<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 02, 2008

Ciara Sotto to sing National Anthem in Pacquiao-Marquez rematch

SOLVED na ang problema ng pinagsanib na puwersa ng GMA Network at Solar Sports kahapon dahil napili na kung sino ang kakanta ng Pambansang Awit sa Pacquiao-Marquez rematch sa darating na March 16.

Sa isang text message na ipinadala ng isang GMA-7 executive sa press, sinabi nitong aprub sa People’s Champ na si Manny Pacquiao ang pagkakapili ng Siyete kay Ciara Sotto.

Matagal nang based sa Las Vegas ang dalaga nina dating Senador Tito Sotto at Helen Gamboa, kaya marahil ay isa ito sa mga naging primary consideration.

Samantala, isang singer ang nakapagkuwento sa Tonight na minsan na rin siyang inalok ng kampo ni Pacquiao na umawit ng Lupang Hinirang sa isa sa mga naging laban nito abroad.

Ang problema nga lang, siya raw ang dapat sumagot sa pamasahe niya sa eroplano.

“Kesa gastusin ko sa pamasahe, sa mga anak ko na lang, ’di ba?” casual na banggit pa ng singer sa amin.

Pero, in fairness daw, maganda at rare na pagkakataon ang mapiling kumanta sa isang boxing match dahil halos buong mundo’y nakatutok dito.

Anyway, ang Pacquiao-Marquez rematch ay tinaguriang Pacquiao-Marquez 2: Unfinished Business.

Ito’y mapapanood nang live sa GMA-7 mula sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, alas-10 ng umaga.

Ang radio group ng GMA Network -- Super Radyo DZBB, Barangay LS-FM, at ang lahat ng RGMA radio stations sa buong bansa -- ay magbibigay ng live blow-by-blow account ng pinakaaabangang laban. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites