<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 27, 2008

Iwa Moto updates

Nagulat si Iwa Moto sa pagka-link kay Mark Herras, dahil alam ng actor na may bago siyang boyfriend. Saka, “kuya” at “ate” ang tawagan nila ng kapareha sa Joaquin Bordado at nang malamang may bf siya, pinayuhan pang mag-iingat para hindi na uli masaktan.

Si Mickey o Micket Ablan na apo ni Congressman Ablan ang syota ni Iwa at dahilan nang galit sa kanya ni Viva Hot Babe Sachi Sanders. Pero, sabi ni Iwa, more than two weeks pa lang niyang bf ang lalake, kaya premature ang pang-aaway sa kanya ng ex nito at lalong hindi niya ito inagaw, dahil niligawan siya nang break na sila.

Ang feeling ba niya ginamit siya ni Sachi nang akusahang nang-agaw ng boyfriend?

“Hindi ko alam. Hayaan mo siya at kung gusto niya akong gamitin, bahala siya. Gusto niya tulungan ko pa siyang mag-promote ng video niya. Ang sa akin lang, ‘wag akong awayin, mabait ako sa lahat ng tao, ‘wag mo lang akong pakikialaman.”

Ten years her senior ang bf ni Iwa at may anak sa ibang babae at tanggap niya ito. Family friend niya ito’t close friend niya ang sister nito at naging daan para sila’y magkakilala. May kaya ang guy at owner ang family nito ng isang school at resto (Balkonahe) sa Baguio at may-ari rin ng Carlo’s Pizza sa Tagaytay.

Samantala, hiyang-hiya si Iwa kay Robin Padilla nang kunan ang kissing scene nila sa JB, dahil hindi ini-expect na makakahalikan niya ito. Tense raw siya nang kunan ang eksena at kung puwede lang, palitan ang mukha nito. Aliw ang sagot ni Iwa sa biro ng press na karibal niya si Yasmien Kurdi sa actor.

“Singer siya, baka ma-win niya ang heart ni Robin pag kinantahan niya,” sabi ni Iwa. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites