<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, February 25, 2008

Marian, Richard tuloy na sa Barbel at Darna

Nang simulan ng Kapuso network ang plugging ng mga forthcoming shows ay kabilang ang Captain Barbel Meets Darna at naging palaisipan kung sino si Darna dahil si Angel Locsin ay naglipat-bahay na.

For a while ay nabanggit ang mga pangalan nina Iza Calzado, Katrina Halili, Cristine Reyes at Rhian Ramos para sa papel ng bagong Darna.

Pero nang pumatok sa takilya ang My Bestfriend’s Girlfriend na showing on its second week at tinatayang mahigit P100M ang ma-giging gross sa box office, luminaw na ang balitang si Marian Rivera na ang gaganap sa Pinoy superheroine na likha ng Komiks King na si Uncle Mars Ravelo.

Although hindi pa nag-verify sa’min ang isang member ng GMA Creative Team, sa ngiti niya’y parang na-confirm na na-ming totoo ang balita. Kung paanong si Rhian naman daw ang bagong Dyesebel na karakter din sa nobela ni Uncle Mars.

Nang makausap nga namin itong si Rhian ay sinabi niyang wala pa si-yang alam. Pero kung pamimiliin daw siya’y parang mas type niya ang Darna role dahil mas maaksyon ito.

Laging nasa tubig at may buntot kasi si Dyesebel at nagiging human lang na may paa at nasa kati pag nahaplos ang mahiwagang kabibe. “Pero kung ano po ang ibigay sa’kin ng network, magpapasalamat din ako,” sabi ni Rhian.

Meanwhile, hanggang Marso pa ang Marimar ni Marian at Kamandag ni Richard. Patapos naman ang My Only Love ni Rhian.
[source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites