<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 22, 2008

Jennylyn Mercado, kumalas kay Patrick Garcia

AS of press time, nagdesisyon na si Jennylyn Mercado na ipagpatuloy ang buhay nang wala si Patrick Garcia, ang boyfriend niya’t ama ng kanyang dinadala.

Umiiyak na sinabi ni Jen nang makapanayam namin siya last Wednesday na matagal daw siyang naghintay kay Pat at umasa na maaayos din ang lahat sa kanilang relasyon.

Pero, mula raw nang mabuntis siya, wala man lang daw effort ang aktor para suportahan siya emotionally and financially although aniya, at this point in time, hindi mahalaga ang pinansyal na aspeto.

“Ang presence niya ang kailangan ko, ’yung love niya, ’yung pag-aalaga niya, ’yung suporta niya. Pero, hindi ko ’yun nakikita sa kanya,” umiiyak na pahayag ni Jen.

Matagal na raw ganito ang sitwasyon at kung magkita man sila, wala naman daw silang pinag-uusapan tungkol sa kanilang relasyon.

Oo nga raw at magkasama sila last Valentine’s Day, pero wala naman silang napag-usapan at ang tanong pa raw sa kanya ni Patrick ay “is the baby still there?” dahil medyo maliit pa ang kanyang tiyan.

Masamang-masama rin ang loob ni Jen sa napanood niyang pahayag ni Patrick sa The Buzz, kung saan ay tinanong ito tungkol sa tsismis na hindi ito ang ama ng kanyang dinadala.

No comment ang sagot ni Patrick, na para kay Jen, senyales na nagdududa rin mismo sa kanya ang boyfriend.

Tinanong din ang aktor ng hypothetical question na kung sakaling isang araw, malaman niyang hindi siya ang ama, ano ang gagawin niya?

Ang isinagot ni Pat, siya pa rin ang tatayong ama until somebody comes along para umako.

“Alam naman niya ang totoo. Sa aming dalawa ito, pero bakit ganu’n ang sagot niya? Sana man lang, sinabi niya na sigurado siya na kanya ang baby,” say ni Jen.

Nasasaktan din ang young actress sa nasabing akusasyon na hindi niya malaman kung saan galing.

“Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue? Ang sakit-sakit para sa akin niyan,” umiiyak pang sabi ng young actress.

Sa ngayon, pipilitin na raw niyang alisin sa buhay niya si Patrick.

Hindi niya sigurado kung bibigyan pa niya ng karapatan ang aktor sa kanyang baby matapos ang mga sinabi nito. [source of news]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites