<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 29, 2008

Sachie Sanders inagawan ng bf ni Iwa Moto

Among the three Viva Hot Babes na nasa presscon kahapon ng Pinoy Kamasutra 2 video ng Viva Entertainment, si Sachie Sanders ang may mainit na issue dahil ayon sa kanya, inagawan siya ng boyfriend ni Iwa Moto.

Ang current non-showbiz boyfriend daw ngayon ni Iwa ay ex ni Sachie at dahil sa young actress kaya sila naghiwalay.

“Three years kaming nag-live-in,” kuwento ni Sachie. “Pero, babaero siya talaga noon pa. Noong una, sabi niya, friend niya lang si Iwa. Kami pa that time.

“Pero, marami ang nagsasabi sa aking nagde-date sila, nakikita sila kung saan-saan at nagpapalitan sila ng text messages.

“Alam ni Iwa na boyfriend ko siya at nakikita niya kami, nagkikita-kita kami dahil may common friends kami. Pero, hindi ko alam kung bakit nagawa pa rin niya ito sa akin,” sabi pa ni Sachie.

May instance pa raw na nahuli niya sa bahay ng kanyang ex-boyfriend si Iwa. Nang dumating daw siya, biglang nagtago sa kuwarto ang young actress.

“Kinatok ko siya, sabi ko, ‘lumabas ka riyan, huwag kang magtago riyan dahil hindi kita uupakan,’ pero hindi siya talaga lumabas. Umiyak na lang ako nu’n sa mama ng ex-bf ko,” kuwento pa ng Viva Hot Babe.

Nito lang daw Enero nangyari ang lahat at ngayong wala na sila ng boyfriend niya, nababalitaan niyang lantaran na ang relasyon nito kay Iwa.

Unti-unti na raw siyang nakakapag-move on at ang message niya kay Iwa, “Sana maging masaya siya, pero hindi niya puwedeng sabihin sa akin na break na kami dahil kahit kami pa, nandiyan ’yung nagte-text kayo, so, what goes around comes around, ’yun lang ang masasabi ko sa kanya.”

Hindi raw siya magtataka kung i-deny ni Iwa lahat ito.

“Ide-deny niya talaga, dahil siyempre, bait-baitan siya, eh,” say pa ni Sachie.

So, ahas ba ang tingin niya kay Iwa?

“Hindi, anaconda,” sagot ng Viva Hot Babe.

Si Sachie, sa mga hindi pa nakakikita, ay kahawig ni Iwa in person, lalo na ang matang mala-Haponesa at ang pouting lips.

Samantala, sa Pinoy Kamasutra 2, may breast exposure si Sachie at love scene with Myles Hernandez na siyang bida ng nasabing video. Kasama rin dito ang isa pang Viva Hot Babe na si Hazel Cabrera.

Matatandaang ang Pinoy Kamasutra 1 ay pinagbidahan ni Katya Santos.

Mabibili na ang Pinoy Kamasutra 2 sa video stores. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites