<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 27, 2008

Janvier Daily updates

Regular reader kami ng Kuwan, ang Internet blogspot ng direktor at award-winning writer na si Jun Lana.

JANVIER DAILYIlang beses na naming inilabas noon ang mga nakakaaliw pero may kirot sa puso na mga kuwento ni Jun.

Of course, humingi kami ng permiso kay Jun na ilabas sa diyaryo ang nilalaman ng kanyang mga blog at pumayag naman siya.

As a matter of fact, natuwa siya dahil lalong dumami ang bilang ng mga bumibisita at nagbabasa sa kanyang blogspot.

Si Jun ang producer, direktor at sumulat ng kuwento ng Roxxxanne, ang pelikula na ipalalabas sa Indie Sine ng Robinson’s Galleria sa February 2, 2008.
Dahil malapit na ang showing ng Roxxanne, kailangan ng publicity para sa mga bida ng pelikula, sina Sheree, Jay Aquitania at Janvier Daily.

Biggest break ni Janvier ang Roxxanne pero bago pa man ito ipalabas, nauna nang lumabas at kumalat sa Internet ang kanyang nude photo.
Bilang producer at direktor ng Roxxxanne, gusto ni Jun na marami ang manood ng kanyang pelikula at kailangan din na magkaroon ng mga publicity ang mga artista niya.

Pinadali ni Jun ang trabaho ng mga entertainment writer dahil siya na mismo ang nag-interbyu kay Janvier…
***
Kinausap ko si Ihman (manager ni Janvier) at ipinagpaalam ko kung pwedeng ma-interview ang alaga niya para sa promo ng Roxxxanne. Ganito talaga pag indie, writer-director-producer noon, reporter ngayon.

Tipidity productions ito kaya ako na rin ang kumakarir sa publicity. Pero sabi ko magiging brutal ang mga tanong ko. At ayoko ng mga sagot na pa-cute. Kung kumalat na sa internet ang nude pic mo, magpapa-cute ka pa ba?

Nakita na ng mga tao ang titi mo. Ano pa ang pwede mong itago? Pero magugulat kayo, dahil marami pa.

Sa mababasa n’yong interview, makikita n’yo kung paano hinubaran uli ni Janvier ang sarili niya.

At kung ako ang tatanungin n’yo, ito ang pina­kamatinding paghuhubad na pwedeng gawin ni Janvier sa buong buhay niya.

JL: Eto Janvier, babasahin ko sa ‘yo ang isang comment na iniwan sa blog ko tungkol sa latest post ko sa ‘yo. Hindi ko ito pinayagang ma-publish, pero tinago ko para makita mo.

Eto ang comment: “Pahada naman ‘yang si Janvier eh. Tsupain ko yan.” Tanggap mo na bang pag nakikita ka ng mga tao, ang unang pumapasok sa isip nila sex? (Halata kong medyo uneasy si Janvier, ngumiti lang.)

JD: Hindi naman po siguro.

JL: May iba ang tingin sa ‘yo, naglalakad na titi. Tanggap mo na ba ‘yun?
JD: Trabaho lang naman para sa akin ang paghuhubad, Direk. Kung ano ang isipin sa akin ng mga tao, wala na akong magagawa.
JL: At siyempre, sasabihin mo sa akin, naghuhubad ka para maiahon sa hirap ang pamilya mo.
JD: Para po sa Mama ko. Lahat ng ginagawa ko, para sa kanya. Hindi po biro ang pinagdaanan niya para lang mapalaki kami ng maayos.
JL: Gaya ng?

(Hindi agad sumagot si Janvier, parang naninimbang
kung ano ang pwedeng sabihin.)

JD: Nung bata pa po ako, bigla kaming nilusob ng crew ng ‘Magandang Gabi Bayan,’ pinagbintangan nilang bugaw ang nanay ko.
JL: Sino daw ang binubugaw niya?

JD: Kami pong mga anak niya. Ang totoo, naghahanap lang siya ng mag-i-sponsor sa studies namin, pa’no walo kaming magkakapatid, hindi niya kami mapag-aral lahat. Pero akala ng mga tao binubugaw niya kami.
JL: Sino naman ang mga malisyosong taong yan, at nireport pa talaga ang nanay mo sa ‘Magandang Gabi Bayan’?
JD: ‘Yung mga kasama po namin sa kalye.
JL: Kalye? Anong kalye?
JD: Sa Ermita, Direk. Minsan sa UN Avenue… sa Luneta. Kung saan kami abutin ng gabi.
JL: Teka, naguguluhan ako. Tumira kayo sa kalsada?
(Napatingin ako sa manager ni Janvier sa tabi ko. Hindi ito umiimik.)
JL: Seryoso ka ba? Wala kayong bahay? Wala kayong kamag-anak na pwedeng tirhan?
JD: Taga-Surigao po ang Mama ko, wala siyang pamilya dito. Ang Papa ko naman po, taga-Laguna.
JL: O, e ba’t hindi kayo tumira sa Papa mo?
JD: Siya po ang tinatakasan namin. Lagi po kasi kaming binubugbog. Lalo na si Mama. Muntik na niyang mapatay si Mama.
JL: Ilang taon ka nung mapadpad kayo sa Ermita?
JD: 4-5 po.
JL: Gaano kayo katagal tumira sa kalsada?
JD: 11 na po ako nung kunin ako ng MYRC.
JL: Ano ‘yun?
JD: Juvenile center po.
JL: Teka, 6 years kayong nakatira sa kalsada? Lahat kayo? Paano kayo nabuhay?
JD: Nu’ng nagtagal po, nag-squatter kami sa estero sa may UN. Tapos nag-waitress ang Mama ko sa Ermita. Kaming magkakapatid, kung anu-anong trabaho. Ako po, nagbenta ng diyaryo.
JL: Buti hindi kayo nababagansya?
JD: Maraming beses, Direk. Ang pinakamatindi nu’ng naghahanap kami ng matutulugan sa Ermita Center, umalis sandali si Mama, pagbalik niya isinasakay na kami sa mobile ng mga pulis. Pinagbabato ni Mama ‘yung presinto para pakawalan kami.
(Tumigil sandali sa pagkukuwento si Janvier, parang iiyak.)
JD: Pinakawalan kami ng mga pulis pero si Mama ang pinagtripan nila. Binugbog nila, tapos hinubaran, saka kinulong. Pagkatapos po nun, madalas nang magkaroon ng breakdown si Mama.
JL: Anong klaseng breakdown?
JD: Minsan bigla na lang po siyang iiyak, magwawala, tapos maglalakad nang nakahubad sa Ermita.
JL: Anong ginagawa n’yo?
JD: Susundan po namin siya hanggang mapagod siya. Basta makatulog siya, OK na siya paggising niya.
JL: Buti sa kabila ng lahat ng ‘yan, hindi kayo nagkahiwa-hiwalay?
JD: Nung 11 po ako, du’n dumating ang MYRC. Ang pakilala sa Mama ko, social worker sila. Pag-aaralin daw kami. Pero juvenile center pala, ginawa akong katulong, tagaipon ng kaning baboy. ‘Yung ibang kapatid ko, pinagkukuha ng ibang ampunan. May napunta sa Kapatiran, ‘yung iba sa Asilo.
JL: Ba’t hindi kayo kinuha ng Mama mo?
JD: Wala po siyang trabaho noon. Kung ba­bawiin niya kami, magugutom lang kami. Pero ako, nung isang beses na bumisita si Mama, pagkaalis niya, tumakas ako, hinabol ko siya.
JL: Janvier, hindi ko kaya ang pinagdaanan mo. Talo pa ang episode ng Magpakailanman. Pa­ano nabuo uli ang pamilya mo? Paano kayo nakaahon sa hirap?
JD: Direk… sasabihin ko po sa inyo pero off the record.
Sa mga ikinuwento ni Janvier, eto lang pwede kong i-reveal:
Nang magkapera sila, sa kagustuhang ma­kapag-aral, gumamit siya ng fake diplomas (hindi siya nakapag-elementary at high school) para matanggap sa isang university, kung saan hindi lang siya basta nakapasok, naging basketball varsity player din siya. Habang nagkukuwento si Janvier, may isang tanong na hindi maalis-alis sa isip ko:
JL : Janvier… sa dami ng pinagdanan mo… wala bang nang-molestiya sa ‘yo… nang-abuso?
(Matagal bago nakasagot si Janvier. Parang nag-iisip. Kahit ako naging uncomfortable, iniwasan ko ang tingin niya, nagkunwaring busy sa pagtatype sa laptop.)
JD: Wala po. [source of news]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

I know that this is kinda late but just want to let you know guys na this interview was not done in good taste ...thats my opinion

7:55 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites