<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, March 28, 2008

Dingdong Dantes pinagsasabihan si Marian

Pumirma si Dingdong Dantes ng three-year contract sa GMA Films nu’ng Miyerkules. Doon in-announce ni GMA Films president Annette Gozon-Abrogar na gagawin nila ang pelikula ni Dingdong kasama sina Marian Rivera at Iza Calzado.
Isang romance-drama ang gagawin nila at target nila ang August playdate dahil iyun ang buwan ng birthday ng tatlong bida.

Bagong gupit nga­yon si Dingdong para iba ang look niya sa Dyesebel na malapit nang magsimula.

Sa contract-signing, ipinagtanggol ni Dingdong si Marian na madalas ay nasasangkot sa mga negatibong intriga.

Hindi naniniwala ang aktor na nagbago na ang ugali ni Marian at naging talakera ito.

Hindi raw nagbago si Marian magmula nang magsama sila sa Marimar. Laging pinagsasabihan na lang daw niya ang aktres na ang mga ganitong paninira ay kasama sa pag-angat ng career.

Hindi nag-comment si Dingdong tungkol sa napabalitang boyfriend ni Marian na si Ervic Vijandre. Hindi raw nila napag-uusapan ni Marian ang mga ganu’ng perso­nal na bagay.

Hindi rin niya masagot ang tanong namin kung ano ang naramdaman niyang parang halos magkamukha sila ni Ervic.

Hindi pa raw niya nakikita o nakilala ito kaya wala siyang masasabi.

Nang ipinakita ko kay Dingdong ang litrato ni Ervic, hindi na siya nagsalita. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites