<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 16, 2008

Angelika dela Cruz updates

Gustong linawin ni Angelika dela Cruz na kaya siya lumipat ulit ng GMA mula sa ABS-CBN ay dahil ayaw niyang tumanggap ng mga kontrabida roles.

Kung totoo raw ‘yun, eh, bakit tinanggap niya ang teleseryeng Babangon Ako’t Dudurugin Kita kung saan bida-kontrabida ang role niya?

Isa siya sa magpapahirap sa buhay ni Yasmien Kurdi sa istorya habang nakipagsabwatan siya sa ex-huband nito na si Marvin Agustin.

Kaya raw siya bumalik sa GMA ay dahil may assurance kasi dito na may kapalit na trabaho ka kaagad kung sakaling natapos na ‘yung project na ginagawa mo.

Hindi raw tulad noon sa ABS na wala siyang network contract kaya naghihintay pa siya ng bagong proyekto kung sakaling natapos na ang current show niya.

Ayaw na niyang ung-katin pa ang dahilan kung bakit siya umalis in the first place noon sa GMA para pumunta sa ABS-CBN but definitely hindi raw si Sunshine Dizon ang dahilan. Kung matatandaan kasi may malaki silang feud noon ni Sunshine na pinagpiyestahan ng husto ng press noon.

What’s interesting here is hindi pa pala sila nagkikita at nagkakausap ni Sunshine buhat nang bumalik siya sa GMA. Huwag na raw buhayin ang isyu sa kanila ni Shine at willing naman siyang makatrabaho ito ulit.

Bago siya lumipat ng ABS-CBN noon ay siya ang bida ng sarili niyang mga teleseryeng Ikaw Lang Ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka na umabot ng ilang taon bago matapos. Hindi tulad ng mga teleserye ngayon na natatapos na kagad after 3 or 6 months.

Kung hindi kaya siya lumipat sa ABS noon malamang na siya pa rin ang bida ng teleserye ngayon imbes na support lang siya. “Naku, ayoko nang isipin pa ang mga ‘what ifs?’ Basta ang importante masaya ako ngayon sa GMA at hindi nila ako pababayaan.” Very well said! [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites