<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, January 29, 2008

Jeremy, sinampal ni Alessandra

Kung masaya at maaksyon ang katatapos na Ni­vea celebrity event sa Pearl Farm ay mas bongga at mas makulay ang sidelights sa nasabing beach resort sa Davao.

Naisulat na namin dito nu’ng Biyernes ang pag­babati ng dating magkasintahan na sina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez.
Sa welcome party nu’ng Huwebes nang gabi ay hindi namin nakitang nagsayaw na magkapareha ang dating magsyota.

After ng party ay nakatuwaang mag-swimming ng mga celeb sa kalapit lang na Mandaya pool. Si Jomari Yllana ang nagpasimumo ng pagtalon sa pool nang nakadamit, tapos ay ang dami nang nagsunuran.
Nu’ng nasa tubig na sila ay kanya-kanya nang ‘blocking’ ang magkakapareha at meron nang mga nagmu-‘moment’ sa pool, kabilang doon sina Alex at Jeremy na nagyayakapan at swit-switan.

Sa chill out party kinabukasan nang gabi sa Malipano island, iba’t ibang bebot ang kasa­yaw ni Jeremy, habang si Ale­x ay mostly kapwa niya girls ang kasayaw sa dancefloor.

Maya-maya ay ang ex-sweethearts na ang magkapartner at magkadikit ang mga katawan nila habang sumasayaw. Itsurang magsyota ulit ang dalawa na nagyaya­kapan at buong ningning na naghahalikan!

***
Kinaumagahan ay may bagong eksena sina Alex at Jeremy. Bago nagsimula ang sports activities ay kumubli ang dalawa sa isang malaking bato sa may dagat at doon ay ‘kinompronta’ ni babae si lalake.

Mukhang may kung anong pinagtatalunan ang dalawa na dahilan para mag-init ang ulo ni Alex at bigyan nito ng kaliwa’t kanang sampal si Jeremy.

Sa pagkakaalam namin ay nakunan ng came­raman ng Startalk ang nasabing eksena. Nang mapansin ni Alex na may mga photographer na rin na nakatunog sa away nila ni Jeremy at kinukunan sila ng pictures ay pasimpleng itinaas ni Ale­x ang mga daliri niya at ‘nginaratan’ ang mga photog!

Buong araw na tila wala sa mood si Alex. Habang nagaganap ang iba pang games sa Malipano island ay may kung anu-anong pasaring pa si Ale­x na ewan kung sino ang pinatatamaan.

Naringgan itong nagdayalog na naiirita raw siya dahil maraming ‘buwaya’ sa paligid.

Kinagabihan sa awards dinner and final party sa Maranao poolside ay isa si Alex sa mga nakatuwaang tumalon sa swimming pool after mag-perform ng banda.
Isang manipis at mahabang summer dress ang suot ni Alex na nu’ng mabasa ay pinipigaan niya, kaya lumilitaw ang suot niyang bikini.

Katabi namin ng upuan si Jeremy kaya nakita namin habang pinagsasabihan nito ang wetlook na si Alex na magpalit na ng damit dahil lumilitaw na ang kanyang dibdib sa kapipiga at kahihila ng kanyang damit.

Katwiran ng Alex, wala siyang boobs na lilitaw kaya okey lang. Napailing na lang si Jeremy nang hindi siya sundin ng dating nobya.

Maya-maya ay magkadikit na naman ang dating magsyota. Nang mapansin ni Alex na kinukunan siya ng TONITE photographer na si Boy Borja ay tinawag niya pa ito at saka siya nagpakuha habang hinahalikan niya sa pis­ngi si Jeremy, na napansin na­ming tila naaasiwa sa pinaggagagawa ng tipsy nang si Alex.

Obvious na in love na in love pa rin si Alessandra kay Jeremy. After the party na halos lasing na ang lahat ay hindi raw makita si Alex.

Nang matagpuan ito ay nakahandusay sa CR, nagsusuka at iyak nang iyak habang panay ang sabing mahal na mahal niya si Jeremy! [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites