<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, February 20, 2008

Richard maraming karibal kay KC

Sa victory party ng My Bestfriend’s Girlfriend ay pinutakti si Richard ng mga tanong ng press tungkol kay KC Concepcion.

Inamin ni Richard na pinanood niya ang labas ni KC last Friday sa Maalaala Mo Kaya and for a beginner raw ay na-impress siya sa galing na ipinakita ni KC sa pag-arte. Tinext nga raw niya si KC para i-congratulate ito pagkatapos niyang panoorin ang MMK.

Sa pangungulit din ng press ay inamin din ni Richard na nagbigay siya ng gift kay KC noong nakaraang Valentine’s Day.

Pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ‘yun. Basta nagustuhan daw nang husto ni KC ‘yung regalo niya.

Ayaw rin niyang tukuyin kung pumunta ba siya sa bahay nina KC para ibigay niya nang personal ang kanyang Valentine’s gift dito.

Ayaw niyang sa kanya manggagaling ang mga detalye. Hahayaan na lang daw niya na si KC na lang ang magkuwento kung maiinterbyu ito ng press. Naku, umiral na naman ang pagka-gentleman ni Richard!

Hindi naman daw kaya magselos si Jewel Mische dahil niregaluhan niya si KC last Valentine’s Day? “Walang dapat pagselosan si Jewel!”nakangiting tugon ni Richard.

* * *

Sa interview ng press kay KC Concepcion para sa MMK episode nito, nabanggit ni KC na naghihintay lang daw ito na ligawan siya ni Richard kasi hanggang ngayon ay wala pa naman daw ginagawang hakbang ang binatilyo ni Tita Annabelle.

Sagot ni Richard,”I don’t want to rush things. Gusto ko kasi proper timing. Special kasi si KC. She’s a nice person, very talented, intelligent. She has a great personality. I want to take my time to get to know her better.”

Eh, sa totoo lang, napaka-popular at napakaganda ni KC na sa dami ng suitors nito ay baka maunahan na siya ng iba. “Well, that’s the risk I’m willing to take. As of now naman we often call or text each other. Busy lang kasi ako nga-yon with work kaya hindi ko siya mapuntahan as much as I would like to,”pahayag ni Richard.

Na-meet na rin daw niya si Sharon Cuneta ng ilang beses at wala raw siyang masasabi sa kabaitan ng mommy ni KC. Kung ang pag-uusapan naman daw ay ang mommy niya na si Tita Annabelle, super boto raw talaga ito kay KC.

Gustung-gusto raw ni-yang makasama si KC sa movie kaso exclusive raw siya sa GMA Films kaya hindi siya puwedeng gumawa sa Star Cinema.

Possible lang daw ‘yun kung gagawa si KC sa GMA Films kasi wala pa naman daw pinipirma-hang kontrata si KC sa ABS-CBN. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites