<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 23, 2008

GMA at ABS-CBN, tabla na sa nationwide TV ratings

Tumabla na sa nationwide TV ratings ang GMA Network, patunay lamang sa tuluy-tuloy na pagsulong nito.

Ayon sa AGB Nielsen NUTAM (National Urban TV Audience Measurement) survey na itinala noong Pebrero 10-16, tinapatan na ng GMA ang total day people ratings ng ABS-CBN.

Parehong nagtala ng 7.6% ang magkalabang istas­yon.
Pagdating sa nationwide total day house­hold ratings, 0.8% ang lamang ng ABS-CBN noong Pebrero 10-16. Nakapagtala ang ABS-CBN ng 16.6% samantalang 15.8% ang naitala ng GMA.

Sa people audience share, bumaba ang lamang ng ABS-CBN mula 1.6% noong Pebrero 3-9 sa 0.3% noong Pebrero 10-16.

Pati ang lamang sa household audience share ng ABS-CBN ay bumaba mula 2.5% hanggang 2.1%.

Anim sa sampung nangungunang programa nationwide ay mula sa GMA.
Ang phenomenal primetime series na Marimar (Marian Rivera) ang nanguna sa listahan. Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto ang Kamandag (Richard Gutierrez) at Joaquin Bordado (Robin Padilla).

Pasok din ang Bitoy’s Funniest Videos (Michael V), Kap’s Amazing Stories (Bong Revilla), at Kapuso Mo, Jessica Soho sa top 10 overall programs.

Sa Total Urban Luzon, patuloy ang pagiging dominante ng mga programa ng GMA. Labing-anim sa top 30 programs ang mula sa Kapuso at ang unang anim na pwesto ay nakuha ng mga programa ng GMA.

Marimar, Kamandag at Joaquin Bordado ang tatlong pangunahing programa.
Sa North/Central Luzon, 21 sa 30 nangungunang programa ay mula pa rin sa GMA. Okupado ng mga programa ng GMA ang unang walong pwesto. Marimar, Kamandag at Joaquin Bordado pa rin ang tatlong nangungunang programa.
Nagkaroon din ng makabuluhang pagtaas ang ratings ng GMA ma­ging sa South Luzon, Urban Visayas at Urban Mindanao.

Patuloy ang GMA sa pagpapalakas ng signal at pag-i-improve ng mga pasilidad nito sa probinsya lalo na sa Katimugang bahagi ng bansa.
[source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites