<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 30, 2007

Bryan at Jolo Revilla, tanggap ang bagong kapatid sa ama

Masuwerte ang half-siblings nina Bryan at Jolo Revilla dahil hindi lang sila tanggap ng dalawa, itinuturing pang totoong mga kapatid. “He’s my brother,” patungkol ni Bryan kay Luigi (anak ni Sen. Bong Revilla) sa isang non-showbiz girl. Ganu’n din ang naging pahayag ni Jolo at ibinalita pang madalas sa kanila ang bagets at parang tunay na anak din ang turing dito ng inang si Lani Mercado.

Nakausap ng press ang magkapatid sa presscon ng Resiklo at hindi maiwasang pati ang personal nilang buhay ay usisain. Pero, dahil maganda ang kanilang sagot, hindi na sila na-intriga ng press.

Kuwento ni Jolo: “Matagal nang kilala ni mama si Luigi, pero ang ‘di namin alam ay kung ano ang nasa dibdib niya. Sa amin, walang kaso dahil blood is thicker than water at wala rin naman siyang kasalanan.”

On the other hand, hindi pa raw nila napag-uusapan ang isa pang isyu, na may bago silang kapatid sa ama. “Kung sakaling totoo, wala kaming magagawa kundi tanggapin siya. Naiintindihan namin si daddy.”

Kung may pagkakataon, gugustuhing makita ni Jolo ang sinasabing bago niyang kapatid at inaming masasaktan siya kahit papaano. “Gaya nang sinabi ko, walang kasalanan ang bata, kaya tatanggapin namin siya,” sabi pa ni Jolo.

Samantala, maganda ang trailer ng Resiklo at pati raw si Mother Lily ay nagandahan. Hatak nito ang mga batang moviegoers na mahilig sa robot. Nag-spoiler nga si Bong na ang robot ang title-roler dito, kaya malaki ang picture sa poster. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras, over-sex and into drugs?

MARK Herras is happy to have a Metro filmfest entry each year since he joined showbiz. First was “So Happy Together” with Kris Aquino, then “Blue Moon” where he played the young Eddie Garcia, and “Super Noypi”last year.

For this year, his entry is “Bahay Kubo,” where he plays the love interest of Marian Rivera, who he once wooed.

“Feeling ko, veteran na ako ng pagsakay sa float tuwing may Parade of Stars,” he says. “But I enjoy joining the parade and seeing all the fans lined up in our streets to greet us.”

Mark has put up his own business, a disco-dance bar called Serve at the Araneta Coliseum Circle in Cubao. His associates are Cristine Reyes and sweethearts Joshua Zamora and Jopay Paguia of SexBomb. “Bagay sa amin kasi puro kami mahihilig sumayaw. This formally opened last night, November 29. I hope it clicks dahil marami namang taong gustong sumayaw.”

Mark was just 17 when he won in StarStruck Batch 1. He’s now turning 21 on December 14. “I will hold a birthday concert on that night sa Music Museum. It’s titled ‘B.A.D’ which stands for Bump and Dance. Kasama ko rito sina Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, The Studs and EB Babes (to which is current girlfriend, Lian Paz, belongs).”

Is it true former sweetheart Jennylyn Mercado is not one of his guests because Lian Paz will get jealous? “No, hindi naman selosa si Lian. I’d like to invite Jen sana para kumpleto kaming StarStruck Batch 1 winners, kaya lang baka maintriga na naman kami.”

Mark laughs off the rumor that he’s so slim these days because he’s oversexed and is into drugs. “The reason why I’m so thin is dahil tambak ang trabaho ko at halos wala akong pahinga. May ‘My Only Love’ ako sa hapon and ‘La Vendetta’ sa gabi, then may ‘SOP’ pa on Sundays. Isasama rin daw ako sa ‘Joaquin Bordado’ as younger brother of Robin Padilla. But I’m not complaining as I’d rather be overworked than jobless. Hindi sex dahil I don’t even have time for that sa sobrang kabisihan ko. Hindi rin drugs. Why would I resort to drugs when my life is doing very well?” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iwa Moto replaces Cristine Reyes

SI Iwa Moto na nga ba ang papalit kay Cristine Reyes sa role na tinanggihan ng huli sa Joaquin Bordado ni Robin Padilla? As it is, the StarStruck 3 First Princess is ‘in’ for the role, pero tila ayaw pang pag-usapan ito ni Iwa dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang GMA Artist Center (GMA-AC, headed by Ida Ynares) tungkol sa bagay na ito.

Hindi pa raw ito ang ta-mang panahon para pag-usapan kung sa kanya nga ipagkakaloob ng GMA ang role na inayawan ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Although, may konting hint na raw siya dahil may nagsabi na raw sa kanya.

“Kasali raw po ako,” ani Iwa nang makausap na-min. “Pero hindi ko pa alam eh. Wala pa pong definite. Ayoko pang magbigay ng statement na kasali na talaga ako. Gusto ko manggaling sa kanila. Mahirap na, di ba? Pero ‘yun din ang alam ko. ‘Yun din ‘yung sinabi sa akin na kasali nga raw ako.

Pero sabi ni Iwa, saka-ling i-offer sa kanya ang role ay hinding-hindi raw niya tatanggihan ito.

“Tatanggapin ko,” mabilis na sagot ng aktres. “Trabaho ‘yun eh. Medyo offbeat ‘yung role ko. Ang alam ko, medyo bitch ‘yung role na gagampanan ko. May pagka-pokpok ‘yung papel. Na parang nagtatrabaho sa club. Na hindi ata kayang gawin ni Cristine, eh, alam mo naman ‘yan si Cristine.

“Kahit nagpapa-sexy pero tame pa rin siya. Actually, hindi ko pa alam talaga ‘yung role. Pero siyempre, sana makasali. Sino ba ang aayaw sa trabaho, di ba? Basta, work, tanggap lang nang tanggap. At saka Robin Padilla ‘yan.

Sa ngayon, kuntento na raw si Iwa sa takbo ng kanyang showbiz career. Naglalagare siya sa dala-wang show sa GMA, ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, with Dennis Trillo, Aljur Ab-renica at Marky Cielo, at Nuts Entertainment ka-sama niya sa gag show sina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Resiklo movie

Ang pelikulang Resiklo ay binubuo ng mga artista ng GMA 7 at ABS-CBN 2.

Sinadya ito ng mga producers para mag-bonding ang mga artista ng magkabilang network at para makapag-promote sila sa dalawang higanteng network.

Hindi pa yata alam ng Imus Production na sa GMA 7 na lalabas si Michelle Madrigal under her new manager na si Annabelle Rama.

Gaya ng naipangako ni Senador Bong Revilla, kapag kumikita ang mga pelikulang pinoprodyus nila ay makakapagprodyus muli sila para makatulong sa mga maliliit na production crew.

May mga intriga na ikinukumpara si Senador Bong sa kaibigang Senador Jinggoy sa galing sa pag-arte.

Sagot ni Senador Bong, tanggap niya ang sinabi ni Senador Jinggoy na mas magaling itong umarte kesa sa kanya.

Hindi na naghahangad si Senador Bong na makakuha ng acting award kundi makatulong lang sa industriya, kumita ang pelikula at makapagbigay aliw sa mga manonood lalo na ang mga mga bata dahil para sa mga bata ang tema ng pelikulang Resiklo.

***

Nagandahan kami sa trailer ng Resiklo at halatang pinagkagastusan ito.

May pagka-futuristic ang pelikula. Siguradong kikita ito at gaya ng dati ay makakalaban nito sa top grosser ang Enteng Kabisote 4 ni Vic Sotto, Sakal, Sakali, Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at ang Shake Rattle & Roll 9.

Hindi nito makukumpitensiya ang pelikulang Katas Ng Saudi nina Senador Jinggoy at Lorna Tolentino na pang-OFW ang tema.

***

Nakuha pang umapir sa preskon ng Resiklo si Dingdong Dantes kahit abala siya sa pagte-taping ng Marimar.

Dahil malakas din ang Marimar sa Amerika ay sila ni Marian Rivera ang ipapadala ng GMA Pinoy TV sa Las Vegas, Nevada sa first week of December. Isang linggo silang mananatili roon.

Sa pelikulang Resiklo ay maganda ang role ni Dingdong. Buti at nakakuha siya ng schedule sa napaka-hectic na taping ng Marimar.

Bukod dito ay hindi nakaliligtaan ni Dingdong ang kanyang negosyo with Karylle.

Okay raw ang takbo ng kanilang business. Once a week ay dinadalaw niya ito at nakikihalubilo siya sa mga customer. May pagka-hands on ang kanyang approach sa negosyo nila.

May nagtatanong kung bakit naka-box sa poster ng Resiklo ang pangalan ni Dingdong. Ayon sa isang insider ay hindi nagustuhan ng manager ni Dingdong ang maliit na pagkakalagay ng pangalan ng actor sa poster.

Komo na-print na ang poster ay nilagyan na lang nila ng box ang pangalan ni Dingdong, na umokay naman sa manager.

Kay Dingdong ay ok lang ‘yun pero syempre, kailangang sunurin ang pakiusap ng manager na prinoproteksyunan lang ang
alaga.

Inayunan ni Senador Bong ang request ng manager at deserving daw ‘yun for Dingdong na matagal na sa business na ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Lolit Solis nakatanggap na ng subpoena

Nakatanggap na si Manay Lolit Solis ng subpoena sa kasong libel na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby.

May preliminary investigation sila sa Disyembre 6 at 13. Hindi ko lang tiyak kung magkikita na sila sa piskalya sa mga araw na iyun.

Dapat kasi ay nandoon din ang mga nagdemanda para ma-affirm ang mga isinumiteng affidavit.

Ayon kay Manay Lolit, nag-usap na sila ng abugado niyang si Atty. Noel Malaya at susundin na lang niya ang payo ng huli.

Sa mga interviews nina Piolo at Sam, sinasabi na naman nilang mag-retract lang at mag-apologize si Manay Lolit ay ida-drop nila ang kaso.

Ewan kung gagawin pa ito ni Manay Lolit dahil naniniwala siyang kahit ano ang gawin niya ay itutuloy ng dalawa ang kaso.

Nagtataka lang ako, bakit ilang beses nilang nire-remind si Manay Lolit na mag-retract at mag-apologize para hindi na ituloy ang demanda.

Kung desidido silang magdemanda gawin na nila, wala nang urungan. Ang dating tuloy, parang naaalangan pa sila sa desisyong magdemanda.

***

Medyo naluha si Manay Lolit Solis kahapon nang nakatanggap siya ng isang flower arrangement galing sa isang flower shop sa Manila Peninsula .

Galing pala ito kay Nanette Medved na limang buwang buntis na.

Sobrang na-touch si Manay Lolit dahil sa gitna ng mga kaguluhan sa Manila Pen ay nagawa pa ni Nanette na mag-order ng bulaklak para ipadala sa kanya.

Nagkausap sila kahapon at excited daw si Nanette sa pagbubuntis nito dahil girl daw sana ang susunod nitong baby.

Pagdating ng seven months ay baka patingnan na raw niya kung girl o boy ang kanyang dinadala.

Marami raw silang napag-usapan at kung ikukuwento ito ni Manay Lolit, baka madagdagan pa ang demanda kaya pinagtawanan na lang namin.

Marami kasing alam si Nanette tungkol sa kuwento ng ilang kontrobersyal na aktor at kung isi-share sa atin ito ni Manay Lolit, baka panibagong demanda na naman ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Enteng Kabisote 4 presscon

Kahit medyo magulo na kahapon, natuloy pa rin ang presscon ng Enteng Kabisote 4 nina Vic Sotto at Kristine Hermosa. Medyo na-late si Kristine dahil ma-traffic daw.

Ayon kay Kristine, siya mismo ang nag-drive ng kanyang kotse dahil wala raw siyang driver kahapon.

During the question and answer portion ng presscon ng Enteng Kabisote ay may nagtanong kay Bossing Vic kung bakit hindi kasama sa pelikula ang lovey-dovey niyang si Pia Guanio.

Maraming guest stars ang Enteng Kabisote 4, kaya nakapagtatakang hindi kabilang sa mga ito si Pia.

"Wala kasing bagay na role para sa kanya," ang very casual na sagot ni Bossing Vic. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, November 29, 2007

Yasmien Kurdi: I have no reason to complain

Since her pretty face turned ugly on Bakekang, Yasmien Kurdi has been known more than just a StarStruck finalist. Her face has become a familiar sight on TV soaps crying buckets from one scene to another.

“I’m happy that my career keeps me busy these days. To complain is the least I would do,” Yasmien says.

As far as work is concerned, Yasmien finds no reason to complain. Even if it means less hours of sleep, stripping off the vanity and glamour in her, letting her hands touch filthy stuff or getting cuts and bruises in the middle of a heart-rending scene, she will endure them for the sake of effective role playing.

“Acting is definitely tiring and stressful, but when you love your work and your ability is often appreciated by the audience, then there’s no reason to complain. I always make it a point to do my best in every project I’m in,” Yasmien says.

That is why instead of feeling bad after Maricel Soriano, her co-star in Regal Entertainment’s Metro Manila Film Festival entry Bahay Kubo, pulled her hair and accidentally scratched a part of her neck in one of their dramatic scenes, Yasmien found them worth remembering. No, not because she got hurt but because it gave her the chance to play opposite the Diamond Star. Acting pointers Yasmien got from Maricel count the most.

“Even in the middle of our take, I can’t help saying ‘Ang galing-galing n’yo!,’ to Ate Maricel. She’s so natural and anybody can be swayed by her acting. Now I know why my mom admires her,” Yasmien shares.

But doesn’t she tire doing drama in every project she’s into whether for film or TV?

“No. That makes it more challenging for me. Whenever a role is almost similar to the one I have already portrayed, I’ll make it a point to give it a different approach so my acting will be distinct from the other,” Yasmien replies.

In Bahay Kubo, Yasmien plays Dahlia, one of Eric Quizon and Maricel’s adopted children, who secretly pursues her dream of becoming an actress but is neglecting her studies. This Maricel discovers and leads to one dramatic, confrontational scene. Others in the cast are Mark Herras, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Marian Rivera, Jiro Manio, Gloria Romero, Bearwin Meiley and Eugene Domingo. It is directed by Joel Lamangan.

Although it is Yasmien’s first time to work with ABS-CBN stars like Shaina, Rayver and Maricel, she easily gets along with them off or on the set.

“I’ve already known Shaina because we were in the same school (Angelicum) before and we were under one adviser so we bonded instantly. Ate Maricel helps me to internalize my role,” Yasmien says.

Between shooting schedules, the StarStruck alumnus finds time to participate in the protection of animal rights. As an active member of PETA (People for the Ethical Protection of Animals), she promotes love for animals and supports the organization in every possible way. She recently had a pictorial inside an animal cage in protest of those who hunt animals that should be living freely in the wild. Her being vegetarian is another way of caring for the animals, not in preparation to having a sexy image.

“I’ve nothing against those who pose for sexy mags, I just don’t find it comfortable posing sexy. I’ll just wear my two-piece on the beach,” Yasmien says.

Is there anything she wants to do aside from singing and dramatic acting?

“I would like to try hosting for a travel show, something like Travel Time or Pinoy Meets World. And if I were to choose the place, I would definitely go to the wilds of Africa and have a wonderful encounter with the animals,” Yasmien says. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marimar, parang pelikula na

Parang pelikula na ang Marimar ng GMA-7!

Komento pa ng halos lahat ng aming nakakausap about this teleserye, na-pataob daw nito ang mga pareho ang tema, gaya ng pagmamahalan paghihiganti at kung anu-ano pa!

Sa totoo lang, revelation sa amin si Dingdong Dantes. Noon ay parang walang dating ang matinee idol na ito kasi nga naman bongga ang mga ka-lebel niya.

Pero ngayon, he exudes sexiness at ibang-iba ang appeal niya lalo na sa girls and gays. Namumula- mula pa ang fez niya at yummy papa na ever!

Nakakatuwang malaman na hindi rin nakaa-pekto sa ratings ng obrang ito ni Direk Joyce Bernal ang negative issues about Marian Rivera.

Bravo kay Direk Joyce at sa cast ng Marimar lalo na sa paborito naming si Pulgoso! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto explains ‘billing issue’

THE premiere night of “Pasukob” last Monday at SM Megamall was jampacked with people who were all roaring with laughter because of the crazy antics of Ai Ai de las Alas and Rufa Mae Quinto. The funniest scene for us is the opening scene involving Eugene Domingo. She plays the mother of the young Ai Ai de las Alas and Rufa Mae Quinto.

She’s about to escape with her two kids in a banca but Debraliz Valasote accosted her with the townspeople saying she’s a “salot” to their town. Eugene then fights with all the men in the village and she proves to be a martial arts expert who licks them all easily. Some of her fights scenes were given an ala-Matrix treatment and they’re so funny.

Eugene and her daughters were able to escape but at sea, their banca was hit by lightning and they get separated. This is where the conflict begins. Julia (Ai Ai) grew up to be a mega-taxi driver while Jenny (Rufa Mae) was adopted by a rich couple and works in a call center. Their fates are intertwined as they always end up meeting each other, even on the day of their respective weddings: Ai Ai to Antonio Aquitania and Rufa Mae to DJ Durano. This is where the spoof of the hit horror flick, “Sukob”, comes in, but Director Wenn Deramas makes his movie also a spoof of “Kampanerang Kuba” (which he megged on TV), as well as “Feng Shui” and “Wag Kang Lili-ngon”.

We asked Rufa Mae if she really made “Pasukob” her priority than “Desperadas” when she’s supposed to dub for these two movies, prompting her to walk out on “Desperadas”? “Yes, dahil showing na nga itong ‘Pasukob’, siyempre ito ang nira-rush namin. When I went to the studio, ito talaga ang ipinunta ko and when they found out I was there, i-dub ko na rin daw ang trailer ng ‘Desperadas’. Kaso nga, I’m still dubbing my lines in my role as Fifi, the dog sa ‘Marimar’. E, puro sigaw na ako sa ‘Pasukob’, tapos aso pa ko sa ‘Marimar’, so namaos na ako, kaya hindi ako na kayang gawin pa ang ‘Desperadas’. It’s not because I’m objecting sa billing ko in ‘Desperadas’. For me, in the last analysis, hindi naman billing mo ang matatandaan ng tao but your performance. So mas mabuting paghusayan mo ang acting mo kaysa mag-worry ka about billing.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao, starts taping

Nag-umpisa nang mag-taping si Manny Pacquiao ng Pinoy Records, isang bagong show ng GMA 7 na magsisimula sa Disyembre 8 pagkatapos ng Wish Ko Lang.

Kakabalik lang ni Manny mula sa Los Angeles, CA kung saan kinunan ang bagong komersyal niya kasama ang ilang sikat na personalidad sa larangan ng sports.

Pagdating sa Pilipinas ay sumabak na agad si Manny sa dubbing ng kanyang pelikulang Anak ni Kumander kaya sa taping ng Pinoy Records ay may oras na inaantok siya.

Hindi naman gaanong late natapos ang taping dahil kinabukasan ay tutulak siya papuntang Basilan at Sulo para aliwin ang mga sundalo natin doon at mamahagi ng maagang Pamasko.

Sa taping ng Pinoy Records ay napakinggan namin ang theme song ng pelikulang Anak Ni Kumander na si Manny ang nag-compose.

Maganda ang lyrics at melody nito na parang mga awit ni Freddie Aguilar. Siguro, patutugtugin ‘yun sa preskon ng Pinoy Records next week.

May pinabasa kami kay Manny na nasulat na pulos kasiraan niya at ang source daw ay isang nasa paligid niya. Ayon kay Manny, alam na niya kung sino ang taong ‘yon na naninira sa kanya.

Nakatakdang ipalabas ang pelikulang Anak Ni Kumander sa Enero 1 kaya malabong matuloy ang balak ni Manny na sa Amerika mag-Pasko.

Pinayuhan namin siya na dapat nandito siya sa promo ng pelikulang ito at sa New Year na lang siya pumunta ng Amerika, na inaayunan naman niya. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Isabel Oli at Paolo Contis updates

Tungkol pa rin sa relasyon kay Isabel Oli ang madalas na itinatanong kay Paolo Contis.

Paulit-ulit niya itong sinasagot na okay sila at lalong tumitibay ang kanilang relasyon.

Sa ipinapatayong bahay ni Paolo sa Quezon City, tumutulong na raw si Isabel sa pagpaplano.

Marami itong isina-suggest para sa ikagaganda ng bahay.

Parang sa kanilang dalawa itong bahay dahil pinapakialaman na rin daw ni Isabel. Kaya parang ganun na nga ang dating, para na rin kay Isabel ang bahay na ipinapatayo ng aktor.

Aminado si Paolo na pinag-uusapan na nila ang kasal pero wala pang date o ano pang ibang detalye.

Ilang beses nang sinasabi ni Paolo na si Isabel na sana ang babaeng pakakasalan niya at makakasama habang buhay. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Bong Revilla, pinoprotektahan ang mga anak

Pinagkumpulan ng press si Senador Bong Revilla pagkatapos ng open forum sa presscon ng pelikulang Resiklo kahapon sa Annabel’s.

Napag-usapan ang reaksyon ng asawa niyang si Lani Mercado sa isyung may bago siyang anak sa ibang babae.

"Kung anuman ‘yung ano namin ni Lani, sa amin na lang ‘yon. We will keep it to ourselves. Siyempre, kailangan ko rin namang proteksyunan ‘yung maliliit kong anak. Ayoko naman na…

"You can read between the lines kung ano ‘yung totoo at hindi. Hindi naman ako sinungaling na tao. Maybe, at the right time, that will come out. Hindi naman ako nagsisinungaling, eh! Ayokong magsinungaling," sambit ni Bong, na gumaganap bilang dating military commander na si Crisval Sarmiento (ang lider ng grupo na lumaban sa mutants at alien invaders) sa sci-fi-action flick na Resiklo.

Matatanggap ba ng pamilya niya ang bagong ‘karagdagan’ na ito sa kanilang pamilya?

"At the right time. Tanggap naman nila ‘yung anak ko ngayon, eh…" pakli niya, na ang tinutukoy ay ang 15-anyos na anak niyang lalake sa isang non-showbiz girl.

Papasok nga ba sa showbiz ang anak niyang ‘yon na si Luigi?

"Hindi, hindi… ayaw niyang mag-artista. Mahiyain kasi ‘yun, eh! Pero walang problema sa akin kung gusto niyang mag-artista. But Luigi is close to my kids. Close silang magkakapatid," aniya.

***

Kung merong magki-claim ulit na anak niya, tatanggapin na lang ba niya ito kaagad o gagawa siya ng imbestigasyon para malaman kung anak nga niya talaga ito?

"Awa ng Diyos, wala pa namang lumalabas…"

Na may duda siya kung totoong anak niya?

"Oo," naniningkit ang mga matang sagot niya.

So, lahat ng lumabas, sure siyang anak niya?

"Uyyy, fishing ka! Ha! Ha! Ha!" tawa ni Bong.

"Wala naman. Alam mo, gasino na sa akin na tanggapin ko ‘yon? Ang Revilla is known for that, di ba?

"Ang tatay ko, ang anak, otsenta! I’m not saying na gawin n’yo ‘yon. Hindi siya morally right, di ba?

"May mga anak tayong dapat proteksyunan. At bilang senador ng ating bansa, hindi ‘yon tama. So, hindi dapat na kung anumang bagay na nagawa ng isang tao, ipagsisigawan mo…" katriwan niya.

***

Lumabas na ang interview nila ng misis niyang si Lani sa YES! magazine.

Nabanggit sa amin ni Ms. Lani na may isang item doon na nag-aalala siya kapag nabasa ng tatlong nakababata nilang anak.

Ayon kay Lani ay hahayaan niyang si Bong ang magpaliwanag ng bagay na ‘yon sakaling magtanong ang tatlong bagets. Anong reaksyon niya rito?

"At the right time…" kaswal at matipid na sagot sa amin ni Bong.

Hayagan nang nasusulat na ‘yung bagong babae na nagkaroon siya ng anak ay ang 2000 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific na si Josephine Canonizado…

"Alam mo, huwag na lang natin siyang i-drag, ‘yung pangalan niya… ako na lang ang i-drag n’yo.

"At saka siyempre, maaapektuhan din si Lani. So, huwag na lang idamay ‘yung iba. Pakiusap ko lang…"

Pero anong reaksyon niya na ngayon ay tinukoy at pinangalanan na ‘yung dati ay bulung-bulungan lang?

"Wala naman kasing sikreto na hindi nabubunyag, eh! If you’re public property, talagang expected na ‘yan…

"Ang ano ko lang, napakahirap ng sitwasyon. Marami kaming dapat proteksyunan. Pamilya, marami…

"Mahirap, eh! Tama na! Mamaya, hiwalayan na ako ng asawa ko niyan!" maigting na bulalas ng natatawang si Sen. Bong, sabay lakad papalayo sa nagtatawanan ding showbiz press. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, November 28, 2007

Popstar Kids sing Sugarpop

I have not had the chance to check if the show is still ongoing and if there is a new batch of interesting kiddie finalists. Must be because I am, like most of you out there, already up to my ears on TV talent shows. Still, it is nice to know that the best of last year’s batch in the Popstar Kids Edition singing contest are doing very well. In fact, Rita Iringan, the grand prize winner and runners-up Julia Ann San Jose, Pocholo Bismonte, Vanessa Rangadhol and Renzo Almario are now among the most popular youngsters in showbusiness.

Rita is an exceptionally talented singer. She is the grandchild of comedian Teroy de Guzman. She sang the theme of the TV soap Princess Charming and acted in the adventure series Asian Treasures. Julia Anne, who plays the piano, guitar and drums, was a finalist in Eat, Bulaga!’s Little Miss Philippines and third runner-up on ABS-CBN’s Munting Miss U. She also appeared in a commercial with Sharon Cuneta. The pretty Vanessa is a rarity among local young singers. She will grow up to be an alto. Good for her in a world where all the girls want to be only sopranos with birit powers.

And that includes the boy Pocholo who channels either the young Michael Jackson or even Regine Velasquez when he sings. Am I glad that his voice is not going to stay that way for long. The other boy is the cute Renzo. The Sony BMG press release does not say much about him but aside from also being a good singer, he joins the Popstar Kids’ edition finalists as members of the group known as Sugarpop. Regularly they show off their singing chops every Sunday in the variety program S.O.P. on GMA 7 and play hosts of the weekly show about the environment. Planet Q on Q-11.

Sugarpop is a brainchild of Iisa Pa Lamang composer Danny Tan. One of the most talented musical directors around, Tan, by choice, made himself scarce in the local music scene these past few years, preferring instead to attend to his pet shop. I do not know if it was Sugarpop that triggered his decision to return to making music, but he has definitely found these kids cuter and more talented than the goldfish and puppies he loves to spend time with. He got these kids together and named them Sugarpop. He then produced Sugarpop’s debut album, even wrote several originals for the CD and continues to coach the members in their performances to this day.

Having Tan on top of things has improved these kids’ musicality and given Sugarpop the opportunity to come up with a good album. There are already too many disappointing recordings by talent show discoveries in the stores. I do not think I can stand another one. Thankfully Sugarpop came up with something enjoyable and suitable to its market but does not insult older listeners. The CD alternates between dance pop and sweet R ’n B ballads. Rita excels in most of them. Her sweet voice and clarity of tones reminds me of Aiza Seguerra or even the young Rachelle Alejandro. Her solo in Tan’s original Alam Mo Na… Di Ba? is one of the highlights of the album.

Also titled Sugarpop, the CD also includes other compositions by Tan like Sugarpop, You Lift Me Up, Walang Laglagan, Written in the Sand and Thank You Po. The other cuts are the pop classic Name Game, Chocolate, Happy Hook and the leading staple for kiddie groups hereabouts, Ryan Cayabyab’s Paraiso, which was first recorded by Smokey Mountain. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez doesn’t hear from Angel anymore

DON’T be surprised if Richard Gutierrez is smiling from ear to ear these days. His “Kamandag” is rating a consistent 42% above every night, making it one of GMA7’s highest-rating shows. “And generally, maganda ang feedback so all of us in the show are very pleased and we’re confident tataas pa ang rating in the weeks to come as the story gets more and more exciting,” he says.

He’s only happy that he was chosen by GMA Films to be Marian Rivera’s leading man in the first movie she’s filming after “Marimar” hit it big. The number one actor and the number one actress of GMA7 are now paired in GMA Films’ special Valentine presentation, “A Very Special Love.” Supporting him and Marian are JC de Vera, Ehra Madrigal and Paolo Paraiso. Marian has yet to shoot as she still has to go to the U.S. with “Marimar” partner Dingdong Dantes to launch GMA Pinoy TV in Las Vegas. Doesn’t Richard miss Angel Locsin who’s usually his partner in the Valentine flicks he’s been doing almost yearly for the past three years?

“After we shot that commercial in Thailand, I haven’t heard from her anymore. I’m sure busy kasi siya at busy rin naman ako. But I’m very positive this new tandem with Marian will also be accepted warmly by the public. At least, bago naman ang makakasama ko rito.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Katrina tinalbugan ni Iwa Moto sa FHM

EXCITED ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto habang nagkukuwento sa amin tungkol sa katatapos niyang photo shoot para sa FHM Singapore. Ginawa raw ang pictorial ni Iwa dito sa ‘Pinas nitong nagdaang linggo lang.

Kuntento naman daw ang dating “pasaway” na aktres sa kinalabasan ng kanyang photo shoot sa naturang men’s magazine. Mismong ang editor-in-chief daw ng FHM Singapore ang nangasiwa sa pictorial kaya tuwang-tuwa raw siya lalo na sa magandang tratong ibinigay daw sa kanya ng staff. Although, sabi ni Iwa, karamihan sa nakasama niya sa pictorial ay mga Pinoy na dati na raw niyang nakatrabaho.

Sa kuwento pa ni Iwa, ilalabas daw ang naturang pictorial sa January 2008 sa Singapore. Nanghihina-yang lang daw siya dahil hindi ito mababasa o ma-kikita ng mga fans niya sa ‘Pinas pero she’s hoping na magkaroon siya ng kopya at maipakita at maipagmalaki niya raw ito sa kanyang mga kaibigan.

Feeling honored daw ang dalaga sa pagkakapili sa kanya ng FHM Singapore.

“Sobrang honored ako. Imagine sa dinami-raming puwedeng pagpilian at kunin, ako ‘yung napili nila. May Katrina Halili, di ba? So it’s really an honor. Kumbaga, go na pero depende pa rin. “Tiningnan ko muna ‘yung peg, eh. As of now, hindi ko pa kasi kayang mag-pose nang sobrang daring and sexy. Kaya nu’ng makita ko ‘yung peg, nagandahan ako,” lahad pa ng aktres ng Zaido: Pulis Pangkalawakan at Nuts Entertainment ng GMA Network.

Naging cover girl na rin siya ng FHM Philippines pero naiiba raw ang FHM Singapore sa pagha-handle ng pictorial.

“Basta iba sila. Kasi mas tame sila. Parang may restrictions yata ang government nila pagdating sa mga pagkukuha ng pictures na ilalabas nila for public consumptions. Kaya hayun, simple lang ang mga kuha.

“May isa kaming kinunan na naka-two piece ako pero nakasuot ako ng jacket. May isang naka-lingerie ako, naka-panty lang pero may leggings naman ako. Mga ganu’n, sobrang tame lang ng mga shoot.

“Na-shocked nga ako, sabi ko, okay lang kayo, ito lang talaga ipapasuot ninyo sa akin? Pero ang ganda ng mga kuha. Kaya happy ako,” lahad pa ni Iwa.

Kahit daw siya nagpapa-sexy, may mga limitasyon pa rin daw siya pagdating sa pagpu-pose katulad ng ginawa niya sa FHM Singapore.

“Sa akin kasi as of now, nagpapa-sexy ako pero at the same time gusto ko ‘yung kaya ko pa lang. Sexy lang pero hindi ‘yung bulgar na.

“’Yung sexy poses naman puwedeng expression ng mukha, the way you project. Although, I can do two-piece na. Like ‘yung calendar ko, naka-2-piece na ako. Baka lumalabas na ‘yung this week or a week after this week.

“Ayoko nu’ng masyadong bukaka. Ayoko ‘yung makikita ‘yung singit ko. Cleavage? Puwedeng ilabas pero depende pa rin. Hanggang pagpapakita lang ng cleavage.

“At masasabi kong maganda siya pero hindi siya bastos. Tipong ayokong makarinig na, ‘Ang bastos naman ng picture niya!” say pa ng dalaga. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Carlene Aguilar, galit kay Dennis Trillo

Sa huling interview ko kay Carlene Aguilar, deretsahan niyang sinabi na tapos na ang sa kanila ni Dennis Trillo at hindi na maibabalik ang dati niyang pagtingin dito.

Nagalit si Carlene sa huling interview ni Dennis na napanood niya sa Startalk dahil nagsinungaling daw ito.

"Hindi ko nagustuhan ang interview niya. Kasi, kung magsasalita siya, sana, sabihin na niya iyung totoo.

"Meron siyang mga hindi sinabing totoo, and du’n medyo hindi ko nagustuhan. Sa totoo lang, gusto kong maging honest, hindi ko talaga nagustuhan," pahayag ni Carlene.

Hindi na niya idinetalye kung ano ang hindi totoo sa mga sinabi ni Dennis, basta alam na raw iyun ng aktor.

"Hindi ako magagalit sa kanya kung hindi niya pinagsabay, tsaka alam mo iyun, kasi, kung ayaw niya na, sabihin na agad, ‘di ba? Hindi iyung magsisinungaling siya, pangit eh.

"Nag-sorry na lang sana siya. Tapos, okay na iyun eh, hindi na niya kailangang mag-explain at magsabi ng kung anu-anong lies.

"Nu’ng umalis ako pa-States, ang ayus-ayos namin. Ano iyung sinasabi niyang ang gulu-gulo?

"Basta siya na lang ang kausapin n’yo kung ano iyun, and alam niya kung ano iyung pagsisinungaling niya. Siya ang makasasagot kung ano iyung totoo.

"Kung magpapa-interview kasi siya, sabihin na niya iyung totoo. Kasi ako, ano ang mapapala ko kung magsisinungaling ako, ‘di ba?" himutok pa ng dating beauty queen.

Apektado ang relasyon nina Dennis at Carlene bilang magulang ng kanilang anak na si Calix. Kung gusto raw ni Dennis na ipagpatuloy ang responsibilidad nito bilang ama ni Calix, nasa kanya na raw iyun. Pagdating sa kanya ay wala na raw.

Pinalitan na raw ni Carlene ang number ng cellphone niya. Kung gusto raw ni Dennis na pumunta sa kanila para dalawin ang baby, okay raw ito. Pero as much as possible ay ayaw na muna ngayon ni Carlene.

Itinuring na lang daw niyang isa sa mga bahagi ng buhay niya si Dennis at tinapos na niya ito.

"Tapos na. Wala nang dapat ibalik pa. Masyado nang maraming damage na nangyari, at iyung sinasabi niyang magiging kumplikado, eto na iyun.

"Masyado nang kumplikado na hindi mo na maaayos," diretsong sagot ni Carlene.

Wala na raw sa isip niya si Dennis at nagpapasalamat na lang daw siya sa ngayon dahil okay na raw sila ni Cristine Reyes. Hindi naman daw sila dapat mag-away pa.

Ang mensahe lang niya kay Cristine: "Gusto ko lang mag-thank you and masaya na tayong dalawa. Happy na tayo and ingat, good luck sa career mo. Tapos, huwag nang magpapaloko."

Ibinalik namin kay Carlene ang isyu kina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto na napabalitang tinawagan niya noon at inaway nang na-link sila kay Dennis.

"Kay Angel, no comment ako riyan. Kasi, magkaibigan kami before pa nu’ng hindi pa siya artista.

"Iyung kay Rufa Mae, sabi nga niya eh, past is past. Let’s not dwell on the past, hahaha!

"Tsaka don’t be desperate, hahaha! Peace! Push your luck, hahaha! Iyun lang ang masasabi ko."

Mapapanood sa Startalk ang kabuuan ng panayam na ito kay Carlene. Meron ding interview ang The Ricky Lo Exclusives na mapapanood ngayong gabi sa Q-11. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, November 27, 2007

Jennylyn Mercado, pinigilan ni Patrick Garcia?

IS it true that at one time, Jennylyn Mercado also considered the idea of joining ABS-CBN?

Yes, just like the other talents of her manager na si Becky Aguila, namely Angel Locsin, Valerie Concepcion and child star Ella Cruz.

Pinigilan lang daw siya ng boyfriend niyang si Patrick Garcia. Payo raw ni Patrick kay Jen, “Don’t leave GMA-7.”

Child actor pa lamang si Patrick, contract star na siya ng ABS-CBN. Kung ilang pelikula rin ang ginawa niya sa Star Cinema, one of which even won him an award.

Naging Kapuso lang si Patrick nang maging alaga ng talent manager na si Arnold Vegafria. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili hahanapin ang soulmate sa Taiwan o Korea

GUSTO naming maniwala na kaya walang nagtatagal na relasyon si Katrina Halili dahil hindi pa nakikita ang kanyang ideal man.

Ang ideal man nito ay mga tsinito gaya ni Jerry Yan ng F4 at the late Rico Yan, na crush pala niya kahit noong hindi pa siya artista.

Ang pagkahilig sa mga tsinito rin ang rason kung bakit nagagandahan siya kina LJ Reyes at Kim Chiu.

Ang crush ni Katrina ngayon ay sina Kwon Sang-wo at ’yung actor na gumaganap na Eugene sa Couple or Trouble.

Ang feeling nito’y kailangan niyang magpunta ng Taiwan o Korea para makakita ng soulmate, dahil wala siyang makitang ka-level ng hinahanap dito.

Hindi lang agad makaaalis si Katrina para hanapin ang tsinitong soulmate dahil sa trabaho’t bukod sa taping ng Marimar, magpo-promote pa siya ng Engkanto episode ng Shake, Rattle & Roll 9.

Kasama rin siya sa Manay Po 2 as the baby maker na iha-hire nina Polo Ravales at Luis Alandy. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi, may bagong bahay sa Lebanon

NAKAKUHA ng Christmas vacation si Yasmien Kurdi sa GMA-7 simula December 22 hanggang January 5, 2008.

Sa bakasyong ito, maaaring ituloy ni Yasmien ang pangako sa ama na mag-isa siyang pupunta sa Lebanon para magbakasyon.

Ani Yasmien sa presscon ng Regal Metro Manila filmfest entry na Bahay Kubo: “Gusto ko talagang pumunta sa father ko. May ibibigay siyang bahay sa akin sa Lebanon. Matagal na niyang sorpresa ’yon sa akin. Sinabi na n’ya ’yon nung dumating siya rito para sa 18th birthday ko nu’ng January.

“Sa schedule ko ngayon na almost four times a week akong may taping ng Pasan Ko ang Daigdig at masusundan pa ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita, hirap talaga akong kumuha ng bakasyon sa GMA-7 at sa Artists Center.”

Muli niyang makakasama si JC de Vera sa BADK, pati na si Marvin Agustin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado sa pelikulang Batanes

Dalawa ang love scenes ni Iza Calzado sa pelikulang Batanes. Ang isa ay sa gumaganap na asawa niyang Ivatan na si Joem Bascon at ang isa ay sa mangingisdang Taiwanese na napadpad sa isla ng Batanes ni Ken Chu (ng F4).

"Parang ‘yung dalawang leading men ko sa movie, kabado pareho sa love scene namin. Actually, kay Joem, I felt na kailangang alalayan ko siya sa eksena.

"Kay Ken, ang kaba ko roon eh, ‘Shucks! Kailangang magkonek talaga kami!’ At kinakabahan din ako, kasi first love scene niya yata ‘yon. So, baka mamaya, habulin ako ng fans niya at awayin ako! Trabaho lang po! Ha! Ha! Ha!

"Okey naman ‘yung parehong love scene. ‘Yung kay Joem, mas gentle. Dapat kasi, very innocent dahil taga-Batanes siya. Si Ken, married na. Pareho na silang may karanasan nu’ng karakter kong si Pam, kaya iba rin ‘yung love scene namin.

"Ang hirap i-describe, eh! Mas maganda kung panoorin n’yo na lang," nakangiting bulalas ni Iza.

Hindi pa nakikipag-love scene si Ken sa TV at maging sa dalawang pelikulang nagawa niya (The Tokyo Trial, Sky of Love) kaya ang gusto raw ng manager nito ay mukha lang ni Ken ang iku-close-up ng kamera at walang katawan na ipakikita.

Nagpaliwanag si Direk Adolf Alix na walang love scene na puro mukha lang. Nadaan sa pakiusap ang manager kaya ang ending ay pumayag si Ken na magpakita ng hubad niyang likuran sa pelikula.

Nasarapan daw si Ken… hindi sa love scene nila ni Iza kundi sa Chocnut na paboritong ipamigay ni Iza sa set nila. Madali raw kasing magpabili roon ng nasabing tsokolate kaya madalas magpabili si Iza para ipamigay sa lahat.

Nu’ng bumalik ng Taiwan si Ken ay pinabaunan ni Iza ang buong entourage nito ng Chocnut. At pagbalik dito ni Ken para sa additional shooting days nila sa Batangas ay ang dami nitong pasalubong na mga Taiwanese goodies para sa cast and crew.

"Sa akin, puro pagkain ang binigay niya. Like what Ken said, we both love to eat. Sabi niya sa akin, I make him look good daw, kasi ang takaw ko.

"Kung anu-ano ang pinagkakakain ko. Buti na lang, mas malakas pa rin siyang kumain kesa sa akin!" natatawang sey ni Iza. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras nagalit kay Chuck Allie

Aminado si Mark Herras na hindi pa sila nagkaayos ni Chuck Allie, Starstruck Avenger na tumigil sa pag-artista.

Hindi raw totoong siya ang dahilan kaya tumigil sa pag-artista si Chuck.

Ang pag-aaral ang dahilan kaya tumigil ito. Gustong pagbigyan ni Chuck ang hiling ng ama na makapagtapos ng pag-aaral.

Mabigat ang dahilan ng away nila. Nilinaw ni Mark na hindi babae ang kanilang pinag-awayan.

Hanggang ngayon ay hindi pa matanggap ni Mark ang ibinibintang sa kanya ni Chuck.

Sa opening ng Flawless Forever sa SM Muntinlupa nu’ng Linggo, naikuwento sa akin ni Mark kung ano ang ikinagalit niya kay Chuck. Hindi ko siya masisisi na magalit sa huli.

Pero tingin ni Mark, maaayos din iyun sakaling magkita sila uli at mag-sorry at bawiin nito ang mga sinabi laban sa kanya.

Sa December 1 ay aalis si Mark patungong Japan kasama si Jennylyn Mercado.

Sandali lang daw sila roon para mag-show. Natutuwa raw sila dahil ang loveteam pa rin daw nila ni Jennylyn ang hinahanap ng mga fans.

Tanggap ni Mark na hindi pangmatagalan ang loveteam nila ni Jennylyn kundi matatapos din ito, lalo na’t hindi na gagawin ni Jennylyn ang Joaquin Bordado.

Sakaling mabuwag na ang kanilang loveteam, maaring bahagi na raw ito ng pag-mature ng kanilang career.

Si Jennylyn ay umaasang magkaroon pa rin sila ng project ni Mark dahil marami pa rin daw sa fans nila ang umaasang magkakasama sila uli.

Kasama si Mark sa MMFF 2007 entry na Bahay Kubo, at may b-day concert siyang B.A.D. (Bump And Dance) sa Disyembre 14 sa Music Museum. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, November 26, 2007

Pinoy stuntmen, napasaya ni Pacman

Marami raw nabigyan ng trabaho ang world boxing champion at nangako pang kukunin uli sila sa mga susunod nitong pelikula.

Natutuwa ang mga stuntman dahil feeling nila, ’yung misyong naiwan ng yumaong Da King Fernando Poe Jr. ay ipinagpapatuloy ni Pacman. Maging si Direk Jose “Kaka” Balagtas at ang iba pang directors sa Escolta noon ay mabibigyan ng movie assignments ni Pacquiao.

May rason silang matuwa, lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. At least, hindi na sila jobless, kaya dapat nating tulungan si Manny at huwag nang intrigahin o gamitin sa mga issue para lang mapag-usapan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Hero Angeles signs contract with GMA7

FINALLY, pipirma na si Hero Angeles ng exclusive contract sa GMA Artist Center .

Sabi ng source, may nakalaan agad na programa para sa kanya. Matagal nang nababalita na pipirma si Hero sa GMA, pero ngayon lang matutuloy.

Ang consultant ni Hero ay si Kuya Germs (German Moreno). Dahil kay Kuya Germs ay matutuloy na rin ang pagiging Kapuso ni Hero.

Abangan ang pagiging visible ngayon ni Hero sa mga programa ng Siyete. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo, gustong balikan si Cristine Reyes

Now that they were made to forge peace (not forget peace), lumalabas na mas marami ang nakikisimpatya kay Carlene Aguilar who, for whatever reason, was dumped by Dennis Trillo.

Bagama’t hindi diniretso ni Dennis ang tanong kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan ni Cristine, aniya, and I quote: “Ngayon, hindi natin masasabi kung ano ‘yung in store, kung ano ‘yung nandiyan sa hinaharap,” unquote—in contrast du’n sa paglalagay na niya ng closure sa relasyon nila ni Carlene.

Bakit nakuha ni Carlene ang simpatya? Here’s a beauty queen, not dethroned or stripped of her title, but a woman disrobed of her right to be loved by her man.

Surely, hindi naman niya ginawang iskandaluhin, sugurin at pagsalitaan si Cristine if she was not made to expect things would be better, yes, by Dennis.

Samantala, nakatakdang mag-file ng motion to withdraw the case (grave scandal at oral defamation) ang abogado ni Cristine, si Atty. Dexter Lacuanan. Kasabay nito, hindi na rin daw itutuloy ni Manny Pacquiao ang bantang sasampahan niya ng libel case si Cristy Fermin makaraang makapag-usap sila’t magkapaliwanagan.

I couldn’t help but rib ‘Nay Lolit Solis, siya na lang sa showbiz ang may libel case! She replied with a shrug. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dina Bonnevie sa GMA-7 na rin

Pumirma na ng kontrata si Dina Bonnevie sa GMA-7 para sa TV remake ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Naging madali sa actress ang bumalik sa network dahil wala siyang exclusive contract sa ABS-CBN. Saka, minsan na rin nitong sinabing she doesn’t want to burn bridges sa two TV stations para libre siyang magtrabaho.

Bale, dalawa sila ni Angelika dela Cruz na magbabalik-Kapuso via Babangon Ako… at siguro naman, alam nilang si Yasmien Kurdi ang pinakabida rito. Second week na ng December ang taping ng teledrama, pero next year pa ang airing. Sa primetime ito ilalagay dahil napatunayang kaya na nina Yasmien at JC de Vera na magdala ng show. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Carlene Aguilar, not happy with Dennis’ side

Over the weekend, Carlene Aguilar and Cristine Reyes ironed things out between them during a meeting at a Quezon City hotel arranged by Cristine’s lawyer and Cristy Fermin of The Buzz where Carlene poured out her feelings two Sundays ago. The lawyer said that Cristine was “moved” enough by Carlene’s sincerity to initiate a meeting with her. As a result, today Cristine will withdraw the case of grave slander and oral defamation she filed against Carlene only last week.

Also over the weekend in an exclusive tell-all interview with The STAR, Dennis Trillo, the man caught between Carlene (father of his child Calix Andreas Aguilar Ho) and Cristine, finally made a clean breast of the issue.

All’s well that ends well?

Guess again.

In a brief phone chat with Funfare, Carlene said she wasn’t happy with Dennis’ “confession,” especially his admission that he did go steady with Cristine for four months and that his one mistake was not having had a “formal closure” on his five-year off-and-on romance with Carlene.

“Did he really admit that they went steady?” asked the incredulous Carlene who added that she got a mixed feeling of sadness, disappointment and an added pain after reading and hearing (on last Saturday’s Startalk) Dennis’ side.

Funfare told Carlene, “You’ve been steadies for five years. You should know him that well.”

Said Carlene, her voice as sad as Good Friday, “I thought so. Now I realized that I don’t really know him that well.”

Will Carlene keep baby Calix, the only link between them now, away from Dennis, a possibility he said he dreaded? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, November 25, 2007

Rufa Mae Quinto, marami ang nanliligaw

Inamin ni Rufa Mae Quinto na marami ang nan­liligaw sa kanya, pila-pila sila. Merong pulitiko, negosyante, artista at marami pa.

“Pero ayaw ko munang makipagrelasyon, masya­do akong maraming trabaho, baka makatu­lugan ko lang siya.

“Ayaw ko munang mag-alaga ng ibang tao, sarili ko muna. At trabaho muna ang aasikasuhin ko, pati nga pagda-dubbing kinakarir ko. Ayaw kong pagsa­bayin ang dubbing ng Desperadas at Pasukob dahil maaapektuhan ang boses ko, mawawala kapag sobrang pagod na ako. Ayun, pinalabas pang nag-walk out ako sa dubbing. At iniintriga pa ako sa mga co-stars ko. Meron kay Marian Rivera, Ruffa Gutierrez at pati kay Ara Mina.

“Pagod na ako sa lovelife ko, pahinga muna ako. June pa, six months ago na akong loveless pero, hindi ako naghahanap. Sa mga suitor ko, meron na akong napili, mabait siya pero, ayaw ko pang makipag­relasyon,” pagtatapat ni Rufa Mae.

Sa Pasukob, magkapatid sina Rufa Mae at AiAi delas Alas na magkaiba ng kapalaran, kung gaano kasuwerte si Rufa Mae, pagkamalas-malas naman ni AiAi. Palabas na ito sa Nob. 28, sa direksyon ni Wenn Deramas. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado, exclusive star na ng GMA

EXCLUSIVE star na ng GMA-7 si Iza Calzado.

Bago nga pala nagsi-mula noon ang first presscon ng newest movie ng GMA Films together with Ignite Media na Batanes, pumirma na si Iza, together with father Lito Calzado, ng isang exclusive management contract sa GMA. Included in the contract signing were Artist Center Head Ida Henares, President/CEO Atty. Felipe L. Gozon, Executive Vice President Gilberto R. Duavit, and Senior Vice President for Entertainment Wilma V. Galvante.

Long time coming ito for the commercial model who was discovered through Kung Mawawala Ka noon. Ang pagkakaa-lam namin, there is another contract signed by Iza that night, for GMA Films naman as its second exclusive star after Richard Gutierrez. Isa si Iza sa mga walang kaduda-dudang home grown ta-lent ng GMA and is now a big pride for the network.

Batanes is Iza’s fourth movie for GMA Films after Mulawin the Movie, Moment in Time and Ouija.

Opening ang Batanes this December 5. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iwa Moto buking na ‘di marunong magluto

GAME si Iwa Moto sa pagsali niya bilang celebrity challenge ng Kung Ako Ikaw sa episode ngayong Monday hanggang Wednesday na may titulong Mamamalaka.

Kasamang celebrity ni Iwa sina Alfred Vargas at Antonio Aquitania.

Panalo si Iwa sa pagkatay at paglinis ng palaka. Pero, bagsak siya sa pagluluto ng palaka sa putaheng adodo.

Sa mga kasama niyang dalawang actors, parehong takot pumatay at maglinis sina Alfred at Antonio. Awang-awa ang dalawang hunk actors.

Gulat ang mga staff ng KAI sa tapang ni Iwa na kumatay at maglinis ng palaka. Bago gawin nila ito ay namalaka muna ang grupo sa bukirin ng Magalang, Pampanga.

Tapos, magbibenta sila ng malinis na palaka sa highway.

Si Alfred ay pumunta pa sa bahay ng manager niyang si Lolit Solis sa North Fairview .

Tig-aapat na kilo ang ibibenta nila. Kapag may natira ay iluluto nila iyon at ipapakain sa staff ng KAI. Kaya dito nalaman na hindi marunong magluto si Iwa. Sobrang asim ang kanyang adobo.

Buti naman at walang anumang aberya ang nangyari kay Iwa sa set. Hindi na siya nahilo o nag-collapse.

Naka-recover na talaga siya sa kanyang major operation sa appendectomy. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marimar, hit sa YouTube

DO you know what’s the most sought-after local TV show in You Tube today on the Net? It’s “Marimar.” When it just started, it was getting 50,000 to 70,000 views or hits daily. Now that Marimar is taking her revenge on the people who abused her, it has more than doubled. Someone forwarded to us the highest posting so far. For episode 34: 107,958 views. For episode 38: 104, 804 views.

For episode 53 (Ang Pagbabalik): 180,583 views.

It’s too bad GMA-7 is not making any earnings from these exposures as they’re just being downloaded on the You Tube for free.

Also, Marian Rivera was the only main cast member who’s absent in the grand presscon of Regal’s “Bahay Kubo.” It’s not because she has become a swellhead but because she’s still busy taping “Marimar” on location. “We will just schedule another presscon for her,” says Mother Lily. “Otherwise, she’s really professional at never kaming binigyan ng sakit ng ulo. Sa pictorial nga ng ‘Desperadas’, she came from the taping of ‘Marimar’ then did a dance number sa Star Awards at pagdating dito, parang hindi napagod at very cooperative pa rin.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi asks for a vacation

Sa Kapaskuhan ay humingi ng dalawang linggong bakasyon si Yasmien Kurdi.

Balak ng young actress na dalawin ang kanyang ama at mga kamag-anak sa Lebanon.

Aware ang mga kamag-anak niya roon na kilala siyang artista rito sa atin.

Nakararating sa kanila ang mga programa nito sa GMA 7.

Dati ay napapanood pa ng ama niya sa Kuwait ang mga programa niya sa GMA 7 kaya kilala nito si JC de Vera. Ngayong nasa Lebanon na ito, hindi na siya nasubaybayan nito sa GMA Pinoy TV.

Kaya gustung-gusto ni Yasmien na madalaw ang kanyang ama at mga kamag-anak para makapagkuwento siya ng kanyang buhay-artista.

Wala kasi silang alam ng totoong takbo sa showbiz kaya kailangan niyang ipaliwanag sa mga ito na hindi sila magkasintahan ni JC, kundi magkaibigan lang at ka-loveteam lang niya ito sa programa.

Magpu-promote muna si Yasmien ng pelikulang Bahay Kubo saka siya magpapaalam para magbakasyon. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes at Carlene Aguilar meeting sa Hotel Rembrandt

Nagulat ang GMA Artists Center nang nakita nilang may TV coverage ang pagbabati nina Cristine Reyes at Carlene Aguilar noong Biyernes nang hapon sa Hotel Rembrandt.

Ang akala nila ay walang media na nakaalam sa pagkikita ng dalawa kaya nabigla ang GMA Artists Center nang nandoon ang mga taga-The Buzz na kumukuha sa pagdating ni Cristine.

Nagulantang ang mga taga-The Buzz nang magdatingan na ang iba pang mga TV crew para kunan ang pagbabating iyun.

Nagtatalak ang isang staff ng The Buzz at pinigilan ang pagkuha ng ilang TV crew dahil ang alam nila, exclusive coverage iyun.

Kumuha sila ng isang kuwarto sa Rembrandt Hotel para masolo nila ang pagtatagpo nina Cristine at Carlene.

Mabilis na kumalat ang balita kaya parang nakahinga raw nang maluwag si Cristine nang nakita niyang dumarating na ang crew ng GMA 7.

Hindi masisisi ang taga-The Buzz na magwala dahil sa kanila dapat iyun. Nagbayad sila ng kuwarto sa Rembrandt, pagkatapos, napakinabangan ng iba pang mga TV program ang pangyayari.

Nakakabaliw na ang matinding network war na ito.

Pati personal at pribadong tagpo ay pinag-aawayan na ng mga magkakalabang programa.

Si Ara Mina ay nagulat din nang nalaman niyang may TV coverage ang pagbabati nina Cristine at Carlene.

Syanga pala, iuurong na ni Cristine ang reklamong idinulog niya sa korte laban kay Carlene. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto malungkot sa pag-alis ni Billy

Aminado si Rufa Mae Quinto na dahil sa kabisihan niya sa trabaho ay wala na siyang panahon sa lovelife.

"Yes naman! I’m very proud of it. Six months na (akong walang boyfriend), pero okey lang. May ka-text naman, may ka-email, pila-pila…

"So, if I have time, nakaka-text back naman ako sa kanila. Parang dalaga! Ha! Ha! Ha!" tawa ng sexy comedienne nang matsika namin siya sa presscon ng pelikula nila ni Ai Ai de las Alas na Pasukob (na ipalalabas na sa Nobyembre 28).

Sinu-sino ba ang mga nagpapakyut sa kanya?

"Marami, may showbiz, may hindi. May singer, may artista, may taga-States, taga-Hong Kong, taga-Quezon City, may taga-Europe pa!

"Pero text and calls lang. ‘Yun na lang muna ang kaligayahan ko. Okey na ‘yon! Busy naman ako, at saka marami namang ginagawang project.

"Ito muna ang priority ko ngayon, tutal nasa States pa naman. Charing! Joke, joke, joke!" masayang bulalas ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne).

Kahit hindi niya banggitin ang name ay obvious na si Billy Crawford ang tinutukoy niyang hindi pa bumabalik mula sa Amerika.

May balitang magtatagal sa States si Billy at malamang next year na ito makauwi ng ‘Pinas.

"I’ll be there soon. Marami akong shows sa ibang bansa," sey ni P-chi.

So, magkikita sila roon ni Billy?

"Why not, di ba? We’ll see. Hindi ko pa lang siya tine-text kung pwede kaming magkita roon. Ha! Ha! Ha!"

Siguradong bongga ‘yon pag nagkita sila sa Tate ni Billy…

"Sana, di ba? Nothing is impossible. But right now, marami naman sila. Pero nakakalungkot mang isipin, palaging sa Amerika ang punta.

"Baka ito lang muna ang plano sa akin ng Diyos, ang mag-textmate-textmate na lang muna. Tingnan n’yo ang track record, laging nasa Amerika," natatawang dayalog niya pa.

Nu’ng mag-break sila ni Rudy Hatfield ay bumalik ito ng Amerika. Ang na-link sa kanya for a while na si Duncan Ramos ay nasa Amerika na rin. Maging ang dati niyang naging nobyo na si Dingdong Avanzado ay nag-migrate na rin sa Amerika.

Tapos ngayon, si Billy.

Ano bang sinasabi sa kanya ni Billy sa mga text nito? Nag-a-‘I love you’ ba ito sa kanya?

"Ay nako, siya po ang tanungin n’yo. Ha! Ha! Ha!" pa-girl na iwas ni P-chi.

Pero halatang nalungkot siya nu’ng umalis ng bansa si Billy…

"Well, of course, naging close kami nu’ng tao, so nu’ng umalis siya, parang ‘Ay, umalis na?’ Napaganu’n ka nang konti.

"Pero ngayon, positive ako, kasi maganda ang nangyayari sa kanya roon, eh! At hindi niya ako kinakalimutan. Hindi ko rin siya kinakalimutan. In fairness! Ha! Ha! Ha!"

Gusto raw sana niyang mag-Amerika sa Disyembre, pero kung hindi matutuloy ay may concert tour siya sa US sa Pebrero at Mayo 2008.

Sure ba siyang walang manunugod sa kanya at walang tatawag sa kanya sa phone at maninita sa kanya about Billy?

"Ay, hindi ko hahayaan na may gumanu’n gano’n sa akin! At ayoko pong makisukob sa isyu nila (Dennis Trillo at Carlene Aguilar)…"

So, ayaw niyang makisukob sa pag-ibig ng isang lalake?

"Right now po, ayoko talaga. At sinabi ko na sa sarili ko ‘yan before. Kasi before, muntik na! Ha! Ha! Ha!

"Gusto ko, solong-solo ko. At huwag silang mag-alala, solong-solo rin nila ako kung sinumang darating. But this year, wala muna. Maybe next year!" nakangiting sambit ni Rufa Mae. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, November 24, 2007

PMPC, binoykot ng mga bossing ng Siyete

Congrats sa lahat ng winners ng katatapos na PMPC Star Awards for TV. Kailangan yatang papaniwalain muna ng PMPC ang isang invited celebrity na “winner” ito sa isang particular award upang siguradong dumalo, at hindi maging “starless” ang supposedly ay big event para sa mga taga- telebisyon.

Kasisimula pa lamang ng programa, namataan na namin sa lobby ng teatro ang ilang Kapamilya bigwigs, headed by Cory Vidanes, na laging may ready smile sa mga dati nang kakilalang press.

Unlike before na full force ang suporta ng Kapuso Network sa PMPC, nitong nagdaang Linggo, ni isang taga-Siyeteng top gun, wala kaming namataan.

Tama ang kutob naming ang major award na Best Station ay nakuha ng ABS-CBN.

Lima ang nominees sa Best Comedy Actress, namely Maricel Soriano, Toni Gonzaga, Julia Lopez, Tiya Pusit at Pokwang.

Hindi umapir sina Marya at Toni. Ang naroroon lang ay sina Julia, Tia Pusit at Pokwang.

So, ang resulta, nag-tie sa said award sina Tiya Pusit at Pokwang. Ooops, paano na ang byuti ni Julia? Bakit ’di ginawang triple tie, tutal nag-effort din itong dumalo?

May problema, iisa lang ang trophy for BCA. Sinunggaban agad ito ni Pokwang, lalo pa’t first-timer siya sa naturang award.

Nasa kanyang pangangalaga muna ang trophy ng ilang araw, tapos, ipahihiram niya ito kay Tiya Pusit.

Mistulang big deal nga ang set-up para sa isang bobitang reporter kuno. Inintriga pa si Pokwang kung paano raw ang magiging hatian ng dalawa sa iisang trophy?

Muntik pa kaming mabuwal nang marinig namin ang tanong niya kay Pokwang, “So, ang award na pareho n’yong napanalunan ni Tiya Pusit ay Best Comedy Actress in a sitcom?”

Aray ko po! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina: I will never fall for a man because of money

ALL’S well that ends well. Admittedly, both Manny Pacquiao and Ara Mina were affected by the nasty rumor that there’s a secret romance between them. In the first place, Manny is not a DOM to shower a woman expensive gifts just to win her, while Ara swears she will never fall for a man because of money. After all, she has been in the business for a long time and has saved a lot so she could enjoy a good life.

According to Ara, the “Pambansang Kamao” who is the lead actor in the movie “Anak ng Kumander” has expressed his deep regret for whatever the rumor had caused her. She feels Manny was honest and sincere. This is showbiz, and what else is new? Rumors around stars emerge when a movie is made and they are no exception. It may serve as a gimmick for the movie, but this time, it seems the rumor went beyond what had been expected.

They were in high spirits during the presscon for their movie during the last day shoot in San Leonardo, Nueva Ecija. Manny isn’t fazed by criticisms, as long as they are not below the belt.

Meanwhile, Anak ng Kumander is an action drama which tells the story of a simple man forced to fight because of his family. Director Jose ‘Kaka’ Balagtas says Manny gave all his support from financial, time and effort to be able to come up with a relevant and worth-seeing movie for the Metro Manila Film Festival.

Meanwhile, Manny flies to Los Angeles for a business trip. He will be doing a TV commercial together with American basketball superstar, Kobe Bryant for Nike. But he will come back at once to promote “Anak ng Kumander.”

Manny is surely joining the MMFF Parade of Stars with his leading lady, Ara Mina. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cool Change: Jaya's new album

HULING narinig natin ang tinig ni Jaya noon pang 2005 sa kanyang album na Fall In Love Again.

Matapos ang dalawang taon, soul sister Jaya is back with a vengeance sa bago nitong album entitled Cool Change?

In her ninth album , Cool Change signifies the many changes Jaya has undergone in the past years.

Bagong bihis, bagong tunog at bagong label ang makikita sa 55-minute long na CD ni Jaya. From start to finish, maririnig sa awitin nito ang sensuous vocals ni Jaya.

Bagaman isang remake album, ang Cool Change ang itinuturing na strongest album ni Jaya kung “variety and texture” ang pag-uusapan.

Ang paborito at first single ng album entiled Is It Over? ay punumpuno ng emosyon tungkol sa pag-uumpisa at pagtatapos ng isang relasyon habang binigyan nito ng bagong bihis ang classical songs na Just Once at Through the Fire.

Sa album ay may duet si Jaya with good friend Regine Velasquez in Points of View. Sa On The Radio ay makikita si Jaya transforming herself to a disco/dance-pop diva ala-Donna Summer.

Kasama rin sa album ang mga kantang Girlfriend at For the First Time in her soothing, jazz-inspired vocals. Sa version ni Jaya ng Why Can’t It Be, maririnig ang mellow voice ni Jaya, with Janno Gibbs lending his vocals.

Other songs in her album include Living Inside Myself and Cody’s Song, .
Ang Cool Change ay released ng GMA Records and distributed by Paragon Music Corporation and Universal Records.

Panoorin din si Jaya in her series of nationwide mall shows sa Nov. 24
sa SM Taytay, Dec. 1 sa SM Clark, Dec. 8 sa SM Bacoor at Dec. 9 sa SM Marilao. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes at Carlene Aguilar, bati na?

Mama Salve, mabilis na kumalat kahapon ang balita na nagkabati sina Cristine Reyes at Carlene Aguilar sa Hotel Rembrandt at si Mama Cristy Fermin ang naging tulay.

O di ba, all’s well that ends well?

Natuwa kaya si Dennis Trillo sa nangyari o afraid siya na baka pagtulungan siya ng mga babae na nag-away dahil sa kanya?

Sure na ikukuwento ni Mama Cristy sa kanyang column dito sa PSN ang buod ng pangyayari. Buod daw o! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, November 23, 2007

Rufa Mae Quinto nilinaw ang walk-out issue

SA presscon ng Pasukob ng OctoArts Films, nilinaw ni Rufa Mae Quinto ang isyung pagwu-walkout niya sa dubbing ng Desperadas.

In fairness, dinenay din ni Manny Valera, supervising producer ng Regal movie, ang ginawa ng sexy comedienne.

Kuwento ni Rufa Mae: “I was there para sa dubbing ng Pasukob dahil showing na kami sa November 28. Hindi ako in-inform na may dubbing ng trailer ng Desperadas at nauna roon, galing ako sa Sis. May lunch din kami ni Direk Joyce (Bernal).

“Pinakiusapan akong mag-segue ng dubbing for Regal na hindi ko ginawa, ’di puwede ang biglaan at ’di puwedeng pagsabayin ang dubbing ng two movies at magkaiba ang characters ko.

“Kina-career ko ang dubbing, complete with emotions ’yun, wala akong boses, kaya sabi ko, babalik ako, na hindi ko rin nagawa, dahil wala na akong boses. Laging isyu sa akin ang walkout, pero sa buong buhay ko, never pa akong nag-walk-out.”

Dagdag pa ni Rufa Mae, parehong importante sa kanya ang dalawang pelikula at gusto niyang her best work ang maibigay. Ngayon lang uli sila nagkasama ni Ai-Ai de las Alas at dapat perfect ang lahat.

May premiere night ang movie sa direksyon ni Wenn Deramas sa Nov. 26 sa Cinema 6 ng SM Megamall.

Samantala, hindi itinanggi ni Rufa Mae na nainis siya kay Mo Twister sa Showbiz Central dahil pilit siyang idinarawit sa isyu nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar.

Hiningan siya ng reaction sa inamin ni Carlene sa The Buzz na tinext siya nito nang ma-link siya kay Dennis.

“Friend ko naman si Mo, pero hindi siya nag-sorry. Hindi artista si Carlene at ayokong makialam sa kanila. Kung may gulo, bahala sila sa buhay nila. Ayokong makisukob sa gulo nila dahil may sarili akong problema. I have nothing against her, ayoko lang makisawsaw.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kaso vs Carlene, posibleng iurong ni Cristine Reyes

KUNG si Manny Pacquiao, umamin na posibleng idemanda niya ang entertainment columnist na si Cristy Fermin kapag below the belt na ang mga paninira, si Ara Mina naman, sinabi na posibleng i-withdraw ng kapatid na si Cristine Reyes ang kasong grave slander/oral defamation laban sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar.

Ayon kay Ara nang makausap ng press sa last shooting day ng MMFF entry na Anak ni Kumander sa Nueva Ecija, madali namang lumambot ang puso ng nakababatang kapatid.

Wish ni Ara, makapag-usap sina Cristine at Carlene at maging magkaibigan balang araw.

Siya man daw ang tumatayong spokesperson ng sister sa ngayon, one of these days ay siguradong magsasalita rin si Cristine.

Eh, si Dennis Trillo kaya, ang lalaking nasa pagitan nina Carlene at Cristine, kailan? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kumpara kay Richard Gutierrez, Rhian Ramos mas type si Mark Herras

CRUSH pala ni DJ Mo si Rhian Ramos, at hanga naman si Rhian kay DJ Mo dahil matalino ang lalaki.

Pero, ayon sa dalawa ay magkaibigan lang sila, at inamin naman ni Rhian na among Richard Gutierrez, Mark Herras and DJ Mo, mas gusto niyang maka-date si Mark dahil mas malakas daw ang appeal nito kesa kina Richard at DJ Mo.

Kaya lang, hindi naman kaya promo lang ito dahil merong TV show na pinagsasamahan sina Rhian at Mark sa GMA-7, ang My Only Love.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto dedma kay Dennis Trillo

AYAW nang pag-usapan pa ni Rufa Mae Quinto ang isyu na diumano’y nakikisawsaw siya sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon nina Cristine Reyes, Carlene Aguilar at ang natsismis din sa kanya noon na si Dennis Trillo.

Sa presscon ng Pasukob, dedma na siyang pag-usapan ang tungkol kay Dennis. “Naku, ayoko nang pag-usapan ‘yan. Iba na lang. Ayoko nang masabihang nakikisawsaw,” pahayag agad ni Rufa Mae.

Ayaw na ring mag-elaborate pa ni Rufa Mae tungkol sa naging relasyon nila noon ni Dennis.

“Matagal na ‘yon, eh. Pag-usapan na lang natin ang pelikula ko. Ha-ha-ha!” pag-iwas pa niya.

Walang lovelife ngayon si Rufa Mae. Pero hindi raw naman siya malungkot.

“Marami naman akong friends. Masaya naman ako pag kasama ko sila. Tsaka parang ayoko muna ulit magkaroon ng commitment. Nakakapagod, eh,” pahayag pa niya.

Dedma rin si Rufa Mae sa isyung may relasyon sila ni Billy Crawford.

“Friends lang kami talaga. Kahit pa tanungin n’yo siya. Kung nakikita man kami ng mga tao na lumalabas, group date ‘yon. Marami kaming kasama,” depensa pa niya.

Samantala, umaasa si Rufa Mae na magiging box-office hit din ang Pasukob pagkatapos maging blockbuster ng Apat Dapat, Dapat Apat. Malaking factor nga naman na kasama niya this time ang comedy concert queen na si Ai Ai delas Alas. Plus the fact na si Direk Wenn Deramas din na wala pang flop na pelikula ang direktor nila.

Well, let’s see kung matatalbugan ng Pasukob ng OctoArts Films ang Apat Dapat kapag ipinalabas na ito sa Nov. 28.

Kasama nga rin pala sa Pasukob sina Antonio Aquitania, DJ Durano, Allan K, Rhap Salazar, Paul Salas, Joshua Cadelina and with the special participation of Eugene Domingo na according to Direk Wenn ay kanyang lucky charm, Debra Liz, Chokoleit, John Lapus at mga PBB housemate na sina Nel, Bodie at Robert.

Napuno ni Ai Ai ang Araneta sa kanyang latest concert kaya marami ang nag-i-expect na papatok din sa takilya ang movie nila ni Rufa Mae.

Well, sana nga!
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jopay, naanakan ni Bong?

Kinumusta namin si Ms. Lani Mercado nang maki-table siya sa amin.

Napag-usapan namin ang exclusive interview nila ni Sen. Bong sa December 2007 issue ng YES! magazine.

Natawa kami sa pabirong initial reaction ni Ms. Lani nang tanungin namin siya tungkol sa naturang interview. Nu’ng magseryoso na siya ay nasabi niya sa aming may kopya sila ng bagong isyu ng YES! magazine sa bahay nila at medyo nag-aalala siya sa tatlong nakababatang anak niya ‘pag nabasa ito.

Inamin niya sa amin na may isang partikular na item sa article na ‘yon na sinulat ng YES! editor na si Ms. Jo-Ann Maglipon na hindi alam ng kanyang mga anak, at ‘yun ang kanyang inaalala.

Sina Bryan, Jolo at Inah ay alam na raw ang bagay na ‘yon at naiintindihan na ng mga ito, pero ‘yung tatlong mas bagets na sina Gianna, Loudette at Ram ay walang kaaalam-alam tungkol dito.

Dayalog sa amin ni Ms. Lani, ‘pag nabasa ‘yon ng mga bagets at nagtanong ang mga ito tungkol doon ay kakausapin niya ang mga bata pero ang pauupuin niya at hahayaang magpaliwanag ng lahat-lahat sa mga bata ay si Sen. Bong.

Kahit tumanggi si Ms. Lani na sabihin sa amin kung ano ‘yung isang item na ‘yon na tinutukoy niya, obviously ay ito ‘yung bahagi ng article na nabanggit ni Ms. Jo-Ann na ang dating beauty queen na si Josephine ‘Jopay’ Canonizado (aka Josephine Ortiz) ‘yung bagong babae na nagkaroon ng anak si Bong.

Matagal nang bina-blind item ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang broadsheet column ang tungkol sa relasyon at pagkakaroon ng anak nina Bong at Jopay, pero ngayon ay deretsahan na itong pinangalanan at pinag-usapan sa nasabing magasin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, November 21, 2007

Andrew Schimmer, a changed man

Andrew Schimmer is a changed man. He has completely turned his back on vices like alcohol and smoking, knowing they only make his life a living hell.

Didn’t the former teen star shy away from showbiz after the vehicle he was driving hit a man in a convenience store and struck him dead on the spot? Andrew hangs his head and recalls that he drank one too many that fateful day in 2004. But now, he has put that, and all things bad behind him to turn over a new leaf.

He didn’t go through cold sweats and withdrawal symptoms when he quit smoking just like that. The 21-year-old talent discovered by Douglas Quijano also avoids alcohol like the plague.

The guy may have 14 tattoos all over his well-sculpted body, but don’t let those intricate designs on his arms, elbows, legs, etc. fool you. He means no harm.

“I’m going straight now,” Andrew relates.

In fact, he subscribes to a healthy lifestyle. Months of gym work at Slimmers World have given him such a to-die-for body, it qualified Andrew to compete in the fitness center’s Mr. and Ms. Great Bodies grand finals on Dec. 1.

Andrew is again displaying those packed abs and well-toned physique, this time on the big screen, as Cristine Reyes’ leading man in her launching movie, Green Paradise. As the Manila-based guy Cristine’s provincial lass character falls in love with, Andrew figures in two love scenes with Ara Mina’s sister.

No, Andrew says. He didn’t entertain thoughts of mischief while he shot those intimate scenes with Cristine beside a waterfall and inside a room. Cristine, he explains, is like a sister to him. He just remembered how good a friend Ara has been to him since way back and whatever naughty thoughts he had vanished into thin air.

Andrew may have the words “Every moment is another chance” tattooed on his legs. But this doesn’t mean he will grab this chance to overstep the boundaries of decency with his leading lady.

Other designs and words tattooed all over him do give us a glimpse of Andrew’s personality, though. One of them, inscribed on his upper arm, shows a crucifix surrounded by 24 beads. The crucifix needs no explanation. The 24 beads do. Andrew says they stand for the 24 members of his family — nuclear and extended.

The 5’10”-tall hunk may have a foreigner’s looks, physique and family name. But he’s turning out to be a Filipino at heart in his love for the family, which includes, aunts, uncles, cousins, nephews, etc.

And how else will you explain the tattoos that say “Laugh now, cry later” on one elbow and “Cry now, laugh later” on the other? A belief in delayed gratification, or waiting patiently until your efforts finally pay off?

This is the same guy, after all, who silently bore six hours of pain while the artist worked on a single intricate tattoo on his body. The smaller ones, Andrew says, take 30 minutes — a short time compared to the hours he must endure for bigger tattoos.

But the fact still remains: Andrew doesn’t mind enduring hours of pain to see those tattoos that make him happy applied all over his body. Andrew explains he just loves to see various designs. And having them all over him answers this hunger in him.

What other proof of delayed gratification and sheer will power can you get? It’s the same will power that has made Andrew dump his vices just like that. And it’s the same will power he is now summoning to catch the public’s attention to him as an actor.

Andrew may reject a frontal nudity scene outright, but he doesn’t mind being tagged a sexy actor because of Green Paradise.

“We already have so many dramatic actors,” he observes. “So it’s very hard to get noticed in this area these days.”

Besides, sexy actors also get to co-star with the best of the lot, like Joel Torre, Andrew’s fellow cast member in Green Paradise (the others are Rio Locsin, Kris Martinez, Charee Pineda, Jiro Manio and Juan Rodrigo).

“I learned a lot from Joel,” gushes Andrew. “He taught me how to maximize the use of my eyes, how to use them to speak volumes.” No words need be said. The eyes do all the acting.

Okay, next lesson, please. This eager student of acting — and life — is all eyes and ears. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pagkatsugi sa Dos, halos ikamatay ni Mel

Naintriga kasi ang mga ito sa sinambit na, “Serbisyong totoo lang at wala kaming kinikilingan” habang tinatanggap ang karangalan.

Inisip ng mga reporter na may pinatatamaan si Mel dahil halos magkakatabi lang sila ng upuan ng executives ng Dos, isa na rito si Charo Santos-Concio, na pinagkalooban naman ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

“No!” tili ni Mel. “Sinabi ko ’yun bilang pasasalamat sa GMA-7 na nagbigay sa akin ng pagkakataon matapos akong mawala sa Dos.

“Gusto ko kasing ipaabot sa Siyete ang taos-puso kong pasasalamat sa pagkanlong nila sa akin. Kayo talaga.

“Kayong mga nagsusulat sa tabloid o broadsheet, dapat nating mahalin ang ating trabaho. Magsulat ng totoo lamang at hindi ’yung gumagawa ng istoryang hindi naman totoo,” say pa ni Mel.

Sa pakikipagtsikahan namin sa kanya, naungkat ang tunay na damdamin niya nu’ng tanggalin sa ABS-CBN.

Nakalimutan na ba niya ito o hanggang ngayo’y masama pa rin ang loob niya?

“Aaminin kong nasaktan ako. Mahirap kalimutan ang nangyari sa akin. Nagkasakit ako. Inatake sa puso. Muntik ko na siyang ikamatay,” pagtatapat ni Mel.

“Nandito (sabay turo sa dibdib) pa rin ’yun. Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA-7. Kung hindi nila ako binigyan ng pagkakataon, wala na ako sa harap n’yo ngayon, at sa mga taong naniniwala pa rin sa akin.”

* * *
KAY Mel pa rin… gusto lang po naming klaruhin ang lumabas na item dito sa Hot Shots na Mel, tanggap ang pagkatsugi ng MKM.

Hindi po masaya si Mel na matsutsugi na ang drama anthology na napapanood every Thursday sa GMA-7.

Ang punto lang ng associate producer niyang si Jojo Aleta, kung totoong mawawala na ang MKM, ’di sila masasaktan dahil may napatunayan na sila sa loob ng limang taong pamamayagpag sa television.

Ang MKM lang ang nakapagpatumba sa walang tumatalong show ni Charo na Maalaala Mo Kaya.

Ikalawa, wala na silang dapat patunayan pa dahil naabot na nila ang gustong ma-achieve. At ikatlo, marami pa silang nakalinyang istorya para sa MKM, na aabot hanggang December. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto: Saka na ang love, career muna

RUFA MAE Quinto may be experiencing the best in her career so far, but this doesn’t make her ungrateful.

“Kapag iniisip ko ang mga blessing ko sa buhay, lalo na sa career, I can’t help but be thankful, kasi subra-sobra naman talaga ang ibinibigay ni God sa akin. Imagine, ibang level na ang na-achieve ko, ’di ba, compared to when I was just starting and nobody was minding me,” she said.

Rufa Mae is in the thick of promotions for her new movie, Pasukob, opposite Ai-Ai de las Alas under OctoArts Films.

In the film, she reunites with good friend and director Wenn Deramas.

Rufa and Wenn just came from the blockbuster Apat Dapat, Dapat Apat and Pasukob is a fitting follow-up to the spiced-up comedy flick with a touch of horror and spoof.

“I am thankful to my producer, Boss Orly Ilacad. He has been entrusting me with projects all these years and he doesn’t get tired of getting me. Sobrang nakatataba ng puso when producers trust you this much. Sana naman blockbuster ulit ang movie na ito,” she said.

Rufa’s career on television is similarly on an upswing. Her home network, GMA-7, has given her a game show, Whammy: Push Your Luck, with Paolo Bediones.

So far, she loves the thrill and is happy to do it although she admits being intimidated by Paolo at first.

On top of Whammy, TV work has been good to Rufa. She is also regularly seen on SOP every Sunday, Bubble Gang every Friday and Showbiz Central on Sundays.

But Rufa admits that her personal life is not at all that perfect.

“Ganu’n talaga ang buhay, ’di ba? But I have been learning a lot from my experiences. My friends have also been teaching me that when I love, I should truly and completely give my heart. Kasi I always love with reservations. I’m so scared to be hurt again. Kaya siguro lagi na lang failure ang mga relationship ko. Next time, I should do it differently,” she said.

At the moment, though, the comedienne is not ready for another serious relationship.

“Hayaan muna natin na ganito. Date-date na lang, walang serious commitment. Saka na ang love, career muna. At least, my career has never disappointed me,” she concludes.

Pasukob starts showing on Nov. 28. Others in the cast are Allan K, DJ Durano and Antonio Aquitania. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Angelika dela Cruz, balik GMA

KUNG matutuloy, today ang shoot ni Angelika dela Cruz for the 2008 primetime plug ng GMA.

Magkakaroon ng special 2008 primetime plug ang GMA na exclusively ipapapalabas sa mga sinehan this December in time for the MMFF 2007.

Kasali siya meaning tuloy na nga ang paglipat niya or rather pagbabalik niya sa Kapuso Network kahit may afternoon soap pa siya with ABS-CBN, the one with Kristine Hermosa.

Nakipag-usap na raw last Monday ang kanyang ama who acts as her manager with ABS. Hindi na raw kasi ito pipirma ng long term contract with Kapamilya dahil babalik na nga ito sa GMA.

Kahapon naman, may taping pa siya for her afternoon soap na hindi niya rin alam kung paano mai-extend dahil nagpasabi na pala siya noon pa man. If she arrives for the shoot today, clear na ang usapan.

Kung wala siya, iisa rin ang ibig sabihin nito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

TV ratings

Mataas ang pagsisimula ng Kamandag (ni Richard Gutierrez) nu’ng Lunes. Ang Marimar (ni Marian Rivera) na naurong ang timeslot ay consistent na mataas.

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Nobyembre 19):

SiS 10.8% vs. Boy and Kris 8.7%;

Takeshi’s Castle 14.6% vs. Game Ka Na Ba 17.3%;

Eat Bulaga 21.6% vs. Wowowee 18.1%;

Daisy Siete 21.6% at Pasan Ko ang Daigdig 17.6% vs. Prinsesa ng Banyera 10.1%;

My Only Love 16% vs. Pinoy Movie Hits 13.2%;

Couple or Trouble 16.1% at Whammy 24.3% vs. Deal or No Deal 21.6%;

24 Oras 34.5% vs. TV Patrol 26.5%;

Zaido 36.7% vs. Princess Sarah 23.6%;

Kamandag 42.7% vs. Pangarap na Bituin 23% at Lastikman 20.6%;

Marimar 43.3% vs. Pinoy Big Brother 20.8%;

La Vendetta 28.8% vs. Ysabella 15.9%;

Hwang Jini 22.4% at Kung Ako Ikaw 14.4% vs. Bandila 9.6%.

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Angel Locsin pinuri ni Maxene Magalona

Si Maxene Magalona ang original choice ng GMA para gumanap sa papel noon ni Alwina, ang katambal ni Richard Gutierrez sa telefantasyang Mulawin.

Mas pinili ni Maxene ang mag-aral ng kolehiyo sa Ateneo kaya hindi niya tinanggap ang nasabing proyekto kung saan unang napansin at nakilala ang pumalit sa kanya na si Angel Locsin.

Nanghihinayang ba siya sa pagtanggi niya noon sa Mulawin?

"No, wala akong panghihinayang," sagot ng magandang dalaga nina Francis Magalona at Pia Arroyo, na nagbabalik-showbiz sa ‘ahaseryeng’ Kamandag ng GMA.

"Actually, I wrote this in my blog already, na sinabi ko na, ‘Oo, dapat sa akin originally ‘yung Alwina.’ But I don’t have any regrets because at that time, I was supposed to enter college pa lang.

"Kung tinanggap ko ’yung Mulawin, hindi ako magka-college. And at that time, close na close kami ni Angel and she was telling me na, ‘Mare, gusto ko talagang magganito, magganyan…’

"And I saw it in her, the passion. So, parang naisip ko na bakit sa akin mapupunta ‘yung project eh, siya ‘yung talagang may gusto? So, sinadyest ko siya kina Ma’am Redgie (Acuña-Magno, Program Manager ng Mulawin).

"Sabi ko, ‘Ma’am Redgie, sorry. I really want this, pero ibigay n’yo na lang po sa iba, like kay Angel po.’ So, nag-suggest ako na si Angel…

"And right now, I don’t regret it. Kasi, eto, patapos na ako (ng college) at siya, nakuha niya ‘yung gusto niya na gusto niyang mag-soar, gusto niyang mag-try ng new things," sey ni Maxene, na mukha pa ring 18 y/o kahit ang totoo ay 21-anyos na siya.

So, naniniwala siyang para kay Angel talaga ‘yon at hindi para sa kanya?

"Feeling ko, meant ‘yon for her and feeling ko, kahit na tinanggap ko ‘yung Mulawin, hindi mawawalan ng career si Angel. Kasi, ‘yung sa Mulawin, that was all her, eh! It’s not because of me.

"I mean, pinaghirapan niya ‘yon at masipag talaga si Angel, let’s not deny that. She’s very good. At kahit ano pang mangyari, she’s really gonna work her way to the top. Kaya wala akong regrets.

"Kasi, ang naisip ko rin, ang daddy ko po, artista. I’m not taking this showbiz career for granted, but I’m just saying na kahit na nag-lay low muna ako for a while, alam kong matatanggap pa rin ako because of my dad, dahil showbiz family kami.

"Eh, ‘yung ibang mga artista, wala silang gano’n, di ba? So, at least, thankful din ako. So, we all got what we wanted," paliwanag ng articulate na young actress.

Konting units lang ang kinukuha ni Maxene sa Ateneo at hindi siya nagsa-summer classes kaya one year to go pa siya bago gumradweyt.

Dahil 4th year na siya ay kaya na raw niyang bigyan ng panahon ang showbiz.

At kung dati ay wala siyang focus at parang wala lang sa loob niya ang pag-aartista, this time ay seryoso na raw siya sa showbiz career niya.

"Iba na ngayon. Kasi, at that time, I was 17. Now, I’m mature na. Definitely, I’m more dedicated and I’m happy na at least, malapit na akong magtapos and at the same time, nagagawa ko ‘to. So, this is it!

"Kaya nga I’m just so thankful na at least, tinatanggap pa rin ako ng showbiz ulit. And ‘yung mga tao, at least, hindi nila ako nakalimutan.

"Nababasa ko sa mga internet forum na lahat sila parang, ‘We’re so happy she’s back!’ I’m so glad. And siyempre, I owe it also to my showbiz family, lalo na sa dad ko. Kasi honestly, kung wala sila, feeling ko talaga, mawawala na rin ako," pahayag pa ni Maxene, na gumaganap bilang si Lily, ang kababata ng bidang si Vergel (Richard Gutierrez) na may lihim na pag-ibig sa binata sa Kamandag, na nagtala ng 42.7% overnight rating nang mag-pilot ito nu’ng Lunes.

Handa na ba siyang kabugin ang mga itinuturing na prinsesa ng GMA?

"Alam n’yo, kahit tinatanggap ulit ako ng Filipino audience, kahit na sinasabi nilang excited sila to see me, actually to be honest, I’m very nervous.

"Alam mo ‘yung pressure na, ‘Eto ka na naman, nagbabalik ka, ano’ng kaya mong ipakita sa amin?’ Parang natatakot ako, pero at the same time, I’m gonna do my best.

"Sana lang, hindi sila ma-disappoint. Sana, magustuhan nila. And even if I’m nervous, I’m excited. Kasi, eto na talaga, eh! It’s the right time. Feeling ko, it’s meant to be, kaya I’m so blessed," sambit pa ni Maxene. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, November 20, 2007

Marimar spoiler?

Nakausap namin si Dingdong Dantes habang naghihintay isalang sa SOP. Nagbigay ito ng spoiler sa mangyayari sa Marimar this week.

May susunod pang malaking rebelasyon at may kasalang magaganap. Sinabi niya kung sino, pero hindi namin isinulat para ’di ma-preempt.

Sabi niya, tuluy-tuloy ang taping nila at kung ano ang sinu-shoot, umiere agad.

Nagbiro itong bawal sa kanila ang magkasakit at kung puwede lang, hindi na sila umuwi sa location para non-stop ang taping ni Direk Joyce Bernal.

Sulit naman ang pagod at hirap nila dahil last Friday, nakakuha ng 49.5 percent rating ang Marimar at tataas pa sa mga susunod na araw.

Gaya today, naghanda ng special dinner si Sergio para kay Marimar, pero sisirain ni Angelika (Katrina Halili) by saying fake ang kasal nila, sinampal tuloy siya ni Marimar.

Si Renato (Richard Gomez) nama’y comatose na.

Pinag-react namin si Dingdong na mauuna pang magtatambal sa pelikula sina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Sabi niya: “Interesting combination na makita sila, dahil never pa silang nagkapareha. I’m looking forward na magkasama rin kami sa movie ni Marian.”

Samantala, may fans’ day si Dingdong sa SM Taytay sa November 25. Go kayo at baka may surprise guests siya from Marimar. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ken Chu walang star complex

NOTHING but praises para sa Asian superstar na si Ken Chu ang mga direktor at co-star niya sa GMA Films at Ignite Media joint venture na Batanes.

Ayon kina Direk Adolf Alix Jr. at Dave Hukom, nu’ng una’y hindi nila alam kung paano iha-handle si Ken considering his stature bilang sikat na miyembro ng grupong F4 ng Meteor Garden.

Pero, laking gulat nila nang ma-realize na down to earth ito’t walang star complex habang nagsu-shoot.

Tahimik daw ito most of the time, pero matamang nakikinig at sumusunod sa instructions at nagpakita pa ng concern nang muntik silang gahulin sa oras ng pagtatrabaho.

Maging ang 12-hour work per day na kondisyones ng management outfit nito’y hindi nasunod, pero nanatili pa ring supportive sa fellow workers.

First week of December nakatakdang bumalik ng ’Pinas ang aktor para tumulong sa promo ng Batanes kasama ang leading lady na si Iza Calzado.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Janno Gibbs na-late sa SOP di isinalang

Nakihanap kami sa fans kay Janno Gibbs sa SOP noong Sunday, dahil hanggang natapos ang show ay ‘di siya napanood.

Ang hindi alam ng audience, dumating ang singer-actor-TV host, pero nag-walkout dahil hindi nasama sa opening number.

Late raw dumating si Janno at inisip siguro ng staff na wala pa ito sa UP Theater, kaya hindi na hinanap at ‘di nakasama sa opening number.

Hinanap uli siya sa OJ portion ng show na sila ni Ogie Alcasid ang kumakanta at dahil wala siya, si Regine Velasquez ang pumalit at nagkamali pa. Si Janno ang gumagawa ng kanta sa portion na ito’t mabuti’t hindi dinala ang kopya nang umalis ng UP Theater.

Abangan sa Linggo kung darating siya at kung ano ang sasabihin sa hindi niya paglabas sa SOP.

Si MTRCB Chairperson Consoliza Laguardia pa naman ang bisita sa nasabing portion. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

TV Ratings

Overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2:

BIYERNES (Nobyembre 16)

SiS 12.9% vs. Boy and Kris 7.6%;

Takeshi’s Castle 16% vs. Game Ka Na Ba 16.1%;

Eat Bulaga 24.1% vs. Wowowee 18.2%;

Daisy Siyete 26.9% at Pasan Ko ang Daigdig 21.2% vs. Prinsesa ng Banyera 14.3%;

My Only Love 15.7% vs. Pinoy Movie Hits 11.5%;

Couple or Trouble 14.4% at Whammy 22.4% vs. Deal or No Deal 16.6%;

24 Oras 30.9% vs. TV Patrol 23.5%;

Zaido 37.9% vs. Princess Sarah 23.3%;

Pangarap na Bituin 21.4% at Marimar 49.5% vs. Lastikman 19.8% at Pinoy Big Brother 19.8%;

La Vendetta 36% vs. Ysabella 18.7%;

Hwang Jini 27.6% vs. Maalaala Mo Kaya 15.9%;

Bubble Gang 16.9% vs. Bandila 8.4%.

SABADO (Nobyembre 17):

Takeshi’s Castle 16.7% vs. Game Ka Na Ba 13.2%;

Eat Bulaga 28.2% vs. Wowowee 17%;

Startalk 16% vs. Entertainment Live 11.4%;

Wish Ko Lang 24.4% vs. Cinema FPJ 14.1% at Super Inggo 15.1%;

Bagsik ng Kamandag 29% at Kakasa Ka Ba 33.1% vs. 1 vs.100 20.7% at TV Patrol 19.8%;

Bitoy’s Funniest Video 35.3% vs. Pinoy Big Brother 21.4%;

Kapuso Mo Jessica Soho 28.3% vs. XXX 14.8%;

Imbestigador 22.4% vs. Pinoy Mano Mano 7.8%;

Nuts Entertainment 12.1% vs. Sports Unlimited 2.6%.

LINGGO (Nobyembre 18):

Kay Susan Tayo 12.7% vs. Pinoy Mano Mano 6.6%;

Takeshi’s Castle 14.4% vs. Ka Pete Na 7.7%;

SOP 15.4% vs. ASAP 13.9% at Your Song 8.7%;

Boys Nxt Door 9.5% vs. Love Spell 8.7%;

Showbiz Central 13.4% vs. The Buzz 13.4%;

Kap’s Amazing Stories 29.4% vs. TV Patrol 18%;

Tok Tok Tok 26.9% vs. Rated K 22.4%;

Mel and Joey 24.9% vs. Goin’ Bulilit 22.2% at Sharon 16.5%;

All Star K 15.7% vs. That’s My Doc 14.2%;

Fulhaus 14.4% vs. Pinoy Big Brother 16.9%;

Sunday’s Night’s Box Office 10% vs. Sunday’s Best 5.9%.

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae, nahihiya kay Dennis Trillo

Ang pagkakaalam namin, sa Enero 1 showing pa ang Desperadas pero baka sa Disyembre 25 na raw ito dahil hindi pa natatapos ang Bahay Kubo ng Regal, kaya baka pagpalitin na lang, ayon kay Mother Lily.

Pagdating namin sa Valencia office ng Regal noong Linggo, paalis na si Iza Calzado dahil hahabol pa raw ito sa Star Awards.

Nahuli ng dating si Marian Rivera dahil siya ang opening number ng Star Awards.

Mukhang okay sila nina Ruffa Gutierrez lalo na si Rufa Mae Quinto, pero hindi niya kinaya sa patalbugan ng damit at accessories sina Ruffa at Rufa Mae.

Hindi na ipinagtataka ni Marian na maintriga sila ni Rufa Mae dahil nakasanayan na raw niyang naiintriga siya sa co-stars niya kaya hindi na lang daw nila ito pinapansin.

Mas kampante sa isa’t isa sina Ruffa at Rufa Mae kaya nakakaaliw na magtabi sila sa interview ng Startalk na kunwari ini-interview ni Ruffa (ng The Buzz) si Rufa Mae (ng Showbiz Central).

Napag-usapan ang tungkol kay Dennis Trillo at nilinaw ni Rufa Mae na umiiwas na siyang ma-in love sa taong may sabit.

Naungkat kasi ang tungkol sa kanila noon ni Dennis dahil may karanasan din daw ito ng pangugumprota ni Carlene Aguilar.

Hindi na dinetalye iyun ni Rufa Mae dahil ayaw na raw niyang makisawsaw sa isyu nina Dennis, Carlene at Cristine Reyes.

Nakahihiya raw kay Dennis at Cristine na bugbog na bugbog na sa intriga.

Matagal na raw ang sa kanila ni Carlene kaya ayaw na raw niyang ibalik pa iyun.

Dagdag pa ni Rufa Mae, kapag alam niyang may sabit na ang lalaking nali-link sa kanya, iiwas na siya at ayaw niyang matalakan ng asawa o kung sino man ang nakarelasyon ng lalaki.

"Nangyari na ba iyan sa ‘yo before?" tanong ni Ruffa kay Rufa Mae.

Hindi na ito nasagot ni Rufa Mae dahil pareho na silang nagtawanan na obvious ang dahilan.

Ang dinig namin, pati si Angel Locsin na na-link din noon kay Dennis ay tinawagan din noon ni Carlene para kumpirmahin kung totoo ang isyu sa kanila.

Kaya mukhang matapang at may pagkagerera si Carlene para lang maipaglaban ang relasyon nila ni Dennis.

Pagkatapos magsalita ni Carlene sa The Buzz, si Dennis na lang ang dapat na magsalita para malinaw na ang lahat.

Ang dinig namin, nahihirapan si Dennis na sabihin ang lahat ng katotohanan dahil ayaw niyang masaktan si Carlene na ina ng kanyang anak.

Pero ayon sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo, pag-uusapan nila ni Dennis kung magsasalita na ba ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, November 19, 2007

Dennis Trillo, di napanindigan si Cristine — Ara Mina

MAG-GIVE in kaya sa pressure ang aktor na si Dennis Trillo ngayong nagsalita na ang dalawa sa tatlong babaing sangkot sa mainit na kontrobersyang kinapapalooban niya?

Pareho nang nagpa-interview kahapon sina Ara Mina, nakatatandang kapatid ni Cristine, at Carlene Aguilar, ina naman ng panganay ni Dennis na si Calix Andreas, sa Showbiz Central at The Buzz, respectively.

Dahil nga first time nagsalita mula nang pumutok ang “bulong” at panunugod issue sa pagitan nila ni Cristine, naging revealing ang panayam ni Carlene sa The Buzz, dahil inamin niyang choice nila ni Dennis ang pagtatagong ginawa niya sa Amerika para protektahan ang career ng actor.

Wala rin daw sa plano ang naging pagbubuntis niya.

Inamin din ni Carlene limang taon ang naging relasyon nila mula 2002, na bigla lamang lumabo at pinipilit sanang ayusin nang umentra si Cristine.

Nalulungkot daw si Carlene dahil hindi niya akalaing ang isang bagay o usaping dapat sana’y sa kanilang tatlo lang nina Dennis at Cristine ay sumabog at pinagpistahan pa ng media.

Ang reaksyon niya sa ginawang paglalabas ni Cristine ng mga diumano’y masasamang text message niya ay “sana, ilabas na nila ang lahat-lahat.”

In fairness daw to Dennis, nag-apologize naman ito sa kanya at sa kanyang pamilya matapos ang “engkuwentro” nila ni Cristine at ang pagsasampa nito ng kasong grave slander at oral defamation laban sa kanya.

Okay na raw sa kanya ’yon, although minsan, feeling niya’y wala ngang nagtatanggol sa kanya.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung mahal pa niya si Dennis at kung handa pa siyang ipaglaban ito, sagot ni Carlene, “Enough na and he knows that.”

Ginawa na raw niya ang lahat para protektahan ang career ni Dennis. Ngayon, ginawa rin niya ang mga ginawa niya para ipaglaban ang karapatan ni Calix na magkaroon ng isang buong pamilya.

Kaya, pakiusap niya kay Dennis, mahalin ang anak nila at maging good example sa bata.

As for Ara, sinabi nitong naiintindihan niya ang isang inang tulad ni Carlene. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paraang ginamit nito sa pakikiharap kay Cristine.

Nilinaw din niya na binigyan ni Cristine ng time sina Dennis at Carlene na ayusin ang kung anumang dapat nilang ayusin, dahil nagkakausap naman daw ang dalawang babae nu’ng nasa Tate pa ang beauty queen.

Kulang na lang aminin ni Ara na mag-boyfriend na nga sina Dennis at Cristine nang sabihin sa pagkakaalam niya’y nagkakaunawaan na ang dalawa. [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites