<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, February 27, 2008

Regine Velasquez to do a remake of a hit Koreanovela

WALANG Regine Velasquez na nag-appear sa SOP nu’ng Linggo. Bagkus, ang boyfriend nitong si Ogie Alcasid lang ang dumating. Live mang nagpa-interview si Regine sa The Buzz, isang source ang nagsabi sa aming may inihahanda nang soap para sa kanya ang GMA-7 na ilalagay sa primetime slot.

Ililinya raw si Regine sa drama para sa remake ng isang hit Koreanovela.

Hindi pa alam ng source namin kung anong klaseng Koreanovela ito o kung anong title. Basta, isa raw itong hit sa Pilipinas.

Siyempre, tulad ng Marimar, siguradong kasasabikan din daw ang local version nito.

* * *

NAPAG-ALAMAN din namin sa isang source na mali ang kumalat na balitang ang Kaputol ng Isang Awit ang in-offer ng Siyete kay Regine.

Never daw inalok kay Regine ang nasabing afternoon soap, kundi kay Jolina Magdangal. Pero, nag-beg daw si Jolens dahil mas pinili ang pagdya-judge sa Pinoy Idol.

* * *

KUNG maraming bagong developments sa career ni Regine, hindi pahuhuli ang BF niyang si Ogie.

Ang latest na nasagap namin mula sa isang reliable source ay may bago itong programang gagawin sa GMA-7.

Isa raw itong game show na pinamagatang The Big Show. Locally-produced daw ito.

Bukod sa TV work, inaasikaso rin ni Ogie ang anniversary concert, 20-20, na gagawin sa Araneta Coliseum sa September 27. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites