<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 19, 2008

Kapuso stars humataw sa Davao

ALAS Diyes ng umaga pa lang noong Sabado (March 15) ay naging abala na sa paghahanda ang mga bituin ng GMA-7 para magbigay ng ‘blessings’ sa mga taga-Davao sa Hataw Dabaw event ngayong taon ng naturang lungsod.

Sa BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) ginanap ang ‘gift-giving’ sa pangangasiwa ng DSWD. Tuwang-tuwa ang mga nakatanggap ng regalo mula sa mga bituin ng Siyete, pero higit ang kanilang kaligayahan dahil nakasalamuha nila in person ang kanilang mga iniidolong artista sa telebisyon at pelikula nang araw na ‘yun.

Pagkatapos ng gift-giving ay nagtungo naman ang Kapuso stars sa NCCC mall para magbigay ng entertainment numbers sa harap ng kanilang libu-libong fans. Hiyawan sa katuwaan ang fans sa ipinakitang performances ng kanilang mga hinaha-ngaang bituin.

Sa tuwing matatapos ang number ng isang bituin, hugos ang mga tao papunta sa kanilang iniidolo para magpa-picture taking.

Mga kabataan, matatanda, lalaki at babae, ay hindi napigilan ang kanilang sarili sa paghiyaw sa paghanga sa kanilang tinitingalang mga bituin na kinabibilangan nina Iza Calzado, Alfred Vargas, Mark Herras, Ehra Madrigal, Mark Anthony Fernandez, ang mga komedyanteng sina John Feir at Pekto Nacua, at iba pa.

Sa backstage nang makapanayam namin sina Iza, Ehra, Alfred, Mark Anthony at Mark Herras, si-nabi nilang kung ano ang kaligayahang nararamdaman ng kanilang mga fans ganundin ang kanilang napi-feel.

“Papaano naman, sobrang warm ang kanilang pagtanggap sa amin,” wika ni Ehra. “Makita ko lang ang excitement ng mga tao, feel na feel kong malaking star na rin ako.” Sabay tawang bigay na bigay ni Ehra.

Samantala, ibinalita sa amin ni Mark H na tuloy na tuloy na ang pagiging ninong niya ng isisilang na sanggol ni Jennylyn Mercado. Sa isyung galit sa kanya si Patrick Garcia, ama ng ipinagbubuntis ni Jennylyn, ibinulalas ng young actor ang sama ng loob niya rito.

“Ako na nga ang gustong makatulong, ako pa ang masama,” saad ni Mark H.

Ang galit diumano ni Patrick sa kanya ay nagsimula noong mabalitang siya ang nagbibigay ng pagkain kay Jennylyn.

“Isang beses ko lang namang ginawa ‘yun. Although kung magkakaroon ako ng pagkakataong makapagbigay ulit ng anumang tulong kay Jen, gagawin ko kahit ano pa ang sabihin ni Patrick,” ayon pa sa young actor.

Eh, kung umabot sa puntong magkakaroon kayo ng encounter ni Patrick dahil sa pagtulong mo kay Jennylyn, papatulan mo ba siya? Tanong namin.

“Handa ako sa anumang mangyayari. At hindi ko siya (Patrick) iiwasan,” mariing sagot ni Mark H.

Mabuti na lang at tinawag na si Mark para sa kanyang number kung hindi, baka kung ano pa ang maibulalas niya sa amin.

Nang makausap naman namin si Iza, ibinalita ni-yang mataas ang ratings ng kanyang pinangunguna-hang programa sa GMA-7 titled E.S.P. Ikinuwento rin niyang hirap siya sa role na kanyang ginagampanan sa Joaquin Burdado. Mother kasi ang papel sa maakas-yong telenobelang ito ng Kapuso network ni Iza.

“Imagine, kailangang mai-project ko talaga ang feeling ng isang inang nawawala ang pinakamamahal na anak. At hindi ko pa naman nararanasan ang maging ina, so total stranger talaga sa akin ang nararamdaman ng isang nagmamahal at nag-aalalang mother,” wika ni Iza.

Huminga ng malalim si Iza sabay pahabol ng: “Anyway, sabi nila convincing naman daw akong mother.” Sabay tawa.

Si Alfred naman, sabi niya tungkol sa kanyang bagong telenobelang Dyesebel nang makausap namin: “Ito ang pinaka-challenging role ko ever. Imagine isda ako rito, isang merman (mermaid kung sa babae) na mayroong mahabang buntot ng fish. Mahirap, pero enjoy ako. Suggestion ko nga sa aming direktor, para maging mas may tatak ang role ko, dapat labas ang pubic hair ko sa suot kong buntot. ‘Yun bang ang seam ng kunwari ay buntot ko ay halos abot lang sa aking puwet.

Matapos ang panayam namin, aming nilibot ang NCCC mall kung kaya nasaksihan namin ang lalong dumaraming taong gustong makapanood sa kanilang mga hinahangaang bituin.

Pero, hindi lang Kapuso stars ang nagpakitang-gilas nang hapong ‘yun. Pati ang local talents ay nagbi-gay din ng kasiyahan sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites