<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, January 25, 2008

HINDI naman pala binasted ni Diana Zubiri si Ian de Leon

’Yan ang nilinaw ng dalaga nang makausap ng press sa presscon ng My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert na produced ng Royal Era Entertainment ni Annabelle Rama.

Sabi ni Diana, paano niya babasterin si Ian, eh, never namang nanligaw sa kanya ang Zaido co-star? Pero, inamin niya na paminsan-minsan ay lumalabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan.

Naging item sina Diana at Ian dahil nga madalas makitang magkasamang gumigimik kung saan-saan. Dagdag paliwanag pa ng sexy star, naging close talaga sila ng binata nina Christopher de Leon at Nora Aunor sa set ng Zaido, pero hanggang pagkakaibigan lang ang relasyon nilang dalawa.

Sa tantiya niya, isang taon na siyang loveless mula nang makipag-break sa relihiyosong non-showbiz boyfriend. Three years daw tumagal ang relasyon nila ng lalaking pumalit sa puso niya kay Vhong Navarro.

Sa ngayon, although maraming nanliligaw, aminado si Diana na enjoy siya sa pagiging single. Hindi rin daw siya nagmamadaling magkaroon ng sariling pamilya dahil unang-una, bata pa naman siya. Pangalawa, may mga pamangkin siya na kung ituring ay anak-anakan niya.

Isa pa, bisi-bisihan siya sa showbiz career, dahil bukod sa Bubble Gang at Zaido, join din ang beauty niya sa bubuksang teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

May mga raket pa si Diana on the side, gaya nga ng special participation sa My Funny Valentine, kung saan makakasama niya sina Ogie Alcasid, Ai-Ai de las Alas at Verni Varga.

Actually, wala pa siyang ideya kung ano ang kakantahin nila ni Ogie, pero ngayon pa lang, super excited na siya sa gagawin nilang pagdu-duet.

Kung sabagay, may ample time pa namang maghanda ang dalawa para sa kanilang number, dahil sa February 8 pa nakatakdang i-stage ang My Funny Valentine sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel.

Ang naturang show nga pala is for the benefit of the Asilo Medalla Milagrosa at sponsored ng Bench, Calayan Surgicenter, Emperador Brandy, Kisses and Co., Met Thatione, Philosophy at GMA Network.

Para sa tickets, tawag lang sa 727-2534/727-2536 or 0927-8298259. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites