<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 09, 2008

Bukol ni Dingdong Dantes, bakat na bakat sa Bench Body pictorial

MAINIT ang naging pagtanggap ng publiko kay Dingdong Dantes bilang pinakabagong mukha ng Bench Body.

Kahapon ng hapon ginanap ang mataong launch sa Activity Center ng Trinoma, na dinaluhan din ng ilang celebrity, kabilang na ang TV host na si Regine Tolentino at socialite-Celebrity Duets grand winner na si Tessie Prieto-Valdez.

Ang huli ang nagsilbing host ng event. Siyempre, naroon din ang may-ari ng Bench na si Ben Chan.

Alam na alam ng press kung si Dingdong na ang sasalang sa mini-fashion show na isinagawa, dahil sa lakas ng tilian ng mga kababaihan sa crowd – mapabata man o matanda.

Gusto na naming maniwala na malaki ang naitulong ng papel niya bilang Sergio sa top-rating teleserye na Marimar sa GMA-7 para maging ganu’n siya ka-popular sa crowd.

Anyway, wholesome ang ginawang pagrampa ng BF ni Karylle kahapon, kabaligtaran ng pictorial niya para sa Bench Body, kung saan litaw na litaw ang lahat ng klase ng bukol sa kanyang katawan.

In fairness, very impressive ang mga litrato ni Dingdong, dahil talagang kakaiba at napaka-daring.

Ang dinig namin, tame ang naging participation ng actor sa mini-fashion show-launch dahil kumbaga, prelude lamang ito sa gagawin niyang pagrampa sa taunan at malakihang Bench fashion show sa Hulyo, kung saan inaasahang mas magpapakita siya ng “skin.”

Samantala, dahil papasok na sa huling linggo ang Marimar nina Dingdong at Marian, magkakaroon ng Ang Pasasalamat, the Marimar Special ngayong Linggo pagkatapos ng SOP.

Ang nasabing special ay magpapakita ng behind-the-scene footages at interview sa cast. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites