<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, March 07, 2008

Cristine Reyes hindi na rin aalis sa GMA-7

DINAGSA ng movie press ang premiere night ng pelikulang Ate ni Ara Mina kasi curious silang malaman kung gaano ba kaganda ang first venture ni Ara bilang isang indie movie producer.

Hindi naman na-disappoint ang showbiz reporters na nanood kasi buo ang istorya nito at marami ang naka-relate sa conflict ng magkapatid na Ara at Cristine Reyes sa movie.

Revelation si Cristine sa Ate kasi naipakita niya kung gaano siya kagaling umarte. Humanga ang press na nanood sa ginawa niyang restrain acting.

Hindi talaga siya nagpatalbog sa ate niyang si Ara sa confrontation scenes nila.

Samantala, totoo pala ang tsika ni Direk Lore Reyes na super flawless si Paolo Paraiso. Ang kinis at ang puti ng balat niya at ni wala itong kabalbun-balbon at tattoo sa katawan. Super-bukol din siya sa suot niyang black bikini briefs sa love scene nila ni Ara.

‘Yun nga lang, hindi bagay sa kanya ang papel na asawa ni Ara, kasi bagets ang hitsura niya.

Kahit pagsuotin pa siya ng salamin ay lumilitaw pa rin ang pagkabata ng mukha niya sa screen.

Mas bagay na gumanap na asawa ni Ara si Ian Veneracion na siya namang past BF ni Ara sa istorya.

Hindi naman bumagay kay Jan Marini ang role na best friend ni Cristine.
Halatang matanda na si Jan sa screen at hindi na siya uubra bilang classmate ni Cristine. Sa katunayan ay nagmukha lang siyang yaya ng younger sis ni Ara.

Dapat ay si Jade Lopez na lang ang ginawang best friend-classmate ni Cristine dahil magkasing-age sila.

Showing na ang Ate exclusively sa lahat ng SM Cinemas sa Metro Manila and soon sa SM Cinemas sa mga probinsya.

Kuntento naman si Ara sa result ng kanyang first production at hindi malayong mag-produce siya ulit.
* * *
NAKAUSAP nga pala namin ang handler ni Cristine Reyes sa premiere night ng Ate at siya ang nagbalita sa amin na nagdesisyun na raw na manatili si Cristine sa GMA-7. Natapos na raw ang meeting ni Cristine with the Kapuso execs at napag-usapan na bibigyan ng sariling teleserye ang aktres.

As of now daw ay naghahanap pa ang mga ito ng right vehicle para kay Cristine.
So, ang ibig bang sabihin nito ay hindi na talaga matutuloy ang pagbida ni Cristine sa isang bagong soap din s a ABS-CBN?

Ano ba talaga, ate? [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites