<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, January 30, 2008

Rhian Ramos willing to audition for Dyesebel role

WILLING namang mag-audition si Rhian Ramos sakaling magpatawag ang Siyete ng try-out para sa magiging bida ng upcoming serye na Dyesebel.

Actually, okay din daw sa kanya ang proyektong Captain Barbell Meets Darna dahil matagal na niyang type gumawa ng isang action series.

Kung papalaring makuha ang Dyesebel role, hindi na mamumroblema si Rhian sa paglangoy dahil bata pa lang siya’y properly trained na ng isang swimming coach.

Hindi rin magiging problema ang sinasabing pagta-topless ng lead karakter na sirena, dahil willing itong magpaka-daring, although hindi pa nagpapaalam sa tita niyang si Ida Henares, GMA Artists Center head.

Given the chance to be in any of the two shows, aminado si Rhian na magiging masaya siya dahil halos lahat naman ng proyekto ng GMA ngayon ay napaka-juicy.

Wala rin daw problema sakaling kontrabida man ang ibigay na papel sa kanya ng management.

Katuwiran ng dalaga, “I’m not really the one to choose a role for myself because I trust management that they’d choose a role na babagay sa akin. If they say it’s okay, I’d do it. Kahit contravida role, because contravidas have strong characters.”

Anyway, since malapit na ang Valentine’s Day, inusisa si Rhian ng press kung ano ang balak niya sa Araw ng mga Puso.

Pero giit niya, siya at ang mga dating kabarkada ay “sooo anti-Valentine,” lalo na nu’ng early teenage years nila’t wala namang mga lovelife.

Imbes na Valentine’s Day ang i-celebrate, ginagawa raw nilang “Friendship Day” ang February 14, at sila-sila na lang ang nagde-date.

Sa ngayon, wala pang definite Valentine plan si Rhian, although nang tanungin kung ano ang type niya, sinabi nitong gusto niya ng dinner date.

Mas maganda raw makatanggap ng dinner invitation kesa rosas o tsokolate dahil mas nakakapag-usap nang masinsinan ang isang pareha habang kumakain. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites