<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, January 31, 2008

Direk Joyce Bernal comments on Palos

Ayaw mag-comment ni Direk Joyce Bernal na ang Palos ang itinapat ng ABS-CBN sa dinidirehe niyang Marimar ng GMA-7 dahil kaibigan niya ang mga taga-Dos at crush niya si Jake Cuenca.

Ayaw din niyang ma-pressure at gusto ang katapat na show dahil action din ang pinanggalingan.

“Nagkaroon lang ako ng reality check na dapat, ’wag kampante, ayusin ang trabaho at ’wag kang epal na akala mo dikit ka kay Lord. Pero, kinikilig ako sa Coffee Prince,” sabi niya, na ikinatawa namin.

Wedding scene nina Sergio (Dingdong) at Angelika (Katrina) ang isa sa mga eksenang kukunan ni Direk Joyce that day at bago mag-shoot, tumawag sa kanya ang six-year-old daughter niyang si Liam.

Nag-long-distance ito para sabihing ’wag ipakasal sina Sergio at Angelika at nakikipagpustahan pa ang bagets kung ano ang mangyayari.

Obvious na gusto ng viewers ang highlights ng Marimar dahil last Tuesday, nakakuha ito ng 42.8 percent.

Ano pa ang ma-i-expect ng viewers sa teledrama at paano ito magtatapos?

“We’re running seven to eight weeks na lang at compressed na ang story. Maraming shifting, maraming babaligtad at ’di na alam kung sino ang kakampi.
“Utakan na ito, parang psywar. Kung ako ang masusunod, ang gusto kong ending, ikasal sina Marimar at Sergio at ’yun naman ang pinaka-goal nila. “Gusto ko sa Mexico sila ikasal at original plan ’yun, ayaw ko, baka sa Mexico, Pampanga o sa Vigan kami mag-shoot. Hindi kami nag-out-of-the-country, hindi talaga ako pang-abroad,” wika niya.

Ang Dyesebel ang next project ni Direk Joyce sa Channel 7 at March na ang start ng taping and by April, iere na sila.

Hindi pa rin nagbabago ang statement nitong si Marian ang perfect for Dyesebel.

“Na-i-imagine ko na siyang si Dyesebel, kung paano lumangoy at pati buntot, iba ang nakikita ko sa kanya. Pati boobs niya, may sariling buhay, perfect talaga. Perfect backdrop naman, Batanes, at ang dagat, sa Batangas. Perfect location sana ang Palawan, pero malayo.”

Kinulit namin si Direk kung sino na si Dyesebel, pero wala pa raw final choice ang Siyete. Iyong original choice lang ang alam niya, pero napalitan na at hindi na rin niya sinabi kung sino.

Basta, tiyak na matutuwa ang viewers sa napiling gumanap sa Dyesebel. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites