<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 29, 2008

Cogie Domingo walang trabaho si Cogie sa GMA 7

Dumating na kahapon ng madaling-araw mula sa halos tatlong linggo niyang bakasyon sa Amerika si Major Jude Estrada, Sa kanilang bahay sa Los Angeles siya nagtagal, dun din pansamantalang nakatira ngayon ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, kinukumpleto pa ni Daboy ang bagong proseso ng ga­mutan sa Amerika bago umuwi dito ang mag-asawa.

Sinuportahan din ni Jude ang kanyang kaibigang si Manny Pacquiao sa laban nito sa Mandalay Bay sa Las Vegas, magkakasama sila nina Jayke Joson, Cogie Domingo, Jonjie Martinez at iba pa naming mga kaibigang dun na naninirahan sa Amerika sa panonood ng matagumpay na laban ni Pacman.

Sa susunod na linggo pa uuwi si Cogie, nasa Lancaster ito ngayon ka­sama ang kanyang inang si Mommy Zennie, nung laban ni Pacman ay nagkita-kita pala ang mga ehekutibo ng Siyete at si Cogie sa Mandalay Bay.

Sabi raw ni Tita Wilma Galvante sa isang kasama nito, “Bigyan mo naman ng project si Cogie!” Oo raw naman ang sagot ng kausap ng bossing ng Siyete.

Nanghihinayang kami para kay Cogie, magaling itong umarte at kung kaguwapuhan naman ang pag-uusapan ay hindi ito magpapahuli, pero nilampasan na nga ito mga artistang kailan lang dumating sa network.

Maganda ang katawan ngayon ni Cogie, yun ang resulta ng kanyang pagdyi-gym, kahit si Senator Jinggoy Estrada nung magkasama sila sa LA ay nagtanong sa amin kung bakit daw walang trabaho si Cogie sa Siyete?

Sa totoo lang naman kami palagi, kaya ang balik-tanong namin sa senador, kailangang si Cogie ang kanyang tanungin kung bakit nga ba?

Basta nasa Amerika sina Senador Jinggoy at Jude at nasa Amerika rin si Cogie ay madalas silang magkakasama, tatawag sila sa amin kung kailan nakaere kami sa Showbiz Mismo, para lang mang-inggit na kumakain daw sila sa paborito naming Korean restaurant sa Los Angeles.

Gustong magpasalamat ni Major Jude kay Dr. Jun Berberabe, na puwedeng tumakbong mayor ng Las Vegas sa ganda ng pakikisama nito sa mga kapwa nating Pinoy dun, pero sa Batangas na nagki-clinic ngayon ang doktor dahil nandito na ang kanyang pamilya (si Dra. Jolet at ang kanilang kambal na anak), dahil sa masarap na pag-aasikaso sa kanilang grupo ng mabait na doktor. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites