<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, January 25, 2008

Ogie, gustong lumigaya si Michelle

Inamin ni Ogie Alcasid sa presscon ng My Funny Valentine (Pebrero 8, Crowne Plaza Hotel) na napapagalitan siya ng kanyang lawyer tuwing masyado siyang nagiging open tungkol sa kanilang dalawa ng girlfriend niyang si Regine Velasquez.

Hindi pa raw kasi annulled ang kasal nila ni Michelle van Eimeren dito sa ating bansa.

“Pero divorced na kami sa Australia,” pag-amin ng singer/comedian.
Sa tanong kung nagli-live-in na ba sila ni Regine, sinabi niyang may sari­ling bahay ang kanyang girlfriend at siya naman ay nakikitira ngayon sa bahay ng kanyang mga magulang sa may Magallanes, Makati.

“Iyung dating bahay kasi na tinitirhan ko, inuupahan ko lang ‘yon noon at ginive-up ko na,” paliwanag niya.

Sa tanong kung totoo bang may iba nang boyfriend si Michelle, sinabi ni Ogie na hangad niya ang kaligayahan ng ina ng dalawa niyang anak.

“Gusto ko siyempre na maging masaya si Michelle, pero I cannot say anything regarding her lovelife. Siya na lang ang tanungin ninyo.

“Basta okey naman ang set-up namin, lalo na sa mga bata,” paliwanag niya.
‘Yung bahay raw nila sa Australia ay nasa pa­ngalan ni Michelle at ng mga bata at naka-loan lang daw ‘yon.

Sa My Funny Valen­tine show na prod­yus ni Annabelle Rama ay nangako si Ogie na mas marami ang kakantahin niya kumpara sa naunang dalawang show niya under Royale ERA Entertainment.

Sinabihan din ni Bisaya si Ogie na kumanta ng medley at maghanda ng extra songs dahil tiyak na maraming sisigaw ng “More, more”.

Natutuwa si Ogie kapag sinasabi ni Bisaya na favorite siya nito.
Kasama ni Ogie sa My Funny Valentine show sina Ai Ai delas Alas, Dia­na Zubiri at Verni Varga.

Ang sponsors ng show na ito ay ang Bench, Cala­yan Surgi­centre (Drs. Manny Pie), Empera­dor Brandy, Kisses & Co., Met Tathione, Philosophy Spa by Mikhaela at ang GMA 7.

For ticket inquiries, call 727-25-34 or 36. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites