<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, February 28, 2008

Kaputol ng Isang Awit updates

Kung si Glaiza de Castro lang ang masusunod, ayaw na niyang magpa-doctor at patingnan ang bukol sa likod ng ulo dala ng pagkadulas sa taping ng Kaputol ng Isang Awit.

Wala naman daw siyang nararamdaman and in fact, kinabukasan after the presscon, may taping na naman siya.

Umalis na kami sa presscon at ’di namin alam kung nakinig si Glaiza sa payo ng press na magpa-doctor at patingnan na rin ang pasa sa left arm na dala pa rin ng pagkakadulas at pasa sa upper lip, na kagagawan ni Marky Cielo, pero kasama rin sa eksena.

Biggest break ito ni Glaiza sa GMA-7 at ginagawa niya ang lahat para hindi ma-disappoint ang management at ang viewers. Pressure sa kanya na role ni Sharon Cuneta sa original movie ang ginagampanan at dagdag na pressure ang magiging rating nito.

Alam ni Glaiza na may mga hindi pabor na sa kanya ibinigay ng Channel 7 ang project at challenge sa kanyang ipakitang kaya niya ang trabaho.

Ang husay sa acting at galing kumanta ang panlaban niya sa mga hindi bilib sa kanya.

Sa March 3 na magsisimulang umere ang Kaputol ng Isang Awit sa Dramarama sa Hapon block, sa ilalim ng direksyon ni Mike Tuviera.

* * *

Kasama rin sa cast ng Kaputol ng Isang Awit si Snooky Serna as Vina (mother ni Glaiza). Mag-asawa sila rito ni Tirso Cruz III, na sa first movie niyang My Heart Belongs to Daddy, ay gumanap na kanyang ama.

May tattoo ng samurai woman sa right back si Snooky, nakisabay daw siya sa kanyang mga anak. Wala siyang lovelife at bukod sa series ng GMA-7, busy sa kanyang Integrated Medicine course.

Two-year course ito sa Open University ng Sri Lanka at sa March, graduate na siya at isa na siyang certified herbalist.

Bukod doon, kaya rin niyang gumamot through’ accupunture, accupressure at iba pang holistic healing.

She was encouraged by a friend na owner ng holistic center to take up Integrated Medicine at tulong na rin niya ito sa mahihirap na Pinoy na can’t afford magpa-doctor.

After graduation, ipa-practice ni Snooky ang kanyang napag-aralan. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites