para mauna itong makasakay pero si Carlene ay walang nasagot sa mga tanong namin.

Pag-uusapan pa raw nila ni Dennis kung ano ang plano nila sa kanilang anak, pero hindi niya sinagot ang tanong namin kung sila pa rin ba.

Totoong hiniling daw ni Carlene noon kay Dennis na itanggi na ito ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Mas gusto raw niya kasing private at hindi na pag-usapan ng publiko ang tungkol sa kanilang anak.

"Ang gusto ko lang naman po kasi, ang privacy para sa baby ko, pero hindi n’yo naman ibinigay sa akin," maluha-luhang pahayag ni Carlene.

***

Hindi nakaiwas si Dennis sa mga reporers na nag-cover sa launch ng bagong pabango ng Aficionado Celebrity perfume na ginanap sa Palasyo de Manila nu’ng Huwebes ng gabi.

Isa si Dennis sa mga bagong endorser ng Aficionado Germany Perfume at siya lang ang pinagkaguluhan sa naturang launching.

Excited daw si Dennis sa pagdating ng kanyang anak at pag-uusapan daw nila kung ano ang susunod nilang gawin.

Ang pagkakaalam niya ay nabinyagan na ang baby sa Amerika kaya wala pa siyang masabi kung ano ang susunod nilang gawin.

Itinatanggi ni Dennis ang tanong naming sila pa rin at hindi sila nagkahiwalay. Pero mahal pa rin daw niya si Carlene bilang ina ng kanilang anak.

Hindi raw niya tatalikuran ang kanyang responsibilidad bilang ama ng bata. Lahat daw ay sinagot niya at alam daw ni Carlene na hindi siya magpapabaya.

Okay naman daw siya sa pamilya ni Carlene at excited na rin daw ang kanyang magulang sa kanilang apo.

Ang cute ng baby nina Dennis at Carlene at mas kamukha ito ng aktor. Makapal ang buhok at matangos din ang ilong. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, October 26, 2007

Q-11, unti-unting umaangat

UNTI-unti nang nakare-recover ang Q-11, sister station ng GMA-7, mula sa dusa’t hirap ng tinatawag na “panganganay.”

Ayon sa isang ehekutibo ng istasyon, kung dati-rati ay napabalitang maraming produ ang nalugi sa baba ng commercial load na pumapasok sa two-year-old TV station, ngayo’y unti-unti nang nagiging stable ang lahat at inaasahang by next year, mas maganda na ang kakaharapin ng mga sumusugal dito.

Natukoy na rin daw nila ang kanilang niche, at hindi na sila nakikipag-compete either sa GMA-7 o ABS-CBN 2.

So far, dalawa sa biggest raters nila ay ang Moms nina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes at The Sweet Life ni Lucy Torres-Gomez.

May ilan din silang sisimulang shows, gaya ng Planet Q, isang weekly one-hour infotainment program na magpapakita ng nakatutuwa at nakamamanghang istorya ng mga hayop, pati na rin ng kalikasan.

Simula sa susunod na Sabado, Nobyembre 3, ihahatid ng Planet Q ang pinagsamang lakas ng sikat na comedy program mula sa U.S. na The Planet’s Funniest Animals at mga locally-produced segment, na pangungunahan nina Vanessa Rangadhol, Renzo Almario, Rita Iringan, Pocholo Bustamante at Julie Anne San Jose, mas kilala bilang mga miyembro ng grupong Sugarpop.

Bukod sa pagbibigay ng helpful tips sa pangangalaga ng mga hayop, magpapakita rin sila ng 20-second bumpers na magbibigay ng mga kaaya-ayang animal trivia.

Papasyalan din ng Planet Q ang Butterfly Pavillion, Orchidarium, Planetarium, at iba pang mga lugar na may kinalaman sa mga hayop at kalikasan. Gagamit din ang programa ng makaagaw-pansing background at special effects.

Sa unang salang ng show, makakasama ng Sugarpop hosts ang kanilang beloved pets, pati na ang matalik na kaibigan ni Marimar, si Fulgoso.

Ang Planet Q ay mapapanood tuwing Sabado, 7-8 p.m., simula Nobyembre 3, sa Q-11. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae inokray ni Ai-Ai

COMEDY Concert Queen Ai-Ai delas Alas stole the show from Erik Santos nang pumasok ito sa entablado bilang guest performer sa first major concert ng huli na Erik Santos… Solo at the Araneta last October 19, Friday.

Tila nagkaroon ng sneak preview ang audience sa Big Dome what to expect as Ai-Ai takes the centerstage on November 16 for her solo concert. Sabi nga ng isang malapit kay Ai-Ai, higit pa raw ang ipapamalas dito ng magaling na komedyante sa gabi ng kanyang show.

Nakakalokah lang ang mga punchline na pinakawalan ni Ai-Ai kina Erik at Rufa Mae Quinto. Sabi nga ng isang writer na katabi namin, sapol na sapol si Rufa Mae sa pinakakawalang biro ng komedyante.

As a real trouper, tanggap naman ito ni Rufa Mae at tawa pa siya nang tawa sa mga biro ni Ai-Ai.

Nag-enjoy talaga nang husto ang mga tao sa concert ng Prince of Pop lalo na sa bahaging “pang-ookray” ni Ai-Ai sa ex-girlfriend ni Erik na dumating late sa venue at nakaka-tatlong kanta na yata si Erik nang ukupahin ni Rufa Mae ang upuan sa front row na halos katabi lang ng upuan ng pamilya ng Star in a Million champion.

Nang mapansin ni Erik ang presence ni Rufa Mae, sabi nito sa kanyang ex-girlfriend, “Naku, Miss., hindi ka yata masyadong handa!”

Erik was referring of course sa magarang ka-suutan ng isa sa aktres ng Bubble Gang ng GMA Network. Talagang kinarir ni Rufa Mae ang kanyang kasuutan sa gabi ng concert ng kanyang ex-boyfriend. But sadly, hindi nga siya napasalamatan ni Erik tulad ng nasulat ng katotong Gerry Ocampo sa column niya sa People’s Tonight recently.

Kami rin ay nagtanong sa katabi naming reporter kung bakit hindi nabanggit ang pangalan ni Rufa Mae sa mga celebrity na pinasalamatan ni Erik.

Napuna na namin ito pagkatapos niyang pasalamatan ang presence nina Piolo Pascual, “Marimar” lady director, Bb. Joyce Bernal, Christian Bautista, Angelika de la Cruz, Sheryn Regis, Irish Fullerton , K Brosas, Daisy Romuladez at Amalia Fuentes at marami pang iba.

Masyado lang sigurong excited si Erik na makita sa audience ang dating kasintahan. Isa pang napansin namin, wala kaming naispatang bigwig ng ABS-CBN.

At any rate, congratulations pa rin kay Erik for his superb performance. Sa kanya talaga ang ti-tulong Prince of Pop. He was indeed in his best element, ‘ika nga, pinaghandaan at piling-piling mga kantang higit na bumagay sa kanya boses.

Hindi rin nagpatalo si Erik sa kanyang mga guest tulad nina Sam Milby, Nyoy Volante and The Company.

Missing in action that night si Danita Paner. Na for some reason, hindi nakarating kahit may pasabi sa Backroom staff na sisipot ito.

Totoo nga kaya ang tsika na nagta-nan ang adopted daughter ni Daisy R.? Iba’t-ibang bersyon ang naririnig namin tungkol sa isyu pero we won’t dwell na on this.

“Ang tagal kong hinintay ito, five years!” sabi ni Erik sa kanyang spiels. Hataw si Erik sa pagkanta, kinarir din nito ang pagsayaw. Sa huli, isang standing ovation ang ibinigay sa kanya ng Araneta Coliseum audience. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Paolo Bediones, ayaw patulan ang issue

Ayaw nang patulan ni Paolo Bediones ang mga sinasabi ng mag-inang Beth at Angelica Jones, pero hindi maiwasang mairita ito kapag may naririnig siya galing sa mag-ina.

Basta ang sabi na lang ni Angelica, sinagot lang daw niya ang tanong sa Showbiz Central at sinabi raw sa lie detector na totoo ang sagot niya, kaya dapat daw na si Paolo ang magpagamot dahil may amnesia raw pala ito.

Hindi naman siguro nagka-amnesia ang mag-ina sa kanilang mga utang, dahil inamin ni Angelica na may mga pagkakautang ang kanyang ina, pero hindi raw nila ito tinatakbuhan.

Sa presscon ng La Vendetta ay sinabi ni Angelica na baka hindi na matuloy ang estafa case na isinampa laban sa kanyang ina, dahil napag-usapan at naayos na raw ito.

"Ako na mismo ang nakikiusap na wala namang niloko ang Mama ko. Kumbaga, marami siyang mga pautang na naloko siya at nagkapatung-patong na. Dahil siya ang kilala, siya tuloy ang napagbuntunan ng lahat," pahayag ni Angelica Jones. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera, iba ang ngiti kay Dingdong

Tuwang-tuwa ang mga taga-Marimar dahil sa patuloy na pagtaas ng rating ng telenobela nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Dinalaw namin ang taping nila sa Clark Airbase kahapon at pinagkaguluhan sila roon ng mga staff at guests ng Hotel Stotsenberg dahil lahat daw sila ay sumusubaybay kay Marimar.

Ang isa sa tuwang-tuwa ay si Marvin Agustin na kapapasok lang bilang Rodolfo San Ginez sa buhay ni Marimar.

Wala raw ka-pressure-pressure sa taping kaya magaan sa kanya ang trabaho sa teleseryeng ito.

"Mas excited sa akin ang mommy ko dahil talagang sinusundan niya ang Marimar, kaya malaki ang pasasalamat ko sa GMA 7 sa pagpasok sa akin dito," pahayag ng aktor.

Iniiwasan ni Marvin ang mga tanong namin tungkol kay Angel Locsin dahil matagal na raw tapos iyun at wala na raw silang komunikasyon ngayon.

Nagpahayag si Marvin na never daw magkakaroon ng ligawan dito sa Marimar dahil natuto na raw siya sa naranasan niya kay Angel sa Asian Treasures, na mahirap daw pala talagang isabay ang ma-in love sa kasama niya sa trabaho.

Maganda raw si Marian at hindi mahirap mahalin, pero mas mabuting magkaibigan daw sila para walang problema sa set.

Hindi naman maisip ni Marian na manliligaw sa kanya si Marvin, dahil parang "one of the boys" daw ang turingan nila sa isa’t isa.

Iba naman ang ngiti ni Marian kapag si Dingdong Dantes ang pinag-uusapan. Pero maganda raw ang friendship nila, kaya walang dapat ipagselos si Karylle.

Iniiwasan ni Marian na pag-usapan si Billy Crawford. Ayaw rin niyang sagutin kung naudlot nga ba ang panliligaw nito sa kanya. Basta, natatawa na lang siya.

Pagdating naman sa isyung sampalan nila ni Bianca King, naayos na raw iyun at okay naman daw sila ni Bianca. Nagte-text nga raw sila sa isa’t isa hanggang ngayon kahit tapos na si Bianca sa Marimar. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pangaral ni Kuya Germs, minasama ng kampo ni Angel

Kahapon ay nakausap ko si German Moreno at may reaksyon siya sa isyung binira niya si Angel Locsin sa kanyang column sa isang tabloid.

Very cool lang si Kuya Germs, kahit may paratang na binira niya ang dating contract star ng GMA 7, dahil ‘sundalo’ umano siya ng Kapuso network.

"Sabi no’ng sumulat, nakalimutan ko na raw yata na dati pa naman akong presidente ng Actors Guild at ako pa ang bumira kay Angel.

"Iyung ginawa ko, hindi pambibira, nangaral lang ako. Pinangaralan ko si Angel, katulad ng ginagawa ko sa iba pang mga artista.

"Kung bira ang tingin nila sa isinulat ko sa column ko, bahala na sila. Pero hindi ako ganoon. Kilala n’yo naman ang Kuya Germs ninyo, hanggang sa pangaral at pagbibigay ng advices lang ang ginagawa ko at hindi ako nambibira," sabi pa ng pamosong TV host/comedian.

Nilinaw rin ni Kuya Germs na hindi niya dina-down si Angel at tinuturuan lang niya itong maging propesyonal.

"Kung binibira ko si Angel, sana pati ‘yung mga personal na bagay sa kanya, eh, sinabi ko. Pero hindi ko naman pinersonal si Angel," dagdag pa ni Kuya Germs.

Kahapon din sa kanyang radio program sa DZBB ay sinagot ni Kuya Germs ang tungkol sa intriga sa kanila ni Angel.

Anyway, sa Nobyembre 25 ay excited na si Kuya Germs sa FAMAS dahil magbibigay na naman siya ng German Moreno Youth Achievement Awards.

Ang dinig ko, sina Maja Salvador at JC de Vera ang napili ni Kuya Germs na bigyan ng award na ‘yon sa taong ito.

Pinaghahandaan na rin ni Kuya Germs ang pangalawang anibersaryo ng kanyang Walk of Fame sa Eastwood City (Libis) at malamang na sa Disyembre 4 ‘yon maganap. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, October 25, 2007

La Vendetta: suspense-drama TV series

Kauna-unahang suspense-drama TV series ang La Vendetta na tinatampukan nina Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado at Jean Garcia na magkatulong na dinidirek nina Gil Tejada at Lore Reyes at magsisimulang mapanood sa Lunes.

Tulad ng Pangarap na Bituin ng ABS-CBN kung saan gumaganap na magkakapatid sina Sarah Geronimo, Rica Peralejo at Maja Salvador, magkakapatid (sa ama) din ang ginagampanang papel nina Sunshine, Jennylyn at Jean sa La Vendetta na may kakaibang twist.

Ngayong may bagong TV project na si Jennylyn, hindi na siguro maaakusahan ang GMA na pinaba­ba­yaan nila ang isa nilang build-up star na siyang naipit sa hidwaang nangyari sa pagitan ng GMA at manager ni Jennylyn na si Becky Aguila na nagka­taong siya ring manager ng controversial star na si Angel Locsin.

Speaking of Jennylyn, nakatakda itong umalis sa darating na December 1 kasama sina Mark Herras at Arnell Ignacio patungong Osaka, Japan para pasayahin ang ating mga kababayaan doon para sa Philippine Community Day 2007sa December 2 na proyekto ng Philippine Consulate General sa Osaka sa pakikipagtulungan ng GMA-7 at Access TV (Japan). [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Eula Valdez, Kapuso na!

CONFIRMED: Kapuso na ang dating Kapamilya star na si Eula Valdez. Lalabas siya bilang mother ni Richard Gutierrez sa malapit nang mapanood na soap na Kamandag.

Nagkaroon na ng final talk si Eula at ang isang executive ng GMA-7 nu’ng isang araw. Ibig sabihin, pumirma na ito ng kontrata sa Kapuso channel.

Hindi lang sa Kamandag mapapanood si Eula dahil may gagawin din siyang proyekto sa GMA Films.

Bale sumunod lang si Eula sa mga yapak ni Jean Garcia, dating archrival niya sa Channel 2 at nakasama sa Pangako sa ’Yo.

Super busy si Jean sa GMA-7 at hindi nawawalan ng trabaho.

Ang pinakabago niyang programa ay ang La Vendetta, na tinatampukan din nina Sunshine Dizon at Jennylyn Mercado.

“Experimental soap” kung i-describe ng writers ang La Vendetta, dahil isang season lang ito tatakbo at may temang suspense-thriller-drama.

First time itong mapapanood sa local TV. [http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-10-25&sec=3&aid=36379]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto: Di ako nag-walk-out sa concert ni Erik

Hindi nag-walkout si Rufa Mae Quinto sa concert ni Erik Santos noong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Hindi nga lang daw tinapos ni Rufa Mae ang concert at pumunta na siya sa agad sa dressing room ni Erik sa backstage para doon hintayin ang ex-boyfriend.

Hindi raw siya na-offend kahit na hindi na-acknowledged ni Erik ang kanyang presence. Hindi rin daw siya naimbudo kay Ai-Ai delas Alas kahit na inokray-okray siya nito sa spiels ng comedy concert queen.

Masaya pa raw nag-usap ang tatlo sa dressing matapos ang concert. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Diana Zubiri babaing retokada

PANG-DRAMA na rin ang beauty ni Diana Zubiri na kasama rin sa Zaido.

Lalabas siya sa Magpakailanman ngayong Huwebes ng gabi para sa episode tungkol sa isang babaing lumaban sa Miss Ugly No More.

Madrama ang role ni Diana rito bilang si Lou Victorioso. Ang babaing gumanda dahil sa libreng cosmetic surgery mula nang manalo siya sa contest.

Nabago man ang buong kaanyuan niya, pero ang ugali at pag-iisip ay pareho pa rin.

Makulay ang buhay ni Lou at bagay na bagay si Diana para sa role. Kasama rin ni Diana sa MKM sina Marcus Madrigal, Antonio Aquitania at Paolo Paraiso.

May iba pang rebelasyong malalaman ang televiewers sa personal interview kay Lou ng host na si Mel Tiangco. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera: Di ko ipagpapalit si Sergio kay Billy

MUNTIK na palang hindi makadalo ang Marimar star na si Marian Rivera sa three-day Kapuso Masskara celebration sa Bacolod City nu’ng nakaraang linggo.

Sa rami kasi ng nag-book para sa taunang piyesta, nahirapang makakuha ng flight pauwi ng Linggo ang handlers ng dalaga, ayon sa manager niyang si Popoy Caritativo.

Kinailangang bumalik agad ni Marian at ng kaparehang si Dingdong Dantes dahil may location taping pa ng Marimar kinabukasan, Lunes, sa Pampanga.

Kahit ngarag sa madaliang biyahe, masuyo pa rin itong nakiharap sa mga tagahanga, pati na sa Manila at local-based writers sa mall show na idinaos sa SM City Bacolod Entertainment Center ilang oras matapos lumapag sa tinaguriang City of Smiles.

Hindi lang iisang writer ang nagsabing super payat ngayon ang dalaga. Sinadya raw niya ang pagdidiyeta bilang paghahanda sa transformation ni Marimar bilang Bella Aldama sa top-rating na serye ng Siyete at sa papel na mala-Tessa Prieto-Valdez sa Desperadas, ang Metro Manila filmfest entry ng Regal Entertainment.

Bukod sa regular na pagwu-workout sa gym, hindi rin siya naghahapunan. Ang resulta: Ang 23-inch waistline, na kapansin-pansin tuwing gumigiling mala-Thalia.

Pinaaabangan nito sa mga manonood ang pagsusuot niya ng two-piece bilang Bella Aldama.

Sinagot din nito ang isyu tungkol sa diumano’y paghahabol niya sa international singer na si Billy Crawford. Ani Marian, hindi totoo ang tsika.

Katunayan, ni hindi nga raw siya nanood ng concert nitong It’s Time sa Araneta Coliseum kamakailan lamang.

Ayon sa balita, totoong nanligaw si Billy kay Marian, pero pinatigil ito ng huli sa ’di malamang kadahilanan.

Ang sabi pa, ang Desperadas co-star niyang si Rufa Mae Quinto, na minsan na ring na-link kay Billy, ang source ng hindi magagandang tsismis tungkol kay Marian.

Kahit anong pilit, ayaw patulan ng dalaga ang tsismis. Ipagdarasal na lang daw niya ang mga naninira sa kanya.

Kung sina Dingdong at Dennis Trillo, fellow ward kay Popoy, ang tatanungin, wala silang makitang pagbabago o paglaki ng ulo sa bagong reyna ng GMA-7 primetime block.

Depensa ni Dingdong, hindi totoong nakikialam si Marian sa script ng Marimar o maging sa pagdidirek ni Bb. Joyce Bernal.

May running policy daw sila sa set na lahat sila’y puwedeng gawin ang sa tingin nila’y makagaganda sa isang eksena. Pati raw dialogue, puwede nilang i-improvise ng naaayon sa kanilang panlasa.

Nang hingin naman ang reaksyon ng BF ni Karylle tungkol sa Marian-Billy isyu, nagbiro itong kailangan muna siguro niyang mag-aral sumayaw para matapatan man lang ang kagalingan nito sa stage.

Pero, biglang bumuwelta si Marian at sinabing, “Hindi ko naman ipagpapalit si Sergio (Dingdong) kay Billy.”

As for Dennis, sinabi nitong masaya siya para sa matalik na kaibigan, lalo pa’t pumapalo ang Marimar sa 40 percent rating.

Hindi man daw sila madalas magkita ngayon dahil sobrang busy si Marian, sigurado siyang wala sa tipo nito ang magbabago dahil sa tinatamasang kasikatan.

“Hindi niya (Marian) ilalagay ang kasikatan niya sa ulo,” dagdag pa ng isa sa tatlong bida ng metal hero series na Zaido.

Naniniwala rin siyang ganu’n na nga kasikat si Marian para kainggitan ng marami.

“Sa tingin ko, oo, may mga naiinggit, kasi may mga intrigang ganyan, eh,” dugtong pa ni Dennis.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo son, very handsome

DENNIS Trillo is now more open about his son, Calix Andreas.

He even shows the boy’s photo in his cellphone (sent to him by the boy’s mom, Carlene Aguilar) to those who are interested. He says Calix Andreas was taken from babynames.com in the Internet and means “very handsome”.

He regularly gets in touch with Carlene now and he can see the baby via webcam. He’s hoping Carlene and the baby will come home before Christmas so he can finally see his son in person. As to his relationship with Carlene, they remain good friends and taking things one step at a time.

As of now, much as he’d like to visit them in the U.S., he cannot do so as he’s taping everyday for either “Zaido, Pulis Pangkalawakan” or “Kung Mahawi Man ang Ulap”, both topraters. He’s glad that when he went to the GMA promo in Bacolod, people who saw him were shouting “Zaido! Zaido!” “That means they enjoy watching the show,” he grins.

This week, he, Marky Cielo and Aljur Abrenica finally meet Shaider and they get to their don their skintight costumes.

They’re also given their own specially designed vehicle for transportation, called the Falcon. Each episode of “Zaido” now is full of slambang action scenes after the villain, Kuuma, attacked the town of Tala along with a monster, the Nigi-Nigi.

The townspeople scamper for safety but the Zaido space cops come along in their Falcons to save them and a fierce battle ensues. Meantime, the fearless reporter Mona (Lovi Poe) encounters Drigo (Jay Manalo) and her life is put in grave danger. “Zaido” airs weeknights after “24 Oras”. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, October 24, 2007

Iza Calzado show to replace Magpakailanman?

Sariling show daw ni Iza Calzado and entitled Sindak ang ipapalit sa Magpakailanman na sabi’y four episodes na lang at mawawala na. Pero, sa presscon/launching ng Isang Kinabukasan album and music video, sabi ni Ms. Mel Tiangco, tuloy ang drama anthology niya and in fact, may scheduled taping na uli siya sa November 4.

Nalungkot si Ms. Mel sa narinig tungkol sa drama anthology at sana raw, hindi totoo. “It’s not nice, erase-erase ninyo,” sabi nito sa mga reporter.

Mukha ngang malabo kung si Iza ang host sa show na ipapalit sa MKM dahil gagawin nito ang Joaquin Burdado at isa siya sa leading ladies ni Robin Padilla. Hindi naman yata maganda kung dalawa ang regular shows niya sa primetime block ng GMA-7. Hindi naman siya si Richard Quan na parehong nasa Zaido at Marimar at magkasunod pa.

Para sa GMA Kapuso Foundation ang proceeds ng CD at music video, kung saan, hindi naningil ang singers na kasama sa 12-track album, composers na sumulat ng songs at GMA-7 talents and more singers na lumabas sa music video, staff at pati si direk Louie Ignacio. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, pinatawad na si Erik

TINAWAGAN kami ni Erik Santos dahil “guilty na guilty” siya sa “pagkalimot” niya sa pag-acknowledge ng presence ni Rufa Mae Quinto nu’ng concert niya sa Araneta Coliseum.

“Alam mo naman, Kuya, panay ang tingin ko sa puwesto niya, ’di ba? Lahat halos, nabati ko na, pati ikaw at si Jobert Sucaldito, nabati ko na rin.

“Tapos, of all people, siya pa ang nakalimutan ko. Kaya nga nu’ng kausap ko siya, iyak siya nang iyak, eh. Humingi na ’ko ng sorry sa kanya at pinatawad naman niya ’ko.

“Sabi ko sa kanya, I’ll make it up to her, sobrang hiyang-hiya ako sa kanya. Alam ng Diyos, hindi ko sinasadya ’yon.

“Nawala na rin ako sa sarili ko, dahil sobrang ang dami ng taong nanood, despite the fact na may mga bomb threat pa, ’di ba?

“Pakisabi sa mga nanood at sumuporta, maraming-maraming salamat sa kanila. At kay P-Chi, I’m very, very sorry!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Entertainment center ng mall, halos gibain nina Marian at Dingdong

MASAYA. Mainit. Makulay. Ganyan maituturing ang isinagawang three-day GMA Kapuso Masskara celebration sa Bacolod City nu’ng nakaraang linggo.

Literal na sumusuka sa rami ng tao ang SM City Bacolod sa magkakasunod na araw — Biyernes, Sabado at Linggo — na pagtatanghal ng mga pambatong Kapuso star na sina Dennis Trillo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Pauleen Luna at Paolo Ballesteros.

Biyernes idinaos ang tinatawag na Kapuso Night sa Masskara Village ng mall, na dinaluhan ng Zaido stars na sina Dennis, Pauleen at Paolo.

Umuulan nu’ng gabing ’yon, pero mistula ring super heroes ang Bacolodnons, na hindi inalintana ang pagkabasa mapanood lang ang mga bumibisitang artista.

Kinailangan pa ngang isara ang isang entrance ng mall dahil sa kapal ng taong gustong manood ng naturang palabas.

Nag-perform din ang bandang Parokya ni Edgar.

Kinabukasan, sa SM City Entertainment Center, in full costume na humarap ang tatlo sa nagtitiliang mga tagahanga.

Siyempre pa, si Dennis ang umani ng pinakamalakas na hiyawan sa tatlo. Pagbanggit pa lang ng local hosts sa pangalan ng binatang ama’y nagkagulo na ang fans, at lalo pang lumakas ang tilian nang hubarin nito ang suot-suot na head gear sa primetime metal hero series ng GMA-7.

Fly in, fly out naman ang naging drama ng Marimar loveteam na sina Marian at Dingdong.

Linggo ng umaga sila magkasabay na dumating sa Bacolod at nagpahinga lang sandali sa Sugarland Hotel saka tumuloy sa SM City Entertainment Center bandang alas-tres ng hapon.

Dahil sa parehong hotel din naka-billet ang Manila-based press, nalaman naming magkatapat ang kuwarto ng dalawa kasama ang respective road managers.

Gaya ng nauna nilang provincial trips, sweet na sweet ang magkapareha at halatang kumportableng-kumportable sa isa’t isa.

Kung nakabibingi ang tilian sa trio nina Dennis, Pauleen at Paolo, namanhid naman ang tenga namin sa ’di hamak na mas malakas na hiyawan sa Marimar pair.

Pandemonium ang nangyari paglabas na paglabas pa lang sa stage ng first-timer sa Bacolod na si Marian. Pareho silang nagbigay ng song number ni Dingdong, at nagbigay pa ng sample ng Marimar dance ang bagong reyna ng primetime soap ng Siyete.

Sa puntong ’yon, halos wala nang naiwang nakaupo sa crowd dahil lahat ay nagsitayo na sa kani-kanilang mga upuan. Kulang na lang magiba ang entertainment center sa sobrang init ng pagtanggap ng Bacolodnons sa dalawa.

Kung ito ang pagbabasehan, masasabing made na made na nga si Marian at malayo na ang narating ng popularidad. Magkagayunman, napakasimple pa rin nito’t sana nga’y hindi lumaki ang ulo.

Kahit pagod at ’di nakaayos, magiliw ang alaga ng talent manager na si Popoy Caritativo sa fans na gustong magpa-picture at magpa-autograph.

Pati nga ang very efficient service driver naming si Kuya Jed at si Manang, ang may-edad nang babaing nagbabantay sa maliit na souvenir shop sa lobby ng Sugarland Hotel, hindi naitago ang excitement at kilig nang makita ang paborito nilang artista in person.

Sa na-witness namin, malinaw na talagang sinusubaybayan ng Bacolodnons ang numero unong teleserye ng Kapuso channel. Otherwise, wa sana sila care kina Marian at Dingdong o kina Dennis, Pauleen at Paolo, ’di ba?

Marahil, malaki rin ang naitulong ng pag-improve ng reception ng GMA-7 sa parteng iyon ng Pilipinas para matutukan ng mga taga-roon ang mga paborito nilang Kapuso programs.

Sigaw nga ng mga ito sa kinasabikang bida ng Marimar, “Basta Bacolodnon, Kapuso!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Lolit Solis, napanaginipan sina Piolo at Sam

Feeling ni Manay Lolit Solis, parang pinarusahan siya sa isyung bulungan nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Hindi na siya gaanong lumalabas ngayon, dahil umiiwas siya sa mga interview kaugnay sa lumalaking isyung ito.

Sa Startalk na lang gusto niyang magsalita, dahil mukhang ang dami nang nakisakay sa isyung ito.

May mga nagte-text at nag-e-email na nagsabing nakita raw nila sa Sofitel ang dalawang kontrobersyal na aktor nu’ng araw na iyun. Bakit pa raw sila tumatanggi?

Meron ding nagsabing si Piolo lang ang nakita nila, pero hindi si Sam.

Ang dami nang nakisakay, na sa totoo lang, wala namang balak na baguhin pa ni Manay Lolit ang kanyang kuwento.

Naiirita na raw siya dahil hindi na siya tinitigilan ng mga tanong tungkol sa dalawa at naguguluhan na siya. Nakakaabala lang daw ito sa kanyang pagyaman, dahil hindi raw siya kikita rito.

Pati sa panaginip ni Manay Lolit ay kasali na sina Piolo at Sam.

Ano ang eksena ng dalawa sa panaginip ni Manay Lolit? "Naku, naloka ako! Sumasayaw sila ng can-can sa panaginip ko! Ano kaya ang ibig sabihin ng can-can na sayaw?"

Sa Sabado ay may sasabihin pa si Manay Lolit tungkol sa isyung ito at sa demandang balak isampa nina Piolo at Sam.

Mukhang may sasabihin din si Tito Alfie Lorenzo tungkol sa isyung ito.

Ang dinig ko, may mga nangyari sa Amerika kaugnay sa mga na-cancel na show nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na kailangang ipaliwanag ni Tito Alfie.

Abangan na lang ito sa Startalk sa Sabado. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Alessandra de Rossi, nainggit sa co-star?

Tila nainggit si Alessandra de Rossi sa co-star niya sa Hide and Seek na si Eric Quizon nang marinig niyang ideya nito ang paglalathala ng autobiography ng amang si Dolphy na plano nitong gawin sa 2008.

Sey ni Alessandra, siya rin ay nagbabalak maglabas ng sarili niyang libro. Aniya, kung merong Da Vinci Code, ang book niya ay tatawagin niyang De Rossi Code.

Meron daw siyang journal sa bahay na sinusulatan niya ng kung anu-ano tungkol sa kanyang buhay at sa mga buhay-buhay sa mundo ng showbiz.

Isang araw ay ipa-publish niya raw ito. Bongga raw ang De Rossi Code, dahil lahat ng alam niyang blind items sa showbiz ay papangalanan niya sa nasabing libro.

Ani Alessandra, malamang gawin niya ‘yon kapag nag-retire na siya sa showbiz, dahil baka maraming mag-react at marami siyang makaaway paglabas nito.

Mukhang nagbibiro ang dalaga, pero seryoso raw siya na gusto niyang mag-publish ng book balang araw.

Ang hindi seryoso ay ang plano niyang magtayo ng sarili siyang foundation. Nang marinig niyang nagpaplano rin si Eric na mag-put up next year ng foundation para kay Mang Dolphy, humirit ang Alessandra na type niya ring magkaroon ng foundation.

Sey ng hitad, tatawagin niya itong ‘Rebel for a Cause’ Foundation. Sa tanong kung anong cause ang susuportahan ng foundation niya, ang sagot ni Alex, "Chos (as in etchos o etching) for a cause! Ha! Ha! Ha!"

Multo ang role ni Alex sa horror flick na Hide and Seek na ipalalabas sa Oktubre 31. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, October 23, 2007

Rufa Mae Quinto nag-walk-out sa concert ni Erik

TAPOS at kumita na ang concert ni Erik Santos sa Araneta Coliseum, pero marami ang hindi nakaaalam na nag-walk-out pala si Rufa Mae Quinto.

Isa-isa kasing pinasalamatan ni Erik ang mga kaibigan, sponsor, pamunuan ng ABS-CBN at staff ng production, pero nakaligtaang i-acknowledge man lang ang ex-GF na nanood pa naman ng show.

Bigla tuloy tumayo palabas ng Araneta si Rufa Mae dahil feeling niya’y nabastos siya ng dating boyfriend.

Nang makarating naman kay Erik ang tsikang nag-walk-out si Rufa Mae, agad nitong tinanong ang kausap kung hindi nga ba niya na-acknowledge ang presence ni Rufa Mae.

Komento tuloy ng kaibigan naming reporter: “’Yan ba ang nagsasabing mahal at hindi pa rin niya nakalilimutan si Rufa Mae?

“Maliwanag na gusto lang gumimik ni Erik para pag-usapan ang solo concert. Ginamit lang niya si Rufa Mae.”

Samantala, ayaw muna raw magpa-interview ng sexy comedienne tungkol sa isyu at baka magalit sa kanya ang Channel 7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

No wedding plans yet for Kyla and Rich

TO show her support against music piracy, singer Kyla (who did the nation proud when she properly sung the national anthem at the Pacquiao-Barrera fight in Las Vegas ) will not sign any album of hers that is fake or pirated.

“Pasensiyahan na lang and I will request them to please buy the original,” she says at the launch of her new album entitled, Heartfelt.

It is an album full of revivals as Kyla does her own version of Always and Forever (Luther Vandross) Over the Rainbow (by Patti Labelle and one of Kyla’s favorites), the wedding song, For You (Kenny Lattimore) With This Tear (Celine Dion) and Michael Jackson’s One Day In Your Life.

“We asked people who frequent karaoke bars for the songs they wanted to be included until we came up with a list. There were so many to choose from. I also included an R&B favorite, Wait For You sung originally by American Idol finalist, Elliot Yamin,” she adds.

The cut, For You, is dedicated to her boyfriend, basketball star Rich Alvarez. “Actually, lahat ng kanta ay iniaalay ko sa kanya,” she admits.

When are they going to exchange wedding vows?

“Wala pang plano but we both hope doon mauuwi ang lahat. Rich, as well as my parents, are my source of true inspirations.”

The album also features a 10-page colored pictorial of Kyla photographed by Mark Nicdao, one of today’s most sought-after lensman. It shows Kyla in different moods: classy, elegant and sexy. The ”new look” of Kyla truly becomes her.

Incidentally, there is a bonus track of the classic song, Somewhere Over the Rainbow (alternative version) in the album. Kyla loves the song so much and has been singing it since she was 14. “The song makes me relive my childhood,” she confessed. “I also love the song because of the beautiful message it conveys.”

It can be remembered that through Over the Rainbow Kyla showed her vocal range in a showdown at Regine Velasquez’s Reigning Still concert at the Big Dome. It was even cited in Wikipedia that her superb performance made her end up winning the audience’s approval as “the heir apparent to Regine”.

On her recent trip to Las Vegas for the boxing event and singing Lupang Hinirang, she confessed: “Nanginginig akong talaga dahil sa sobrang lamig. This is the first time I sung the national anthem as a professional. The last time I sung it was during my high school years where I lead my classmates for the morning ceremonies.

“I feel very fortunate to be chosen to sing it before a huge crowd and watched by millions of televiewers. It is one shining moment in my singing career that I will cherish forever.”

Kyla’s limited stay in Las Vegas did not give her the chance to go shopping. “Sayang, there was a sale going on and the prices were cheap. I was completely mesmerized by the beauty of the hotels in Las Vegas. “We toured around and they (the hotels) were simply fabulous.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Zaido Pulis Pangkawalakan updates

ALL action na ang Zaido Pulis Pangkawalakan.

Yesterday, ipinakita na ang mga official Zaido costumes nina Dennis Trillo as Gallian, Marky Cielo as Alexis and Aljur Abrenica as Cervano.

First time nilang na meet si Shaider mismo at nagsimula na ang kanilang training so lumabas na rin ang mga costumes nilang nagpatilam sa mga bading during the presscon of the show at bukol sighting na ito.

Mamaya, lalabas na rin ang kanilang specially designed transportation, ang kanilang Falcon dahil aatake na ang mga Kuumua sa bayan ng Tala. Si Nigi-Nigi, isa nang dambuhala.

Manganganib ang mga tao sa bayan pero darating na ang mga Zaido squad sakay ng kanilang Falcons at magkakaroon ng matinding labanan.

Si Mona played by Lovi Poe, manganganib pa sa kamay ni Drigo played by Jay Manalo.

Zaido Pulis Pangkawalakan airs right after 24 Oras sa GMA. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

‘Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam’

Masyado nang nagugulo ang buhay ko sa Sam Milby at Piolo Pascual issue.

Tungkol sa kanila ang itinatanong sa akin ng mga tao na nakakasalamuha ko. Napapagod na ako sa kasasagot at sa pauli-ulit na pagkukuwento sa eksena na na-witness ko sa Sofitel noong October 12, 2007.

Bayolente naman ang reaksyon ng ilang fans nina Sam at Piolo. Galit na galit sila sa akin. Hindi raw dapat paniwalaan ang mga sinasabi ko dahil wala akong kredibilidad. Dahil ako ang utak noon ng filmfest scam!

Wala raw akong kredibilidad pero panay ang pagbabasa nila sa mga isinusulat ko at react sila nang react. Kailan ba ako nag-deny na wala akong kinalaman sa filmfest scam? Sino ngayon ang may problema? Sino ang naimbyerna? Ako ba?

Bakit hindi pa nila aminin na nag-e-enjoy sila sa pagbabasa ng column ko?

Bakit hindi pa nila aminin na interesado rin sila na malaman ang katoto­hanan.

May isinulat ba ako sa column ko na gay sina Sam at Piolo? Wala! Sinabi ko lang na nagkaroon ako ng malisya nang bigla silang umalis nang malaman nila na naroroon din ako sa poolside coffee shop ng Sofitel.

Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam laban sa akin. Hindi na niya kailangang itanong kung ano ang mapapala ko sa pagkukuwento na nakita ko sila ni Piolo na magkasama dahil wala talaga akong magiging pakinabang. Hindi ako umaasa na bibigyan nila ako ng datung ‘noh!

Welcome na welcome sa akin ang pagdedemanda na gagawin ng isang American citizen.

O ayan ha, baka sabihin na naman ng fans ni Sam na nagbibigay uli ako ng malisya dahil sinasabi ko na American citizen siya. Na inililihis ko ang isyu.

It’s a fact na American citizen si Sam ‘noh! Baka hindi nga niya memorized ang lyrics ng Lupang Hinirang kapag ipinakanta ito sa kanya!

* * *

Nang isulat ko na nakita ko sa Sofitel sina Sam at Piolo, naglabas kaagad ng denial ang kanilang kampo. Isa-isang nagsalita ang kanilang mga witness.

Hindi ako naghanap ng witness dahil capable ako na panindigan ang aking kuwento.

Naloka pa nga ako nang mabasa ko ang message na ipinadala sa PSN ng reader na si Angelfez.

Hindi ko kilala si Angelfez at ang alam ko, walang ibang tao sa poolside coffee shop nang araw na ‘yon kaya nagulat pa ako nang malaman ko na may ibang nakakita.

Sinadya ko na i-edit ang kuwento ni Angelfez dahil idinamay pa niya sa kanyang message ang kapatid ni Piolo na hindi dapat masangkot dahil hindi naman siya parte ng showbiz:

“I don’t understand why Piolo and Sam’s camp were over- reacting with Lolit’s article. My cousin and her American husband were there when it happened. Of course she knew Piolo and Sam because we have TFC here in NY.

“ And why deny the incident when a lot of people including my cousin saw them? Hmmmm...”

* * *

Tumawag din sa akin ang mga empleyado ng Prinsesa Papaya na nagkaroon ng event sa Sofitel Tent noong October 12, 2007.

Sinabi nila na naroron daw si Piolo ng araw na ‘yon. Ikinuwento pa nga nila sa akin na Hummer ang sasakyan ni Piolo. Paano nalaman ng mga tumawag sa akin ang klase ng sasakyan na ginamit ni Piolo kung hindi nila nakita?

o0o

Nagde-demand ng public apology si Sam at ipinababawi niya sa akin ang kuwento ko or else, kakasuhan raw niya ako.

Mas gugustuhin ko na idemanda ako ni Sam kesa bawiin ko ang mga statement ko.

Puwede akong mag-sorry kung talagang na-hurt siya sa aking mga sinabi pero never kong babaguhin ang kuwento ko!

At kapag itinuloy ni Sam ang pagdedemanda, ipinakita lang niya na hindi siya patas lumaban.

Bakit? Hindi niya idinemanda ang mga tao na nagsabi noon na gay siya. Ako, never akong nagsulat na gay si Sam o si Piolo.

Amateur na amateur nga ang statement ko kumpara sa mga sagot noon ng mga naging guest sa radio program ni DJ Mo na itinanong nito kung sino sa palagay nila ang mga artista na sasabihan nila ng “Dude I Think you’re gay!” Kaninong pangalan ba ang kanilang isinagot pero hindi naman nagbanta na magdedemanda? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Janno Gibbs updates

First time ni Janno Gibbs na mag-host ng isang game show at solo niya pa. Kapalit ng katatapos lang na Celebrity Duets ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? na magsisimula na sa Oktubre 27.

Ito ang Pinoy version ng hit US game show na Are You Smarter Than a Fifth Grader? mula sa Mark Burnett Productions na producer din ng Survivor at Amazing Race.

"Ang kagandahan sa show na ‘to, hindi na ako pwedeng i-link sa kahit na sinong kasama ko dahil mga bata ang kasama ko sa show!

"Parang ang pangit kung mali-link ako sa isa sa kanila! Ha! Ha! Ha! Tingnan natin kung may mga ate silang magaganda!" natatawang sey ni Janno sa press launch ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? nu’ng Sabado sa Broadway studio.

Sampung matatalinong Grade V pupils (edad 10 to 11) mula sa UPIS, San Agustin, Claret School, atbp. ang kasama ni Janno sa nasabing game show.

Ang mga bagets ang magiging ‘classmates’ ng studio contestant. Hindi sila kalaban kundi kakampi ng contestant sa pagsagot sa grade school questions.

Ayon kay Janno, medyo tahimik siya ngayon dahil walang naiintriga sa kanya. Ang pinakahuling na-link sa kanya ay si Ehra Magdrigal pa na nakasama niya sa Lupin at wala raw namagitan sa kanila.

Natutuwa siya na ang natsismis sa kanya noon na sina Lian Paz (ng EB Babes) at Cristine Reyes ay sa ibang guys na nauugnay. Si Lian ay kay Mark Herras at si Cristine ay kay Dennis Trillo.

"Happy ako for them. Nalayo na sila sa lolo nila! Ha! Ha! Ha! Ang masasabi ko lang diyan, who’s your daddy? Idol nila ako, eh!" natatawang bulalas ni Janno.

"Ginamit ko nga ‘yon sa ‘Sobrang OJ’ (portion nila ni Ogie Alcasid sa SOP), eh! Sabi ko, si Fantasticman at si Zaido, gumaya kay Inspector Clavio (karakter niya sa Lupin)!"

So, inaamin niyang ‘dumaan’ talaga sa kanya sina Lian at Cristine bago napunta sa iba?

"Hindi, hindi! Na-link lang!" napapangiting palusot ni Janno. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

SAM, NIYAKAP NI PIOLO

Aabot na ba sa demandahan itong kuwento ni Manay Lolit Solis kina Piolo Pascual at Sam Milby?

Kung ilalathala ko lang ang mga natatanggap kong text messages na reaksyon sa isyung ito, baka mademanda rin ako sa mga komento ng ating readers.

Kaagad na nakunan ng reaksyon si Manay Lolit tungkol sa mga pahayag ni Sam sa The Buzz at ang ending, tawa na lang ako nang tawa.

Syempre, haharapin ni Manay Lolit ang ano mang isasampa nilang demanda pero ang sabi lang ng Startalk host, natatakot lang daw siya na baka sa Amerika pa mag-file si Sam.

"Di ba, American citizen si Sam? Baka mamaya, gagastos pa ako sa pamasahe kung lilipad pa ako ng Amerika para um-attend ng hearing," pahayag ni Manay Lolit.

Iyun lang ang ikinatatakot ni Manay Lolit dahil pumupunta lang siya ng Amerika kung gusto niyang dalawin ang mga anak niya at ang nag-iisa niyang apo, hindi para dumalo sa hearing.

"Feeling ko tuloy, inaapi na ako ng mga Kano gaya niya (Sam). Kabisado ba niyang kantahin ang Lupang Hinirang bago niya idemanda ang isang Pilipinong gaya ko rito sa mismong bansa ko?" patuloy ni Manay Lolit.

***

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang lalaki pa ang isyung ito lalo na kung aabot sa demandahan.

Ang ipinagtaka ko lang (at itatanong ko uli ito), bakit ganoon na lang ang reaksyon nila sa kuwentong ito ni Manay Lolit?

Bakit itong mga tagapagtanggol nina Piolo at Sam ang sobrang mag-react sa kuwento ni Manay Lolit?

Ano ang malisya sa kuwentong iyun?

Kahit ang nakabandera ay naglalampungan, bakit kailangan mag-react nang husto dahil hindi nakapaloob sa column ni Manay Lolit ang kuwentong lampungan kundi nagbubulungan lang?

Binigyang diin din nila ang nakasaad sa column na "lalo akong nagkamalisya" na binigyan din nila ng mas malalim na kahulugan.

Ano ang ibig sabihin ng malisyang iyun?

May binanggit ba si Manay Lolit ng ibang term sa dalawa? Meron ba siyang ibinintang sa kung anong meron sa dalawa?

Nagsimula lang ito sa nakita niyang nagbubulungan sila sa isang coffee shop at nataranta sila nang makita ito.

Sino ang nagpalaki nito at nagbigay ng mas mabigat na malisya?

Hindi ba mismong itong tagapagtanggol ng dalawang aktor?

Sino ba ang unang nagsalitang, "Sam is not gay"? May sinabi ba si Manay Lolit na "gay" si Sam o si Piolo man lang?

Ito ba iyung kasabihang, "Ang isda ay nahuhuli mismo sa kanyang bibig?"

***

Ngayon, heto ang isa pang kuwentong nakarating sa akin, na narinig ko sa ibang fashion designers at fashion directors.

Bahala na kayo kung gusto ninyo itong bigyan ng ibang kahulugan o malisya. Basta sa akin, WALA, depende sa reaksyon ng mga nakabasa.

Kuwento ng isang fashion director, naikuwento sa kanya ng isang kilalang fashion designer na minsan ay gumagawa ng mga damit na sinusuot nina Piolo at Sam sa kanilang show.

Nagkasabay raw sa shop ni fashion designer itong dalawang aktor dahil nagpa-fitting yata ang isa sa kanila.

Kasama raw ni Piolo ang kanyang handler at tsikahan daw sila nang tsikahan sa shop na iyun kasama itong fashion designer,

Maya-maya, biglang niyakap daw ni Piolo si Sam na parang nanggigil.

Biglang sinaway raw ng handler si Piolo na sinagot daw ito ng huli na wala naman daw iyun, "Atin naman iyang si … (pangalan ng designer)."

O, ngayon?! Ano ang gustong ipakahulugan ng kampo nina Piolo at Sam sa kuwentong iyan?" [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, October 22, 2007

Dennis at Carlene, ‘nagtatagpo’ sa webcam

KUNG d’yan sa Maynila ay tipid na tipid “mag-share” si Dennis Trillo ng mga bagay-bagay tungkol sa panganay niyang si Calix Andreas, dito sa Bacolod, medyo naging “galante” ang actor sa walang katapusang pang-uurirat ng Manila-based press.

Kasama ni Dennis na dumayo sa three-day Kapuso Masskara Festival ang fellow Zaido stars na sina Pauleen Luna at Paolo Ballesteros.

Nu’ng Biyernes ng gabi, sa kasagsagan ng Kapuso Night sa SM City Bacolod carpark area, inamin ng alaga ni Popoy Caritativo na excited na siyang makita’t mahawakan si Calix Andreas.

Opo, may letter “s” daw ang second name ng mag-iisang buwan niyang baby sa beauty queen na si Carlene Aguilar, ’di gaya ng mga naunang nasulat.

Ang ibig daw sabihin ng “Calix Andreas” sa isang Internet website (babynames.com) ay “very handsome.”

Agree si Dennis na guwapung-guwapo ang anak at tuwing tinitingnan ang ipinadadalang litrato ni Carlene via e-mail or MMS, nakikita niya ang sarili rito nu’ng baby pa siya.

Sa tingin ni Dennis, sa kanya nakuha ni Calix Andreas ang hugis ng mukha, mga mata at ilong nito.

Pero nang tanungin namin kung pinaglihian ba siya ni Carlene nu’ng ito’y naririto pa, ang tugon ng actor, hindi siya sure.

Sa pagkakaalam daw niya, malapit nang umuwi ang mag-ina mula sa Amerika, kung saan isinilang ang bagets.

Hindi naman daw sila nawawalan ng communication ni Carlene, dahil nakakapag-usap sila at napagmamasdan niya ang paglaki ng anak via the webcam.

Hindi man sigurado, posible raw umuwi ang mag-ina bago mag-Pasko.

Although excited, hindi alam ni Dennis kung ano ang unang gagawin sa sandaling makita’t mahagkan si Calix.

As for Carlene, the actor said they are taking everything one step at a time. Mag-uusap daw sila tungkol sa ilang mga bagay-bagay pagdating nito sa bansa.

Naging maingat nga lang si Dennis nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng dalagang ina.

“Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ’yan,” aniya pa.

Pero, love pa rin ba niya si Carlene? pangungulit ng press.

Sagot ni Dennis, “Ayaw ko nang sagutin ’yan at baka humaba lang, mayari pa ako. Hahaha!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marimar, consistent ang ratings!

CONSISTENT 40’s ang ra-ting ng Marimar last week.

Sa mga kumukutya noon kay Marian Rivera na hindi makaaabot ng 40’s ang kanyang first solo soap, tiklop tiyak lahat last week nang umabot as high as 44.6 percent ang ratings ng Marimar na part ng GMA Tele Babad after Zaido Pulis Pangkalawakan.

Closely followed by Zaido in terms of ratings, ang Marimar lang ang ta-nging soap na nagpu-forty ngayon sa ratings. Lalo pa this week na babalik na sa soap sa Villa Santibañez si Bella Aldama.

Tatalon ng taon ang kuwento dahil ending na ng kuwento ni Kim Chan played by Cristine Reyes at simula naman ng kuwento with Rodolfo played by Marvin Agustin.

Week eleven na ang ipinapalabas ngayon.

Guaranteed 26 weeks ang itatagal ng Marimar, so matagal pang ‘maparu-rusahan’ ang mga kalaban nito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mart Escudero at Jennica Garcia, umamin na?

ABA , talagang sinabi nina Mart Escudero at Jannica Garcia na nagkakaintindihan na silang dalawa. Nagbunga na rin ang apat na buwan daw na panunuyo ni Mart sa dalagang anak ni Jean Garcia kay Jigo Garcia.

Sabi ni Mart sa press na nagi-interview sa kanya sa presscon ng Hide and Seek: “Siguro, may one month na kaming nagkakaintindihan. Ibig sabihin may mutual understanding na kami.“

Kaya naman nang makarating ito kay Jean ay nag-comment siyang: “Humanda sila. Mag-uusap kaming tatlo nang masinsinan.”

Nasabi ni Jean na hindi naman siya galit sa pagkakaroon ng unawaan ng dalawa. Gusto lang niyang maging malinaw ang lahat.

Anyway, isang horror movie ang Hide and Seek kung saan, sa takbo ng istorya, lumipat ang pamilya ang mag-asawang Jean at Eric Quizon sa bahay na sinaniban ng mga multo.
[source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Kakasa Ka Ba sa Grade 5? - bagong game show ni Janno Gibbs

Interesting itong bagong game show ni Janno Gibbs sa GMA 7, ang Kakasa Ka Ba sa Grade 5?

Magsisimula na ito sa Sabado, kapalit sa timeslot ng Celebrity Duets (kung saan nagwagi si Tessa Prieto-Valdes) at celebrities muna ang maglalaro.

Nasilip ko ang taping ng ilang episode nito at nakaaaliw panoorin na si Miriam Quiambao ay tinutulungan ng isang grade 5 pupil ang ilang tanong na nahihirapan niyang sagutin.

Naloka rin ako kung paano Tinagalog ni Alfred Vargas ang ‘pandiwa.’

Pero nag-enjoy ang celebrity contestants at in fairness, malaki rin ang napanalunan nila.

Sa presscon nito nu’ng Sabado ay kumasa si Janno sa mga intrigang itinatanong sa kanya.

Natuwa raw siya at mukhang masaya si Gladys Guevarra sa bagong pag-ibig nito sa Amerika.

Sana raw ay magkaroon na ng panahong magkausap at magkaayos sila ni Gladys. Willing daw siyang makasama uli ito sa mga show.

Ayaw raw niya munang pangunahan pa, pero mukhang nalalapit na raw ang pagbabalikan nila ni Bing Loyzaga.

Magkasama na silang natutulog sa isang kuwarto at masaya naman daw sila, lalo na ang kanilang mga anak.

Naramdaman naman daw niyang unti-unti nang bumabalik ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia, 2 taong hindi sasakay sa eroplano

May travel ban si Manny Valera kay Jean Garcia para hindi na maulit ang nangyari sa Surigao. Effective for two years ang ban at hanggang Metro Manila at probinsya na hindi sasakay ng eroplano lang puwedeng pumunta ang actress (parang hindi ito masusunod).

Walang reklamong tinanggap ito ng actress at gustong dito muna siya kasama ang mga anak at pamilya. Kaya pati ang invitation na pumunta siya sa Tanzania para makita siya ng sumubaybay sa Pangako Sa ‘Yo ay hindi niya napagbigyan.

Hindi mabo-bore si Jean na nasa Metro Manila lang siya’t marami siyang trabaho. Nagti-taping na siya ng La Vendetta at ready na silang umere sa October 29. Busy din siya sa pagpo-promote ng Hide and Seek, ang launching movie nina Jennica Garcia at Mart Escudero.

Gusto niyang kumita ang pelikula para matuwa ang magka-loveteam, ang Regal at lalo na si Mother Lily. Bago ang showing ng movie sa October 31, magsisimba ang mag-ina sa Baclaran para humingi ng tulong na panoorin at supor­tahan ito ng tao.

Samantala, nalulungkot si Jean sa isyung lasengga siya.

“May nasulat na bang nanggulo ako sa bar? Wala akong record na ganun at kung lasengga ako, paano pa ako maka­kapagtrabaho, halos everyday ang trabaho ko. I do drink occasional­ly, pero hindi ako alcoho­lic,” pagli­linaw ni Jean. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes bibitbitin ni Ara sa ABS-CBN?

Naniniwala kami sa sentimyentong dinadala ngayon ni Ara Mina tungkol sa hindi man lang pagkilos ng Siyete para idepensa siya sa mga isyung nag-uugnay sa kanya kay Manny Pacquiao.

Ayon sa isang malapit kay Ara na nakausap namin ay nagtataka-nagtatampo ang aktres kung bakit meron namang paraan ang istasyon para makausap si Manny tungkol sa diumano’y pagreregalo nito ng bahay at sasakyan kay Ara, pero walang paglilinaw na ginawa ang istasyon. “Contract star na ng Siete si Pacman, meron na silang access kung tutuusin, artista na rin nilang matagal si Ara, pero bakit hindi man lang siya ipinagtanggol ng station?

“Bakit hindi man lang nila ininterbyu si Manny para linawin ang balita, alam naman ni Manny na hindi sa kanya galing ang ba­hay at sasakyan ni Ara, kaya mahirap bang i-correct ang is­yung naglala­basan?” ta­nong-sagot pa ng aming source.

Dahil dun ay muk­hang nagpaplanong kumabilang-bakod si Ara Mina, idagdag pa na wala naman siyang mar­kadong proyektong ginagawa sa Siete, sabi nga ng nakausap namin ay puro kontra­bidang papel lang daw naman ang ibinibigay sa kanya ng network.

Kung totoo ngang may planong lumipat si Ara sa ABS-CBN ay wala namang magiging problema, naging ma­ayos ang pagpa­paalam niya noon sa mga ehe­kutibo ng Dos nung lu­mipat siya sa Siyete, kumbaga ay hindi nag­sunog ng tulay si Ara Mina.

Ang tanong, kung matutuloy kaya ang paglipat ni Ara sa Dos ay sasama sa kanyang paglipat ang nakaba­bata niyang kapatid na si Cristine Reyes, si Ara lang kaya muna ang lilipat sa Dos o sabay na silang magkapatid?

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Ara Mina sa pagde­depensa sa kanya ni Pacman, “Wala akong alam dun!” lang daw ang isinagot ng bok­singero nang tanungin ito tung­kol sa bahay at sasak­yan, at para kay Ara ay hindi sapat ang sagot ni Manny para malinis ang kanyang pangalan sa isyu. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kyla joins the oldies brigade

The saying that if you can’t beat them, then you might as well join them, must have been what led Kyla to the decision to record old songs for Heartfelt, her sixth album. With big names like Rod Stewart, Barry Manilow, Babyface and even Jay Durias all embarked on the oldies brigade, the only way to compete is to join the party. But it is not as easy as that. It may seem so because the songs already exist and all one has to do is choose, but then it also means doing better or maybe just as well as the originals. How on earth do you top Patti Labelle?

Another requisite is that an artist has to earn the privilege of singing the much-loved songs. “Earn your spurs,” the fans seem to say all the time. “Prove yourself a true artist then we will listen to you.” Now Kyla has released the albums Way to Your Heart, Kyla, I Will Be There, Not Your Ordinary Girl and Beautiful Days over the past seven years. To her credit, she made it to the top on the strength of Filipino originals like the much-awarded Hanggang Ngayon. So maybe she has by this time, indeed, earned the right to record her own interpretation of timeless favorites.

It was not easy finding the right songs. To find out how listeners felt about the idea, Kyla did gigs and took requests from the audience. From these, she ended up with a list of 400 songs and from there, she chose the most requested, Patti Labelle’s Somewhere Over the Rainbow, probably because of its birit portion; then the ones she liked best, For You by Kenny Lattimore, which she dedicates to her boyfriend; and finally the ones that suited her style, If I Were You by Tamia, which is light pop spiced with R ’n B.

The 16 songs that topped the list made it to the studio for Heartfelt. They come with simple and easy arrangements that are so nice on the ears. Come to think of it, nothing jars in the album, which flows neatly from one cut to another. And there are even a few surprises. Who would have thought that something like Last Chance by the underrated Allure would make the cut. Nice choice.

It is not the first single, what you will hear on the radio is Taylor Dayne’s Love Will Lead You Back, but the song I like most in the album is Brian McKnight’s Home, which Kyla does very well. This girl has R ’n B in her system and all those sweet undulating notes just seem to come naturally with so much charm. Last Chance also has the makings of a hit single, although I really prefer that listeners take this album as a complete package and not on the strength of a song or two.

The other songs included are: I Don’t Want You to Go, I Don’t Have the Heart, Broken Hearted, I Miss You So Much, Always and Forever, Someone, the only new work, Wait for You which was composed for American Idol finalist Elliot Yamin, One Day In Your Life and With this Tear. The only Filipino composition included is It’s Over Now by Louie Ocampo, which was originally recorded by Joey Albert. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, October 21, 2007

Magpakailanman continues...

PATULOY na mapapanood ang Magpakailanman ng GMA-7. Hindi totoong mahihinto na ang show. Mismong ang host nitong si Mel Tiangco ang nagsabi sa press na hindi pa rin siya tumitigil sa pagti-taping at pag-iinterbyu sa mga taong napili para maisadula ang kanilang kasaysayan sa show na ipi-nalalabas tuwing Huwebes ng gabi.

Ayon kay Mel, “May taping pa nga ako sa Nov. 4 kaya paanong mahihinto ‘yong telecast ng show?”

Samantala, sinabi rin sa amin ng executive producer na si Joseph Buncalan na kuryente ang balitang titigbakin na ang MKM.

Ang MKM daw ang nag-iisang drama anthology na talagang nagri-rate nga-yon kaya imposibleng matigbak ito.

‘Nga pala, may fund raising campaign ngayon ang Kapuso Foundation. Magri-release sila ng isang album na pinamagatang Isang Kinabukasan.

Ang title track ay sinulat at ginawan ng musika ni Wency Cornejo at inawit naman ng mga Kapuso singers na pinangungunahan nina Regine Velasquez, Janno Gibbs at Ogie Alcasid.

Mabibili ang album ngayong Kapaskuhan sa mga record bars. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina, walang offer sa ABS-CBN

GUESTING pa lang ang ginagawa ni Ara Mina sa ABS-CBN.

Straight to the point si Ara na nagsabi sa aming wala pang offer ang ABS sa kanya.
Sinabi niya rin sa amin na hindi totoong nakipag-meeting siya sa ABS last Thursday dahil nasa bahay lang siya that day at nasa anniversary naman siya ng isang pahayagan – hindi Journal na nag anniversary rin – para kumanta.

Lahat daw ng pagi-guest niya sa ABS, pinagpaaalam niya muna sa GMA.

Sinisigurado niya ring hindi nakakasagasa sa Bubble Gang ang mga pinagi-guest niya like The Buzz, Wowowee at ang sitcom ni Aga Muhlach.

Speaking of Bubble Gang, may contract siya rito so hindi siya puwedeng lumipat sa ABS.

Having said all that, nagtatampo si Ara na hindi siya nabibigyan ng isa pang show other than Bubble Gang dahil like all actors nga naman, she needs work kaya nga nagi-guest siya sa mga show ng ABS.

May in-offer na bagong soap kay Ara pero off the record pa. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

“Isang Kinabukasan” album

HOW do Filipinos subvert the turn of events when all bad luck strike the most helpless of Juan dela Cruz’s race?

In 1991, the godless calamities of Mt. Pinatubo’s eruption, Ormoc flood, and landslide tragedy put much misfortune especially to those marginalized. Though unfortunate, the mishap conceived a nucleus for social action and genuine solidarity.

The rescue operations were shared by many volunteers and donors, whose efforts until now impact a social difference. Their efforts established the long-running, media-based Foundation which sustains beneficial actions for those who are less materially blessed �" and so the GMA Kapuso Foundation (GMAKF) was put to life.

Among the key persons behind the foundation are Felipe Gozon, Chairman of the Board; Gilberto Duavit Jr., president; Mel Tiangco, executive vice-president & COO; Felipe Yalong, treasurer; Roberto Parel, secretary; and Manuel Dela Fuente, executive director. The foundation is responsible for socially-oriented projects ranging from health, emergency response, education, and values formation programs which, from 2003 up to the present alone, reached and aided close to 1.5 million Filipinos.

Recently, Tiangco and Dela Fuente, realized what has been a long-time dream of having a new Kapuso Foundation theme song. And so it was that with acclaimed Director Louie Ignacio, GMA Records’ Kedy Sanchez, Rikki Escudero, and Wency Cornejo, not only was a song achieved, titled, “Isang Kinabukasan,” but a music video of this new song produced and a full cd album created. The music video was, of course, directed by Ignacio and involves more than fifty well-known artists and talents, some of whom are top singing icons in the music scenery such as Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Jolina Magdangal, Kyla, Karylle, Jonalyn Viray, and many others. As a positive share of talent, the artists did the music video for free.

The album contains inspirational songs composed by gifted Filipinos who also have the heart to reach out and do something for the poor. Found in the album, then, are the music jewels: “My Miracle” by Raul Mitra; “Hindi Diyos Nagbabago, Tao” by Sipol; “I Will Be” by Janno Gibbs and Ogie Alcasid; “Forever Be” by Melvin Morallos; and the carrier “Isang Kinabukasan” by Wency Cornejo.

The “Isang Kinabukasan” album and music video will be launched this Sunday, October 21 in SOP. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mart Escudero denies Kris Bernal's statement

IN a previous interview, Kris Bernal said Jennica Garcia is the reason why her StarStruck Ultimate Sweethearts co-winner, Mart Escudero, stopped courting her. At the presscon of Regal’s Halloween horror offering, “Hide and Seek,” Mart counters this by saying it’s not true.

“I met Jen when we were paired in ‘Impostora’ three months ago,” he says. “But two weeks before the taping started, I’ve already stopped sa pagdiskarte kay Kris. Ayoko na lang sabihin kung ano ang reason. Ever since, kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Kris. Kay Jen, naging very special agad siya kasi napapasaya niya ako. I’m really happy when we are together sa taping namin mula pa sa ’Impostora’ hanggang sa ’Pasan Ko ang Daigdig’ and ‘Boys Nxt Door’, at lalo na when we started shooting our launching movie na ‘Hide and Seek’ in Pampanga.”

What can he say about the advice of Jen’s mom, Jean Garcia, not to be so serious when it comes to love? “I respect that at tama naman siya kasi mas mabuti talagang unahin ang trabaho, lalo na nga at Jen and I are both just starting our careers. Isa pa, I’m helping my own family and I want to buy them our own house, kaya hindi talaga dapat magseryoso muna sa love.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Diana Zubiri sa Magpakailanman

Si Diana Zubiri ang gumanap na Lou Victorioso sa buhay nito na isinadula ng Magpakailanman.

Si Lou ang winner ng Miss Ugly No More contest.

Apat na magkakasunod na araw na halos walang tulog si Diana dahil sa taping ng Zaido at Magpakailanman.

Umaga ng Miyerkules nang matapos ang taping niya para sa Zaido na nag-umpisa noong Martes.

Mula sa set ng Zaido, dumiretso si Diana sa taping ng Magpakailanman.

Inabot ng Huwebes ng umaga ang taping ng Lou Victorioso Story at mula rito, dumiretso si Diana sa taping uli ng Zaido noong Huwebes sa Calamba, Laguna.

Inabot ng Biyernes ang taping ng Zaido at dahil walang pahinga, hindi na nakapunta si Diana sa live internet chat para sa fans ng Bubble Gang noong araw na ‘yon. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

My Only Love updates

Masaya ang production people (sa pangunguna ni Camille Pengzon) na makatrabaho si Direk Louie Ignacio sa sinenobelang My Only Love na pinagbibidahan nina Mark Herras at Rhian Ramos.

Mabilis magtrabaho at hindi nagpupuyat si Direk Louie kaya maaga silang natatapos.

Nag-first taping day ang My Only Love noong Huwebes sa isang village sa Quezon City. Happy rin si Direk Louie dahil magagaling ang kanyang artista at hindi siya binigyan ng sakit ng ulo.

Nadatnan namin sa taping sina Mark Herras, Rhian Ramos, Lloyd Samartino, Bianca King, Kevin Santos at Stef Prescott.

Masaya ang mga artista at production crew. Walang pressure sa mga ginagawa nila. Lahat ay nagbibiruan.

Tuwang-tuwa si Mark Herras sa magandang career niya ngayon. Iba’t iba ang leading lady niya sa iba’t ibang project niya.

Sa second week ng November magsisimulang iere ang My Only Love bilang kapalit ng Kung Mahawi Man Ang Ulap sa GMA 7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, October 20, 2007

Kapuso stars steal show at Bacolod’s Masskara fest

IT started to be one exciting and explosive weekend as GMA Network brought some of its hottest stars to join Bacolod’s famous and colorful Masskara Festival led by Dennis Trillo, Marian Rivera and Dingdong Dantes.

A Kapuso night kicked off the series of events in the City of Smiles last night with Dennis wowing the crowd, joined by Eat Bulaga hosts Pauleen Luna and Paolo Ballesteros. Dennis and Paolo are so popular among Negrenses because of their primetime hit series, Zaido.

The affair, which started at 4 p.m., had fun games, exciting prizes and hot production numbers at SM Bacolod’s Masskara Village.

Parokya ni Edgar, fresh from their U.S. tour, rocked the night as they shared the stage with the Kapuso stars.

Today, the Zaido mall show with bingo is set at 12 noon at the SM Entertainment Center. Again, Dennis and Paolo will grace the affair, but this time, the two will don their respective Zaido costumes as Blue Zaido (for Dennis) and the cross-dressing Yda (for Paolo).

GMA7 has invited every Bacolodnon to this event which will have an exclusive Zaido screening, big cash prizes in the games, including the Bingo black out, and the chance to meet and greet the hottest Kapuso stars on the Telebabad block.

Tomorrow, Sunday, Marimar fever hits Bacolod as Marian Rivera and Dingdong Dantes make a personal appearance in the fitting cap to the three-day series of activities, including a special screening of Marimar at the SM Entertainment Center. Those who missed some episodes will have a chance to watch the series and see them in its entirety.

Meanwhile, we’d savor the sounds and sights of Bacolod to the hilt, but that’s another story. [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites