<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 27, 2008

Magandang samahan nina Ogie, Regine at Michelle mahirap paniwalaan

Mahirap man paniwalaan, napakaganda ng samahan ng dating mag-asawang Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren at Regine Velasquez. Katunayan, nang malantad ang relasyon nina Ogie at Regine ay nagmukhang mang-aagaw ng asawa si Regine, si Michelle pa mismo ang nagtanggol kay Regine na kanyang kaibigan.

Mahaba-haba ring panahong naitago nina Ogie at Regine ang kanilang relasyon, although hindi naman ito nailihim sa kaalaman ng marami habang nanahimik si Michelle sa Australia kasama ang dalawa nilang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah.

Marami noon ang nagtatanong kung paano nati-take ni Michelle na kasama ni Ogie ang bago nitong karelasyon kapag dumadalaw ang singer-composer sa Australia.

Sa maikling panahon na nakilala namin si Michelle nung kami’y nasa OctoArts pa kung saan nagsimula at umusbong ang love affair nila ni Ogie, kilala namin ang kanyang pagiging selosa. Pero sadyang mabait, mapagmahal, malambing at pasensiyoso si Ogie, ang mga katangian na madaling makapukaw ng attention sa mga babae kaya siguradong naiintindihan na rin ni Michelle ang mga nangyari sa kanila.

Sa Pilipinas ikinasal sina Ogie at Michelle na amin pang nasaksihan. Para mapakasalan ni Ogie si Regine, kailangang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Michelle sa bansa. Hindi marahil ito magiging problema sa parte ni Michelle dahil may basbas siya sa relasyon ng dati niyang mister at kaibigang si Regine. May mga balita naman na may bagong karelasyon na rin si Michelle sa Australia pero hindi naman nagpapabaya si Ogie sa kanyang obligasyon sa kanilang dalawang anak ni Michelle. Bukod sa aspetong pinansiyal, dinadalaw din ni Ogie ang kanyang mag-iina sa Australia may ilang beses sa loob ng isang taon.

Bukod sa pagkakaibigan nina Michelle at Regine, close din si Regine sa mga anak nina Ogie at Michelle. Kaya huwag tayong magtataka kung dumating ang panahon na ikasal sina Ogie at Regine ay maging abay pa si Michelle at kasama sa entourange ang mga anak nina Ogie at Michelle.

Samantala, natutuwa si Ogie dahil nagiging paborito siyang kunin ng concert producer-talent manager na si Annabelle Rama sa mga pinu-produce nitong shows. Katunayan, isa na naman si Ogie sa mga featured performers sa pre-Valentine show ng Royale Era Productions na pag-aari ng Gutierrez Family na pinamagatang My Funny Valentine kung saan makakasama ni Ogie sina Vernie Varga at AiAi delas Alas at kung saan naman may special participation si Diana Zubiri. Ito’y gaganapin sa Crowne Plaza Ballroom sa Pebrero 8 sa ganap na ika-7:30 ng gabi na ididirek ni Al Quinn. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites