<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 22, 2008

Dennis Trillo special kay Cristine Reyes

SA presscon ng Ate kahapon, inamin ni Cristine Reyes na totoo ngang nag-date sila ni Dennis Trillo noong nakaraang Valentine’s Day.

Unexpected daw ang pangyayari dahil ang balak lang niya that day ay magtulog sa bahay nang biglang nag-text sa kanya si Dennis.

“Actually, late na nga ’yun. Katatapos ko lang mag-jogging and pagkaligo ko, matutulog na sana ako. Tapos biglang nag-text, ‘ano ang ginagawa mo?,’ ‘pagod ka na ba, gusto mo bang lumabas?’ Sabi ko, ‘sige.’”

Nag-dinner lang daw sila somewhere in Makati at nagkumustahan. Wala raw balikan o anuman at hindi rin naman daw nagpaparamdam si Dennis.

“Alam din naman kasi niya na sa ngayon, ayoko munang magkaroon ng relasyon dahil unang-una, gusto ko munang asikasuhin ang career ko. Siya, established na siya, ’di ba?

“Sinabi ko naman ’yun sa kanya, eh. Sabi ko, kung magiging tayo, tayo talaga,” sabi ni Cristine.

Kinantiyawan ang young actress na para yayain siya ni Dennis na maka-date nu’ng Valentine’s Day, ibig lang sabihin ay special siya sa aktor.

“Well, I feel good naman kung ganu’ng special ako sa kanya dahil kahit papano, special din siya sa akin,” sabi pa ng isa sa bida ng Ate.

Tungkol naman sa status niya sa GMA-7, ani Cristine ay wala pa ring bagong development maliban sa nag-expire na ang kontrata niya sa GMA Artists Center noong Feb. 1.

Nagkaroon na raw sila ng meeting ng management at magkakaroon pa uli ng isang pag-uusap at dito na pag-uusapan ang tungkol sa hanging question kung magre-renew ba siya o hindi.

“Sa ngayon kasi, hindi pa po ako sigurado, eh. Ayoko pong magsalita nang tapos dahil gusto ko, pagkatapos naming mag-usap, saka na lang ako maglalabas ng detalye.”

Aminado naman siyang may offer sa kanya ang ABS-CBN, pero gusto raw muna niyang makausap ang Kapuso management bago siya magdesisyon.

Kung ano ang offer ng Kapamilya ay ayaw na ring idetalye pa ni Cristine.

Samantala, showing na sa March 5 ang Ate sa lahat ng SM Cinemas. Bukod kina Ara at Cristine, kasama rin sa movie sina Eddie Garcia, Paolo Paraiso, Ian Veneracion, Eva Darren at Rochelle Barrameda mula sa direksyon ni Lore Reyes. [source of news]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites