<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 22, 2008

Marian Rivera , ayaw matawag na taga-salo lang ni Angel

NOW it can be told na si Marian Rivera na ang Dyesebel at hindi si Rhian Ramos. Pero bago in-offer sa una ang Dyesebel, inalok muna siyang mag-Darna.

Sabi ni Popoy Caritativo, manager ni Marian, natakot ang actress na gumanap sa papel ni Darna dahil baka raw sabihin ng mga tao na taga-salo na lang siya ng iniwang roles ni Angel Locsin.

“Ayoko po kasing masabihang taga-salo lang ako ng projects ni Angel. ’Di ba, sa kanya dapat ang Marimar? Everybody knows na si Angel ang dating Darna,” say ni Marian.

“Just the same, nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa pag-aalaga nila sa akin.

“Nauunawaan po nila kung bakit kailangan kong tanggihan ang Darna.

“Marami kaming talents sa Siyete at alam kong marami rin ang naghahangad na maging Darna. Nandiyan naman si Katrina (Halili), na very vocal na gusto niyang lumipad.

“Nandiyan din sina Iwa Moto, Nadine Samonte, Rhian, atbp.,” patuloy ng leading lady ni Richard Gutierrez sa blockbuster Valentine movie na My Bestfriend’s Girlfriend.

Speaking of MBFG, hindi inisnab, kundi late lang dumating si Marian sa idinaos na thanksgiving/victory party sa Imperial Palace Suites kamakailan.

Humabol ang aktres dahil galing pa raw sa pictorial ng Dyesebel sa may GMA studios.

Anyway, nais ipaabot nina Marian at Popoy ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa MBFGF at sana raw, magkaroon pa ito ng part 2. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites