<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 06, 2008

Annabelle Rama hinamon at sinumbatan si Lolit

MATALIM ang mga binitawang salita ni Annabelle Rama patungkol kay Lolit Solis bilang ganti umano sa mga “below-the-belt” na sinabi nito tungkol sa anak niyang si Ruffa Gutierrez.

Sa interview ng TV Patrol World sa ABS-CBN kagabi, mariing hinamon ni Tita Annabel si ’Nay Lolit na, “Lolit Solis, kung matapang ka, magharap tayong dalawa, anong oras, saang lugar, hindi kita uurungan, ’Day!”

Mahal daw niya ang talent manager at nirerespeto dahil nga magkaibigan sila for 30 years, pero hindi niya hahayaang kantiin nito ang anak na si Ruffa. Binalewala rin daw ni ’Nay Lolit ang pagkakaibigan nila dahil “sa isang Lani Mercado.”

Hindi lang daw si Ruffa ang tinamaan ng foul reaksyon ni ’Nay Lolit, kundi pati na ang mga apo niya.

Maging si Ruffa, hindi nakaligtas sa galit ni Tita Annabelle. Aniya, “That’s what she gets sa pagiging plastic, lahat binabati!”

Bilang manager at kaibigan, si ’Nay Lolit ang dumedepensa kay Lani sa kontrobersiya ng “isnaban” incident nila ni Ruffa sa lamay ng ina ni Ethel Ramos kamakailan.

Nag-react si ’Nay Lolit matapos mag-emote si Ruffa sa The Buzz nu’ng Linggo, kung saan sinabi nitong naiwan sa mid-air ang kanyang “poor perfect pouty lips” nang iwasan ni Lani ang pagbeso niya nu’ng birthday party ng GMA-7 exec na si Wilma Galvante.

Matatandaan na blind item unang lumabas ang tungkol sa insidente. Nangyari nga ito sa lamay ng nanay ni Tita Ethel, kung saan hindi na raw nag-attempt pang pansinin o batiin ni Ruffa si Lani dahil sa ginawa nitong pang-iisnab sa party ni Wilma.

Hanggang sa pangalanan na nga sila sa iba’t ibang showbiz columns at kumpirmahin ni Ruffa ang bali-balita sa The Buzz.

Dialogue pa ng aktres-beauty queen, sa laking “damulag” niyang ’yon, imposibleng hindi siya nakita ni Lani. Hindi rin daw malinaw kay Ruffa kung ano ang dahilan ng pang-iisnab sa kanya ni Lani.

Matapos ang litanyang iyon sa The Buzz, napabalitang kinausap ni Tita Annabelle si Sen. Bong para pagsabihan nito si Lani na magkaroon naman ng PR.

Si Lolit naman, dahil manager nga ng mag-asawang Revilla, dumepensa sa ayaw mag-react na si Lani.

Kung well-meaning friends ang tatanungin, naniniwala silang makabubuti ang panandaliang pag-alis nina Sen. Bong at Lani para kahit paano’y lumamig ang kontrobersiya.

Vocal naman si Sen. Bong na nalulungkot siya sa kinahinatnan ng mga pangyayari at nakiusap pa sa mga kaibigan na huwag nang palakihin ang isyu.

Kagabi umalis ang mag-asawa papuntang Amerika. Isa kasi si Sen. Bong sa mga Pinoy artist na pararangalan ng NuVision Worldwide Media, isang Hollywood-based Pinoy multi-media company.

Tatanggapin ang actor-politician ang 2008 Filipino-American Vision Award for Courage and Honor sa First Annual Filipino-American Vision Awards, na idaraos sa March 7 sa prestihiyosong Kodak Theatre, venue ng malalaking Hollywood events tulad ng Oscars.

Kung hindi kami nagkakamali, bukod kay Sen. Bong, tatanggap din ng award mula sa NuVision ang ama niyang si Sen. Ramon Sr., Dolphy, Tito, Vic & Joey ng Eat Bulaga, Rudy Fernandez, Mike Enriquez ng GMA-7, Charo Santos-Concio ng ABS-CBN 2, Black Eyed Peas member Allan “Apl de Ap” Pineda, People’s Champ Manny Pacquiao, at marami pang iba.

Bibigyan din daw ng “remembrance award” ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Anyway, ilang araw lang mawawala sina Sen. Bong at Lani dahil kailangang bumalik agad ang huli para sa trabaho sa Senado.

Who knows, sa maikling panahon na ’yon, maayos na ang mga dapat ayusin sa pagitan nila at ng partido ni Ruffa, ’di ba? [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites