<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 31, 2007

Partnership nina Richard at Marian ‘di na dapat pahulaan

‘Katuwa ang GMA Films at late na ang promo na pinahuhulaan ang leading lady ni Richard Gutierrez sa Valentine’s movie na A Very Special Love. Pinapipili pa nila ang sasali sa contest kung sino kina Iza Calzado, Nadine Samonte, Ehra Madrigal, Maxene Magalona, Jewel Mische at Marian Rivera ang kapareha ng actor.

Susme, eh, sinasabi na nina Richard at Marian sa kanilang mga interview na sila ang magka-pareha sa movie na co-produce ng GMA Films at Regal Entertainment at showing sa February 13, 2006. Noon pa rin ibinalita ni Direk Mark Reyes na ang dalawa ang bida sa dinidirek niyang pelikula, so, wala ng suspense.

In fairness, first few days pa lang ng shooting, kinakitaan na agad ng chemisty sina Richard at Marian. Marami na nga ang naghihintay na mapanood sila sa pelikula na romance at feel good movie. Knowing direk Mark, pipili ito ng mga songs na babagay sa kanyang mga bida at sa mood ng pelikula.

Kung sina Richard at Marian nga ang magsasama sa Captain Barbell Meets Darna, aba’y magandang pre-publicity ang movie nilang A Very Special Love. Late 2008 pa raw gagawin ang pagkikita nina Captain Barbell at Darna, dahil may isa pang project ang actor at si Marian nama’y, tatapusin pa ang Marimar.

Samantala, happy si Marian sa good review sa kanya sa Desperadas. Hindi siya nagpahuli sa acting kina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza na in fairness, mas nauna at mas marami nang nagawang pelikula kesa sa kanya. Showing na bukas ang movie sa direksyon ni Joel Lamangan at graded B ng CEB.

Sa mga nag-aabang ng Marimar, this Monday, mag-i-effort si Angelika (Katrina Halili) na kilalaning kapatid ni Marimar at matutulog siya sa gate ng bahay nito. Ipapakulong siya ni Marimar sa kalaunan.

May nagpadala ng gift kay Marimar na ang laman ay patay na ibon at death threat, pero hindi sure si Sergio (Dingdong Dantes) kung gawa ‘yun ni Angelika o ni Rodolfo Santajinez (Marvin Agustin) na tumakas sa kulungan. Muling magkikita sina Marimar at Padre Porres (Buboy Garovillo). [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pictures nina Ara at Pacquiao, hinarang daw ni Jinkee

In-email sa amin ni Leo Bukas (publicist ni Ara Mina) ang ilang litrato sa pictorial nina Ara at Manny Pacquiao para sa publicity ng pelikulang Anak ng Kumander.

“According to my source, ayaw raw ipagamit ni Jinkee [Pacquiao] sa promo ng movie [ang mga litrato]. Bakit kaya? Find out why,” sey ni Leo sa email.

Nu’ng mag-presscon ang Anak Ng Kumander, still photos (mga eksena sa pelikula) ang ipinamigay ng GMA 7.

“Ang gaganda ng pictures nina Manny at Ara. Para silang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na sweet na sweet,” pahayag umano ng isang malapit kay Ara.

Mag-react kaya si Jinkee kapag nakita niya ang mga litratong ito sa iba’t ibang dyaryo? [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Carlene Aguilar at Dennis Trillo updates

Muling uminit ang hidwaan nina Carlene Aguilar at Dennis Trillo nang ma-interview ng Startalk via phone patch si Carlene nu’ng Sabado, na sinagot kaagad ni Dennis.

Sa interbyung iyun ay sinabi ni Carlene na wala siyang nakikitang effort mula kay Dennis na dalawin o kumustahin ang kanilang anak.

Sa pagkakaalala ni Carlene, four or five times nadalaw ni Dennis ang kanilang anak at nu’ng Pasko ay hindi dumalaw ang aktor.

Ang driver lamang ng aktor ang pinapunta para ipadala ang regalo kay Baby Calix.

Pagkatapos ng phone patch interview ni Butch kay Carlene, si Dennis ang sumagot at sinabi niyang hindi niya madalas na nadadalaw si Baby Calix dahil hanggang gate lang daw siya sa bahay ni Carlene.

Nag-email sa akin si Carlene ng sagot niya sa huling interview ni Dennis. Nilinaw ni Carlene na hindi siya nagpa-interview sa Startalk para siraan ang aktor.

Nagsabi lang daw siya ng totoo na hindi ganun kadalas ang pagdalaw ni Dennis sa kanilang anak.

Hindi raw ganu’n katiyak si Carlene sa sagot niya sa Startalk kung ilang beses dumalaw, pero pagkatapos daw niyang natsek sa kanyang record kung gaano kadalas dumalaw si Dennis sa kanyang anak, nalaman niyang sa loob ng 65 days magmula nang dumating silang mag-ina galing Amerika, sampung beses pa lang daw sila nadalaw ni Dennis.

Ang sinabi raw ni Dennis na naghintay siya sa gate ay minsan lang daw nangyari iyun, noong December 16 kung saan kinuha daw nito ang driver’s license niya na iniwan ni Carlene sa may guard.

Wala raw ang magulang niya nung dumating si Dennis kaya walang order na papasukin ang aktor. Naghintay raw ito nang ilang minuto sa labas.

Nung araw ring iyun ay iniwan ni Dennis ang regalo sa bata at ang sinasabing sustento nito monthly.

"Guess po how much? Five thousand pesos! Nalaman niya kasi na ‘yan daw ang amount na ibinibigay ng isang aktor sa mga pamilya niya, eh mas mahal pa dun ‘yung suweldo ng yaya ni Calix, so, pag-uwi ng parents ko, naawa kay Dennis na baka mas kailangan pa niya iyung pera dahil marami siyang sinusuportahan kaya ibinalik kaagad sa condo niya ang ibinigay niya," bahagi ng email ni Carlene.

Dagdag pang pahayag ni Carlene, ang sinasabi ni Dennis na unreasonable na hinihinging sustento ay ibinase raw sa batas na nararapat na child support.

"Hindi po kami ang gumawa ng batas," sabi pa ni Carlene.

Noong December 24 ay ang driver lang daw ni Dennis ang naghatid ng regalo para kay Baby Calix na hindi tinanggap ni Carlene.

Kung gusto raw ni Dennis na makasama ang anak sa Pasko, bakit hindi si Dennis ang pumunta at naghatid ng regalo?

Nagdesisyon si Carlene na hindi na siya hihingi ng suporta mula kay Dennis.

"I decided not to ask support from him anymore, because it appears that he needs it more to support his family.

"As for me and Calix, we are contented and very happy with what we have now.

"We’re so blessed with very supportive family and friends. My son doesn’t deserve a DAD like him," pagtatapos ng liham na ipinadala ni Carlene sa akin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, December 30, 2007

RICHARD DENIES INVOLVEMENT WITH KC

RICHARD Gutierrez, who just left for a short vacation in the U.S. until the New Year, laughs off the rumor that he’s the reason why the relationship of KC Concepcion and Director Lino Cayetano has become nebulous.

“I really don’t know kung bakit nasasangkot ako diyan,” he says. “Kung totoo mang nagkakalabuan ang relasyon nila, I assure you wala akong kinalaman at all doon.”

Richard is the main attraction in the teaser trailer of forthcoming GMA attractions now being shown during the Metro filmfest. He’s shown waiting for someone while having a lavish dinner and this is a plug for “A Very Special Love,” his Valentine movie with Marian Rivera. Also in the trailer are scenes from “Joaquin Bordado” starring Robin Padilla and Iza Calzado, “Babangon Ako’t Dudurugin Kita” with Yasmien Kurdi and JC De Vera, and a new version of ”Dyesebel” (without a star yet), and an intriguing new telefantasya, “Captain Barbell Meets Darna.” We all know Richard is Captain Barbell. The mystery now is who’ll be the new Darna. Well, everyone’s guess is Marian Rivera after her star shone brightly as “Marimar.”

As for the rumor that he’s sore at Marian as she’s given more importance by GMA-7, Richard says there’s no truth to this. As someone correctly points out: “Kung number one soap ang Marimar, number one telefantasya naman ang ‘Kamandag’ ni Richard as ‘Kamandag’ has conquered the hearts of Pinoy, both kids and adults alike.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes new Corvette car

Natupad na rin ang pangarap ni Dingdong Dantes na magkaroon ng mama­haling kose - ang Corvette na katas ng kanyang mga kita sa showbiz.

Excited ang guwapong aktor nang i-deliver ang kotse dahil naka-in case ito ng salamin. Una nitong isinakay ang kanyang girlfriend na si Karylle. Ginagamit lang ni Dingdong ang kotse sa mahahalagang okasyon.

Rumatsada nang husto ang career ni Dingdong at kahit saan siya magpunta ay sinisigawan siya ng mga tao ng Sergio na pangalan niya sa Marimar.

At kahit iniintriga ang pagtatambal nila ni Marian Rivera sa Marimar kung saan balitang nagkakamabutihan ang dalawa ay nananatili pa ring stable ang relasyon nila ni Karylle. Para makaiwas sa intriga ay di na lang ito nagbabasa ng peryodiko na nag-uugnay sa magkapareha sa telenovela kaya maiiwasan ang pagseselos nito sa nobyo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA Network countdown to 2008

Handang-handa na ang GMA Network sa isa na namang malaking pasabog nito sa pagpasok ng 2008 – ang CELEBR8 TO ’08!.

Isang engrandeng countdown party ang magaganap sa Seaside Boulevard ng Mall of Asia sa gabi ng Disyembre 31 tampok ang naglalakihang mga artista ng Kapuso Network—Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, Jaya, Kyla, Gian Magdangal, Jan Nieto, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Bryan Termulo, Mark Herras, Marky Cielo, Aljur Abrenica, Mart Escudero, Prince Stefan, Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, Rich Asuncion, ang mga bandang 6Cycle Mind at Shamrock, at ang Tanduay Calendar Girls na sina Katrina Halili at Ehra Madrigal. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Alfred Vargas, magaling sa Banal

Nakinig kami sa interview kay Alfred Vargas after the press preview of Banal at kung saan, nagpakita ng husay sa pag-arte ang actor. To be honest, sina Paolo Contis at Christopher de Leon lang ang ini-expect naming mag-i-standout sa kani-kanilang role, pero ginulat kami ni Alfred at masasabi naming, dito siya talagang nag-shine.

Bagay sa kanya ang bida-kontrabida role at sana, tumanggap pa siya ng mga ganitong role at ‘wag siyang matakot ma-typecast. Masaya ito’t hindi lang ang pelikula, ang ComGuild, at si direk Cesar Apolinario ang pinuri ng mga taga-CEB, pati na ang acting nilang tatlo. Ang habol na lang ng buong cast at mga producer, suportahan ng tao ang pelikula ‘pag nag-showing sa January 1, 2008.

Natawa kami sa sagot ni Alfred na “better time management at sana, ma-handle ko ng tama ang mga darating kong schedule” nang tanungin ng kanyang New Year’s resolution. Hindi ba’t isa sa rason ng break-up nila ni LJ Reyes ang kawalan niya ng time rito at kung kailan lang siya libre sa trabaho ay saka lang tatawag at dadalaw? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo walang Christmas gift sa anak

Because she has yet to keep herself both sleek and slender, pass daw muna ang dating beauty queen na si Carlene Aguilar sa mga live appear­ances on TV, kaya the least that she did was to grant a phone patch interview sa Startalk kahapon.

Among many others, isa lang naman ang nais malaman ng lahat: did she or did not allow Dennis Trillo to visit their love child Calix Andreas last Decemer 25? Ayon nga kay Carlene, wala na­man daw kaso kung dadalawin ni Dennis ang kani­lang anak, pero hindi nga raw ‘yun natuloy nu’ng mismong araw ng Pasko. Hence no-show, no gift.

Meanwhile, panay susog ni Gorgy Rula kay Lolit Solis to manage Carlene’s career. And why not? Sey ko nga kay ‘Nay Lolit, yaman din lamang na hinawakan niya noon ang former beauty queens na sina Dindi Gallardo at Daisy Reyes.

Sagot ni ‘Nay Lolit: “Puwede dahil pare-pareho naman silang luka-luka!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia, online casino ang bisyo?

Idinenay ni Patrick Garcia ang sinulat ng kasa­mang Ronnie Carrasco na nagsangla siya ng cellphone para maipangtustos sa kanyang bisyong pagsusugal. Kinausap ng manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila si Patrick dahil sa diumano’y naiwanang mensahe ng dalaga sa cellphone na hindi nabura ng aktor, pero nagdenay si Patrick, wala raw siyang isinasanlang cellphone.

May malalim kaming nalalaman tungkol sa isyung ito, isa kami sa mga hindi maaaring pagsinu­nga­­­lingan ni Patrick, dahil ang mundong matagal na niyang iniikutan nang maghapon at magdamag ay pinasok na rin namin nitong mga huling araw.

Noon pa namin nababasa at naririnig ang mga pagkakaila ni Patrick kahit pa napakarami nang nag­papatotoo na lagi siyang laman ng on-line casino, pinalalabas niyang nag-iimbento lang ang mga kababayan nating nagsasabi na palagi siyang laman ng sugalan, kaya isang araw ay nagdesis­yon kaming sumama sa kasamang Jobert Sucal­dito para patunayan sa aming sarili kung ano ang totoo.

Ilang araw pa lang kaming sumasama kay Jobert ay napakarami na naming nadiskubre, hindi lang cellphone ang isinasanla ni Patrick kapag kinakapos na siya ng puhunan sa pagsusugal, pati iPOD at iba pang mga personal niyang kagamitan ay ipineprenda rin niya na kadalasan ay hindi na niya natu­tubos pa.

Nasusuyod ni Patrick at ng kanyang tropa ang halos lahat ng on-line casino, balitang-balita ang kanyang pananalo paminsan-minsan at madalas na pagkatalo, kaya lagi siyang nangangailangan ng pera.

Hanggang sa Bulacan at sa Tagaytay ay nakararating si Patrick sa pagsu­su­gal, isang impormante ang nagkuwento sa amin na hindi makabalik-balik si Patrick sa isang bayan sa Bulacan na malapit lang sa Maynila, dahil meron siyang iniwanang utang dun.

“Itinatanong siya sa akin nung may-ari ng on-line gaming kung kakilala ko siya at kung nagkikita kami ni Patrick, meron daw kasi siyang utang dun nung lumaro siya, hindi pa niya nababayaran hanggang ngayon,” sabi sa amin ng isang aktor.

Si Patrick din ang batang aktor na nasulat na minsan ay nakita ng mga nasa on-line casino sa bandang Ortigas na natutulog sa sahig, nagtatalo ang mga nandun kung sumobra lang ang puyat niya sa pagsusugal, kaya hindi na siya nakaabot pa sa kanyang tirahan para dun matulog. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, December 29, 2007

Jennylyn Mercado pambayad-utang ng manager nila ni Angel

SA nakikita namin, talagang nakalagay na sa peligro ang career niyang si Jennylyn Mercado.

Inamin-amin pa kasi niyang gusto niyang lumipat sa Channel 2.

Gumawa pa sila ng sulat na pakawalan na siya ng kanyang home network kung wala rin lang magandang project na maibibigay sa kanya.

Natural lang ang ginawa ng Channel . Ginamit nila ang kanilang sole option para pahabain ng isang taon pa ang kanyang kontrata. At ano pa nga ba ang mangyayari sa loob ng isang taong iyon?

Sa nakikita namin, si Jennylyn ang lumalabas ngayong pambayad-utang dahil sa kawalang utang na loob ni Angel Locsin sa nagpalaki sa kanyang GMA-7. Galit ang Kapuso sa manager nila. Walang duda iyon, kaya nga ni ayaw nila itong kausapin.

Kaya sino nga ba ang babagsakan ng lahat ng galit? Natural ang naiwan sa Siyete na si Jennylyn. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera: Brightest Star of 2007

After almost six months of non-stop shooting and taping, Marian Rivera was finally able to take a well-deserved break last Christmas and spend the day with her family (meaning her grandmother Francisca Rivera, her mom Amalia Mallari Rivera, cousins and other relatives) in Cavite, coming out of the free-wheeling holiday with a little bruise at the tip of her lip.

“Nagharutan kami ng pinsan ko,” Marian hastened to explain, referring to her equally playful female cousin, before anybody would conclude that somebody else (a guy, maybe?) bit her. “It was a fun day and I enjoyed it so much.”

Being the hottest property and busiest star of GMA today, Marian is forever on her toes, taping for the top-rating Marimar (which has been toppling the competition as an intensity-8 temblor would tall buildings) and shooting two movies (Desperadas and Bahay Kubo, entries in the ongoing Metro Filmfest, both by Regal Films) simulateneously, Marian could hardly have time for herself — and her family — these days.

Funfare caught her the other day at the spacious lobby of Stotenberg Hotel in Clark, Pampanga, which passes for Villa Santibañez on Marimar, shooting some scenes with leading man Dingdong Dantes (a more dashing Sergio than Fernando Capetillo in the original Mexican telenovela on which the GMA soap was based) and guest star Dr. Hayden Kho (yes, Dr. Vicki Belo’s beloved). That’s where Marian showed us the bruise on her lip.

She was as charming as ever, so relaxed and seemingly tension-free, showing not the slightest sign of wear and tear from her punishing schedule. She has also just started shooting a yet untitled Valentine movie with Richard Gutierrez with whom, you guessed it, she will surely be romantically linked as soon as the promo starts, just as she is now with Dingdong Dantes.

“Dingdong and I are just good friends,” insisted Marian who is aware that Dingdong is happily going steady with Karylle. “We have become so close and so comfortable that we confide in each other.”

Is she so busy that she doesn’t have time for love?

Marian simply smiled, refusing to talk about a La Sallite said to be her real boyfriend.

“Basta, my focus is on my career,” she said, trying to divert us away from asking further about her “mysterious” love life.

In Desperadas, she realized her dream of finally starring with Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto and Iza Calzado. No, it’s not true that she bumped heads with Ruffa (who also denied it) over the billing.

Neither did she mind being a second choice for the role (originally intended for Ruffa who took the role originally meant for Pops Fernandez who bowed out of the project). “What’s important is that I got the role,” she said.

In fact, Marian was the second choice for Marimar which was first offered to Angel Locsin who politely turned it down because she was then set to bolt GMA for ABS-CBN where, so far, she has remained a “frozen delight.” Angel’s loss turned out to be Marian’s gain. Marimar has turned her into an overnight sensation and the year’s brightest star, the new Queen of Soap by virtue of Marimar’s mind-blowing, high rating (49.5 percent being its highest).

Bahay Kubo marked her first time to work with Maricel Soriano, her idol, and Marian could never forget her first shooting day consisting of a dramatic confrontation scene with Maricel.

“I felt like a winner,” said Marian.

Inevitably, besides being linked to Dingdong, Marian is likewise being pitted against Katrina Halili, her rival for Sergio in Marimar. Again, Marian is unruffled.

“I can’t do anything if some people don’t like me,” she said. “What they say is true. You can’t please everybody and you shouldn’t try.”

Asked if she’s ready to go sexy the way Katrina did on FHM mag, Marian said, “No, not yet.”

Despite persistent reports that her next project once Marimar ends its runs in March next year might be either Darna or Dyesebel, or both (one after the other, of course), Marian doesn’t confirm anything just yet.

“If ever,” she said, “I’d be happy to do either of the two. I can’t make a choice which one.”

If she plays Dyesebel (which has been played by, among others, Edna Luna, Eva Montes, Vilma Santos, Alice Dixson and Charlene Gonzalez), Marian will have no choice but to go topless (mermaids don’t wear a bra, do they?).

“It’s okay,” said Marian. “Anyway, she has long hair which will cover what shouldn’t be seen. That’s the ‘sexiest’ I am ready to do so far.”

This time last year, Marian (discovered via that Skyflakes TV commercial which shows her in a rain-drenched car with her two-timing boyfriend) was just a pretty face in GMA soaps, until middle of the year when she zoomed to stardom playing the role that made Mexican actress Thalia (now married to former Sony Music boss Tony Mottola) a superstar in the Philippines.

How has Marimar changed her life?

“Everywhere I go,” said Marian, breaking into a bedimpled smile, “people call me Marimar.” (She fits the role to a T because she is part-Spaniard and spent part of her childhood in Spain.)

Has Marimar gone to her head?

“Touch my head,” she joked. “Has it grown any bigger?”[source of news]

Labels:


Continue Reading...

That’s Entertainment 22nd anniversary

Sa January 12, 2008, ipagdiriwang sa Walang Tulugan ni Kuya Germs ang ika-22nd anniversary ng That’s Entertainment, ang kauna-unahang reality/discovery show on television, na kung saan ay na-discover sina Lea Salonga, Billy Crawford, Piolo Pascual, Jean Garcia, Francis Magalona, Jestoni Alarcon, Ruffa Mae Quinto, Ara Mina, Keempee de Leon, Vina Morales, Niño Muhlach at marami pang iba.

Tulad ng mga nakaraang taon, baka hindi lamang isang episode ang ibigay ni Kuya Germs, host and mentor ng That’s Entertainment, para sa anibersaryo ng dati niyang programa na inabot din ng 10 taon sa ere.

Ipinaaabot nga pala ni Kuya Germs ang kanyang imbitasyon sa mga alumni ng That’s. Welcome kayong lahat. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennica Garcia debut -- hip hop

Talaga namang kakaibang 18th birthday party yung nadaluhan ko kamakailan lamang. Sa halip na naka-Barong o Tux ang mga lalaki’t naka-gown naman o short cocktail dress yung mga babae, lahat came in maong jeans and white shirt. Maski na ang debutante na si Jennica Garcia ay ganito rin ang kasuotan. Pero, kita ko’t nadama ang kanyang happiness. Obviously, yun ang wish niya at hindi naman siya nagkamali dahil relaxed ang lahat at maski na ang sumunod na dancing ay hip hop, hindi yung ballroom stuff.

Bakit naman hindi magiging masaya ang debutante eh andun ang buong pamilya niya, mom Jean, dad Jigo, her siblings, favorite reel and real partner Mart Escudero, showbiz and non-showbiz friends, her parents friends from That’s Entertainment. Siyempre, andun ako. I gave a very lenghty speech, tuloy nakapag-comment ang emcee ng wala raw tulugan.

Ibang klase talaga yun, pero tulad ng ibang debut na napuntahan ko, masaya rin. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, December 28, 2007

American Idol nasa QTV-11 na

Isang magandang bagong taon ang handog ng Q-11 ngayong 2008 sa pagdating ng pinakaaabangang seventh season ng American Idol.

Simula sa Enero, uumpisahan muli ang paghahanap sa nag-iisang Idol hopeful na magiging tulad din ng current hitmakers at Idol alumnae na sina Kelly Clarkson, Ruben Studdard, Fantasia Barrino, Carrie Underwood, Taylor Hicks at Jordin Sparks.

Ang mainstay host na si Ryan Seacrest at ang tatlong respetadong judges na sina record producer at rock bassist Randy Jackson, Grammy-award winning singer Paula Abdul, at prangkang record television producer Simon Cowell — ang tutulong sa paghahanap sa susunod na ultimate star ng Amerika. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA-7, ABS-CBN tuloy ang demandahan kahit Pasko

TULOY ang demandahan.

Wala talagang Pasko para sa ABS-CBN at AGB as the network and ratings wars continue to rage. Pagkatapos ng Pasko, nag-file na ng panibagong kaso ang ABS-CBN sa AGB for contempt of court after AGB ‘disregarded’ the TRO na ini-release ng court.

Ang GMA-7 naman, itutuloy ang demandang libel against DZMM reporter Junrie Hidalgo and possibly against DZMM and ABS-CBN mismo.

It was due to the fact that Junrie pinpointed GMA-7 as the culprit behind the dayaan daw, ayon sa AGB.

Sabi ng ABS-CBN , barking at the wrong tree ito dahil reporting lang si Junrie sa statements ng AGB.

Sabi naman ng GMA-7, no such statement from AGB was released. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jolo Revilla dumadalaw kay Lovi Poe

BAGO mag-Pasko ay nakita ng isang staff ng Zaido si Jolo Revilla na dumadalaw kay Lovi Poe sa set sa Tagaytay.

Sabi ng staff, anim na oras nagbabad si Jolo sa set. At marami itong dalang pagkain for Lovi.

Matiyaga si Jolo na naghintay habang kinukunan si Lovi. At nang matapos masayang hinarap ni Lovi si Jolo. Wala raw dull moments kapag magkausap ang dalawa.

Si Jolo na kaya ang magiging first boyfriend ni Lovi? Kasi, sina Cogie Domingo at Prince Stefan ay hanggang ligaw lang sa da-laga.

Sa Zaido, si Lovi ay lumalabas na roving reporter ng isang newspaper. Kinukober niya ang mga pakikipagsagupa sa masasama ng grupo ng Zaido kaya nagkakilala sila ni Zaido Green (Marky Cielo).

Mas maraming labanan ang nagaganap sa Za-ido dahil ang kanilang mga kalaban ay higit pang nagiging makapangyarihan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ervic Vijandre, secret boy ni Marian Rivera?

MALIIT lang talaga ang mundo ng showbiz. At maging ang mundo ng modeling ay kadikit talaga nito kaya halos walang lihim na hindi nabubulgar dito.

Hindi pa kami nakaka-avail ng copy ng January 2008 ng Yes! magazine, pero sabi'y dito naikuwento ni Marian Rivera ang tungkol sa kanyang lovelife, particular na ang non-showbiz guy named Ervic Vijandre, isang professional model, pero naging basketball pla-yer din sa isang sikat na university.

Since hindi pa namin nababasa ang article ni Joanne Maglipon, di namin sure kung inamin ba ni Marian na sila pa ba, naghiwalay na ba, or nagkabalikan sila ni Ervic?

Basta't na-identify na nga ang namesung ni Ervic sa said showbiz mag, bilang non-showbiz guy na romantically linked to Marian, ewan lang kung hanggang ngayon.

Kaya namin nasabing maliit ang showbiz at modeling industries, eh, knows n’yo bang several years ago (around 2000 yata 'yun o 2001) eh, "namataan" na namin itong si Ervic?

At that time ay chubby pa siya, pero guwapo na ang mokong. Andun at sumusuporta lang sa kanyang GF (or nililigawan pa lang yata) na si Marian nga na nagpa-screen para sa isang modeling contest na ginanap sa Trade Hall ng SM Megamall.

Super bagets pa noon ang teener na girl. At aa-kalain ba natin na after some years, eh, siyang sisi-kat na Marimar ng GMA -7 at siyang ibini-build -up to be its next queen?

MARAMING taon ang lumipas at muling nagkasalubong ang landas namin ni Ervic Vijandre, ang lalaking non-showbiz na minahal (o hanggang ngayo'y minamahal?) ni Marian Rivera.

Mga buwan ng Agosto yata 'yun nitong 2007 sa Makati. Siya pa ang buma-ti sa amin ng, "Tito Mell!" na pagka-sight namin kay Ervic (na isang 6-footer ), eh, gulat na gulat kami sa ipinayat nito't gumanda ang body, huh!

Go-see that day for Inno Sotto gala fashion show -- at isa nga siya sa outstanding male models that day -- and nag-flashback sa min nu'ng ilang taong nakita namin siyang tabatsoy pa.

After that, nagka-textmate kami in a while nu'ng na-laman naming freelance model si-ya. Pero, nu'ng nag-text siya after a month na kaka-sign-up lang niya sa isang modeling agency, we didn't text him na.

Napapunta namin siya in one go-see for an event sa ABS-CBN na nangailangan ng models.

Ang latest, sa pag-uwi nga raw ni Marian sa kanilang hometown sa Cavite nitong Christmas Day ay maugong ang tsismis na dumalaw ulit sa kanya si Ervic at nangatuwiran si Marian na ‘di niya ma-pi-pigilan kung sino man ang taong gustong dumalaw sa kanilang bahay dahil Pasko naman.

"Pero 'wag na lang po nating pag-usapan (si Ervic)... Basta, masaya po ako now," pakiusap ni Marian sa isang interview, saying na ibalato na lang daw sa kanya ang kanyang lovelife to keep it private.

Well, search the picture or photo of Ervic Vijandre online, at kayo na ang mag-husga kung bagay sila ni Marian.[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, December 27, 2007

Isabel Oli, naiyak sa halik ni Patrick!

Nag-taping na sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Isabel Oli at Carlo Aquino para sa Maging Aking Ka Lamang.

Pero, marami ang nagulat, dahil biglang umiyak si Isabel sa kissing scene nila ni Patrick.

Bakit kaya umiyak si Isabel pagkatapos ng kissing scene nila ni Patrcik?

Naku, kinagat ba ni Patrick ang mga labi niya? O baka naman nahihiya siya sa kanyang boyfriend na si Paolo Contis na ang sabi ay naroroon din daw sa set nung mga oras na kinukunan ang eksena nila ni Patrick.

Eh, first time yata ni Isabel na makipaghalikan sa isang teleserye.

Anyway, puring puri naman ng production people si Carlo Aquino dahil pinag-aralan daw ng award winning actor ang role niya (na unang ginampanan ni Jay Ilagan).

Pati raw mga kilos ni Jay ay kuhang-kuha ni Carlo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA7 to sue ABS-CBN

EVEN after AGB Nielsen’s lawyer denied the DzMM report by Junrie Hidalgo about the alleged involvement of GMA7 in the so-called ratings scam in Bacolod, the Kapuso network will proceed with its plan to file a lawsuit against the Kapamilya network.

Atty. Rivera stressed that “investigation was still under way and that there was insufficient evidence to prove actual cheating in Bacolod.”

GMA-7’s Atty. Dick Perez, vice president for legal, says:

“Dini-distort ng ABS ang sinasabi ng AGB. Walang sinasabi ang AGB na ang GMA ang nasa likod ng dayaan umano sa ratings.

Kung pakikinggan mo ang buong interview ni Maya (Reforma, AGB general manager), ang ibig sabihin niya ay nakatanggap sila ng alegasyon laban sa GMA-7 at sa kanilang imbestigasyon, wala silang nakitang epekto sa data nila ukol sa ratings.”

Meanwhile, AGB has defied ABS-CBN’s warning that they will file a case of contempt after the media research group continued to release ratings data despite a Temporary Restraining Order issued against them. AGB, however, argued that the TRO only covered Bacolod and not Metro Manila. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao pinagbawalang umatend sa MMFF parade

MARAMI ang nadismaya sa nakaraang parade of stars ng MMFF noong nakaraang Lunes lalo na ang masa na nakapila sa daraanan ng parade para makita nila ang kanilang idolo na si Manny Pacquiao .

Ngunit bigo sila dahil hindi nakarating si Manny sa naturang parade at ang balita nga ay nasa Boracay ito at kasama ang kanyang pamilya pati na ang trainor nito na si Freddie Roach.

Kitang-kita namin ang panghihinayang ng mga tao dahil wala nga si Pacman at tumayong substitute nito ay ang may hawig sa kanya na si Manny Paksiw. Ang sabi pa nga nung ilang hindi nakakakilala kay Manny, “Ay ang pangit pala ni Pacman.” Hindi kasi nila alam na hindi ang totoong Pambansang Kamao ang nakatayo sa float.

Labis na kalungkutan din ang aming nakita sa mukha ni Direk Kaka Balagtas dahil na rin sa di pagdating ng kanyang bida at producer ng kanyang pelikulang Anak ng Kumander. Nabuhayan lang ito ng loob ng may magparating sa kanya na darating si Ara Mina, ang leading lady ni Manny sa pelikula at sasama ito sa parada.

Sumama rin ang ilang cast ng pelikula tulad nina Lara Morena, Efren Reyes, Danny Labra, Jess Sanchez,Roldan Aquino, Cris Aguilar at ang D’Pards. Andun din ang maraming stuntmen na kasali sa pelikula bilang pagbibigay suporta sa pelikula ni Pacquiao.

Dahil sa dami ng sumamang stuntmen, ang iba ay naglakad na lang at hitsura ng mga rebeldeng sundalo sa Manila Peninsula siege.

Sabi nga ng ilang kasamahan namin sa panulat, sana raw binigyang importansya ni Manny ang naturang parade para makukuha ng suporta sa mga tao na magka interes na panoorin ang kanyang pelikula.

Pero sinayang niya ito. Kung ano man daw ang dahilan nito sa hindi pagdalo, sana raw ay isinantabi muna ng boksi-ngero.

Andun din ang ilang staff ng MP Promotions na hindi malaman ang gagawin dahil nga wala si Manny. Pero kapansin-pansin na ang isang staff ni Manny na si Estella ay sarap na sarap lang sa pagkakaupo sa loob ng coaster.

Ang isa pang napansin namin, bakit halos wala kaming makitang promotional materials tulad ng billboards at trailer ng movie sa TV. Bukod ta-nging sa GMA-7 lang ito mayroon, napakadalang pang ipalabas.

Sa tingin namin, kung hindi hinawakan ng Siyete ang promo ng pelikula, posibleng nakapaglagay pa ng trailer ang MP Promotions sa ABS-CBN.

Apektado tuloy ang promo ng pelikula. Mabuti na lang at nandiriyan ang ilang entertainment writers na mula sa simula ay nakasuporta at nagbibi-gay na ng write ups para sa movie ngunit dinedma lang ng Kapuso ng magpatawag ng presscon para sa pelikula.

Dahil nga sa kapalpakan ng ilang tao, ang nabubuntunan ng sisi ay si Manny. Kawawa tuloy siya.

From a very reliable source, napag-alaman namin kung ano ang tunay na dahilan nang hindi pag-attend ni Manny sa parada nung Lunes. Hindi raw ito pinayagan ng asawang si Jinkee na sumakay sa float.

Eh, bakit naman kaya? Dahil ba nando’n si Ara? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Enteng Kabisote update

You have to hand it to bossing Vic Sotto and director Tony Reyes, as they have turned the Octo-Arts/MZet Enteng Kabisote franchise into a veritable goldmine in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF). Following in the footsteps of the Shake, Rattle & Roll film series which is on its ninth installment, Enteng takes a bow for the fourth time, and has consistently come up trumps, lording it at the box-office. I have to confess I’m not an avid follower of the films, and so the Enteng Kabisote 4 had to stand on its own, as I wouldn’t be one of those watching from a comfort zone eked out by the first three installments.

Enteng 4 is like watching a stand-up comic on a good night. One would hazard the guess that a basic storyline or plot is hatched before they start filming, but there’s a lot of improvisation and taking from the current headlines to make the film topical and unexpected. And this the film manages to create in typical Tito, Vic and Joey fashion. There’s an art to this, as the humor stays very mainstream, and yet they come up with surprises and neat little vignettes.

The basic storyline starts off with Enteng, wife Faye (Kristine Hermosa) and his family having acquired a time travel mirror, and we’re thrust into the world of Dr. Jose Rizal (played by Jomari Yllana) and our Spanish colonial period. This mirror means enchanted creatures and beings also now have a portal to our present day, and besides Faye’s rejected Prince suitor from the past (i.e. read: Fairy Ko TV series days), played by Michael de Mesa, there’s also a vampire type character (Ian Veneracion), who recruits two petty criminals (Francine Prieto and Arthur Solinap) to wreak havoc on Enteng, his family and inflict a crime spree on the present world. Ina Magenta (originally played by Charito Solis on TV, and now interpreted by G Tongi) is also on hand, as are snippets from the original series — and you’ll appreciate how this feature is brought into play.

This may not be monumental, landmark Philippine Cinema, but one has to pat the producers on their collective backs, because this is entertainment with a capital E, something for everyone. The kids will love the slapstick and set pieces, the chills created as aswang and devil creatures come to life, while the older audience have their own quota of in-jokes, naughty risque humor, and we leave the theater with little nuggets of lessons about family values and bonding.

Among the cameos and support cast, I especially liked Joey de Leon and his spoof of Marimar selling pukka shells on the beach. Knowing Joey’s fertile mind, one can imagine what he does with the wares his character sells. Prieto goes all-out in playing her villainess Dragon Lady-role, almost unrecognizable in the wigs and heavy makeup she’s asked to don, and kudos to her for playing the role with relish and enthusiasm. De Mesa is a wonderful straight villain turned into whining Prince, while Veneracion emanates menace convincingly. I also loved Nonong de Andres’ impersonation of rocker Joey Smith. It was funny and instructional watching the audience react to this. Instructional because it shows just how much in tune Vic and the Enteng series are with their audience.

It certainly helped me understand the magic that the series conjures, and just why so many have taken the films to heart. The comedy and light-heartedness are very comfortable, there’s a palpable sense of the actors on the screen digging you in the ribs and exhorting you to join the fun and laugh with them. Even at the height of action sequences, dramatic love scenes, or confrontation, Vic will still mine the situation for a chuckle or knowing smile, a very Filipino trait, and that’s why the films succeed as they do. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, December 26, 2007

Enteng Kabisote Humataw Sa MMFF

Bakit ganun, walang masyadong feedback kahapon sa trending ng pelikulang kumikita sa taunang Metro Manila Film Festival?

Dati-rati naman, ang dami-daming nagti-text na mga PR ng pelikula or kung hindi man, mismong ang insider ng MMFF. Ngayon, ako na nga ang nagtawag, wala pang maayos na information ang maibigay.

Isang taga-The Block Cinema ang nakausap namin at talagang may instruction pala na bawal mag-release ng figure or estimated kita for the day.

Pero so far ayon sa girl na nakausap ko, grabe ang pila sa Enteng Kabisote, Sakal, Sakali, Saklolo at Resiklo.

Ganundin daw ang Shake Rattle and Roll.

Anyway, malamang request ng mga producer na manahimik muna sa kita ng mga pelikula dahil nagkakaroon agad ng resulta sa mga nagdaang taon na minsan ay hindi naman accurate kaya natatanim na sa isip ng marami na ‘yun nga ang kumita although may semblance of truth naman talaga minsan ang lumalabas na trending.

Pitong pelikula ang palabas simula kahapon - Enteng, Resiklo, Katas ng Saudi, Sakal, Sakali, Saklolo, Bahay Kubo, Shake Rattle and Roll and Anak Ng Kumander. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Maxene Magalona, masaya sa Pasko

MASAYA ang nakaraang Pasko kay Maxene Magalona, dahil mas mahal (konti lang daw) ang naibigay niyang gifts sa siblings and parents kumpara nu’ng nakaraang taon.

Malaking tulong daw ang talent fee niya sa Kamandag. Enjoy siya sa taping nila at sa working relationship niya with her co-stars. Masaya rin siya sa pagpasok ni Alessandra de Rossi sa action-adventure series, dahil kaibigan niya ito at tiyak na madaragdagan ang katuwaan at tawanan sa set.

Hindi na-o-offend si Maxene sa mga nagsasabing wala silang chemistry ni Richard Gutierrez, nirerespeto niya ang opinion ng mga tao.

Aware rin siyang may ibang viewers na si Ehra Madrigal o si Jewel Mische ang gusto para sa actor. May grupo rin naman ng viewers na mas pabor sa tambalan nila at ito ang importante sa kanya.

“Accepted ko rin kung may negative things silang sasabihin sa akin. Ngayon lang ako nag-showbiz nang husto at enjoy ako sa Kamandag na parang international series ang dating. Okey din kami ni Richard, we get along well at kuwentuhan kami sa set about music and movies,” kuwento ni Maxene. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera target ng Hate Emails

PAGKATAPOS ni Rhian Ramos, tila si Marian Rivera naman ang target ng hate e-mails ngayon. Kesyo supladida at lumaki na raw ang ulo ng alaga ni Popoy Caritativo mula nang sumikat bilang Marimar.

Sa e-mail na ipinadala sa isang kasamahan sa panulat, inakusahan si Marian ng pang-iisnab ng fans na gustong magpakuha ng larawan kasama siya.

In fairness to Marian, super lambing ito sa kahit sino, lalo na sa fans. Kaya, nagtataka at nagugulat kami ’pag may nagsasabing nagbago na ito’t lumaki na ang ulo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao ayaw nang mag-produce uli ng pelikula

HINDI sinipot ni Manny Pacquiao ang parade of stars ng Metro Manila Film Festival. Ayon sa source namin, nasa Boracay daw ito for a prior commitment at hindi nakakuha ng flight pabalik ng Maynila. Ang leading man ni Pacman na si Ara Mina ang sumakay sa float kasama ng iba pang stars ng pelikula.

Pero mukhang may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi sumipot si Manny sa parade. May source kaming nakausap na medyo depressed daw lately si Manny. Ang dahilan, disappointed daw ito sa kinalabasan ng pelikula.

Ipinagmamalaki ni Manny na almost P30 million ang worth ng Anak ng Kumander, pero hindi raw ito nakita ng boksingero sa production value ng pelikula. Hindi rin ganu’n ka-explosive ang action scenes ng movie.

In fact, hindi na tinapos ni Manny ang premiere ng movie sa Megamall last week. Hindi pa nga nangangalahati ang movie ay umalis na siya.

May nakarating ding kuwento sa amin na sa halos P30 million na inilabas ni Manny para sa pelikulang prinodyus niya ay P20 million pa lang ang nao-audit. Nawawala raw ang halos P10 million kaya kinailangan pa ni Manny na kumuha ng auditor na mag-o-audit kung saan napunta ang inilabas niyang pera.

Teka, kanino kaya napunta ang remaining P10 million na ‘yon? Hindi kaya sa staff mismo ni Manny?

Sa sobrang laki ng budget ng pelikula, kataka-taka ring wala kaming nakikitang billboard ng pelikula. Buti ang Banal, kahit papaano, visible ang kanilang billboards, huh!

Saan kaya talaga napunta ang ibang pera na nakalaan sa Anak Ng Kumander? Nakakakaloka kung hindi ‘yon mati-trace, di ba?

Dahil sa nangyayari, isang source din ang nagkuwento sa amin na nawalan na nang gana si Manny na mag-produce ulit ng pelikula.

“Eh, panao naman siya gaganahan kung niloloko siya ng sarili niyang mga tao. Ang masakit pa, pinagkakatiwalaan niya ang mga ‘yon, pero niloloko siya. Palibhasa, mabait si Manny at hindi umaangal kaya sinasamantala siya. Kawawang Manny. Mali siya ng mga taong nakuha sa production niya. Ang ganda pa naman ng intensyon niya, ang makatulong sa showbiz industry, pero feeling ko, first and last na niyang pagpu-produce yung Anak Ng Kumander,” wika pa ng source naming.

May nabalitaan din kami na may ilang tao pang nag-work sa production ang hindi bayad. Isa na rito ay ang editor ng movie. Hindi namin alam kung may ganito ring experience si Ara sa produksyon ni Manny. Pero sana naman ay wala.

Anyway, may isa pa kaming napansin tungkol sa Anak ng Kumander. Bakit kaya hindi inilabas ng MP Promotions ang mga pictorial nina Manny at Ara. May humaharang kaya rito?

Hay naku, kawawa talaga si Pacman. Dahil sa sobra niyang kabaitan, niloloko na siya. Ang masama pa, sa kanya nagri-reflect ang ginagawa ng ilan sa kanyang mga tauhan at ng mga malalapit sa kanya.

Bago namin makalimutan, kasama rin nga pala sa Anak Ng Kumander sina Roi Vinzon, Valerie Concepcion, Long Mejia, Efren Reyes Jr., Lara Morena at marami pang iba. Ang pelikula ay idinirek ni Jose Kaka Balagtas at palabas na sa Jan. 1, 2008. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pauleen Luna sa Magpakailanman

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng byuti at talented aktres na si Pauleen Luna nang tumanggap siya ng karangalan mula sa PMPC Star Awards 2007 na Best Single Performance by an Actress. At sino nga bang artista ang di magkakaroon ng gayong feeling of fulfillment?

Sa Kapuso drama anthology na Magpakailanman nakamit ni Pauleen ang natu-rang award. Ito’y sa pagpo-portray niya ng papel ng dating sexy star na si Olivia Ortiz.

At ngayong Huwebes nang gabi’y muli siyang masisilayan sa MKM hosted ni Mel Tiangco at direksyon ni Argel Joseph. Siya naman ang aetang si Merly Acunan na naging biktima ng panggagahasa. Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Buboy Garovillo, Gabby Eigenmann, Marcus Madrigal at Lizzy Pecson.

Ordinaryo lang ang buhay ng mga Acunan. Nagla-labas ng tricycle si Mang Nardo at simpleng housewife si Aling Alicia. Sa kabila nito’y pangarap nilang mabigyan ng magandang bukas ang anak na si Merly na dahil sa kakaibang kulay at anyo ay laging tampulan ng tukso at pang-uuyam.

Inakala ni Merlyn na tapat ang layunin sa kanya ni Anton at inibig niya ang lalake na isa palang mapagsamantala. Humantong sa husgado ang kasong rape. Panoorin and MKM upang malaman kung ano ang naging kapalaran ng babaeng aeta na ang tanging hangad lang nama’y normal na buhay at matanggap ng lipunan kahit ang kanyang mga kabalat ay tinuturing pa ring Cultural Minority ng ibang kababayan.

At siyempre, isa na namang mabigat na papel ang ginampanan ni Pauleen. Tiyak may panlaban na naman siya sa karera ng pagalingan sa pagganap sa susunod na taon. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes poor second lang kay Richard Gutierrez

Maling sabihin na ang pinakasikat na male star ngayon sa telebisyon ay si Dingdong Dantes dahil pinaka mataas ang ratings ng show niya.

Maliwanag naman na sa palabas nila na ang bida ay ang babae, support lang siya bilang leading man.

Isa pa, ‘yon bang nakakaraang mga serye ni Dingdong ay naging number one? Hindi naman, eh.

Kung kami ang tatanungin, ang talagang number one ngayong male star sa telebisyon ay si Richard Gutierrez. Oo, pangalawa lang siya sa ratings, pero
siya ang bida mismo at nagdadala ng Kamandag.

May pruweba rin naman siya dahil ang lahat ng mga shows niya noong nakaraan ay consistent na mataas ang ratings simula pa sa Mulawin.

Kaya kahit na anong tingin ang gawin mo riyan, si Richard ang talagang number one sa ngayon at hindi na nila mapapasinungalingan iyan.
* * *
Talaga palang takot ang isang young male star sa dati niyang manager, dahil nagbabanta raw ito na kung hindi siya aabutan ng pera ng male star, ibubulgar niya ang dati nilang relasyon. Bading ang dating manager na iyon. Hindi naman daw masasabing nagkaroon sila ng relasyon ng male star noong nagsisimula pa lamang ito, pero may mga pruweba raw na ang male star ay “nagalaw” talaga ng kanyang dating manager.

Lahat naman daw ng mga naging male stars na dumaan sa manager na ito ay nagalaw niya, kaya hindi makapalag ang mga ito sa kanya. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, December 25, 2007

Christmas Songs - Deck the Halls

Christmas Songs - Deck the Halls
Merry Christmas to all!

Thanks logokiller3.

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao: Mga pangarap na natupad

BATA pa lang ay inasam na niyang maging sikat na boksingero. Natupad ito. Nakilala siya sa buong mundo bilang isang world boxing champion. Napataob niya ang lahat na mga nakalaban niya sa ibabaw ng ring. kaya naman very proud ang mga kababayang Pinoy sa galing at talino niya sa pagboboksing.

Inasam din niya noon na magkaroon ng magandang bahay. Natupad ito at hindi lang basta bahay ang naitayo niya, mansion pa. Fantasy rin ni Manny noon ang magagarang sasakyan, nagkaroon siya. Nakapag-aalaga na rin siya ng mamahaling mga manok na pansabong na isa sa mga pangarap niya noon.

“Nang dahil sa pagbuboksing ay natupad lahat ang mga inasam ko sa buhay. Ang pag-awit ay naging pangarap ko rin. Nangyari naman ito at naging recording artist pa ako. Ngayon, heto ako sa pangarap kong pag-aartista. Nakapagprodyus ako ng movie, ang Anak ng Kumander ng MP Promotions, Inc. Pero, hindi ko ito matutupad kung ibang movie outfit ang hahawak sa akin. Walang magsusugal sa akin para tustusan ang maambisyong pelikula na ako ang bida."

“Kaya ako na mismo ang nagsugal para maging bida ako sa pelikulang Anak ng Kumander na dinirek ni Jose ‘Kaka’Balagtas. Mambisyong pelikula ito. Hindi ko inalintana ang mahigit 30 milyong piso na nagastos ko sa pelikulang ito makagawa lang ako ng maipagmamalaki kong movie."

“Ayoko namang tipirin ang sarili kong movie lalo’t ako ang bida. Ang pag-aartista kasi ay pangalawang pangarap ko, una ang pagboboksing. Sana ay magtuluy-tuloy ako sa field na ito,” wika ni Manny Pacquiao nang makausap namin sa press preview ng Anak ng Kumander. “Sana ay magtagumpay ako rito. Hindi lang sa pansarili kong ambisyon. Gusto ko ring matulungan ang mga taong maliliit sa movie industry na matagal na walang hanapbuhay dahil sa krisis sa pelikula. Napakaluwag sa dibdib ko na makatulong sa kapwa, masayang-masaya ako!”

Ayon kay Manny, noon daw nagsu-shooting sila ng Anak ng Kumander sa Nueva Ecija, hindi niya inisip na isa siyang international boxer. Kapag kasama raw niya ang kanyang co-stars, maging ang maliliit na involved sa produksyon, pantay-pantay lang daw sila sa lahat ng bagay. Kung ano raw ang kinakain niya, ganundin ang maliliit na mga artista at production people.

Tuwing iniinterbyu namin si Manny, laging may pasasalamat siya sa mga big boss ng GMA-7 sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozun, Wilma Galvante at iba pang executives ng nangungunang TV station sa bansa.

“Magmula nang maging Kapuso ako, sa simula’t mula pa ay matindi na ang suporta nila sa akin, lalo na si Atty.Gozun na talagang all-out ang support sa career ko bilang boxer, artista at TV host,” wika pa ni Manny.

Full support din ang GMA-7 sa presscon at press preview ng Anak ng Kumander. Kamakailan lang ay nagpa-presscon din ang Kapuso network para sa TV show na Pinoy Records na si Manny ang main host.

So, ano pa ba ang mahihiling ngayon ng Pambansang Kamao? Lahat ng pinangarap niya ay nagkaroon na ng katuparan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, di nakabili ng gift for Erik Santos

Kahit break na, magbibigayan pa rin ng Christmas gifts sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos, pero nang ma-interview namin sa presscon ng Desperadas, hindi pa nakakabili ng regalo ang sexy comedienne sa dating nobyo.

Magkakasama rin sila sa Christmas party ng kanilang common friend, pero sabi ni Rufa Mae, wala nang balikang mangyayari sa kanila. Wala raw nag-i-effort sa kanilang magkaroon ng part two ang kanilang relasyon.

“Hayaan na ngang ‘di kami magkabalikan. Stress out din naman kami sa relationship namin. Parehas kaming sumabog sa sunud-sunod na isyu. Mabuting friends na lang kami.”

Mapapalampas ni Rufa Mae ang Pasko at Bagong Taon na wala siyang boyfriend, pero sana raw pagdating ng Valentine’s Day, may karelasyon na siya. Hindi lang nito masabi kung ang nababalitang manliligaw na architect ang papalit kay Erik sa puso niya’t nakikipagkaibigan pa lang daw ito.

Samantala, makikita si Rufa Mae mamaya kasama sina Ruffa Gutierrez, Marian Rivera, at Iza Calzado, mamaya sa Metro Manila Film Festival parade. Kumpleto ang mga bida ng Desperadas at ibang members ng cast. Rated PG 13 o Parental Guidance ng MTRCB ang movie at mapapa­nood ng 13 years old, bas­ta may kasamang adult. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado: Ibinigay ko na ang lahat kay Patrick

Karugtong ito ng column item ko kahapon tungkol kay Patrick Garcia, a regular casino habitue, whose cellphone he was forced to sell after failing to pay the interest charges.

Bale ang pinagsanlaan at nakabili ng unit ng aktor happens to be a casino employee.

Ang pagkakamali ni Patrick, he failed to delete some his stored messages in the inbox, kabilang dito believed to be from his current flame Jennylyn Mercado.

Hindi man ito ang eksaktong text message, more or less, it read: “Ano pa ba naman ang gusto mo, ibinigay ko na sa ‘yo ang lahat?” Hindi na siguro kailangan pang intindihin ang contextual meaning ng text message na ‘yon ni Jennylyn. Even a fifth grader would know what it meant, kakasa ka pa ba? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Walk of Fame ginagawan ng issue

Ayoko sanang magalit dahil Pasko pero, may mga tao na hindi nangingilin kahit Pasko.

May mga nagti-text sa akin para lamang magreklamo, mangulit kung bakit hindi pa nalalagay sa Walk of Fame ang iniidolo nilang artista. Kung maganda ang pagtatanong, sinasagot ko naman ng mahusay. Sinasabi ko na hindi ko mapagsasabay-sabay ang mga artista. Lubhang napakarami nila at mahal bawat isang pangalan na inilalagay, walang sponsor.

May mga naglalagay pa ng malisya porke hindi ang gusto nila ang nailalagay, nagtatanong ng criteria, nagbibintang na mayroon akong pinapaboran.

Muli, uulitin ko, una-una lang dito. Basta kung makakaya ng bulsa ko, pinagha­halo ko ang mga artista nung araw at ngayon.

Meron pa ngang nagtatanong kung bakit hindi ko isinasali ang sarili ko. Sabi ko na lang hindi ko naisip ang Walk of Fame para sa sarili ko. Tulong ko ito sa industriya ng pelikula, sa mga artista para mabigyang parangal sila sa kanilang ginagawa, at para kahit mawala na sila ay mayroong magsisilbing tagapagpaalala ng kanilang naging ambag sa pagpapasaya sa mga tao. Yun lang! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Showbiz Central "Don’t Lie To Me" Segment

Naaliw ako sa Showbiz Central noong Linggo dahil isinalang sa Don’t Lie To Me Segment ang mga artista na nag-promote ng kanilang mga pelikula na kasali sa film festival na opisyal na magsisimula ngayon.

Walang palakasan dahil binunot ni John Lapus mula sa box na hawak niya ang mga pangalan ng mga artista na mauupo sa Don’t Lie To Me.

Unang nabunot ang pangalan ni Francine Prieto. Truth ang resulta ng lie detector machine nang sumagot si Francine ng “No” sa tanong kung nilili­gawan o boyfriend ba niya si Philip Cu-Unjieng.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi binanggit ni John ang pangalan ni Philip na palaging nakikita na dumadalaw sa mga taping at shooting ni Francine.

Knowing Philip, hindi ito magagalit kung binanggit ang kanyang name dahil ang sey nga ni Francine, good friends lamang sila.

* * *

“Lie” ang resulta ng lie detector machine sa “No” answer ni Paolo Contis nang tanungin ito ni John kung galit siya kay Bullet Jalosjos na diumano’y da­hi­lan ng paghihiwalay nila noon ni Nancy Castiglione.

In fairness kay Paolo, tama ang sagot nito na hindi siya puwedeng magalit kay Bullet dahil hindi sila magkaibigan.

At saka history na si Nancy sa buhay ni Paolo na matagal nang naka-move on kaya walang dahilan para mag-emote-emote pa siya.

Dalawa na ang nagiging girlfriend ni Paolo mula nang maghiwalay sila ni Nancy, si Bubbles Paraiso at si Isabel Oli.

Naghiwalay na noon sina Paolo at Isabel pero nag­kabalikan sila. Baka nga si Isabel na ang maging Mrs. Contis dahil sa lahat ng mga naging ex ni Paolo, siya ang binalikan.

* * *

O ayan ha, malinaw ang sinabi ni Jolo Revilla sa Central Jury ng Showbiz Central, hindi na siya umaasa na magkakabalikan sila ni Grace Adriano.

May iba nang girlfriend si Jolo at unfair naman sa kanyang dyowa kung sasabihin niya na hoping siya na magkabalikan sila ni Grace.

Aligaga si Jolo at ang kanyang kapatid na si Bryan sa pagpo-promote ng Resiklo, ang pelikula na pinagbibidahan ng kanilang tatay na si Bong Revilla na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

Kasama ang magkapatid sa cast ng Resiklo na Rated A ng Cinema Evaluation Board na ang ibig sabihin, maganda ang pelikula.

Rated A rin ang Katas ng Saudi kaya patas na sina Bong at Jinggoy na Rated A rin ng CEB ang kanyang filmfest entry na Katas ng Saudi.

Napanood ko na ang Katas ng Saudi pero nata­tawa pa rin ako kapag napapanood ko sa TV ang trailer ng pelikula.

I swear sa readers ng PSN, bonggang-bongga ang Katas ng Saudi. Hindi kayo magsisisi kapag pinanonood ninyo ang pelikula. Ibang-ibang Jinggoy ang inyong mapapanood. So, ano pa ang hinihintay ninyo, watch na kayo ng Katas ng Saudi, Resiklo at ng iba pang pelikula na kasali sa MMFF. Sino pa ba ang tatangkilik sa sariling atin kung hindi tayo-tayo rin!

Merry Christmas uli! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, December 24, 2007

Anak ng Kumander might set a trend

IT looked like Manny Pacquiao wanted to accomplish everything in one sitting.
Last Wednesday, he had a two o’clock presscon in connection with his future fights in 2008 held at Bar One at Crowne Plaza Hotel. Three hours later, he met the entertainment press for the promotions of his movie, “Anak ng Kumander" which he himself produced.

Before the presscon proper we talked briefly with Director Jose ‘Kaka’ Balagtas to inquire whether the element of sex is still present in the movie. The director said that the kissing scene between Manny Pacquiao and Ara Mina has been intact or retained. But the one between Manny and Valerie Concepcion had been deleted.

“Walang naging problema nang aming kunan ang kissing scene nina Valerie at Pacman until we learned na hindi daw ito nagustuhan ng manager ni Valerie dahil wholesome daw ang image ng kanyang alaga. Para wala na lang usapan, we took off the scene. Ang hindi ko lamang maintidihan eh we see a lot of kissing scenes between young stars of today sa mga teleserye sa telebisyon and no one is complaining that they are objectionable. Valerie plays the wife of Manny in ‘Anak ng Kumander’ at bihira silang magkita dahil sa bundok nakatira si Manny. Very justified na magkaroon sila ng kissing scene dahil they are a married couple. Lumaki ang isyu at lumihis nang lumihis sa tunay na tema ng pelikula. All these love angles are only incidental in the story dahil kapag napanood ninyo ang pelikula, it is not about kung sino ang magaling humalik. It is about a man’s belief at kung ano ang higit na matimbang sa kanya" dangal o pera,” Kaka explains in a high voice.

How is Manny’s performance, we asked the veteran director who is not a stranger to controversial issues.

“Naka-focus siya sa kanyang karakter. He listened to my instructions and he is very fast learner. At sobrang galing niyang mag-memorize.

“As a producer, he is very concerned with people in the industry who are out of jobs. Isa ito sa mga dahilan kung bakit niya ginustong mag-produce ng pelikula.”

What are we to expect from Manny in this movie?

“Naipakita ni Manny na hindi lamang sa pagsuntok siya maaasahan. There are many fight scenes in the movie at action star and dating ni Pacman bilang isang anak ng rebelde. "Anak ng kumander" might even set a trend sa muling pagkabuhay ng action films.”

On the same day, three hours later, Manny trooped to SM Megamall for the premiere night of his movie which opens on New Year’s Day. "Anak ng Kumander" may not merit an A from the Cinema Evaluation Board but we heard from good authorities that it is an amazingly good movie. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennica Garcia, Nadine Samonte at Ryza Cenon, Sidewalk vendors sa Baclaran

TATLONG Celebrity Manggagawa – Jennica Garcia, Nadine Samonte at Ryza Cenon – ang makikipagsapalaran sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran bilang street at sidewalk vendors. Sasakay ng bus at maglalako ng kanilang mga paninda ang tatlo sa dakong ito ng Metro Manila. Ang kanilang ‘task’ ay makapagbenta ng mara-ming paninda.

Sino kaya sa tatlong Celebrity Vendors ang mabibigyan ng maagang Pamasko bilang ‘choice vendor’ ni Bisor, at siyang tatanghalin KAI-galing-galing Celebrity Manggagawa for the week?

Labanan ng pang-aakit, paseksihan at mabubulaklak na pananalita ang gagamitin ng tatlong Celebrity Vendors para makahatak ng maraming ‘mamimili.’ Abangan ang nakatutuwa, pero delikadong mga eksena nina Jennica, Nadine at Ryza sa kanilang pakikipagsapalaran sa kahabaan ng Roxas blvd. sa Kung Ako Ikaw na napapanood mula Lunes hanggang Miyerkules ng gabi sa GMA-7. Hosts dito sina Joey Marquez at Keempee de Leon. [source of news]

Continue Reading...

Richard Gutierrez in love kay KC Concepcion

MARAMI ang natuwa sa ipinakitang gesture ni Richard Gutierrez nu’ng Christmas party for the press ng pamilya nila recently lang.

Paano kasi, talagang natandaan ni Richard ang names ng halos lahat ng sumusuporta sa kanila. At kahit tapos na ang event, nagpa-thank you pa personally si Richard paglabas ng ilang members of the press.

Alam n’yo naman sa ating hanapbuhay, partikular tayo sa mga artistang ganyan, ‘yung nakakakilala sa atin at hindi tayo kinikiyeme lang.

Ang maganda kay Richard, he makes a way in knowing the names at tinatandaan niya ang mga itsu (face) ng mga kaibigan niya sa press, kaya naiiwasan ang dedmahan.

Sa maikling panayam sa binata ng ilang kasamahan sa panulat, nalaman naming may paghanga rin pala (o sabihin na nating na-in love) si Richard kay KC Concepcion. ‘Yun nga lang, mukhang hindi ito nag-materialize.

Hmmn, dahil ba ito kay Jewel Mische na balitang nali-link ngayon sa bida ng Kamandag?

Napangiti lang si Richard. And showing his bedimpled smile, sinabi ni-yang hindi si Jewel ang dahilan kung bakit walang ligawan sa kanila ni KC. Aniya, pareho silang abala sa kani-kanyang trabaho at alam naman daw niyang may special someone na ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.

‘Yun na!

At least aware si Richard sa mga bagay-bagay na hindi na niya dapat pakialaman, di ba?

Kung si Jewel ang liligawan niya, tiyak na walang magagalit. Komento nga ng ilang manonood, kung kay Angel Locsin ay walang romantic involvement na naganap between her and Richard, malamang kay Jewel ay magkaroon na.

Sana nga. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

2008 ni Marian Rivera fully booked na!

Talagang napaka-suwerte ng Marimar star na si Marian Rivera. Sa loob lamang ng anim na buwan ay isa na siyang malaking star.

Kung nagawang malaking star ng GMA-7 si Angel Locsin, nagawa rin nila ito kay Marian na isa ngayon sa mga goldmine ng Kapuso Network. Dahil sa pagiging consistent top-rater ng Marimar na pinagbibidahan niya opposite Dingdong Dantes, naka-line up na ang mga major projects ng GMA para sa kanya. Na-extend din ang run nito. Sa halip na ito’y magtatapos sa buwan ng Enero, aabutin pa ito hanggang Marso at may follow-up project na siya, ang remake ng Darna na siyang nagpasikat nang husto kay Angel.

Kung tinangkilik ng mga manonood ang tambalan nina Angel at Richard Gutierrez, susubukan din ito kina Richard at Marian ng GMA hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Katunayan, may ginagawa nang pelikula ang dalawa under GMA Films, ang A Very Special Love na siyang pang-Valentine offering ng kompanya. Kapag tinangkilik ang unang tambalan nina Richard at Marian at pelikula, tiyak na tuluy-tuloy na ang pagsasama ng dalawa.

Balak ng GMA na pagsamahin ang dalawa sa isang teleserye, ang Darna Meets Captain Barbell (tentative title) kapag natapos na pareho nina Richard at Marian ang kanilang magkahiwalay na telerserye, Kamandag kay Richard at Marimar naman kay Marian.

Sa totoo lang, punung-puno na ang schedule ni Marian sa taong 2008 dahil nakalatag na ang mga projects na kanyang gagawin hindi lamang sa telebisyon, pelikula kundi maging sa mga product endorsements. May dalawa ring entry si Marian sa MMFF, ang Bahay Kubo at Desperadas na parehong produced ng Regal Films.

Kay Marian kaya ibinaling ni Mother Lily Monteverde ang kanyang attention ngayong may problema siya kay Angel Locsin? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cogie Domingo, naisanla ang cellphone

When it’s Christ­mas, dapat bang hindi na ito mahaluan ng ku­lay ng intriga? Hindi rin.

Isang Startalk co-worker ang nag-tip off sa akin na nabili pala ng kanyang hipag ang dalawang mamahaling cellphone units ni Cogie Domingo. Nope, there was no direct selling involved.

Ang kuwento, ang mga cellphone na ’yon ay naisanla ni Cogie after he incurred huge losses at a casino somewhere in Ortigas, San Juan City. Ang siste pala sa casino na ’yon, if any pawned item does not get redeemed within five days ay may option ang may-ari to sell it lalo na’t kung lumaki na ang interes.

Constantly seen at the same gaming place is Cogie’s buddy, si Patrick Garcia who has earlier denied having been hooked on slot machines as well as big-table games. Malala raw kesa kay Cogie kung magsugal si Patrick, who’s reportedly tagging his friends along na pag nagtalo raw, ang mga cellphone ng kanyang mga kaibigan ang isinasanla nito. And the height, hindi naman daw si Patrick ang siyang tagatubos ng mga item na ’yon.

Believe it or not, nasa hipag din ng katrabaho ko sa Startalk ang ibinentang personal cellphone ni Patrick, whose mistake was failing to delete all his messages stored in his inbox.

At isa sa mga text messages na ’yon, among others, coming from his girlfriend Jennylyn Mercado would provide one shocking revelation that only the two of them knew. Ano ’yon? Till my next column. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, December 23, 2007

Paolo Contis new house

Ayaw sabihin ni Paolo Contis kung magkano aabutin ang magagastos niya sa pagpapatayo ng three-storey house. May kalakihan ang lote at bahay at kung matatapos sa schedule, middle of next year, puwede na niyang malipatan ang bahay.

Open si Paolo na ibenta ang bahay kung may bibili at sa presyo na gusto niya. Puwede naman daw siya magpagawa uli ng bahay, lalo’t matatagalan pa bago sila magpakasal ni Isabel Oli. Hindi rason sa kanya ang pagkakaroon ng bahay para magpakasal na sila, paano raw ang laman ng bahay at ang daily expenses nila?

Pero, sa sipag ni Paolo, agad niyang mapupuno ng gamit ang ipinapatayong bahay at ‘di sila mangangarag ni Isabel sa paghahanap nang panggastos sa araw-araw. Sa Metro Manila Film Festival nga lang, dalawa ang pelikula niya: Resiklo at Banal, kung saan sa huling pelikula’y, malakas daw ang laban niya sa best actor. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Alfred Vargas draining role in Banal

WORD has been circulating that the acting of Alfred Vargas in "Banal" is so good it might bring him the acting trophy he has been aiming for.

The last time we talked to the actor (who is thinking of opening more Best Fred’s Grill branches around Quezon City), he told us of the hard and long preparations he underwent to make his role very convincing.

“Physically and mentally draining on my part,” he confessed. “When I got hold of the script, I told myself this is not just an ordinary role. I started out as a bad, bad guy. By this, I mean my character is a corrupt one. I have to deliver my lines very forcefully and even carry an accent. I have to internalize to truly be in character. Hindi po si Alfred Vargas ang mapapanood ninyo kundi isang front man doing high officials ’ dirty work for a price.”

“It is also about friendship between SWAT trainee Paolo Contis and myself. Isang honest cop si Cris Marcelo or Paolo at magtatagpo ang aming landas in a plot to kill the Pope during a state visit. Magkakaroon kami ng confrontation that will test our friendship. Paolo is also good in his characterization at hindi ako magtataka kung he will also be nominated for best actor, As the saying goes, may the best man win.”

According to Alfred, “Banal” is a movie with a lot of “firsts” for his career. This is the first time he worked with revered actor like Christopher de Leon whose acting Alfred has always admired. “Kapag si Boyet na ang ka-eksena mo ay wala kang choice kundi galingan ang pag-arte. Lalamunin ka nang husto if you don’t do your job well. The presence of Boyet even if a particular scene doesn’t require any dialogue is awesome.”

The fact that Alfred’s name is billed equally with Boyet makes the actor feel proud, it is almost like a launching movie for him. The movie “Banal” reminded us of the Denzel Washington/ Ethan Hawke starrer, "Training Day."

The twist in character is another first for Alfred who is more favored to do sexy and romantic comedies. He welcomes the change and looks forward to more complex roles in 2008.

The catchline for Banal is... “men-in-uniform living double lives” where their heroisms and weaknesses are exposed.

First time director Cesar Apolinario says the story is based on true accounts he witnessed as a news reporter. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado `nasa loob ang kulo'

WE got to talk to Iza Calzado at the Regal Christmas party. She was absent in all the previous “Desperadas” presscons as she was then busy with “Batanes.” We asked her about her role in “Desperadas.”

“Maganda ang role ko, may pagka-offbeat,” she says. “Among us four sisters playing the title role (the others being Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto and Marian Rivera), I am the one considered as the most level-headed, but the truth is I’m a sex-starved wife who seems conservative on the outside but so wild and wanton on the inside. “Kumbaga, nasa loob ang kulo at kalandian ko rito. Kunwari, turned off ako sa sex books na sinusulat ng sister kong si Rufa Mae, who plays a sexologist here, pero ‘yun pala, I read them secretly to get tips about lovemaking. And it’s because my husband, TJ Trinidad, neglects me.

“He’s a doctor at mas priority niya ang trabaho niya kaysa sa akin. Even if I try to seduce him with scented candles and a romantic atmosphere, hindi pa rin niya ako pinapansin. Because of this, natukso ako sa ibang guys, like Ryan Eigenmann. All my fans who are used to me playing goody-goody roles will be surprised by my performance in ‘Desperadas’ dahil later on, kung anu-anong malalaswang salita na ang lumalabas sa bibig ko.”

So, how is it working with her three sisters in the movie? “We all got along fine. Contrary to rumors na nagpapatalbugan kami sa set at sa pictorial, naging maganda ang samahan kahit first time namin to work with each other and we really felt like sisters by the time matapos ang shooting.”

Iza is thankful that 2007 has been a very fruitful year for her. She was even able to do a Hollywood movie, “The Echo,” and she did films in Batanes and also in Singapore, “Mona, Singapore Escort.”

On TV, she was in “Impostora” and has now just started taping “Joaquin Bordado” with Robin Padilla that will start airing in February as replacement of “Zaido.” “I’m praying that 2008 will be as productive for me as 2007.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera, delikado ang career kapag ’di nagbago ng image

May nagtanong sa amin -- hindi raw ba’t ang talagang dahilan kung bakit naging kontrobersyal at talagang ina-abangan ng mga tao ang Marimar ay dahil sa pagpapa-sexy ni Marian Rivera?

Ang kasunod na tanong -- sa palagay daw ba namin ay makaaabante pa ang career ni Marian kung hindi na siya magpapa-sexy sa susunod na soap niya?

Alam namin kung bakit kami tinatanong ng ganyan. Kasi nga, madalas naming sinasabi na ang isang artista, oras na magpa-sexy na, ma-bilis ngang mapapansin, pero tila naman nahuhulog sa isang kumunoy ang kanyang career.

Oras na ang isang artista ay magpa-sexy, mahirap nang mabago pa ang image nito.
Sino ba namang artista ang nagpa-sexy noong araw na nakabawi pa?

Ang mga artista na ang batayan ng popularidad ay ang kanilang pagpapa-sexy, maging babae man o lalaki, hindi rin tumatagal ang career. Mabilis silang sumisikat at napapansin, pero mabilis din silang nawawala.

Gawin nating batayan ang career ni Sharon Cuneta ha-limbawa. Hanggang ngayon, nariyan pa rin si Shawie. Pero, ilang bold stars na kasabay ni-ya ang nawalan na ng career?

Nasaan na si Rosanna Ro-ces? Nasaan na si Priscilla Almeda? Pati si Joyce Jimenez ay nawala na.

Napapansin pa ba iyong ibang bold stars na sumikat din naman at nagkaroon ng pangalan?

Tingnan natin ang male bold stars.

Nasaan na si Anton Bernardo, si Leandro Baldemor, sina Leonardo Litton at Rodel Velayo? Tingnan ninyo at kontrabida na lang si Jay Manalo. Tatay na lang ang role ni Gardo Versoza. Naglaho nang tuluyan si Ha-rold Pineda. Maski na si Jomari Yllana na seksing pa-pel din ang mga gi-nampanan, eh, may career pa ba?

Kung mababaon sa pagpapa-sexy si Marian Ri-vera, ganyan din ang kasasapitan niya. Kung titigilan naman niya ang pagpapa-sexy, sino pa ang manonood sa kanya?

Hindi na nga siya napan-sin noong lumabas siyang na-nay ng Super Twins ‘di ba? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina to talk with GMA 7 execs

Nakatakdang makipag-usap si Ara Mina sa mga executive ng GMA 7 sa susunod na linggo.

Ang pagtanggap niya ng programa sa ABS-CBN ang posibleng topic nila.

Si Ara ang leading lady ni Manny Pacquiao sa pelikulang Anak ng Kumander.

Hindi man nakakanta si Ara ng Philippine national anthem sa huling laban ni Manny sa Las Vegas, nagkaroon siya ng pagkakataon na makantahan ang host ng Pinoy Records sa presscon ng kanilang pelikula.

Ni-request ng entertainment press na kantahan ni Ara ng ‘happy birthday’ si Manny at hindi siya nagdalawang-isip na umawit nang a capella kahit hindi raw siya naimbitahan sa birthday party ng kanyang leading man.

Nagpapasalamat si Ara dahil natapos na ang mga intriga na nagkarelasyon sila ni Manny habang ginagawa nila ang Anak ng Kumander. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez nasarapan kay Marian Rivera

Enjoy si Richard Gutierrez na makatambal si Marian Rivera sa Valentine movie na A Very Special Love ng GMA Films.

"Si Marian, ang sarap niyang katrabaho. She’s very light to work with. Ang bait niya, not only to me, but sa lahat ng mga tao sa set. She’s very sweet, kaya enjoy kami," sey ng Kamandag heartthrob.

Si Direk Mark Reyes na direktor din ng Kamandag ang nagdidirek ng Richard-Marian movie kaya wala silang problema sa shooting dahil pareho ng schedule sina Richard at Direk Mark.

Alam ng lahat na break na si Richard at ang model girlfriend niyang si Georgina Wilson, pero ayon sa binata ay hindi ‘loveless’ ang kanyang Pasko.

"Alam mo kung bakit? Kasi, ang dami kong minamahal ngayon. Nandiyan ‘yung pamilya ko, di ba?

"At ngayon talaga, sobrang focused ako sa work ko. Next year, marami akong naka-lineup na projects. So, I’m focused ngayon sa trabaho," pakli ni Chard.

Ano ang masasabi niyang ‘the best’ na nangyari sa kanya ngayong 2007?

"Syempre, ‘yung aside from my work, it’s more of my growth as a person. Itong taon na ‘to, talagang nakilala ko ang sarili ko.

"I saw my good side, I saw my bad side and alam ko kung ano ‘yung kailangan kong baguhin for next year.

"And at the same time, I’m very happy. Kasi, kahit anong nangyayari sa buhay ko, patuloy na nandiyan ang pamilya ko sa likod ko. They keep me grounded, they keep me strong."

Ano naman ‘yung worst thing na nangyari sa kanya this year?

"Lahat naman tayo, may kanya-kanyang personal problems, eh! I had my own share. ‘Yun na lang ‘yon. Ha! Ha! Ha!" tawa na lang ni Richard. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, December 22, 2007

Vic Sotto wants to surpass own record

NOT all films can be successful in coming up with sequels. The original may be a very huge hit but it’s no sure guarantee that its succeeding parts will also have the same fate. It is phenomenal therefore if a project is able to sustain the box-office appeal of its sequels, especially if it’s on a yearly basis. Enteng Kabisote is one perfect example of such. Its box-office record at the Metro Manila Film Festival is really impressive since it has been the top grosser in the last three years.

Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko The Legend (2004), Enteng Kabisote 2: The Legend Continues (2005) and Enteng Kabisote 3: The Legend Goes On & On & On (2006) consistently dominated the race at the tills in the prestigious film festival, a record that has yet to be toppled. This year, OctoArts Films and M-Zet TV Productions once again bring to the big screen the series’ fourth installment titled Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend), which is touted as the biggest, grandest and simply the best in terms of story, special effects, casting and overall production value.

“That’s true! One thing we are proud about Enteng Kabisote is the fact that each year, the sequel gets better. Lahat kami nagbi-brainstorm para makaisip ng mas exciting twists sa story. This is for the benefit of all our loyal patrons who made us Number One for the past years. They are our prime concern. Kaya ‘di issue sa amin kung malaki na ang nagagastos namin. Gusto namin, mag-enjoy ang mga manonood.

“Tulad na lang ngayong taon, star-studded ang Part Four. Aside from me and the other regular cast members like Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Aiza Seguerra, G Toengi, Ruby Rodriguez and Jose Manalo, we also have Ian Veneracion, Francine Prieto, Carlos Agassi, Tita Swarding, Michael de Mesa, Caridad Sanchez, Candy Pangilinan, Cristine Reyes, Ian de Leon, Mikylla Ramirez, Arthur Solinap, Elisa Pineda, Peque Gallaga and Jomari Yllana. May special guest appearance rin si Joey de Leon as Karimarima.

“If you talk naman of adventure, tiyak na mamamangha na naman ang mga manonood lalo na ang mga bata kasi maraming makakalaban si Enteng dito like Taong Paniki, Babaeng Dragon at mga asuwang. At siyempre, the state-of-the-art special effects na binubusisi talaga ng aming direktor na si Tony Y. Reyes. Maganda rin ang story ngayon kasi babalikan namin ang origin ni Faye sa Engkantasya. Basta, ito na ang pinakamalaking Enteng Kabisote sa lahat, that I can assure all of you!” avers main lead Vic Sotto whose current box-office kingship was greatly bolstered by this project.

Interestingly, what are his expectations this time?

“It’s more of hoping actually that the movie will be as successful or will even surpass the records set by its predecessors. Lahat kaming involved sa production, from the stars to the staff and crew, we truly gave our best to make the movie superb. Ang nasa isip namin palagi ay ang kasiyahan ng balana na walang sawang tumatangkilik sa amin. At ‘di rin naman kami mapapahiya kasi lahat ng elements ay nandito na: may fantasy, drama, action, suspense, comedy, lahat-lahat na so ano pang hahanapin mo? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jewel Mische bagong inspirasyon ni Richard

TINALBUGAN ng Christmas party ng Gutierrez family ang lahat ng pa-Christmas party for the press ng mga artista recently.

Ito ay ginanap sa Im-perial Palace at take note, lahat ay umuwing may bit-bit. As in, walang umuwing luhaan!

Pinangunahan ni Ruffa Gutierrez at ng madir niyang si Annabelle Rama ang event na ‘yun. Naroon din si Raymond Gutierrez na tumulong sa pag-host ng party.

In fairness, ang husay ni Raymond mag-host, magaling na siyang mag-Tagalog at spontaneous ang kanyang dialogue.

Hindi gaya ng iba ri-yan na ang tagal na sa ‘Pinas, wa pa ring effort na mag salita ng Filipino.

Masaya ang lahat dahil hindi ka-cheapan ang mga pa-raffle ni Tita Annabelle.

Magagamit talaga ang mga ito sa bahay. For the minor prizes, naroon ang electric fan, walang katapusang rice cooker, airpot, blender, gas stove oven at ilang one thousand and three thousand pesoses na cash. For the major prizes, naroon ang aircon, refrigerator, Television, datung uli at mga DVD.

O di ba, pabulosa talaga?

What makes it extra special is the fact na naroon ang lahat ng entertainment press keber mang madalas o hindi nila sinusulat ang mga Gutierrez.

Wala silang ganoong emote. Ayon pa kay Ruffa, it’s their way of giving back sa lahat ng blessings na ipinagkaloob din sa kani-la.

Saka naniniwala ka-ming nasa publicist din ‘yan, kung kilala niya lahat ng mga sumusuporta sa artistang pinaglilingkuran niya.

Eh, di walang nakaka-limutan sa mga ganitong okasyon. Kaya lahat ma-saya. Congrats sa lahat ng nagwagi!

* * *

LATE nang dumating si Richard Gutierrez sa na-sabing event sa Imperial Palace.

Galing pa raw siya sa taping ng Kamandag (ng GMA-7) but he made sure he was able to make habol sa event for the press. Plea-sant ang dating sa amin ni Richard habang kausap siya ng ilang kaibigan sa panulat.

Tinanong nga siya kung totoong lilipat na sila ng bahay dahil ipinapa-renovate pala nila ang family home nila sa White Plains.

Say ni Richard, lilipat lang sila in a bigger house pero aniya, hinding-hindi raw nila ipagbibili ang dati nilang tinitirhan.

May sentimental value yata sa kanila ang bahay na itectch kungkaya’t ipapaa-yos lang nila pero hindi nila ipagbibili kahit pa ilang bahay na ang kaya nilang ipagawa.

Aminado rin si Richard na tumutulong siya sa pagpapatayo ng bahay nilang bago and he feels good about it.

Nakatutuwa naman dahil nakikita naming responsable na ang bagets na ito at his young age. Si Jewel Mische ba ang inspirasyon now ni Richard? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina, official Kapamilya na?

Cast member na ng Prinsesa ng Banyera si Ara Mina. Magkakaroon ng precedent ang pagtanggap ni Ara ng regular show sa ABS-CBN. Kung pinayagan si Ara ng GMA 7 na tanggapin ang alok ng ABS-CBN, kailangang payagan din ng Kapuso network na magtrabaho sa Kapamilya network ang kanilang mga talent na walang regular show.

Ipinakikita ni Ara sa lahat na “ she can enjoy the best of both worlds.” May regular program siya sa Channel 7, ang Bubble Gang at may afternoon show siya sa Channel 2, ang Prinsesa ng Banyera. Hanggang saan at hanggang kailan ito-tolerate ng GMA 7 ang pamamangka niya sa dalawang ilog? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

3 years of Kapuso Mo blessings

It’s hard to substantially articulate the gravity of Jessica Soho’s communal impact via the GMA primetime show titled after her – Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Running for three years already, it has proven that Public Affairs programs are worthy of airtime in the primetime given the consistently high ratings it has managed to record.

The show by itself is a testimony of team effort, out-of-the-box creativity, human resourcefulness, untimely wit — mostly packed with an uncommon sense of humor and entertainment.

It highly merits the primetime slot during Saturdays with an imaginative concoction of worth-watching stories readied for primetime viewing habit. Executive producer Lee Joseph Castel and program manager Joy Madrigal-Monzon tell of the much untold hard work for every episode of KMJS.

What appears as simple stories aired weekly on this award-winning show are no bare ideas coated in a manner well-liked by a good fraction of televiewers. Though light at first glance, the stories exude insurmountable and unfathomable depth due to the show’s many creative talents.

Coming up with a line-up of stories episode by episode goes beyond normal deliberations. Two main factors call for consideration — substance and idea the feature story can direct to the audience. “The challenge comes with our slot. We are in the primetime so we really struggle to make the stories deep but not boring for our primetime viewers,” Monzon says.

There were times KMJS executives also injected serious stories like hazing and scallop-diving – those which hold much of a social value for an audience of diverse background. “We showed the torment suffered by the scallop divers in Bicol. They dive to get hold of these shells but they only earn P40 per day. They use concressor in diving which is very hazardous to health. The middlemen meanwhile get 100 times more of what they are earning,” Castel narrates.

It takes more than miracle and magic to get good stories. For KMJS, the researchers and producers are too resourceful to get credible contacts for their pitches. Soho’s unpredictability and creativity set the guidelines for the choice of stories. Castel says, “We always want to get ahead of the rest. We want KMJS to be the main source of topics on Internet forums, magazine and newspaper articles. Most of our stories are mere products of our indescribable imagination, and it’s a wonder we manage to create impressive features for the viewers.”

The show does mostly case studies, and not every part of the staff manages to stay given the workload and stress. Castel says, “If you last for one year as a researcher or producer in KMJS, it means you make a hit. You sometimes go crazy because you handle various types of stories.”

Though they make something extraordinary per episode, these great minds behind KMJS are no less embodied as street smart. Most of them simply take jeepneys and buses when commuting. Via daily ordinary encounters with the typical Filipinos across the street, they manage to know better the heart of the masses (pulso ng masa).

Much credit of course goes to the big boss who is very hands-on, articulate, imaginative and directive – Soho herself. Castel and Monzon say that Soho draws them to excellence, no settling on the level of mediocrity for KMJS. “It’s automatic here. We do attempts to equal Ma’am Jessica’s quality of work,” says Monzon. They are compelled to take risks even for something as impossible as locating a family who makes a living selling cadavers, if that will make a story passable for Soho’s standards.

No further questioning, Soho earns the title of the show. Her name is already a brand of credibility, bravery and perseverance. She also carries an appeal for the masses. During shoots, people around do not get intimidated by her presence. She instead shares personal exchange of dialogues with the Filipino commoner.

The most awarded broadcast journalist in the country surely has the bragging rights not everyone is fortunate to possess. Yet, Soho remains the approachable leader that she is and maintains the above-average performance her system has been used to. Her unpredictability gives the surprise factor to KMJS’ audience. Seems that every episode brings televiewers to the unknown.

Distinct in KMJS is the context with which the feature stories evolve. Other magazine-type shows simply run down or enumerate elements of the stories. KMJS meanwhile highlights the importance of the aired stories on the viewing public. It does not present a mere montage of human accounts, but it dresses such accounts with substance and information.

KMJS combines wit and humor in presenting timely narratives. The boundaries that set the parameters in choosing stories must still be observed even if sometimes anything goes. The room for creativity is boundless, but the presentation of stories always fits the host’s persona. In here, the seemingly “corny” stories can be turned into something worth the interest, the superficial can find its depth, and the common can show something extraordinary.

This year, KMJS won Best TV News Magazine Show in the Catholic Mass Media Awards (CMMA) and was nominated in the New York Festivals for the Social Issues/Current Events Category and in the Asian TV Awards for Best Infotainment Show. The award and nominations give vindication to the just efforts exerted by the people behind the show. Though not within their expectations, KMJS staffers are mostly happy to be recognized locally and internationally.

Prior to airing, Castel did not expect the gravity of the tasks the show would ask of them. “I thought it would be easy because the guideline says we will tackle mostly light stories. But come production and deliberations time, we almost freezed to death. We were called to give distinct treatment to cute stories and make them socially and universally relevant,” he said.

The training for the staffers, at least, lies at the extremes. Castel claims that if one is a graduate of programs handled by Soho, there is a guarantee that someone is part of the cream of the crop. “With her as your boss, you cannot say you have done your all because something always remains undone. You would have desires, and sometimes frustrations, in closing the gap between the real and the ideal,” he says. With the unending possibilities the show offers the audience and its staffers, it is undoubtedly an avenue for growth and nurturance.

The duty calls them almost 24/7. Since the show airs on a weekly basis, everyday presents much challenges, the greatest of which is to come up with stories that people will feast on and talk about the next day.

Today, KMJS brings its Christmas Special and celebrates its third year of airing on primetime television. As always, the episode will offer something new for the audience as Soho and the team visit Mexico for a trip of a lifetime. Soho interviews Eduardo Capetillo, the Mexican actor who played Sergio in the feverish Marimar. She tries going up the Aztec Pyramid in Teotihucan and watch out if she manages to reach the top. There is also a case study in reference to bullfighting, as this is the most common leisure the Mexicans enjoy.

The run is surely tough for Soho and the KMJS staffers. But it gets going. Though often cluttered with obstacles to stand by, the opportune to touch and move the public with stories worth-airing must be more than enough reward. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

TV Ratings and ABS-CBN Statement

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng HUWEBES (Disyembre 20) mula sa TNS:

SiS 9.4% vs. Boy and Kris 9%;

Takeshi’s Castle 13.1% vs. Game Ka Na Ba 14.8%;

Eat Bulaga 18.3% vs. Wowowee 15.2%;

Daisy Siete 17.2% at Pasan Ko ang Daigdig 15.3% vs. Prinsesa ng Banyera 12.9%;

My Only Love 12.3% at Soon Ae 10.7% vs. Pinoy Movie Hits 10.9%;

Whammy 19.4% vs. Deal or No Deal 16.9%;

24 Oras 29.3% vs. TV Patrol World 25.2%;

Zaido 34.8% vs. Princess Sarah 26.1%;

Kamandag 38.3% vs. Lastikman 26.7%;

Marimar 42.3% vs. Maging Sino Ka Man 19.3%;

La Vendetta 31.7% vs. Ysabella 17.9%;

Hwang Jini 21.4% vs. Pinoy Big Brother 18.5%; Magpakailanman 12.7% vs. Bandila 10.3%.

***

Naglabas na ng ratings ang AGB Nielsen para sa mga programa ng Dos at Siyete noong Miyerkules at Huwebes.

Narito ang AGB Nielsen Ratings noong MIYERKULES (Disyembre 19):

SiS 9.3% vs. Boy & Kris 7.6%;

Takeshi’s Castle 12.6% vs. Game KNB 16.0%;

Eat Bulaga 18.5% vs. Wowowee 16.9%;

Daisy Siete 17.4% at Pasan Ko ang Daigdig 18.3% vs. Prinsesa ng Banyera 10.1%;

My Only Love 16.3% vs. Pinoy Movie Hits 11%;

Soon Ae 13.6% at Whammy 18.2% vs. Deal or No Deal 17.2%;

24 Oras 29.8% vs. TV Patrol 23.0%;

Zaido 30.6% vs. Princess Sarah 26.3%;

Kamandag 37.6% vs. Lastikman 23.7%;

Marimar 39.8% vs. Maging Sino Ka Man 19.5%;

La Vendetta 28.9% vs. Ysabella 20.2%;

Hwang Jini 20.7% vs.Pinoy Big Brother 23.9%;

Kung Ako Ikaw 14.9%

***

AGB Nielsen Ratings noong HUWEBES (Disyembre 20):

SiS 10.3% vs. Boy & Kris 8.3%;

Takeshi’s Castle 16.1% vs. Game KNB 13.9%;

Eat Bulaga 22.1% vs. Wowowee 14.1%;

Daisy Siete 21.2% at Pasan Ko ang Daigdig 16.9% vs. Prinsesa ng Banyera 11.5%;

My Only Love 13.3% at Soon Ae 10.1% vs. Pinoy Movie Hits 9.2%;

Whammy 16.8% vs. Deal or No Deal 14.1%;

24 Oras 30.5% vs. TV Patrol 21.1%;

Zaido 37.2% vs. Princess Sarah 22.2%;

Kamandag 41.1% vs.Lastikman 22.3%;

Marimar 42.8% vs. Maging Sino Ka Man 18.5%;

La Vendetta 29.3% vs. Ysabella 19.8%;

Hwang Jini 21.6% vs. Pinoy Big Brother 19.0%;

Magpakailanman 14.2% vs. Bandila 11.5%.

***

OFFICIAL STATEMENT of ABS-CBN on AGB Nielsen’s release of TV Ratings Data despite the issuance of a TRO:

"We are extremely disappointed with the decision of AGB Nielsen Media Research Philippines to disobey the clear terms of the temporary restraining order.

"It made a narrow and self-serving interpretation of the TRO. As a result of this, we will hold them liable for contempt of court." [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, December 21, 2007

GMA 7 to file libel case?

NAKAISKOR man ang ABS-CBN 2 kahapon sa unang parte ng pagdinig sa P63-million civil case laban sa AGB Nielsen nang ibigay ng QC RTC ang hinihinging TRO sa TV ratings sa loob ng 20 days, nahaharap naman sila sa kasong libelo na nakatakdang isampa ng GMA 7 anumang araw mula ngayon.

Sa isang press conference kahapon ng umaga, sinabi ni Atty. Dick Perez, VP ng Legal Department ng Kapuso channel, na ang libel case ay bunsod ng ulat ng DZMM reporter na si Junrie Hidalgo na inangguluhan ng ganito: “AGB Nielsen, umamin sa dayaan, GMA Network, tahasang itinurong nasa likod ng dayaan.”

“We consider those statements libelous, so, we’ve already referred the matter to our external lawyers,” anang abogado.

Nang tanungin kung sinu-sinong personalidad ang isasama bilang respondents, sinabi nitong “we will sue the ones who are responsible for the statements.”

Nang matapos ang open forum at uriratin ng kasamahan sa panulat, binanggit nito na definitely, dawit dito ang ABS-CBN, DZMM at si Junrie nga.

Sa ngayon, dagdag pa ni Atty. Perez, masusi na itong pinag-aaralan ng Belo, Gozon Elma law firm, pero “it should not be long” daw bago ito i-file sa korte.
Aniya, maaari itong isampa bago mag-Pasko, pero tumanggi na siyang magbigay ng iba pang mga detalye.

“We’ll let them (external lawyers) take them up,” pahayag naman ni Rikki Escudero ng GMA regional TV.

Inulit ni Rikki sa harap ng press ang nauna nang statement ng Kapuso network na “GMA is not known to play dirty ... The affidavit in court submitted by Maya Reforma of AGB Nielsen belied such accusation against GMA Network.

“The affidavit of AGB’s Maya Reforma states: ‘There is no evidence that shows any significant impact on NUTAM data as a result of the activities purportedly launched by GMA Network.”

Taliwas din sa statement ng iprinisintang “asset” ng ABS, hindi raw nila kilala ang mga lalaking nagsabi na inaalok nila ng P500 cash gift o grocery baskets ang mga pamilyang may ratings meter para mag-switch ng preferred channel.

Madali naman daw gawin ang pagke-claim na sila’y empleyado ng GMA Network, in the same manner, biro ni Rikki, na puwede niyang i-claim na siya ang misis ni Santa Claus.

Lest she be mistaken, nilinaw ni Rikki na hindi sila nakikipag-away sa Dos.

“I don’t think it can be said that we’re fighting with them. We are the ones placed on the defensive here.

We stand by our report in DZMM.

Maya Reforma, in her interview with DZMM’s Junrie Hidalgo this morning, identified GMA-7 as behind certain activities that resulted in exposing the affected panel homes.

Please note that the civil case ABS-CBN filed last Friday, December 14 was against AGB-Nielsen Media Research Philippines and not against any other party. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA-7 denied alleged AGB Nielsen ratings manipulation

NAG-REACT na rin ang GMA-7 regarding the AGB-ABS issue.

Kung nagpa-press conference noon ang ABS sa pagpa-file ng P63 million suit sa AGB, ang Kapuso naman ang nagbigay ng biglaang presscon Thursday morning to deny categorically the report that it is behind the alleged AGB Nielsen ratings manipulation.

Part of its official statement thus read:

“In its radio report, ABS CBN/ DZMM erroneously broadcast that AGB Nielsen named GMA-7 as the network that allegedly funded an operation to bribe metered homes in Bacolod City to watch GMA shows and influence the ratings.

“DZMM reporter Junrie Hidalgo angled the story as: AGB Nielsen, Umamin sa Dayaan, GMA Network tahasang itinurong nasa likod ng dayaan. However, the affidavit in court submitted by Maya Reforma of AGB Nielsen belied such accusation against GMA Network. The affidavit of AGB’s Maya Reforma states: “There is no evidence that shows any significant impact on NUTAM data as a result of the activities PUPORTEDLY launched by GMA Network”.’

GMA has referred the matter to its outside legal counsel for appropriate action. [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites